Timeless [MPREG]✓

By yllanzariin

88.9K 4.9K 317

[HELLO! LET ME REMIND YOU THAT THIS STORY CONTAINS BOYS LOVE (stories/relationships between male characters)... More

Timeless I: SYNOPSIS
Timeless I: 01
Timeless I: 02
Timeless I: 03
Timeless I: 04
Timeless I: 06
Timeless I: 07
Timeless I: 08
Timeless I: 09
Timeless I: 10
Timeless I: 11
Timeless I: 12
Timeless I: 13
Timeless II: 01
Timeless II: 02
Timeless II: 03
Timeless II: 04
Timeless II: 05
Timeless II: 06
Timeless II: 07 - Part I
Timeless II: 07 - Part 02
Timeless II: 08
Timeless II: 09
Timeless II: 10
SPECIAL CHAPTER
Timeless II: 11
TIMELESS II: 12 - Part I
AUTHOR
SPECIAL CHAPTER
TIMELESS II: 12 - Part II
SPECIAL CHAPTER
Timeless II: 12 Part 3
TIMELESS II: 13
Hindi update! [Nov. 09, 2021]
TIMELESS II: 14 Part 01
TIMELESS II: 14 Part 02
TIMELESS II: 15
Timeless II: 16 Part 1
- [02-18-22]
Timeless II: 16 Part 02
TIMELESS II: 17
SPECIAL CHAPTER
TIMELESS II: 18
TIMELESS II: 19
TIMELESS II: 20
TIMELESS II: 21 Part 1
TIMELESS II: 22
TIMELESS II: Epilogue
[04-10-24]

Timeless I: 05

2.3K 154 9
By yllanzariin

Kit's Point Of View

NAPANGITI naman akong nakatanaw sa lalaking pumasok sa pinto. "Rui!" tawag ko sa kaniya habang kumakaway pa pero hindi man lang niya ako pinansin.

Na-reject na naman ako?

Umagang-umaga na-reject ako, walang magandang mangyayari sa araw na ito, panigurado.

Nagsimula na ang unang subject at lutang na naman ako. Kahit anong pagpopokus ko ay hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi ng guro dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano maging kaibigan si Rui.

"Excuse me, Sir, can I talk to Kit?" Pagkarinig ko pa lang sa boses na nanggagaling sa pinto ay biglang tumigil ang paghinga ko saglit at ayokong tumingin. Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na. Ang malumanay na boses ng isang lalaking pinagtulukan ako papalayo.

"Mr. Perez?"

Napaangat ako ng ulo saka ngumiti nang pilit kay Sir Philosophy pero nakayuko akong tumayo nang pumayag ang guro.

Bakit siya pumunta rito?

"Bakit ka nandito?" direktang tanong ko sa lalaki na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin-ang lalaking minahal ko pero binitiwan ako.

Ilang taon na ang lumipas pero dala-dala ko pa rin ang sakit. Napangiti ako nang mapakla.

"Pinapauwi ka na-"

"Hindi ako uuwi!" mariing sabi ko kaya napailing na lang siya.

"Pumunta ako rito para pauwiin ka pero ayaw mong umuwi?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi ko naman sinabi na puntahan mo ako rito para kunin ako," iritang sabi ko sa kaniya. Kung wala lang kami sa classroom ay sisigawan ko talaga siya.

Hinila naman niya ako pababa kaya nagpatangay na lang ako at huminto kami sa likod ng faculty room 1.

"Umuwi ka na-"

"Hindi ako uuwi!" galit na sigaw ko kaya napasambunot na lang siya sa buhok niya.

Hindi naman siguro maririnig ng mga teachers ang sigawan namin saka parang wala naman ang mga ito dahil class hour pa naman kaya okay lang na sigawan ko siya.

"Umuwi ka na!" galit na turan niya pero napa-smirk na lang ako dahilan para kwelyuhan niya ako.

Napangiti naman ako. "Ikaw ang umuwi. Kontento at payapa na ang buhay ko."

"Dahil ba sa kumalat na video roon kaya ayaw mong umuwi?" singhal niya sa akin dahilan para mapaestatwa ako.

Ang masamang karanasan na binaon ko na sa kinailaliman ng puso ko na muling binuhay ng taong nasa harapan ko.

Nanghihina ako. Nawalan ako bigla ng lakas. Binitiwan niya ako kaya napaupo ako sa lupa.

"Dalawang taon na ang nakalipas ngunit ganiyan ka pa rin?" bulyaw niya saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay ko pero nakatitig lang ako sa lupa.

Ayokong maalala pa 'yon. Nakalimutan ko na. Tama, kinalimutan ko na!

"Hinahanap ka na ng mga magulang po saka nakalimutan na ng mga tao roon ang kalaswahan na iyon-"

Isang malakas na tunog ang inilabas nang lumapat ang palad ko sa pisngi niya kaya namumula niya itong hinawakan.

"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko!" sigaw ko sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa mga braso niya. "Walang-wala!"

Itinulak naman niya ako ng malakas sa pader kaya napadaing ako. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Anong hindi ko alam?" Halos umalingaw-ngaw ang boses niya dahil sa lakas nito saka mahigpit akong sinakal. "Nasaktan din ako nang malaman ko ang katotohanan!"

Mapait naman akong napatawa sa sinabi niya saka pinilit na magsalita, "Y-you pushed me away when you heard t-that issue!"

Nahihirapan na akong magsalita, hindi ko na rin alam kung paano ako hihinga dahil sa pagsasakal niya.

"B-bitiwan mo ako-" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay napasalampak na sa lupa si Paul. Napangiwi na lang ako ng makaramdam ako ng sakit nang hawakan ko ang leeg ko.

"Sino ka ba?" bulyaw ni Paul kay Rui na ngayon ay masamang nakatingin sa kaniya.

"You don't have the right to know me," malamig na pagkakariing sabi ni Rui kay Paul saka sinuntok na naman ito kaya agad kong pinulupot ang dalawang kamay ko sa dibdib ni Rui.

Ano ba 'tong lalaking ito? Parang mushroom, kung saan-saan sumusulpot!

"Rui, tama na," pigil ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako masama at napasalubong nag kilay niya ng bumaba ang mga mata niya sa leeg ko kaya napaiwas ako.

Nakita ko namang tumayo si Paul saka ngumisi sa amin. "Binalikan pa kita rito tapos nakahanap ka na pala?"

"Paul-"

Tumingin naman siya kay Rui. "Ano? Kayo na ba? Ito ba ang bago mo-"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa mukha niya dahil punong-puno na ako. "Paul! Umalis ka na!" mariing taboy ko sa kaniya habang mahigpit na nakahawak kay Rui.

"Kit, hindi kita lulubayan, magiging akin ka ulit," seryosong sabi niya na nagpanginig at nagpatago sa akin sa likod ni Rui, "saka sa lalaking kasama mo, iwan mo na siya, hindi mo pa siya lubusang kilala." Narinig kong huling sabi ni Paul.

Ayoko na. Lumayo na ako, sinundan mo pa talaga ako?

Gusto ko 'yang isigaw pero ayoko na, wala na akong lakas. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, napabitiw naman ako kay Rui saka pinunasan ang mga luha ko saka ngumiti sa kaniya.

"Salamat-"

"Stop smiling."

Rui's Point Of View

"Stop smiling," saway ko sa kaniya kaya naman ay napatawa siya ng pilit. "Stop pretending to be happy."

Nawala bigla ang ngiti niya saka yumuko at humihikbi na.

This is the first time I saw a person crying in front of me. I don't know what to do but parang may sariling utak ang mga kamay ko at bigla kong pinulupot sa katawan niya.

Hindi ko rin alam kung bakit ko siya sinundan kanina. It felt weird kapag tungkol kay Kit. Maybe because he's too strong to annoy me.

"Sorry-"

"Stop talking," bulong ko saka hinagod ang ulo niya. "Let it all out right now and forget it all tomorrow."

Ilang minuto na ang lumipas na gano'n ang posisyon namin, tahimik na nakatayong nagyayakapan. Napaatras naman ako nang humiwalay na siya sa akin.

"Sorry-" He stopped and scratched his head when he saw that I was glaring at him.

I hate it. Bakit ko ba siya kinakausap?

I was surprised when he smiled brightly. "Nakita mo pa talaga ang kadramahan ko."

"If you want to share your story, we'll skip all the morning classes." Parang nabigla naman siya sa sinabi ko at napayuko na naman. "It's okay-"

"T-two years ago, may n-nagpakalat ng scandal at isa ako sa video." Nakatitig lang sa ako sa mukha niya at kusa kong pinunasan ang mga luhang tumutulo.

Weird.

Agad ko naman kinuha ang kamay ko at inilagay ito sa likod saka tahimik na nakinig sa kaniya.

"Umalis a-ako sa probinsiya namin dahil mas mabilis pa sa k-kidlat ang pagkalat," he jokingly said but his dazzling eyes were in pain. "Tumakbo ako na para bang isang talunan."

He's like me. I ran. But even if I ran, my Dad will definitely find me.

I hugged Kit. He needs someone to lean on like me. Nasa puwesto kami na ayaw namin, na gusto namin itong takbuhan pero kusa itong humahabol at nakakasakal na ito.

"Ang... hindi katanggap-tanggap ay 'yong kaibigan ko pa talaga ang n-nagpakalat."

I clenched my fist. That's why I only trust myself.
"Isang bangungungot ang ginawa nila sa akin," utal na pagtatapat ni Kit saka mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap. "W-wala akong nagawa!"

Humigpit din ang pagkakayakap ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"Nang k-kumalat ang video... p-pinandirihan ako!"

Kit was just a victim! Ano 'to? Ramdam ko ang sakit na dinadanas ni Kit. I want to kill those bastards! I want them to suffer. Kit needs to have a justice. A justice for himself.

"Lahat-pamilya, kaibigan, at pati na rin si Paul! Wala a-akong masandalan. L-Lahat sila tinalikuran a-ako!" nanginginig na sigaw niya at nanghina na kaya sinuportahan ko siya para 'di siya bumagsak.

Damn! I want to protect him.

"From now on, you'll be now my friend," bulong ko sa tainga niya at nakita ko siyang gulat na gulat. Kahit ako ay gulat din sa sinabi ko pero paninindigan ko ito.

"Mananatili ako sa tabi mo kahit iwan ka na ng mundo."

Continue Reading

You'll Also Like

33.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
41K 2.4K 26
Ang sabi nila mahirap daw maging isang ama dahil ito ang nagiging haligi ng isang, ganun din ang pagiging ina na nagiging isang ilaw ng tahanan pero...
1M 41.5K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
3.6K 249 27
This is about racing... This is new to me because I'm not familiar in racing i hope you like this guy's.