After Five Years

By shytryfly

3K 183 47

Dati, isa lang ako sa mga estudyante ng St. James Catholic School, nakaupo sa mga upuan ng isang malaking kwa... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 1.3
Chapter 1.4
Chapter 2
Chapter 2.2
Chapter 2.3
Chapter 2.4
Chapter 2.5
Chapter 2.6
Chapter 2.7
Chapter 2.8
Chapter 2.9
Chapter 2.10
Chapter 3
Chapter 3.1.1
Chapter 3.1.2

Chapter 1.2

214 16 1
By shytryfly

Ayaw yatang magsink-in sa utak ko kung sino ang taong nasa harapan ko nang makapunta kami dito sa main gate. Tama nga ako! Hindi ko alam pero parang lumiit ang mundo para sa aming dalawa. Aaminin ko na mas lalo pa siyang gumwapo at tumangkad kaya hindi na ako magtataka kung pati sa trabaho niya ngayon ay habulin pa din sya. Minsan madedescribe mo sya na perfect sabi ng iba kasi daw matalino, gwapo, matangkad, at higit sa lahat maka-Diyos. Ideal boyfriend nga siya kung maituring ng maraming babae dati nung nasa high school pa kami pati kamo lower grades non, kilig na kilig sa kaniya. Pero sure din ako na kahit hanggang ngayon eh ganoon pa din ang environment niya dahil sa undying kagwapuhan niya.

Gusto niyo ng proof? Kasi dati nung nasa high school pa kami he was nominated as our candidate for Mr. PISA. Alam ko he hesitated to join but eventually na papayag din sya dahil dagdag grades din yon. He won the title "Mr. PISA" for District and Provincial Level. Siguro next time ko na lang sa inyo ikwekwento yon dahil nagiging blangko at hindi talaga ako makapagfocus kapag malapit lang ako sa existence niya.

Wala akong magawa ngayon, ni magsalita at lumunok ay hindi ko magawa dahil hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. Hawak pa rin ni Gavin ang kamay ko dahil nga hinatak niya ako kanina papunta sa main gate. Hindi niya ako napapansin dahil abalang-abala ang tito niya sa cellphone nito na sa nakikita ko ngayon ay mukhang siyang siya ito sa katext niya. Paano ba naman kasi pati yata tenga niya ngumingiti. Sino naman kaya ang katext nito?! Eh ano naman sa akin kung may katext siya, kami ba?!

Pinakaramdaman ko ang sarili ko sa mga oras na iyon, pinakaramdaman ko kung ano na ba talaga ang estado ko pagdating sa kanya. Nakamove na nga ba ako sa kanya?! Wala namang kami pero ewan ko ba bakit ako nagkakaganito. Halo-halong emosyon ang bumabalot sa akin ngayon. Sa punto na ito, feeling ko bumalik ako sa pagkahigh school.

Nabalik lamang ako sa wisyo ko nang narinig kong magsalita si Gavin.

"Tito, *tingin sa tito niya* this is my favorite teacher *tingin sa akin and sa tito niya* na I'm talking about po kanina. She is beautiful right?" Hawak pa rin niya ang kamay ko at wala yata siyang balak na bitawan. Hindi pa rin siya nililingon ng tito niya kahit nakailang kalabit na siya dito.

Ngunit habang abala pa ang tito niya sinamantala ko na ang aking pagkakataon na makatakas sa bingit ng aking kahihiyan. Kinausap ko muna si Gavin bago ko sya iwanan.

"Gavin, *yumuko muna ako ng magkalevel kami ni Gavin at hinawakan ko siya sa balikat* your tito is here na so Ma'am Shaze will go na because she have also another things to do. So is it okay with you if I will leave you here na with tito?" Mukha namang nalungkot siya sa sinabi ko dahil yumuko siya. Syempre hininaan ko yung boses ko para hindi ako marinig ng tito niya. Ewan ko ba bakit sobrang busy ng tito niya sa cellphone nito. Tss!

"Okay lang po teacher, Tito will fetch me naman po ulit tomorrow so magkikita pa po kayo ulit. Goodbye po teacher and see you tomorrow!" Sinabi niya sa akin ng may ngiting malaki sa kaniyang mukha.

Napakacute na bata!

At ngayon ko lang din narealize na medyo hawig nga sila ng tito niya. Kaya pala, may pinagmanahan ka naman pala Gavin.

Pero sana paglaki mo huwag kang maging masungit katulad niya.

Nagulat na lang ako ng niyakap ako ni Gavin pero agad naman akong kumalas dahil baka makita pa ako ng tito niya. Nilagay ko na sa likod niya yung bag niya at nagwave sa kanya habang binibilisan ko ang paglakad papunta sa room ng pinsan ko.

Grabe parang tumakas lahat ng dugo sa aking katawan dahil sa sobrang nerbyos na nadarama ko kanina. Medyo nakahinga na ako ng maluwag ng makalayo ako ng konti sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan pero laking pasasalamat ko sa katext niya kasi kung hindi baka nakita na niya ako.

Bago ako makapunta sa room ng pinsan ko, dadaan muna ako sa covered court tapos mga 2 steps lang nandoon ka na sa new building. Sa old building kasi ang pre-elem and elementary kaya medyo makakaramdam ka talaga ng gutom ngayon. At samahan mo pa na sa second floor pa naman yung room ni Kale, doon kasi ang classrooms ng mga grade 8.

After ng pagpanik ko sa 2 stairs na paliko liko, narating ko rin sa wakas ang room niya. Kapag kasi natapos munang akyatin ang dalawang hagdan, lilingon ka lang sa kanan tapos ayun na yung room niya.

Kumatok muna ako ng dalawang beses at binuksan ang pintuan. Alam kong si Ma'am Ely ang teacher nila ngayon dahil kabisado ko na ang schedule ni Kale. Magkasama kasi kami ni Kale sa bahay kaya lahat ng tungkol sa kaniya alam ko pati nga crush niya dito pero joke lang yon. Alam kong wala siyang crush dito sa school dahil nasa Korea ang mga crush niyan. K-popper eh, nainfluence ko kasi siya dati kaya ayan mas lumala sa akin.

"Good afternoon Ma'am Ely! Sorry po for interruption but may I excuse Kale for a while?" Nakita ko pa sana na tatayo ang mga kaklase ni Kale pati si Kale para batiin ako kaso sinenyasan ko na sila na huwag na. Kilala din naman nila ako kasi ako din minsan yung nagbabantay sa kanila kapag may mga emergency meeting ang mga junior high school teachers.

"Hello Ma'am Shaze! *sabay lapit sa akin sa may pintuan* Okay lang Ma'am. *tingin kay Kale* Kale, Ma'am Shaze is calling you." Sabi ni Ma'am Ely. Buti naman at nagtagalog siya kahit kaonti dahil minsan nanonosebleed din ako sa kaniya kapag pure english ang gamit niya. Mabait siya at sobrang kalog.

Sinara ko muna ang pinto para maipagpatuloy nila ang discussion nila dahil napakatagal lumabas ni Kale.

"Yes Ma'am." Rinig kong sabi ni Kale dahil sobrang lakas kasi ng boses niya. Minsan nakakainggit din ang kalakasan ng boses niya pero minsan nakakabuwisit din lalo na kapag kami lang dalawa sa bahay.

Mula dito sa room ng pinsan ko ay tanaw na tanaw ko pa rin ang magtito na masayang tinatahak ang daan papalabas ng SJCS siguro nakipagkwentuhan pa si Kuya Guard sa kaniya, sabik kasi si Kuya Guard sa mga alumni na katulad namin. Kami lang daw kasi makakaintindi sa kanya dahil parang mas malala daw ang batch na mga student na ito kaysa sa amin. Nakita ko na magkahawak pa sila ng kamay at sa nakikita ko kay Gavin, miss na miss at excited talaga siya sa pagdating ng tito niya. Pero yung tito na sobrang busy sa phone kanina ay hindi man lang naalala na hindi pa siya kumakain ng lunch. Hay!

Hindi ko na sila nasilayan na umalis dahil sa wakas lumabas din ang nag-iisang Kale.

Her name is Andie Kale Sertew. She is like my real younger sister dahil simula nung pinanganak siya, nandoon na ako sa tabi niya and simula noong nagkaisip siya, para siyang buntot ko dahil ayaw na niyang umalis sa tabi ko. Siya nga rin ang nagconvince sa akin na dito na lang mag-trabaho para daw magkasama kami.

"Ate bakit ba nang-iistorbo ka hah? *sabay irap sa akin pero nakangiti* nag-aaral ako ng mabuti dito eh tapos eexcuse mo ako" Sabi niya na akala mo naman ikinaganda niya ang pag-irap niya sa akin. Umiirap pero nakangiti, paano naman ako masisindak non?

Pero nag-aaral ng mabuti? Tama ba ang narinig ko? Ah nag-aaral ng mabuti pala hah?!

"Okay sige, sasabihin ko kay Ma'am Min na gusto mong sumali sa Science Quiz Bee par---" Aalis na sana ako para puntahan si Ma'am Min sa baba, teacher nila and head ng Science. Sinasali kasi siya doon kasi mahilig siya sa Science and minsan after niya manuod ng K-pop ay uubusin naman niya lahat ng oras niya sa pagbabasa na related sa Science. She does those things whenever she have free time.

"Ate naman eh! Alam mo yung salitang joke kasi lahat na lang ng joke sineseryoso mo. Kaya hanggang ngayon wala ka pang boyfriend eh, ang slow mo kasi!" At diniinan niya pa ang salitang 'boyfriend'. Hay nako hindi ko na lang siya ginatungan pa at baka humaba lang ang usapan namin.

"Anyway--" Hindi pa man din ako nakakapagsalita ng maayos ay nang-inis na naman siya. Eto ba yung nag-aaral ng mabuti?!

"Highway!" Sinabi niya with matching napakalawak na ngiti. Hindi ko na pinatagal pa at sinabi ko na rin sa kaniya ang pakay ko kung bakit ako pumunta sa kaniya.

"Mauuna na akong umuwi kasi wala naman na akong gagawin, kumain ka mamayang recess mo hah o kaya kung nagtitipid ka *kuha sa bag ng snack na binigay ni Gavin* Ayan kainin mo yan. Lagot ka sa mama mo kapag hindi ka kumain." I utter to her habang siya naman mukhang nagliwanag ang mukha dahil makakalibre siya ng pagkain ngayon. Katulad ko kasi kuripot din yan. Mana sa ate eh!

"Yes Ma'am Shaze! Uwi ako mga 4:30." Sabi nito habang nakahawak na sa pinto para buksan ito at tumakas sa sermon ko.

"ABA! ANDIE KALE SERTEW! ANO---" Bago ko pa man masabi ang sasabihin ko ay nagsalita ulit sya. Napakahilig umeksena!

"Joke lang ate, ikaw naman naniniwala ka sa akin agad. Syempre uuwi ako ng maaga. *sabay cling sa braso ko* Laking takot ko lang sa iyo diba? *tingin sa akin*" Inalis ko na ang kamay niya sa braso ko at pinapasok na siya sa loob. Napakakulit kasi pero love ko pa din yan kahit ganyan siya.

Nagpaalam at nagthank you na rin ako kay Ma'am Ely para sa time na binigay niya sa akin for Kale.

Tinignan ko ang relo ko habang bumaba ako sa hagdan papuntang 1st floor. 1:30 na pala at syempre akala niyo hindi ako nagugutom no? Pero gutom na gutom na po ako kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad pero syempre nag-iingat pa rin ako dahil baka naman kasi malaglag ako, gagastos pa ako. Hindi na nga ako sinalo dati nung nalaglag ako, hindi pa ba ako matututo?!

Finally nandito na ako sa main gate, tapos na rin ako mag-out, buti na lang kamo at gumana yung fingerprint ko kasi minsan hindi sya nareread eh. Ewan ko ba bakit ganoon, problema ko din yun nung high school hanggang ngayon problema ko pa rin. Hay! Need kasi yung gawin pati yung time ng pagpasok niyo and paglabas to identify ng mas mabilis yung absentee/s or late. Katulad lang nung mga estudyante pa lang kami but the difference is, now may sahod na ako.

Lalabas na sana ako nang tawagin ako ni Kuya Guard.

"Ma'am Shaze! *snapping na naghihinayang* Sayang hindi niyo po nakita yung tito ni Gavin. Yung Mr. PISA niyo dati sa batch niyo. Mas lalong gumwapo yon ngayon." Nakataas pa ang paa niya sa may railings ng covered court at animo na parang nakatambay lang kami na nagkwekwentuhan sa kanto. Kalog kasi si Kuya eh.

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Kuya dahil napansin ko na ito mismo kanina pa. Kahit hindi siya nakatingin ay alam ko pa rin kung may nagbago ba sa kanya o wala.

"Ah ganoon po ba Kuya, eh baka po hindi na niya ako nakikilala kasi matagal na panahon na po iyon eh. Sige po mauuna na po ako." Pero nakakailang hakbang pa lang ako nang may sabihin siya na nagpalambot sa mga binti ko.

"Hindi! Eh kakasabi pa nga lang niya sa akin na kilala ka daw niya eh. Naging kaklase ka daw niya nung grade 7 hanggang grade 8. Baka ikaw ang hindi nakakaalala sa kaniya? *turo sa akin*" Hindi man ako makapaniwala na kilala niya pa ako pero sinang-ayunan ko na lang si Kuya guard.

"Ah okay po. Naaalala ko po siya. Paano naman po siyang hindi makakalimutan siguro ng mga batchmates namin eh may naimbag po sa school yon." Sabi ko habang inaalala yung mga panahon na nagprapractice pa siya para sa Mr. PISA.

"Oh sya! Gumana ba yung fingerprint mo? *sabay tingin sa kamay ko*" Habang sinasabi niya ito ay binaba naman ni Kuya ang paa niya sa railings. Nangawit siguro!

"Opo gumana po. Sige po kuya, alis na po ako." Nagnod lang siya sa akin at sinabing mag-iingat ako. Yung mga staffs and maintenance personnel dito sa SJCS ay masasabi ko na family ko na din kasi as in they really take care of you.

Now I am really thankful because I made another right decision.

Nasa labas na ako at pagkatingin ko sa orasan ko ay 2:00 PM na grabe naman pala ang pagiging late ko para sa lunch. Kung nandito kasi sila Lola sa Pilipinas at ganitong oras ako uuwi sa bahay ng hindi pa nagtatanghalian, sigurado ako na pagagalitan ako ng mga iyon.

Napagdesisyonan ko na bumili na lang ng lutong ulam para makakain na agad ako. Magsasaing na lang ako para kung may matira man sa sinaing naman mamaya, iinit na lang namin ito para sa aming hapunan.

Tumawid lang ako sa kabilang kanto papunta sa paradahan ng mga tricycle. Pagkanakalipat ka na, lalakad ka pa siguro mga 15 na lakad.

"Saan po tayo Ma'am?" Tanong sa akin ni Kuya Jet. Sa kaniya ako sumakay kasi siya yung pinagkakatiwalaan namin pamilyang sakyan kapag umaalis kami minsan.
Hindi naman kasi kami mayaman at wala naman din kaming kotse.

"Kuya Jet sa Balen po tayo tapos po diretso na po sa tulay. Salamat po!" Pagkatapos kong sabihin ito sa kaniya ay saka naman niya pinaandar ang tricycle niya.

Habang nasa biyahe kami ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Ma'am Apple:
Hello Ma'am Shaze! I am sorry if our meeting was cancelled a while ago may urgent meeting kasi ang mga department heads but I hope that you know na. Regarding sa PISA next week, I just want to ask a favor with you. Is it okay? Text back please. Thank you Ma'am and have a nice day!

Me:
Hello din po Ma'am! Okay lang po. Ano po ba yung favor niyo Ma'am Ap?

Ma'am Apple:
I know that I can count on you Ma'am Shaze ❤ Anyway, is Gavin your student po Ma'am?

Medyo hindi maganda ang kutob ko dito kasi baka si Gavin ang gagawin na Mr. PISA sa Pre-elem. May itsura kasi talaga si Gavin at cuteness overload pa. Hinding hindi siya nalalayo sa tito niya. Kapag nangyari na siya ang candidate sa Mr. PISA, patay na talaga ako!

Me:
Anytime Ma'am Ap! ❤ Yes Ma'am. Gavin Erew Gior po ba Ma'am?

Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply dahil nasa Balen na ako. Bumaba na ako ng tricycle at kinuha ang wallet at cellphone ko sa bag.

Maraming masarap na ulam pero lahat sila gusto ko kaso masama ang sobra kaya bumili na lang ako ng ginisang ampalaya. Feeling ko kasi kailangan ko kumain ng pampapula ng dugo dahil baka sa mga susunod na araw ay palagi na akong mukhang lantang gulay kapag magkakasalubong ulit ang landas naming dalawa.

Ngayon ay sumakay na ulit ako sa tricycle at pauwi na kami. Medyo mabilis lang naman ang biyahe papauwi kaya hindi na ako nag-abala pa na buksan ang cellphone ko. Malapit lang kasi ang SJCS sa bahay namin.

After 10 minutes nandito na ako sa tulay. Nagbayad na rin ako kay Kuya Jet at syempre gaya ng nakagawian namin, sinobrahan ko yung bayad sa kaniya kasi give way namin yon sa pagiging mabait niya sa amin.

Tumulay na ako sa hanging bridge at bumaba sa may kanto na may pababa sa amin. Tapos kumaliwa ako at naglakad ng konti ulit. Tumulay ako ulit sa tulay na bato at bumaba ulit pakanan naman. Lumakad ako ng lumakad at sa wakas narating ko na ang bahay namin. Hay!

Binuksan ko na ang gate ng bahay at lumakad ulit ako papunta sa may pintuan namin. Color green ito at makikita mo pa lang sa pagpasok mo ang mga halamang nakatanim sa aming harapan. Mahilig kasi kaming pamilya sa pagtatanim, pag-aalaga ng mga hayop, at minsan sila Lolo sa pangingisda naman.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay namin ay agad ko namang inilagay ang ulam na binili ko sa lalagyan at nagsaing na ako ng kanin.

Hinintay ko muna na mainin ang kanin bago ako magbihis.

Nang makita ko na inin na ang kanin ay hininaan ko na ang apoy at saka ko kinuha ang mga gamit ko para pumanik sa taas at makapagpalit ng damit.

Nang makapunta ako sa kwarto ko na katabi lang ng kwarto ni Kale ay agad akong nagbihis dahil kahit hindi halata na gutom na gutom na ako pero sa loob loob ko po talaga ay parang mamamatay na ako sa gutom. Kaya naman nagsuot na ako ng aking oversized white shirt at black paper pants. Ganyan kasi ang suotan ko sa amin, hindi kasi ako fan ng mga shorts.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain. Sumandok na ako ng kanin ko at ng ulam na binili ko.

Sa unang subo ko pa lang, mararamdaman mo na yung pait nung ampalaya pero dapat tiisin kasi healthy yon. Pero yung pagiging bitter kapag nakakakita ng couple is unhealthy para sa mga single.

Ninamnam ko lang ang pagkain na nasa harapan ko hanggang sa mabusog ako. Syempre, uminom ako ng tubig muna at inurong ko na ang pinagkainan ko.

Pumanik na ako sa itaas pagkatapos ko mag-urong at nakita ko sa wall clock ko na saktong 3 na pala. Hihiga na sana ako sa kama para magpahinga saglit nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext na naman.

Ma'am Apple:
Yes Ma'am Shaze, sorry late reply nasa meeting pa din kasi ako. We decided that you will be the trainor of our candidates for Mr. and Ms. PISA for our department. If it is okay with you again Ma'am Shaze.

Saglit muna akong nag-isip at tumingin sa kawalan.

"Well, siguro naman ako lang ang kasama ng mga bata kapag magprapractice sila and besides contribution ko na rin ito sa school. Kaya okay lang bahala na kung anong mangyayari." Sabi ko sa aking sarili.

Me:
It is an honor for me po Ma'am Ap and thank you po for entrusting me the job.

Wala pa mang ilang segundo ay nagreply na agad ito sa akin.

Ma'am Apple:
You are the best Ma'am Shaze! We will further talk about this tomorrow after our meeting. Don't forget to inform your student's parents about their schedule tomo. Thanks a lot! ❤

Me:
Copy Ma'am. Thank you Ma'am Ap!

At pagkatapos nito ay saka naman ako pumunta sa study table ko na katabi lang ng bed ko para paghandaan ang lessons namin for Reading and Writing, Science, and sa Math.

Continue Reading