In Another Life | TaeKook

By Chomikorn

14.2K 704 213

In which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Ti... More

IN ANOTHER LIFE [INTRODUCTION]
IN ANOTHER LIFE [CAST]
PROLOGUE
CHAPTER ONE: Guardians and Fateful Encounter
CHAPTER TWO: It's you
CHAPTER THREE: Some things never change
CHAPTER FOUR: Regrets
CHAPTER FIVE: Internal Battle
CHAPTER SIX: Foreign feeling
CHAPTER SEVEN: Ice Cream and Confused Hearts
CHAPTER EIGHT: Under The Pouring Rain
CHAPTER NINE: Soulmates By Heart
CHAPTER TEN: Good Friends
CHAPTER ELEVEN: Rulebreakers
CHAPTER TWELVE: A Short Trip Down Memory Lane
CHAPTER THIRTEEN: Unexpected Visitor
CHAPTER FOURTEEN: Picture Perfect
CHAPTER FIFTEEN: JK and Taetae
CHAPTER SIXTEEN: That One Unforgettable Day
CHAPTER SEVENTEEN: Where Are You Now?
CHAPTER EIGHTEEN: A Not So Ordinary Day
CHAPTER NINETEEN: Late Night Conversation
CHAPTER TWENTY: Try Something New
CHAPTER TWENTY-ONE: A Drunk Tongue Speaks A Sober Heart
CHAPTER TWENTY-THREE: Don't Hold Back
CHAPTER TWENTY-FOUR: Glimpse of the Past
CHAPTER TWENTY-FIVE: Kookie
CHAPTER TWENTY-SIX: Chaotic Feelings
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Right or Wrong
CHAPTER TWENTY-EIGHT: The Truth
CHAPTER TWENTY-NINE: His Little Guardian
CHAPTER THIRTY: Cursed
CHAPTER THIRTY-ONE: I'm Here
CHAPTER THIRTY-TWO: Dreams and Hidden Message (Part One)
CHAPTER THIRTY-THREE: Dreams and Hidden Message (Part Two)

CHAPTER TWENTY-TWO: Things are about to change

263 16 6
By Chomikorn

CHAPTER TWENTY-TWO
Things are about to change

--

"How could you easily forget about me when you're all I could think about for the past ten years?"

Hindi magawang ihakbang ni Taehyung ang mga paa niya at nanatili siyang nakatayo roon. Nilingon niya si Jungkook at nakitang nakapikit ang mga mata nito pero may maliit na ngiting gumuhit sa labi niya.

"Jungkook." huminga nang malalim si Taehyung habang iniisip kung ano ang idudugtong.

"I really want to remember you."

"Why?" parang batang tanong ni Jungkook na hanggang ngayon ay pinipilit ang sariling magising sa kabila ng matinding antok.

Nakagat ni Taehyung ang labi niya dahil maging siya ay hindi alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla siyang naging determinado na alalahanin ang binatang pasan niya sa likod ngayon. Wala naman talaga siyang pakialam sa mga nangyari sa nakaraan niya pero noong dumating si Jungkook, tila hinihila siya nito para matuklasan ang kung ano ba talaga ang nangyari noon.

"I-I don't know." bulong pa ni Taehyung matapos ang ilang sandaling katahimikan.

Mapaklang natawa si Jungkook at umiling-iling. "Noon, umaasa ako na maalala mo ako pero ngayon, hinihiling ko na sana hindi mo ako maalala."

"Bakit?"

"Because I don't want you to hate me." bulong ni Jungkook at naramdaman niya na lang ang paglandas ng luha sa mga mata niya. "I'm sorry, Tae. Pakiramdam ko ginulo ko ulit ang buhay mo dahil nagpakita ako ulit sa'yo. Sana hindi ko na lang sinabi sa'yo na kilala kita para hindi ka sana naguguluhan at nalilito ngayon."

Hindi mapakali si Taehyung lalo na noong marinig niya ang paghikbi ni Jungkook. Dahan-dahan niya itong nilapag at mabilis na hinawakan ang bewang nito bilang suporta para hindi ito matumba.

"Jungkook-"

"I'm sorry." sambit ni Jungkook at napatakip sa bibig niya. "I'm really sorry, Taehyung. Hindi ko rin naman inaasahan na makikita kita ulit at nadala lang siguro ako ng pangungulila ko sa'yo noong mga oras na 'yon."

"Why would I hate you?" naguguluhang tanong ni Taehyung. Napansin niyang nanginginig si Jungkook at tila anumang oras ay matutumba na siya kaya sinubukan niya itong pakalmahin.

Namumula at namumugto ang mga mata nito at may mahinang hikbi na kumakawala sa labi niya. Patuloy lang na umiiling si Jungkook dahil maging siya ay tila nawalan ng boses para magsalita.

"I am not what you think I am, Tae." sambit niya sa nanginginig na boses. "I know you're confused but don't worry, I will leave soon and you can pretend that we never met."

"But I don't want you to go." tugon ni Taehyung na hindi inaasahan ni Jungkook. "Why can't you just tell me what happened in the past? Who are you in my life?"

Hindi sumagot si Jungkook. Sa halip ay hinawakan niya ang pala-pulsuhan ni Taehyung at tinitigan ito sa mga mata. Napalunok naman si Taehyung at sa hindi malamang dahilan ay hindi niya maalis ang tingin dito.

"Jungkook."

"Huwag na natin pahirapan ang sarili natin, Taehyung." saad niya saka bahagyang humigpit ang paghawak kay Taehyung.

Magsasalita pa sana si Taehyung para tanungin kung ano ang ibig nitong sabihin ngunit natigilan siya nang maramdaman niyang may gumagapang na lamig sa palapulsuhan niya na hawak ni Jungkook.

May binubulong ito ngunit hindi maintindihan ni Taehyung. Sinusubukan niyang kumalas sa hawak ni Jungkook ngunit sa hindi malamang dahilan ay malakas ito at hindi man lang natitinag.

Nagsimulang sumakit ang ulo ni Taehyung at pakiramdam niya ay buong paligid niya ang umiikot. Para rin siyang nasusuka at bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Napaisip tuloy siya kung dala ba 'yon ng ininom niya kanina kahit pa kakaunti lang naman 'yon.

What the fvck is happening?

"Jungkook!"

Tila nagising siya roon at nabaling ang tingin ni Taehyung sa may hagdanan dahil sigaw na umalingawngaw sa buong bahay. Natagpuan niya si Hoseok na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Sobrang bilis ng mga pangyayari at nakita na lang ni Taehyung na hindi na hawak ni Jungkook ang palapulsuhan niya. Wala na rin iyong lamig na naramdaman niya, 'yong pagkahilo at pananakit ng ulo.

"Kookie, tama na!" pag-awat ni Hoseok nang subukan muling hawakan ni Jungkook si Taehyung. "Please, tama na."

"Hobi." mahinang tawag ni Jungkook habang pilit na inaaninag ang kaibigan niya. "Paano mo nalaman na-"

"Naramdaman ko." pabulong na sagot ni Hoseok bago hinarap si Taehyung. "Ako na ang maghahatid sa kaniya sa kwarto niya. Mabuti pa siguro at matulog ka na rin dahil talagang nakakapagod ang araw na 'to. Salamat at pasensya na sa abala, Tae." matamis na ngumiti si Hoseok bago inakay si Jungkook at nagsimula silang maglakad paakyat ng hagdan.

Sa kabilang banda, tulala lang si Taehyung at pino-proseso pa ang mga nangyari. Napatingin siya sa dinaanan nina Jungkook at bago pa man sila tuluyang maglaho sa paningin niya ay nakita niyang lumingon pa si Jungkook sa kaniya at tipid na ngumiti.

Sinuklian niya rin ito ng ngiti at binulong ang mga salita na kahit malayo na sina Jungkook ay narinig pa rin nito.

"Good night, Kookie."

Napabuntong hininga si Taehyung nang mapagtanto niyang mag-isa na lang siya saka ito dumiretso sa guest room kung saan siya matutulog. Agad siyang napahiga roon at ilang minutong nakipagtitigan sa kisame habang hindi mawala-wala sa isipan ang mga nangyari kanina.

~♡~

Nang makapasok sa kwarto ay agad na pinahiga ni Hoseok si Jungkook. Saka lang siya nakahinga nang maluwag matapos niyang maihatid sa kwarto ang kaibigan sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya dahil una, mabigat si Jungkook at mas lalong bumigat dahil halos lahat ng timbang nito ay binigay niya na kay Hoseok habang naglalakad sila kanina.

Agad na inasikaso ni Hoseok ang kaibigan hanggang mapalitan niya na ito ng mas kumportableng damit. Inayos niya rin ang unan at kumot para kahit papaano'y maging mahimbing ang tulog nito.

"Kookie." tawag ni Hoseok kay Jungkook. Kahit pa alam niyang tulog na ito at imposibleng marinig pa siya ay pinagpatuloy niya pa rin ang sasabihin niya.

"Huwag na huwag mo na uuliting magtangka na burahin ang mga ala-ala ni Taehyung." nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Alam mong hindi natin puwedeng gawin 'yon."

Nakagat niya ang labi nang maalala bigla ni Hoseok ang reaksyon niya kanina noong maramdaman niya ang presensya ng paggamit ng mahika. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tila nawala ang epekto ng alak sa kaniya nang mapagtanto niyang may binabalak na naman si Jungkook.

Halos madapa pa siya habang tumatakbo para lang mapigilan niya si Jungkook at laking pasasalamat niya naman na hindi pa huli ang lahat. Napaisip tuloy siya kung anong nagtulak kay Jungkook para gawin niya 'yon.

Ilang minuto ang nakalipas bago napagdesisyunan ni Hoseok na bumalik na sa kwarto niya. Tahimik siyang naglalakad sa hallway nang mapadaan siya sa guest room kung saan dinig na dinig niya ang boses ni Jimin na binabato ng tanong si Yoongi.

"Yoongs, may tanong pa ako!"

"Oh ano? Kung paano lumilipad ang ibon? Jimin, may pakpak sila. Matulog ka na nga."

Napailing na lang si Hoseok habang natatawa lalo na't alam niyang hindi titigilan ni Jimin si Yoongi at wala namang magagawa 'yong huli. Magpapatuloy na sana siya sa paglalakad nang marinig niya ang tanong ni Jimin.

"Do you know someone named JK?"

Halos manigas sa kinatatayuan si Hoseok at saglit siyang napasulyap sa pinto na bahagyang nakaawang. Imposibleng mali siya ng pagkakarinig dahil malinaw na malinaw ang pagkakasabi ni Jimin.

"JK? Si Jungkook? Bakit mo naman tinatanong?" tanong ni Yoongi na halatang naguguluhan.

Tumawa naman si Jimin at mahinang hinampas ang braso niya. "Sabi ko JK, hindi Jungkook. Kailangan mo na talagang matulog, Yoongs."

"Bakit mo nga naitanong?"

Napakibit balikat naman si Jimin at napahiga na sa kama. "Naitanong lang din sa akin ni Taehyung. Kaibigan niya rin yata noon. May nakikita raw siyang bata sa ala-ala niya pero hindi niya mamukhaan talaga."

Napakunot naman ang noo ni Yoongi pero hindi na siya nagtanong. Hinayaan niya na lang na tuluyang makatulog si Jimin sa kabila ng dami ng tanong na umiikot sa isipan niya.

Sa kabilang banda, nakahawak na sa pader si Hoseok bilang suporta nang maramdaman niyang nanlalambot ang tuhod niya. Sobrang bilis din ng pagtibok ng puso niya na para bang hihimatayin siya.

Sa mga oras na 'yon ay isa lang ang tumatakbo sa isip niya.

"Unti-unti na ngang naaalala ni Taehyung si Jungkook."

~♡~

Tahimik na pinagmamasdan ni Goddess Alenara mula sa balkonahe ng kwarto niya ang buong Asteria. Malalim na ang gabi at paniguradong tulog na ang mga Asterians habang siya ay gising na gising pa at tila hindi dinadalaw ng antok. Dala na rin siguro 'yon sa dami ng mga iniisip niya at hindi man lang mapayapa ang isipan niya kahit ilang segundo lang.

Naputol sa pagmumuni-muni si Goddess Alenara nang may maramdaman siyang presensya sa likod niya kasabay no'n ay nakalanghap siya ng pamilyar na amoy- lavender.

"Goddess Zianna." bati niya at nilingon ang kapatid na nakangiti na sa kaniya. Gaya niya ay nakasuot din ito ng puting gown. "Anong pakulo na naman ang naisip mo at bumisita ka rito nang alanganing oras?"

Mahinang natawa si Zianna saka naglakad palapit sa nakatatandang kapatid niya. "Nice to see you too, Ate. Drop the formalities, parang hindi mo naman ako kapatid niyan." biro pa nito na kinangiti lang ni Alenara.

Inaya niya itong uminom ng tsaa ngunit tinanggihan lang 'yon ni Zianna at sinabing ayos lang siya. Saglit silang binalot ng katahimikan habang pinapasadahan din ng tingin ni Zianna ang kaharian na hindi gaanong madilim dahil sa liwanag na binibigay ng buwan.

"Balita ko, naibalik na sa piitan si Guardian Agatha." bulong nito dahilan para lingunin siya ni Alenara.

Batid niyang may nais ipahiwatig ang kapatid kaya hinihintay niya na may idudugtong ito. 'Yon nga lang, dumaan na ang ilang minuto at hindi na nagsalita pa si Zianna.

"Kung itatanong mo kung bakit hindi ko kasama si Kookie ngayon, siguro naman alam mo na ang sagot kung bakit." ani Alenara at sinulyapan si Zianna na nakatingin na sa kaniya.

Agad na napaiwas ng tingin si Zianna sa ate niya at tumikhim. "Alam ko na kahit pa ligtas na ang buong Asteria, hindi mo siya pababalikin dito dahil may iba kang plano para sa kaniya."

Natutop ni Alenara ang bibig niya dahil alam niyang tama ang kapatid niya. Kailan ba siya nagkamali? Nakikita niya ang past at future kaya malamang inaasahan na ito ni Zianna. She's not the Goddess of Time for nothing.

"I know that look." kumento ni Zianna matapos mapansin ang tinging pinupukol sa kaniya ni Alenara. "Things are about to change and I know that you already know that."

"Zianna, kahit ngayon lang, puwede bang sabihin mo kung-" hindi maituloy-tuloy ni Alenara ang sasabihin dahil alam niyang hindi naman papayag ang kapatid niya. "Kung anong mangyayari kay Kookie?"

Saglit siyang tinitigan ni Zianna bago ito dahan-dahang umiling. "I can't. I'm sorry, ate."

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Alenara matapos marinig 'yon. Minabuti niyang ituon ang paningin sa tanawin na nasa harapan niya kahit pa ramdam niya ang tingin ni Zianna sa kaniya.

"Pagod na ako." bulong niya habang pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa mata niya. "Pagod na akong makita siyang nabibigo."

Pinagmasdan siya ni Zianna bago ito dinaluhan. Marahan niyang hinahagod ang likod ni Alenara habang tahimik itong umiiyak at kinukwestyon ang mga nangyayari kay Jungkook.

"Naisip mo na noon na ilayo siya sa kaniya pero hindi mo kaya dahil alam mo na kahit masaktan man siya, roon siya masaya." sambit ni Zianna. "Kahit pansamantala lang."

Mas lalo lamang naiyak si Alenara nang maalala niyang minsa'y pumasok nga sa isip niya 'yon pero hindi niya kayang gawin lalo na kay Jungkook.

Dahan-dahang inabot ni Zianna kay Alenara ang isang lumang papel. Ang papel na natagpuan niya sa isang baul noong mapadpad siya sa tabing ilog na katabi ng palasyo nila. Naabutan niya ang mga bata na parang may hinuhukay at 'yon pala ay naglalaro sila ng treasure hunt. Sa hindi inaasahan ay ang baul na 'yon ang nahukay nila.

Kumunot ang noo ni Alenara nang makita 'yon at binigyan siya ng nagtatanong na tingin ngunit sinenyasan lang siya nitong basahin ang nakasulat.

Tahimik 'yong binasa ni Alenara at sa ilang minuto na 'yon ay naramdaman niya lang ang pananakit ng dibdib niya. Ang bawat salitang nakasulat ay nagdudulot ng kung anong sakit sa puso niya.

"It won't be easy but I assure you, it will be worth it." ani Zianna at niyakap siya nang mahigpit.

--

AUTHOR'S NOTE:

Hello, pasensya na kung hindi ako nakapag-update nang mahigit isang buwan. :) Naging abala ako sa panonood ng mga series kaya medyo natagalan ang pag-update. Salamat sa paghihintay at sana ay na-enjoy niyo ang chapter! ♡

Stay safe everyone ♡

-C

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 283 18
AshMatt fanfic
106K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
16.4K 904 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
68.4K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...