The Mermaid is a Princess[COM...

By Nicole_Alejo

35K 1.7K 26

Paano kung magising ka nalang na wala kang maalala kahit isa? At doon ay malalaman mo na isa ka palang sikat... More

PROLOUGE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Fourty[CHAOS]
Epilogue

Chapter Thirty

633 34 0
By Nicole_Alejo

Third Person POV.

Pareparehong nagulat ang mag kakaibigan sa muling pagkikita ng mga ito.

Si Aya na matagal na nilang hinahanap ay nasa harapan nila ngayon.

May buntot din ito.

Hindi makapaniwala si Rilakkuma sa nasa harapan nya.

"R-rilakkuma" napakunot ang noo ni Rilakkuma dahil paano nito nalaman ang pangalan nya gayon at Mia lang ang pagkakakilala sa kanya ni Aya.

"A-aya isa kang serena? "

Hindi napigilang tanong ni Ann na ikinatingin sa kanya ni Aya. Hindi ito makapagsalita dahil sa gulat habang ang ibang mga mamamayan ng Mermaid Kingdom ay nakatingin sa mga ito at nag tataka. Nagtataka dahil bago lamang nila nakita ang ibang kasama ni Aya at ang napagkakamalan nilang kilalang kilala nila.

Pero ang nasa isip ni Rilakkuma ay tinawag sya nitong Mia at nabanggit nito ang salitang lolo doon lumakas ang tibok ng puso nya dahil maaring andito ang kambal nya at ang kanyang lolo.

Pero mag sasalita na sana sya ng bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog na ikinaalarma nila pero nag tataka sila kung bakit di parin umaalis palayo ang mga sereno at serena.

Pagtingin nila sa itaas ay doon lang may pagsabog na nagaganap at doon ay napagtanto nila na may Barrier iyon. Kitang kita nila kung paano may mga kakaibang nilalang ang sumusugod sa Mermaid Kingdom pero ni hindi sila makapasok. Pilit na sinisira ang barrier pero hindi nila magawa.

Tahimik lang ang paligid dahil kampante sila na hindi iyon masisira. Tumagal ng halos ilang minuto ang pag atake  pero napagod din ang mga lamang dagat na iyon at maya maya ay umalis na rin.

Walang nagsalita sa kanila dahil nag papakiramdaman ang mga ito pero maya maya ay may nakakuha ng attention nila ng may nagsasalita na papalapit sa kanila.

" Wala bang nasaktan sa inyo?! "  Malakas na sabi nito na ikinalingon nila doon. Walang sumagot sa babaeng iyon dahil lahat ng andoon ay gulat na gulat sa nakita.

Sa iisang lugar ay nakakita sila ng iisang babae lamang. Mag kamukang mag kamuka.

" M-mia " naibulong nalang ni Rilakkuma at nagsimula ng tumulo ang luha nya samantalang si Charles ay hindi na napigilan ang sarili at agad na lumangoy papunta sa dalaga at niyakap ito ng napakahigpit na ikinabigla ng dalaga o mas tamang tawagin na Mia.

"M-mia , miss na miss na kita. Mabuti at ligtas ka" sabi ni Charles dito.

"C-charles?" Gulat na sabi nito dahil kilalang kilala nito ang lalaking iyon paano nga ba nya makakalimutan ang taong mahal nya hindi ba?

Doon nag sink in sa utak ni Mia , kung andoon  si Charles ay maaring kasama nito ang mga kaibigan nila at pati narin ang kapatid nya.

Dahandahan syang lumingon sa isang gawi at doon nga ay nakita nya ang mga kaibigan nya pero ang babaeng nasalikod ang pinakang nakakuha ng attention nya ang babaeng kamukang kamuka nya at ang babaeng matagal na nyang binabantayan.

"R-rilakkuma" nasabi nito at parang naging hudyat iyon ng pagtulo din ng luha nito. Agad na humiwalay si Charles sa kanya dahil alam nitong moment ito ng mag kapatid.

Dahan dahang lumangoy papalapit si Rilakkuma kay Mia.

Habang ang mga Mamamayan ay palipat lipat ang tingin sa dalawa. Magkamukang magkamuka talaga sila mag kaiba lang ang ayos ng buhok nila si Rilakkuma kasi naka ipit ito ng mataas at may mga ibang parte na nakalaglag samantalang si Mia naman ay nakalugay.

Siguro kung pareho itong nakalugay ay talagang mapapagkamalan nilang lasing lang sila dahil dalawa ang nakikita nila pero hindi , totoo ang nakikita nila at mag kaibang serena ito.

Habang parehong umiiyak ay hindi makapaniwala ang dalawa na parehong nakatingin na sa isat isa.

"K-kamukang kamuka kita" manghang sabi ni Rilakkuma habang tinitignan ang Muka ng kanyang kambal.

Si Mia naman ay hindi na napigilan ang sarili nya at agad na niyakap ang kapatid. Ang tagal nyang hinintay ang pagkakataon na iyon ang mayakap ang kapatid nya.

Matagal na syang palaging nakatanaw lamang sa malayo at binabantayan sya kaya sabik na sabik ito na mayakap ang kanyang kapatid.

" R-rilakkuma... Twiny "  Doon na pumasok sa ala ala ni Rilakkuma  ang ibang mga pangyayari.

Yung sulat na nakuha nya na babala bago ang Endless Battle ang nakalagay doon ay ' your loving T ' ngayon alam na nya kung ano ang ibig sabihin ng T na iyon. It's stands for Twiny.

At ngayon ay malinaw narin nyang naalala at narinig ang sigaw na narinig nya noong nalunod sya bago nya maalala ang lahat. ' Twinyiyan ang sigaw na narinig nya.

All this time Mia are always by her side and keeping her safe. Kaya napayakap nalang din sya ng mahigpit sa kapatid nito.

" Patawarin mo ako kung kinailangan na ikaw ang pumalit sa katauhan ko Rilakkuma sorry "  nagtaka sya sa sinabi ni Mia sa kanya at mag tatanong na sana ito ng mapatigil sya dahil may tumawag sa kanya na kilalang kilala nya ang boses 

" Rilakkuma, apo? "  Napahiwalay sya sa kapatid nya at napatingin sa pinanggagalingan ng boses na iyon at doon ay nakita nya ang matagal na nyang gustong makita ang lolo nya.

" Lolo! " Sabi ni Rilakkuma at agad na lumangoy papunta dito at niyakap ito. Hindi narin napigilan ng lolo nya ang maiyak.

" Apo patawarin mo ako , kinailangan kong gawin iyon para sa kaligtasan mo "  sabi sa kanya ng Lolo nya pero hindi ito sumagot pagkat umiyak lang ito ng umiyak.

Matapos ang madamdaming pag kikita na iyon ay agad silang pumunta sa loob ng palasyo para doon makapagusap ng maayos matapos masigurado ni Mia at Aya na ayos naman ang mga mamamayan doon.

Si Rilakkuma ay tahimik lang na hawak ni Dark para alalayan. Alam ng binata na masaya si Rilakkuma at nakita na nya ang mga mahal nito sa buhay pero katulad din nila ay naghahanap din ito ng kasagutan kung bakit at paano.

Iyan ang malaking katanungan sa utak nilang lahat.

Ngayon nga ay nasa sala na silang lahat at doon ay tahimik ang mga ito na nakaupo.

Wala doon ang lolo nya dahil may tatawagin daw ito.

Walang nag sasalita sa kanila dahil hanggang ngayon ay di nila alam kung paano nila sisimulan ang lahat.

Hanggang sa mapatingin sila ng may dumating at nakita nila ang dalawang mag asawang nakasoot ng korona , na kasama ng lolo nya.

" Rilakkuma ikaw na ba yan?! Grabe mag kamukang mag kamuka talaga kayo ni Mia! "  Agad na lumapit sa kanya ang ginang na mahahalata mo naman na ang reyna ng Mermaid Kingdom. Niyakap sya nito ng sobrang higpit.

" Grabe ang laki nyo na talagang dalawa nakakatuwa naman " sabi naman ng hari at niyakap din sya na ikinataka naman niya , lalo na sila.

" Alam kong madami kayong katanungan sa mga utak nyo handa kaming sagutin lahat ng iyan. " Sabi ng lolo ni Rilakkuma kaya napatingin sya dito pero agad ding bumalik ang tingin nya sa dalawang Hari at Reyna na andoon.

" L-lolo sila ba ang magulang namin? "  Iyan agad ang naitanong ni Rilakkuma dahil doon na pumapasok sa utak nya na ang dami nyang kapangyarihan at isang dugong bughaw lamang ang maaring makagawa niyon.

"HAHAHAHA!!!"

Pero maya maya lang ay may nangibabaw na tawa sa kanila na ikinatingin nila kay Aya na tawa ng ngayon.

Pero napatigil din sya ng mapansin na nakatingin sa kanya ang mga ito. Napatikhim sya ng maalala nyang seryoso ang usapan ngayon.

" Hindi sila ang mga magulang nyo Rilakkuma " nakangiting sabi ng lolo nya na ikinakunot ng noo nya.

"Si Aya ang anak namin Rilakkuma"  agad na nanglaki ang mata ng mga magkakaibigan dahil sa sinabing iyon ng Hari at ikinatingin nila kay Aya na nagyon ay nakangiti at naka peace sign sa kanila.

Kahit si Rilakkuma ay hindi makapaniwala sa nalaman nya.

Ang buong akala nya ay isa syang Princessa pero hindi Si Aya pala iyon.

Ngayon nya lang naalala na nakagamit ito ng Water power noong nasa Endless battle sila pero Weather Controller ito ngayon ay kumpirmado nga na isa itong Princessa.

" A-aya? Paano? Paano kayo napunta dito? Paanong buhay pa ang Mermaid Kingdom? " Sunod sunod na tanong nito sa kanila habang palipat lipat ang tingin nya sa kapatid nya sa lolo nya kay aya at sa hari at reyna. Lumapit naman sa kanya si Mia at pinaupong muli at pinakalma.

" Kumalma ka muna twiny ako na ang bahalang mag paliwanag tutal plano ko ang lahat ng ito "  napatingin sya sa kambal nya at doon nga ay nag simula ng mag kwento ang dalaga simula sa simula.

" Nung panahon na bata palang ako 10 years old ako nangyari ang isang trahedya na hindi ko kailan man ginustong mangyari.

Habang nasa dagat kami ng Papa ko may bigla nalang lumusob saamin na mga masasamang lamang dagat na ikinamatay niya samantalang ako ay nakatakas dahil pinaalis ako ni Papa.

Nakaya kong huminga sa ilalim ng tubig sa hindi ko malamang dahilan kaya wala akong ginawa kungdi ang lumangoy ng lumangoy palayo doon.

Nagulat ako ng makita na mayroong mga serena doon.

Napadpad ako sa isang lugar na kakaunti lang ang sereno at serena at iyon ay ang tinirhan nyo ni lolo Rilakkuma.

Doon kita unang nakita. Hindi ako makapaniwala nun na may kamuka ako lalo na at isang Serena. Sa takot ko nun ay agad akong lumangoy palayo sa lugar na yun.

Kasabay ng paglayo ko ay ang muling pagkatagpo ko sa mga kalaban at nag laban kami.

Kahit bata palang ako ay kaya ko ng makipaglaban. Natalo ko sila pero hindi kinaya ng katawan ko at tuluyan akong nawalan ng malay.

Natagpuan ako ni Lolo non.

Tinulungan nya ako ng hindi mo alam. Pagkagising ko doon ko nalaman ang LAHAT.

Nagpanggap lang ako na nalunod  para iyon ang isipin ni Mama pero totoo na wala na talaga si Papa.

Wala akong pinagsabihan sa nangyari dahil ayokong malaman ni Mama ang mapait na nangyari kay papa sa kamay ng masasamang lamang dagat ang alam nya namatay ito dahil tumaob ang bangka namin.

Doon nag simula ang lahat dahil may kapangyarihan ako na kakaiba sa lahat hindi ko na sasabihin basta alam ko na ang lahat.

Binantayan kita at ang lahat ng nangyari ay plano ko.

Ang pagkakapalit natin plano ko yun.

Alam ko na susugod ang masasamang nilalang sa dagat kaya naging mas maagap ako at sinabi iyon kay lolo at hinayaan namin na ikaw ang pumalit saakin.

Yung nakita mong liwanag bago ka tuluyang mawalan ng malay ay ako ang may gawa niyon.

Kapangyarihan ko iyon. Tinalo ko ang mga sumusugod kila lolo.

Pagkatapos niyon ay dinala ko sila dito sa Mermaid Kingdom. Ako ang nakaalam kung nasasaan nga ba ang Kingdom na ito dahil sa kakayanan ko.

Mayroong ginawa ang Dark queen dito sa ilalim ng dagat na spell para sa buong kingdom at nagawa nilang ipakita sa mga taga Magic World na talagang wala na ang Mermaid Kingdom pero ang totoo ay nakatago sila o sadyang tinago.

Hindi na sila makalabas dahil sa spell na ginawa ng Dark Queen.

Ang Dark Queen ang syang masamang nilalang dito sa ilalim at ang syang may gustong kumuha sayo Rilakkuma.

Ginawa ko ang lahat para makagawa ng malakas na barrier para sa Mermaid Kingdom dahil natunugan ko na balak na nilang tuluyang burahin ang Mermaid Kingdom. Iyon ang nakita nyong barrier kanina.

Pero hindi ko parin magawang tuluyang matanggal ang Spell na ginawa ng Dark Queen dahil napakalakas nito.

Kami lamang ni Aya ang syang nakakalabas masok dito at ang mga kasama mo noon Rilakkuma dahil hindi naman kami talaga Mermaid Kingdom.

Totoo na si Aya ang anak ng Hari at Reyna.

Bago pa tuluyang masakop ang mga ito ay nakuha sya ni Prince Leo.

Si Prince Leo ay ang asawa ng Dark Queen dito sa ilalim ng dagat  mag kasabwat sila sa nangyari noong nakaraang panahon kaya nawala ang dalawang kingdom naplano nila iyon.

Pero nalaman ko ang lahat ng iyon at nalaman ko rin na si Aya ang nawawalang anak ng Hari at Reyna dito na ikinasaya naman nila. Kaya nawala si Aya sa Magic World dahil isinama ko sya.

At ako ang pumunit nung parteng kulang doon sa Dairy ko dahil hindi pa iyon ang tamang oras para malaman ang lahat.

Hinayaan ko na mamuhay ka bilang ako Rilakkuma dahil deserve mo ding sumaya at nakita ko yun sa bawat araw na pagbabantay sayo "

Mahabang sabi ni Mia at saglit na tumingin sa kanila ni Dark.

Tahimik lang na nakikinig ang mag kakaibigan sa kaniya dahil bawat sabihin nito ay napaka importante talaga.

" Nag sabi ako kay Charles noon pero ang loko tinawanan lang ako at hindi naniwala pero ngayon alam ko namang paniwalang paniwala na yan.

Ako at si Aya ang nagbantay sayo Rilakkuma.

Si Aya ang naging daan para makakuha kami ng impormasyon sa mga gustong pumatay sayo sa academy.

Ako yung babaeng tumulong sayo kay Kim.

Hindi ko sya hinayaan na masabi nya sayo ang pangalan ni aya kaya kahit papaano napigilan ko yun pero may mga bagay na nakatadhana na talaga kaya nalaman mo rin ang lahat.

Sinadya ko na ilagay ang Sleeping pills para makita mo.

Ako ang gumawa niyon gusto kong paniwalaan mo na ako ay ikaw.
Na naging effective naman ang kaso ay nagulo ang love life mo pero sa nakikita ko ngayon ay ayos na kayo.

Tinulungan ko si Aya para makabalik dito na ikinasaya ng lahat dahil dumating na ang kanilang Princessa.

Kahit na gaano pa ako kalakas ay hindi ko parin sila mapakawalan sa napakalakas na spell ng Dark Queen. Isa lang ang kilala ko na makakapag tanggal niyon "

Kahit na sobrang dami nilang nalaman dahil sa mga sinabi ni Mia ay hindi parin nila maiwasan na magtaka kung sino nga ba ang tinutukoy nito. Pati si Rilakkuma ay napakunot din ang noo.

" Ikaw Twiny , ikaw lang ang tanging makakapag palaya sa kanila "

_______

(Vote

Comment

And

Share

Be a fan!

Love lots!

~B.NICOLAY/Ms.Ash)

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
414K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
1.9K 218 100
Well My Girl is a Tomboy & She is Hot I like her Clothings Style a Lot But Love is Almost is The Same for Everyone Whether it is a Tomboy a Feminine...