In Another Life | TaeKook

By Chomikorn

14.2K 704 213

In which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Ti... More

IN ANOTHER LIFE [INTRODUCTION]
IN ANOTHER LIFE [CAST]
PROLOGUE
CHAPTER ONE: Guardians and Fateful Encounter
CHAPTER TWO: It's you
CHAPTER THREE: Some things never change
CHAPTER FOUR: Regrets
CHAPTER FIVE: Internal Battle
CHAPTER SIX: Foreign feeling
CHAPTER SEVEN: Ice Cream and Confused Hearts
CHAPTER EIGHT: Under The Pouring Rain
CHAPTER NINE: Soulmates By Heart
CHAPTER TEN: Good Friends
CHAPTER ELEVEN: Rulebreakers
CHAPTER THIRTEEN: Unexpected Visitor
CHAPTER FOURTEEN: Picture Perfect
CHAPTER FIFTEEN: JK and Taetae
CHAPTER SIXTEEN: That One Unforgettable Day
CHAPTER SEVENTEEN: Where Are You Now?
CHAPTER EIGHTEEN: A Not So Ordinary Day
CHAPTER NINETEEN: Late Night Conversation
CHAPTER TWENTY: Try Something New
CHAPTER TWENTY-ONE: A Drunk Tongue Speaks A Sober Heart
CHAPTER TWENTY-TWO: Things are about to change
CHAPTER TWENTY-THREE: Don't Hold Back
CHAPTER TWENTY-FOUR: Glimpse of the Past
CHAPTER TWENTY-FIVE: Kookie
CHAPTER TWENTY-SIX: Chaotic Feelings
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Right or Wrong
CHAPTER TWENTY-EIGHT: The Truth
CHAPTER TWENTY-NINE: His Little Guardian
CHAPTER THIRTY: Cursed
CHAPTER THIRTY-ONE: I'm Here
CHAPTER THIRTY-TWO: Dreams and Hidden Message (Part One)
CHAPTER THIRTY-THREE: Dreams and Hidden Message (Part Two)

CHAPTER TWELVE: A Short Trip Down Memory Lane

230 19 2
By Chomikorn

CHAPTER TWELVE
A Short Trip Down Memory Lane

--

"Did you know that moon flowers actually bloom in response to moon?"

"There's a reason why it's called moon flower, Jin."

"Shut up. I'm not talking to you, cat."

"Did you just call me a cat?"

Halos mapahilamos si Jimin sa mukha niya habang pinapanood na magsagutan si Jin at Yoongi tungkol sa mga trivia na binabahagi ni Jin. Habang abala sila sa pagpapalitan ng atake, nilingon niya si Namjoon at Hoseok na sinusubukang tawagan si Taehyung at Jungkook ngunit halos magkasabay rin silang umiling nang ibulsa muli nila ang mga phone nila.

Buong hapon ay hindi pumasok ang dalawa kaya hindi na napigilan ni Jimin na mag-alala lalo na't may project na binigay sa kanila ang prof nila.

"May dalawang oras pa bago magsimula ang training." ani Namjoon at sumandal sa pader ng dance studio.

Naagdesisyunan nilang dito na lang muna tumambay tutal ay wala namang practice ang dance club at si Hoseok ang dance captain kaya siya rin ang may hawak ng susi.

"Tingin niyo ba, magkasama silang dalawa?" tanong ni Jimin na nagpatigil kay Yoongi at Jin sa pagsasagutan saka nabaling ang atensyon sa kaniya.

"Sino? Si Taehyung at Jungkook? I don't think so." nakangiwing tugon ni Yoongi na aabutin sana ang water bottle ngunit mabilis na nilayo ni Jin. "Give me that!"

"Geez, fine. Chill, garfield." pang-aasar ni Jin bago binato ang water bottle kay Yoongi na kaagad naman nitong sinalo. "Pakiramdam ko magkasama silang dalawa."

"You wanna bet on that?" panghahamon ni Yoongi at halos magpantig ang mga tenga nina Namjoon at Hoseok matapos marinig 'yon.

"Count me in!" magkasabay na sigaw ng dalawa habang nakataas ang mga kamay.

Muli na namang napahilamos sa mukha si Jimin at tuluyang napahiga sa sahig nang mapagtanto niyang wala siyang matinong kaibigan.

~♡~

"Choco."

"Brownie."

"Fluffy."

"Cutie."

"What-" hindi makapaniwalang ani Jungkook na nginisihan lang ni Taehyung. "Goodness, I can't believe you."

"Yah, he's cute!" giit ni Taehyung na kinikiliti ang tyan ng tuta bago ito pinakawalan at hinayaang tumakbo.

"Alam ko pero hindi cutie ang ipapangalan natin sa kaniya." bulalas ni Jungkook na napahawak sa baba niya habang nag-iisip. "How about-"

"Yeontan!" suhestyon ni Taehyung na malapad na nakangiti.

"Yeontan." pag-uulit ni Jungkook. "Not bad."

Narinig nilang tumahol mula sa hindi kalayuan ang tuta at tumatakbo na papalapit sa kanila na para bang aprobado siya sa pangalan na iyon.

"I think he likes it." nakangiting sambit ni Taehyung na tinawanan lang ni Jungkook.

Saglit silang nakipaglaro at nakipag habulan kay Yeontan. Tinuruan din nila ito ng iba't ibang tricks na madali rin nitong natutunan kaya naman mas lalong natuwa si Taehyung at Jungkook. Pinag-usapan din nila kung sino ang mag-aalaga nito at nag-volunteer naman si Taehyung tutal may mga maid naman daw sila sa bahay para bantayan ito kung sakaling nasa eskwelahan siya. Isa pa, walang magbabantay kay Yeontan tuwing weekdays kung kina Jungkook ito titira dahil pareho silang nasa eskwelahan ni Hoseok. Pumayag naman si Jungkook dahil mukhang gustong gusto rin itong alagaan ni Taehyung.

Tahimik lang silang nakaupo sa swing habang pinapanood nila si Yeontan na gumugulong-gulong sa damuhan at nakikipaglaro sa paru-paro. Hindi nila alam kung ilang oras na silang naroon sa park basta't nagpapalipas lang sila ng oras hanggang matapos ang klase nila at makabalik na sila sa eskwelahan dahil may training pa raw sina Taehyung.

"Wala pa rin pa lang pinagbago ang lugar na 'to." bulong ni Jungkook na narinig ni Taehyung dahilan para mapalingon ito sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin? Nakapunta ka na ba rito dati?" tanong ni Taehyung at halos manigas naman si Jungkook sa kinauupuan niya.

"Ah, oo. Paboritong lugar ko rin ito." sagot ni Jungkook at napahimas sa batok niya. "Bakit nga pala naging abandoned park na ito?"

Saglit na napatitig si Taehyung kay Jungkook dahil tila pamilyar sa kaniya ang ganitong senaryo ngunit hindi siya sigurado. Sa huli ay napakibit-balikat na lang siya.

"Hindi ko rin alam. May mga sabi-sabi na marami raw mga bata ang naaksidente rito kaya pinasara na pero pumupunta pa rin ako rito nang pasikreto dahil bukod sa paboritong lugar ko ito, tahimik din ang paligid."

"Tapos natutulog ka sa itaas ng puno?" pahabol ni Jungkook habang nakatingin sa kaniya na tinugunan naman ni Taehyung ng tango pero ginapangan naman siya ng pagtataka matapos mag-sink in sa kaniya ang tanong ni Jungkook.

"Teka, paano mo nalaman 'yon?" kunot-noong tanong ni Taehyung.

Pilit na ngumiti si Jungkook at iniwas ang tingin sa kaniya. "Ganoon din ang ginagawa ko noon kaya sinubukan ko lang sa'yo."

Ramdam pa rin ni Jungkook ang tingin sa kaniya ni Taehyung kaya pinipilit niyang huwag lumingon sa direksyon nito at tinuon ang atensyon niya kay Yeontan.

Sa kabilang banda, hindi naman matinag si Taehyung habang nakatingin kay Jungkook na nakangiti habang pinapanood nito si Yeontan. Iniisip niya kung nangyari na ba ito noon dahil pamilyar na pamilyar 'yon sa kaniya.

~♡~

(10 years ago)

Hindi matigil sa pagtawa si Taehyung habang hinahabol siya ni Jungkook. Kanina pa sila nagpaikot-ikot sa park at tila wala silang kapaguran dahil pinapatulan naman nila ang hamon ng isa't isa.

Mabilis na umakyat ng puno si Taehyung upang hindi siya maabutan ni Jungkook na ngayo'y nasa baba ng puno at nakanguso habang tinitingnan siya sa taas.

"Taetae, ang daya mo! Hindi puwedeng umakyat sa mga puno!" reklamo ni Jungkook na ngayo'y nakapamaywang na. "Bumaba ka riyan at baka mahulog ka!"

Hindi na napigilan ni Taehyung na mapahalakhak habang tinuturo siya. "Kaya mo iyan, Kookie! May powers ka 'di ba? Umakyat ka na rito at huwag kang puro reklamo riyan!"

Umirap si Jungkook matapos marinig 'yon at handa na namang pagsabihan ang kaibigan. "Paano kung mahulog ka riyan, ha? Makinig ka sa akin at bumaba ka na riyan, Taetae."

"Para kang nanay ko!" nakabusangot na bulalas ni Taehyung habang nakakrus ang mga braso. "Oo na, bababa na."

Nakahanda pa rin si Jungkook na saluhin si Taehyung kung sakali mang mahulog ito pero mabuti na lang at ligtas itong nakababa mula sa puno. Nagmamaktol pa ito at panay 'hmp!' tuwing nagpapaliwanag si Jungkook na delikado ang ginagawa niya.

"You're no fun, Kookie!" wika ni Taehyung at tinalikuran si Jungkook na napabuntong hininga lang.

"Tae, sorry na. Natatakot lang ako na baka mahulog ka roon at mapapagalitan si Nanay Dolores kung sakaling masaktan ka." paliwanag ni Jungkook saka tinapik-tapik ang likod nito. "Doon na lang tayo sa swing!"

Hindi naman matiis ni Taehyung si Jungkook kaya bumigay na ito at naglaro na nga lang sila sa swing kung saan wala gaanong mga bata dahil mas pinipili ng mga ito ang slide at seesaw.

"Kapag malaki ka na, puwede ka nang umakyat sa mga puno pero huwag mo munang gawin ngayon. Naiintindihan mo ba ako?" tanong ni Jungkook na tinanguan naman ni Taehyung.

"Kung makapasalita ka, akala mo mas matanda ka sa akin nang ilang taon ah. Mas matanda pa nga yata ako sa'yo!"

Mahinang natawa si Jungkook habang umiiling-iling. "Oo na, mas matanda ka nang isang taon pero guardian mo ako kaya reponsibilidad ko na gabayan ka at ilayo sa kapahamakan." dagdag pa niya.

"Guardian at best friend!" sambit ni Taehyung at nakipag-apir kay Jungkook na nakangiti.

Nagkwentuhan lang silang dalawa hanggang may batang lalaki na dumating at akmang uupo na sana sa swing kung saan kasalukuyang nakaupo si Jungkook ngunit pinigilan niya ito.

"Bakit?" inis na tanong ng batang lalaki.

"Nakaupo ang kaibigan ko riyan kaya maghanap ka ng iba." sagot ni Taehyung dahilan para mapakunot ang noo ng batang lalaki at napasulyap sa paligid niya.

"Saan ba ang kaibigan mo ha?"

Maging si Taehyung ay naiinis na rin at nagulo niya na ang buhok niya. "Nakaupo nga!"

"Taetae, ayos lang." pagsingit ni Jungkook at tipid na ngumiti bago tumayo mula sa swing.

"No! Kookie, umupo ka ulit-"

"Hoy, baliw ka ba? Sinong kausap mo?" taas-kilay na tanong ng bata at halatang nawe-weirduhan na kay Taehyung.

Hindi naman siya nakasagot at napatingin na lang kay Jungkook na kinakagat ang labi.

"Hindi nila ako makita 'di ba? Ikaw lang ang nakakakita sa akin." pagpapaalala ni Jungkook kaya hindi na sumagot si Taehyung at tinapunan lang ng masamang tingin ang batang lalaki bago hinila si Jungkook palayo roon.

~♡~

Nakaramdam ng pananakit ng ulo si Taehyung kaya saglit niyang pinikit ang mata niya. Bigla na lang pumasok sa utak niya ang mga ala-ala ngunit hindi niya maaninag kung sino 'yong batang kasama niya.

Hindi niya na napansin na napahigpit ang hawak niya sa swing at nakatingin na sa kaniya ngayon si Jungkook na puno ng pag-alala. Halos mahulog din siya mula sa swing ngunit pinigilan niya 'yong mangyari.

Fvck. What is happening?

"Tae? Taehyung!" agad na lumuhod si Jungkook sa harapan niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Tae? Ayos ka lang? Anong masakit sa'yo?"

Hindi nakasagot si Taehyung at tanging pag-iling lang ang ginawa niya habang nakahawak pa rin sa ulo niya at nakapikit. Hindi na alam ni Jungkook kung anong gagawin, balak niyang tawagan sana si Hoseok ngunit hindi niya makapa ang phone niya hanggang maalala niyang nasa loob pala 'yon ng bag niya.

Halos manlumo siya ngunit sinubukan niyang mag-isip pa ng paraan. Muli siyang napatingin kay Taehyung na ganoon pa rin ang hitsura at halos maiyak na habang nakahawak sa ulo niya. Hindi na nakatiis si Jungkook at nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya muli ang magkabilang pisngi ni Taehyung. Huminga nang malalim si Jungkook at kahit pa hindi siya sigurado sa magiging epekto ng gagawin niya sa kaniya, tinuloy niya pa rin 'yon habang nagbabakasakaling maibsan ang pananakit ng ulo ni Taehyung.

"Tae." bulong niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Taehyung na hanggang ngayon ay nakapikit. Sobrang lapit ng mukha nila ngunit hindi niya 'yon pinansin. "Calm down. Breathe in, breathe out."

Ganoon nga ang ginawa ni Taehyung. Napadako ang kamay ni Jungkook sa ulo nito habang patuloy na sinusuklayan ang buhok niya at minamasahe.

Naramdaman na lang ni Taehyung na unti-unting nawala ang pananakit ng ulo niya habang patuloy na minamasahe ni Jungkook ang ulo niya. Kasabay no'n ay naramdaman niya na may lamig na dumadaloy papunta sa ulo niya.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at bumungad si Jungkook na tipid na nakangiti sa kaniya.

"Ayos ka na?" tanong pa nito at akmang tatayo na ngunit natumba lang ito sa damuhan dahilan para mabilis na napatayo si Taehyung para sana tulungan siya ngunit inunahan na siya ni Jungkook.

"Sorry-" gaya kanina ay muli na namang natumba si Jungkook ngunit ngayon ay tuluyan na siyang napahiga sa damuhan.

"Jungkook? Jungkook!" nagpa-panic na sigaw ni Taehyung at hiniga ang ulo ni Jungkook sa hita niya.

"H-Hobi." mahinang bulong ni Jungkook. Sa sobrang hina ay halos hindi na ito marinig ni Taehyung. "Si H-Hobi."

Hindi alam ni Jungkook kung bakit bigla na lang nanlambot ang mga tuhod niya at tuluyan siyang nanghina. Nanlalabo ang mga mata niya kaya hindi niya maaninag ang mukha ni Taehyung habang pahina rin nang pahina ang boses nito sa tenga niya.

"Wait, tatawagan ko si Hoseok!" nanginginig ang mga kamay ni Taehyung habang hinahanap niya sa contacts ang pangalan ni Hoseok. Tinapat niya ang phone niya sa tenga at paminsan-minsan ay chine-check si Jungkook.

Namumutla na ito at parang anumang oras ay mawawalan siya ng malay kaya mas lalong kinabahan si Taehyung. Pinagpapawisan na siya at sobrang bilis ng tibok ng puso niya na parang anumang oras ay hihimatayin din siya.

Matapos ang ilang ring ay sinagot din ni Hoseok ang tawag. Sinubukang kumalma ni Taehyung para maikwento niya nang maayos kay Hoseok ang nangyari at sinabi naman nitong papunta na siya kaya kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag.

"H-Huwag kang matulog." nauutal na saad ni Taehyung kay Jungkook na pipikit-pikit na. Hindi na nila namalayang nakalapit na pala si Yeontan sa kanila at nakalapat ang paw nito sa palad ni Jungkook.

Hindi naman nakapagsalita si Jungkook at tanging ngiti lang ang naging sagot niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

--

Continue Reading

You'll Also Like

345K 7.7K 33
Bored ako
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
9.4K 286 18
AshMatt fanfic