The Long Lost Legendary Princ...

By eiremia

285K 9.1K 348

Life is so unpredictable. Who know's that a young happy go lucky kid is a powerful Lucēre? At sino ba ang m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Guides
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44

Chapter 39

1.3K 33 0
By eiremia

SECOND DAY

Isang araw na kaming naghahanap sa mga kaibigan ko at napakarami na rin naming nakasagupa na mga kakaibigang hayop sa kagubatan na ito,

"Sa himpapawid ko lang nakita ang malaki at mapanganib na hayop na iyon" Habang naglalakad napagkwentuhan namin ni Defian ang tungkol sa halimaw na umaalingid dito sa kagubatan dahilan kung bakit halos lahat ng pumapasok dito ay hindi na nakakalabas,

"Ano namang itsura nito?"

"Sa aking pagkakatanda, may mga malalaki at malalapad na pakpak ito. Mahaba  din ang kanyang buntot at ang apat na paa nito ay sapat na upang durugin ang malaking bato. Ang mukha nito ay nakakatakot dahil sa puting mga mata nito idagdag pa ang kanyang bunganga na nagbubuga ng apoy, minsan naman tubig o kaya hangin o kaya naman matutulis na halaman!" Napapailing na lang ako sa pagdedetalye ni Defian na may halong pag aksiyon,

"Nakakatakot talaga ito sa aking pagkakatanda din lahat ng tumitingin sakanyang mata ay nagigung bato tulad nito!" Agad niyang hinila ang mga halaman na nakatakip sa kung ano man dahilan ng aking pagkasigaw at pagkatumba,

"Aaaahhh" Pamilyar ang itsura nito,

"Nagiging puting bato ang kung sino mang mangahas na tumitig sa mga mata nito" Tumayo ako at naglakad dahan dahan sa pigurang tuluyan ng naging bato,

Pamilyar talaga ito

"Sa pagkakaalam ko tanging dugo lang ng isang Dyosa ang makakapagpabalik sa dating anyo ng taong naging bato dahil sa halimaw na iyon" Saan ko nga ba ito nakita?

"Lyla Wilty" I remembered. She's Lyla Wilty from Fyr Kingdom! Napaupo ako't napahilamos sa aking mukha tiyaka tinignan ang kasama, wag naman sana

"Hindi naman siguro mangyayari yung nasa isip ko ano?" Tanong ko sa kasama,

"Kaibigan mo sila paniguradong malalakas din sila kagaya mo" tumabi ito sa akin at nanatiling nakatingin kami sa dalagang tuluyan ng naging bato,

"May naaamoy ako binibini" Tumayo si Defian tiyaka sinundan ang kanyang naaamoy,

"Ano naman iyon?"

"Amoy dugo ng isang Robbefliogan" Napatayo na din ako at sinundan siya,

"Ano naman iyon?" Tumingin ito sa akin at nagkibit balikat na ikinataas ng kilay ko,

"Mukhang koneho na may mga pakpak ng isang paro-paro. Iba iba ang kulay ng pakpak ng mga Robbefliogan o kaya naman Flio, gaya naming mga Ros may mga kulay Pula, Asul, Abo, Berde, Puti at itim. Bihira lang ang mga kulay Puti at Itim" Paliwanag niya na ikinatigil ko,

"Delikado ang mga uring iyon hindi ba?" Tumawa naman ito dahilan ng aking pagtataka,

"Ang mga Flio ay ang pinakamababait na hayop dito sa kagubatan wag mo lang itong gagamitan ng iyong abilidad dahil magiging halimaw ito" Kaya naman pala,

"Ayon!" Agad tumakbo si Defian na sinundan ko naman,

"Isang puting Flio!" Sigaw niya habang buhat buhat ang duguan na Flio,

"Ibaba mo siya Defian" agad naman niyang sinunod ang aking utos at agad ko namang nilapitan ang duguang Flio,

"Kahinaan ng mga puting Flio ay ang apoy, bumabagal ang kanilang paggaling dahil dito" Nang tanggalin ko ang aking palad sa Flio wala na ang sugat nito,

"Ggrr!" Napatingin kami sa isang Flio na mukhang halimaw,

"Wag kang tatakbo Sam, kalma ka lang dapat" hindi ko pinansin ang sinasabi ni Defian at masuyong binuhat ang Flio na nakatingin sa akin,

"Good boy" Maya maya lang napatingin ako kay Defian na nakasakay na ngayon sa pulang Flio,

"Maaamo din sila" Nakangiting pahayag nito. Ilang sandali pa tumakbo ang pulang Flio dahilan upang mahulog si Defian,

"J-Jared" Napatingin ako sa lalaking buhat buhat ang pulang Flio mula sa kalayuan, tinitigan ko lang ito at ganon din siya

"Kailangan na nating umalis binibini malakas ang amoy ng dugo ng isang puting Flio at maya maya lang ay dadating na ang mga Beranbestia upang hanapin ito" Hindi ko inalis ang tingin sa lalaking nakatayo mula sa kalayuan hanggang sa unti unti itong nawala sa aking paningin. Napatingin ako sa buhat buhat na Flio ng umungol ito at napangiti na lang ng makita itong komportableng komportable sa aking paghawak,

"Mukhang nagustuhan kana niya" Nginitian ko si Defian at ganon din siya.

Malapit na ang gabi at wala pa rin kaming tigil sa paglalakad ni Defian, naglalakad na din ngayon ang puting Flio na pinangalanan kung Snow

"S-Sam" Napatigil kami ni Defian at ganon na din si Snow ng isang malaking anino mula sa itaas ang  nagpakita biglaan,

"Wag na wag kang titingin sakanyang mga mata" Bakas ang panginginig ni Defian dahil sa takot, halos matumba naman ito ng umungol ng malakas  ang halimaw na  nasa  aming itaas at nagbuga  ng apoy,

"Run" Bulong ko at walang sino man sa amin ang tumakbo. Muling nagbuga ng apoy ang halimaw at agad ko namang binuhat  si  Snow at tumakbo,

"Run Defian!" Ginamit ko ang abilidad upang bumilis  ang aking pagtakbo at binuhat na rin si Defian,

"Waaaaaaaahh Sammm!" Tumigil ako sa pagtakbo at hinarap ang halimaw na agad ko namang nasalag ang kanyang atake. Ibinababa ko si Snow at Defian bago ginawan ng proteksyon.

Ang kanyang atakeng bolang tubig ay agad kung kinontrol at ibinalik sakanya, umikot ako at gamit ang kakayanan sa hangin gumawa ako ng sandamakmak na patalim na agad kung pinakawalan sa halimaw,

"Sam tulong!" Tinignan ko ang tumawag sa akin at nakita ang limang taong nakakulong gamit ang mga kahoy na nakasabit sa dulong buntot ng Halimaw,

"Faye, Sky, Haika!" Kumulo ang aking dugo ng makita ang tatlong kaibigan na nakakulong sa magkahiwalay na kulungan at gaya ng iba ay duguan din sila,

"Mag tungo ka sa mahiwagang puno ng Dein Forest"

Napabaling ang tingin ko sa halimaw ng marinig ang kanyang boses sa aking isipan at bago pa man makaatake lumipad na ito papalayo,

"Nasaan ang mahiwagang puno?" Malamig at walang kabuhay-buhay na tanong ko kay Defian, tinignan ko naman si Snow na agad nagtago sa likod ni Defian

"M-Mapanganib ang p-pagpunta ro-"

"Asan?!" Sigaw ko,

"S-Sa pinakadulong bahagi ng kagubatan D-Diyosa"

"Ituro mo ang daan" Agad itong tumango at naglakad kasabay si Snow.

Sa aming tahimik na paglalakad biglang bumuhos ang malakas na ulan, nagtatakbo naman kaming sumilong sa punong pinakamalapit sa amin

"Kailan tayo makakarating doon?" Tanong  ko sa  nanginginig na si Defian, gamit ang kapangyarihan sa apoy gumawa ako ng coat upang maibsan ang lamig dala ng ulan at napakalamig na simoy ng hangin tiyaka ibinigay ito kay Defian na agad namang tinanggap. Kinuha ko ang nanginginig din na si Snow at linagay sa aking  mga binti,

"Siguro mga dalawang araw" Tumango tango ako rito habang kinokontrol ang punong pinagsisilungan upang gumawa ng maliit na kweba gawa sa kahoy upang pagpapahingaan panandalian,

"Magpahinga kana, pagsikat ng  araw kahit hindi pa tumitigil ang ulan aalis na tayo" Gumawa ako ng kumot gamit ang baging at ibinigay ang isa kay Defian, hinagkan ko naman  ang natutulog ng si Snow at ipinikit na rin ang mga mata.






KINABUKASAN hindi pa nga tumitila ang ulan nagsimula na kaming lumakad, kinontrol ko ang malaking dahon na siyang nagsisilbing payong sa aming tatlo. Tahimik  lang kaming naglalakad ng makarinig si Defian ng ingay,

"M-May mga naglalakad at tila pinapalibutan tayo" Tumigil kami dahil sakanyang sinabi at gaya niya pinakiramdaman ko din ang paligid,

"K-Kung hindi ako nagkakamali mga T-Tarchannens" hindi nga nagkamali si Defian dahil agad na umatake ang isa sakanila na hindi ko agad nailagan,

"Sam!" Agad akong tumayo at nakita ang pagiiba ng anyo ni Snow at inatake nito ang mga Tarchannen, ganon din si Defian na nagpapalabas ng munting mga liwanag na sapat upang bulagin ang mga kalaban na nagiging abo kalaunan.

Nagpalabas ako ng bolang tubig na may mga matatalim na halaman tiyaka agad na ibinato sa nagkumpulang Tarchannen,

"Alesea Estra" Napahawak ako sa aking ulo ng manikip ito dahil sa nagsalita,

"Sam!" Nanlalabo ang mga matang tinignan si Defian at si Snow na nakaharang sa akin na tila ba prinoprotektahan ako,

"Alesea Estra"

"Aaaaaaaahhhhh!" Napasigaw ako sa sobrang sakit at nanghihinang tinignan ang mga kasama,

"Sumama ka sa akin"

"N-No" tumayo ako at ininda ang sakit habang pilit ang sarili na lumaban,

"Alesea Estra"

"TAMA NAAAAAA!" Sa aking pagsigaw ay agad na tumilapon ang mga kalaban, nanghihinang napaluhod ako sa lupa na agad namang dinaluhan ni Defian,

"Snow" tawag ko sa Flio na tila ba nagiging agresibo, tinignan ko naman ang tinitignan nito at nakita ang pulang Flio sa halimaw na anyo nito na sakay si Jared na agad namang bumaba,

"Samantha"

"Jared" Agad naman akong binuhat nito at akmang isasakay na sa pulang Flio ng magpakita nanaman ang malaking anino ng halimaw. Ibinababa ako nito malapit sakanyang Flio at hinanda ang pag atake.

Nagbuga ng tubig ang halimaw dahilan upang maanod ang apat, dahil sa panghihina hindi ko na  nagawang maglaban ng kunin ako ng halimaw at bago pa man tuluyang bumagsak ang mga talukap nakita ko pa ang asul na apoy na tumama sa halimaw gawa ni Jared

"J-Jared"

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
7.2M 433K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
3.8M 227K 77
"If Eve was the first woman on Earth── then, I am the last. My name is Dawn. The last girl on the planet. This is my diary." 🖇 COMPLETED Date Starte...
144K 4.8K 32
[ UNDER EDITING ] Aimie Cha is a woman whose life is peaceful, she is not rich but she is not poor either. She graduated as a valedictorian in a famo...