Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.8K 638 195

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

35

45 7 13
By Sky_Supreme

Chapter's Featured Song: Can't Help Falling Inlove by Elvis Presley

Chapter 35

Sa tanang-buhay ko, hindi ko naisip na pwede pa palang mag-level up ang itsyura ko nang ganito. Nakakamangha. . .

Napatingin ako sa repleksiyon ko nang iharap ako ni Eda sa isang salamin. Nakasuot na ako ngayon ng isang pastel blue na slightly loosen dress na may mga maliliit at nagniningning na crystal-like designs. Binagayan pa ito ng isang tamang-taas lamang na bluish-colored glass sandals. Ang buhok ko ay nakatirintas na rin ng maayos gamit ang isang blue ribbon at ang mga dulo ng hibla nito ay naging gulot.

Namamangha akong mas lumapit sa salamin. Tinitigan ko nang maigi ang mukha ko rito. Nang makita ko ang pagtutubig ng mga mata ko, alam kong hindi na ito dulot ng kalungkutan. Dahil na ito sa sobrang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. In an instant, tila nagkaroon ako ng napakalaking pagbabago sa panlabas kong anyo. Naging mas kaaya-aya at tila naging magical...

"Maraming salamat Eda. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya," saad ko nang harapin na si Eda. Nakangiti siya nang todo habang tinititigan ako.

"Sandali," aniya saka naglakad patungo sa kung saang sulok ng apartment namin. "Hindi kompleto ang lahat ng 'yan kung makakalimutan mo ang regalo mo kay Estefanio... at ito." Ipinatong niya sa mesang malapit sa amin ang paper bag na naglalaman ng regalo ko saka humarap sa akin para ibukas ang palad niya. Napangiti na lang ako nang makita ang kwintas na hugis bituwin sa mga kamay niya.

Ang kwintas na hawak ni Eda ngayon ay ang kwintas na ibinili sa akin ni Estefanio noong nasa Obando kami. Pinaalala niya pa noon na dapat isuot ko ito sa kaarawan niya at ngayon ang araw na iyon. Sa tingin ko, nilagyan din ng mahika ni Eda ang kwintas na ito na nagdagdag sa ganda ng pagliliwanag nito sa tuwing nasisilid sa kadiliman.

Hindi na ako nakapagsalita nang magtungo si Eda sa may likuran ko. Iniharap niya ako sa salamin at agad ko namang inianggat ang buhok ko nang dahan-dahan niyang isuot sa akin ang kwintas.

"Ayan!" masayang wika ni Eda. "Bagay na bagay sa'yo Juliet."

Mas lalo lang akong napangiti sa sinabi niya. Hindi ko pa rin alam kung paano ipapakita ang lubos kong saya sa pagkakataong ito. Talagang hindi ko sasayangin ang mga huling sandali namin sa panahong ito.

"Baka makalimutan mo ang regalo mo sa kaniya," sabi pa ni Eda nang muling niyang kunin ang paper bag na nasa tabi. Nang iabot niya ito sa akin, agad akong napasipat sa loob nito.

"T-teka," ani ko nang maalala ang ilang bagay na dadalhin ko pa. Tinitigan na lang ako ni Eda nang kunin ko mula sa ibabaw ng mga gamit ko ang poster ni Estefanio, isang ballpen, at ang litrato namin noon sa Zambales. Maging ang cellphone na ibinigay ni Eda ay hinawakan ko na rin saka ngumiti paharap kay Eda. "Handa na ako Eda..."


----


Nang sumapit ang alas otsyo ng gabi saka lamang kami nagtungo ni Eda sa Casa Simeon. Ginamit niya pa ang kakayahan niyang mag-teleport upang mas mapadali ang pagdating namin ng hotel. Ani Eda, mula nang araw na sagapin niya ako sa Light Tower ng Puerto Guerrero, saka niya lang napag-alaman na bumalik na ang kapangyarihan niya na makapag-teleport.

"Ayos lang Juliet?" tanong ni Eda nang magsimula kaming patungo sa entrance nitong hotel.

Lumitaw kami kanina sa parking area na wala rin namang masyadong tao kanina. Sa tingin ko nga ay tapos na talaga kung ano mang program ang nangyari sa party ni Estefanio dahil bakante na ang ilang pwesto ng parking lot.

Tumango ako kay Eda. Pero sa loob-loob ko, kinakabahan talaga ako. Wala akong ideya sa kung anong nag-aabang sa akin sa taas ng rooftop ng hotel na ito, at lalo nang wala akong ideya sa mga mangyayari ngayong gabi.

"Totoo ba talaga 'to Eda? Kailangan ko ba talagang makipagkita kay Estefanio?" bigla kong tanong. Akala ko kanina hindi ako kakabahan ng ganito, pero ngayong nandito na ako sa harap ng building, na-realize hindi pala 'to magiging madali.

"Juliet, ngayon ka pa ba aatras?" ani Eda. "Hindi ba't ilang ulit na itong ipinaalala sa'yo ni Estefanio? — na nais niyang makita ka sa kaarawan niya."

Wala na nga talaga ata akong magagawa. It's now or never.

"Okay, basta't— Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko kay Eda nang masagi ako nang isang lalaki habang papaliko kami ni Eda nang pader. "Sorry," paghingi ko ng tawad.

"J-juliet?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalaki matapos nitong tanggalin ang suot na shades. "Romialdo?"

Ngumiti siya."Sabi na nga ba, hindi pwedeng matapos ang araw na 'to hanggat hindi ka niya nakikita."

"M-may mga tao pa ba sa loob?" tanong ko.

"Alangan naman wala? Anong tawag mo 'dun sa mga staffs ng hotel?" pamimilosopo niya. Nginisihan niya pa ako ngunit agad niya ring binawi ang sinabi. "Hindi, hindi, kung tinatanong mo ay kung may mga bisita pa, wala na. Ako na lang yata ang huling lumabas. Nagka-usap pa kasi kami ni Estefanio."

"Salamat—

"Pero, sana dala mo 'yung mask ko. Isuot mo at baka makita ka ni Mrs. Del Carpio. Nasa taas na ng rooftop si Estefanio—naghihintay sayo."

Tumango ako saka kinuha ang mask na nakalagay rin sa gift bag na dala ko. Ipinakita ko ito kay Romialdo bilang patunay na nag-iingat pa rin ako kay Mrs. Del Carpio.

Ngumiti rin si Romialdo. "Sigi ha, mauuna na ako."

Naglalakad na sana siya lampas sa amin ni Eda nang matauhan ako at liningon siya. "Teka! Sandali!"

Natigilan si Romialdo saka dahan-dahang lumingon sa akin. "Yes Miss?" nakangiti niyang sabi.

Nagmadali akong lumapit sa kaniya. "A-alam kong nagpasalamat na ako sayo noon pero...gusto kong muli kitang pasalamatan ngayong kaharap kita. Salamat sa lahat ng naging tulong mo kahit sa maliit na panahong nagkakilala tayo. Masaya akong naging kaibigan ang isang tulad mo sa panahong 'to."

Kumunot ang noo ni Romialdo at sinipat-sipat ang mukha ko. "Anong nakain mo Juliet? Kung magsalita ka ngayon... Para ka namang pupunta sa ibang planeta niyan at hindi na babalik." Ngumisi siya.

Napalunok ako. Parang ganoon na nga Romialdo.

"Basta, maraming salamat sa'yo. Mabuti kang tao Romialdo. Alam kong magiging mas succesful ka pa sa hinaharap."

Napalitan ng ngiti ang pagngisi niya kanina. "Magdilang anghel ka sana Juliet. Maraming salamat. Oh siya? Uuwi na ako at hinahanap na siguro ako ni Ermats," aniya saka kumaway sa akin bilang pagpaalam. Ngumiti na lang ako habang nakikita siyang papalayo.

"Paalam Romialdo..." mahina kong sambit sa sarili.

"Halika na Juliet?" Lumingon ako kay Eda at saka nakangiting tumango.

Mabilis kaming nakapasok sa hotel. Nabigla nga ako dahil hinayaan lang kami ng mga security na dumiretsyo. Pagbungad na pagbungad pa lang sa akin ng lobby ng hotel, agad akong napatulala. Malalaglag siguro ang mga panga ko nang makita ang disenyong pinagpaguran kanina nina Eda. Kulay asul ang mottif. May mga mamahaling design at nakalambitin na mga palamuti sa kisame at mga pader ng hotel. Inuumpisan pa lang ng mga staffs na mag-ayos.

"Juliet..." Nagitla ako nang marinig ang boses ni Goldia. Nakita kong palalapit na ito sa amin ni Eda mula sa kung saan. "Hinihintay ka na ni Estefanio sa taas. Magmadali ka na at pinipigilan pa naming lumabas ng kwarto si Mrs. Del Carpio." May bigla pa siyang iniabot sa akin—isang blue rose.

Napangiti na lang ako kay Goldia at gaya nang sinabi niya, sumakay ako ng elevator kasama si Eda paakyat sa ibang floors.

Tahimik lang kami ni Eda sa loob ng elevator habang inaayos ni pa ng bahagya ang buhok ko. Nagulat na lang kami pareho nang bumukas itong elevator sa ikatlong palapag.

"Hi..." Natulala ako nang bumungad sa amin si Jasmine. Nakapang-formal dress pa siya na siguro'y isinuot niya kanina sa party. Hindi ko inaasahang ngumiti ito sa akin.

"I'm Jasmine." Iniabot niya ang kaniyang palad sa pagitan ng pinto ng hotel. Wala akong nagawa kundi makipagkamay sa kaniya.

"J-juliet..." hindi ko makapinawalang sambit.

"Take this rose," sabi niya pa saka iniabot ang isang kamay niyang kanina'y nasa likurann niya. Hawak-hawak niya ang isang kulay asul na rosas.

Wala na akong nagawa nang igawad niya ang bulaklak sa kamay ko. Hindi man makapaniwala sa presensiya niya, pilit akong ngumiti pabalik sa kaniya.

"Estefanio is waiting on the rooftop, go!" pagchi-cheer niya pa bago umatras papalabas ng elevator. Naiwan na lang akong tulala nang tuluyang sumara ito.

"Mabait siya Juliet..." ani Eda na kanina pa nasa may gilid ko.

Nang makarating naman kami sa 5th floor ng hotel, muli na namang kusang bumukas ang elevator.

"Magandang gabi Juliet." Napangiti ako nang ang bumungad na sa amin ngayon ay si Kuya Arnolfo. "Para sa'yo." Iniabot niya rin ang isang blue rose saka ngumiti.

"M-maraming salamat po Kuya Arnolfo," ani ko. Gusto ko sanang makausap pa siya at magpaalam dahil matagal na rin noong hindi ko siya nakikita, mula noong gumaling na si Mrs. Del Carpio.

Nagpatuloy kami ni Eda paakyat sa rooftop nang muli na namang kusang bumukas ang sinasakyan naming elevator sa isang floor. Sa pagkakataong ito, si Alanis at Tito Marcus ang bumungad sa pagbukas nito.

"Hi Juliet," ani Alanis sa akin. Sumenyas lang si Tito Marcus sa akin. "Long time no see. To you too, Eda!" masayang bati pa ni Alanis nang makita si Eda. Naglakad si Alanis sa pagitan ng nakabukas na elevator at saka iniabot ang isa pang asul na rosas.

"Maraming salamat..." nakangiting turan ko.

Hindi na kami nakapag-usap pa nang sumara na muli ang elevator matapos lumabas si Alanis. Gaya ng mga nangyari kanina, bumukas muli ang sinasakyan naming elevator ni Eda sa isa pang palapag. Sa sandaling ito, si Doc Filipo ang bumungad sa amin kasama pa si Beatrice.

"Nandiyan na ba sila?" narinig kong tanong ni Beatrice kay Doc Filipo nang marinig ang tunong ng elevator. Nagkatinginan na lang kami ni Eda saka ngumiti.

"Oo, nandito na sila," halos pabulong na sabi ni Doc Filipo. Napangiti naman si Beatrice. Masaya ako na nakikita sa ngayong nakangiti nang kahit papaano. Komportable na rin siguro siya kina Eda at Doc Filipo.

"Magandang gabi Juliet," ani Beatrice saka in-extend ang kamay na may hawak ding blue rose. "Ika-limang rosas para sa'yo."

"At ito naman ang ika-anim," dagdag ni Doc Filipo saka iniabot sa akin ang mga hawak nilang rosas. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa mga painaggagawa nila. Hindi ko inaasahang ganito ang sasalubong sa akin.

"Sigi na, dumiretsyo na kayo sa rooftop," payo ni Doc Filipo. Nakita ko pang ngumiti siya kay Eda.

Gaya nang sinabi nila, tumuloy na kami sa huling pinakamataas na palapag nang hotel. Nang tuluyan kaming lumabas sa elevator ni Eda, natigilan ako sapagkat nag-abot din siya sa akin ng dalawa pang rosas.

"A-anong—Pano?" nagtataka kong tanong dahil kanina'y wala namang siyang hawak na bulaklak.

Ngumiti lang siya. "Mahika!" aniya saka ibinigay sa akin ang unang rosas na hawak niya. "Itong ika-pitong rosas, isipin mo na lang na mula 'to kay Lola Rosaline..." Pinigilan ko ang sarili kong maluha sa sinabi niya. " Alam kong kung nasaan man ngayon si Lola Rosaline, masaya rin siyang naririto pa tayo Juliet...at kung nabubuhay pa siya, paniguradong gusto niya ring maging bahagi nito."

Napapikit na lang ako nang maramdaman ang mga luhang namumuo na sa mukha ko. Napayakap na lang ako kay Eda.

"At ito namang pang-walo," aniya nang kumalas na ako sa kaniya. "Sa akin naman 'to, para sayo. Sulitin mo ang pagkakataong ito na kasama mo pa siya ha," saad niya at napatango na lang ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Magkahalong saya at kalungkutan ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil sa presensiya nila na pinaparamdam sa akin na mahalaga ako at lungkot dahil alam kong mananabik ako sa kanila sa oras na mawala na 'tong lahat.

"Sigi na. Huwag ka nang umiyak." Iginawi ako ni Eda patungo sa nakasarang pintuan papasok sa rooftop. Liningon ko pa siya bago buksan iyon saka ngumiti.

Nang tuluyan na akong dumiretsyo papasok sa open rooftop, naningkit ang mga mata ko dahil sa kadilimang bumabalot sa paligid. Iniisip ko na sanang baka prank lang ang lahat nang biglang isa-isang magliwanagan ang buong paligid ko. Natulala na lang ako habang sinusundan ng tingin ang  pagliwanag ng mga maliliit na kulay asul na lights. Nakalambitin ang mga ito sa buong plaigid. Napaka-magical...

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin si Estefanio at natagpuan ko nga siyang nakatayo sa may railings habang nakaharap sa akin. Nakangiti siya nang todo habang nakatitig sa akin. Sa isang iglap, unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin at ganoon din ako.

"Maligayang kaarawan Estefanio..." sambit ko nang tuluyan na kaming magkalapit. Matamis siyang nakangiti sa akin ngayon.

"Thank you..." banayad niyang pagkakasabi. "I'm glad you came..."

Natigilan ako nang marinig ang taimtim na pagtugtog nang mga violin malapit sa amin. Saka ko lang napagtanto na may tatlo palang musikero ang naroroon sa may gilid ng pintuan nitong rooftop at tumutugtog na ngayon ng hindi ko alam na kanta pero, napaka-calming ng idinudulot nito sa buong atmosphere namin ni Estefanio.

"The last rose..." aniya saka iniabot ang kanina'y hawak na asul na rosas. Siyam na ang lahat.

"A-anong ibig sabihin nito?" nagtataka kong tanong habang nakatitig sa kumpol na ngayon ng mga rosas na nasa kamay ko.

"I love you to the stars and never back..." aniya. Natigilan ako. Pakiramdam ko sa isang sandali, tumigil ang pagpintig ng puso ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.

"To the stars and never back, because I want infinity Juliet. I'm loving you now until infinity. No coming back, no turning around, just you—one and only."

"H-hindi ko alam kung anong sasabihin," pag-aamin ko habang nakatitig sa kaniya. Paniguradong mami-miss ko ang mukha niya sa oras na mawala na 'tong lahat. Ang mukha niya. Ang amoy niya sa tuwing malapit kami sa isa't isa. Ang ngiti niya. Ang lahat-lahat sa kaniya.

Nginitian niya pa. "You don't have to say anything Juliet. I'm already in cloud nine knowing you're here beside me. I won't pressure you for answering 'I love you too'. I'll be waiting till I come back."

Napalunok ako. Sa sulok ng puso ko, nalulungkot ako para kay Estefanio. Aasa lang siya sa wala dahil kahit kailan hindi naman pwede kaming magsama. Kung ang mga tala man ang nagdidikta ng mga kapalaran, isa marahil ang pag-iibigan namin sa mga kwentong hindi talaga maaaring maisulat pa sa mga tala.

Naglakad kami ni Estefanio at naupo, patungo sa isang nakalatag na tela sa sahig nitong rooftop. May mga pagkain at inumin sa palgid nito. Mula rin sa pwestong ito, kita namin ang mga nagkikislapang mga bituwin sa langit.

"I really love the stars Juliet. Para sa akin, it already symbolizes my love for you...and I hope one day, it will symbolizes our love for each other." Nginitian niya ako habang nakatitig sa akin.

Ilang segundo lang kaming nagtitigan. Siguro, may dahilan siya kung bakit malalim niya akong tinitititgan, pero ako, ang dahilan ko, ay dahil gusto kong sulitin ang pagkakataon na makikita ko pa siya ng harapan.

"Sandali—" sabi ko nang matauhan. "May regalo pala ako sa'yo..." Ibinaba ko sa gilid ang mga hawak kong rosas saka inabot ang kanina'y hawak ko rin na paper bag. Mula rito, inilabas ko ang mga bagay na nais kong ibigay kay Estefanio.

"Actually you don't have to..." ani Estefanio. "But thank you. I'll surely appreciate whatever you give to me."

Ngumiti lamang ako sa kaniya saka ipinakita kong ano ang nasa loob ng bag na dala dala ko. "Ayan, isang music box." Ipinakita ko sa kaniya ang music box na ibinili ko noong mga panahong P.A niya pa ako. Binili ko ito noong mga araw ng shooting kung saan iba't ibang set ang napupuntahan namin. Talagang ipinasadya pa ko pa ang pagpapagawa nito. Tinulungan din ako ni Eda para pagandahin pa ito. Siya mismo ang naglagay ng maliit na pigura ng babae at lalaki na nakaupong magkatabi habang napapalibutan ng mga makukulay na bituwin. Kasabay nito, ang tugtog pa na lumalabas sa music box ay Twinkle Little,Star. Parang lullaby.

"Baka isipin mo pang-bata 'to," natatawa kong sambit. "Pero, pwede mo 'tong gamitin sa tuwing nai-stress ka, lalo na sa dami ng mga ginagawa mo." Tinitigan ko siya sa mga mata habang ipinapakita ang mekanismo ng music box. Nakangiti rin siya sa akin. "Patugtugin mo lang 'to and I'm sure, magiging maayos ang isipan mo..."

"Thank you. I love this. It looks like a miniture Estefanio and Juliet together with the stars," sabi niya kaya't napangiti na lang din ako.

"May isa pa," turan ko saka ipinakita ang isang kwintas sa kaniya. "Remember, you gave me this star-shaped necklace?" tanong ko at itinuro ang suot suot kong kwintas. "Ito naman ang para sa'yo," sambit ko at itinuro ang kwintas na hawak ko. Mukang tulad din ito ng kwintas na ibinili sa akin ni Estefanio pero ang kaibahan, maliit na bote ang nasa dulo nito kumpara sa akin na hugis bituwin. Para itong magical bottle na may mga blue lights at may miniture na buwan pang lumulutang sa loob. Halos kapares ito ng sa akin.

"Wow, where did you bought this?" aniya, namamangha sa pagliliwanag ng kwintas.

"Eda and I made it," pag-aamin ko. Ako ang nagdisenyo ng kabuuang itsyura ng kwintas habang si Eda ang naglagay ng liwanag sa loob nito—gaya ng sa akin.

Ngumiti ng napakatamis si Estefanio nang iniabot ko na sa kaniya ang mga ito. "You don't know how much I appreciate all your effort Juliet. Meeting someone like you, is already a gift."

Wala na siguro akong ibang reaksiyon pa ngayon, kundi ngumiti. Nagsimula na kaming kumain habang pinag-uusapan kung anong nangyari sa party kanina. Ayon kay Estefanio, mabilis at maliit na program lang daw ang isinagawa kanina. Kung siya lang daw mismo ang tatanungin, hindi niya na gugustuhin pang mag-party pero si Mrs. Del Carpio lang daw ang pumilit. Ika-21 kasing kaarawan ngayon ni Estefanio tapos pagbalik pa nila siguro sa America, panibago muling celebration doon ang magaganap.

"Estefanio, c-can I have a favor," biglang pag-iiba ko ng usapan matapos kaming matigil sa kwentuhan.

"Yes?"

Kinuha ko sa tabi ko ang dala-dalang poster niya at litrato namin noon sa Zambales. "Can I have an autograph from you?" nakangiti kong tanong. Naalala ko kasi si Mama. Bago ako, umalis noon sa 2018, pinangako ko sa kaniyang magpapapirma ako kay Estefanio para sa kaniya.

"Of course, no problem." Iniabot ko naman sa kaniya ang mga hawak ko. "I'm still wondering how this poster was photoshopped..." sabi niya nangnpinipirmahan na ang hawak na poster. Medyo gusot na nga ito at nilagyan ko na lang ng tape ang gilid para hindi masira. Naging saksi ang poster niyang ito sa paglalakbay ko sa panahong ito.

Nag-aalangan na lang akong ngumit kay Estefanio. Hindi ko naman gustong aminin sa kaniya na totoong picture niya nga iyon pero mangyayri pa sa mga paparating na taon.

"This was our first photo together," komento niya nang sa litrato naman siya pumipirma. Ipapa-frame ko talaga 'to sa oras na makauwi.

Matapos pumirma ni Estefanio sa mga iniabot ko sa kaniya, biglang nag-iba ang tugtog ng mga musikero ng violin. Taimtim na sinabayan nila ito ng kanta.

~Wise men say only fools rush in~

Natigilan ako nang biglang tumayo si Estefanio saka iniabot sa harap ko ang isang palad. "Can I dance with you?"

Nakaramdam ako nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Magkahalong lungkot at pag-asa ang idinudulot ng kanta sa akin subalit, nagawa ko pa ring iaabot ang kamay ko kay Estefanio. Ayokong pagsisihan na hindi ko iti-take ang chance na ito.

~But I can't help falling inlove with you~

Dahan-dahan akong inalalayan ni Estefanio patayo. Naglakad kami patungo sa gitna ng mga nagniningning na ilaw.

~ Oh shall I stay?  Would it be a sin?~

"Never in my life a man danced with me," pag-aamin ko nang hawakan na namin ni Estefanio ang isa't isa. Nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko habang ang isa ay nakahawak sa mga palad ko. Nasa may balikat niya naman ang isa kong kamay.

~Oh if I can't help myself falling inlove with you~

"You are also my first Juliet."

Natigilan ako at napatitig sa mga mata niya. "Seryoso?" Nagsimula na kaming magsayaw sa ilalim ng mga bituwin.

Tumango siya. "I'm not that romantic to others Juliet, only in to you..." sambit niya sa pagitan naming dalawa. Habang nakatitig ako sa kaniya ngayon, pakiramdam ko nalulunod ako sa pag-ibig na nararamdaman ko sa kaniya.

~Like a river flows, surely the sea~

Kung kaya ko lang kontrolin ang oras Estefanio... Kung kaya ko lang baguhin ang mga nakasulat sa bituwin...ang mga kapalaran natin, ginawa ko na. Kung kaya ko lang pagtagpuin ang mga linya nating sa totoo'y magkakalayo...

Masakit isipin na masaya tayo ngayon, pero pagdating ng bukas, maghihiwalay tayo. At sa oras na maghiwalay tayo, habang buhay na tayong hindi magtatagpo.

~Darling so it goes, some things are meant to be~

"I'll wait for you Juliet. I'll come back and wait for your answer," aniya at sinimulan akong yakapin. Napaluha na lamang ako habang ang mukha ko ay nakapatong sa kaniyang mga balikat.

Huwag na Estefanio...Huwag mo na akong hintayin...dahil hindi na ako babalik pa...

"I'll prove to you that I really love you. I already found my greatest star Juliet in you."

~Take my hand, take my whole life too~

Patuloy pa rin ako sa pagluha. Ang bigat-bigat ng damdamin ko. Hindi pala talaga madaling iwanan ang isang tao na totoong minahal mo at minahal ka rin ng totoo. Ang hirap pakawalan ng isang taong tulad ni Estefanio.

Nabigyan nga ako ng pagkakataon na makatagpo siya pero sa maling sitwasyon. Kung sa totoong panahon ko, hindi kami magkatagpo dahil sa layo ng mga distansiya sa pagitan namin, sa panahon namang ito, reyalidad ang kalaban namin. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, hindi kami pwede...

~For I can't help falling inlove with you~

"I want also to be your greatest star Juliet. Someday, I hope I'll be that star for you..." aniya pa.

"Y-you were already that greatest star Estefanio," sagot ko sa kaniya habang nakayakap. Natigilan marahil siya nang mapansin ang pag-iyak ko.

"Are you crying?" nag-aalalang tanong niya at bahagyang kumalas sa akin para titigan ang mukha ko.

Ngumiti ako nang mapait sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagluha. "I'll miss you Estefanio... I'll miss everything about us." Tuluyan nang pumiyok ang boses ko at napahagulhol.

~Like a river flows, surely to the sea~

Muli niya akong niyakap at sinilid sa mga bisig niya. Nasa may dibdib niya na ngayon ang mukha ko. "J-juliet...please don't cry...I'll be back." Hindi ko maipaliwanag pero maging siya ay parang umiiyak na rin habang yakap-yakap ako.

"Remember Juliet, I love you and I'll be back for you—just for you."

~Darling so it goes, some things are meant to be~

Hindi ako nakatingin ngayon sa mukha niya, pero nasisiguro kong umiiyak na nga siya. Kung ganito para sa kaniya kahirap ang pansamantalang pamamaalam, paano pa kaya kong malaman niyang habang buhay na kaming hindi magkikita?

Nasasaktan ako hindi lang para sa akin. Nasasaktan ako lalo para kay Estefanio...

~Take my hand, take my whole life too~

"Mahal din kita Estefanio..." Pilit akong nagsalita. "If ever we'll forgot each other, I know my heart will always love you forever..."

Naramdaman kong hinalikan ni Estefanio ang ulo ko habang patuloy pa rin kami sa pagyayakapan at pagsabay sa ritmo ng tugtog. "I won't forget you, I promise...And if ever that happens, I won't allow my heart to foget you too..."

~Oh for I can't help myself falling inlove with you~

Patuloy na lang ako sa paghagulhol habang yakap-yakap siya. Kung ito man na ang huli naming pagtatagpo, gusto kong sulitin ang pagkakataon na kaya ko pa siyang hawakan.

"Ich liebe dich Juliet. Let's see each other till I come back..."

Napapikit na lang ako habang sinasapo ang dibdib ko. "I love you too Estefanio... through time and spaces... till our stars meet again..."




End Of Chapter 35

Continue Reading

You'll Also Like

848 182 16
Nagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lum...
10.7K 648 104
Isa lang ang main goal in life is Lia and that is to put her sister out of the darkness. Orphaned by their parents after a tragic accident si Lia na...
133K 5.7K 42
Hindi ba normal na mahalin kita? Sinong nagsabing bawal mahalin ang katulad mo? Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso kung sino ang nais nitong mah...
3.2M 233K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...