Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.6K 625 185

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

33

52 7 2
By Sky_Supreme

Chapter's Theme Song: Tears In Heaven by Eric Clapton

Chapter 33


Matapos ang nangyaring insidente, isinama namin ni Eda si Beatrice sa Casa Simeon. Panay ang iyak ni Beatrice habang hindi ko pa rin kinikibo si Eda. Tahimik din siyang umiiyak dahil alam kong masakit rin ang nangyari para sa kaniya—ang makitang mamatay ang sarili sa ikalawang pagkakataon.

"Sino yan?! At bakit parang pinagsakluban kayo ng langit at lupa?" tanong ni Goldia nang makarating kami sa kwarto namin dito sa ikalimang palapag. Maging ang empleyado kanina sa baba ay nagtaka nang makitang may kasama kaming dalagita.

Tinitigan ko si Eda. Nakaupo siya ngayon sa may kama habang katabi ko naman si Beatrice dito sa may pintuan. Bukod kay Goldia, narito rin sa kwarto si Doctor Filimon na nagtataka kaming tinitignan.

Hindi sumagot si Eda. Seryoso niya lang din ako tinignan. Bahagya siyang umiling saka tinitigan si Beatrice. Agad ko namang nakuha na ayaw niyang magsalita dahil maririnig ni Beatrice ang boses niya bilang si Celeste.

"S-si Beatrice. M-mula siya sa ampunan. May naging problema kasi kaya pwede bang dito na muna siya?" nag-aalangan kong baling kay Goldia. Agad namang nanlaki ang mga mata niya saka nagpamewang sa harapan ko.

"Hoy! Hindi purke pinayagan ko na kayo ritong magpinsan, magdadala na kayo ng kung sino-sino. Hindi 'to charity house noh! Negosyo pa rin 'tong hotel ko!" giit niya. Dinuro-duro niya pa kami ni Eda ng pamaypay na hawak niya.

Dahil sa sinabi ni Goldia muli na namang umiyak si Beatrice. "Goldia, pwede ba? Kahit ilang araw lang. Pag-iisipan muna namin kung anong gagawin," giit ko kay Goldia. Patuloy kong hinihimas ang likod ni Beatrice upang tumahan. Nakakaawa na ang lagay niya, kanina pa hindi mapigil sa pag-iyak. Ang isang tulad niya ay hindi dapat sinasapit ang ganitong kalupit na sitwasyon.

"Goldia." Biglang nagsalita si Doc Filipo na kanina pa tahimik sa isang banda. Halatang hindi siya komportable na narito si Eda. "Hayaan na lang natin sila. Hindi ka ba naaawa sa bata?" anito.

"Wow, ako pa talaga ang maga-adjust para sa inyong lahat? Ako ang amo rito hindi ba?" pagtututol muli ni Goldia.

Tumayo bigla si Eda sa pagkakaupo niya saka lumapit kay Goldia. Hinila niya ang kamay nito. "Ba't 'di ka magsalita? Pipi ka girl?" turan ni Goldia. Tahimik lang si Eda habang bahagya siyang kinakaladkad patungo sa may direksiyon ng banyo. Mukhang kakausapin ito ni Eda.

Napabuntong-hininga na lang ako habang inaayos ang buhok ni Beatrice. Sa nangyaring aksidente, siguro hindi na rin naisip ni Sister Fidela na kasama pa ni Celeste si Beatrice nang mangyari ang aksidente. Sa oras na malaman ito ng ibang mga nasa ampunan, saka lamang nila hahanapin si Beatrice—partikular na si Sister Madel na tumulong sa kanila.

Biglang tumikhim si Doc Filipo saka lumapit sa amin. "Narinig ko Juliet ang nangyaring komprontasiyon sa inyo ni Eda kagabi."

Nanlaki ang mga mata ko nang lingunin siya. "A-lam mo na..." Hindi ko na nagawang ipagpatuloy ang sasabihin bagkus ay napalunok na lang ako sa pagkakatitig ni Doc Filipo. Magkahalong pagkaawa at seryosong ekspresyon ang nasa mukha niya.

"Naroon ako kahapon sa may nakabukas na pinto ng rooftop nang mangyari ang pag-aaway niyo. Patawad," aniya.

Hindi ko alan kung anong sasabihin. Napalingon ako kay Beatrice at mukhang hindi naman siya interesado sa pinag-uusapan namin ngayon ni Doc Filipo. Humihikbi pa rin siya.

"So...kung tama ang pagkakaintindi ko galing kayo sa h-hinaharap?" mahinang sabi ni Doc Filipo. Tama nga, alam niya na.

Dahan-dahan akong humiwalay kay Beatrice saka tumayo para harapin si Doc Filipo. "Naniniwala po ba kayo?" nag-aalangang tanong ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumango.

"Nakita ko na noong mga nakaraang linggo na mukhang may kakaiba kay Eda. Tumutulong siya sa pag-aayos dito sa hotel at napapansin kong may parang mahika siyang ginagawa. Hindi ko 'yun pinansin pero...nang marinig ko kayo kahapon, nakumpirma kong iba nga kayo sa amin," saad niya.

Bumuntong-hininga na lang ako saka napatingin kay Eda na kausap pa rin si Goldia sa may banyo at ibinalik muli sa kaharap ko ngayon. "Mapagkakatiwalaan naman po namin kayo hindi ba?"

Bago sumagot, tinitigan niya rin muna si Eda saka bahagyang ngumiti sa akin. "Mabuti naman kayo Juliet. Siguro kakaiba nga lang...pero, anong magagawa ko?" aniya.

Sa ilang linggong pinagsamahan namin nina Goldia at Doc Filipo, nasisiguro kong mabubuti naman silang tao lalo na si Doc. Kung alam niya na ngayon ang katotohanan sa mga katauhan namin ni Eda, kailangan ko lang siyang kausapin nang masinsinan para ipaliwanag na hindi ito dapat malaman ng iba.

"Doc, p-pwede po bang manatili na lang sa inyo ang nalalaman niyo k-kung naniniwala man po kayo?" diretsyahan ko sa kaniyang tanong. "Mahirap po para sa amin ni Eda ang sitwasyon namin ngayon. Maging kami ay hindi maayos ngayon kaya sana po  tulungan niyo na lang kaming maitago ang katauhan namin. Pangako, wala kaming masamang balak sa mga taong nasa panahong ito."

Nginitian niya lang ako saka tumango. "Makaasa kayo," aniya. "Lalo na't mahalaga sa akin si Eda," pag-aamin niya pa. Sinuklian ko na lamang siya ng ngiti saka bumalik sa tabi ni Beatrice.

"Sa ngayon po, kailangan kong iwan dito si Beatrice sa hotel niyo. Kung maaari sana alagaan niyo siya," sambit ko kay Doc Filipo nang makaupo.

"Iiwan mo ako Juliet?" biglang sabi ni Beatrice sa mahinang boses. Malungkot akong lumingon sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.

"Huwag kang mag-alala Beatrice, kampante akong magiging ligtas ka rito. Saka isa pa, aayusin ko rin ang problemang nangyari. Babalitaan ko sina Sister Madel na maayos ka lamang," paliwanag ko.

"S-si Ate Celeste patay na ba siya?" garalgal nitong tanong sa akin.

Isang malalim na buntong-hininga ang binitawan ko. Pilit kong pinipigilan ang luha sa mga mata ko habang nakikita ang pagdurusang dinaranas niya.

"Patay na nga siya..." malungkot na sagot ni Beatrice sa sarili niyang tanong. Nakita ko pa ang mapait niyang ngiti habang lumuluha.

"Magiging maayos din ang lahat Beatrice. Lahat ng bagay may dahilan at sa mga kabanatang madidilim, laging may bukas na maghihintay," pagpagaan ko ng loob niya habang hinihimas ang buhok niya.

"M-malaya na po ngayon si Ate Celeste," humihikbing sambit ni Beatrice. "Kung nasaan man siya ngayon, malaya na siya..."

Agad kong naisip si Eda. Tama nga naman, malaya na ngayon si Celeste. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto pa ni Edang baguhin ang nakaraan niya kahit na ngayon, nakukuha niya na ang kalayaang nais niya noong mortal pa siya.

"Juliet," biglang nagsalita si Doc Filipo sa may likuran ko. "Sigurado ka bang aalis ka?"

Tumango ako. "Tutuloy po muna ako sa dating apartment namin."

"Nang hindi nagsasabi kay Eda?" dugtong niya.

Tinitigan ko siya nang taimtim at pilit na ngumiti. "Wala pa akong lakas ng loob para makausap si Eda. Nasasaktan din ako..." malungkot na pag-aamin ko.

Siguro, kailangan ko munang mapag-isa at ayusin ang isipan ko. Kailangan ko ring magkaroon ng lakas ng loob para mapatawad si Eda at ang sarili ko sa mga nangyari.

Ilang saglit lang din, bumalik na papalapit sa amin sina Goldia at Eda. Mabilis kong pinunas ang luhang kanina pa nagbabadya.

"Oh, sigi na. Payag na ako na rito 'yan si B-be...Belinda—"

"Beatrice," pagtatama ni Doc Filipo sa pinsan.

"Oo, Beatrice. Payag na akong dumito 'yan Juliet. Pero ha!" pagbabanta ni Goldia saka nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Eda. "Huli na 'tong favor. Malapit na ang kaarawan ni Estefanio. Big event 'yun at gusto kong hotel ko ang pagdausan 'nun. Ayokong mauntsiyami pa ang lahat dahil sa inyo! Naiintindihan niyo?"

Tumango na lang ako. Kung ano man ang sinabi ni Eda kay Goldia, hindi ko alam. Pero, siguradong malaking bagay 'yun para mapapayag nang ganito si Goldia.

Nang ma-settle na namin lahat nina Doc Filipo at Goldia ang sitwasyon, nagdisesyon na akong umalis sa kwartong iyon. Sa apat na natira sa kwarto, tanging si Doc Filipo at Beatrice lang ang may alam na hindi muna ako tutuloy rito sa Casa Simeon.

Matamlay akong naglakad sa gitna ng pasilyo sa palapag na ito. Lutang pa rin ang isipan ko sa mga sunod-sunod na pangyayari. Idagdag pa ang walang maayos na pagtulog at pagkain sa nakalipas na magdamag. Hindi ko na rin namalayan na sumakay na pala ako sa elevator imbes na dumaan sa hagdanan.

Wala na akong nagawa nang magsimula nang bumaba ang elevator. Isinuot ko na lang ang lagi kong dala-dalang mask ni Estefanio. Siguro, magdadasal na lang akong hindi ko makasabay si Mrs. Del Carpio pababa. Aaminin ko, nakakapagod na ring lakarin ang napakadaming hagdanan pabalik-balik sa kwarto namin ni Eda.

Tila nabuhayan ako nang ilang saglit lang ay maramdaman kong tumigil nga ang elevator kasabay ng isang kalagting. "I'll go now to the parking area. I'll just wait you there." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Estefanio at kasabay nang unti-unting pagbukas nitong elevator, nasilayan ko na nga ang mukha niya. . .

Nakatingin sa may likuran si Estefanio at nang lumipas ang ilang segundo, saka lamang siya tumititig sa loob nitong elevator. Agad nagtama ang mga mata namin at natigilan pa siya nang mapagtanto kung sino ako.

"Wait Estefanio!" Boses iyon ng isang babae mula sa pasilyo sa labas nitong elevator.

Hindi ko alam kung bakit pero natuod na lang si Estefanio sa kinatatayuan niya at ilang ulit na napakurap. Sasara na sana muli ang elevator nang pigilan niya ito ng kaniyang mga kamay. "J-juliet?" aniya.

Napalunok ako saka nanlalaki ang mga matang tumango sa kaniya. Shems, hindi 'to maganda. Mukhang may kasama't hinihintay pa siyang iba.

"Hey, your mom is just fixing herse—" Mabilis na natigilan ang babaeng naglalakad palapit kay Estefanio at napatingin sa akin. "W-who are you?" tanong nito—ni Jasmine.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Estefanio at kay Jasmine na nakatayo na ngayon sa may labas nitong elevator. Nakaporma sila ng panglakad. Nagtataka rin si Jasmine sa ginagawa ni Estefaniong pagharant sa pinto ng elevator. Shemay! Anong gagawin ko ngayon?

"Jasmine, l-let's just wait for Mommy. Let t-the girl go," utal-utal na sabi ni Estefanio. Alam kong, alam niyang hindi pwedeng makita ako ni Mrs. Del Carpio dahil talagang lagot kaming lahat. Mabuti na lang at hindi ako kilala nitong Jasmine na 'to.

Agad nangunot ang noo ni Jasmine kay Estefanio. Ngayong nasa harapan ko na siya, masasabi kong napakaganda niya nga. Kutis Amerikana, may buhok na kulay blonde, at sopistikada pa ang kaniyang awra. Matangkad siya tapos nakasuot pa ng sandals na may takong. Itim ang kaniyang sexy'ng damit at may hawak pang mukhang mamahaling handbag.

"Why so tensed?" ani nito kay Estefanio. "Do you know her?"

Hindi sinagot ni Estefanio si Jasmine bagkus ay binitawan na lamang nito ang pinipigilang pinto ng elevator. Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag nang magsimulang sumara ito pero muling natigil nang iharang ni Jasmine ang mahaba niyang paa rito.

Mariin niyang tinitigan si Estefanio. "Is she the girl your Mom's talking about?"

Napalunok ako. Kung pwede lang itulak ko na si Jasmine nang makaalis na ako sa pwestong ito, gagawin ko na pero hindi ko kaya. Natutuod na lang ako sa kinatatayuan ko habang nagkakarera ang pintig ng puso ko. Anumang sandali, baka lumabas na ng kwarto si Mrs. Del Carpio at pag-initan pa ako.

"Jasmine, just let her go," tiim-bagang na utos ni Estefanio kay Jasmine. Mas lalo akong kinakabahan dahil pinapatagal pa nila ang sagutan sa harap ko ngayon.

"So, I'm right?" ani Jasmine.

Hindi sumagot si Estefanio hanggang sa magulat na lang ako nang hawakan niya si Jasmine sa magkabilang balikat. Nanlaki ang mga mata ko sa pag-aakalang hahalikan niyo ito sa harapan ko. Mabuti na lang at itinulak niya lang pala ito patungo sa may pader.

"Sorry Jasmine, I know I can trust you. I'll just wait you and Mom outside," mabilis na sabi ni Estefanio kay Jasmine saka ito binitiwan. Nagmadaling pumasok si Estefanio sa loob nitong elevator at agarang pinindot ang 1st floor button. Nakita ko pa ang hindi makapaniwalang mukha ni Jasmine bago tuluyang nagsara itong elevator.

Shemay. Pakiramdam ko namamawis ako sa kaba.

"Hey," humihingal na sambit ni Estefanio. Nagsimula nang umandar pababa ang elevator. "Juliet..."

Napapikit na lang ako saka siya nilingon. "Why did you do that to her?"

"Pushed her?" tanong ni Estefanio. "I just stopped her from asking you so much questions. I have told her about you already eh."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Told about what?"

Binigyan ako ni Estefanio nang isang matamis na ngiti. "That there's a special girl I met here in the Philippines."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano? She's still your—" Kusa akong tumigil nang maalalang break na nga pala sila.

"Jasmine is kind Juliet. She's just intimidating but hey, she respects my decision and it became mutual. She accepted that she and I were no more. I even told her about you that's why she has already a hint why I'm panicking a while ago," paliwanag ni Estefanio. Nakangiti lang siya habang nagsasalita.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ako makapaniwala. Akala ko pa naman isa rin si Jasmine sa mga taong dapat kung katakutan pero kung si Estefanio na ang nagsabi, maniniwala ako. Totoo ngang matured at mabuti ang ex-girlfriend ni Estefanio. Swerte na si Estefaniong maituturing kung nagtuloy-tuloy ang magandang relasyon nila.

Bahagyang tumawa si Estefanio. "You think she's a threat to our lovestory?"

Tinaasan ko siya nang kilay. "There's no such thing Estefanio."

"Not now, but definitely when I get back," kumpiyansang sabi niya. Natigilan naman ako. Sa lagay na ito, naaawa ako kay Estefanio. Pakiramdam ko pinapaasa ko lang siya na pwedeng maging kami. Oo, mahal namin ang isa't isa pero hindi talaga pwede....

"Why you seem sad?" biglang tanong ni Estefanio. Kasabay nito, bumukas na rin ang elevator hudyat na nasa lobby na kami ng hotel.

Imbes na sagutin si Estefanio, isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kaniya. Nagtaka naman siya kaya sinundan ako sa paglalakad.

"Good morning Sir," bati ng mga staffs sa kaniya na ginantihan niya naman ng pagtango at ngiti. Binilisan ko naman ang lakad para bahagyang lumayo sa kaniya.

"Hey!" narinig kong tawag nito sa akin pero hindi ko na siya nilingon hanggang sa makarating na ako sa labasan ng entrance ng hotel.

Nagulat ako nang makita si Edang nasa labasan rin at nagpapalinga-linga. Tumalikod siya saka ako nakita at tumigil. "Juliet!" tawag nito sa akin. Anong ginagawa niya rito? Bakit pa siya sumunod pababa?

"Juliet, b-bkit ka aalis? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?" naguguluhan niyang tanong nang makalapit sa akin. Pansin kong humihingal din siya. Siguro, dumaan siya sa hagdan para habulin ako. Ginantihan ko lamang siya ng seryusong tingin.

"Juliet, kailangan nating ayusin 'to... Kailangan nating—" Kusang natigil si Eda nang may isang may katabaang babae ang tumakbo papalapit sa amin. Narito na rin sa may tabi ko ang kanina'y humahabol na si Estefanio.

"Juliet, Eda," saad nang nagmamadaling babae. Naningkit ang mga mata habang kinikilaka kung sino siya hanggang sa mapagtanto kong isa siya sa mga apo ni Lola Rosaline. Nakasama na namin siya noon sa presscon ni Estefanio.

Humihingal ang babae at tila namumugto pa ang mga mata nang magpalipat-lipat ang tingin nito sa akin, kay Eda, at kay Estefanio. "Kailangan kayong makita ni Lola Rosaline...Mamatay na si Lola..."

*****

Naging mabilis ang mga pangyayari. Nang ibalita ng apo ni Lola Rosaline ang kaniyang pakay sa paghahanap sa amin, agad nagprisenta si Estefanio na ihatid kami ni Eda patungo sa sinasabing hospital kung nasaan si Lola Rosalind. Kinakabahan ako sa sinabi ng apo ni Lola. Hindi rin naman namin siya makausap nang maayos dahil ayon sa kaniya, si Lola Rosaline daw ang gustong magpaliwang sa amin ng lahat. Kung prank lang 'to, sana nga prank na lang. Hindi ko na alam kung paano pagsasabay-sabayin ang mga problema ngayon.

"Hahanapin ka ni Mrs. Del Carpio. Pwede ka nang bumalik. Maraming salamat," saad ko kay Estefanio nang makababa na kami sa kotsye niya. Imbes na umalis, sumunod pa rin siya sa amin. "Hindi ka uuwi?"

"No, I want to be by your side whatever happens at this moment," buong-loob na tugon niya sa akin. Napailing na lang ako nang sumunod na siya kina Eda papasok ng hospital.

Dinala kami nang apo ni Lola Rosaline patungo sa isang kwarto sa second floor ng ospital. Nang makapasok kami rito agad na sumalubong sa amin ang mahinang ngiti mula kay Lola Rosaline na nakaratay na sa isang higaan.

Nakasapo na lang ako sa bibig ko at naluha nang makita ang kalagayan niya. Nakakabit sa kaniya ang iba't ibang tubo at nakasuot ng hospital gown. Namumugto rin ang kaniyang mga mata at tila namayat na. Malayo ang itsyura niya ngayon sa nakilala naming masiyahan at energetic na si Lola Rosaline.

"Lola Rosaline, ano pong nangyari?" agad na tanong ni Eda. Maging siya ay naluluha na rin. Nang makalapit sa nakahigang si Lola agad niyang hinawakan ang kamay nito. Tumabi ako sa kaniya.

Naalala ko pang ang huli naming pagkikita ni Lola Rosaline ay noong tinulungan niya akong makapuslit papasok sa Casa Simeon Hotel. Iyon 'yung araw na nawawalan na ako nang pag-asang makausap si Eda. Dumating siya noon para palakasin ang loob ko at sabihing may pag-asa. Na kailangan huwag lang sukuan ang isang bagay.

Ngumiti si Lola Rosaline sa amin. Nakita ko pang tumulo sa mata niya ang tula habang nakahawak sa mga kamay namin ni Eda."Juliet...Eda...mga anak na ang turing ko sa inyo," nanghihinang sabi niya sa amin. Mabagal na ang kaniyang pananalita.

Naalala ko pang siya ang unang taong tumanggap sa amin ni Eda sa panahong ito. Siya ang tumulong sa amin para makahanap ng tahanan, pagkain, at pati pagkakakitaan. Siguro kung hindi rin dahil sa kaniya, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob para makilala ng tuluyan si Estefanio. Siya noon ang laging nagbabalita at impormasiyon sa akin tungkol sa taong dahilan kung ba't kami napadpad dito.

"Lola, ano po bang nangyari? Bakit ganito? Malakas pa po kayo noong kasama kita papunta sa Casa Simeon..." naiiyak kong saad sa kaniya.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa pagitan naming lahat. Pilit na ngumiti si Lola Rosaline saka tumingin sa may likuran namin ni Eda. "E-estefanio, hijo...nandito ka." Tika biglang natuwa si Lola Rosaline nang makita si Estefanio. Napalingon naman ako at nakitang nakatayo siya sa may pinto ng kwarto. Lumabas na rin 'yung apo ni Lola kaya kami na lang ang naririto.

"Halika Estefanio...samahan mo kami nina Eda at Juliet... " pag-aanyaya ni Lola Rosaline kay Estefanio. Lumapit naman patungo sa likuran namin si Estefanio saka ngumiti. Lumuhod na rin si Eda sa may tabi ni Lola para makita nito si Estefanio.

"Hindi ba't nakilala niyo ako bilang isang masiyahan ... magiliw... malikot...at malakas na matanda, hindi ba?" nakangiting tanong ni Lola Rosaline sa amin ni Eda. Yakap-yakap ni Eda ang kamay niya.

"Ganoon naman po talaga kayo hindi ba?" ani ni Eda. "Kaya lalakas po kayo tama po ba?"

Marahang pumikit si Lola Rosaline at saka huminga nang malalim. Matapos nito, tinitigan niya kami nang taimtim. May bahid ng kalungkutan at sakit ang mga mata niya. "Ang totoo...h-hindi talaga ganoon si Lola Rosaline," sabi pa niya.

"Lola, hindi po kayo sanay magdrama hindi ba?" pagbibiro ko. "Lalakas po kayo."

Marahang umiling si Lola Rosaline sa sinabi ko. "Juliet, hindi na. Hindi ko sinabi sa inyo noon na...m-may taning na ang buhay ko."

Mabilis akong napahawak sa bibig ko. Umiling-iling ako. "Hindi po magandang biro 'to Lola Rosaline."

Bahagya niyang tinapik ang isang kamay ko na nakahawak sa matress ng higaan. Ngumiti pa siya bago nagsalita. "Hindi ako nagbibiro Juliet. Na-diagnosed akong may Stage 4 Breast Cancer. Tinaningan na ng mga doktor ang buhay ko at ngayong Linggo...baka mamatay na ako."

Agad bumagsak ang mga luhang kanina'y pinipigilan ko. Napahagulhol na lang ako dahil sa sinabi ni Lola Rosaline. "H-hindi pwede..." pagsusumamo ko habang inaabot ang mga kamay niya. Hindi ko kaya...

"B-bakit? Bakit hindi niyo po sinabi?" umiiyak na tanong ni Eda. Kumpara sa akin, siya ang mas may kakayahang kontrolin ang nararamdaman. Siya ang mas matapang na harapin ang mga problema kaysa sa'kin.

Ilang sandali pa, naramdamang ko na lang na may humawak sa likod ko. Bahagya kong nilingon si Estefanio at nakatayo siya malapit sa akin habang pinapagaan ang loob ko. "I'm here," mahina niyang saad sa akin.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Lola Rosaline nang muli siyang magsalita. "Alam niyo...hindi ko rin sinabi noong una sa mga anak at apo ko ang tungkol dito. Sino ba naman kasing mag-aakalang dadapuan ako ng ganitong sakit kung kailan matanda na ako? Ayoko na rin nga sana sa inyong ipaalam, pero naisip ko... mahalaga na rin kayo sa akin."

Napakagat ako sa mga labi ko habang binibigkas niya ang bawat salita. Parang paulit-ulit na sinusuntok ang puso ko dahil sa mga nalalaman ko ngayon. Kanina, namatay pa lamang si Celeste tapos ngayon, malalaman kong nasa binggit ng kamatayan ang buhay ng isang taong walang ibang ginawa kundi tulungan at mahalin kami ni Eda.

"Wala na po ba talagang pag-asa?" Patuloy sa pag-iyak si Eda. Natigilan naman ako sa tinanong niya.

"B-bakit hindi ko na lang hilingin sa isa sa mga kahilingan ko na pagalingin si Lola Rosaline, Eda?" mataas na kumpiyansang saad ko kina Eda at Lola Rosaline. Si Eda naman ang natigilan at saka ako nilingon. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Lola Rosaline.

"Juliet...huwag na. May mga bagay na kailangan na nating hayaan. Tanggap ko na ang kapalaran ko. Huwag niyo nang sayangin sa akin ang kapangyarihan mo Eda..." mahinang sambit ni Lola Rosaline.

"P-pero pwede naman po ang sina—" Natigilan si Eda nang pigilan siya ni Lola sa pagsasalita.

"Eda...Juliet...matagal na rin naman na akong nabuhay. Kung gagamitin niyo 'yan saking kahilingan, panghabang-buhay ko namang pagsisisihan na inilaan niyo para sa akin ang isang malaking bagay," aniya sa amin.

Napuno na lang kami ng iyakan nang yakapin namin ni Eda si Lola Rosaline. Nang humiwalay kami sa kaniya, nginitian niya pa kami.

"Oks na oks na ako sa life ko. Kayo, gusto ko kayo ang maging okay sa life niyo. Habang mga bata pa kayo, ilaan niyo ang oras niya sa enjoyment, sa pagtulong at pagsisilbi sa iba, sa pagmamahal.... at sa pagpapatawad," paalala niya sa amin. "Kung may isang bagay man akong pinakapinagmamalaki ko sa sarili ko, 'yun ay 'yung hindi ko sinayang ang buhay na binigay sa akin ng Diyos."

Pinunas ko ang mga luha ko at saka tumango kay Lola Rosaline. "H-hindi po namin kayo iiwan hanggang sa huli Lola. Nandito po kami at ang mga  paalala niyo ay habang-buhay kong ibabaon sa puso ko."

Nakangiting tumango si Lola Rosaline. "Masaya akong nakilala ko kayo Juliet at Eda...Maswerte akong maituturing at nakakita pa ng tunay na mahika sa tanang-buhay ko," aniya saka dumako ang tingin kay Estefanio. "Saka nakilala ko pa ang pinakagwapong artista na inidolo ko sa buong kasaysayan."

Liningon ko si Estefanio at nakita kong ngumiti siya kay Lola Rosaline. Bilib din talaga ako kay Estefanio dahil kahit narinig niya na ang mga pinag-usapan namin kanina nina Lola,hindi siya nag-usisa. Alam niyang hindi ito ang tamang sitwasyon para kami ang magpaliwanagan. Siguro, habang buhay niya nang dadalhin 'yung sinabi niya sa akin noon na maniwala lang sa mga tao. Disesyon nila kung sisirain nila ang tiwala mo. Ganoon ang pinanghahawakan ni Estefanio.

"It's a pleasure for me to met you too Misis Rosaline," sabi ni Estefanio.

Bahagyang tumawa si Lola Rosaline. "Hindi muna yata ako mamatay hanggat hindi mo ako natatawag na 'Lola Rosaline'."

Lumawak ang ngiti ni Estefanio. "Sorry, Lola Rosaline," pag-uulit niya.

"Hays, diba wala na akong mahihiling pa? Ako na siguro ang pinakamasayang matanda dahil alam kong mahal ako ng buong pamilya ko at nabigyan pa ako ng pagkakataong makilala ang mga taong tulad niyo. Mga pambihira kayong nilalang," makahulugang banngit ni Lola Rosaline sa huli.

"Mahal ka namin Lola Rosaline," pahayag ni Eda saka muling niyakap si Lola Rosaline.

"Maraming salamat po sa lahat ng tulong at pagmamahal niyo." Muli akong naiyak habang nagpapaalal sa kaniya. Tumungo rin ako sa kabilang gilid ng higaan niya oara yakapin siya.

"Halika Estefanio hijo.." tawag ni Lola Rosaline kay Estefanio. Lumapit na rin ito para yakapin si Lola Rosaline. "Tandaan niyo, pahalagahan niyo ang buhay niyo at bigyang saysay. Hanggang sa muli...mga anak ko," sabi pa niya kaya naman napahagulhol na lang kaming muli ni Eda.

Nang buong araw na iyon, nanatili kami ni Eda sa tabi ng malungkot na pamilya ni Lola. Hanggang sa kinaumagahan, pagsapit ng alas kwatro nang madaling araw, binahiwaan ng buhay si Lola Rosaline—kasunod ng araw kung kailan namatay rin si Celeste.



End Of Chapter 33

Continue Reading

You'll Also Like

Waves Of Time By IamMiAn

Historical Fiction

69.2K 3.8K 49
"The time is passing by like the waves of our paths." The only thing in the world that we cannot get back aside from the life itself is time. Dinala...
341 111 35
Isang epidemyang salot ang naging sanhi nang kaguluhan sa bayan ni Edrei, kahit ang mapayapang mundo ni Olivia ay nagdusa. Ang hindi inaasahang pagki...
10.4M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
29.8K 1.2K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...