Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

123K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 43

2.5K 108 7
By Barneyeols

Kabanata 43

Nagmadali siya para bumalik sa kwarto niya. Bumisita siya sa mansyon ngayong araw dahil nabalitaan niyang hindi maganda ang pakiramdam ni Uno. May plano sila ni Athos at kailangan niyang maaccess ang study ni Uno kaya napagpasyahan niyang gawin ito ngayon.

Tinaon niya ito kung saan may sakit ang ama para hindi na magtaka ang organisasyon. Polo's not here. Nasa hospital ito kaya may masasabi na rin siya sa oras na itanong ni Uno kung nasaan ang kanyang 'asawa'. Civil na sila sa isa't-isa matapos nang nangyari sa meeting.

Ayaw ni Samuela na idamay si Polo sa lahat ng plano niya. This was hers and Athos' problem to solve.

Nagpahinga siya sa kanyang silid matapos magpakita kay Uno. Kailangan niyang planuhin ito ng mabuti.May ilang kasambahay ang bumabati sa kanya.

She was drinking water sa kitchen ng makita niya ang isa at bagong katulong roon. Ngumiti ito sa kanya at nagpatuloy sa pagpupunas ng mga wine glass.

"Nasaan si Uno?" she asked the maid.

"Nasa kanyang study po." magalang na sagot nito.

"Bago ka rito?" she asked again.

Tumango ang kasambahay.

"Who's holding the key for my Papa's study?" tanong niya.

Parang nagulat ang kasambahay sa sinabi niya. Binaba nito ang wineglass.

Seryoso pa rin si Samuela. Kailangan niyang mabuksan ang study nang sa ganoon ay maisagawa niya ang plano. Ayon sa kanyang obserbasyon ay nasa isang safe vault ang lahat ng mahahalagang papel ni Uno.

Kailangan niyang maaccess ang lahat ng ito.

"Naku, Ma'am Samara... hindi po ako puwede pa doon dahil bago pa ako. Sina Mayordoma lang po ang maaari."

Napapikit si Samuela doon. Ang mayordoma rito ay mahigpit ayon na rin sa ilang buwan niyang pananatili dito. Mukhang matapat kaya ganoon na lang kung mapagkatiwalaan ni Uno.

Kung naririto ang susi ay malabo niyang makuha ito ng hindi iyon nagsususpetya. Tuta ng kanyang ama ang mayordoma.

"It's good to know that. Thank you. Tapos na ako sa pag-inom, you may wash it." Nilapag ni Samuela ang wineglass at lumabas na doon sa kitchen.

Naglakad siya papalapit sa hall kung nasaan ang study. May ilang katulong ang naglilinis ng mga antique doon. Makaluma ang mansyon na ito kumpara sa bahay nila sa Forbes noon.

May ilang napapatingin sa kanya. Diretso ang lakad niya hanggang sa pintuan ng library katabi ng study. Hindi pa niya nabubuksan ay bumukas na ang pintuan ng study. Lumabas doon ang mayordoma na may dalang tray ng gamot at tubig.

Nagkatinginan silang dalawa nito.

"Señorita Samara," pagbati ng matandang mayordoma.

Hindi gumalaw si Samuela sa kinatatayuan at pinihit na lamang ang pintuan ng study.

"Nasa loob ng study si Papa? He drank his meds?" she asked.

Tumaas ang kilay ng mayordoma sa kanya at unti-unting tumango. Naguguluhan dahil ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng pakialam sa ama.

"Mabuti na ang Señor Uno, Señorita. Ayaw niyang magulo sa oras na ito."

Hindi na siya binigyan ng pagkakataon na magsalita at umalis na.

"So, rude." Samuela whispered.

Umirap si Samuela at pumasok na lang sa library para magbasa. Isang oras ay narinig niya ang pagsara ng study at ang mabigat na yabag. Ang pamilyar na tunog ng baston ni Uno sa kahoy na sahig at umaalingangaw.

He left the study.

Nagmamadaling binalik ni Samuela ang libro at pinihit ang seradura ng pintuan. The hallway's empty. Nilingon niya ang paligid at nakita ang security camera sa sulok ng kisame.

She avoid looking at it. Kailangan niyang umarteng normal para lalong hindi paghinalaan. Nagmamadali siyang lumapit sa pintuan ng study at prenteng kumatok. Marahan niyang inikot ang knob. It's locked.

Tumalikod na siya para bumalik sa kanyang kwarto. She needs the key.

She informed Athos. Unti-unti niyang tinagtag ang camera device na binigay ni Athos sa kanya mula sa kanyang bulsa para itago iyon.

Kailangan niyang tiyempuhan ito. When dinner came, sinubukan niya ulit dalahin ang device doon.

Pagkapasok niya sa dining ay wala doon si Uno. Pumunta siya sa kitchen at nakita ang mayordoma na naghahanda ng pagkain sa isang tray.

"Hindi sasabay sa akin si Papa na kumain?" she asked.

Nag-angat ng tingin ang mayordoma sa kanya at tumango.

"Nasa garden pero magtatrabaho sa study niya, Señorita. Ipinagpahanda na kita ng pagkain sa dining." she answered in a tone that dismissing her.

Tumaas ang kilay ni Samuela. Hindi na maari ito. Kailangan na niyang umuwi bukas kaya naman kailangan niyang maisakatuparan ang mga plano nito ngayong gabi.

She just needs to obtain the safe's password. She can get the files the other day.

"Can I deliver his food? I want to talk to him." she asked again.

Umiling ang Mayordoma.

"Gusto magpahinga ng Señor, Señorita."

Tinagilid ni Samuela ang kanyang ulo at nagkibit balikat.

"I won't stress him out, gusto ko siyang makasabay na kumain. Ipahanda mo sa kasambahay ang dinner ko sa loob ng study niya." utos niya.

Umiling ang nagmamatiga na mayordoma.

"Hindi maaari. Mariing bil-"

"I am his daughter, Clara. You don't have the right to tell me what to do just because you are his mayordoma." she gritted.

Natigil ang matandang mayordoma. Bakas ang galit sa mukha nito pero rin sumagot. Sinenyasan ang isa sa mga kasambahay na naroon para sundin ang nais ni Samuela.

Lumapit si Samuela at kinuha na ang tray mula sa mayordoma.

"I will take this. Sa study kami kakain ni Papa. I don't want anyone to disturb me." She said.

Diretso ang lakad niya sa study. Mukhang nagulat si Uno nang makita na siya ang may dala ng tray ng pagkain. Tinagtag nito ang salamin niya at mariin siyang tiningnan.

"Nasaan si Clara?" he asked, confused.

Nagkibit-balikat si Samuela at nilapag sa center table ang pagkain.

"I want to eat here. I don't want to eat alone, Papa." she reasoned out.

Nakita niya ang safe sa likuran ni Uno. The old man walked to her. Tinitingnan ang kasambahay na inaayos ang pagkain ni Samuela.

"Sit." utos ni Uno.

Sinunod niya iyon. Nag-umpisa na silang kumain. Matapos ang dinner ay nanatili siyang nakaupo doon. Uno's still eating his soup. Gumagala ang mata ni Samuela sa loob ng study. It was magnificent. Makaluma pero napakaganda na para bang nasa loob sila ng isang kastilyo.

"I like your study." she commented.

"You do? Some famous interior designer designed this for me." Uno proudly said.

Peke ang ngiti ni Samuela sa ama nang tumango siya.

"Yes. Gusto ko rin ng ganito." She said.

Tumango si Uno at uminom ng tubig.

"You can stay here if you want. Isama mo si Natalia."

Napawi ang ngiti ni Samuela sa sinabi ni Uno. Nagkibit-balikat na lang siya at isinantabi iyon.

There's no way she'll do that.

"Would you mind if I look around?" tanong niya.

Umiling si Uno at nilahad ang malawak na study. Nagpatuloy ito sa pagkain. She started looking at the painting to prevent suspicion.

Unti-unti siyang naglakad papalapit sa safe. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at kinuha doon ang napakaliit na device. Unti-unti niyang pinadaan ang palad sa makintab na hardwood.

"We can contact the designer, hija. Ipaparenovate natin ang bahay niyo ni Polo." Uno offered.

"Sure. But not now, Papa. I have other plans for our house."

Tumigil si Samuela sa larawan na malapit sa safe. Nakataob iyon at parang tinatago. Kinuha niya iyon at tiningnan.

It was their family picture. Noong bata pa siya at walang muwang. Hinaplos niya ang mukha ng ina. Malaki ang pagkakahawig nila pero may ilan din siyang nakuha sa ama.

Uno was about to say something pero bumukas ang pintuan. Niluwa noon ang mayordoma na may dalang tray ng gamot.

"Señor, oras na ng pag-inom ng gamot." Anito.

Saglit itong tumingin kay Samuela. Nagkibit balikat lang si Samuela at binalik ang tingin sa kwadro.

Kinuha niya ang pagkakataon para ilagay ang maliit na camera sa ibabaw ng isang antigong pigurine. It was dark in color kaya hindi mahahalata ang maliit na camera. Inayon niya iyon papaharap sa keypad ng safe para makuhanan iyon sa oras na buksan ni Uno ang safe.

"Anong ginagawa mo, Señorita?"

Nagulat siya ng magsalita sa likuran niya ang mayordoma. May pagdududa sa boses nito.

"I'm just looking at our picture, Clara. May problema ka ba doon?"

Nilingon niya ang mayordoma at pinakita ang kwadrong hawak niya kanina. Napataas ang kilay niya sa matandang mayordoma. Uno's watching them too.

"Bakit nakatago ang litratong ito sa sulok, Papa?" she showed their family picture.

"Siguro ay nahulog noong naglinis ako, Señor..." mabilis na paliwanag ni Clara.

Tumaas ang kilay ni Samuela doon. May nararamdaman siyang kakaiba sa mayordomang ito.

"Do you like my father, Clara?" she asked straightforwardly.

"Samara..." Uno tried to stop her.

Umiling si Samuela at seryosong binalingan ang mayordoma.

"No. Halatang nagpapaimpress ka sa ama ko, Clara. That's why you're nosy all the time. I'm sorry but you'll never have my blessing."

"Señorita," she called in disbelief.

Tumayo na si Uno at lumapit din sa amin. Mukhang nawala na ang pagdududa ni ara nang tuluyan sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.

Wala naman siyang pakialam talaga. They can marry each other in hell. It's not that she'll be possessive of her father. Kanyang kanya na. Gusto lang niyang ibahin ang usapan para hindi na mapagdudahan ng mayordoma ang ginawa niya.

So, she'll create a chaos if needed.

"Clara, you may leave us..." utos ni Uno.

Lumabas ang mayordoma. Naiwan silang dalawa ni Uno pero hindi rin natuloy dahil bunukas ang pintuan at niluwa noon si Polo.

"Uno," he called.

Nagkatinginan si Samuela at Polo. Mukhang may bakas din ng gulat sa mata ng binata.

"Polo, come in." Uno said.

Tumalikod na ito para lumapit sa safe. Binuksan niya iyon sa mabilis na pindot at may kinuhang envelope.

Iniabot nito iyon kay Polo. Nagdadalawang isip na kinuha iyon ni Polo.

"Gusto kong asikasuhin mo 'yan sa madaling panahon, Polo. I want you to take over as soon as possible."

Samuela clenched her both hands. Mariin niyang tiningnan ang walang imik na si Polo.

He's still planning to be her father's sheep? That is stupidity!

"Makakaasa ka, Uno." he said.

Nagkatinginan silang dalawa ni Samuela muli bago siya tumikhim.

"Let's go home, Sam." Polo tried to act normal.

Samuela wanted to stay here pero ayaw naman niyang isipin ni Uno na hindi sila nagkakasundo ni Polo. Baka mabuko pa na hindi na sila kasal at mas malala, hiwalay na sila ng bahay.

"Sure. Just let me get my bag." she said.

Binaba niya ang kwadro sa tabi ng safe. Mabilisan niyang kinuha ang camera sa pigurine at nilagay ito sa bulsa.

She's sure that she got the code. Naglakad na siya papalabas ng study. Matapos kunin ang gamit ay bumaba na siya.

Polo's leaning on his car. Mukhang hinihintay siya.

"How are you?" he asked.

Nagkibit-balikat si Samuela doon.

"I am fine, I guess. You? Still okay with you being the future leader?" she asked.

Umiling si Polo.

"I feel shit, actually. How's Nat?"

Binuksan ni Samuela ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nilingon niya si Poli at ngumiti. Of course, they may not be okay pero close si Nat kay Polo. No one can change that.

"She's still adjusting. She asked about you all the time. But she's okay."

Ngumiti si Polo.

"Can I visit her sometimes?" tanong nito.

Tumango si Samuela doon.

"Of course, you can. Just inform me. Let's go home." She said.

Magkasunod ang sasakyan nila ni Polo pero nang makarating sa intersection ay bumusina ito para ipaalam na hihiwalay na siya. Gumanti si Samuela ng busina at umuwi na din.

Natalia's playing with Athos when she came home. Busy ang dalawa sa Play Station. They were racing.

"I'm home." she said when they're too busy to greet her.

"Hi, Mama." Athos greeted but his eyes still on the screen.

"Hi, Mama." Natalia mimicked her father.

Samuela cringed at them. Hinayaan na lang nya ang dalawa at tumuloy na sa kwarto para magbihis.

Pagkalabas niya ay pumunta siya sa kusina. Nagluluto doon si Ningning.

"Hindi pa kayo nagdidinner, Ate? Nasaan si Paris?" she asked.

Nagkibit balikat si Ningning.

"Umalis, Ma'am. Sinundo ng magandang kotse eh. Sabi hindi daw siya dito magdidinner."

Tumango si Samuela. That's okay. Athos is here kaya hindi problema na wala si Paris.

"Tulungan na kita, ate." Samuela prepared the table.

Hindi pa natatapos sa pag-aayos ng dinner ay pumasok na rin sa kusina si Athos. Saglit silang nagkatitigan ni Samuela pero iniwas ng dalaga ang tingin niya. Sa likuran ng binata ay ang anak nila na nakasimangot.

She felt awkward since the day at the company. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Athos lalo na dahil namumula siya sa tuwing naalala ang pagtatanggol nito sa kanya.

"Dinner ka na, Athos." she tapped the table.

"Ikaw?" tanong ng binata pabalik sa kanya.

"Kumain na ako. But I will eat a little para masabayan kayo ni Nat."

Nilapag ni Ningning ang sabaw sa hapag. Umupo si Athos matapos ayusin si Nat.

"Ikaw, Ate? Sabay ka na." Samuela said at the helper para maibsan ang awkwardness.

Umiling ito sa kanya.

"Mamaya na ako, Ma'am. Maglalagay pa 'ko ng labahin sa washing machine." pagtanggi nito.

Naiwan silang dalawa ni Athos. Tahimik lang si Athos na sinusubuan si Natalia. Their daughter was asking innocent questions na sinasagot ni Athos.

"Will you sleep here?" Tanong ni Samuela matapos silang makakain.

Nakatulog na kasi si Natalia sa bisig ng ama. Binuhat ni Athos ang anak at dinala sa kwarto.

"Can I?" tanong ni Athos.

"Okay lang..." nag-aalinlangan niyang sabi.

Tumayo si Samuela at binuksan ang cabinet para kumuha ng isang bagong unan doon. Nilagay niya iyon sa kabilang banda ng kama para kay Athos.

Nag-ayos na sila. Naligo siya sa banyo at nagbihis ng pangtulog, pagkalabas niya ay naroon si Athos at may hawak na ring duffel bag. Siguro ay kinuha sa kanyang kotse.

"You can use the bathroom." she smiled.

Pumasok ito doon at naligo na rin. Humiga na si Samuela sa tabi ng anak at pumikit. Nagmulat lang siya ng mga mata ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kanilang kwarto. Ang bagong ligong sundalo ay humiga na rin sa kabilang banda ng kama.

Saglit silang nagkatinginan ni Athos.

"Where have you been? It's a weekend." Athos asked.

"I got to see Uno. He's sick and I tried to get his safe's password." she shrugged.

Bumangon si Samuela para buksan ang kanyang bag. Iniabot niya ang maliit na camera kay Athos.

"Somehow, I think I recorded it. Mukhang tuloy ang plano nila sa pagdawit kay General Querio."

Pinagmasdan ni Athos ang camera at may tinawagan. They were talking in low voice.

"I will send you a video later. Pakidecipher." Athos said and ended the call.

"What will we do? Your grandfather's at stake here. They will sure to destroy him."

"We'll talk to my grandfather tomorrow." Athos said.

Nilingon ni Athos ang natutulog na anak.

"I told him about Natalia. Gusto niyang makilala ang apo niya, Sam. General Querio is asking for his great granddaughter."

×××
#BSKab43

Sorry late UD ulit. Huhuhu medyo busy lang talaga. Bawi ako bukas!

Continue Reading

You'll Also Like

94.7K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
428K 12.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...