Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

122K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 36

2.1K 122 12
By Barneyeols

Kabanata 36

After the meeting ay unti-unti na ring nawala ang naroroon. Naiwan si Samuela hawak ang baril. Lumapit sa kanya si Polo at mabilis siyang hinila palayo doon. Tumigil lang sila nang nasa harapan na ng sasakyan ni Polo.

"Nababaliw ka na ba?" tanong ni Polo.

Ngumisi si Samuela at umiling.

"Of course, not. I have a plan." she said. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pumasok doon.

Nag-aalalang pumasok si Polo doon. Kinabit ni Samuela ang kanyang seatbelt. Nagmaneho na si Polo papaalis doon. Pinapangaralan siya kung gaano ba kadelikado iyon.

"Sa tingin mo kapag nahuli ka ngayon ay may kawala ka pa? You will shoot Athos!" he said.

Umismid si Samuela. Who said na babarilin niya ang binata? Sinilip niya ang likuran ng sasakyan kung may mga nakabuntot bang alagad ni Uno. Nang masiguradong wala, ay kinuha niya ang cellphone na binigay ni Athos at mabilis na nagtipa doon.

Samuela: Need to see you, Mr. Querio. ASAP.

Two minutes and she received a reply.

A: Sure, I'll be in your old house in a sec.

Kumunot ang noo ni Samuela? Bakit doon lagi sila nagkikita? Hindi pa ba nakuluha ng bangko iyon?

At bakit ayaw niya sa condo unit niya? May tinatago ba ito? Doon na ba nakatira iyong si Cynthia? Nag-iinit ang ulo niya kaya walang pagdadalawang isip na nagtipa sa kanyang cellphone.

Samuela: No need. I am heading to your condo right now.

Matagal bago nakapagreply ang binata. Agad siyang napangisi ng makita iyon.

A: Okay.

Tinago na niya iyon sa kanyang bag. Nilingon niya ang seryosong si Polo.

"Drop me off at Athos' condo." she instructed.

"Date?" tanong ni Polo.

Umiling si Samuela.

"Jesus, Polo! Sa tingin mo magkakainteres pa kaming magdate ngayon?" naghihisterya niyang tanong.

Nagkibit-balikat si Polo at ngumiti saglit.

"You should both consider, though. Lumalaki na ang anak niyo." Polo emphasized.

Sumalampak si Samuela sa upuan niya at nagsalubong ang kilay. Alam naman niyang, nagkakaisip na si Natalia.

"He thinks Natalia's yours, Polo. He checked my background this time pero hindi niya napagtantong we're annulled."

Ngumisi si Polo.

"Serves him right, Sam. After lahat ng ginawa niya sa'yo. I think it's better to punish him." Tawa pa niya.

Umirap si Samuela doon. Tumigil na sa pamilyar na basement ang sasakyan ni Polo.

"You can go home, Polo. Thank you. I will hail a taxi, later." she said.

"No. May kikitain lang ako malapit rito. Just text when you're done. I will pick you up."

"Okay. If that's what you want. Thank you, Polo." she kissed his cheek and went out.

Sumakay na siya sa elevator. It's been three years since she's last here. Bumaba siya sa floor ni Athos. The hallway was the same. Naglakad siya papalapit sa pintuan ng unit.

Tiningnan niya ang passcode. Mukhang naremodel ang building dahil dati ay susi lang naman iyon. She just pushed the doorbell.

Yumuko siya at mahigpit na hinawakan ang kanyang bag. What was she thinking for coming here? This place would bring so much memories of them.

She doesn't even know if she's ready?

Sa gitna ng pag-iisip noon ay bumukas ang pintuan. Hindi nakatakas sa kanya ang pagkamangha nang bumukas ang pintuan.

Nakatayo doon ang mala-Adonis na sundalo. Walang saplot pantaas at tanging ang kulay itim na sweatpants ang suot. May headset ito sa magkabilang tenga. Pawis na pawis pa at hinihingal. May mga parang benda rin sa mga palad.

"Uh..."

Iniwas ni Samuela ang kanyang mata sa katawan nito at lumunok pa.

Shit, boba ka Sam!

Binuksan ni Athos ang pintuan para makapasok siya.

"I am sorry, nag-sparring ako ngayon. Sit on the couch. I will get dressed." seryosong sabi nito.

This is really embarrassing, Samuela. Mura niya sa sarili habang umuupo sa bagong couch.

Pumasok sa kwarto niya si Athos paraagbihis. Pinagmasdan niya ang interior ng unit nito. Everything has changed. Maging ang kulay at furnitures at mga pintuan.

Tumigil ang mata niya sa pintuan ng kanyang dating kwarto. Para bang may nagtutulak sa kanya na pumasok doon.

Naroon pa kaya ang mga gamit ko? She monolouged.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit doon para sumilip pero bago pa siya tuluyang makalapit, bunukas na ang pintuan ng kwarto ni Athos.

Nakaputing sando na ito at kinakalas ang mga tela sa kanyang palad. Tumuwid siya ng tayo at nakipagtitigan sa binata.

"Uh... sorry. I am just wondering." she explained pero parang walang pakialam si Athos doon.

"Just sit. Why do you want to see me?" Tanong nito at umupo na sa couch na kaharap niya.

Umupo na rin si Samuela sa harapan nito. Kinuha niya sa bag ang baril at nilapag iyon sa coffee table.

Kunot-noong tiningnan ni Athos ang baril.

"Where have you got this?" tila kulog iyon.

"Sa-" bago pa siya makasagot at tumayo si Athos.

Nagulat si Samuela dahil kinuha agad ni Athos ang kanyang cellphone para may tawagan.

"Hello, Kristoff? Nakita ko na ang baril. Bring the forensic here in my condo." Pinatay niya ang tawag at kinuha iyong baril gamit ang isang tissue.

"Wait... I don't get it, Athos." naguguluhan si Samuela habang tinitingnan na maingat na nilagay iyon ni Athos sa isang plastic.

"Paano napunta ito sa'yo? Hinawakan mo ba ito? Your fingerprints would be all over here, Ms. Montecillo."

Gumapang ang takot ni Samuela sa sinabi ni Athos. Fingerprints niya?

"Wait... ano?" natatakot na sabi niya.

"Ito ang baril na ginamit sa pagbaril kay Althea, Ms. Montecillo. At kung makita ang fingerprints mo rito ay madidiin ka." paliwanag ni Athos.

"Fuck," mura ni Samuela dahil hinawakan niya iyon. Saka lang niya naalala na nakasuot ng gwantes iyong si Vigomar nang ibigay iyon sa kanya.

"Putanginang, Siete!" sigaw niya.

"Sinong Siete?" tanong ni Athos.

Nag-angat ng tingin si Samuela rito.

"Siete, si Lieutenant Colonel Vigomar." pagtukoy niya. Umigting ang panga ni Athos.

"I knew it. Kaya ilang beses nang natutunugan ng samahan niyo ang pagsalakay ng mga militar sa kampo niyo sa bundok."

"Athos, they wanted me to prove my loyalty by shooting you with this gun."

"Vigomar is Siete. Matagal nang tuta ni Uno. Gusto niyang mabaril ka para hindi ka makasama sa Siquijor. Gusto niyang siya ang mamuno doon."

"Classic Vigomar," tamad na sinabi ni Athos at umiling na para bang sanay na siya doon.

"Vigomar's jealous of my achievements. Mas bata ako pero nasa parehong rango na. He's scared I might do better than him." Paliwanag ni Athos.

"That's childish. And he probably wants to frame me by putting my fingerprints on that gun?"

"Yes, definitely that's his plan. Never trust him. He's too cunning."

Seryoso na ngayon ang tingin ni Athos. May kumatok sa pintuan. Binuksan iyon ni Athos. Pumasok doon si Kristoff kasama si Victoria at Gregory.

Gulat na gulat ang mukha ni Victoria sa pagkakakita sa kanya. Tahimik lang si Gregory at Kristoff doon.

"You... are alive?" laglag ang panga ni Victoria habang tintanong iyon.

"Obviously." Greg cut her.

Umismid si Victoria doon. Kinuha ni Athos ang plastic at binigay kay Victoria.

"Tori, nahawakan iyan ni Ms. Montecillo. Look if there's another fingerprint there." utos ni Athos.

Tumango si Victoria doon. Nilingon pa siya ulit isang beses bago nagtanong.

"Paano mo ito nakuha? At saka... paano ka buhay?" tanong niya.

Kinagat ni Samuela ang kanyang labi.

"I am part of the organization, Victoria. They protected me." simpleng sagot niya.

"Then, how can we be so sure na mapapagkatiwalaan ka?" tanong muli ni Victoria.

Pumikit si Samuela. Sumasakit na ang ulo niya sa araw na ito. Parehong kailangan niyang patunayan ang kanyang loyalty sa magkaaway na grupo.

Napapagod na siya.

"Then, as I said to Cynthia... it's your call kung maniniwala kayo o hindi. I am so tired to prove myself to anyone." she simply said.

Nakatingin lang sa kanila ang tatlong Querio. Tumikhim si Gregory nang magkatinginan sila. Sumibol ang kaunting kaba doon.

"Tama na 'yan, Victoria. I am a hundred percent sure that she can be trusted." sabi ni Gregory at tumango kay Samuela na makahulugan iyon.

Alam ni Gregory na ginagawa niya ito para sa anak nila ni Athos. There's no way she'll betray them.

Umalis na rin si Gregory kasama si Victoria. Naiwan doon si Kristoff kasama nila. Umupo ito sa tabi ni Samuela.

"You need to shoot me to prove your loyalty to the nightshade, right?" tanong ni Athos.

Tumango si Samuela.

"Yes. Some are still doubtful... sa tingin ko may kaunting duda pa din si Uno." pag-amin niya.

"Then, you should really do it, Attorney." Biglang sabat ni Kristoff.

Nagulat siya sa sinabi nito.

Gusto niyang barilin ko si... Athos?

"Huh? I can't," aniya.

"You said it's a done deal, anyway. What do you think, bro?" tanong ni Kristoff sa pinsan na para bang nag-uusap lang sila sa pagpatay ng lamok.

"Definitely, Kristoff." Sagot ni Athos at tumayo para may kuhanin sa isang drawer doon.

Isnag case iyon ng baril. May mga bala at gamit panglinis. Kinuha iyon ni Athos at tinutok kay Kristoff. Pabirong tinaas ni Kristoff ang dalawa niyang kamay.

"Careful, Athos. You cannot be reckless. I have a son, now." he smirked.

Tumaas ang kilay ni Athos at binaba ang baril. Maingat niyang nilagay iyon sa harap ni Samuela.

"That's exactly the same like that gun. That's mine. You will use that."

Kinuha iyon ni Samuela. Hindi niya mapigilan ang takot sa paghaplos doon.

"No... I don't want to hurt you." she whispered.

May kakaibang emosyon ang mata ni Athos at tumango.

"I know. But you have, too." sabi ni Athos at tumikhim na.

Kristoff was silently watching them. Amused ang kanyang tingin.

"Shoot me on the chest. Mas makukumbinsi sila doon. Chest is a vital part." Tinuro ni Athos ang tapat ng kanyang puso.

"What? No! Paano kung magkamali ako? I am not ready to be a murderer!" her voice rose.

May mahihinang tawa si Kristoff sa kanyang tabi. Umirap si Athos sa pinsan niya.

"You will not be a murderer, Montecillo. Magsusuot ako ng bulletproof vest. Just practice on your aim. If you want to really kill me, shoot me in the head... your call." Athos smirked.

Tumaas ang kilay ni Samuela at nilagay ang baril sa case nito. Hell no! Of course gagawin niyang mabuti ayaw niyang nalang araw, magalit si Natalia sa kanya kapag nalaman na napatay niya ang tatay niya.

"Aalis na ako, Athos, Attorney..." paalam ni Kristoff.

"Sige, just don't forget to do my favor, Kristoff." Athos dismissed.

"Whatever, bro. Una na ako." he closed the door.

Naiwan silang dalawa doon. Tulala pa din si Samuela sa baril.

"What are you thinking?" tanong ni Athos.

"Nah, just nervous. Do you know this Vigomar?" she asked again.

May kakaiba siyang nararamdaman doon kay Vigomar. Sa lahat ng miyembro, iyon ang pinaka-iniisip niya.

"Vigomar, was my superior. I used to be in his platoon." sabi ni Athos.

"With Serge? He never mentioned him." she asked.

"Yeah. I had this hunch that he's the one behind the shoot out where your brother gets killed." Athos brows furrowed.

Parang may kung ano ang tumama kay Samuela. Parang may hinala siya pero kailangan niya ng ebidensya.

"If he's insecure with you, I think that's not impossible. I know that you're target." she said.

Kumunot ang noo ni Athos.

"What?" he asked, confused.

"Ikaw ang pakay sa shoot out na iyon. Serge just saved you... so, you can protect me."

Mahirap para kay Samuela na sabihin iyon. Another family member died because of protecting her again.

Minsan ay kinukwestyon niya kung mas matimbang ba ang buhay niya sa mga ito at kailangan nilang mamatay para sa kanya.

"The farewell letter he wrote... sinabi niya iyon doon."

Athos bit his lower lip. Walang imik itong pumunta sa refrigerator at kumuha ng dalawang bottled water.

"Alam niyang hinahanap ako ni Uno noon. But he cannot touch me, hindi niya alam ang koneksyon ng Lolo ko sa mga de la Vega."

Binuksan ni Athos ang bote at nilapag iyon sa harapan niya. Marahan niya iyong kinuha para uminom.

"Judge Victor helped me change my name. I used my mom's name and hid as Serge's sister." she explained.

"There's a big possibility that Serge knew something." he concluded.

Tumango si Samuela.

"Yes, I think so too. Knowing him, may plano siya. He always think of something lalo na kung seguridad namin ang nakataya."

"You still have his letter?" tanong ni Athos.

Nagulat si Samuela doon. She still has it... kung naririto pa ang ilang gamit niya.

"Nasa... gamit ko noon. 'Yung naiwan ko dito." she answered carefully.

She avoided eye contact. Sariwa pa iyon para sa kanilang dalawa. It's awkward.

Tumango si Athos at tumayo na. Walang pagdadalawang isip nitong binuksan ang pintuan ng dating kwarto ng dalaga.

"I kept your things." he said.

Kung gulat na siya kanina, mas may igugulat pa pala siya.  Parang nanghihina ang kanyang mga tuhod nang humakbang siya papunta doon.

Sumalubong sa kanya ang pamilyar na kwarto.  Walang nabago doon. Ang sheets, at mga libro niya ay naroon pa din. Parang hindi siya umalis ng ilang taon.

Tumungo siya sa box kung saan naroon ang mga gamit ni Serge. Nang hinawakan niya iyon, ni walang isang alilabok siyang naramdaman.

Pinalilinis niya ang kwarto ko?  Gusto niyang itanong iyon pero pinigilan ang sarili. Their encounter was very awkward. Ni ayaw niyang magtagal na ganoon ang  ayos.

Kinuha niya ang sulat ni Serge. Nilingon niya ang sundalo na nakasandal sa pintuan, hindi sumubok na pumasok sa loob.

"Uh... this was the letter he wrote noong namatay siya. The one you handed me." she said.

Lumapit siya para iabot iyon kay Athos. Binuksan iyon ng binata. Tahimik siya at may malalim na iniisip.

"He said you'll help me..." puna niya at inayos ang magulong buhok. "kaya hindi ako nagdalawang-isip na  makipagkita noon."

Tumango si Athos.

"Do you have his dog tag?" tanong ni Athos.

Tumango si Samuela at binuksan ang unang dalawang butones ng kanyang damit. Nakatitig sa kanya si Athos habang ginagawa iyon.

Namula ang kanyang pisngi nang mapagtanto ang ginagawa niya. The hell, she's opening the first two buttons of her polo blouse.

"I always wear it." She said.  Ginawa niyang pendant iyon ng kanyang kwintas.

Sinubukan niyang tagtagin iyon pero dahil sa titig ni Athos ay nahirapan siyang magkalas noon.

Athos sighed and went to her. Nang magkaharap na ay pinigilan niya ang kamay ni Samuela na natataranta sa pag-aalis noong lock.

"Let me," he said.

Mariin ang panga niyang itinalikod ang dalaga. Hinawi niya ang buhok nito pra mas madaling makita ang lock.

Tinagtag niya iyon. Nanatili namang bato sa kinatatayuan si Samuela. May kakaiba siyang nararamdaman sa bawat haplos ng palad ng binata sa leeg niya.

Memories of them, making love, flashed her stubborn mind. Mariin ang hawak niya sa dulo ng kanyang buhok ng maalala iyon.

Fucking hell, behave Sam! she cussed.

"He was so eager to give this to you when he died. I think this dogtag will be our first clue."

Tumango si Samuela. Iyong dogtag na iyan ang dahilan kung paano sila nagkita. She remembered their first encounter.

Namamagha siya noon sa binata. He's super mysterious and attractive but a gentleman.

Nakakalungkot lang na sa ganitong paglipas ng panahon, ay halos hindi na nila halos makilala ang isa't-isa.

Her traitor tears were forming in her eyes. Agad niyang pinalis iyon at nagkunwaring abala sa pagtingin sa dati niyang kwarto.

"It's still the same." she whispered and ran her fingers to the bed.

Napansin niyang tahimik si Athos. Nagkatinginan silang dalawa. She smiled a little and tried to sit down.

"Do you want to say the night here?" biglang tanong ni Athos.

Kunot-noo niyang tingnan ang binata. Stay the night here? With him? Hindi niya ata kakayanin iyon.

Tumikhim si Athos  at sumulyap sa mga libro sa mesa doon.

"I mean, you can stay the night so you can sort all the things you want to get from here." he clarified.

Umiling si Samuela at tumayo na. She's very nervous right now that she cannot think cleary.

"No, I don't think so... I will get my things when I have the time. Polo will pick me up."  she said.

Nag-iwas ng tingin si Athos at tumango. Nilagay niya ang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang sweatpants.

"Right. I forgot you have to go home to him and your daughter." he said like he realised that just now.

Hindi alam ni Samuela ang kanyang sasabihin. Nanatili na lang siyang nakatayo doon at nakatingin sa sundalo.

"Let's go. I will walk you out to your husband."

Malamig na sabi nito at lumabas na sa kwarto niya para makalayo sa kanya.

×××
#BSKab36

Hi. Guys. Sorry ngayon lang siya napublish ulit. Thank you :)

Follow me here on wattpad and tweet me: @Barneyeols

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
124K 3.5K 45
How much pain do you have to go through until giving up is okay?
1.5K 198 22
"You're one of us. This is where you truly belong." Because she, is The Chosen One. WARNING: ONGOING Ended:
10.6K 319 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...