The Bedwarmer (BL)

By MrAoiKun

98.8K 3.9K 363

Edrian got infatuated with his boss in the company he was applying for the first time in his life. Dahil sa k... More

1: Older Lover
2: Moving In
3: Grab it!
4: Shut Down
5: It Means Nothing
6: Momentum
7: Inevitable
8: Playing with Fire
Chapter 9: Tension Attention
10: Secret
11: Stirring Trouble
12: Whatever It Takes
13: Got It All Wrong
14: The Truth
15: Twisted
Season 2
1: The Twin
2: Shifting Gears
3: Defective
4: Comparisons
5: Sweet Memory
6:Hitting Hard
7:Vengeance
8:Keep Up
9: Fearless
10: Revolve
11: Speaking Actions
12: Coming Back
14: Firm Hold
-EN: The Bedwarmer-

13: No One Will Die

1.7K 73 8
By MrAoiKun


    Napagdesisyunan na ni Edrian na umuwi ng Pilipinas. Ngayong nasa ayos na ang lahat at nakabalik na rin si Adrian, wala nang dahilan para manatili pa siya dito. Nagawa na niya ang dapat para sa kapatid niya. Malaki ang naging impact ng ginawa niyang exposé sa mga traydor na members ng organization kaya mas naging madali para sa kapatid niya na makuha ang leadership nito.

    Nakahanda na lahat ng gamit niya at inaayos niya na lamang ang kanyang suot na plain white  long sleeved shirt at itim na slacks na pinarisan na brown na boots. Inayos din niya ang kanyang buhok at binalik na niya ang dati niyang makinis na mukha na walang bahid ng anumang balbas. He is back being Edrian Aragon.

    May kumatok sa pinto ng kanyang kwarto at napabaling siya dito. Si Janus iyon at nakangiting inabot sa kanya ang isang box.

    "Bakit kasi kailangan mo pang umalis? You can stay here with us. Alam mo kung kami lang dito ni Adrian baka sa susunod na linggo umuwi na rin ako sa Pilipinas. Having you here makes me feel that I am still back home."

    Lumapit siya dito at inabot ang box na hindi pa rin niya alam kung ano ang nilalaman.

    "Adrian will take good care of you. Binilin na kita sa kanya at kung may gawin man siyang kalokohan you can freely leave him. But I know he won't do that. He waited for you for so long. At hindi ito ang mundo ko, Janus. I have to fulfill my own dreams. I will start from scratch and build all of them."

    Tumango lang si Janus sa sinabi ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi naman ito magpapapigil kahit anong gawin niya.

    "Anong laman nito? Bakit mo ako binigyan ng regalo?" tanong ni Edrian at inalog pa ang box kung ano ang laman nito.

    Sinenyasan siya ni Janus na buksan iyon at yun ang ginawa niya.

      "Oh--- Holy--- How did you? How did you found this?" hindi makapaniwala si Edrian sa kanyang nakita sa loob ng box.

    Isa iyong photo album ng mga pictures na kinukunan niya noong highschool pa silang dalawa. Mga scenery at mga importanteng bagay ang subject ng mga pictures na iyon.

    "I know you always wanted to be a famous photographer. It was never missing. Ako ang kumuha niyan mula sa kwarto mo when you were having a hard time dealing with the rape incident. Akala ko susunugin mo ang album na'to kaya I had to keep it. Pati yung mamahalin na camera na binili ng Daddy mo for your 16th birthday, I tried taking it with me pero narealize ko, it was your outlet. Kaya hindi ko na inattempt kunin pa 'yun."

   Naluluha si Edrian habang tinitingnan niya ang laman ng album. Ang mga pictures na kinunan niya during his teenage years. Ang mga ala-ala ng masasaya niyang sandali bago siya nasadlak sa isang madilim na sitwasyon na hindi na siya nakalimot pa.

    "When you went to Palawan with me and took all these beautiful pictures of El Nido and Coron, I was so happy. It feels like you really wanted to do photography. And I want you to fulfill that dream, Edrian. Sana ito na ang pagkakataon na gawin mo ang mga bagay na talagang magpapasaya sa'yo."

    Yinakap ni Edrian ang kanyang kaibigan ng mahigpit. Pinasalamatan niya ito dahil hindi nito nakalimutan ang pinangarap niya para sa buhay niya noon.

   "Yeah--- I guess I need to get back to doing this thing again. I might be your wedding photographer. So just watch out for that."

     Nagyakap pa silang muli bago tuluyang bumaba si Edrian bitbit ang kanyang luggage at ang regalo sa kanya ni Janus.

    Nasa baba naman ng hagdan si Seya at Adrian na kanina pa nag-uusap.

     "I always wanted to protect my brother. And now that you are there to do that for me, please don't mess it up. I see you as my brother too and I don't want anything bad happening to the both of you."

    "You always doubt what I'm capable of. Edrian is safe with me. And I won't let anyone hurt him no matter what."

    Tinapik ni Adrian ang balikat ni Seya na kinangiti lang naman nito.

    "Just bring some of our men to be sure you will be fine during your travel. After what Edrian did to Wei Fei and Sumaske, I'm sure there are people waiting for me to make a wrong move."

    Tumango lang si Seya bilang pagsang-ayon bago niya makita ang kasintahan na pababa ng malaking hagdan kasama si Janus.

    "Mom and Dad will be happy to see you again. Alam mo ang relasyon namin ni Daddy so I better not go there with you. Mas kailangan ako ngayon dito. Just send them my regards and well wishes."

    "Kelan mo ba kasi binabalak na makipag-ayos na kay Daddy. I'm sure he is just waiting for your move. He was never the man who we wanted him to be, but he is still our father."

   Tumango lang si Adrian sa sinabi ng kapatid at linapitan ito. Nagyakap silang dalawa at nagpaalam na.

    "Salamat.. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. You made it all possible. I promise to live a new life and a brand new start. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa akin."

   "You know I will do everything for you, Edrian.  I am your brother. You are my only brother. You did your part in this whole process. Kaya parehas tayong may pananagutan sa isa't-isa. So stop being a baby now. You have grown so much. You are a real man now. Prove it to them, okay?"

   Bumitaw si Edrian sa pagyakap at tumango lang sa sinabi ng kapatid bago siya tuluyang nagpaalam dito. Habang nasa main door si Adrian at Janus ay kumaway siya sa dalawa bago tuluyang pumasok sa loob ng Lamborghini ni Seya.

    "They will miss the hell out of you for sure." saad ni Seya sa kanyang katabi sa kotse at tumango lang ito at napabaling sa kanya.

    "We will see each other more often now. So I won't miss the hell out of them."

     Napatawa naman si Seya sa sinabi ng kasintahan at umalis na sila ng tuluyan sa malaking mansion patungo na sa airport.

   -----------------------------------------------------------------

    "They have passed through the Hui Xia Point. In 5 minutes they will be in the position. So get ready."

    Hawak ng isang lalaking nakablack suit ang kanyang cellphone habang nagmamaneho ng kotse niya. Sinusundan niya ang isang Lamborghini at sigurado siyang nasa loob nito ang target nila.

   "Make no mistakes. Or we will all die together." saad pa nitong muli bago patayin ang kanyang cellphone.

    Ang kanyang kotse ay mas pinabilisan pa niya ang takbo. Kailangan niyang abutan ang sasakyan upang masigurong makakahinto ito sa tamang posisyon ng kanyang mga kasamahan.
 
    Nabatid naman ni Seya na may nakasunod sa kanyang sasakyan. Hindi maganda ang pakiramdam niya rito kaya mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo na kinagulat naman ni Edrian.

    "Hey? What's going on? Are we in a race?" tanong ni Edrian na tiningnan ang likod ng sasakyan. Kita niya ang paghabol sa kanila ng isang puting kotse. Doon na siya nakaramdam ng kaba.

    "It's Wang Wei Fei's men. That car belongs to his company before. Maybe he is trying to take you or something. I knew this would happen but not this soon."

    Hindi napigilan ni Edrian na kunin ang baril na nasa compartment ng sasakyan.

    "I don't like to use this one but I don't have any choice, do I?" tanong niya kay Seya na kinangiti lang nito.

    "Just be sure you won't get shoot first.. Okay?"

    Agad naman silang lumiko sa isang diversion road na nagdadala patungo sa isang makapal na kakahuyan. Hindi sila pwedeng dumiretso dahil alam nilang may naghihintay sa kanila.

    Ngunit hindi sila tinantanan ng kotseng nakasunod sa kanila kaya patuloy silang nagmaneho patungo sa malalim na parte ng kakahuyan. Tinigil ni Seya ang kanyang sasakyan at agad silang bumaba ni Edrian.

   Huminto din ang puting kotse na nakasunod sa kanilang dalawa at mabilis na lumabas ang apat na kalalakihang sakay nito.

    Tinutukan sila ng mga baril ng apat at alam nilang dalawa na sa puntong iyon, kailangan nilang maghanda.

    "Drop your guns or we will shoot your brains out. Now!" sigaw ng isa sa mga kalalakihan.

    Hindi naman nasindak si Seya sa sinabi ng mga ito.

    "You really think you can get your way? Wei Fei's men are so stupid. How could he even hire amateurs like you?"

    Mabilis na tinakbo ni Seya ang apat at agad niyang dinamba ang isa sa mga ito na dahil sa gulat ay nabitawan ang kanyang baril. Kumilos naman si Edrian at agad na tumawag sa phone upang humingi ng back-up.

    Nagkapalitan ng suntok si Seya at ang apat na kalalakihan habang si Edrian ay sumali na rin sa pakikipagbuno ng kasintahan.

    Dalawa pang sasakyan ang dumating sa kanilang kinaroroonan at doon na sila nakaramdam ng takot. Dalawa lang sila laban sa napakaraming armadong kalalakihan na naroon.

   "Edrian? Do you know a saying that goes " A man can only die when he has no option but to die"? Well today.. No one will die." saad sa kanya ni Seya bago nito tinaas ang kanyang kamay maging si Edrian ay yun na rin ang ginawa.

    "Try not to be so cocky next time, Hagashi. You are lucky our boss does not want you dead. We only need that fake Adrian Aragon to come with us."

    "No one will take him. You have to go through me before you can lay your hands on him."

    Sumenyas ang leader sa mga tauhan nito at isa-isa silang lumapit kay Seya at pinaulanan nila ito ng mga suntok. Hindi makagalaw si Edrian dahil sa puntong iyon tanging mukha ni Seya na nahihirapan na ang kanyang nakikita.

   Napunit na ang gilid ng kilay nito na naging dahilan para bumulwak ang dugo nito. Ang bibig nito ay naglalabas na rin ng dugo.

    Hindi na niya napigilang kunin ang kanyang baril at tinutukan ang kanyang sarili.

    "Let him go or I will shoot myself!" sigaw ni Edrian na kinatigil naman ng mga kalalakihan sa pagbugbog nila kay Seya.

    Nakahandusay si Seya sa lupa at sinisikap nitong tumayo.

    "Drop that gun now!" sigaw ng lider ng grupo ngunit hindi ito sinunod ni Edrian.

    "Wei Fei will never have me. So I would rather kill myself than seeing him win over." mahinahon niyang saad. Kinalabit niya ang gatilyo ng kanyang baril at sinubukan siyang lapitan ng lider ng grupo.

    Hindi nagtagal ay nakarinig na sila ng huni ng mga sirena at nagkagulo ang grupo nila. Sinubukan pang agawin ng lider ng grupo ang baril na hawak ni Edrian ngunit hinablot na siya ng mga kasamahan upang pumuslit. Nagsitakbuhan ang mga ito at agad na hinabol ng mga pulis na dumating sa lugar.

    Isa namang sasakyan pa ang dumating at lumabas dito si Adrian na puno ng takot dahil sa mga nangyayari. Nakita niyang may hawak na baril ang kapatid at ang nakahandusay na si Seya sa lupa at duguan ang mukha.

    Agad na tinakbo ni Adrian ang kapatid at inutusan ang mga tauhan na kargahin si Seya papasok ng sasakyan. Kita ang takot sa mga mata ni Edrian habang dinadala ng mga tauhan ni Adrian si Seya.

    "Edrian! Are you hurt?" tanong nito sa kakambal niya na tumango naman.

    "You have to take Seya to the hospital. Marami siyang tinamong bugbog sa mga hayop na 'yun. I have to go somewhere. Kailangan ko siyang pagbayarin sa ginawa niya kay Seya."
 
    "Edrian! Are you crazy? Pupuntahan mo si Wei Fei? He is in prison. And I won't let you do stupid things!"

    Umiling si Edrian sa kapatid niya. Hindi na niya palalampasin ang bagay na'to.

     "Wei Fei was never imprisoned. I will make sure this time, he will pay for his sins."

    Napailing nalang si Adrian dahil nagmamadaling pumasok si Edrian sa kotse ni Seya at pinaharurot na ito.

    Pupuntahan ni Edrian ang kinaroroonan ni Wei Fei. At oras na makita na ito, ipaparanas niya dito ang ginawa nito sa kanyang pinakamamahal.

    "Just pray that no one will die today.. Because I  am not the one to die."

        ---------------◇◇◇◇◇◇◇◇-----------

Continue Reading

You'll Also Like

608K 38K 66
STATUS: COMPLETED WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB Police Director General. Iyon ang titulo ni Vienn sa kapulisan. Pero mailap siya sa m...
791K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.9K 322 9
WARNING! RATED SPG [R18] DON'T READ IF YOU'RE NOT A BxB LOVER! May angking ganda si Arri kaya hinahangad siya ng mga dominanteng alpha. pero pinalaki...
85.3K 2.3K 13
Pula ang kulay ng pag-ibig.. Pula ang kulay ng matinding galit.. Pula ang kulay ng mga taong nasa langit. © JayceeLMejica, 2015