Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

127K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 31

2.1K 96 14
By Barneyeols

Matapos ang usapan, nakabalik na rin sila agad sa penthouse.

Tahimik na ang buong penthouse at dim na din ang mga ilaw. Dumiretso siya sa kwarto ni Natalia.

Naabutan niyang tulog si Ate Ningning sa tabi ni Natalia. Samuela smiled a bit and put blanket on both of them.

Pumunta siya sa isang guestroom at doon na nagbalak humiga. As she was fixing herself, bumukas ang pintuan dahil kay Polo.

"Why did you say that?" he asked.

Tamad na tumingin si Samuela sa kaibigan. Polo sat on the edge of the bed.

"What's the big deal, Polo. You said tjat you'll kill me if I said anything right?" Samuela shrugged.

Laglag ang panga ni Polo doon. Umiling siya agad at tumayo para lapitan si Samuela.

"No. I just said that to assure him. So, he would let us stay." Polo explained.

"I know, Polo. I said what I said to assure him,too." she fired back.

Katahimikan ang nanatili sa pagitan nila. Nilingon ni Samuela ang lalaking nakaupo lamang doon at problemado.

"I know you are planning something, Sam..." he cupped his forehead.

Pagod at takot ang nasa mga mata ni Polo nang sabihin iyon. Samuela stopped removing her make up.

Tumayo siya para tabihan si Polo. She sighed as she rested her head on his shoulder.

"You will coordinate with him, right? I don't care if you do, but my parents..." he trailed off.

Samuela nodded. She knew the importance of Polo's parents for him. For a guy who sticks with her all the time, hindi niya kayang gumawa ng ikasasakit nito.

"I want to do what's right. If we won't do anything to severe the organization." she tried to explain.

Tumango si Polo.

"Polo, I wouldn't do anything without your consent. If you want your parents to be out of this... we'll do it. I am not pressuring you." she suggested.

"And put all the blame to your dad? Sam, our parents have the fair share of responsibility for it." Polo sighed.

Tumango si Samuela.

"Right. Just sleep for now, Polo. I won't do anything without you knowing. I promise." she smiled weakly.

Tumango si Polo at niyakap siya. She carresed his back slowly, hindi alam ang gagawin. She wanted to confess everything but she do not want to hurt the only person that she consider as a family.

Nagising na lang siya ng maaga. They dropped Natalia sa school. Samuela was a bit paranoid to let her stay alone with Ningning after what happened yesterday.

But she and Uno had a deal. She made sure that he will not cause harm to Natalia. She will not let anything hurt her.

With a heavy heart she went to the office. Binilinan niya si Ningning na ibalita at mag-update sa kanya para mapanatag siya.

"Sam," tawag ni Polo.

Nilingon niya ang binata. Seryoso ito at mahigpit ang hawak sa manibela.

"Alam na nina Mommy na nandito tayo sa Pilipinas. Nakita ako ng kaibigan niya sa hospital." pag-amin nito.

Kinabahan si Samuela doon. Hindi magtatagal ay pasusundan na siya ulit ni Uno. Hindi nito puwedeng malaman ang tungkol kay Natalia.

"They will summon us, anytime." aniya kay Polo.

Huminga siya ng malalim. Ito ang iniiwasan niya noon pa. She needs to hide their annulment from her father and Polo's parents. Even if Polo's parents see Natalia, no one can deny that her father's Athos. She's the splitting image of Althea.

"Uunahan natin sila Polo. Magpapakita na tayo this weekend sa kanila. Let's convince them that we are not going to do something stupid. We'll make them believe us."

Tumango si Polo at tipid na ngumiti. She tried to nod para makapasok na sa trabaho.


She dialled Uno's number. Limang rings pa lang ay sinagot na ito. Hindi man niya masikmura ang boses nito, wala na siyang magagawa. She's part of the group now. Kapalit ng kalayaan ni Natalia.

She dived herself into working the whole day. Masakit ang batok niya noong lumabas siya ng building. She saw Polo leaning on his car, talking on his phone.

Nilapitan niya ito. Polo said something and ended the call.

"Pinapapunta tayo sa mansyon niyo." bungad ni Polo.

"Si Natalia." sagot niya.

"Binilin ko na kay Ningning. Pinadagdagan ko ng bantay para mapanatag ka. We should go."

Tumango si Samuela. Hindi nila pwedeng ipagpaliban iyon. If they resists, paniguradong mas hihigpit ang hawak ni Uno sa mga leeg nila.

They're both nervous. Tahimik sila papunta sa mansyon. Bumukas ang itim na gate kung saan naroon ang ilang armadong lalaki.

Polo pulled up at the fountain. Bumaba si Samuela at tinanaw ang kanyang ama, kasama ang magulang ni Polo na nakatayo sa porch ng mansyon at tinatanaw sila.

Nagkatinginan sila ni Polo. He walked to her side and held her right hand. Tiningnan iyon ni Samuela. Pinisil niya ito ng marahan.

"We'll pretend we're still married, okay?" Polo reminded.

Tahimik silang umakyat sa porch. Nakangisi si Uno habang tinitingnan ang kamay nilang magkahawak. Polo kissed his Mom. Nanatili naman si Samuela na nanonood doon.

"It's a surprise, Hijo. Hindi niyo sinabing umuwi kayo?" tanong ng kanyang mommy.

"We want to stay here, Mommy." hilaw na sabi ni Polo.

Mariin namang pinagmasdan ni Samuela ang mansyon sa likuran. Iniiwasan niyang tingnan si Uno na nakatitig din sa kanya.

"Shall we go inside, Uno? Lalamig ang dinner." tanong ng daddy ni Polo.

Tumawa si Uno. The familiar laughter brought fear to Samuela. Kinagat niya ang labi niya at sinulyapan ito.

Samuela cleared her throat. She would do this. She had no choice.

"Nice seeing you, Samara." he greeted.

Samuela nodded.

"Nice seeing you, Papa." she greeted back.  She wanted to spit the word Papa from her mouth like it was acid. But when she made a pact with her father, he asked for it. He wanted Samuela to call him Papa like in the past.

"Let's go in, kumpadre." Leticia said.

Pumasok sila sa bulwagan. Mas marami na ang armadong lalaki doon kumpara noong huling beses na nandidito sila.

Umupo siya sa pinakadulo katabi ni Polo. Katapat nila ang mga magulang ni Polo. Nasa kabisera pa din si Uno.

The first course was served. Tahimik nilang kinakain iyon.

"Since you're both here, Samara and Polo... you are both required to attend the nightshade ball for this year." Ani Uno.

Nightshade ball? Samuela looked up to her father. Tahimik nitong iniinom ang isang wine.

"I didn't know you have a ball. 'Yung sa flower of death lang ang nakadalo ako." Samuela said, the time they gate crashed a stupid party.

"Hija. That's a very confidential party. Tanging limited ang invites and exclusive for our allies, only." sabi ni William.

"Gaganapin iyon sa birthday ko. It's a party to reconnect to our allies. Ipakikila din kayo doon bilang tagapagmana ng organisasyon kapag nawala na ako." he explained.

"Ako? Tagapagmana?" she asked.

Tumaas ang kilay ni Uno at binaba ang kanyang wine glass. Pinunasan pa nito ang gilid ng kanyang labi.

"I am still thinking about that. I am not sure of your loyalty, Samara... but with Polo, I am very sure." humalakhak ito.

Polo looked very shocked. Halos mabulunan pa ito sa kinakain. His parents laughed at him. Si Samuela lamang ang hindi kumportable doon.

Polo would be Uno's successor?

"I don't think that's for me, Uno. I am not ready for that kind of responsibility." nagdadalawang isip na sinabi ni Polo.

"Polo, I see myself in you. Gaya mo, ay hindi ko akalaing kaya ko magpatakbo ng isang organisasyon. Look at us now, we are powerful and rich. No one can touch us, hijo." Uno smirked.

"Even that little soldier of yours, Samara." he  emphasized like it didn't matter to Samuela.

Humigpit ang hawak ni Samuela sa kutsilyo at tinidor niya pagkabanggit noon. Nabuhay ang galit niya sa sistema.

"Wait, he's not Major anymore,right? Sa huling balita ko sa bastardong iyon, Lieutenant Colonel na ata? Tingnan mo nga naman!" Leticia said.

Samuela pursed her lips. Handa na siyang sagutin ang ama nang magsalita si Polo.

"I still don't know, Uno. I will ask my wife first."

Tiningnan siya ni Polo. Binalingan din siya ng mga ito. Leticia and William Alfiler plastered wide smiles at her.

"Look at you two. Mukhang nagkakaigihan na nga kayo." tawa ni William.

Uno shifted on his seat. An evil smile was evident on his face. Samuela felt nervous.

'Please, do not talk about my daughter' she prayed on her mind.

Uno sighed like he heard her prayer. Imbis na magsalita ay binaling ang atensyon sa binta at doon ngumisi.

Samuela looked straight at Polo's face and smiled sweetly like a lamb.

"Of course." she put her hand on Polo's and squeezed it.

"So, what's your decision hija? Wpuld you allow Polo to take over?" hopeful ang boses ni William roon.

"Yes. I want you to take over. I want to get even to Athos Querio. He tried to kill me."  She said with pure conviction.

"Good girl." Uno praised.

Samuela just mirrored her father's smile. She's here to convince them that she's on their side. Hindi niya makakalimutan ang pangako niya na pababagsakin niya ang mga ito.

Tiniis niya ang tatlong taon sa New Zealand para mapaniwala si Uno. Ngayon, tutupadin na niya ang pangako sa kanyang sarili. Gusto niyang wakasan ang lahat ng ito para sa anak niya.

Natapos ng matiwasay ang dinner. Ilang beses niyang pinigilan na saksakin sa leeg ang kanyang ama.

Nakaupo sila sa sala at umiinom ng tsaa. Tahimik siya habang pinag-uusapan ang mga dadala sa kaarawan ni Uno.

Masaya si Uno sa lahat ng mga maiimbita. Nakikinig lang siya sa mga plano. She will attend and take a look sa lahat ng mga kasabwat ng samahan.

"Samara," ani Uno ng inihatid sila ng mga ito sa sasakyan.

"Yes, Papa." she called.

Seryoso ang mga mata niyang pinanood ang ama. He smiled a bit at ginamit ang kanyang baston para mas makalapit pa sa kanya.

"I am so happy to see you, again." Uno said in a soft controlled voice.

Kumirot ang puso ni Samuela doon. She bit her lips and nodded. Inakbayan naman siya ni Polo at pinisil ang kanyang balikat.

"Mauuna na kami ng asawa ko, Uno. Mom, Dad..." paalam ni Polo.

"Mag-iingat kayo ng anak ko, Polo." ani Uno at pinanood sila na bumaba mula sa porch.

Pagkalabas na pagkalabas nila sa trangkahan ng mansyon ay malalim ang hinga nilang dalawa. Nanginig si Samuela at niyakap ang sarili.

"That was scary, Sam." puna ni Polo.

"I know. What are we gonna do?" Tanong ni Samuela.

Kinagat ni Polo ang kanyang labi at nagkibit balikat. The road to Manila was dark. Tanging headlight lang nila ang liwanag pababa sa bundok.

"We'll just go with the flow, Sam. I don't wanna be the leader someday. Pero hindi ko puwedeng tanggihan iyon. You know Uno as much as I do."

Tumango si Samuela. Alam niya iyon. Walang sinuman ang makakatanggi kay Uno. He will go mad if someone did. At noon pa man, laging kamatayan ang resulta sa tuwing mangyayari iyon.

"We'll attend the party, Polo. This is the only way to finish my father." Samuela nodded.

Buo na ang loob niya. Ang tanging paraan para masira ng tuluyan ang organisasyon ay ang sirain ito mula sa loob.

Siya ang magsisilbing anay sa sistema nito. Kokolektahin niya ang lahat ng impormasyon na makakalap niya. She's tired of everything. Ayaw na ayaw na niyang tumagal pa ito hanggang sa magkamuwang si Natalia.

This ends here. She'll start what she forgot to do. Gagawin niya iyon mag-isa. Kahit walang tulong ng sinuman.

Kinabukasan, habang nasa trabaho ay nakatanggap siya ng tawag  mula kay Ate Ningning mula sa daycare.

Nagmamadali siyang nag-out sa trabaho at pumara ng taxi. Tumawag ang teacher doon dahil may nakasakitang kaklase si Natalia.

Hindi na niya natawagan si Polo sa pagmamadali. She can hear the cries of her daughter.

Umakyat siya sa daycare. Nakita niya si Natalia na buhat buhat ni Ate Ningning. Humahangos niyang pinuntahan ang taga-alaga.

"Ma'am!" tawag ni Ate Ningning. Hawak nito ang isang ice bag at nakalagay sa noo  ni Natalia.

Tumingin siya kay Natalia na mas lalong umiyak nang makita siya. Binuka nito ang mga braso niya para magpakarga kay Samuela.

Ginawa iyon ni Samuela.

"Anong nangyari, Ate Ningning?" Tanong ni Samuela.

"Nagkatulakan sila nung classmate niya sa slide, Ma'am. Nahulog pareho kaya may bukol."

Samuela eyed her daughter's forehead. Pasa at bukol ang nasa noo ni Natalia. Lumapit naman ang teacher na in-charge sa daycare.

"Ms. Montecillo, pasensya na po kayo sa nangyari. Sabi po nung classmate nila, nag-aaway na po sila bago pa man sila magkatulakan sa slide." Paliwanag nung teacher.

"Sino ang nakaaway ng anak ko, Miss? Bakit niyo hinayaang mahulog sa slide ang mga bata?" tanong ni Samuela.

Rumehistro ang takot sa mukha ng teacher. Nilingon niya ang desk niya kung saan naroon ang batang lalaki na nilalagyan rin ng ice bag ng nanny nito.

"Tinawagan ko na po 'yung mommy ni Vicci, Ma'am. Anytime po ay nandito na 'yon." sabi nung teacher.

"Mama, hurt! Hurt!" sumbong ni Natalia at tinuro iyong batang lalaki. Iyon siguro si Vicci.

Bagong iyak din ito. Pinupunasan ng kanyang nanny ng pawis. Halos kaedad ni Natalia ang bata. Kulot ang buhok nito at mestiso ang balat.

Umiyak ulit si Natalia at hinawi ang ice na nasa noo niya. Panay ang iwas niya sa tuwing ilalapat iyon ni Ningning sa noo niya.

"Ako na, ate Ning." she got the ice bag from the helper.

"Shh, it's okay." Pakalma ni Samuela sa anak at dinampi ang ice bag sa noo nito.

Bumukas ang pintuan at may pumasok doon na babae. Tumayo ang teacher at sinalubong iyon.

"Ma'am, iyan na ata 'yung mommy nung batang lalaki." sabi ni ate Ningning.

Hindi naman iyon pinansin ni Samuela na busy sa paglalagay ng ice bag sa noo ni Natalia. Pinunasan din niya ang mukha ng anak.

"Mommy!" Sigaw ng batang si Vicci.

"Hi. I am so sorry. I heard everything on the phone." the woman said.

Nilingon ni Samuela ang babae. In front of her was Olivia. It's Kristoff's wife.

Buhat na rin nito ang anak na si Vicci. Naglahad ito ng kamay sa kanya. Gulat na tinitigan lang ni Samuela iyon.

Vicci's mother... is Olivia? It means, he's cousin's with Natalia? Kaya pala pamilyar ang kulot na buhok at mukha ni Vicci, dahil anak siya ni Kristoff Querio.

"Uh... Mrs.?" Tanong ni Olivia ng hindi biya tinanggap ang kamay nito.

Lumunok si Samuela at kumurap. Mabilis niyang tinanggap ang kamay nito at agad ding binitiwan.

"Miss lang. Ms. Montecillo." she said nervously.

Tumango naman si Olivia.

"Ah! Sorry, my bad. I am Olivia Querio. Sorry dahil natulak daw ni Vicci ang baby mo." she smiled and looked at Natalia.

Nagtagal ang tingin niya sa anak ni Samuela. Kinabahan naman si Samuela doon. Hindi siya kilala ni Olivia. They never met once kaya siguro nga ay hindi nito alam.

"Okay lang, Mrs. Querio." Aniya.

Nakatingin pa din si Olivia kay Natalia. Nakipagtitigan lang si Natalia na para bang namamangha siya kay Olivia.

Sobra ang kaba ni Samuela doon. Umiling si Olivia at ngumiti rin matapos titigan si Natalia.

"Sorry for staring. May kamukha kasi ang baby mo. But that's weird. You don't know her." she said.

Tumango si Samuela at mas mahigpit na niyakap ito.

"By the way, sorry talaga ah? Medyo may pagkapilyo kasi si Vicci. Naspoiled kasi sa mga tito niya. Sorry kasi nagkabukol si Natalia."

Tango lang ang naisagot ni Samuela. She just want Olivia to go away. Siya lang ba mag-isa? O baka may kasama pa siyang iba? One of the Querios? Are they outside?

Sinulyapan niya ang pintuan. If she went out and saw one of them ... paano iyon?

'Seeing me alive is a big thing. Seeing me with my daugther is a much bigger thing!' she whispered on her mind.

"Mrs. Querio, Ms. Montecillo. Pasensya na po talaga kayo sa nangyari." Pagsingit noong teacher.

Tumango si Samuela at Olivia. Malaki ang ngiti ni Olivia sa teacher.

"Okay lang 'yan. Normal sa mga bata ang magkasakitan. Pasensya na din kayo sa anak ko." hingi ni Olivia ng pasensya.

Sinang-ayunan iyon ni Samuela.

"Okay lang. Sana ay huwag na mauulit ito. Masyadong delikado ang mahulog sa slide. Tama si... Olivia. Mga bata nga ito at normal iyon." she tried to smile.

"I am so sorry but I need to go now, Ms. Montecillo, Ms. Teacher... nagpadrive lang kasi ako sa pinsan ng asawa ko. Nasiraan kasi ang sasakyan namin." she smiled apologetically.

Tumango si Samuela rito. Nilingon naman ni Olivia ang nanny ng anak na sakbit na ang bag at laruan ng anak.

"Yaya, mauna ka na sa sasakyan ni Athos... pasabi pababa na rin ako." Olivia ordered.

Shit. He's outside.

×××
#BSKab31

Tweet and follow me on Twitter and Wattpad: Barneyeols

Drop your comments my Yeollies! 😘

Continue Reading

You'll Also Like

179K 2K 6
WARNING:SPG Aina Ramirez isang babaeng rakitira, kahit ata pag construction papatusin nya pag hiningi ng pagkakataon. hanggang isang trabaho ang nag...
44.3K 1.4K 62
Evintiem Race Series #2 | Book 2 of Sylum Academy of Skill Exertion | -- She escaped from the land where she first opened her eyes... from the land w...
494K 19.5K 45
Kingdom of Tereshle Story #4 [COMPLETED]. Erika Rysse. A girl who always wanted to become a warrior. Enthrea, one of the four division of Tereshle, w...