Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.6K 623 182

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

30

53 5 11
By Sky_Supreme

Chapter's Theme Song: Please Forgive Me by Bryan Adams


Chapter 30

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok at kurap nang magtagpo ang mga tingin namin ni Estefanio. Shems! Hindi niya dapat ako nakita!

"Are you okay?" Mabilis na lumapit sa pwesto ko si Estefanio at tinulungan akong itabi ang plywood na bumagsak sa akin kanina. Hahawakan niya pa sana ako para itayo pero agad akong umiwas at tumayo nang mag-isa.

"Ay Juliet! A-andito ka pala!" biglang pagsasalita ni Goldia. Halata sa tono niyang naglilinis-linisan siyang hindi niya alam na nandito ako. "P-paano ka nakapasok dito sa building?!"

Kusang napalingon ang ulo ko kay Goldia at pinanlakihan niya naman ako nang mga mata. Ilang sandali pa bago ko na-realize na gusto niyang umarte ako na wala siyang kaugnayan sa akin.

"Don't lie to me Goldia. She's been here all along right?" sita ni Estefanio sa ginagawa naming pagsisenyasan ni Goldia. Natigilan naman si Goldia at agad inayos ang mukha. Seryosong nakatingin sa kaniya si Estefanio.

Magrarason pa sana si Goldia pero napapikit na lang siya nang tuluyan dahil sa matalim na tingin ni Estefanio. Maging ako ay nai-intimidate sa ganoong tingin ni Estefanio. Habang tinitignan ko siya ngayon, nanliliit ako sa sarili ko. Ngayon, wala na 'tong atrasan. Wala na akong magagawa kundi ipaliwanag sa kaniya ang mga sinabi ko sa kaniya noong huling shoot.

"S-sorry Estefanio," panimula ni Goldia. Ilang metro ang layo niya sa pwesto namin ni Estefanio at nahaharangan pa siya ng ilang retaso ng bakal at kahoy patungo sa amin. "Yes, nandito na si Juliet noong mga nakaraang araw pa. Hindi ko sila mapaghiwalay ng pinsan niya at talagang malaki naman ang naitutulong sa akin ni Eda kaya't pumayag akong patuluyon dito si Juliet. Pinagbawalan lang namin siyang magpakita sa inyo nina Mrs. Del Carpio dahil siguradong lagot kami, lalong lalo na ako," paliwanag ni Goldia at saka napairap. Ramdam ko rin ang kaba niya sa kung ano na ngayon ang mangyayari matapos malaman ni Estefanio na itinatago nila ako rito sa Casa Simeon Hotel.

"Hindi niyo kailangan magtago sa akin." Nabigla ako sa sinabi ni Estefanio kaya't bumalik ang tingin ko sa kaniya. Napatitig din siya sa akin at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm on your side. I'll be here to protect you even from my own mother," aniya.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. May kung anong kakaiba sa kaniya, sa bawat salita niya, at sa bawat titig niya sa akin. Iba sa mga pagkakataon na nakasama ko siya noon.

"Hays!" Biglang huminga nang malalim si Goldia at napatukod sa tuhod niya. "Salamat naman! Akala ko ay baka kumampi ka rin sa Mom mo kaya't hindi ka namin dapat pagkatiwalaan." Inayos ni Goldia ang sarili niya at tila mas umaliwalas na ang mukha niya dahil sa pagkawala ng kaba."Kung gayon Estefanio, makakaasa ba kaming hindi mo kami ilalaglag kay Mrs. Del Carpio?"

Ibinalik ko ang tingin kay Estefanio. Nakatingin siya ngayon kay Goldia at bahagyang nakatagilid ang ulo. "Your have my word... But, I have one condition for you now."

Hindi na ako nakatingin pa kay Goldia pero alam kong pareho kaming muling kinabahan sa sinabi ni Estefanio. Naniniwala naman ako kay Estefanio na hindi niya nga kami ilalaglag dahil maging siya minsan ay talagang tutul sa nanay niya. Pero... anong kondisyon pa ang gusto niya?

"Go out. Leave Juliet and I here. The two of us have to talk," sabi ni Estefanio kaya't mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Goldia.

"A-ah. If is that the case, it's fine," tugon ni Goldia. Magrireklamo pa sana ako ako pero dali-dali na siyang nagtungo pabalik sa my pinto. "Juliet, siguraduhin mo lang na babalik ka sa kwarto niyo nina Eda pagkatapos. May gawain ka pa," paalala ni Goldia saka tuluyang umalis. Isinara niya pa ang pinto dahilan para pagpawisan ako. Unti-unting nagsi-sink in ngayon sa isipan ko na kami na lang ni Estefanio ang naririto.

Dahan-dahan akong pumihit paharap kay Estefanio ngunit bago ko pa man magawa, hinila niya ang kaliwa kong kamay dahilan para dumiretsyo ako sa kaniya. Nabigla ako nang saluhin niya ang katawan ko at isinilid sa yakap niya. Nanlaki ang mga mata ko ngunit wala akong nagawa kundi hayaan na lang siya.

"E-estefanio? W-what are you doing?" tigalgal kong tanong habang ang mukha ko ay nasa may balikat niya na. Hindi ko itatangging ang lakas na ng kabog ng puso ko ngayon at kung kanina'y pinapawisan ako dulot ng kaba, ngayon, pinagpapawisan na ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam na dumadaloy ngayon sa buo kong sistema.

Dinig ko ang malalim na paghinga ni Estefanio. "Entschuldigung, lass mich jetzt meine Sehnsucht nach dir loslassen." (Sorry, just let me let go of my longingness for you now.) Hindi ko man maintindihan ang sinabi niya subalit hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. Ano bang ibig sabihin nitong ginagawa niya?

Yayakap na sana ako sa kaniya pabalik nang kumalas na siya sa akin. Agad ko namang inayos ang sarili ko at pilit na ngumiti sa kaniya. Tila nagniningning ang mga mata niya dahil sa pamumuo ng...luha?

"Sorry, I just missed you." aniya nang makahiwalay sa akin. Natigilan ako at takang tumingin sa kaniya.

"W-why? I mean! What do you mean?," pagkabigla kong sambit sa kaniya. Nararamdaman ko na naman ang pakiramdam ng kapayapaan sa piling ni Estefanio—tulad ng palagi kong nararamdaman tuwing kasama siya. Sa kaniya lang at siya lang ang tanging taong kayang pagsabayin ang ng pagbilos ng tibok ng puso ko at kapanatagan sa loob ko. Sa kaniya, nawawalan ng tamang katwiran ang mga damdamin ko pero sa kaniya rin, nagiging payapa ang mga ito.

Nginitian niya ako habang hawak ang isa kong kamay. "Let's sit first," sabi niya saka naupo sa pwestong pinagtataguan ko kanina. Ilang saglit pa akong nakatitig sa kaniya bago tumango at tumabi sa pwesto niya. Tama ba 'tong nangyayari? Hindi ko na alam, basta sinusunod ko na lang ngayon kong anong totoong idinidikta ng puso ko.

Ngayon, nakaupo na kami magkatabi at hindi agad makikita kung mayroon mang pumasok dito sa rooftop. Ngayon, magkasama kami habang nasa ilalim ng kalangitang puno ng mga bituwin. Hindi ko mapigilang mapangito habang tinitingala ang langit.

" This is a perfect spot I guess," saad ni Estefanio. " We can both see the stars and we can be both with each other beneath them." Napalingon ako kay Estefanio. Nagpapasasalamat ako ngayon dahil mayroon na akong tapang para harapin siya sa pagkakataon na ito.

"E-estefanio, about what happened on the last shoot, I'm sorry," direkta kong sambit sa kaniya. Nakatingin siya sa sahig habang ikinikiskis ang isang maliit na bato sa sahig ngunit alam kung nakikinig siya sa akin. Napangiti rin siya nang magsalita ako.

"Hindi ko sinasadyang sigawan ka—kayo ni Romialdo." Natigilan ako at napayuko na rin habang inaalala ang kahihiyang ginawa ko noon. "Nadala lang ako nang emosyon, sorry."

Mula sa perephiral view ko, nakita kong tumitig sa akin si Estefanio. "Sinabi mo rin ba kay Romialdo 'yung sinabi mo sa akin?" aniya.

Agad naman akong kunot-noong napatitig sa kaniya. "A-anong—" Kusa akong natigilan nang maalala ang tinutukoy niya. Shemay! Nanlaki ang mga mata ko.

Ngumiti siya ulit sa akin. "That "Mahal kita," sabi niya dahilan para tuluyang matigilan ako.

Okay, corner na nga talaga ako ngayon. Wala nang rason para magkunwari pa. Ilang araw ko na rin pinag-isipan 'to. Kailangan kong panindigan kung ano man ang nasabi ko noon kay Estefanio.

"Sorry talaga Estefanio. I'm sorry na nararamdaman ko 'to. I know na wala akong karapatan na sisihin ka noon sa mga nararamdaman ko kaya nga't narito rin ako para ipaliwa—"

"I get it. I fully understand your feelings." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko namalayang masyado na pala akong atat magsalita kaya'tnaigng mabilis ang lahat. "I'm just curious if you also feel the same way kay Romialdo?" tanong niya.

Kusang bumuka ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Shems! So, ibig sabihin talagang tanggap niya na may gusto ako sa kaniya. Pero...bakit kailangan niya pang ipasok dito si Romialdo? Anong connect ni Romialdo sa nararamdaman ko kay Estefanio?

Marahas akong umiling. "H-hindi. Bakit? May sinabi bang kalokohan si Romialdo?! Anong ginawa niya?" natataranta kong tanong sa kaniya. Baka naisipan ni Romialdo na maghigante sa akin dahil hindi na ako sumipot sa trabaho ko sa kaniya. Shemay, kailangan ko na rin talagang maharap siya para humingi ng tawad.

Nawala ako sa pag-iisip nang bahagyang tumawa si Estefanio saka muling tumitig sa akin. "I'm glad mali ako ng iniisip. I thought you like him more than me."

What? Anong pinagsasabi niya?!

Nahalata niya siguro ang pagkabigla ko kaya't agad naman siyang nagpaliwanag. "I mean, you we're together for a quiet time mula noong hindi na kita naging P.A. If you have feelings for me, then I thought of, what if you developed feelings for him that time when I'm not around?"

Tuluyan na ata akong mahihibang dahil sa mga sinasabi ni Estefanio. Nagselos ba siya? Ano bang ibig sabihin niya? Bakit parang sa tono ng pananalita niya parang okay na okay lang sa kaniya na nagkagusto ako sa kaniya. Hindi ba't ako dapat ang magpaliwanag ngayon sa mga nasabi ko noon? Pero bakit ako yata ang kailangang paliwanagan ng mga pinagsasabi niya ngayon?

"No—never. Mabait si Romialdo, loko-loko, at nakakatuwa pero para sa akin hanggang kaibigan lang siya," pag-alma ko sa naunang sinabi niya. "Pero, i-ibig sabihin hindi ka galit dahil nagka...f-feelings sa'yo?"

Gumihit sa mukha niya ang isang ngiti dahilan para agad kong iiwas ang mukha ko. Nag-assume lang ba ako?

"Yes, Juliet. I'm okay with it." ani Estefanio. Dahan-dahan ko siyang nilingon matapos ng sinabi niya ngunit mas lumaki lang ang ngiti niya.

Naramdaman ko ang biglang paglakas ng kabog sa dibdib ko. Shems!

"I-i'm sorry Estefan—"

"I'll repeat, you don't have to be sorry for that," putol niya sa pautal-utal kong pagsasalita. Ngayon naman, nararamdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa nararamdaman na kahihiyan. "In fact..." Natulala na lang ako nang tignan niya ako nang diretsyo sa mga mata. "In fact,I'm glad you like me too Juliet."

Napakurap ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Magulo ang isipan ko pero walang salitang kaysng lumabas ngayon sa bibig ko.

Ilang saglit na katahimikan ang bumalot sa pagitan namin habang nakatitig sa isa't isa. Naririnig at ramdam ko na rin ang paghinga ni Estefanio dahil sa halos magkadikit na kami sa pagkakaupo. Bigla niyang inayos ang pagkakaupo hanggang sa mapabuntong-hininga. Agad akong nabalik sa huwisyo at inayos din ang pagkakaupo.

"Juliet," pagbasag ni Estefanio sa katahimikan. Pinapakinggan ko lang siya habang ang paningin ko ngayon ay nakatutok sa kalangitan. Pilit kong ikinakalma ang sarili ko sa pagtingin sa mga nagkikislapang mga bituwin sa langit. "I want you to understand that you're special to me."

Beat.

Napalunok at pinigilan ang sariling lumingon sa kaniya ngunit kita ko sa peripheral vision ko na muli siyang humarap sa akin at seryoso akong tinitigan.

"You're special to me you know why?" aniya. Sa sandaling iyon, hindi ko na napigilang hindi lumingon sa kaniya.

"W-what do you mean?" mahina kong tanong.

Ngumiti siya. "You're special because you're precious. For me, you're more than just a fan or an assistant. I'm glad that you like me because I also do."

Bumagsak ata ang mga eye bags ko dahil sa sinabi niya. What?! Anong— Totoo ba ang pinagsasabi niya?

Mabilis at malakas kong sinampal ang sarili kong mukha upang magising kung panaginip man ito ngunit agad ko ring naramdamanang sakit nito sa kanan kong pisngi. Shemay! Hindi ako nananaginip! Totoong nangyayari 'to!

Nabigla ako nang mas lumapit sa akin si Estefanio. "Hey, why did you do that?" sabi niya saka akmang hahawakan ang mukha ko ngunit pinigilan ko agad siya.

"H-huwag mong sabihin ang mga ito Estefanio kung arte lang naman. Please...d-don't fool me," sambit ko sa kaniya. Bigla namang nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha at ibinalik ang sarili sa dating pwesto.

"I'm not fooling you Juliet. I always mean it when I say I love some one."

Beat. Mukhang biglang tumigil na naman ang tibok ng puso ko.

"You love..." Hindi ko na nagawang tapusin ang sana'y tanong ko dahil pakiramdam ko masyado 'tong hindi kapani-paniwala. Ayokong mag-assume sa kaniya.

"You're kind, lovable, and understanding. I always adore you when you're not looking at me. Maybe you're just not that showy and vocal, but...I love how you  express your appreciation and love for others in other ways. Like how you value your work for me. Like how I always see you keeping determined and pushing even a lot of trials awaits on your way. Like how I see you being true on people around you and people who cares for you. You don't know Juliet how much I appreciate you for understanding and standing with me always. With you, I found comfort. I found solace and I found a person I can rely and tell all my stories. You're precious Juliet..."

Hindi ko namalayan na habang sinasabi niya ang mga paliwanag niya, unti-unti nang dumaloy sa mga mata ko ang luha. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng sinasasabi niya, pero ang puso gustong gustong maniwala. Never in my life, a man appreciated me this way and a man looked at me like this before...

"Juliet, I've meet a lot of girl before but only you made me this feel. All this time, I've been admiring you secretly. All this time, I've been loving you silently. My life was a like a damaged car before and I'm it's reckless driver. I can create millions of smile from my fans and supporter, but only you could give the most genuine smile I can give from myself. You bacame my passenger and with you I found the right direction."

Napahagulhol na lang ako sa pagpapatuloy niya. Hindi ako makapaniwalang may taong magsasabi sa akin nito. Matagal nang palagi kong nararamdaman na pabigat ako sa mga tao at problema lang ng karamihan pero ngayon, may taong nagsasabi sa akin na mahalaga ako at may silbi. Alam kong sinabi niya na 'to sa akin noon pero hindi ko inakalang para sa kaniya, may mas malalim pa itong kahulugan. Mga bagay na hindi ko nakikita sa sarili ko, pero paanong nakita niya ito?

Pinilit kong tumigil sa pag-iyak para makapagsalita. " I-i am too fragile, how can you like someone like me?"

Dahan-dahan niyang hinakan ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kaniya. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. Nakikita ko ngayon na taos-puso ang bawat salitang binibitawan niya.

"Juliet, if being fragile is your problem, then I'm willing to have the safest hands to hold you. Yes, you're fragile but for me, that makes you more attractive because it only means you're being true for what you feel and you just give yourself fully to everyone. For Estefanio Del Carpio, it's a courage Juliet for being you." saad niya pa.

Hindi ako nakasagot sa kaniya. Nang bitawan niya ang mukha ko iniayos ko ang upo ko saka tahimik na tumitig sa mga bituwin. Patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Sa mga nagdaang araw, itinatak ko na sa isipan kong hinding hindi nga kami pwedeng maging ni Estefanio ngunit ngayon, narito kami, magkatabi at sinasabi niyang gusto niya rin ako. Kahit na sa loob-loob ko isinisigaw ang bawat letra ng pangalan niya, hindi ko na pwedeng ipagpilitan ang pagmamahal ko sa kaniya. Oo, baka nga mahal niya ako at mahal ko siya, pero hindi sapat 'yun para manatili sa isa't isa. Ilang linggo na lang aalis na ako sa panahong ito at ayokong paasahin ang bawat isa sa amin na magiging masaya ang aming kwento dahil hindi...kahit kailan hindi mangyayari.

Ilang sandali muli ang bumalit sa aming katahimikan at unti-unti na ring kumalma ang pag-iyak ko. Naramdaman ko na lang na bumalik na rin siya sa dating pagkakaupo sa tabi ko at pareho kaming napatingala na lang sa langit.

"Jasmine and I became together for more than a year. We've tried to keep it private, out frome the medias and everybody. She's kind and loving too but everything changed after I found out he had a fling with her so-called friend. At first I tried to understand but later on, I found my love for her fading. I don't want the both of us to live in the expectation that everything is fine and that it will be fine—because I know it will never be anymore. I felt it and I said to her that we should broke." Nakinig ako sa pagkukwento ni Estefanio. Hindi ko alam kung bakit niya ngayon sinasabi ang mga ito pero batay sa pagsasalaysay niya may isang bagay pa pala kaming pagkakapareho—ang pagtanggap na may mga bagay na mali at hindi na pwedeng mangyari.

"It was our last conversation I before Mom and I flew here in the Philippines after we've been informed that Lola was dead. Now, Mommy invited Jasmine here and a while ago, we had just our confrontation. I gave he the closure so she won't be hurting her heart anymore," pagpapatuloy ni Estefanio.

"Juliet, I understand that you're confused now and things maybe chaotic for us. Mom doesn't want to see you, we're living in a life different with each other, and we both have personal conflicts to resolve. I fully understand that you can't answer me now if I asked you to be my girlfriend and go with me."

Nagulat ako sa sinabi ni Estefanio dahilan para dahan-dahan akong mapalingon sa kaniya. Nakatingin na rin siya sa akin at nakikiusap ang mga mata niga.

"Days after my birthday, we'll be going back to America..." Napabuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "...But I promise you that I'll be back after a week. I'll just have to fix some things personally there and when I get back here, I hope you already have your answer for me. Maybe now, we'll just have to stay this way...but remember Juliet, you're already special to me."

Dahan-dahan akong napangiti sa kaniya hanggang sa kunin niya ang mga kamay ko at hawakan iyon. " Now, I'll sieze every moment while I'm still here at the Philippines. If you'll still choose to hide from me, just one request please?"

Napalitan ng ginwaha ang puso ko ngayong hindi ako pini-pressure ni Estefanio sa nararamdaman ko. Mas mabuti ngang manatili na lang muna kami sa ganito at hintayin ang oras na umandar hanggang sa maghiwalay na kami.Kung sakaling hiningi niya ngayon ang sagot ko sa kaniya, siguradong pareho kaming masasaktan nang mas maaga dahil tutol sa nararamdaman ko ang isasagot ko sa kaniya.

"Juliet, attend my birthday celebration please.  I want you to be there...on my special day," sabi ni Estefanio saka ako bahagyang hinalikan sa noo. Nabigla man ako sa una ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatango sa pakiusap niyang pagdalo mula sa akin...

---

Iyon ang naging huling usapan namin ni Estefanio mula nang gabing iyon. Lumipas ang mga araw at nanatili ako sa nakasanayang pananatili sa mga matataas na palapag ng Casa Simeon Hotel. Miminsan kapag kinakailaingan talaga at nauutusan ni Goldia, bumaba rin ako at nagkakataong nagtatagpo ang mga landas namin ni Estefanio. Nginingitian niya at kung minsan ay binabati. Palagi ko namang isinusuot ang mask na ibinigay niya upang kung sakaling makita ako ni Mrs. Del Carpio ay hindi ako agad nito makikilala—na siyang pasasalamat ko dahil hindi pa naman nangyayari. Sa pagkakaalam ko, busy sila ngayon ni Estefanio dahil sa launching at kaliwa't kanang pagdalo sa mga interview para i-promote ang ipapalabas na pelikulang All Out Of Love. Kasa-kasama rin daw ni Mrs. Del Carpio si Jasmine Bettelheim.

Noong mga nagdaang araw, nagawa ko na ring ma-contact si Romialdo upang humingi ng dispensa sa inasta ko bilang P.A. niya. Hindi naman siya nagalit bagkus ay linoko pa ako na baka nagi-enjoy daw ako sa pagtanaw kay Estefanio. Sinabi ko pa sa kaniya na magbabayad ako ng danyos bilang kapalit ng utang na loob sa kaniya dahil binabayaran na rin naman kami ni Goldia sa pagtatrabaho rito sa Casa Simeon. Sinabi naman ni Romaildo na huwag na raw at wala daw akong dapat ipag-alala.

Ngayong araw, naisipan ko bumalik sa dating apartment namin ni Eda. Naiwan ko pa kasi roon ang wedding gown na ipinasuot nila sa akin noong huling taping. Pinaalala kasi iyon sa akin ni Romialdo. Pinaliwanagan naman daw niya na sina Direk Juris pero kailangan ko raw iyong ibalik dahil malaki raw ang ibinayad doon. Mabuti na lang din at nalabhan ko na iyon noong bago ako tuluyang sumama kay Eda dito sa Casa Simeon. May ilang mga gamit din kaming naiwan doon na balak ko na ring kunin ngayon.

"Doc Filipo, nakita niyo po ba si Eda?" tanong ko nang makita si Doctor Filipo pababa sa hagdanan ng fifth floor. Gusto ko kasing magpaalam kay Eda at kahit papaano malaman niya kung saan ako magtutungo, pero hindi ko siya ngayon mahanap.

Agad na napangiti sa akin si Doc Filipo. Sa mga nagdaang linggo, kahit papaano ay nabawasan ang pagkabagot ko sa matagal na pananatili sa mga kwarto sa mga palapag na ito dahil nariyan si Eda, Goldia at Doc Filipo. Hindi ko nga inaasahang magiging malapit pala kami sa isa't isa. Kahit si Goldia na noo'y tila laging kontra sa pagiging P.A. ko ni Estefanio, ngayon ay tinutulungan na kami. Nakita ko rin na may mabuting puso naman pala si Goldia bagama't madalas nagsusungit sungitan siya para ipakitang matapang at hindi niya kailangan ng tulong ng iba. Dahil rin siguro sa pagtitiwala ni Eda sa kaniya, naipakita ni Goldia kung anong nasa ibang bahagi ng puso niya—ang pagiging mabuti. Si Doc Filipo naman, tipikal na nakikipaglokohan at nakikisama sa amin. Sa tuwing may ideya kami ni Eda at kontra si Goldia, si Doc Filipo ang nagiging kakampi namin. Nitong mga nakaraan, napapansin ko rin ang bahagyang pagpakitang gilas at ang mga simple nitong pagsulyap nito kay Eda.

"Kakaalis niya pa lamang Juliet. Patungo siya sa labasan. Sabi niya pupunta lang daw siya sa dati niyong tinitirahan," paliwanag ni Doc Filipo. Ngiting-ngiti pa siya habang ikinikwento si Eda.

"Ha? Hindi man lang nagsabi si Eda. Sana pala nagsama na lang kami patungo roon," saad ko habang iniisip kung anong gagawin ni Eda roon sa dati naming apartment.

Nabayaran na rin namin noong nakaraang Linggo ang huling upa doon sa land lady dahil sabi ni Goldia, dito na kami manuluyan sa hotel niya. Hinihintay na lang ng land lady na palipasin ang isang buwan upang muling tumanggap ng bagong uupa roon.

"May pagkamestiryoso rin talaga ang pinsan mo Juliet," ani Doc Filipo.

Nginitian ko na lang siya. "Sige po, maraming salamat. Susundan ko na lang siya ngayon. Ipaliwanag niyo na lang po kay Goldia kung hanapin kami," sabi ko saka tuluyang humiwalay kay Doc Filipo. Linggo naman ngayon at araw ito ng pahinga namin ni Eda sa pagtatrabaho.

Nagawa kong makalabas sa hotel nang maayos at walang problema. Panatag ako dahil maging ang mga ibang staffs ng hotel ay tinutulungan kami upang mailayo sa landas nina Mrs. Del Carpio. Binilisan ko na rin ang paglalakad upang sakaling maabutan si Eda.

Nang malapit na ako sa apartment namin, natigilan ako nang makitang papalabas na si Eda sa bahay at tumigil sa gilid ng kalsada. May kung anong nag-udyok sa akin na magtago sa isang posteng nasa gilid din ng kalsada at hintayin kung anong gagawin ni Eda. Nakita ko pa siyang nagpalinga-linga at mukhang nag-aalala ang mukha.

Ilang sandali lang ang lumipas nang pumara si Eda ng isang taxi. Taka ko siyang sinulyapan habang pumapasok sa taxi. Saan naman pupunta si Eda?

Hindi ko na nagawang lapitan si Eda dahil mabilis na umandar ang sasakyan palayo sa bahay namin. Agad kong kinapa ang bulsa ng suot kong pantalon upang tignan ang dala kong pera. Guminhawa ang pakiramdam ko nang makitang sobra pa ito sa pambayad ng isang taxi.

Ilang saglit lang, sumunod na dumaan ang isa muling taxi at agad ko itong pinara. "Manong, sundan niyo po iyong naunang taxi," sabi ko sa driver nang makasakay. Tumango naman siya saka pinaandar ang sasakyan.

Ano bang pupuntahan ni Eda? Bakit parang hindi siya mapakali at nag-aalala ang itsyura?



End of Chapter 30

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)
20.9M 765K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #01 â—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1.6M 64.6K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
3.8K 35 2
Not because she's always smiling an dhas that adorable facr, it does not mean that can't kil. She does kill and she always kill. She's not a queen ju...