Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.8K 638 195

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

25

47 7 0
By Sky_Supreme

Chapter 25

"Walang hiya ka!" sigaw sa akin ni Mrs. Del Carpio. Naghihikahos siya sa paghinga dulot ng galit.

Pilit akong tumayo habang nakahawak sa mukha ko. Hindi ko na ininda ang panginginig ng mga kamay ko at pananakit ng balikat ko.

"M-ma'am—"

"Ano pang sasabihin mo ha?! All this time I've been warning you but you chose to defy my commands! Walang hiya ka! Niloko mo pa ako!"

Mangiyak-ngiyak akong umiling sa kaniya. "H-hindi ko po kayo niloko. Kung t-tungkol po ito sa ginawa kong pagsama kay Estefanio—" Natigilan ako sa paglapit sa kaniya nang itulak ako nito. Muli akong napasalampak sa sahig ng hotel.

"M-mrs. Del Carpio, huminahon po kayo," saad ng isa sa mga staffs na pumipigil sa kaniya.

"Get rid of me!" Maging ang babaeng staff na nagsalita ay itinulak ni Mrs. Del Carpio palayo. Nanggagalaiti ito sa galit dahilan para mapaatras ang ibang mga staffs na nagbabalak na tulungan ako.

"You?" Muling bumaling sa akin si Mrs. Del Carpio. Kinuha nito ang buhok ko at muling ibinagsak. Mabuti na lang at napigilan ko itong tumama sa semento. 

"What do you want? For me and Estefanio to die?! After hiring you to work for us, this is what you'll return?!"

Umiiyak at nakadapa akong lumapit sa paanan niya. "N-nagkakamali p-po kayo. W-wala akong ganong i-intensiyon sa inyo Ma'am!" iyak ko habang nakahawak sa mga paanan niya. Ilang segundo niya akong tinitigan saka sinipa.

Napasapo ako sa balikat ko nang tumama ito sa sahig. Naglakad palapit sa akin si Mrs. Del Carpio. "Huwag mo na akong maloko-loko. I know everything now!" sigaw niya at marahas na itinapon sa mukha ko ang isang papel.

Nanginginig kong inabot ang itinapon niya at hinayaan niya akong buksan ito. Nanlalabo man na ang paningin ko dahil sa luhang bumabalot dito, nagawa ko pa ring makita na isa iyong liham.

Ginang Elizabeth Del Carpio,

      Nakakawa kayo.

      Hindi niyo man lang alam na bukod sa pagkapilay niyo, niloloko na kayo ng isa sa mga halos araw-araw na nagtatrabaho sa inyo.

       Nakakatawa. Hindi ko inakalang ganoon kayo madaling utuin.

        Bakit hindi niyo nalaman na ang P.A. ni Estefanio ang nakakaalam kung bakit kayo naaksidente?

        Bakit kaya hindi niya sinabing alam niya na ang dahilan?

       Ganoon ba kagaling si Juliet Rose Ibarra na magkunwari o ganoon lang talaga kayo kadaling utuin?

       Nakakatawa, nakakaawa. Ang isang Del Carpio ay hindi alam na kaya lang naman siya nabangga dulot ng isang Direktor na nainis sa ugali niyang impakta.

        Oo, alam ni Juliet na si Direk Suazon ang may kasalanan sa nangyaring pagkapilay mo pero pinili niyang huwag sabihin dahil gusto niyang pagkakitaan at perahan kayo ni Estefanio.

        Kung hindi kayo naniniwala, bakit hindi niyo siya komprontahin o 'di kaya si Lolita Esquivel? Silang dalawa ang nakakaalam ng katotohanan.

Nababahala,
G.

Bagama't nanginginig ay nagawa kong basahin ito. Isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko matapos mabasa ang nagpadala ng mensahe.


"Huhuhu,ang dami ko palang hawak na alas sa inyo. Bakit hindi na lang kayo ang sumuko?"


Tanging si Gwendelyn lang ang nakakaalam nang nangyaring pag-uusap sa pagitan namin ni Lolita noon. Tanging siya lang ang may kakayahang gawin ang bagay na ito para pahirapan kami ni Eda...

"Ano?! Itatanggi mo pa?! I was very wrong to trust someone like you! Ano pa nga bang aasahan ko? After all, isa ka pa ring opotunistang Pilipina!" bira sa akin ni Mrs. Del Carpio.

Wala akong nagawa kundi umiyak sa sarili kong mga tuhod. Wala na akong pakialam sa iniisip ng mga taong nakalaligid sa amin ngayon. Hindi ko na kaya ang labis na sakit na nararamdaman ko.

"I already called Lolita. Siya mismo ang nagpatotoo ng lahat ng nakasulat sa papel na 'yan! Pare-pareho kayo! You are all gold-diggers that stick to people like us!" litahe pa niya sa akin.

Sinabi ko kanina sa sarili ko na handa akong tanggapin ang mga sasabihin niya pero hindi ko inasahang ganito kasakit ang mararamdaman ko.

"Madam! Tigilan niyo na po siya."

Bahagya akong napalingon nang biglang dumating sina Goldia at Doc Filipo sa harapan namin. Mabilis na lumapit sa akin si Doc Filipo at pilit akong tinulungan para makatayo.

"Ikaw Goldia!" sigaw ni Mrs. Del Carpio. "I told you na sa oras na makita mo 'tong babaeng 'to, agad mong dalhin sa'kin. I never thought na kaya mo rin akong suwayin!"

"Maayos pa ba ang pakiramdam mo?" mahinang tanong sa akin ni Doc Filipo. Hindi ako makasagot sa kaniya.

"Madam! I know. H-hindi ko naman 'yan pinapasok... Don't worry, n-ngayong nakita mo na siya. Paalisin na namin," tugon ni Goldia kay Mrs. Del Carpio. Napalingon siya sa akin at binigyan ako ng nag-aalangang tingin.

Lumingon din sa akin si Mrs. Del Carpio kaya't natigilan si Goldia. "For you to know..." mariing sambit nito sa akin at saka ako dinuro. Pilit pa siyang pinipigilan ni Doc Filipo pero hindi siya nito pinansin. "You are no longer Estefanio's assistant! You are fired!"

Kusa akong napatakbo at isinubsub muli ang sarili ko sa paanan ni Mrs. Del Carpio. Lumuhod ako. Umiyak ako. Pilit akong nagmamakaawa sa kaniya.

"Ma'am... please... w-we do not have other means of earning... M-mrs. Del Carpio...please!"

Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak pero ayokong mawala sa trabahong ito. Ayokong mawala ang kaisa-isang dahilan kung bakit nakakasama ko si Estefanio. Ayokong pati ang bagay na ito, mawala sa akin...

Muli sana akong sisipain ni Mrs. Del Carpio ngunit agad akong iniangat ni Doc Filipo. Mariin naman siyang pinigilan ni Goldia. Humahagulhol na ako sa pagmamakaawa sa kaniya.

"My decision is final! Lumayas ka na sa buhay namin nina Estefanio! Leave. Us. Alone!" Pilit na kumakawala si Mrs. Del Carpio kay Goldia upang muli akong saktan.

"Madam, enough. Kami na ang bahalang magpalayas sa kaniya."

Wala akong nagawa nang hilahin na ako ni Doc Filipo at ni Goldia palabas. Tinignan pa ako nang masama ni Mrs. Del Carpio bago pinulot ang papel na itinapon niya kanina sa akin. Inayos niya ang damit niya at tinignan nang masama ang lahat ng nasa paligid niya. Nag-umpisa siyang maglakad pabalik sa elevator.

"M-ma'am...please! Ayoko pong mawala ang trabaho ko!" naghihikahos kong sigaw sa pagitan nang paghila sa akin ni Goldia.

"Tumigil ka na! Wala na! Nahuli ka na!" inis na bira sa akin ni Goldia dahilan para muli akong mapahagulhol. Napapakagat na lang ako sa labi ko para pigilan ang pagsigaw.

"Goldia, huwag mo naman siyang ipagtulakan." Si Doc Filipo iyon.

Tumigil kami sa paglalakad nang makita kong narating namin ang parking area ng hotel kung saan malayo sa mga security personnels. Marahan akong binitawan ni Goldia.

"Ngayon nganga? Sabi ko nang huwag kang magpapakita kay Mrs. Del Carpio. Eh 'di ano ngayong nangyari? Pare-pareho tayong inaway. Mabuti na lang at nalusutan ko," mariing saad ni Goldia. Para akong batang pinagsasabihan niya.

"Tama na Goldia. Hindi sinasadya ni Juliet ang nangyari. For sure, hindi niya naman gugustuhing masaktan ang sarili 'di ba?" sagot ni Doc Filipo sa kaniya.

Nakatayo sila sa harapan ko at parehong nakapamewang. Maging sila ay namomroblema sa mga nangyari.

"S-sorry..." nakayukong saad ko sa gitna ng paghikbi. Pilit kong pinipigilan ang pag-iyak ko pero hindi maawat ang pagdaloy ng mga luha ko.

"Wala na tayong magagawa," ani Goldia. Bahagya ko siyang tinitigan bagama't nakataas lamang ang tingin niya. "Hindi ka na pwedeng pumasok sa hotel ko."

"Pero Goldia—"

"Walang pero-pero Filipo."

"Pero ikaw ang may-ari ng hotel. Ikaw ang masusunod!" inis na sambit ni Doc Filipo.

"Kaya nga! Ako ang masusunod at disesyon ko 'to ngayon. Buo na ang pasya ko. Huwag ka nang magpakita dito Juliet kung ayaw mong pare-pareho tayong mapahamak," seryosong turan ni Goldia.

Sabay naming nilingon ni Doc Filipo si Goldia. "P-pero paano ang kasama niya?" tanong ni Doc.

Hindi natinag si Goldia. "Simple lang. Hintayin na'tin siyang gumaling saka pauwiin. Bakit?" Tinitigan ako ni Goldia. "May pera ka bang pampa-hospital Juliet?"

Nanlulumo akong tumitig sa kaniya. Wala akong maisagot. Kinakaawaan ko na ang sarili ko at pakiramdam ko wala na akong pag-asa pa.

"Hindi ba wala? Pwes, libre na naming ibibigay ang pagkakataon para hayaang gumaling kayo, lalo na 'yung kasama mo... Pero, sa kondisyon na huwag ka nang magpapakita rito sa Casa Simeon," dagdag pa ni Goldia.

Si Doc Filipino naman ang lumingon sa akin. Kita ko sa itsyura niya ang pagkaawa at pag-aalinlangan. "Juliet, wala tayong magagawa. Baka... mapasama pa ang kasama mo kung hahayaan ka naming kunin siya. Pangako, gagaling siya at ipapaliwanag namin ang lahat sa kaniya."

Napapikit na lang ako para pigilan ang luha ko. Wala akong magagawa. Ayokong mas mapasama ang kondisyon ni Eda kung ipagpipilitan kong hindi siya iwan. Eda, ngayon lang 'to. Babalikan kita, pangako...

"Huwag ka nang magdrama at baka 'yan pa ang maging dahilan kung ba't ikaw naman ang rumatay diyan sa daan. Hindi ba may apartment kayo?" tanong sa akin ni Goldia. Marahan akong tumango. "Doon ka na lang mag-stay at siguraduhin mong huwag nang magpapakita sa mga Del Carpio. Gamitin mo 'yang natitirang lakas mo para makauwi dahil hindi ka na namin pwedeng ibalik sa taas at wala ka ring kasamang iba para alalayan ka."

"P-pagalingin niyo si Eda, pakiusap..." sabi ko na lamang. Ramdam ko pa rin ang sakit sa damdamin ko. Labag sa kalooban ko ang mahiwalay kay Eda at hindi man lang siya mapaliwanagan pero anong magagawa ko? Ipinagtatabuyan na ako ng lahat...

Marahang tumango sa akin si Doc Filipo saka bahagyang ngumiti. Alam kong, nag-aalangan din siya sa mga nangyayari pero maging siya ay hindi pwedeng ipilit ang hindi pwede. Nagpapasalamat na lang ako at alam kong may maasahan pa akong ibang tao. Nariyan siya para alagaan si Eda sa sandaling wala ako sa tabi nito.

Seryoso ang mukha ni Goldia nang titigan niya ako. Hindi ko alam kung kinakaawaan niya ba ako o gaya nang nakasanayan ay naiinis. Hindi siya nagpakita ng kahit anong bakas ng emosyon nang talikuran niya ako. Sumunod sa kaniya si Doc Filipo.

Naiwan akong mag-isa at tinitigan na lamang ang pagsara ng salaming pintuan ng hotel hudyat na hindi ko na pwedeng ipagpilitan ang sarili ko. Tumingala ako sa taas—sa floor kung nasaan si Eda.  Ngayon lang 'to Eda, patawad kung iiwan kita. Magkikita rin tayo... Uuwi na lang tayo pagkatapos nito.

Pinunas ko ang lahat ng bakas ng pag-iyak ko saka tinuntun ang daan pabalik sa apartment namin ni Eda. Tahimik ang paligid at tila malungkot ang hangin. Namumutawi ang kulay dalandan sa paligid at sa langit—hudyat na patapos na ang araw. Waring ang bawat dinaraanan ko ay nakikidalamhati dahil sa lumbay at  pakiramdam ng kawalan na ibinibigay nito sa akin.

Ang sakit sakit na. Nawawalan na ako ng pag-asang manatili sa panahong ito. Nakakapagod na. Akala ko magiging masaya lang ang lahat dahil sa kagustuhan kong ito. Hindi ko inakalang mangyayari ang mga sitwasyon na ito. Hindi ko inasahan na mapapasok ako sa ganitong mga problema nang dahil sa isang kahilingan lang—ang kahilingang makasama si Estefanio Del Carpio.

Dapat ba akong magsisi?

Mas ginulo at sinira ko ba ang buhay kong dati nang magulo at sira?

Sapat ba ang katapusan ng kahilingang ito sa lahat ng pighati't kalungkutan na nararanasan ko ngayon?

Sa huli kaya, tulad ng Alamat ng Lawa ng Paoay, may aral din kayang ibibigay ang kwentong ito kahit na sa kasulukuyan dumaraan ako sa matinding paghihirap?

Sa gitna ng pagkalunod sa kalungkutan at sari-saring katanungan, natigilan ako sa pagpreno ng isang pamilyar na sasakyan sa akin.

"Oh anong problema Miss? Mukhang hindi ka na makahinga sa mga iniisip mo ah? Gusto mong sagipin kita?"

Natulala na lang ako sa lalaking nagsalita mula sa bukas na bintana ng kotsye—si Romialdo Salazar. Ngumisi ito sa akin.

"Gulat ka noh? Ang pogi ko ba? Mas pogi na kay Estefanio mo?" natatawang sabi nito.

Bumuntong-hininga ako saka ibinalik ang tingin sa kaniya. "Anong kailangan mo?"

"Ang lungkot naman ng boses mo Miss? Hatid na kaya kita pauwi?" aniya.

Wala sa sariling lumapit ako sa sasakyan niya at binuksan ang pinto ng back seat. Tahimik akong naupo rito.

"Grabe, ang bilis ng disesyon ah? Paano na lang kung kidnapper ako tapos kusa ka lang na sasakay ha? Hindi mo ba naisip na dilikado ang basta-bastang sumakay sa isang kotsye ng lalaki?"

Hindi ko siya sinagot bagkus ay muli kong binuksan ang pinto ng sasakyan niya.

"Hoy Miss! Biro lang," pigil niya sa akin."Si Romialdo Salazar 'to noh. Ang pinakamabait na taong makikilala mo sa mundo," sabi pa niya at saka nag-flex ng kamao. "Sumakay ka na kung magpapahatid ka."

Bumuntong-hininga ulit ako bago bumalik sa loob ng sasakyan niya. Wala na akong ganang makipagkulitan sa kahit na sino man. Hahayaan ko na lang siguro na tangayin ako kung saan pwedeng magpahinga at huminga.

"Oh, saan ba tunay na bahay niyo? Noong nakaraan sinubsub mo pa mukha ko bago kayo umalis dito sa kotsye ko," asik niya habang pinapaandar ang engine ng sasakyan.

Natulala na lang ako sa kaniya. Ibang iba pala si Romialdo Salazar. Akala ko noon una, isa siyang tipikal na isnabero, tahimik, at misteryosong artista. Pero tulad nitong mga pagkakataon na nakakausap ko siya, nalalaman kong isa siyang makulit at maingay na tao. Hindi ko pagsisihang hayaan siyang dalhin ako sa kahit anong lugar ngayon.

"Huwag na lang sa bahay. Dalhin mo na lang ako kung saan mo ako pwedeng dalhin," seryosong saad ko habang blangkong nakatitig sa rear mirror ng kotsye.

"Hoy, hindi ako gaya ng iniisip mo ah. Huwag mo akong tini-tempt," pagkakaila niya. Agad ko siyang siningkitan ng mata. "Okay, ako lang pala ang nag-iisip."

Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan palayo kung saan ang daan ko pauwi ng bahay. Napasandal na lang ako sa bintana ng kotsye habang hinahayaang tangayin ang buhok ng hangin.

"Naks, feeling music video ah," narinig kong sabi ni Romialdo sa kalagitnaan ng pagda-drive. "Sigurado ka ba sa sinasabi mong dalhin kita sa kahit saan ko gusto?"

Hindi ko siya sinagot.

"Sigi, bahala ka diyan." Narinig ko ang pagsinghal niya. "Ikaw lang ang nakilala kong may kakayahang ganyan-ganyanin ang  isang artistang tulad ko. Ang lakas ng loob mo ah."

Natigilan ako.

Bahagya kong iniangat ang ulo ko."Kailan pa? Kailan pa naging malakas ang loob ng isang katulad ko?" sarkasitiko kong saad. Gusto kong matawa dahil may nagsasabi sa aking malakas ang loob ko kahit na sa totoo lang, basag na basag na ang puso ko.

Siya naman ang hindi sumagot. Narinig ko na lang ang sarang labi na pagpapakawala niya ng hangin. "Mukhang may problema ka nga talaga," aniya.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas nang tumigil na ang sasakyan  ni Romialdo. Blangko ang isipan ko kaya hindi ko na rin pansin kung anong mga nangyari.

Nauna siyang bumaba ng kotsye kaya sumunod na lang ako. Natigilan ako nang ibababa ko pa lang sana ang paa ko matapos makita ang malawak na dagat. Nasa Manila Bay kami.

"Pasensiya ka na. Dito lang kita kayang dalhin," kamot-ulong sabi ni Romialdo sa akin. Nginitian ko siya at saka tuluyang bumaba sa kotsye.

"Hindi. Maganda...rito," sabi ko sa kaniya saka siya tinapik sa balikat. Inunahan ko siyang maglakad patungo sa gilid ng dagat. Inilibot ko ang tingin dito.

Ang payapang tubig-dagat. Ang batuhan. Ang pababang araw. Ang unti-unting pagdilim ng kalangitan. Pati ang mga bangkang nakadaong. Ang mga tao at establisyemento sa paligid. Ang ingay na nanggagaling sa mga sasakyan at bahagyang pagdampi ng hangin sa akin.

Napasinghap ako sa magkahalong pakiramdam ng kalungkutan at pag-asa.

Maraming nagbago pero itong-ito pa rin ang parehong lugar na inaapakan ko. Ang punto kung saan...binalak kong magpakamatay noon...




"Guys, this is it. Last shoot na lang 'to. Ga-graduate na tayo!" masiglang saad ng presidente namin sa klase. Siya ang nagdi-direct ng short film na ginagawa namin. Ito na ang final project namin para makapagtapos ng college.

Tahimik akong nakikinig sa kanila habang nakaupo sa sementadong bahagi sa harap ng Manila Bay. Production assistant ako ng grupo namin at lahat ngayon ay nakapukos sa kinukunang eksena.

Dumako ang tingin ko sa dulo ng dagat kung saan isang maliit na bahagi na lang ng araw ang makikita. Madilim na ang kalahati ng langit na sinasabayan pa ng pag-ihip ng malamig na hangin.

Wala sa sariling naglakad ako nang mag-isa pababa sa batuhan ng dalampasigan. Pagod na ako... Gusto ko na lang magpahinga.

Mula sa pagkakatitig sa langit ay ibinaba ko ang tingin sa paanan ko kung saan tumatalsik ang tubig-dagat. Malalim ang parteng ito. Tila inaakit ako ng tubig na lumusong na pailalim at angkinin ang pahingang matagal ko nang minimithi.

Napasinghap ako at napayakap sa sarili sa muling banayad na pag-ihip ng hangin. Kasabay nang tuluyang pagkawala ng liwanag, mawawala na rin ako sa mundong ito...

Iniangat ko sa ere ang kaliwa kong paa sa gitna nang malalalim na paghinga. Blanko lang ang isipan ko at unti-unti na ring nawawala ang pandinig at paningin ko...

Sa muling pagtama ng tubig sa isa kong paa, wala sa huwisyong ibinagsak ko ang aking sarili sa tubig.

"Guys! Guys! Si Juliet!" Biglang nabuhay ang pandinig ko at tila kusang nagising ang diwa ko para sabihing mali ang ginawa ko.

Pilit kong iniaabot ang mga bato ngunit hindi ko ito mahawakan. Naghihikahos na ako sa paghinga at nakakainom na rin ng tubig-alat. Mawawalan na sana ako ng malay nang maramdamang may umakay sa akin paibabaw sa tubig.

"Gising ba siya? Jusko anong nangyari?"

Nakapikit ako ngunit naririnig ko ang sigawan ng mga kasamahan ko. Nararamdaman ko rin ang malamig na batuhan sa likod ko.

"Juliet! Juliet!"

"Nako, ano ba 'yan. Delikado raw kasi talaga kapag graduating eh!"

"Ano bang nangyari? Kusa ba siyang lumangoy?"

"Baka nag-suicide?"

Maraming boses ang nakapaligid sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang ang ilang ulit na pag-compress sa gitna ng dibdib ko. Matapos ang ilang segundo,naramdaman ko naman na may humalik sa labi ko at binugahan ako ng hangin papasok.

"Shocks! Kaya mo 'yan Keifer!"

"Ano? Nagigising ba siya?"

Bigla na lang akong napabuga ng tubig at saka uubo-ubong bumawi ng hininga. Unti-unti kong nakita ang mga kaklase kong nakapalibot sa akin.  Nag-aalala silang lahat.

"Nako. Mabuti na lang at buhay ka!"

"Oh my gosh Juliet! Ano bang naisipan mo?!"

"Magpapakamatay ka ba?"

Tinitingan ko sila isa-isa at saka pilit na ngumiti. "S-sorry guys... Huwag kayong mag-alala... N-nadulas lang ako."



Idinilat ko ang mga mata ko at bumalik sa ulirat. Napasinghap ako at nilingon ang buong paligid ko.

Nakakatawa. Walang malay ang mga naririto na 26 years from now, isang babae ang halos magpakamatay na sa lugar na ito. Isang babaeng walang lakas ng loob para patayin ang sarili at inirason sa mga kasamahan niya na tatanga-tanga lang talaga siya kaya nadulas pabagsak sa tubig.

Ironic. Mula sa nakaraan, 26 years, nandito ulit ako. Sa eksaktong punto kung saan sinabi kong sa oras na mawala ang liwanag ng araw, mawawala na rin ako sa mundo.

Nandito ulit ako, nakatayo, tinatanaw ang hinaharap. Ngunit ngayon, wala na akong balak pang magpakamatay. Kailangan kong mabuhay para bumalik sa totoong panahon ko at doon... hayaang panahon ang kumuha ng buhay ko.

Talagang nakakatawa. Noon, dahil lang sa pagod at lungkot, gusto ko nang mawala. Ngayon naman, kung kailan patong-patong na ang problema at kalungkutang dinadala ko, nakakahanap ako ng rason para magpatuloy.

"Ayiie, nakangiti. Siguro nakipag-date ka noon dito at naaalala mo ang romantic place niyo?" saad ni Romialdo nang sumulpot ito sa tabi ko. Nakapamulsa siya habang tinatanaw rin ang papalubog na araw.

"Hindi romantic na alaala ang nakikita ko rito. Nakakatakot na hinaharap ang natatanaw ko," tugon ko sa kaniya.

Liningon niya ako."Ano?"

"Isang nakakatakot na hinaharap... Pero ngayon, matapang na ako para harapin ang hinaharap," makahulugang turan ko.

"Ano? Hindi pa rin kita nakukuha? Writer ka ba?" natatawang tanong ni Romialdo. Napangiti ako.

"Rewriter. Rewriter of stars," sabi ko saka tumingin sa kalangitang kung saan unti-unti nang nagsisilabasan ang mga tala.

"Hindi pa rin kita maintindihan," reklamo niya at ibinalik ang tingin sa dagat. "Hmm, siguro hindi dapat ako ang kasama mo ngayon dito. Siguro dapat si Estefanio."

Agad akong napalingon sa kaniya at kunot-noong tinignan siya.

"Oo, si Estefanio," aniya. "Halata Juliet sa mga mata mo na masaya ka tuwing kasama mo siya kaya huwag ka nang magkakaila sa akin. Mahal mo siya, hindi ba?"

"Bakit kita sasagutin? Hindi naman kita kaano-ano?"

Seryoso niya akong tinitigan. "Kaibigan mo na ako, hindi ba? Ang swerte mo nga at napapalibutan ka ng mga artista."

"Ang gulo naman." Ibinalik ko ang tingin sa dagat at humalukipkip. Tama lang siguro ito. Hayaan ko munang pahupain ang puso ko.

"Talagang magulo. Pero 'di nga. Gusto mo si Estefanio 'di ba? Siya ba ang dahilan kung ba't ang tamlay mo kanina?" usisa ng katabi ko.

Hindi ko siya sinagot.

"Sabi na. Pipili ka pa kasi ng mamahalin, artista pa. Tapos sa lahat ng artista, 'yung pinakasikat pa! Ang hirap maabot ng mga nasa taas, hindi ba?"

Huminga ako nang malalim. "Hindi na ako magtatrabaho kay Estefanio. Inalisan na ako ng trabaho ni Mrs. Del Carpio," pag-aamin ko.

"Ano?Bakit?" agad na reaksiyon ni Romialdo.

"Hindi mo na kailangang alamin," sagot ko.

"Bakit nila sinayang ang isang masipag at passionate na tulad mo?" natatawang dugtong niya.

Nginitian ko lamang siya.

"Ano? Ede sa akin ka na lang magtrabaho. Tutal hindi ko na rin mahagilap si Gwendelyn. Ano deal?"

Ilang segundo kaming nagtitigan hanggang sa umiling na lang ako sa kaniya.

"Pag-isipan mo. Kikita ka na, sasaya ka pa. Ako kasi 'to, si Romialdo Salazar," pagyayabang niya at saka ako kinindatan.

Ibinalik ko muli ang tingin sa kalangitan. Naiisip ko si Estefanio. Ano na kayang nangyari sa kaniya? Alam niya na kaya ang mga nangyari? Galit din kaya siya sa akin tulad ni Mrs. Del Carpio? O hindi kaya, wala lang sa kaniya, dahil wala naman talaga akong halaga sa kaniya.

Pero hindi ko maitatangging kahit papaano, gumagaan ngayon ang pakiramdam ko. Bukod kay Estefanio Del Carpio, may mga tao rin pala akong makikilala para turuan ako ng iba pang mga bagay. May iba pa palang tao rito sa panahon na ito, na pwede kong asahan at pagkatiwalaan.

"Salamat Romialdo. Kahit na...wala ka namang responsabilidad sa isang tulad ko, nagagawa mong pansinin at tulungan pa rin ako. " Nginitian ko siya dahilan para matigil siya sa ginagawa.

"Naman! Pakiramdam ko nga, kung si Estefanio ang prince charming mo, ako naman ang knight in shining armor mo. Oh sinong pipiliin mo ngayon?"

Natigilan ako pero agad din itong nawala nang tumawa siya. "Biro lang, suporta pa rin ako sa pagkagusto mo kay Estefanio." Tinaas-taasan niya ako ng kilay saka ibinalik ang tingin sa dagat.

"Hay nako, inaantok na ako. Ihahatid na kita." Nag-inat siya ng kamay at saka naglakad. Sinundan ko siya at magkasabay, umalis kami papalayo sa dalampasigan. Palayo sa lugar kung saan tinaggap kong may kahinaan ako at may kinakatakutan. Pero ngayon, naintindihan kong may rason at tatag na akong nahanap para harapin ang mga ito.

Maganda nga ang lugar na ito. Lahat ng bagay na nagkakaroon ng mapait na kwento at halaga, nagiging maganda.




End Of Chapter 25

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 100K 93
After seeing her daughter taken, Claret is resolved to begin a quest to rescue Divina from the clutches of an ancient demon named Atlas, even if it c...
127K 4K 43
There's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A...
180K 3.9K 102
In a world where assassins lurk in the shadows, a skilled one sets out on a one-of-a-kind mission to find his missing wife, whilst enemies are out to...
3.2M 233K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...