Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.6K 623 182

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

23

43 8 0
By Sky_Supreme

Chapter 23

"Auriga...the charioteer" saad ko sa isipan ko.

Bumalik ako sa ulirat at agad na sumunod kay Eda. Inunahan ko siya sa paglalakad dahil ako ang kilala ng mga security rito.

"Ma'am, teka po. Hindi po kayo pwedeng pumasok." Nagulat ako matapos pigilan ng isa sa mga naiwang security guard. Nabawasan sila matapos habulin papasok si Gwendelyn.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Bakit po? Personal assitant po ako ni Estefanio Del Carpio," paliwanag ko.

"Sorry Ma'am pero hindi na po kayo pinapasok dito ni Mrs. Del Carpio."
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Dahil ba ito sa nangyaring pagtakas namin ni Estefanio papuntang Ilocos? Galit ba sa akin si Mrs. Del Carpio?

"Pasensiya na po kayo ngunit may mahalaga po kaming dahilan para pumasok sa hotel na ito," singgit ni Eda matapos marinig ang sinasabi ko.

Napakamot sa ulo ang lalaki. "Pasensiya na kayo. Kami ang—" Natigilan ito sa pagsasalita nang biglang tumakbo papasok si Eda.
Hindi niya ito nagawang pigilan bagkus ay hinabol niya pa ito papasok. Nagi itong pagkakataon sa akin para makapasok din.

"Hoy! Bawal kayo rito!" Narinig kong humabol din sa akin ang isa pang guard kaya nagmadali naman ako sa pagtakbo papunta kay Eda.

Nagkagulo na ang mga nasa lobby dahil sa pakikipaghabulan sa amin ng dalawang security guard. Nagpaikot-ikot pa kami ni Eda bago nagkaroon ng tiyempo para makatakbo paakyat sa hagdanan ng hotel.

"Bilis Juliet," bulalas ni Eda habang nauuna sa pagtakbo paakyat.

Napalingon ako sa ibaba namin at agad na nabigla matapos akong hilain ng isang security guard sa paa.

"Huli ka!" gigil na saad nito. Natumba ako sa hagdanan at pilit siyang pinagsisipa ngunit mas malakas ito sa akin.

Napalingon ako kay Eda dahil natigilan din siya sa pagtakbo. Napansin kong unti-unti na naman siyang nagliliwanag at nagsisilabasan na ang mga dust particle sa katawan niya. "E-eda, mauna ka," utos ko sa kaniya habang patuloy sa pilit na pagtakas sa guard na humihila sa akin.

Hindi ko na narinig pang sumagot si Eda bagkus ay nabigla na lamang ako nang bumagsak sa guard na humihila sa akin ang ilang mga telang nakasabit sa dingding ng hotel. Humarang ito sa mukha niya dahilan para mabitawan ako at mapadausdus pababa ng hagdan. Natamaan niya pa ang kasunod niyang guard kaya pareho silang napabagsak sa ibaba.

Agad akong tumayo at humihingal na tumakbo papunta kay Eda."G-gumamit ka ng kapangyarihan?" tanong ko sa kaniya. Seryoso niya akong tinanguan. Sa ilang buwang pananatili namin sa taon at lugar na ito, ilang beses ko pa lang na nakitang ginamit ni Eda ang natitirang kapangyarihan niya. Isa ito sa mga pagkakataon na iyon.

Hawak-kamay kami ni Eda nang takbuhin paakyat ang ikalawang palapag ng hagdanan. Habang umaakyat kami ay mas lumalakas ang pagliwanag niya at paglabas ng mga dust particles sa katawan niya.

Nang tuluyan kaming tumuntong sa ikalawang palapag ay agad kaming natigilan dahil nasa dulo ng pasilyo nito si Gwendelyn na hinahabol din ng apat pang security guard. Ngumiti si Gwendelyn nang makita kami. Agad ko ring napansin ang pagliwanag niya tulad kay Eda. Isa nga siyang celestial soul.

Dahil sa pagngiti ni Gwendelyn ay napalingon din sa amin ang mga security guards na humahabol sa kaniya. Tagaktak na ang mga pawis nito at humihingal.

"Hindi po kayo pwede rito ah!" sigaw ng isa sa kanila sa akin. "At teka, b-bakit nagliliwanag kayo pareho? A-anong kapangyarihan 'yan?" hindi nito makapaniwalang saad. Nagpalipat-lipat ang tingin nila kay Gwendelyn at Eda.

"Hay, nako." Biglang nagsalita si Gwendelyn. "Nakakapagod namang makipaghabulan sa inyo. Prinsesa Andromeda, maaari bang kayo na lang ang bahala sa kanila?" nakangiting baling nito kay Eda.

"Mauuna na ako sa taas ah." Sa isang iglap, pare-pareho kaming nagulat nang maglaho si Gwendelyn sa kinatatayuan kasama ang liwanag na taglay niya. Parang isang bula.

"A-anong nangyari?" saad ng isang guard.

"Nasaan na siya?"

Nagpalinga-linga sila sa paligid upang hanapin si Gwendelyn. Ang isa sa kanila ay bumaling sa amin. "K-kayo? Saan siya nagpunta? E-engkanto ba kayo?" nagigimbal na tanong nito.

Imbes na sumagot ay napalingon kami ni Eda sa dalawang guards na papaakyat na papunta sa amin. Sila iyong guards na humahabol sa amin kanina. Mukhang nakabawi na sila.

"Lagot kayo kay Mrs. Del Carpio kapag nalaman nila ito!" sigaw ng isa sa kanila.

Nagmadali kaming tumakbo ni Eda palayo sa kanila ngunit sinalubong naman kami ng apat pang guard na naghahabol kanina kay Gwendelyn. Nakangisi pa ang mga ito habang dahan-dahang pinapalibutan kami.

"Uunahin na lang namin kayong huliin, bago ang isang 'yun," pananakot ng isang guard. Mukhang ito 'yung head nila.

Nang makakita ako ng pagkakataon ay hinila ko si Eda at agad kaming pumasok sa isang nakabukas na elevator. Nagmadali akong pindutin ang mga button nito ngunit hindi ito gumagana. "Tsk! Brownout!" singhal ko sa sarili nang mapagtantong nawalan nga pala ng kuryente kanina matapos kumidlat. Hindi ko naman inaakalang pati sa Casa Simeon ay walang kuryente.

Napadako ang tingin namin sa mga guards na nakaabang na sa labasan ng elevator. Napaatras na lang ako kay Eda at tanging malalalim na paghinga ang namutawi sa pagitan namin sa ilang segundo.

"Tatakas pa kayo. Ngayon makikita niyo ang kalalagyan niyo," habol-hiningang sambit ng head guard nila.

"Eda, maglaho ka na," halos bulong na suhestiyon ko kay Eda habang nakatutok ang mga tingin namin sa guards. Mukhang naghihintay lang sila ng tiyempo para dakipin kami.

"Limitado ang kapangyarihan ko Eda. H-hindi ko kayang gawin ang ginawa ni Auriga," paputol putol na tugon ni Eda sa pagitan ng kaniyang paghangos. Halatang napapagod din siya dahil sa patuloy na paglabas ng mga kapangyarihan niya.

"Anong ibinubulong-bulong niyo diyan? May sa engkanto siguro talaga kayo!" sumbat muli ng head guard. Sinenyasan niya ang mga kasamahan niya. "Hulihin niyo na sila!"

Napakapit na lang ako kay Eda hanggang sa maramdaman ko ang mas malakas na pwersa ng kapangyarihan niya. Nasulasok ng liwanag ang loob ng elevator at sa isang sigaw ni Eda ay buong lakas na lumabas sa kaniya ang isang malakas na pwersa na tumangay sa mga guards palabas. Maging ako ay nakabitaw kay Eda at tumama sa dingding ng elevator.

Unti-unting humupa ang malakas na liwanag at nakita ko na lamang na nakakalat ang mga walang malay na security guards sa labas ng elevator. Napahawak pa ako sa nanakit kong balikat bago nakabawi ng lakas. Halos paluhod na akong lumapit kay Eda na humahabol din ng kaniyang hininga. Muntikan pa siyang bumagsak sa sahig pero agad ko siyang nasalo.

"Kaya mo pa ba Eda?" tanong ko sa kaniya habang inaalalayan siya.

Ilang segundo siyang bumawi ng paghinga at saka napalunok. "Oo, halika na," aniya.

Lumabas kami ng elevator habang hawak-hawak ko siya. Walang malay ang mga nakatumbang guards kaya napanatag kami. Nagtungo kami sa hagdan at nag-umpisa muling umakyat dito.

Habang mas tumataas kami ni Eda ay mas nararamdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Tila bumibigat na rin ang bawat mga hakbang ko. Maging si Eda ay nanghihina na rin.

Nawawala-wala na rin ang tila mahikang bumabalot sa kaniya subalit malakas ang loob niyang magpatuloy sa pag-akyat.

Nang umabot kami sa 4th floor kung nasaan ang kwarto ng mga Del Carpio ay natigilan kami matapos makita 'yung lalaking therapists ni Mrs. Del Carpio. May hila-hila siyang tray ng tubig at ilang mga pagkain. Mukhang mula siya sa kwarto ni Mrs. Del Carpio. Agad na bumakas sa mukha nito ang pagtataka nang makita kami.

"J-juliet? Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka ni Mrs. Del Carp—"

Napabagsak si Eda sa sahig kaya't natigilan siya sa pagsasalita. " Anong nangyari sa kasama mo?" tanong nito.

Agad siyang lumapit at akma sanang itsi-check ang kalagayan ni Eda pero agad ko naman siyang pinigilan. "P-pwede po bang makahingi ng tubig?" tanong ko sa kaniya. Ilang beses ko na siyang nakikita rito sa Casa Simeon. Nakilala niya na siguro ako sa pagpapabalik-balik ko rito. Mukhang nasa middle 20s pa lang siya at lagi naman itong nakangiti sa kahit sinong mga nakakasalubong niya kaya't naniniwala akong mabuti siyang tao.

"S-sige. Kunin niyo na ito." Mabilis niyang inabot sa akin ang basong nilagyan niya ng tubig. "Saan ba kayo galing? At paanong nakapasok kayo rito?"

"Salamat. May kailangan lang po kaming kitain sa rooftop kaya kami nandito. Huwag mo sana kaming isusumbong," diretsya kong sabi habang ipinapainom kay Eda ang tubig.

"Makakaasa kayo. P-pero kailangan niyong magmadali. Baka makita pa kayo ni Mrs. Del Carpio at sa lagay na 'yun, wala na akong magagawa," aniya. Matapos uminom ni Eda ay ibinalik ko na sa kaniya 'yung baso.

"Ikaw? Hindi ka iinom?" tanong nito sa akin. Umiling lamang ako. "Sige, actually ilalagay ko lang 'to rito sa tabi. Mga crews na ang kukuha nito," paliwanag niya pa pero hindi ko na napakinggan pa nang tumayo na si Eda.

"Halika na Juliet. Huwag na nating sayangin ang oras," seryosong sambit ni Eda saka nagsimulang umakyat paitaas ng hagdan. Napakamot na lamang ako sa ulo ko dahil mukhang determinado talaga siya.

"Sige, salamat sa inyo Ginoong..."

"Filipo. Filipo Soriano," nakangiting dugtong sa akin nitong lalaki. Tumango lang ako sa kaniya saka nagmadaling sumunod kay Eda.

Sa muling paglagpas namin sa ibang mga palapag ay unti-unti na muling nagliliwanag si Eda, hudyat na papalapit na nga kami kay Gwendelyn. Kahit papaano ay nakabawi rin ng lakas si Eda kaya't nagawa naming ipagpatuloy ang pag-akyat sa maraming hagdanan. Ako pa nga ang napag-iiwanan niya dahil mukhang diterminadong diterminado siyang makaharap si Gwendelyn.

Halos habol hininga na ako at tagaktak na rin ang pawis nang maabot namin ang pinto ng rooftop. Bahagya na itong nakauwang na para bang handa na para sa pagdating namin. Agad namin itong binuksan ni Eda kasabay ng muling pagdagundong ng kalangitan. Nagsimula na ring bumalik ang malakas na pagliwanag ng katawan niya at paglabas ng mga dust particles. Mukhang bumabalik siya sa anyo niya bilang isang celestial soul.

Marahang tumunog ang bakal na pinto at sinalubong kami ng malalakas na hangin sa itaas. Tila biglang binuhusan ang katawan ko ng yelo dahil sa lamig na dulot ng hangin. Makulimlim ang buong kalangitan. Patuloy rin sa panaka-nakang pagkulog at sa 'di kalayuan ay tanaw ko na ang pamumuo ng mga kidlat.

"Ang tagal ha. Pinaghintay niyo pa ako." Kusang napadako ang tingin namin ni Eda sa babaeng nakaupo sa roof deck. Nigliliwanag din siya tulad ni Eda subalit mukhang mas malakas ito. Nakasalo pa ang mga kamay niya sa mukha niya at nakasimangot sa amin—itsyurang tila bagot sa mahabang paghihintay.

"Anong ginagawa mo rito Auriga? Bakit ka nandito?" buong lakas na turan ni Eda. Kapwang nililipad ng hangin ang mga buhok namin at pati boses nila ay nanginginig na rin.

Marahang tumayo si Gwendelyn. Nakangiti lamang siya at hindi alintana ang lamig at pwersang dinadala ng hangin. Ilang hakbang siyang naglakad palapit sa amin. "Ang tanong ay...kung bakit kayo nandito sa panahong ito, Prinsesa Andromeda?"

Ibang-iba ang ikinikilos niya kumpara sa Gwendelyn na nakilala ko. Ang pagiging kwela at malikot ay napalitan ng banayad at pinong pagkilos. Naging mas matatas din at malinis ang kaniyang pagsasalita.

"Niloko mo ako Gwendelyn." Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas para magsalita sa kaniya.

Agad niya akong nilingon at nginitian. "Matatawag bang pangloloko ang ginawa ko Juliet?" tanong nito. Naglakad-lakad pa siya bago muling nagpatuloy. "Pwede namang pag-arte. Natulungan naman kita, hindi ba? Saka sa pagkakaalala ko ay wala akong sinabi sa'yong pagkukunwari. Hindi ka man lang nga nagtaka at nagtanong kahit na pwedeng-pwede mo namang alamin kung sino ako. Kung anong nakilala mong Gwendelyn ay bahagi iyon ng katauhan ko. 'Yun nga lang, masyado kayong tutok sa ibang bagay kaya't hindi niyo man lang ako pinaghinalaan noon. Kung meron man sa ating nangloloko, unang-una ay ikaw ito."

Natigilan ako. Kusang bumukas ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas dito. Nang makita niya ang ekspresyon ko ay natawa siya.

"Hindi ba? Unang-una, nagkukunwari kayong mag-pinsan. Nagtatahi-tahi pa kayo ng mga kwento para pangalagaan ang mga katotohanan sa likod ng katauhan niyo. Ikaw Juliet, alam kong mas marami ka pang itinatagong pangkukunwari. At pati ikaw... Prinsesa Andromeda."

"Tumigil ka Auriga!" bulalas ni Eda sa kaniya. "Bakit hindi mo kami pabayaan ni Juliet? Narito kami para sa kahilingan niya. Wala kang karapatang pakialaman iyon." Nararamdaman kong pagtaas ng tensiyon sa pagitan nila. Ngayon ko lang nakitang ganito nainis si Eda.

"Ows, we? Mali na naman ang sinabi niyo, naku," natatawang bira ni Gwendelyn. Napasapo pa siya sa noo niya habang umiiling. "Ako ba ang nangingialam o kayo? Kayo ang unang nagtungo rito at pinapakialaman ang mga nakasulat na. Kayo ang may nais na isulat muli ang mga bituwin. Ang mga nangyari na, ang mga nakatadhana na. Rewriting the stars ha?"

"Hindi mo alam ang plano namin Auriga. Bakit ka pa nakikialam?" inis na balik ni Eda sa kaniya.

"Namin?" Muling tumawa si Gwendelyn. "Okay, pero hindi lang 'to basta-bastang pangingialam na ginagawa ko. I'm here dahil gampanin ko ito. Ako ang inatasan ng konseho na pigilin kayo sa mga pinaggagawa niyo rito— na ipaalala sa inyong hindi niyo dapat galawin kung ano na ang mga nakasulat," paliwanag ni Gwendelyn.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong magsalita ngunit nalilito rin ako sa mga sinasabi ni Gwendelyn.

"Hmm... Ganito kasi talaga ang plano ko," muling pagsasalita niya. Napahawak pa siya sa baba niya na waring nag-iisip. "Ayoko kasi ng mga ganitong confrontation. Gusto ko chill lang. Gagawin ko ang trabaho ko with clever and enjoyment. Kaya naisip kong huwag kayong basta-bastang bibiglain at awayin kasi mahaba pa naman ang palugit sa akin. Five months, hindi ba Prinsesa Andromeda?" Natawa siya matapos magtanong.

"Tigilan mo na kami Auriga. Alam ko ang ginagawa namin at tinutupad ko pa ang kahilingan ni Juliet," asik ni Eda.

"Wait lang, patapusin niyo muna kasi ako...So ganito nga, bigla lang akong pinatapon ng mga utuserang konseho ng Celestial Realm tapos natagpuan ko na lang ang sarili ko rito sa panahon na ito. Ni hindi ko man lang nga alam kung saan ka tutuntunin Prinsesa Andromeda. Kaya naglibot-libot na lang ako hanggang sa mapadpad ako doon sa presscon ng mga artista, nina Estefanio Del Carpio, tama ba?" Nginitian niya ako nang banggitin ang ngalan ni Estefanio.

"Ang dami kasing tao kaya nakiusyuso ako tapos ikaw ang nakita ko Juliet. Unang kita ko pa lang sa'yo, naghinala na akong iba ka sa mga taong naririto. Sana ganon ka rin sa akin 'di ba? Nakita kita noong pinagtutulak ka na palabas ng mall pero siguro, hindi mo ako napansin. Nandoon pa nga ako noong nagkita kayo ni Estefanio at isinakay ka niya sa sasakyan nito. Ang cheesy ng scene niyong 'yun kaya talagang nag-expect ako sa mga lasenggo noon na saktan na lang kayo. Sorry."

"Tapos, pakaalis niyo, si Romialdo naman ang lumabas. May mga fans na sumunod sa kaniya at panay ang tili. Nairita ako kaya nakieksena rin ako. Sabi ko, gusto kong magtrabaho sa kaniya. Nagpaawa pa ako noon pero pinagtabuyan niya lang ako. Wala naman akong ibang mapupuntahan kaya sumunod-sunod na lang ako sa ibang mga tao hanggang sa makita ulit kita Juliet dito sa may Casa Simeon. Iyon 'yung araw na pinatawag ka yata ni Mrs. Del Carpio. Nag-teleport ako noon sa banyo niya at narinig ko 'yung mga pag-uusap niyo tungkol sa pagkuha sa'yong P.A. ni Estefanio Del Carpio. Intense 'yung mga mga scene niyo nu'n ha. Matapos noon, naisip kong kailangan kong mapalapit sa'yo para may kaibigan naman akong kakaiba rito sa panahon na ito. Binalik-balikan ko si Romialdo para piliting pumasok bilang P.A. niya rin so magkakaroon tayo ng time para magkasama. Hindi ba ang effort ko para sa'yo Juliet?" nakangiting pagpapatuloy ni Gwendelyn.

Napalunok ako at bahagyang hinawi ang buhok kong nililipad na sa mukha ko. Ibig sabihin halos mula umpisa nakasunod na sa akin si Gwendelyn. Hindi ko man lang siya napansin o nakita. Talagang matalino at magaling siyang magtago.

"Una nating pagkikita noon ay—"  Natigilan siya sa pagpapatuloy ng sinasabi nang pare-pareho naming marinig ang boses nina Goldia.

"Malalagot ako nito kay Mrs. Del Carpio," nagmamadaling sabi ni Goldia. May kasama siya.

"Hayaan mo na lang sila."  Iyon yung tumulong sa amin kanina. Si Ginoong Filipo.

Hindi pa man nakakarating sa may pinto ang mga boses nila ay marahan at kusang sumara ang bakal na pinto ng rooftop. Napahawak pa ako sa tengga ko dahil sa tunog na linikha ng malakas na pagtama nito sa semento.

Lumingon kami ni Eda kay Gwendelyn at pangingiti-ngiti lamang siya sa amin habang ang kamay niya ay nakatutok sa pinto ng rooftop. Sa lakas ng hangin ay tila nililipad na sa iba't ibang bahagi ng ere ang mga dust particles niya sa katawan. Kusa itong naglalaho sa oras na lumayo sa katawan niya ang mga makikinang na butil na ito. Pareho sila ni Eda.

"Ayoko munang may makialam. Hindi pa nga ako tapos sa pagki-kwento," ani Gwendelyn. Narinig namin ang mabilis na pagpukpok ng mga kamay mula sa kabilang bahagi ng rooftop door. Mukhang hindi ito mabuksan nina Goldia.

"Hoy! Anong ginagawa ni'yo diyan! Buksan niyo 'to!" sigaw ni Goldia mula sa likod ng pintuan. Hindi ko maintindihan kung paanong nagawa ni Gwendelyn na ikandado ito kahit na ang sara nito ay nasa bahagi nina Goldia. Talagang malakas ang mahika nilang mga celestial soul.

"Ayon na nga. Huwag niyo muna silang intindihin ha. Maupo kaya muna tayo habang nagkukwentuhan," saad ni Gwendelyn kaya't bumalik ang tingin ko sa kaniya. Kalmado lamang siyang umupo sa sahig ng rooftop kahit na kumikidlat sa gawing likuran niya. Napapikit pa nga ako nang makita ang talim nito. Delikadong naririto kami ngayon.

"Ayaw niyo bang maupo? Ang ganda ng panahon. Hindi nga lang kita ang mga bituwin kasi maaga pa," dagdag ni Gwendelyn nang hindi namin siya sinunod ni Eda. Nanatili kaming nakatayo at seryosong nakatingin sa kaniya. Pilit pa naming linalabanan ang bugso ng hangin.

"Wala kaming panahon para makipaglaro sa'yo Auriga," sabi ni Eda sa kaniya. Akmang lalapit siya kay Gwendelyn ngunit kusa siyang napaupo sa sahig ng rooftop. Maging ako ay nabigla nang kusa rin akong bumagsak sa sahig. Tila may pwersang humila sa amin ni Eda upang umupo at makinig kay Gwendelyn.

"Makinig muna kasi kayo. Mabilis lang naman ito. Pinapagod niyo pa ang mga sarili niyo eh halata ngang ano mang oras pwede na kayong mawalan ng lakas," turan ni Gwendelyn. Wala kaming nagawa ni Eda kundi maupo at humarap sa kaniya dahil kahit pilitin naming tumayo ay ibinabalik pa rin kami sa sahig.

"Ganito nga nga. Una mo akong nakilala noon Juliet sa Welcome Party. Planado na talaga iyong paglapit ko sa'yo. Ako rin nga pala yung may dahilan kung bakit nabuhos noong waiter 'yung drinks sa table nina Estefanio." Tumigil siya at nginitian muli ako.

Naalala ko iyong nangyaring aksidenteng tinutukoy niya kung saan napahiya ako sa harap ng maraming mga tao. Hindi ako makapaniwalang siya pala ang may dahilan ng mga pangyayaring iyon. "Paano mo nagawa 'yun?! Tiniwalaan kita. Ikaw pa nga 'yung tumulong sa akin?! Bakit..." Kusa akong tumigil sa pagsasalita nang maramdaman ang panginginig ng katawan ko. Naluluha na rin ako.

"Kailangan kasi Juliet. Kailangan kong makuha ang tiwala mo para mapalapit ako sa'yo. Pero, sa totoo lang, nag-enjoy naman akong tulung-tulungan ka lalo na sa tuwing nakikipagtarayan kina Lolita at Myla." Kinindatan niya ako. "Isa 'yun sa mga pagkakapareho natin—ang pagkaasiwa sa kanila. Masyado ka lang kasing pasensiyosa at magaling magpigil. Kabaligtaran lang ako. Iniisip ko nga kung natural ba talaga 'yan sa'yo? Mahina at talunan?"

Kusa ng tumulo ang luha ko. Hindi ko matanggap na ang tinuring kong isang malapit na kaibigan ay sasabihin ang mga bagay na ito sa akin. Hindi ko matanggap na siya pa. Bakit kailangang magi pa siyang celestial soul gayong isa siya sa mga tinuturing kong kakampi.

"Tumigil ka na sa mga sinasabi mo Auriga. Tumigil ka na!" sigaw sa kaniya ni Eda.

"Huwag kang mag-alala Prinsesa Andromeda. Hindi ko naman lahat uubusin ang mga nasa utak ko. Hahayaan ko rin ang ibang bagay na si Juliet mismo ang makaalam. Lalo na sa pinakamahalagang bagay..."

"Tigilan mo na kami Auriga," pakiusap ni Eda. Naghihikahos na siya sa pagsasalita. Mukhang nauubos na ang lakas niya dahil sa pilit na paglaban sa pwersang nagpapanatili sa amin sa sahig.

Halo-halo na ang mga nararamdaman ko. Patuloy ang pagkulog at pag-ihip ng hangin sa amin. Patuloy rin ang marahang pagsigaw at pukpok nina Goldia sa bakal na pinto. Nararamdaman ko pa ang pananakit ng katawan ko at unti-unting panghihina. Dagdag pa ang galit kong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

"Balik tayo sa kwento ko. Sumulpot ako sa pinagtatrabahuhan niyong bar. Nakipagkwentuhan pa ako kay Juliet para malaman kung saan siya nakatira. Lumakas din ang hinala kong kasama mo si Prinsesa Andromeda kaso nga lang iniiwasan kong lumapit dahil sa mangyayari sa amin. Kusang lalakas ang mga kapangyarihan namin celestial soul kapag magkakalapit," pagpapatuloy ni Gwendelyn.

"Sumunod pa ako sa inyo sa Zambales at doon ko nga nasigurong kayo ang magkasama. Ikaw ang mortal na binigyan niya ng nga kahilingan," baling sa akin ni Gwendelyn. "Siniguro ko syempreng huwag lumapit. Nakakainggit nga ng kaunti kasi kayo nakakapag-enjoy habang ako ay susulpot at susunod lang sa inyo. Kita ko pa noon ang saya niyo. Hindi naman ako pwedeng makisali kaya plinano ko na lang na sirain. Gumawa ako ng mga pangyayari para hindi kayo maging masaya at mapagtanto niyong mali ang ginawa niyong pagbalik sa nakaraan para sa kahilingan kuno."

"Ako 'yung nagpalabas ng kapangyarihan mo Prinsesa Andromeda kaya nalaman 'nung matandang babae ang katauhan mo. Gayundin, noong lumabas bigla ang kapangyarihan habang nasa harap niyo si Estefanio."

"Na-realize ko ring may pagtingin ka Juliet kay Estefanio. Halatang halata naman kasi, ikaw lang ang pumipigil sa sarili mo. Ang ginawa ko naman, pilit kong isiniksik sa'yo na hindi pwedeng maging kayo kasi langit at lupa kayo. Bituwin ang mga nasa pagitan niyo. Magkaiba pa kayo ng mga panahon. Hinding hindi pwede." Nanatiling nakatutok ang mukha namin sa isa't isa. "Ginamit ko pa nga si Romialdo at Lolita para i-love triangle kayo pero hindi ka ata marunong makinig Juliet. Hindi nagpapigil ang damdamin mo at minahal mo si Estefanio," aniya.

Bahagyang napalingon sa akin si Eda dahilan para lumipat ang tingin ko sa kaniya. Hindi man magsalita si Eda, alam kong hindi niya nais ang pag-amin ko sa nararamdaman ko. Napaluha na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

"Huhuhu, ang dami ko palang hawak na alas sa inyo. Bakit hindi na lang kayo ang sumuko? Bakit hindi na lang kayo sumama sa akin pabalik sa totoong oras at tayo naman Prinsesa Andromeda ay babalik na sa Celestial Realm? Inaabangan ka na nila sigurado." Tumayo si Gwendelyn at pinagpagan ang sarili.

"Ayoko na ng mahabang litahe. Pagod na ako. Tama na siguro ang eksplenasyon na ibinigay ko sa inyo." Naglakad siya papalapit sa amin. Hindi naman kami makaalis sa kinalalagyan namin ni Eda. "Sige, bibigyan ko pa kayo ng ilang araw para pag-isipan ang mga disesyon niyo. Sa huli, hindi naman ako ang maapektuhan ng mga pasya niyo."

Lumapit sa akin si Gwendelyn at ibinaba ang sarili para harapin ang mukha ko. "Sorry Juliet. Kailangan ko lang gawin ang gampanin ko. Ipapaalala ko lang sa iyo ha, huwag niyo nang muling isulat ang mga bituwin. Ikaw lang ang mahihirapan. Huwag niyo nang kalabanin kung ano na ang mga nakasulat sa bituwin," halos bulong na saad niya sa akin. Napahagulhul na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Bahagya niya akong niyakap saka muling tumayo.

"Sigi. Wala akong balak na makipaglaban  sa inyo Prinsesa Andromeda lalo na't labag ito sa  mga alituntinin ng Celestial Realm. Inalalahanan ko lang kayo at binalaan na sa oras na may baguhin kayo sa dating takbo ng tadhana, baka magsisi lang kayo."

Unti-unti kong naramdaman ang pagkalas ng pwersang pumipigil sa katawan namin ni Eda. Napasalampak ako sa sahig dahil sa halos maubos kong lakas.

"Paalam na sa inyo. Huwag kayong mag-alala. Hindi na ako mangingialam sa inyo. Sapat na siguro ang ginawa ko.Hanggang sa muling pagkikita," pagpaalam ni Gwendelyn. Habol-hiningang tinignan ko siya at nabigla ako nang makitang nakatalikod itong tumalon sa rooftop.

Kasabay ng isang malakas na kidlat at pagbukas ng pinto ng rooftop, naubos na ang lakas ko at kusa nang bumagsak ang katawan ko. Kasabay nito ang pagdilim ng piningin ko.




End Of Chapter 23

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)
10.4M 479K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #03 â—¢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
4.3K 624 49
'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mu...
149K 246 5
[Wattis Awards 2018 Participant] [Wattys2018 Participant] Enemy- yan ang tawag sa mga taong ayaw na ayaw mo. Yung tipong sira na ang araw mo pag naki...