Tyrone: Dark Series Book 1 (C...

By mcookie013

578K 13.6K 1.3K

"We're all in the same game; Just different levels. We're dealing with the same hell; just different devils."... More

Private Chapter
Tyrone: Dark Series Book 1
Teaser
Fair warning from the writer
Ch. 1
Ch. 2
Ch. 3
Ch. 4
Ch. 6
Ch. 7
Ch. 8
Ch. 9
Author's note
Ch. 10
Ch. 11
Ch. 12
Ch. 13
Ch. 14
Ch.15
Ch. 16
Ch. 17
Ch. 18
Ch. 19
Ch. 20
Ch. 21
Ch. 22
Ch. 23
Fair warning
Ch. 25
Ch. 26
Ch. 27
Author's Note
Ch. 28
Ch. 29
Ch. 30
Commercial Break: Dahil may nagtanong
Ch. 31
Ch. 32
PASINGIT
Fair Warning
Ch. 33
Ch. 34
Ch. 35
Ch. 36
Ch. 37
Ch. 38
Ch.39
Before the book ends...
Ch. 40
Epilogue
Special Chapter: The wedding
Attention! Self-pub book!
Fb link for Team Alpha
Update! Re: Book
BOOK IS LOVE
Second batch of Tyrone: Open for Reservation

Ch. 5

12.5K 413 50
By mcookie013

Florrence

"Human." Narinig kong wika ng lalaking nasa aking harapan.

Napaharap ako sa kanya at napansin ang mantsa ng pintura sa kanyang damit. Napadako ang tingin ko sa kanyang mukha. Nakangisi siya na parang demonyo sa gawi ko. Ang mga mata niya ay nakatingin lang sa bawat paggalaw ko.

"I-I... I, I am looking for a woman. I think she needs help, h-have you seen her?" Kinakabahan kong tanong sa lalaking may mahaba at maitim na buhok. Ngayon ko lang namalayan na unti-unti na pala akong humahakbang palayo sa kanya.

Sana mali ang hinala ko. Sana... sana hindi sila ang mga lobong inaakala ko.

"Woman you say?" Nakakaloko ang ngiting nasa kanyang labi. Napalunok ako sa uri ng pagkakatitig niya sa akin. "What woman?" Itinaas ng lalake ang kanyang kaliwang kamay bago inilahad sa ere. "Janine."

"Boo!" Napasigaw ako sa matinding gulat nang maramdaman ko ang isang kamay na biglang humawak sa aking beywang. "Fancy seeing you here, human." Bulong ng boses babae sa aking tenga. Unti-unti akong lumingon at nakita ang babaeng sinusundan ko kanina na ngayo'y nakangiti sa akin.

"Y-you're wounded..."Sabi ko sa babaeng nagmamay-ari ng pulang mga mata at buhok na kulay abo.

"Am I?" Nakakapangilabot ang klase ng ngiti na namumutawi sa kaniyang labi.

I can visibly see their canines protruding, I can see how their eyes turned a bit darker, I can see how their hands morphed into some beastly figure.

"It'll be quick, my dear." Mahinang bulong ng lalake bago naglakad patungo sa akin.

"I'm a visitor here. I... I." Hindi na ako makahinga sa tindi ng kaba na aking nadarama. "I'm a special guest of Alpha Derek!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawa kong kamay sa harapan nila. Nararamdaman ko na ang mga binti kong nanginginig sa takot.

"Oh... Derek." Nakangising sambit niya at sinadya pang ipakita ang pangil niya. "Too bad we don't follow rules, dear." Sa sinabi niyang iyon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na tumakbo palayo sa kanila. I know it is futile to run away from them, they're beast. I have no chance for survival.

"Run, dear! We love chasing games!" Narinig ko ang kahindik-hindik na boses ng lalake mula sa aking likuran. Hindi ko mapigilang umiyak. Mamamatay ba ako ng hindi man lang nakakausap ang aking ama? Ito na ba ang huling araw ko sa mundo?

Kinapa ko ang aking cellphone at walang dalawang-isip na tinawagan si Dianne. Wala pa mang ikalawang ring ay sinagot na ni Dianne ang tawag ko. "Dian-"

"Where are you?!" Bungad agad ni Dianne sa akin.

"I... I'm in dang-" Ngunit hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang marinig ko ang malakas na pagsinghap ni Dianne mula sa kabilang linya.

"Run. Just run, Flor." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya. "Derek, nanganganib ang buhay ni Flor. Umalis na tayo!" Iyon lamang at naputol na ang tawag.

"Boom!"

Bigla akong napatigil sa takbo nang biglang lumitaw sa aking harapan ang lalake kanina. Nanghina ang loob ko, kahit ano pala ang gawin ko ay wala ring silbi. Ano nga ba ang laban ng isang mortal sa nilalang na tulad nito? Kung darating man sina Dianne ay huli na rin sila. Wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin ang aking kapalaran.

"Any last wishes?" Ang boses naman ng babae ang narinig ko mula sa aking likuran. Hindi ko na siya pinansin pa at nanghihinang napasalampak sa lupa. I can't believe this, going to Avinia was the biggest mistake I made in my entire life.

"What satisfaction can-" Ngunit napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang takot sa mukha ng lalaking humahabol sa akin kanina. Napakunot ang noo ko at sinundan ang kanyang paningin. Napapikit ako nang mariin at napamura. Isang lalake na naman ang biglang lumitaw, mahilig ba talaga sila sa karne ng mga tao at parang nag-aawagan pa yata sila?

"Oh great! I never knew I am so delectable." Ang takot ko kanina ay napalitan na ng inis. Ibinalik ko ang tingin sa bagong dating na lalake. He just stand there motionless, his eyes linger at me for a bit.

"S-Sean."

"Any last wishes?" Sambit ng lalake. Hindi ko alam kung para sa akin ba iyon o sa lalaking gustong pumatay sa akin.

"Nasa labas na kami ng Uganda! Wala kang karapatang-"

"Liar! You lured me here! I was taking a stroll when your little friend showed her bloodied self to me!" Bigla akong nabuhayan ng pag-asa. Baka isa siyang lobo na taga-Uganda. Baka matulungan niya ako.

"Shut up before I wring your neck." Banta sa akin ng lalake at unti-unting lumapit sa akin.

"You know I will not just stand here and let you do your thing." At naglakad na rin patungo sa direksyon ko ang lalake.

"You will not interfere, Sean!" Matinis na sigaw ni Janine. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa amin. Tiningnan ko si Sean na ngayo'y nakangiting naglalakad patungo sa aking kinatatayuan.

"I'm sorry. You know I don't follow rules. Come here, milady. Let's get you back to Uganda." Iaalay na sana ng lalaking nagngangalang Sean ang kanyang kamay sa akin nang walang pasabing nagpalit-anyo si Janine at ang kasama nitong si Isiah. Napasinghap ako nang makita ang dalawang malalaking lobo sa aming likuran.

"Fvck it, Isiah. You know I can tear you to pieces in no time!" Sigaw ng lalake at bigla akong hinila at ipinuwesto sa kanyang likuran. "Don't worry, you'll be safe."

"You're against two wolves, mister. Are you-"

"I'm no Gamma for no reason, babe. Chill out." Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ang lalake ngayon.

"Gamma? Third in command? You're a Gamma?" Bulalas ko habang nakahawak sa laylayan ng kanyang damit.

"Ohh... you know us?"

"Just recently. How can we get out of here?" Tanong ko sa kanya habang inililibot ang tingin ko sa masukal na gubat, naghahanap ng maaaring takbo.

"I mindlinked them already, they're on their way here." Sabi niya at biglang umuklo sa aking harapan. He is in crouched position, I can see how his muscles flex. He is getting ready for an attack.

"W-wait? Hindi ka ba magpapalit-anyo? You will fight them in your human form?" Sunod-sunod na tanong ko kay Sean.

"You want to see me naked? Oh babe, I'm so humbled by your intense desire for me." Nilingon ako ni Sean at binigyan ng mapang-asar na ngiti.

"Desire my ass." Mahinang bulong ko sa kanya.

"It will get bloody here, human. Ipikit mo na lang ang mga mata mo." Babala niya sa akin bago tumakbo sa gawi ng dalawang lobo.

Nakita ko kung paano napigil ni Sean ang tangkang pagkagat sa kanya ng puting lobo na si Janine. Hinawakan niya ang leeg ng lobo at ibinalibag sa kalapit na puno.

"It's just you and me now, Isiah." Narinig kong wika ni Sean sa kulay kayumangging lobo na nakatayo lang sa harapan niya. Hindi gumagalaw ang lobo, patuloy lamang ito sa pagtitig kay Sean.

"Leave Uganda for good, Isiah. I might go for the kill next time." Ani Sean kay Isiah bago ito tinalikuran. Naglalakad na patungo sa gawi ko si Sean, nakita ko naman ang unti-unting pagpapalit-anyo ni Isiah pabalik sa anyong-tao nito.

"Janine..." Tawag ni Isiah sa babae.

"What? We'll leave? No! We-"

"Are going to die if we'll stay here a second longer. Follow me." Utos ni Isiah at naglakad na patungo sa kabilang direksyon ng gubat.

"There will still be a next time." Nagbabanta akong tiningnan ni Janine. Alam kong nagpupuyos sa galit ang babae, alam kong gustong-gusto niya akong patayin.

I know she'll set her eyes on me.

"Let's get you out of here." Ani Sean at hinila na ang kamay ko paalis sa lugar na iyon. "Why are you out all by yourself?"

"I was just taking a stroll. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari." Sabi ko sa kanya at napailing sa aking sarili nang maalala ko na naman ang nangyari sa akin kanina.

"Uganda- no. Avinia and all of it's inhabitants are too dangerous for a human like you. Hindi ka dapat na naglalalabas lalo na at ikaw lamang mag-isa. You don't know anything about this place, danger is just lurking at every corner waiting for the perfect moment to strike." Ani Sean sa akin bago ako nginitian. "I'm already getting bored by your slow walking. Can I carry you and run? My presence is required somewhere and I am epically late."

Hindi pa man ako nakakasagot ay wala ng pasabi akong pinasan ni Sean. Hindi man lang ako nakatili nang magsimula na siyang tumakbo. Para akong naduduwal habang tinitingnan ang paligid namin. Napakabilis niyang tumakbo. Nahihilo ako habang pasan-pasan ako ni Sean.

Hindi ko namalayan kung ilang minuto rin ang naging paglalakbay namin. Napansin ko na lang na tumigil na si Sean sa pagtakbo at ibinaba na ako. "There you go." Sambit pa niya.

Napahawak ako sa balikat ni Sean ng makaramdam ako ng munting pagkahilo mula sa naging 'paglalakbay' kuno namin. "I swear I'll never do it again." Napapailing na wika ko sa kanya. Nakakaduwal. Nasusuka na nga ako ngayon.

"You'll be fine." Nakita kong akma na sana akong yayakapin ni Sean ngunit bigla na lang siyang natulak palayo sa akin.

Magsasalita na sana ako nang marahas akong hinila ng isang lalake at ikinulong sa bisig niya. Hindi ko maintindihan ang malakuryenteng sensasyon na naramdaman ko nang dumampi sa balat ko ang mga palad niya, ang alam ko lamang ngayon ay itinulak niya ang taong nagligtas sa akin sa tiyak na kamatayan. "Fcck! What was that for?!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap niya.

"Tyrone..." Napalingon ako sa sa pinanggalingan ng boses at napansin ang pamilyar na mukha ng isang lalake. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagsino ko ang lalaking nagsalita.

Si Zeann.

"Warn your pup next time, Angelu." Nararamdaman ko ang tensyon na namamagitan sa aming lahat ngayon. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala kaming napapaligiran ng mga lalake. Sunod-sunod akong napalunok nang mapansin na parang magkakaroon pa yata ng gulo rito. "He should know his place next time." Dagdag pa ng lalaking tinawagan ni Zeann na Tyrone.

Hindi ko na mapigilang sumabat sa usapan nila at itama ang pagkakamali ng lalaking ito kaya nagsalita na ako. "Know his place? No! You should know your place. That man just saved me from death!" Napakaimposible ng lalaking ito!

"He was going to touch you!" Salungat niya sa sinabi ko. I can feel the way he tensed up, napansin ko rin ang unti-unting pagdami ng mga lobong nakapalibot sa amin. Everyone in their supposed attack position?

"He was not! Please make them stop!" Naalarma na ako sa kung ano ang maaaring mangyari ngayon sa lugar na ito.

"You are mine." He said in a grave tone.

Wait... what?

"What did you just... say?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Mate." That was all he said that made everyone turned their heads toward my direction.

Mate?

"She caused trouble again? Oh no. The council will be extremely mad if they'll find out." I closed my eyes when I heard that woman's voice. Kahit nakapikit ako ay kilalang-kilala ko ang nagmamay-ari niyon.

"The council will not hear a thing, Niel." Narinig kong wika ni Derek sa babae.

"You can't order me around, Alpha Derek." Mapanghamon na sagot ni Niel sa lalake.

"If the council hear anything, Niel, I promise I'll be the one to behead you." Napatingin ako sa aking katabi. He was dead serious, he was even giving her that death glare. Maingat niya akong hinawakan at itinago sa kanyang likuran, itinago niya ako mula sa babaeng si Niel.

Pinoprotektahan niya ako?

"What? She's something now?" Niel asked in a bored tone.

"Stop it." Biglang lumitaw mula sa likuran ng maliit na umpukang iyon ang pigura ni Yra. Bigla kong naalala ang ginawa niya sa akin kani-kanina lang. Hindi ko mapigilang kabahan na naman sa uri ng tingin ibinibigay niya.

"Let's get back to our meeting." Ani Niel at tiningnan ako sa huling pagkakataon.

"Victor." Tawag ni Tyrone sa kung sino. Ilang sandali lang ay lumapit na ang pamilyar na mukha ng isang lalake na panay ang ngisi sa amin ni Tyrone.

"What?!" Magkapanabay na tanong namin sa lalaking nagngangalang Victor.

"Mate huh?" Napapailing na wika ni Victor bago yumukod sa aking harapan. "Glad to finally meet you, Luna."

"Take her to my hotel room. I will just talk to those faggots." Utos ng lalake bago ako tiningnan. "Guard her. Bring all our men with you." Sabi niya kay Victor na hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. "Please keep her safe."

"Did I just hear that word 'please' there?" Nakangising tanong ni Victor kay Tyrone na umani lang ng nakamamatay na tingin sa lalake. Hindi ko mapigilang mapangisi na rin sa panga-alaska ni Victor. He seemed like a nice guy.

"Just keep her safe." Sagot ni Tyrone bago ako binalingin ulit ng tingin. "And you..."

"Hmmm?"

"I'll see you later." Sabi niya at hinalikan ang aking noo bago naglakad pabalik sa malaking bahay. I can help but turn red at his gesture.

Bago pa man tuluyang mawala sa paningin ko si Tyrone ay sumigaw ako, "Say sorry to him! He saved my life!"

Nakita ko ang paglingon ni Tyrone sa gawi ko. Hindi ko maintindihan ang kakatwang pakiramdam na nararamdaman ko, nagiging delusional na yata ako.

"I will." He replied.

And then he smiled.

"Cupid never seizes to amaze me. Let's get going, milady." Ani Victor at iginiya na ako paalis doon.

Continue Reading

You'll Also Like

872K 27.2K 56
Series 2 Highest Rank on Vampire Genre #3 Zoldic Legacy Series Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na na...
63.4K 3.2K 110
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
1.1M 19.5K 70
A life full of deception is the definition of my life. From love or from hate? That is what I am about to find out. For everything that they inflicte...
965K 26.1K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...