Hidden

By SimplengMoopear_2nd

666 151 13

Bukas... bukas na ang umpisa ng lahat, ang umpisa ng pagtatago ko ng tunay kong pagkatao. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Photo Album
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 10

11 4 1
By SimplengMoopear_2nd

Aries POV

Nag-aayos ako ngayon ng gamit na dadalhin kina mama. Dinala ko na lang ulit yung mga damit na bitbit ko rin sa pagpunta dito. Galing 'no? Palipat lipat lang.

Kanina pang madaling araw nakaalis sina mom at dad. Nangako silang uuwi kapag may time at tatapusin daw nila agad ang mga gawaing kailangan nilang tapusin. Sinabi ko naman na 'di na nila kailangang magmadali kasi marami pa naman kaming oras para makapag bonding. Kahit hanggang sa pagtanda pa namin.

"Aries, ready ka na?" Tanong ni kuya sa akin habang nakaupo sa kama ko.

"Ready na ako, kuya." Malaking ngiting sagot ko sa kaniya.

Binitbit ni kuya ang isang malaking bag na naglalaman ng mga gamit ko at sa isang kamay naman ay ang kanyang mga gamit. Konti lang ang dinala niya kasi pwede naman daw siyang pumunta dito at kumuha ng mga damit kapag kailangan niya.

Habang pababa kami ay muli kong pinaalala sa kaniya ang pagpunta namin sa tiangge.

"Kuya, ngayon na nga pala yung punta natin sa tiangge ah? Hindi alam ni ate kira na doon tayo titira pansamantala kina mama. Surprise natin siya mamaya! HAHAHA naiisip ko na agad reaction niya!" Malakas akong tumawa habang iniisip ang magiging reaction ni ate kira mamaya.

Tumawa din si kuya at sumagot.

"Yeah, sure. I guess that will be epic."

Pagkalabas namin ng bahay ay nakita namin sina kuya red at kuya gray na nakaabang sa labas ng kotse.

Iniwan sila nina dad para daw may magbantay sa amin ni kuya sa tuwing lalabas kami. Pero di naman as in sobra sobra na parang bodyguard. Parang nakasunod lang sila sa amin tapos naka normal clothes lang din. Parang mga nakatatandang pinsan lang, mukhang nasa 25 lang naman ang edad nila.

Yumakap muna ako kay nanay ya na nasa likod namin.

"Mag-iingat kayo dito nanay ya ah? Pangako po, pupunta kami dito ni kuya every weekend." Ngumiti naman siya sa'kin.

"Ikaw talagang bata ka, kayo ang mag-iingat ng kuya mo. Lalo na yang si Austin, palagi mong samahan at matagal tagal na rin iyang hindi nakakapunta dito. Baka maligaw."

Sabay kaming tumawa ng malakas habang si kuya naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo.

"Nay naman e." Nahihiyang sabi pa ni kuya.

"Sige po, una na po kami. Babye po!"

Pagkatapos naming magpaalam ay sumakay na kami sa loob ng kotse. Normal na kotse lang yung ginamit namin kasi masyadong nakakaagaw ng pansin ang ibang kotse.

Habang nasa daan, papunta kina mama ay tinuturo ko ang bawat tanawing madadaanan kay kuya. Kinu-kuwento ko sa kaniya ang mga nakakatawang alaala ko doon.

"Yung bahay na 'yon! Bahay yun ng kaklase ko, kuya. Madalas kaming gumawa ng mga group activities sa kanila." Tinuro ko yung isang bahay na nadaanan namin.

"Diyan naman sa park yung pinaka-epic na alaala na natatandaan ko.
I think, 5 years ago? Yung kapatid ko kasi, si shiro na 4 years old that time. Tumungtong doon sa mataas na pader na 'yon tapos tumalon, nag feeling superman, ayon nabungi ang dalawang ngipin sa taas HAHAHAHAHA!" Tumawa ako ng malakas habang si kuya naman ay napangiti na at napailing iling pa.

Sa sobrang busy namin sa pagtawa ay di na namin namalayan na tumigil na pala ang sasakyan.

"Nandito na po tayo." Sabi ni kuya red.

Pinagbuksan nila kami ni kuya gray ng pinto. Agad ko naman silang sinabihan na sa susunod ay ako na ang magbubukas ng pinto kasi medyo nakakailang saka mahirap na, baka may makakita. Marami pa namang chismosa sa paligid, charot!

"Ay nga pala kuya! Nakalimutan ko itong itanong sa inyo kahapon, paano niyo pala ako nahanap?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. Kasi diba? Ilang taon din ang lumipas bago pa nila ako mahanap.

"Oh yes, we forgot to tell you that. It's a long story, supposed to be short but some trash made it long."

"Huh? Ano yung huli, kuya? Ang hina kasi ng boses mo kaya di ko narinig, saka anong long story ka d'yan? Marami tayong oras mamayang gabi bago matulog."

"Nothing and Yes, i'll tell it to you later."

Tumigil ako sa paglalakad ng makitang nasa tapat kami ng bahay nina ate kira. The show must start now!

Nakita kong nahinto din sa paglalakad ang tatlong lalaking kasama ko ng makitang nakatigil ako.

"What's the problem?" Tanong agad ni kuya.

"Ito na ang sinasabi ko sayo, kuya. Isu-surprise natin si ate kira! 'Yan ang bahay nila oh." Tinuro ko ang bahay na nasa tapat namin.

"Oh, yeah! So, what's the plan?"

"Sisilipin ko muna kung anong ginagawa niya bago tayo mag-plano."

Dahan dahan akong sumilip sa bintana. Sakto! Mukhang si ate kira lang ang tao. At kung sinuswerte ka nga naman, naliligo siya! Naririnig ko kasi ang pagkanta kanta niya sa loob ng cr.

"Nasa banyo siya, kuya! Ganito, tatakutin natin siya. Kunwari may nakapasok na magnanakaw."

"What if the door is lock?"

"Kilala ko iyang si ate kira, hindi yan naglo-lock ng pinto kasi makakalimutin iyan. So kuya gray and kuya red, dito muna kayo sa labas. Kung gusto niyo umupo muna kayo doon sa upuang iyon basta wag kayong gagawa ng ingay, okay?"

Tumango naman silang dalawa. Hinila ko na sa braso si kuya austin at binuksan ang pintong maingay nina ate kira, as expected hindi naka lock.

Agad namang lumikha ng ingay ang pinto, yung parang sa mga scary movie? *creeeek* ganern. Dahan dahan ko din itong sinarado na parang magnanakaw talaga. Haha! Ewan ko ba, natatawa agad ako.

Sinenyasan ko si kuya na dahan dahang pumasok at maupo sa sofa, ako naman ay pinagpatuloy ang plano.

Chineck ko muna kung tama nga ang hinala ko na lock ang mga pinto ng kwarto. Nang masigurado na lock nga ang mga ito ay agad ko itong pinihit na mistulang magnanakaw na nagmamadali. Inikot ikot ko ito hanggang sa marinig ko ang boses ni ate kira.

"Mami?" Malakas na sigaw niya. Narinig kong pinatay niya ang gripo sa banyo at sumigaw ulit ng mami.

Nagpanggap akong tumakbo at pumunta sa pintuan para buksan ito at kunwari ay lumabas ako. Agad akong tumabi ng upo kay kuya na kanina pang nagpipigil ng tawa habang ako naman ay hirap na hirap na sa pagpigil sa aking tawa.

Muli naming narinig ang sigaw ni ate.

"Mami? Sino 'yan!" Nakita namin si ate kira na lumabas sa banyo, tuwalya lamang ang takip sa kaniyang katawan na punong puno pa ng bula. Hawak pa niya sa isang kamay ang kaniyang tsinelas na handa niya na sanang ipalo sa kung sino man ang lapastangang pumasok sa bahay nila.

Sabay kaming humagalpak ng malakas ni kuya at sumigaw pa ako ng malakas.

"SURPRISE! HAHAHAHAHA!" Napahawak pa ako sa aking tiyan sa sobrang pagtawa.

Si ate kira naman ay natigilan at maya maya pa ay natatarantang bumalik sa banyo.

"Hanep ka, Aries! Muntik na akong atakihin sa puso! Akala ko may nakapasok na magnanakaw, tapos kayong magkapatid lang pala!" Sigaw niya pa mula sa loob ng banyo.

"Isa pa! Nakita ako ni Austin na naka-tuwalya lang! Nakakahiya!" Tumigil naman si kuya sa pagtawa at siya na mismo ang sumagot kay ate.

"No worries, miss kira. Wala naman akong makikita." Pucha HAHAHA

"Aba't! Hoy, mister! M-malaki kaya 'to!"

"Okay, sabi mo e." Ang sakit na ng tiyan ko sa sobrang kakatawa. Tapos narinig ko pa na kung ano ano ang binubulong ni ate kira mula sa loob ng banyo, katulad na lang ng "wala daw makikita, pag eto lumaki, makikita niya! Hmmp!" HAHAHA laughtrip ang dalawa!

Pagkalabas niya sa banyo ay agad siyang lumapit sa amin at nagtanong.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya pagkaupo sa tabi ko.

"Binibisita ka." Sagot ko.

"Asa! Ano nga, saka ano yang mga bag na bitbit niyo?" Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si kuya.

"We're leaving." Nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya.

"ANO! AALIS KAYO? AKALA KO BA, MATAGAL PA BAGO KAYO UMALIS!"
Humarap siya sa akin at inuga-uga pa ang balikat ko.

Tumawa muna ako bago sumagot.

"Jino-joke ka lang ni kuya." Sabay kaming tumingin kay kuya na ngayon ay naka ngisi na.

"Nakakainis ka na ha! Hindi na kita crush!" Tiningnan pa niya ito ng masama. Cute, bagay sila. Pero mas cute ako, ah?

"Hindi din naman kita crush kaya okay lang." Sagot pa sa kaniya ni kuya. Boom! Buhay ka pa, ate kira?

"Nga pala, kina mama na muna kami titira pansamantala kaya, heto. Surprise! Saka,gagala tayo diba?" Mula sa pagtataka ay biglang naging masaya ang reaction ng mukha niya.

"Talaga? Yiiie! Ang saya saya naman! Saan ba tayo gagala?" Excited na tanong niya.

"We're going to a place that looks like a mall, but smaller and no aircons. In short, mini mall." Sabat ni kuya.

"Huh? Mini mall?" Nagtatakang tanong na naman ni ate.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at bumulong.

"Tiangge lang talaga yun, teh. Pinabongga ko lang sa isip ni kuya."

Ngayon ay si ate kira naman ang tumawa ng malakas. Alam ko na 'to, may binabalak na naman ang babaita.

"Mini mall pala, ah? Humanda ka sa'kin mamaya, Austin. Matitikman mo ang galit ng isang api! Bumulong pa siya na hindi ko naman naintindihan. Baliw talaga.

Pagkatapos ng kabaliwang ginawa namin kina ate kira ay pumunta na kami sa bahay.

Tuwang tuwa sina mama nang makita kami. Napatawa naman ako nang makita ang bunso kong kapatid na nagmamadaling tumakbo at yumakap sa akin. Dalawang buwan na lang ay mag da-dalawang taon na siya. Yung isa ko namang kapatid na si shiro ay kausap ni kuya. Mukhang nag-uusap ang dalawa tungkol sa games kasi kitang kita yung tuwa sa mukha ni shiro. Si papa naman ay nasa trabaho habang si mama ay nagluluto ng tanghalian. Kumain daw muna kasi kami bago gumala.

Habang kumakain ay naguusap din kami. May pagkakataong tumatawa din sa tuwing nag-iingay si Elikiel, yung bunso namin. Si mama naman ay tinanong na ng tinanong si kuya ng kung ano ano.

Pagkatapos kumain ay naghanda na kami para sa pag-gala. Pagsapit ng alas tres ay agad na rin kaming umalis. Naglakad na lang kami, tutal malapit lapit lang naman yun. Mga 20 minutes of walking ay makakarating na rin kami doon.

Natatawa ako sa tuwing mapapatingin ako sa likod namin, nakikita ko kasi sina kuya gray at kuya red na pasimpleng nakasunod sa amin. Sa paningin ng iba ay normal lang silang naglalakad sa kung saan man sila pupunta, pero sa paningin ko, para silang stalker. Mga poging stalker to be exact.

"Malayo pa ba?" Hinihingal na tanong ni kuya.

Grabe! Para siyang pagod na pagod. Halatang hindi sanay na naglalakad e.

"Malapit na tayo, kamahalan. Para kang hindi teenager, Austin! 10 minutes pa lang tayong naglalakad oh." Pagsagot naman ni Ate kira sa kaniya na may kasama pang panlalait.

Heto na naman tayo.

"Tama na. Para kayong mga bata. Malapit na tayo, kuya. Yun, oh! Yung may mga tent, yun na yung tiangge." Tinuro ko kay kuya yung mga hile-hilerang tent na natatanaw na namin.

"S-so this is the mini mall that you are s-saying?"  Hinihingal na tanong ni kuya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

Tumango naman ako at nginitian siya.

"Welcome to tiangge, kuya!" Malakas na sabi ko at sabay kaming napatawa ni ate kira ng biglang nanlumo si kuya at nanghihinang napaupo sa upuang bato malapit sa amin.

Tumabi ako sa kaniya at tinapik ang balikat niya. "Ano ka ba kuya! Wag kang malungkot, ang ganda kaya dito tapos ang dami pang magagandang bagay na mabibili saka masasarap na pagkain! Affordable pa!"

Tiningnan naman niya ng mabuti ang tiangge bago tumango.

"Can i drink first?" Pagod na pagod na sabi niya. Ang hina naman niya pagdating sa lakaran!

"Sige! Ibibili kita kuya ng shake, anong flavor ang gusto mo? Walang pang sosyal na flavor ah! Mga prutas lang." Nag-isip naman siya at sinabing mango shake na lang.

Lumapit naman ako sa dalawang lalaki na kanina pang nakasunod sa amin at tinanong sila kung anong gusto nila. Nagpanggap pa nga sila na hindi ako kilala, pero sinabihan ko sila na okay lang kahit sumabay sila sa amin kasi hindi naman mahahalata na bodyguard slash stalker sila dahil sa porma at hitsura nila. Ang pogi kaya nila! Mapapagkamalan lang na mga kapatid namin or pinsan.

Sinabi ko naman sa kanila ang mga pagpipiliang flavor para makapili na sila.

"Buko shake na lang ang akin, miss."

"I'll go with buko also."

Pupunta na sana ako sa bilihan ng shake ng biglang nagsalita si ate kira.

"Ako? Hindi mo itatanong kung anong gusto ko?"

Tiningnan ko muna siya ng mabuti bago sumagot.

"Hindi ka naman mukhang pagod e." Sagot ko at nagkibit-balikat pa.

Bigla naman siyang humawak sa dibdib niya at biglang huminga ng sunod sunod.

"Na...nakakapagod p-pala maglakad. Hoo!" Umupo pa siya sa inalisan kong upuan at nagpaypay pa ng mga invisible pawis niya.

Tumawa naman ako bago ulit nagsalita.

"Joke lang! Alam ko na syempre ang gusto mo kaya di na kita tinanong. No need to panggap-panggap ka na."

"Yiie! Kaya love kita e! Oh sige na! Gorabells ka na!" Hmmp! Ipinagpapalit talaga ako sa pagkain e.

Pagkainom ng kani-kanilang shake ay agad na rin naman kaming pumasyal.

Mukha namang masaya si kuya dahil bukod daw sa maganda talaga dito sa tiangge ay masasarap din daw ang pagkain. Nagulat pa nga siya ng malaman na sobrang mura lang ng mga paninda dito e. Porket sanay siya sa mga mall kaya kema-mahal ng mga bilihin.

"Tingnan niyo 'tong nabili ko kanina, 10 pesos lang isa." Pinakita pa sa amin yung tatlong kwintas na nabili niya.

Mukhang unggoy yung pendant niya, sa tingin ko lang yun ah? Tapos naka- o yung nguso. Pwede na, atleast di yung mga jejeng broken heart ang binili niya.

"Para saan yan, teh?" Tanong ko.

"Para sa ating tatlo. Simbolo ng pagkakaibigan natin."

"Should i buy some for my friends in manila then?" Tanong naman ni kuya.

"NO!" Nagulat naman kami ng biglang sumigaw si ate kira. "I mean, tayong tatlo lang dapat ang meron. Dzuh! Para kakaiba," natigilan naman siya ng biglang may dumaang magkakaibigan sa harapan namin at lahat sila ay may hawak ng kaparehong necklace na hawak ni ate kira.

"Pfft!" Pagpipigil ko ng tawa.

"What if, palagyan na lang natin ng tatak sa likod? Doon oh! Sa kuyang naglalagay ng names sa mga necklace." Suggest ko naman sa kanila.

Nag-agree naman sila at pinakiusapan namin si kuyang naglalagay ng tatak, kung pwedeng lagyan ng design yung likod ng necklace namin para kakaiba.

Star ang nasa likod ng akin, Moon kay kuya at Sun ang kay ate kira. Sinong nakaisip? Syempre ako!

Sabi ko kasi, "The Star, Moon and Sun will always be together." Saan ko nakuha? Wala lang, naisip ko lang.

Inubos namin ang oras namin sa pagiikot at pagbili ng kung ano-ano. Doon na rin kami nag-hapunan, pinatikim namin kina kuya ang pinagmamalaking tapa ng bayan namin. Sa Tapsilogan kami kumain e! Haha! Reaction nila? Sarap na sarap! Babalik daw sila doon sa susunod.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
163K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
344K 6.6K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...
16.6M 719K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...