Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.8K 638 195

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

20

63 10 2
By Sky_Supreme

Chapter's Theme Song: Two Less Lonely People In The World by Air Supply

Chapter 20


Hindi ko alam kung paanong narating namin ni Estefanio ang Ilocos kahit na pareho kaming hindi pa pamilyar sa daan patungo rito. Ilang beses ding muli akong nakaidlip sa biyahe kaya't hindi ko sigurado kung nagtanong-tanong ba siya sa mga taong nadaraanan namin o talagang gumana ang mapa niya at pagtuturo ng Tito niya. Kahit na sa mga daan siguro, nahahanap din ni Estefanio ang tama—hindi lang sa mga tao.

"Estefanio! I'm glad nandito na kayo," bati ng Tito ni Estefanio na siyang sumundo sa amin sa daan patungo sa hotel na tutuluyan namin. Siya iyong tatay ni Alanis na naghatid sa akin noon sa apartment matapos ang aksidente kay Mrs. Del Carpio. "Mabuti na lang at naisama mo pa 'to si... J-juliet right?" baling nito sa akin. Napatango lang ako dahil na rin sa antok. Mag-aalas tres pa lang yata ng umaga.

"Yeah, gladly Tito Marcus. You know Mom," bwelta ni Estefanio. Halata na rin sa boses niya ang pagkaantok mula sa ilang oras na pagmamaneho. Mabuti na lang at kahit papaano ay makakapagpahinga na rin siya ngayon.

Matapos mai-park ang kotsye ni Estefanio ay agad kaming dumiretsyo sa front desk ng hotel. Mas maliit siguro ang lugar na ito kumpara sa Casa Simeon at hindi rin ganoon katayog ang building nila. Parang resort style lang ito kung saan nagkalat sa paligid ang mga kwarto. Tinitigan ko rin ang paligid at mukhang nasa kalagitnaan nga ng pagtulog ang karamihan ng mga narito maliban sa mga staffs na matiyagang nag-aasikaso sa paligid.

"Juliet..." Napalingon ako sa bahagyang pagtawag ni Estefanio. "Is it okay for you for us to share one room?" ani niya pa kaya't nagising ang diwa ko at nanlaki ang mga mata ko sa kaniya.

"Mas okay 'yun. For one night lang naman para makapagpahinga kayo ngayon," singgit ng Tito ni Estefanio matapos makita ang reaksiyon ko. "Hassle kung dalawang kwarto pa kayo. Two beds naman per room."

Nawala naman ang tensyon sa loob ko nang klaruhin nila ito sa akin. Tinanguan ko na lang sila at bahagyang ngumiti. Mukhang wala naman akong karapatang mag-demand sa kanila lalo na't libreng trip na 'to ni Estefanio sa akin. Kailangan na rin naming makapagpahinga lalo na't siguradong maaga rin kami mamaya maglilibot dito sa Paoay.

"I'll lead you to your room Mr. Del Carpio," nakangiting sabi ng babaeng staff ng hotel matapos ang maiksing pag-uusap sa pagitan nila nina Estefanio. Nauna na itong naglakad sa amin.

"I have to go too in our room Estefanio. Alanis is alone sleeping there. Baka mag-tantrums pa 'yun 'pag biglang nagising nang mag-isa. We'll just check you out tomorrow, I guess," pagpaalam ng Tito ni Estefanio. Tumingin pa ito sa relo niyang suot. "We have about 4 hours to sleep. Good night to both of you," sabi nito at nagtungo na sa kwartong kalapit lang din sa tinigilan ng babaeng staff na kasama namin.

"Here's your keys Mr. Del Carpio—one for the room itself and for the bathroom inside." Ngumiti 'yung staff sa amin at iniabot kay Estefanio ang susi. Nanatili lamang ako sa likuran ni Estefanio. "Enjoy your stay and good night Ma'am and Sir."

Nang makaalis 'yung staff ay pumasok na kami ni Estefanio sa loob ng kwarto. Binuksan niya ang ilaw at tumambad sa amin ang tila Japanese vibe na design ng loob. May mga potted plants pa sa loob at napansin ko rin na glass pala ang ilang bahagi ng dingding. Natatakpan lang ang glass panes ng mga kurtina.

"Hay...At last!" Napatingin ako kay Estefanio nang mag-inat ito. "We should better sleep Juliet. I'm already tired too," dagdag niya pa at nagtungo na sa isang kamang puti na nasa may gitnang portion ng kwarto. Dalawang metro mula rito ay ang isa pang kama.

"I wouldn't mind sleeping now without changing my clothes," natatawang ani ni Estefanio nang maupo siya roon sa kama. Nagsimula siyang alisin ang suot niyang sapatos at medyas. Matapos noon ay pikit mata niyang ibinagsak ang sarili sa malambot na higaan.

Aminado akong kung ano-anong pumapasok ngayon sa isip ko. Napaka-pambihirang pagkakataon naman kasing makasama ko pa sa iisang kwarto si Estefanio Del Carpio at kaming dalawa lang. Siya pa rin yan, 'yung idol ko.

"Juliet?" Nakakindat na bumukas ang isang mata ni Estefanio dahil sa pananatili ko sa may pinto. "Hindi ka pa ba matutulog?"

"A-ahh...oo, sorry," sambit ko nang matauhan. Dali dali akong dumiretsyo sa kabilang kama at ipinatong ang bag ko sa baba nito. Hihiga na rin sana ako sa kama nang magsalita muli si Estefanio.

"Ah, Juliet," malambing na tono nito. "D-do you mind closing the lights? I prefer turned off lights when sleeping." Tila pagod na bata siya kung magsalita.

Mabilis akong bumaba sa kama ko at nagtungo sa switch ng ilaw. "O-okay, sanay rin akong naka-off ang ilaw," pag-aamin ko sa sarili. Hindi ko alam kung narinig niya ba ako.

Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya matapos i-off ang ilaw ay nakita kong nakapikit na ito at mukhang natutulog na. Kahit nakasara na ang ilaw ay may bahagyang liwanag pa ring pumapasok sa kwarto mula sa labas na tumatagos sa salaming dingding. Saktong kitang-kita ko pa ang maamo niyang mukha.

Napabuntong-hininga ako at bumalik na sa higaan ko. Wala na rin akong balak magpalit ng damit dahil antok na rin ako at baka wala na rin akong maisuot bukas kung magtangka pa ako ngayon. Mabuting tumulad na lang ako kay Estefanio.

Nahiga ako sa kama at agad na nagkumot ng sarili. Naka-aircon ang kwarto kaya't malamig. Inihilig ko ang katawan ko sa direksyon ni Estefanio at talagang natutulog na nga ito. Siguro sanay talaga siya sa aircon kaya't hindi man lang nagkumot. Mula sa pwesto ko ay hiindi ko napigilan ang sarili kong mapatitig sa mukha niya.

"Hindi ko inakalang mangyayari 'to sa tanangbuhay ko... Ang swerte ko. Nakakasama na kita, tulad ng dating pangarap ko lamang," mahina kong saad sa sarili. Naramdaman ko ang pagbagsak ng luha mula sa mata ko. Napangiti na lang ako.

Sa gitna nang taimtim kong panunuod kay Estefanio ay nabigla ako nang bigla itong magmulat ng mata. Mabilis akong napatalukbong ng kumot at saka pumikit. Shemay!

Ilang segundo akong ganoon sa posisyon nang marinig ko ang paggalaw niya sa higaan niya. Naramdaman kong bumaba ito mula sa kama niya kasabay ang isang buntong hininga. Narinig niya kaya ako?

Tagaktak na ang pawis ko nang marinig ang pagsara ng isang kurtina. "So atleast you won't feel uncomfortable," mahina't banayad na saad ni Estefanio pero narinig ko pa rin ito. Bumalik siya sa higaan niya.

Ilang saglit pa nang wala na akong marinig na paggalaw maliban sa tunog ng aircon at mga kuliglig sa labas ay dahan dahan kong ibinaba ang nakaharang na kumot sa mukha ko. Natigil ako nang makitang nakababa na ang isang see-through na kurtina sa pagitan ng mga kama namin Estefanio. Napangiti ako...

----

"Good Morning Juliet."

"G-good Mornin---" Mabilis akong napabalikwas nang makita ang mukha ni Alanis malapit sa akin. Natawa naman siya. "Anong ginagawa mo rito?" Napalingon ako sa paligid. Umaga na at wala rin si Estefanio sa kwarto.

"Kuya just went out. Kumilos ka na para makapag-breakfast na tayo. It's past 6 AM na. Come on."

Mabilis pa sa alas-kwatro nang maligo't mag-asikaso ako. Nakakahiya naman sa kanila lalo na't sinabi pa ni Alanis na kanina pa sila gising habang busy ako sa mahimbing na pagtulog. Ayoko namang sirain ang araw na ito dahil masyado kong na-enjoy ang vibes ng hotel room na ito.

Sabay na kaming nagtungo ni Alanis sa dining hall ng hotel matapos akong manamit. Kailangan daw naming masulit ang araw dahil kailangan daw makauwi ni Estefanio mamayang gabi matapos tawagan ni Mrs. Del Carpio ang daddy ni Alanis. Siguradong malalagot din ako nito kay Mrs. Del Carpio pag-uwi.

"Mukhang na-enjoy ang pagtulog ah," nakangiting bati sa akin ng tatay ni Alanis nang marating namin ang dining hall.

"Naging komportable lang po," nahihiya kong tugon. Naupo na kami ni Alanis sa pabilog na table kung saan nakalatag ang mga pagkain. Napatitig naman ako kay Estefanio na nasa kanan ko at nakangiti sa akin.

"Good morning," mahinang bati nito sa akin.

Napangiti naman ako at tumango sa kaniya. "Good morning."

"Ah, siya nga pala. Nasabi na ba sa inyo ni Alanis na tumawag sa akin si Elizabeth?" ani Mr. Gonzales. Bahagya naman akong tumango.

"Huh? So, Mom already found out I sneaked," natatawang sabi ni Estefanio habang nagtitimpla ng kape. Mukhang hindi pa sa kaniya nasabi ni Alanis ang kwinento nito sa akin.

"Yes, and she warned me that you should be home by tonight," mapait na sabi ni Mr. Gonzales. "I guess we need to follow her lalo na't halatang galit na galit ito nang tumawag sa akin."

"...which is rare," dugtong ni Alanis at nagsimulang kumain.

"Yes," ani Mr. Gonzales kay Estefanio. "Your mother avoids communication with us. Talagang sobra sobrang importante ng sasabihin niya kung tatawag siya so therefore, talagang kailangan mo siyang sunurin."

Nabalot kami ng katahimikan matapos noon.

"Juliet," tawag sa akin ni Mr. Gonzales. "Eat. Don't be shy with us." Marahan naman akong tumango at ngumiti sa kaniya. Wala na akong nagawa kundi kumuha ng pagkain at makisabay sa kanila. Paano ba hindi mahiya? Eh nakaharap ako sa kanila ngayon. Kung kay Estefanio siguro, okay lang.

"No," Napalingon kami kay Estefanio. "Juliet actually is becoming showy a while ago, different from the times she first became my P.A.," ani nito habang nakatingin sa akin. Natigilan ako.

Ha? Anong nag-iba sa akin? Eh pakiramdam ko pareho lang naman akong tulad ng dati na mahiyahin...tahimik...at blanko? Hindi kaya narinig niya ako kagab—

"That's good. I bet you're both learning with each other," komento ni Mr. Gonzales.

"Uhm, learning from what?" inosentong tanong ni Alanis.

"Your Kuya Estefanio is learning and enjoying our Pinoy culture with Juliet. We'll he also learned to sneak out from his mother." Pareho silang natawa ni Estefanio. "And Juliet..." Tinitigan ako ni Mr. Gonzales dahilan para mapalunok ako sa kinakain ko. "...I hope you also learned something from my nephew."

Bumalik na sa pagkain sina Mr. Gonzales at Alanis kaya't natahimik na kami. Tinitigan naman ako ni Estefanio at ngumiti ito sa akin. Hindi ko itatangging marami na nga akong natutunan kay Estefanio. Hindi lamang sa katauhan niya kundi sa mga bagay na hinahanap ko na sa sarili ko nang matagal. Hindi ko lang maipaliwanag o masabi, pero sigurado akong may implikasyon ang presensiya niya sa akin. Lalong lalo na ang kakaibang pakiramdam sa loob ko sa tuwing naririyan siya...

Matapos ang agahan, una naming binisita ang Paoay Church na siyang hindi rin kalayuan sa hotel na pinag-stay-han namin. Sumakay kami sa van ni Mr. Gonzales. Nalaman kong nagtatrabaho pala ito bilang architect at ang kasulukuyan nitong proyekto ay dito sa Paoay, Ilocos Norte. Mag-iisang buwan na daw siya rito kaya't pamilyar na siya sa lugar.

Walang misa subalit bukas ang simbahan nang dumating kami roon. Gaya nang nakasanayan, suot ni Estefanio ang kaniyang rubber mask upang hindi makilala ng mga tao. Mabuti nga't hindi rin siya pinagkaguluhan sa hotel kanina nang mga staffs.

"Juliet." Narinig ko ang pagtawag ni Alanis sa akin nang maupo ako sa isang silya ng simbahan. "Here..." Napatingin ako sa inabot nitong papel sa akin.

"A-ano 'to— " Hindi ko na naipagpatuloy ang pagtatanong ko nang ma-realize kong isa pala itong litrato, 'yung litrato namin ni Estefanio sa Zambales. Napangiti na lang ako nang makita ang mga nakangiti naming mukha ni Estefanio habang nasa likuran ang dagat at papalubog na araw.

"Hala, salamat Alanis!" masaya kong tugon sa kaniya.

"No worries." aniya. Agad kong isinilid ang litrato sa loob ng bulsa ng suot kong damit. Hindi ko pwedeng mawala ang litratong ito dahil sa oras na makabalik ako sa present time ito ang magsisilbing ala-ala at patunay na nagkasama kami ni Estefanio Del Carpio.

Matapos ang maikling taimtim na panalangin at pagkilatis sa lumang simbahan ng Paoay ay agad din kaming lumabas dito. Ayon kay Mr. Gonzales, magtatatlong daang taon na raw ang simbahang iyon at itinayo pa noong panahon ng mga Kastila. Gayunpaman, nakakamangha dahil nanatili pa rin itong matatag hanggang sa kasalukuyan.

Mag-aalas onse na ng tanghali nang marating namin ang pamosong sand dunes ng Ilocos. Maalinsangan ang panahon kaya't bahagyang nakakaantok ang biyahe. Pagkarating ay naisipan muna nina Mr. Gonzales ang mananghalian sa isang malapit na food stall. Sila na rin mismo ni Estefanio ang nag-asikaso sa pagrirenta ng 4x4 ride. Maging ako ay nabuhayan dahil sa pinakaunang pagkakataon ay personal ko nang nakita ang sand dunes ng Pilipinas na dati ay sa mga pelikula ko lamang nakikita. Idagdag pa na mai-experience ko ang maglibot dito kasama sina Estefanio.

"Come on, let's go'tta try this," masiglang saad ni Estefanio habang umaakyat sa likurang bahagi ng 4x4 vehicle na kinuha nila. Nakasuot siya nang shades at sumbrerong Amerikano ngayon. Wala na rin ang suot niyang mask kaya't kitang kita ang ngiti niya.

"Sigurado ba talagang ngayon na tayo sasakay diyan? Hindi pa nga yata nag-aalas dos. Baka ma-heat stroke tayo niyan," nakapamewang na reklamo ni Alanis. Maging siya ay nakasuot ng shades at hawak muli ang polariod camera niya.

"Come on, this is the most right time. We'll feel like we're in Sahara Desert or probably Texas," masiglang tugon ni Estefanio. Nakangiti siya sa amin. Hindi man lang niya iniinda ang init habang ito kami ni Alanis na nag-aalangan na. Tanging belo lang pa naman ang suot ko dahil hindi ako prepared.

"Alanis, you can take the seat inside. Sina Kuya Estefanio at Juliet na lang diyan sa taas," suhestiyon ni Mr. Gonzales.

"Why? You won't join us?" tanong ni Alanis.

"Daddy has a high blood pressure remember? Baka magkatotoo pa 'yang sinabi mo at ako ang ma-stroke," bahagyang biro nito kay Alanis. "Don't worry, I think you'll be safe naman with your Kuya Estefanio, right?"

"As long as he won't be the driver," saad pa ni Alanis. Natawa naman kami ni Mr. Gonzales at iyong lalaking naghihintay sa amin na siyang magda-drive ng sasakyan.

"Why? Bawal ba talagang mag-drive, Manong?" tanong ni Estefanio roon sa driver namin. Mukhang frustrated siya dahil gusto niya sana talagang mag-drive ng 4x4. Ayon kasi sa kaniya, na-try niya na raw ito nang ilang ulit sa Amerika.

"Nako Sir, hindi po talaga. Wala po kami niyang kikitain," natatawang pahayag ni Manong driver. "Saka may mga parte rin pong matarik at mahirap daanan. Hindi po kayo pamilyar dito kaya baka madisgrasya tayo." Napangiti ako nang makita ang bahagyang pag-pout ni Estefanio.

"Estefanio, that's alright. Saka kawawa naman si Juliet kung iiwanan niyo siyang mag-isa sa labas," ani Mr. Gonzales. Napagtanto kong tama siya kaya't tumango-tango naman ako.

"I understand," bawi ni Estefanio at mukhnag kumbinsido na sa amin.

"Good! At least our life will be safe from risk," asar ni Alanis kaya't pare-pareho kaming natawa. Agad siyang pumasok roon sa passenger seat ng 4x4.

"Umakyat ka na Juliet. You'll really enjoy it," mahinang saad sa akin ni Mr. Gonzales nang ako na lang ang hindi pa umaakyat sa taas ng sasakyan. Pumasok na rin kasi 'yung driver at isinara na ni Alanis ang pinto sa passenger seat. Nakita ko naman ang pagsenyas ni Estefanio na tutulungan nito akong umakyat. Binalik ko ang tingin ko kay Mr. Gonzales at nginitian siya.

"Let's go Juliet," masiglang sabi ni Estefanio at inabot sa akin ang kaniyang kamay para umakyat. Bahagya pa kaming nagkatitigan nang umihip ang hangin mula sa hindi kalayuang dagat. Napahawak ako sa belong suot ko para hindi ito liparin.

Nginitian ako ni Estefanio nang ibigay ko sa kaniya ang isang kamay ko. Iniabot niya muli ang isang kamay niya at hinawakan ko naman ito ng kabila kong kamay.

Buong pwersa kong iniakyat ang katawan ko sa sasakyan ngunit muntik pa akong matumba papasok. Mabilis akong naalalayan at nasalo ni Estefanio dahilan para magkatitigan kami at mapangiti sa isa't isa.

"Sir, Ma'am, okay lang po kayo diyan?" narinig naming tanong nang driver mula sa loob ng sasakyan. Mabilis kaming naghiwalay ni Estefanio. Napalingon pa ako kay Mr. Gonzales na nakita yata 'yung nangyari.

"Okay lang po. Let's go, manong," masiglang anunsiyo ni Estefanio. Nakatayo kaming pareho at nakawak sa bakal na hawakan sa bubong ng kotsye. Nakangiti siya habang tinitignan ang kabuuan ng daraanan namin.

Narinig ko ang pag-andar ng engine ng 4x4 kasabay ang pagtunog ng musika mula sa stereo na nasa loob din nina Alanis. "Okay lang po ba sa inyong magpatugtog?" narinig pa naming ani noong lalaking driver. Hindi naman na kami umalma pa.

~Sometimes late at night
I lie awake and watch her sleeping~

Shemay, ito 'yung tugtug kagabi sa kotsye ni Estefanio. Napalingon tuloy ako sa kaniya at nakita kong maski siya ay napangiti.

~She's lost in peaceful dreams
So I turn out the light
Lay there in the dark~

Unti-unti nang umandar ang sinasakyan namin kaya't napahawak na ako nang mahigpit sa hawakang bakal.

"Whooaaaah! This is life!" sigaw ni Estefanio sa kalagitnaan ng pag-abante namin. Nakataas pa ang mga kamay niya kaya't natawa ako na lang ako nang bahagya sa kaniya. Nakasuot siya nang isang brown na denim jacket na bagay na bagay ang itsyura sa kulay ng desyerto.

~And the thought crosses my mind
If I never wake in the morning~

"Come on Juliet, shout out!" masiglang pag-aaya sa akin ni Estefanio. Agad akong umiling.

"Just shout your feelings and let it fly with the wind," dagdag niya pa habang nakangiti sa akin.

"Just like this," ani Estefanio kaya't nanatili lamang ang tingin ko sa kaniya. "Heyyy! Estefanio's here!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa paligid ngunit wala siyang pakialam dahil nasa kalagitnaan kami ng malawak baybayin.

~Would she ever doubt
The way I feel about her in my heart~

"It feels good Juliet. Shout out your feelings. Let it go, c'mon. Feel free, " muli niyang pag-aaya. Bahagya pa akong natulala sa unahan namin habang nakikinig sa masasayang sigaw ni Estefanio.

Napangiti ako sa sarili ko at bumuntong hininga. Okay lang naman siguro. "Heyyyyy! I'M WITH ESTEFANIOOO!"

~If tomorrow never comes
Will she know how much I loved her?~

Natigilan si Estefanio at ngumiti nang malawak sa akin. Akala ko ay kukwistyunin niya ako pero mukhang natuwa pa siya sa ginawa ko.

"Yes! She's with me and I'm with her!" pasigaw na dagdag ni Estefanio. Pareho kaming nakaharap sa unahan at  wala nang paki sa init.

~Did I try in every way
To show her every day
She's my only one?~

" I'M WITH THE SUPER ENERGETIC SUPER STAR!!!" sigaw ko. Muli kaming natawa. Siguro mukha na kaming baliw at hindi ko rin alam kung naiinis na sina Alanis sa loob pero wala kaming pakialam.

"SHOUT OUT TO MY MOM!! Please don't be so STRICCCT!"

"SANA PO AY 'WAG NIYO AKONG ISISANTE!" humahangos na sigaw ko.

"That's right Juliet. Just let it go. Let's leave our worries here in the middle of nowhere, " nakangiting baling sa akin ni Estefanio.

Sa kalagitnaan nang pagtawa ay natigilan ako.

Tama si Estemanio. May mga bagay na kailangan nang palayain at iwan. May mga alalahanin at damdamin na hindi kailangang itago at isiksik sa loob natin.

Agad akong napalingon muli sa dinaraanan namin at buong tatag na sumigaw. "MAY TRABAHO NA AKO! ATE, MAY NAGAGAWA NA AKO! HINDI AKO TALUNAN! HINDI AKO BATUGAN! HINDI AKO TAMAD! HINDI AKO LAMPA! MERON AKONG KWENTA!" Hindi ko namalayang unti-unti nang bumuhas sa mga mata ko ang luha habang sumisigaw. Napabagsak ako sa kinatatayuan.

"A-are you okay Juliet?" Natigilan si Estefanio nang marinig ako. Nilapitan ako nito't tinignan ang mukha.

Mabilis kong pinunas ang mga luha ko at ngumiti sa kaniya. "H-hindi ba, may kwenta na ako? H-hindi ako tanga o l-lampa 'di ba? H-hindi naman ako mahina, hindi ba?" garalgal kong tanong sa kaniya habang patuloy sa pagtangis.

"Of course... You have your value," ani Estefanio.

"Tahimik lang ako p-pero nakakaramdam ako. H-hindi lang ako palasalita pero hindi ako bobo. Hindi ako lampa."

"I know, I know. Who told you that?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Estefanio.

Napangiti ako nang mapait. Hindi ko na muling napigil ang luha ko at muling napaiyak. "S-sorry. S-sorry, kung minsan ganoon ako..."

"Okay, let it go. Tell me... " mahinang sabi ni Estefanio. Nabigla ako nang maupo siya sa harap ko.

"S-abi nila, wala akong kwenta. Wala akong napatunayan." Nagpatuloy akong magsalita ngunit hindi ko nagawang tumingin kay Estefanio. "All my life, I did my best. P-pero bakit parang kulang? Lagi kong nararamdaman sa loob ko na may kulang, na may lungkot. Parang...parang isa akong makina na walang halaga." Napahagulhul ako kaya't mabilis kong tinakpan ang bibig ko.

Hindi ko gustong maiyak sa ngayon sa harap ni Estefanio, pero hindi ko mapigilan ang rumaragasang damdamin ko ngayon. Mga damdamin na tila mahabang panahong nagsisiksikan sa loob ko at ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob para sumabog.

"Hey, look at me Juliet." Nabigla ako nang nawakan ni Estefanio ang mukha ko at dahan-dahan itong iharap sa kaniya. "You have your value. I may not personally know what you're going through but for me, you're important. Not everyone would appreciate you, so find people who would do, and first...you should appreciate yourself more than anyone can do."

Tumigil ang pagtulo ng mga luha ko at habang nakatingin sa mga mata ni Estefanio, unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. Gaya nang parating nangyayari, tila may mahikang bumabalot sa akin at nagpapakalma sa damdamin ko sa sandaling tititigan niya na ako. Gaya nang laging nangyayari, siya lamang ang taong may kakayahang patigilin ang lahat ng gumugulo sa puso ko sa simpleng ngiti nito.

Kung dati, hindi ko mabanggit o maamin sa sarili ko ang pakiramdam na ito, ngayon sigurado akong naiintindihan ko na kung ano ito...

Lumipas pa ang ilang minuto ngunit tila naging blanko na ang lahat. Napagtanto na lang naming nakabalik na ang sasakyan namin sa pinanggalingan namin kanina. Tahimik akong inalalayan ni Estefanio pababa ng sasakyan.

"Are you sure you're already okay?" ani Estefanio.

Nginitian ko siya at bahagyang tumango. "Okay... Thank you."

Simple niya akong nginitian pabalik. Sinundan ko na lamang siya ng tingin nang lumapit na siya sa nag-aabang sa amin na si Mr. Gonzales.

"Do you have feelings for my Kuya?"

Nabigla ako nang marinig ang mahinang tanong sa akin mula kay Alanis. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "You do,” kaswal nitong pahayag matapos akong hindi sumagot.

"You love him, isn't it?" ulit ni Alanis at pareho kaming napalingon kay Estefanio. "I'm sorry Juliet, but it can't happen..."

"As far as I know..."

Natigilan ako at nanatiling hinihintay kung ano mang sasabihin niya.

“—as far as I know, Kuya Estefanio has a girlfriend...”

Napatulala na lamang ako. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.

Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Bakit hindi ko 'to naisip?

Bakit ngayon? Bakit ngayon kung kailan naamin ko na sarili kong mahal ko na si Estefanio Del Carpio...ay ngayon ko lang din malalaman na may iba na pala siyang minamahal...


End Of Chapter 20

Continue Reading

You'll Also Like

57.5K 1.9K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
127K 4K 43
There's a school where the students are gangsters, mafia heir and heiress, badass elites and more. It's the Onfire Academy. A school with no peace. A...
180K 3.9K 102
In a world where assassins lurk in the shadows, a skilled one sets out on a one-of-a-kind mission to find his missing wife, whilst enemies are out to...
58.4K 2K 85
Si Lauranie ay nag-iisang anak ng mag-asawa na sina Joseph at Estilla. She lived a luxury life dahil parehong mayaman ang angkan ng kaniyang mga magu...