Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

127K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 20

2.4K 100 15
By Barneyeols

Kabanata 20

Nakaupo ngayon sa sala ng kanilang condo ang mga lalaking magpipinsang Querio.  Pinagmasdan ni Samuela ang mga ito na seryoso sa pinag-uusapan. Bumisita ang magkapatid na Gregory at Kristoff kay Athos dahil kahilingan ito ni General Querio.

Sinilip niya ang mga ito mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Kanina ay naisip niyang bigyan sila ng privacy dahil naiilang na magsalita si Kristoff tungkol sa mga bagay na para sa kanilang pamilya.

"Felicity wanted to have a pre-birthday celebration for Althea gaya noong ginagawa natin tuwing birthday niya." Ani Kristoff.

"No. I don't want to bring Thea to a bar, Kristoff. Menor de edad pa iyon baka nakakalimutan niyo." Tila kulog iyong sinabi ni Athos.

Umiling si Gregory at ininom ang kanyang beer.

"Tss. Hindi naman doon. Simpleng booze lang kaya ang nasa isip nina Thea at Fel ay sa Bistro na lang ng mga Luna."

"Sinu-sino?" Tanong ni Athos at lumagok na rin ng beer.

Nagkibit balikat si Kristoff at binalingan si Gregory.

"Ah! Mga malapit na kaibigan at mga pinsan lang, Athos. Sina Bernice, saka mga ilang kakilala natin sa highschool. Baka naroon din si Avery." Tumawa si Gregory nang sinabi iyon kay Kristoff.

"Inimbita iyon ni Felicity. Masyado ka daw kasing workaholic at umaasa iyon na magkabalikan daw kayo." Ani Gregory.

Umiling si Athos sa narinig. Madilim namang binalingan ni Kristoff si Gregory.

"Hindi ko gustong makipagbalikan doon, Greg. Pakisabi kay Felicity na hindi niya dapat ako pinapangunahan sa ganoon."

"Yeah, right. Nagising na ba si Olivia?" Tanong ni Gregory.

Nawala ang kaninang masayang tawanan. Tila ba nag-iba ng timpla ang panahon at nauwi sa seryosohan.

Sumandal si Kristoff at umiling. Huminga ng malalim si Athos at nagbukas pa ng isang lata ng beer.

"Don't worry about it. Magigising din iyon sooner or later. Nakausap ko si Borris noong nakaraan sa crame. Mukhang anytime soon magigising din si Olivia." Pagkumbinsi ni Athos.

Tumango si Kristoff roon.

"I know. She'll finish this." Tipid na sagot ni Kristoff at isang lagok na inubos ang alak.

Nagbukas pa ulit ito ng isa.

"May balita na ba kayo doon sa organisasyon?" Tanong ni Kristoff.

Akmang sasaraduhan na ni Samuela ang kanyang pintuan ng marinig iyon. It's about the case! Ni hindi na nga niya napapagtuunan iyon ng maayos. She's wondering what's the update kaya nanatili siyang nakatayo doon.

Si Athos naman ang sumeryoso doon. Naubos nito ang isa pang lata. Niyupi niya iyon at kumuha pa ng isa.

"Nagsalita na ba si Roces? Kanina ay tinanong ako ni General doon. Hindi ko masagot kasi kay Samuela mo ako nilagay." Ani Gregory.

"Ganoon pa din. Hindi magsalita kahit anong gawin. Masyadong matatag ang tiwala doon sa Uno. Kahit hainan ng kalayaan, ayaw ilaglag." Sagot ni Athos.

"I had a talk to my private intel. Nakumpirma nila na may anak si Uno. Hindi lang nila malaman kung involved ba iyon sa pagpapatakbo ng grupo o wala."  Bulalas ni Athos.

"Do we have a name, then?" Tanong ni Kristoff.

"Ara." May diin na sabi ni Athos. "Iyon ang nakuha nilang pangalan."

"Ara?" Ulit ni Gregory at uminom sa kanyang alak.

Nanatiling nakatayo si Samuela doon. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang tanungin si Athos tungkol doon. Sino at saan nakuha iyong pangalan na Ara? Pero paano? Sinabi niya kanina na matutulog na siya kaya malaya silang makakapag-usap doon sa sala.

Anak ni Uno? Sumeryoso si Samuela at dinikit pa ang tenga sa dingding. Nag-aabang kung sino iyong tinutukoy at paano nalaman ang impormasyon?

Naputol din naman agad ang usapan doon nang magsingit ng ibang usapan si Gregory. Tungkol iyon sa mga ilang kaibigan nila.

Tumungo na siya sa kama at humiga. Sa dami ng iniisip niya, nakatulog na siya.

Nagising na lang siya ng pumasok sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang tabi si Athos. Sinilip niya ang kanyang orasan.

Ala una na ng umaga. Ngumiti ang binata sa kanya na ngayon ay niyayakap ang kanyang baywang.

"Sorry. Did I wake you?" Tanong ni Athos.

Umiling si Samuela at nagkusot ng mata.

"Katatapos niyo lang?"

"No. Umuwi na sila kaninang alas dose. I cleaned and talked to work a bit."

Tumango si Samuela at humiga na papaharap sa binata. Nakatitig si Athos sa kanya ngayon. Naamoy niya ang amoy ng alak na ininom nila. Ngumuso siya sa binata.

"What's on your beautiful mind, huh?" Tanong ni Athos at hinalikan ang kanyang noo.

Umiling si Samuela.

"Nothing. Just thinking if you drink a lot..."

Hinigpitan ni Athos ang kanyang yakap sa dalaga. Nadarama na din ni Samua ang mabalahibong binti nito na nagkukulong kanya.

"Hmmm. Not anymore. Noong senior highschool, madalas. Noong nagsundalo, minsan lang 'pag may okasyon."

Naningkit ang mga mata ni Samuela.

"I heard somewhere na laman ng mga night bar ang mga sundalo kapag nadedestino sa malayo. Naghahanap ng pansamantalang ligaya."

Hindi na napigilan ni Athos na humalakhak doon.

"Damn, lasing na nga ata ako. You're making me crazy, baby." He chuckled sexily.

"Huwag kang mag-alala. Palagi ako sa bundok, Attorney... at walang night bar doon kung iyon ang kinatatakot mo."

Sumimangot si Samuela.

"Walang babae sa bundok?" Tanong ni Samuela.

Hindi niya mawari kung siya ba ang nakainom dahil sa mga pinagsasasabi niya ngayon.

Walang reklamo si Athos at tila sinasakyan pa siya. Tumayo si Samuela at sinandal ang kanyang ulo sa hubad na dibdib nito.

"Depende. Kung tao ang sinasabi mo, wala. Puro lalaki ang kasama ko doon. Kung babaeng unggoy naman, marami..." Tumawa pa ang sundalo doon.

Kinurot ni Samuela ang dibdib nito. Nag-aasar na dumaing si Athos at hinaplos ang buhok ni Samuela.

"Matulog na tayo, Sam. Maaga pa tayo bukas. I don't want you tired. Mamimili tayo ng susuotin sa birthday ni Althea."

Tumango si Samuela at pabagsak na humiga sa braso ni Athos. Magkaharap na sila at magkayakap.

"Anong oras ang party?" Tanong ni Samuela.

"Ala sais y media. I called my dad. Nasabi ko na kasama kita." He said.

Alam naman niya iyon. Pero kinakabahan pa din siya! Ito ang unang beses na makikita niya ang mga Querio.  Ang magkakapatid na Kristoff, Gregory at Felicity pa lang ang nakikilala niya pati na rin si Althea!

"Can you tell me something about your family?" Mahinang bulong ni Samuela nang makitang nakapikit na si Athos.

Akala niya'y tulog na ito pero ilang saglt ay nagsalita din.

"Don't worry. They're nice and cool. Don't be nervous may ilan kang kakilala na dadalo doon like the de la Vegas. I am sure you'll be comfortable." Pagkumbinsi ni Athos.

"Now, let's sleep. I am dizzy." Utos ni Athos at hinalikan siya sa labi.

Ngumuso si Samuela at pumikit na din. Narinig niya ang mga munting hilik ng binata. Ngumiti siya at hinalikan ang panga nito.

"My Querio..." She whispered and closed her eyes.

Nagising siya ng maaga. Tulog na tulog pa si Athos sa tabi niya. It's six thirty in the morning. Dahan dahan siyang tumayo para hindi magising ito.

Siya na ang magluluto ngayon. Palagi kasing si Athos ang nagluluto ng breakfast nila kaya naisipan niyang bumawi.

Malinis ang sink at ang sala. Walang bakas na may nag inuman doon. Konuha niya ang itlog at ang pancake mix na naroon.

Nagha-hum siya ng bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Lumabas doon si Athos na bagong ligo na.

"Good morning." Bati nito sa kanya at pinatakan siya ng halik.

"Good morning. Breakfast?" Tanong niya.

Tumango ang binata at tinulungan siya sa pagsasalin ng kape.

"I have preliminary hearing later. Baka hindi na ako makabalik sa opisina kaya huwag mo na akong sunduin."

"Saan ang hearing?" Tanong ni Athos.

"Huwag na, Major. Nariyan naman sina Hans. Baka gabihin ako roon. Tatawagan na lang kita or text pagkatapos."

Kinagat ni Athos ang labi at nagtaas ng kilay.

"Oh sige. Just send updates. Ayokong mapahamak ka. I will send more men to guard you." Pagsuko nito.

Tumango si Samuela.

"I will visit Cynthia in the hospital..." Sabi ni Athos.

Natigil si Samuela sa pagkain. May kaunting kaba na sumibol sa kanyang dibdib.

Nitong nakaraan ay nakalimutan na niya si Cynthia. Si Cynthia na naunang nag-exist sa buhay ni Athos. Hindi pa rin niya nalilinwa ang tunay na posisyon nito sa buhay ng kanyang kasintahan kaya naman ng mabanggit ang pangalan nito ay labis ang kanyang takot at kaba.

"K-Kamusta na nga pala siya?" Tanong niya.

Hindi naalis ang titig sa kanya ng binata. Peke siyang ngumiti dito. Naninimbang ang bawat tingin ni Athos sa kanya.

"She's fine. Hindi ko na rin alam dahil matagal na akong hindi nakakapunta." Pagsagot ni Athos.

Tumango si Samuela. Tumikhim naman si Athos matapos hindi magsalita ang kanyang nobya.

"You can join me if you want, Sam." Aniya.

Agarang umiling si Samuela doon. Alam niyang ginagawa ito ng binata para sa kanya. Para hindi siya magselos.

"No... hmm... baka maging busy din ako noon. Bibisitahin ko ang naiwang bahay ko."

Sinungaling ka, Samuela! Wala ka ngang balak na puntahan iyon eh. Gusto lang niyang maghanap ng rason para hindi siya pumunta sa hospital.

"Okay. I will resched it, Sam. Sasamahan na lang kita sa bahay mo. Hindi ako pupunta ng hospital ng hindi ka kasama.

"W-What? Hindi na! P-Pumunta ka na doon, okay lang sa akin." Pasigaw niyang sabi.

Umiling si Athos.

"No. Hindi okay sa akin, Samuela. I want to show you that I love you. Ikaw ang gusto ko at wala ng iba." Ani Athos.

Natahimik siya doon. Hinawakan ni Athos ang kamay niya at pinisil.

"You come with me this Saturday. May pre-celebration ang kapatid ko sa bistro ng mga Luna. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."

Mabilis ang kanilang breakfast. Puno ang schedule ni Samuela ngayon. Tutungo siya sa korte para sa ilang kasong hinahawakan niya.

Hinagkan siya ni Major bago tumungo papunta sa kanyang trabaho. Nasa taas na si Gregory na ngayon ay tutok sa kanyang cellphone. Nakangisi itong tumitipa at kumindat ng makita siya.

Sumimangot naman siya dito. Nilagay ni Gregory ang kanyang cellphone at sinuklian siya ng magandang ngiti.

"Ang ganda ng umaga mo, Gregory." Ani Samuela.

"Ikaw lang ba ang may karapatang sumaya ngayon?" Pamimilosopo nito.

"May sinabi ba ako? Kamusta ang mga de la Vega?" Tanong niya.

Mas lumapad ang ngisi ni Gregory.

"Masungit pa din." Tawa niya.

Tumaas ang kilay ni Samuela.

Masungit? Si Judge?

"Si Judge de la Vega?" Tanong niya. Humalakhak si Gregory at umiling.

"Hindi. 'Yung isang de la Vega lang. Init ng dugo pagkakakita sa akin eh." May binulong pa ito na hindi nasundan ni Samuela.

Tumango si Samuela. Mukhang kilala na niya kung sino iyon. Ang unica hija ng mga de la Vega ay medyo masungit. Kahit na naroon siya, hindi sila masyadong nagkakausap nito dahil sa duda nito sa pakay ni Samuela sa ama nito.

"Tss. Ayaw noon sa manloloko." Ngisi ni Samuela at pumasok na sa kanyang opisina.

Inayos niya ang mga dadalahin niya sa korte. Naorient naman niya sina Hans kaya siguro naman ay naibalita na ito sa pinuno nilang panay lang ang text.

Lumabas siya sa opisina at binilinan ng ilang bagay si Jessa bago ito umalis. Bumukas ang opisina ni Stephen, may kasama itong babae ngayon.

Kumunot ang noo niyang pinagmasdan ang babae. Maikli ang buhok nito at nakikipagkamay sa abogado. That is Diana Villafuerte, the firstborn of the first family.

Saglit silang nagkatinginan nito. Tipid itong tumango sa kanya at umalis na kasama ang kanyang mga bodyguards. Sinundan niya ito ng tingin.

If Kristoff's information is true. Maaaring kasabwat ito ng Nightshade. At kliyente ito ni Stephen?  Nawala na ito sa kanyang paningin. Sumulyap siya sa banda ni Stephen na nakapamulsa na ngayon.

Unti-unti itong humakbang papalapit sa kanya. Tahimik si Rachel sa kanyang upuan. Hinawakan naman ni Gregory ang kanyang siko.

"Hindi ka ba malilate? Let's go..." Seryoso iyon.

Umiling si Samuela.

"Saglit lang, Greg. May itatanong lang ako."

Tiningnan ni Stephen ang kanyang mga dala.

"May hearing ka?" Tanong nito.

Tumango siya.

"Oo." Aniya. "Client mo si Diana Villafuerte?"

"Yeah. She's a client of a friend. Hindi na maasikaso kaya ni-refer sa akin. You know her?" Tanong ni Stephen.

Umiling si Samuela.

"No. Kilala ko lang dahil nakikita ko sa balita." She said.

"Isa rin 'yon sa ibinibisita sa akin. Masyadong sikat ang dating abogado kaya pinuputakte ng mga reporter dahil sa pagkamatay nung pinsan. Dito, wala masyado."

Tumikhim si Gregory. Napatingin doon si Stephen at umigting ang panga. Sinulyapan naman ni Samuela ang kanyang relo. Kung di pa siya tutungo ngayon, mahuhuli siya ng sampung minuto sa korte.

"Mauuna na ako, Stephen. Late na ako." Aniya at tumango na kay Gregory.

Naglakad na sila ng magsalita ulit si Stephen.

"I am happy that we're talking again, Sam." He smiled a bit.

"Ako din, Steph."

May kirot sa puso ni Samuela ng marinig iyon. Inaamin niya, minsan ay namimiss niya ang kaibigan niyang si Stephen noon.

Pero hanggang doon na lang 'yon. Dahil may humahawak na ngayon sa kanyang puso. At si Athos iyon.

Busy ang sumunod na mga oras niya. Medyo naguiguilty siya dahil matagal ang hearing. Sinulyapan niya sina Gregory na nakatayo sa may pintuan ng court room.

Hindi pa sila nagtatanghalian. Isang oras pa ay natapos din ang hearing. Tumigil sila sa isang cafe house para kumain.

Ngayon lang niya nakita ng malapitan si Hans at Ben. Lagi kasi ang mga ito sa malayo at nakatanaw lang.

They're both fine. Matangkad at matitikas tingnan. Maputi si Hans habang moreno naman si Ben.

"Order lang kayo, libre ko. Nakakahiya at late na ang lunch niyo."

"Yes! Libre!" Sigaw ni Gregory at may sinabi sa counter.

Umirap si Samuela. Siya itong mayaman pero kuripot. Tahimik lang sina Hans.

Umorder na kami at naghihintay ng pagkain ng bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Victoria de la Vega na may kasamang lalaking pulis. Nakauniporme silang dalawa.

Sumipol si Hans at nanatili ang tingin kay Gregory na nakanguso lang. Dumiretso ang mga ito sa counter at nagtatawanang umorder.

"Tss." Hindi na binalingan ni Gregory ang banda nila.

Nanatili ang titig ni Samuela doon pabalik kay Gregory. Mukhang... may nagseselos.

Ngumisi si Samuela.

"Selos ka ano?" Tanong niya.

Nagpipigil ng tawa sina Hans at Ben sa sinabi niya. Binalingan ang mga ito ni Gregory kaya natahimik.

"Asa." Sambit ni Gregory pero halos mabasag na ang baso sa titig niya.

Sumigaw ang barista na kadahilanan ng paglingon ni Victoria sa kanila.

"One iced latte for Gregory, Iced caramel macchiato for Hans, Iced coffee for Ben and  Matcha Milk tea for Samuela."

Nagkatinginan si Hans at Ben, pero agad na tumayo si Gregory.

"Ako na." Aniya at tumungo sa counter para kunin ang mga kape nila.

Dumaan ito sa gitna ng nakatayong si Victoria at noong lalaki. Sinadya nitong banggain ang balikat noong lalaki.

"Sorry. Nakaharang ka kasi," marahas ba sabi nito at kinuha ang tray ng mga kape.

Bahid ang gulat sa mukha ni Victoria bago sumimangot. Saglit na nagkatinginan si Victoria at Samuela.

Ngumiti si Samuela rito pero hindi man lang sinuklian ni Victoria ng ngiti.

Napalingon na lang siya sa kaliwa niya ng kulbitin siya ng isang bata. Nakangiti ito at may dalang papel. Medyo madungis ang bata at halatang palaboy.

"Ano 'to?" Tanong ni Samuela.

Nagkibit balikat ang bata.

"H-Hindi ko po alam. Pinabibigay nung lalaki sa labas. Binayaran ako e." Pinakita ng bata ang pera.

Naalerto naman sina Hans doon at agad na tumayo si Ben para ibulong iyon kay Gregory.

"Dalahin mo sa table at bantayan niyo si Samuela." Utos ni Grgeory at pinasa na ang tray.

Hinawakan nito ang baril at tumakbo na papalabas. Naguguluhan naman si Victoria pero ilang saglit at bumulong sa kasama at umalis para sundan si Gregory.

Nagkatinginan si Samuela at ang walang muwang na bata.

Tumango si Samuela at hinayaan ang bata na masayang tumakbo papunta sa mga kasama niyang palaboy.
Binuklat niya iyon.

03.12.19.07.30

First warning, Samuela. First warning mo ito. -Uno

Iyon ang laman ng sulat. Printed ang mga numero at mukhang pinag-isipang mabuti. First warning? Saan?

Ilang saglit ay tumunog ang cellphone ni Hans. Nagkatinginan silang dalawa.

"Masusunod po, First Lieuntenant. Ako na po ang bahala."

"Ma'am pasensya na. Take-out na lang po natin ang pagkain niyo. May dalawang pinatay at hindi po tayo ligtas sa labas. Tutungo po tayo sa opisina ni Major." Ani Hans.

"W-Why? Anong nangyayari, Hans?" Tanong nito.

"Nag-aagaw buhay po si Roces. May lumason sa pagkain niya. Iyong isa naman po..."

Nanglaki ang mga mata ni Samuela. Kinakabahan siya at tiningan ang note sa kanya.

What? Is this the warning or is it just coincidental?

"Ma'am, huwag po kayong mabibigla ah..." Ani Hans ng kinuha ang pagkain nila.

"Patay na rin po si Attorney Stephen."

Hindi makapaniwala si Samuela. Para siyang nabibingi doon. Kanina lang ay nagkausap pa sila.

×××

Continue Reading

You'll Also Like

455K 1.9K 3
WARNING: Mature Content || R18 Please be advised that this story contains mature themes and strong language. Highest Rank #2 Action-Romance "I don't...
1.1M 26.9K 79
All she wanted that night was to get drunk, forget about her pain, and get lost while being wild and free, little did she know that it all started th...
699K 37.6K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
157K 2K 6
WARNING:SPG One night of her craziness,its the very first time na pinayagan siya ng ate niya na sumama sa isang party, sa sobrang saya niya, she got...