Sunshine And You 2 (Completed)

By IamAyaMyers

91.4K 3.7K 176

Daniel Cavelli-the man with oozing sex appeal, bold, and mysterious-has Porphyria. Hindi ito puwedeng masikat... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
Part 56
Part 57-ending

Part 15

1.4K 59 2
By IamAyaMyers

NAPUWERSA at nabugbog ang mga kalamnang kumakapit sa medical screws. Titingnan pa kung magkakaroon ng pamamaga. Pero maliban doon ay wala naman umanong grabeng pinsala sa binti niya. Iyon ang sabi ng doctor na umasikaso at bumasa ng x-ray film niya. Niresetahan siya ng gamot at binilinang ipahinga ng ilang araw ang binti.

"See? I'm okay," aniya sa asawa na noon ay matigas pa rin ang ekspresyon ng mukha. Nakapamulsa ang mga palad nito habang palakad-lakad. Nakaupo siya sa isang wheelchair. At kahit na hindi kailangang ma-confine siya, kumuha pa rin si Daniel ng primera klaseng hospital suite dahil sa natutulog na si Christopher. Binabantayan ito ng yaya nito. "Daniel..."

Bumuntong-hininga si Daniel. Tumigil ito sa paglalakad at lumuhod sa harap niya. Bahagyang lumambot ang mukha nito at hindi na nagdidilim. Hinawakan nito ang palad niya. "Okay. Pero hindi muna tayo babalik sa isla. Doon muna tayo sa Cavelli Place titigil hanggang sa makasiguro tayo na hindi na sasakit ang binti mo. Let's wait for a few days."

"Sasang-ayon lang ako kung ngingiti ka na." Nag-peke si Daniel ng ngiti. Siya ang natawa. At dahil marahil sa pagtawa niya, sumilay ang totoong ngiti sa labi ng kanyang asawa. "Iyan ang ngiting gusto kong makita," kuntentong sabi niya.

"Tatawagan ko ang driver ko sa Cavelli Place para masundo tayo rito." Pinanuod ni Celine na makipag-usap sa telepono ang kanyang asawa. Maiksi ngunit puno ng otoridad ang bawat binibigkas nito. Para iyong batas na hindi puwedeng baliin. Hindi nakapagtataka na ang lahat ng nasa paligid nito ay natataranta. "May kailangan ka ba?" masuyong tanong nito sa kanya.

"Isang tanong lang, sa tingin ko..."

"Ano iyon? Sige na, itanong mo sa akin."

Lumunok si Celine. Huminga ng malalim. "Sa palagay mo ba ay...m-mahal nila ako?" Kahit anong pagpipigil ay nag-init pa rin ang mga mata niya. Naipon ang mga luha roon at hindi napigil sa pagpatak. Gamit ang likod ng palad, tinuyo niya ang mga pisngi niya.

"I have the same question, actually. Kaya ako pumunta roon ay para personal kong makita at malaman ang sagot sa tanong na iyan. Kung makita ko na parang wala kang halaga para sa kanila, hinding-hindi ko sila ipapakilala sa 'yo. Pero noong malaman nila ang tungkol sa 'yo, they burst into tears, Sunshine..."

Tumango siya. Pagkuwa'y nag-iwas ng paningin. "H-how... h-how did you find them? K-kailanman ay hindi ako nagtanong kina Mommy kung... kung saan ba talaga ako nanggaling."

"Ang Tita Mercedez mo, kinausap ko siya. She gave me a name. Y-your mother's name. Sa pangalang iyon ako nagsimula. Alam ko na marami kang tanong. Mga tanong na gusto mong sa kanila mismo marinig ang sagot. Basta sabihin mo lang kung handa ka ng harapin sila, okay? Huwag mong kalilimutan na narito lang ako. I've got your back."

Hindi gaanong tumatak sa isipan niya ang paliwanag kung paano siya napunta sa mga Hampton. Ang tanging natanim sa isipan niya ay ang katotohanang ampon lang siya at hindi dugong Hampton ang nananalaytay sa ugat niya. Sabi ng magulang niya ay wala daw magbabago. She was still their child and they would still love her like she was their own. Totoo naman, minahal siya ng mga magulang niya na parang isang tunay na anak. They gave her everything: material things, attention, and love. Pero dahil alam na niya ang katotohanan ay binantayan na rin niya ang mga kilos niya. She can't afford to be carefree and brat anymore. Ayaw niyang bigyan ng ano mang klase ng pagkadismaya ang mga magulang niya. Kaya nang sabihin nang mga ito na naipagkasundo na siya kay Marc Marquez ay sumige at umayon lang siya. And then she found her calling in Science and Medicines. Nang piliin niyang maging doctor ang masasabi niyang disappointment na ibinigay niya sa mga magulang. They were broken-hearted at her choices, yes, pero sinuportahan pa rin naman siya ng mga ito.

Maganda ang naging buhay niya sa mga Hampton. Hindi siya napasama sa statistics ng mga batang pinagmalupitan at minaltrato dahil lamang sa pagiging ampon. But... she maybe looks cool on the outside pero sa kaibuturan ng pagkatao niya ay may mga itinatago siyang sugat at tanong. Handa na nga ba siyang gamutin ang sugat na iyon? Handa na siyang masagot ang mga tanong?

Daniel automatically cocooned her in his loving and protective arms. "It's okay. It's okay..." usal nito, pinapayapa siya. 

Continue Reading

You'll Also Like

2K 118 9
- published by Bookware Publishing - HYDE AND ZEKE. Sinadya ko na ganun ang names nila para rhyme sa 'hide and seek'. Dapat may subtitle ito eh. Ang...
119K 1.9K 30
Tamara Alba was a pretty fifteen-year-old girl from the other side of town. Her family was an outcast, itinuturing na yagit at basura sa bayang iyon...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
262K 5K 25
Geneva caught Robin in a compromising situation. Kaya mula noon ay natatak na sa isip niya ang pagiging maloko sa babae ng binata. Pagkaraan ng mahig...