Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.6K 625 185

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

17

55 12 0
By Sky_Supreme

Chapter 17


"Thank you for today," sambit ni Estefanio nang tumigil na ang van na menamaneho ni Kuya Arnolfo. Dahan dahan akong lumingon sa kaniya saka ngumiti.

I don't know, but after everything that happened this day, Estefanio and I became closer. Pinaupo pa ako nito sa tabi niyang upuan imbes na sa front seat.

"Don't worry, sasabihin ko na lang kay Mom na we're all tired. I think she'll accept that reason naman," tukoy ni Estefanio sa dapat na pagri-report ko kay Mrs. Del Carpio. Ilang araw na rin kasing hindi ko mahanap ang cellphone na ibinigay ni Estefanio kaya't hindi ako nami-message ng mama niya. Bagkus, sa mga nagdaang araw ay kusa na lang akong nagtutungo sa Casa Simeon para mag-report dito.

Kailangan ko pala talagang mahanap iyong cellphone dahil nakakahiya naman kay Estefanio kung malaman niyang naiwala ko ang isang bagay na galing pa sa kaniya. Sa pagkakaalam ko, kahit na mas maliit pa iyon sa mga cellphone ng modernong panahon ay mahal ang value nito ngayong taon dahil iilan pa nga lang ang kayang mag-avail ng mga ganito.

"Thank you," sagot ko sa kaniya.

"No worries."

Ilang segundo pa kaming nagkakatitigan habang parehong bahagyang nakangiti. Tinanguan ko na lamang siya upang matapos iyon saka bumaba na ng sasakyan.

"Salamat po Kuya Arnolfo," paalam ko naman kay Kuya Arnolfo matapos makababa. Tinanguan naman ako nito. Halatang pagod na rin siya. Hinintay daw kasi nila kami maghapon kina Lolita batay na rin sa utos ni Estefanio. Narinig pa raw nilang ilang ulit na sinermonan si Lolita ng lola niya dahil sa ginawa nitong eskandalo.

Agad na akong pumasok sa bahay namin matapos panuuring umalis ang van nila Estefanio. Pakiramdam ko pagod na rin ang katawan ko sa maghapong mga pangyayari...


----

Maga-alas sais pa lang ng umaga ay nagtungo na ako sa Casa Simeon. Kailangan ko pa ring mag-report ngayon kay Mrs. Del Carpio para man lang makabawi rito. Nag-aalala pa rin kasi ako na baka nagmi-message na siya sa cellphone ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala kung saan ko ba naiwan o naiwala. Hindi rin naman namin ito matagpuan sa bahay ni Eda.

Bitbit ang bag na naglalaman ng mga gamit ko sa trabaho at listahan ng schedule ni Estefanio ay naglakad na ako papasok sa Casa Simeon Hotel. Sa mga nagdaang araw kong pagpapabalik-balik sa lugar na ito ay nakilala na rin marahil ako ng mga nagtatrabaho rito. Hindi na ako tsini-tsek ng mga security personnel bagkus ay nakangiti pa ang mga itong tumatango sa akin. Maging ang mga service employee ni Goldia ay malugod din akong binabati.

"May naiwan na namang mga kalat doon sa second floor! Sino ba naglinis doon kahapon ha?" Napatigil ako nang marinig ko na naman ang bulyaw ni Goldia sa ibang mga nagtatrabaho sa hotel. Halos sa tuwing pumupunta yata ako rito ay palagi namang mainit ang ulo nito, wala pa siyang pinipiling oras. Hindi ko alam kung natural ba ito sa ugali niya o napi-pressure lamang siya kina Estefanio at Mrs. Del Carpio.

"S-sorry po Sir, umihi po kasi ako n'un t-tapos inutusan niyo naman po akong tumulong sa kitchen noong pabalik na ako k-kaya---" Napahinto sa pagsasalita 'yung babaeng sumagot kay Goldia.

"Ha?! So, kasalanan ko pa?" singhal ni Goldia pabalik sa kaniya. Napatingin naman sa akin 'yung babaeng sumagot sa kaniya.

"Eh sa Kitchen Department naman po talaga ako. Matapos niyong paalisin 'yung ibang mga taga-Housekeeping kami 'yung isasabak niyo roon." Tila nagkaroon ng lakas ng loob ang babae para sumagot kay Goldia.

"Don't worry, isasama na kita sa kanila because you're fired now!" inis na sigaw ni Goldia. Umalingawngaw ito sa buong lobby ng hotel.

"Sir, 'wag niyo naman pong alisin si Chelsea. Kukunti na nga lang din po kami," sabad ng isang lalaking naroon din sa harap ni Goldia. Napansin kong pareho silang nakasuot ng apron ng babaeng pinapagalitan ni Goldia.

"Hindi, ako na po mismo ang aalis sa hotel na 'to! You cannot fire me Sir Goldia because I'm resigning!" pagalit na sabi noong babaeng empleyado nila. Hinubad nito ang suot niyang apron at itinapon sa harap ni Goldia. Maluha-luha pa itong umalis doon na sinundan naman ng ilang mga kasamahan niya.

Naiwan si Goldia na nakatayo roon at wala ng nasabi pa. Agad namang nagsialisan ang iba pang empleyadong nakiusyuso kanina. Paglingon ni Goldia ay nakita ako nito. Tinarayan niya pa ako. Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na siya pinansin. Agad akong dumiretsyo sa isang elevator.

Sa ugali ni Goldia, malamang maubos talaga lahat ng empleyado niya rito. Tanging ang pag-check in lang siguro rito nina Estefanio ang nagpapabango sa pangalan ng Casa Simeon Hotel.

Nang makarating ako sa ikaapat na palapag ay tinungo ko na agad ang kwarto ni Mrs. Del Carpio. Nang makapasok ako ay bahagya akong ngumiti sa kaniya. Sa totoo lang, ginagawa ko lang naman na ngumiti para kahit papaano ay palakasin ang loob ko.

Hindi katulad ng nakasanayan, nakaupo si Mrs. Del Carpio sa isang wheelchair. Nasa loob din ang therapist niya na inaasikaso ang mga pagkain nito sa table na nasa tabi ng bed. Napangiti ito sa pagpasok ko habang nanatili namang seryuso ang mukha ni Mrs. Del Carpio.

"G-good Morning po," bati ko sa kanila habang nakatayo lamang malapit sa may pinto.

"So, Estefanio told me you went to Obando last day," wala sa loob na sabi ni Mrs. Del Carpio. Hindi rin siya sa akin nakatingin nang sabihin niya iyon.

"It was L-lolita's invation po." Sinabi kaya ni Estefanio ang lahat ng nangyari kahapon?

"Why didn't you inform me?"

"B-biglaan lang po 'yung pag-aayaya kahapon ni Lolita a-and I can't message you na po dahil hindi ko po dala 'yung cellphone ko."

"Cellphone na bigay ng anak ko, right?" pagdidiin ni Mrs. Del Carpio. Tumanggo naman ako.

"What would I expect? You're too irresponsible to be my son's personal assistant." Napalunok na lang ako sa sinabi nito. Pinilit ko na lang muling ngumiti sa kaniya.

"But don't worry. Enjoy that privilege given by my son to you. It won't take longer because sooner or later, gagaling na ako and Estefanio won't need you anymore," dagdag niya pa. Wala akong ibang nagawa kundi ang pilit na ngumiti sa kaniya pero sa loob ko, alam kong hindi pa ako handang mangyari iyon lalo na't ngayo'y mas nagigi na kaming close ni Estefanio.

Dati ay isang malaking pantasya lamang ang makasama't maging kaibigan si Estefanio Del Carpio pero nangyari iyon sa tulong ni Eda. Ngunit sa huli, talagang kailangan kong maging handa sa oras na matapos ang lahat ng ito. Gagaling si Mrs. Del Carpio, mawawala ako sa trabaho, at tatlong buwan mula ngayon babalik ako sa dating buhay ko.

Tama siguro talaga sina Eda at Lola Rosaline, hindi ako pwedeng umibig sa panahon at pagkakataong ito.

"I'm getting better right Mr. Soriano?" Nabalik ako sa ulirat nang magpatuloy sa pagsasalita si Mrs. Del Carpio. Tinawag niya pala iyong therapist niya.

"Yes po, in one or two weeks I guess, fully recovered na po kayo. Makakalad na po ulit kayo," sagot noong lalaking therapist niya.

"Ah M-mrs. Del Carpio, ito na po pala 'yung schedule ni Estefanio for the next week," singit ko sa usapan nila. Mabilis kong inabot sa kaniya ang hawak-hawak kong folder.

"Okay, I'll check it later," saad niya at ipinatong ito sa isang malapit na table sa kaniya. "Speaking of, hindi ba't may taping pa ngayon? Check Estefanio if his already awake," seryoso nitong utos pa sa akin. Napakurap naman ako sa kaniya.

"A-ah, ako po?" pagtutukoy ko sa sarili ko.

"Who else? Are you that dumb not to understand? Wake him up and tell him to get ready. Remind him to be responsible." Bahagyang tumaas ang boses niya kaya't kinabahan naman ako. Kung nasira ko man na ang araw ni Mrs. Del Carpio ngayon, ayoko na itong palalain pa.

Agad akong tumango sa kaniya at tumalima sa utos niya. Nang makalabas ako ay agad naman akong napasandal sa pader sa tabi ng pintuan ng kwarto niya. Parte ba 'to ng trabaho ko?

Matapos ang ilang segundo ng malalim na paghinga ay nagpalingon-lingon ako sa buong floor. Hindi ko kasi alam kung saan ang kwarto rito ni Estefanio. Ang tangging kwartong napapasok ko pa lamang dito ay ang kay Mrs. Del Carpio dahil sa halos gabi-gabi kong pagri-report sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang ako at inisa-isang sipatin ang ibang silid. Binuksan ko ang isang kwarto ngunit naglalaman lang ito ng mga collection ng sapatos.

Sa ikalawa't ikatlong kwarto ay parehong walang laman na tao pero malinis na nakaayos ang loob ng mga ito. Talaga kasing sarili na nina Estefanio ang floor na ito. Natengga tuloy ang ibang rooms.

Ayoko sanang magmukhang pakielamera sa basta-bastang pagpasok sa mga kwarto rito sa floor nila pero hindi ko naman pwedeng suwayin si Mrs. Del Carpio.

Sa sunod na kwartong binuksan ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy lemon na paligid. Mas malamig at ventilated din ito kumpara sa mga naunang kwarto kaya't nasigurado kong may gumagamit nito.

Pagpasok ay may isang shelf na bahagyang nakaharang malapit sa pinto na siyang dahilan upang hindi mo agad makita ang kabuuan ng loob ng kwarto. Hindi nakabukas ang ilaw ng kwarto pero naaninag kong may pinanggagalingan ng ilaw sa may kabilang bahagi ng kwartong ito.

Nagismula akong maglakad papasok hanggang sa makita ko na ang kabuuan ng room. Nasa gitnang bahagi ang isang malambot na kama. Puti ang kulay ng cover ng makapal na bed, pati ang unan at blanket nito. Yayamanin at malinis ang motif ng buong paligid.

Umagaw rin ng pansin sa akin ang veranda na nasa kaliwang dulo ng kwarto. May harang itong kulay asul na manipis na kurtina at bahagya itong nililipad lipad dahil sa hangin na nagmumula sa labas.

Mas maliit ang kwartong ito kumpara kay Mrs. Del Carpio pero kung papipiliin ako mas gusto ko rito. Napakaelegante ng mga colors at design sa room ni Mrs. Del Carpio habang dito ay napaka-refreshing.

Napalingon naman ako sa shelf na malapit sa akin. Sa tabi nito ang isang marmol na table, malapit sa paanan ng kama. Kusa akong napangiti nang makita ang mga librong nakalagay rito pati na rin ang ibang mga gamit na pamilyar sa akin—mga gamit ni Estefanio.

Pero nasaan si Estefanio?

Kung wala siya rito sa kama niya ibig sabihin gising na siya.

Pabalik na sana ako sa pintuan ng kwarto upang umalis nang marinig ko ang pagbukas ng isang pinto. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at diretsyo akong napatakip sa mukha ko nang makita ang naka-topless na si Estefanio.

"H-hey, J-juliet? What are you doing here?" rinig kong tanong nito sa akin. Halatang maging siya ay nabigla sa akin.

"I-i'm just checking if y-you're already awake," utal-utal kong sagot. Bahagya ko siyang sinilip mula sa mga daliri ko at nakita kong naglalakad na siya palapit sa akin. Basa ang kaniyang buhok galing sa pagligo.

"W-what are you doing?" Titili na sana ako nang makalapit siya sa akin ngunit mabilis siyang sumagot.

"Why?! I'll take my clothes from the other room," pag-aalala niyang saad. Pahiya kong ibinibaba ang mga palad kong nakaharang sa mukha ko at nginitian siya.

Dumiretsyo siya sa pintuan ngunit bago niya pa man mabuksan ito ay kusa nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang babaeng staff ng hotel na may dalang mga pagkain. Nagulat ito at nagpalipat-lipat ang tingin kay Estefanio at sa akin.

"G-good morning Sir. H-here's your breakfast," mabagal na litanya nito habang nakatingin pa rin sa aming dalawa ni Estefanio. Mukhang may iba siyang naiisip!

"Good morning," simpleng sagot ni Estefanio sa kaniya. Bumaling pa siya sa akin bago tuluyang lumabas. "Wait for me here Juliet. You can also eat there while waiting," sabi nito at ngumiti sa akin. Naiwan naman kami ni Ateng staff.

Napabuntong hininga na lang ako at hinayaang pumasok ang babaeng staff hila-hila ang trolley ng mga pagkain. Inilagay niya ito malapit sa may table at casual na nagpaalam sa akin para umalis na.

Dahil wala naman ng tao ay naisipan kong lapitan ang veranda ng kwarto ni Estefanio. Kusa akong napangiti nang makita ang kalawakan ngnPuerto Guerrero mula rito...

----

"Juliet, doon ka na maupo ulit sa tabi ni Sir Estefanio."

Napakurap ako sa sinabi sa akin ni Kuya Arnolfo nang pumasok na ako sa front seat ng van at inayos ang sarili ko. Hinihintay na lang namin si Estefanio na dumaan pa sa kwarto ni Mrs. Del Carpio.

"Ha? Bakit po? Ayaw niyo po ba akong katabi?" sagot ko sa kaniya. "Mabaho po ba ako? Ano pong problema?" dagdag ko pa. Inamoy-amoy ko naman ang sarili ko habang sinasabi iyon.

"Hindi." Natawa si Kuya Arnolfo at naupo na sa driver seat. "Okay lang naman na kasi 'di ba kay Sir na magkatabi kayo? Close na close na nga kayo," nakangiti nitong sabi sa akin. Napangiti rin ako sa kaniya.

"Nako, hindi na po. Sapat na ang isang minsan," biro ko sa kaniya. "Ayoko naman pong magmukhang abusada. Assistant pa rin po ako ni Estefanio." Napatango na lamang si Kuya Arnolfo sa akin.

Ilang saglit pa, habang umiinom ako ng tubig sa isang bote, ay narinig na namin si Estefanio na kausap sina Billy at Edson mula sa likuran ng van. Mula sa rear mirror ay napatitig na lang ako sa kaniya sa ayos at pustura niya.

Kahit na maging napakalapit pa namin sa isa't isa ni Estefanio, hindi na siguro mawawala ang paghanga ko sa kaniya. Napakagwapo at kahanga-hanga niya pa rin sa mga mata ko...

"Pogi ni Sir, no?"

Nabalik ako sa ulirat at napalagok sa tubig na iniinom ko nang magsalita muli si Kuya Arnolfo. Mukhang nakita niyang natulala ako sa salamin kaya't pangiti-ngiti siya ngayon sa akin.

"A-ah, syempre po. Lagi naman. Estefanio Del Carpio 'yan eh," nag-aalangan kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam pero sa mga nagdaang araw, pakiramdam ko marami talagang pagkakataon na natitigalgal na lang ako o natutulala.

"Bagay kayo Juliet."

Muli akong napalunok sa iniinom kong tubig nang magpatuloy si Kuya Arnolfo.

"A-ano po? Bakit niyo po 'yan nasabi Kuya Arnolfo?" halos nauubo ko nang tanong sa kaniya. Bakit ba kailangan maging out of the blue ang mga sinasabi ng ibang tao?

Nakakalokong ngumiti sa akin si Kuya Arnolfo bago sumagot. "Wala, nakikita ko kasing nagi-enjoy kayo sa isa't isa. Hindi ko nga inaasahan na isang tulad ni Estefanio Del Carpio ay ganyan ka-outgoing pagkasama mo, tulad kahapon."

"Nako, b-baka ganyan naman po talaga siya."

"Ewan, hindi ko lang talaga inasahan na ganyan siguro siya sa ibang tao. Nakita mo naman 'di ba kung gaano kaistrikto ang nanay niyan?" Napatango-tango na lang ako kay Kuya Arnolfo at ipinagpatuloy ang pag-inom ko ng tubig. Nang sandali ring iyon ay nakangiting pumasok na si Estefanio sa loob ng van.

Nagsimula na kaming bumiyahe patungo sa location ng shooting nina Estefanio. Batay sa schedule na hawak ko, babalik kami sa unang lugar na pinag-shootingan para sa trailer ng pelikula. Kukunan na raw ang full scene nito at karagdagan pang scenes. Pakiramdam ko nga, minamadali na ng production ang mga taping at shooting sa hindi ko alam na dahilan...

Hindi pa man kami nakakalayo sa Casa Simeon Hotel nang maramdaman kong naiihi ako. Gusto ko man sanang pigilan ito pero pakiramdam ko ay puputok na ang pantog ko sa oras na patagalin ko pa. Napasapo na lang ako sa ulo ko nang maalalang ang dami ko palang nainom na tubig kanina habang kausap si Kuya Arnolfo.

Parang timang, Juliet!

"Kuya, p-pwede po bang itigil niyo po muna," nahihiya kong turan kay Kuya Arnolfo sa kalagitnaan ng pagmamaneho nito.

"Bakit? May problema ba?" nag-aalala nitong tanong. Napahawak na lang ako sa may ibabang bahagi ng tiyan ko habang pinipigil ang nararamadaman ko.

"Are you okay Juliet?" narinig kong tanong ni Estefanio sa likod. Agad namang tinigil ni Kuya Arnolfo ang sasakyan nang ma-realize yata nitong may iniinda ako.

Napalingon ako sa paligid at saktong tumigil ang van namin malapit na sa apartment namin ni Eda. Dali-dali akong bumaba.

"Hey? Where are you going Juliet?" Narinig kong bumaba rin ng sasakyan si Estefanio.

"At our apartment," natatarantang sagot ko. Hindi ko na siya nagawang lingunin bagkus ay napatakbo na lang ako pababa sa pintuan ng bahay namin ni Eda.

"Can I go there?" Narinig ko pang tanong sa akin ni Estefanio pero hindi ko na talaga siya napansin dahil ihing-ihi na ako. Mabuti na lang at bukas ang pinto ng bahay. Nandito pa rin siguro si Eda.

"Eda?Asan ka?" agad kong tawag nang makapasok na ako sa loob.

"Juliet? B-bakit bumalik ka?"

Dumiretsyo ako sa may banyo namin at doon din natagpuan ko si Eda na mukhang nagdidis-infect yata. Hindi ko na siya nasagot pa bagkus ay patulak ko siyang pinalabas sa may pinto ng banyo.

"S-sorry Eda, ihing-ihi na ako," saad ko sa kaniya.

"Sige, akala ko ku--- Estefanio?"

Habang nasa loob ako ng banyo ay laking gulat ko nang marinig ko si Eda nang tinawag nito si Estefanio. Ibig sabihin sumunod yata ito sa akin.
Habang umiihi ay pinakinggan ko sila.

"Hi, E-eda? Juliet's cousin, right?" nadinig kong boses ni Estefanio. Sumunod nga ito. "Where's Juliet?"

"Umiihi yata siya. Hintayin mo na lamang."

Agad akong nagmadali sa serimonyas ko at naghugas ng kamay. Mabilis pa sa alas kwatro akong lumabas at natagpuan si Eda na naghihintay lamang sa akin. Napadako naman sunod ang tingin ko kay Estefanio na inililibot ang tingin sa loob ng apartment namin.

"Wow...t-this is awesome. Sinong gumawa nito?" namamanghang tanong ni Estefanio habang nakatitig sa mga disenyo sa paligid na gawa ng powers ni Eda. Nagpalitan kami ng tingin ni Eda dahil dito.

"T-this starry design is so beautiful. This is really jaw-droping." Napatitig sa amin si Estefanio. "Who did this? Did you pay for a professional artist or designer?" nakangiti nitong tanong. Kita talaga sa itsyura niya ang kagustuhang malaman kung paanong ang isang apartment na kung titignan mula sa labas ay simple lamang ay ganito ang disenyo mula sa loob.

"Ahhh..." Napaisip ako ng irarason. Hindi naman pwedeng malaman ni Estefanio na may magic ang apartment naming ito. Tama nang si Lola Rosaline lang ang nakakaalam sa katauhan namin ni Eda. Lalo na, ayoko ring malaman ni Estefanio na napunta kami sa panahong ito dahil lamang sa kaniya.

"What is it?" dagdag muling tanong ni Estefanio. Bahagya siyang lumapit sa amin ni Eda.

"It's because---" Hindi ko pa man nasasabi ang rason ko nang pare-pareho kaming magulat nang biglang magliwanag si Eda at magsilabasan mula sa paligid niya ang mga starry dust particles na nangyayari lang naman sa tuwing gumagamit siya ng kapangyarihan.

"Eda, anong ginagawa mo?" gulantang kong tanong sa kaniya. Mukhang nabigla rin siya kaya't napatakip na lang siya sa sarili niya at pilit pinipigilan ang nangyayari ngunit mas lalong lumalakas ang pagliliwanag niya.

"Juliet, hindi ko 'to alam. Hindi ko 'to ginusto," nahihirapang sagot sa akin ni Eda. Napalingon ako kay Estefanio na hindi rin alam kung anong nangyayari. Napatakip pa ito sa mata niya dahil sa liwanag na nagmumula sa katawan ni Eda.

"W-what's happening? Why is she producing that light?" hirap na tanong sa amin ni Estefanio.

Nataranta naman ako at nang makita ang kumot sa kama ko ay mabilis ko itong kinuha at itinalukbong kay Eda.
Dahil dito bahagyang humina ang liwanag na bumabalot sa buong paligid. Tutulungan ko na sana si Eda na tumayo nang bigla itong tumakbo papasok sa loob ng banyo.

"Eda?! Anong nangyari?!" naguguluhan kong tawag sa kaniya mula sa labas ng banyo. Hindi ko maintindihan kung anong nagaganap at hindi ko rin alam kung paano ito ipapaliwanag ngayon kay Estefanio.

Nilingon ko si Estefanio at bakas pa rin ang pagkabigla sa mukha niya, hinihintay kung ano ang eksplenasyon sa mga nasaksihan niya.

"E-estefanio, we will explain," garalgal kong saad sa kaniya. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang sabihin kay Estefanio ang mga katotohanan tungkol sa amin.

"What just happened to her?" nalilito pa rin nitong tanong. “She just glowed like a star—"

"Estefanio is that you?!"

Mabilis na natigil ang pabagsak na sanang luha ko nang marinig ko ang tili ni Lola Rosaline mula sa may pinto ng bahay namin. Sabay kaming napalingon ni Estefanio at nakita ang malaking ngiti nito sa presensiya ni Estefanio.

"Ikaw nga! Oh my God! Hindi ko aakalaing makakaharap na kita nang personal!" Payakap na sana si Lola Rosaline kay Estefanio nang tumakbo ako palapit sa kaniya.

"L-lola, si Eda po, n-nakita ni Estefanio," garalgal at pabulong kong saad kay Lola Rosaline. Baka matulungan niya kami ngayon sa pagpapaliwanag kay Estefanio sa mga nakita nito.

"Don't worry. Akong bahala," pabalik na bulong nito sa akin. Nagkaroon naman ako ng pag-asa dahil sa kaniya.

"Ahhhh!" Nagulat na lang ako sa biglaang pagtili muli ni Lola Rosaline. Patakbo na itong lumapit kay Estefanio at agad itong pinagyayakap.

"Hmm, ang bago bago! Estefanio hijo, I'm a fan of yours too," kwento ni Lola Rosaline habang nanggigigil sa patuloy na pagyakap kay Estefanio.

Tinignan ko naman si Estefanio at mula sa nalilitong mukha nito kanina ay gumaan ang pakiramdam ko nang makitang nakangiti na ito. Mukhang gumana ang pagiging energetic ni Lola Rosaline at nahawaan si Estefanio.

"N-nice to meet you po," nakangiting bati ni Estefanio pabalik nang humiwalay na sa kaniya si Lola Rosaline.

"I'm Lola Rosaline. I'm a friend of Juliet here in the neighborhood," pagpapakilala ni Lola rito. Sa gitna nang pakikinig sa kung paano ito ipapaliwanag ni Lola Rosaline para sa amin ay hindi ko mapigilang mapalingon sa banyo kung saan nagtago si Eda.

Bakas din kanina ang pagkagulat kay Eda. Alam kong hindi niya ginusto ang nangyari kaya't nag-aalala ako sa kaniya.

"I'm lucky I met you here, but why are you here pala?" narinig ko pang dagdag ni Lola Rosaline.

"W-we just pulled over po for Juliet to pee." Napalingon si Estefanio sa akin. “But something strange happened to your cousin Juliet," nag-aalala nitong pahayag.

"Don't worry about that, Eda is just sick, I think. And...she's making experiment on herself lately," paputol-putol na paliwanag ni Lola Rosaline. Napalunok naman ako.

Maniniwala ka ba Estefanio? Please, alam kong hindi ka mausisang tao. Trust us now...please...

Hindi pa ako handa kapag nalaman mo ang katauhan namin...

"Expirement?" tanong pa ni Estefanio.

"Yeah, don't worry about that. She's gonna be alright." Liningon ako ni Lola Rosaline. "Juliet, baka ma-late kayo sa shooting niyo." Mabilis naman akong tumango.

Ilang saglit pang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin nang magpalipat-lipat ang tingin ni Estefanio sa akin at kay Lola Rosaline. Napatikhim siya. “R-right...Let's go, Juliet.”

Nakahinga ako nang maluwag.

"Ako na ang bahala kay Eda, Juliet. Sigi na, Mauna na kayo," sabi pa ni Lola Rosaline. Nakita ko pang kumindat ito sa akin kaya't nginitian ko naman siya at sinenyasan ng "thank you."

"I hope we'll meet again Estefanio when you are not busy na," dagdag pa ni Lola Rosaline at inihatid na kaming dalawa ni Estefanio sa pinto. Agad niya itong isinara nang makalabas na kami.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil kahit papaano ay nagawan ng solusyon ni Lola Rosaline ang sitwasyon naming ito. Baka naamin ko na nang wala sa oras kay Estefanio ang tungkol sa amin ni Eda kung wala si Lola Rosaline.

"Is your cousin okay?" Napalingon ako kay Estefanio habang naglalakad kami pabalik sa van kung saan naghihintay si Kuya Arnolfo.

"S-she will be alright. Don't think about it," diretsyo ko sa kaniyang tugon. May kaunting kaba pa rin sa loob ko.

"Oh, I hope she will..." Napangiti na lang ako sa pagtigil nang pagtatanong ni Estefanio sa akin. Naalala ko tuloy kung paanong katulad kahapon ay hindi niya na rin ako inusyuso pa sa pagdadrama ko sa harap nina Mama.

Tahimik muli akong napalingon sa kaniya bago tuluyang makaabot sa van.

Paano na kaya kung malaman mo ang katotohanan sa likod ng katauhan ko? Maiintindihan mo kaya ito? Paano kung hanapan mo na ng mga kasagutan ang mga bagay na kakaiba sa akin?

Pumapasok na nga kaya ang mga bagay na 'to....sa isip mo ngayon?

END OF Chapter 17

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)
1K 60 22
Life has been very hard for Shane. There are a lot of disasters hindering her success in life. But as her heart is pure, the angels in the Department...
93K 5.5K 58
"Mr. Vampire, mali ka yata ng nilabasang kabinet." Elora is addicted to Twilight--screw that, adik na adik siya sa mga bampira! She always wanted to...
491K 35K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...