Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

122K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 16

2.1K 88 6
By Barneyeols

Kabanata 16

Magaan ang loob ni Samuela na lumabas sa unit. Ihahatid siya ngayon ni Athos sa opisina bago dumiretso sa trabaho.

Gaya noong nakaraan, nakaconvoy ang grupo ni Gregory sa kanila.

Tahimik silang pumasok ni Athos sa elevator ng kanyang opisina. Nilingon niya ang repleksyon ng lalaki sa unahan.

"You don't have to do this everyday, Major. Nandyan naman si Gregory." Aniya sa kalagitnaan noon.

Nilingon siya ni Athos at kumunot ang noo.

"Kaya nga ihahatid talaga kita kahit anong mangyari." Aniya.

Tumagilid ang ulo ni Samuela sa sinabi ng sundalo. Ano raw?

"Wala ka bang tiwala kay Gregory? He's your cousin." Tanong pa niya.

Umiling si Athos at nilagaya ang mga kamay sa bulsa.

"He's dangerous, Sam. Huwag kang masyadong maglalapit doon. One second, and you'll see yourself falling for his stupid charms." Paliwanag ng lalaki.

Natawa si Samuela doon. Oh, right! Playboy ang isang iyon. Halata naman sa mga ngiti at kilos nito.

"You're threatened I will fall for your cousin? Mas bata 'yon sa akin, Major!" Pagtawa niya.

Dumilim ang tingin sa kanya ng sundalo.

"Kahit na. Iisang taon lang ang tanda mo doon." He murmured. "You're definitely his type, Attorney. Sinabi niya iyon kagabi."

Nagulat si Samuela. Is he...

Wait, what?

Ngumiwi si Samuela at nangapa ng sasabihin. Well, gwapo si Gregory Querio! Sabi nga niya, hangal ang babaeng hindi makakapansin rito.

"And so what, Major? Are you jealous?" She joked.

"Yes, Attorney. Very..."

Nabahaw ang kanyang mga ngiti ng makitang hindi natinag ang seryosong ekpresyon ng binata sa kanya.

Kumurap siya ng ilang beses at huminga ng malalim. Nagseselos siya? Hinintay niyang tumawa ang sundalo pero limang segundo na ay wala pa din.

"Okay." Iyon lang ang nasabi niya at agad na lumabas sa elevator ng tumunog iyon.

Sinalubong sila ng pamilyar na bulto ni Gregory Querio na nauna na sa kanila. Nakatayo ito ng tuwid at tumango saglit sa kanya.

Naguguluhan naman si Samuela na nilingon itong sumaludo kay Major.

"Good morning, Attorney, Major..." He greeted.

"Morning, Gregory." She greeted back.

Hindi naman umimik si Athos at nauna nang maglakad papunta sa kanyang opisina na para bang kanya iyon.

Kinagat ni Samuela ang kanyang ibabang labi at maliliit ang hakbang na sumunod rito.

Binuksan niya ang pintuan. Nakaupo na ito sa sofa at hinihintay siyang makapasok.

"Hindi ka pa aalis?" Tanong niya at dumiretso na sa kanyang mesa para buksan ang computer.

Ngumuso si Athos.

"Aalis na din. Just checking if you're gonna chitchat with the bastard." He answered.

Bastard?

"You called your cousin a bastard? Wow!" She shrugged and opened her drawers.

"Who said it's Greg? It's your ex. I saw him at the lobby."

Natigil siya sa paghahanap ng kung ano sa narinig. Si Stephen? Hindi na nga niya napansin na naroon iyon dahil sa kaba niya kanina.

He's really acting like a jealous boyfriend? What?

"Ah... Hindi." Iyon lang ang naisagot ni Samuela sa binata.

Hindi niya alam ang sasabihin. This is the first time na nangyari ito. Tila ba binalik siya sa panahong nasa law school siya at may recit na hindi niya naaral.

"I am going. Susunduin ulit kita mamaya. You should text me after work, too."

Napatango si Samuela at pinanood na lumabas sa kanyang pintuan ang sundalo. Huminga siya ng malalim doon.

Major Querio is confusing. Hindi niya alam kung naiba ba ang ihip ng hangin at naging ganoon ang pakikitungo sa kanya ng lalaki. Ang natatandaan lang niya, nag-usap sila ng binata kagabi.

Lumunok siya at umupo na para basahin ang hawak niyang folder. Kailangan niya munang alisin ang binata sa kanyang isipan at magfocus sa hawak niyang mga kaso.

Lunch na ng kumatok sa pintuan si Gregory Querio. Dumungaw ito sa pintuan at pinakita ang isang supot ng kilalang fastfood chain.

"Nagtake-out sina Hans ng pagkain. Your secretary told me na hindi ka pa naglalunch? Care to join me?" Tanong nito.

Sinulyapan niya ang lalaki at ang kanyang mesa bago tumango. It is okay. Alas dose na rin naman at kumukulo na ang tyan niya.

"Sure." Aniya at tumayo na.

Pumasok si Gregory para ihain ang pagkain sa sofa set na naroon. Umupo si Samuela sa isang upuan.

Umatake ang mabangong amoy noon. Kumuha na siya at nagsimula ng kumain.

"Nag-away ba kayo ni Athos?" Biglang tanong ni Gregory at kumagat sa manok niya.

Uminom siya ng tubig at umiling.

"No. We're okay." Sagot niya.

Tumaas ang kilay ni Gregory at nagtatakang nagtanong.

"Ang init ng ulo sa akin kanina. Tsk. Akala ko LQ kayo." Aniya at nagkibit balikat.

Ngumuso si Samuela.

'Badtrip sa'yo kasi nagseselos siya'. Gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa kasi baka maging assuming siya.

"LQ? That's for couples. Baka bad day at work lang?" Tanong niya pabalik kay Greg.

"Whatever. It's not like him, Attorney. Always okay 'yang si Athos. Kahit gaano kasama ang araw niya."

Nacurious naman si Samuela sa sinasabi ni Gregory. It's good to hear something about Athos from another point of view.

"How is he as a cousin?" Tanong niya.

Ngumisi si Gregory pagkatapos niyang itanong iyon. Para bang may nararamdaman itong kakaiba sa tanong niya at hindi na nga nito napigilan.

"You like him?" He asked.

Nagulat si Samuela doon. Tumawa si Gregory sa reaksyon niya.

"N-No!" Pagtanggi niya.

Umiling si Gregory, tila ba nagugustuhan kung saan papunta ang usapan.

"That's okay, Attorney. Sanay na naman ako diyan. Athos is a Querio, no doubt."

Uminom si Samuela ng tubig. The heck with this Gregory!

"Noon pa man sa condo. Ramdam ko na talagang may something. Her sister likes you." He said like it will benefit her.

"Shut up, Gregory." Pigil ni Samuela sa mga nakakahalinang sabi ni Gregory.

Gusto niyang pigilan ang mga salita nito na mas lalo pang nagpapaliyab sa apoy ng pag-asa niya para sa binata.

"Payong kaibigan lang, Attorney..." He trailed off. "Huwag na huwag mong lolokohin si Athos. He hates it. Once you've done it, mahirap ng ibalik ang tiwala niya."

Seryoso ang mga salitang iyon. Huminga ng malalim si Gregory at ngumiti ng tipid habang nakatitig sa kanya. Uminit ang pisngi ni Samuela. Parehong kulay ng mata kay Athos ang nakatingin sa kanya ngayon.

Their eyes are the same and it's making her nervous. Para bang si Athos ang nakatitig sa kanya.

"W-What?" Iyon lang ang nasabi niya.

Gregory winked at her.

"I know now why he wants to stay in his condo always. Hmm..." He teased and closed his food.

"A-Ano?" Pahabol na tanong ni Samuela.

Gregory shrugged and cleaned his mess with a teasing smile etched on his face.

"Nothing. It's for you to find out. Basta itanong mo sa kanya kung bakit ayaw niyang umuwi sa mansyon." He laughed and went outside.

Naiwang naguguluhan si Samuela. Anong nangyayari?

Natapos ang oras ng trabaho. Sumibol ang kaba sa kanya habang pinapanood ang orasan.

"Sabi ni Major, tawagan ko siya after work? Should I really do, that? Hindi ba ako nakakaabala 'pag ganun?" Bulong niya sa sarili at tiningnan ang kanyang phone.

Kinuha niya iyon at inunlock. Hinanap niya ang pangalan ng sundalo ngunit hindi ito pinindot. Huminga siya ng malalim at kinalma ang pagwawala ng dibdib bago iyon ginawa.

Tatlong ring at sinagot iyon ng binata.

"H-Hi..." bati ni Samuela.

"Attorney." Bati ng sundalo.

Tumikhim si Samuela at nilagay ang takas na buhok sa likuran ng kanyang tenga.

'Shit! Bakit ako kinakabahan.' Mura niya sa isipa niya.

"I-I am done for today, M-Major." Aniya.

Sinundan iyon ng katahimikan. Agad siyang kinabahan doon. Mali ba ang nasabi niya.

"Ah! O-Okay lang naman kung hindi mo ako susunduin. Magpapahatid na lang ako kina Gregory sa condo at iuupdate kita." She said.

Baka akalain ni Major na umaasa talaga siyang sabay silang uuwi. Pumikit siya ng mariin sa sobrang hiya.

Para siyang teenager na first time kinausap ng kanyang crush! Gusto niyang sabunutan ang sarili at magpakain na lang sa lupa.

"No. It's fine, Attorney. Palabas na ako ng office. I just went put something on my office. Can you wait for me? O baka gusto mo nang umuwi?" He asked.

Ngumuso si Samuela. Of course! She wants to wait!

"Uh... I'll just wait for you, Major." Naninimbang niyang sagot.

Mababang halakhak ang iginawad ni Major sa kabilang linya. Para siyang kinikiliti doon.

"Okay... Then, wait for me, Attorney. I will be with you in a while." Lumagapak ang isang bagay na para bang pintuan iyon at narinig niya ang pagkabuhay ng makina sa kabilang linya.

Huminga siya ng malalim sa sobrang kaba. Naglakad siya sa pintuan. Naroon si Gregory na nakatingin sa kanyang cellphone at kunot ang noo.

Lumapit siya kay Jessa at Rachel na nag-aayos na rin ng sarili para sa pag-uwi. Iniabot niya ang folders na natapos niya.

"Rachel, pakipasa na lang nito kay Stephen. Naayos ko na 'yan at alam na niya ang gagawin para diyan."

Tinaasan niya ng kilay ang padabog na pagkuha ni Rachel sa mga folders at tipid na pagtango nito.

"Sure. I will give this to him kapag nakauwi na kami sa unit niya." Parinig nito sa kanya at ngumiti ng peke.

What the hell is wrong with this girl? And are they living together now? Well, it's not her issue anymore.

She just shrugged and went to Gregory's side. Seryoso pa din itong nagtetext. Kung hindi pa tumikhim si Samuela ay hindi ito mapapansin ni Gregory.

"Are you okay, Gregory? Is there a problem? Work?" Tanong ni Samuela.

Ngumuso si Gregory at nagkibit balikat.

"I guess so. Putting up with this girl is work." He answered unclearly.

Hindi na sumagot pa si Samuela. Pinanood lang niya ang unti-unting pagkaubos ng mga tao sa floor.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pintuan ng opisina ni Stephen. Seryoso itong pumunta kay Rachel. Umangkla naman ang braso ng kanyang sekretarya rito at sumulyap sa bahagi nila.

Tumikhim si Samuela. So, they're now item huh? Hindi niya alam ang kanyang mararamdaman. Well, she's kind of happy na may babae nang nakakuha sa atensyon ni Stephen but Rachel? She just don't know.

Sumipol si Gregory kaya nilingon niya iyon para pandilatan. It's making the situation worse, Gregory!

Malamig ang mga mata ni Stephen nang lumampas ito sa kanilang banda para dumiretso na sa elevator. Naghintay silang dalawa doon at tila nabato sa kinatatayuan ng bumukas ang elevator.

Bumungad roon si Major na seryosong nakapamulsa. Lumabas siya at gumilid para bigyan ng daan ang dalawa.

Umigting ang panga ni Stephen at marahas ang yabag na pumasok doon. Lumakad si Major Querio papunta sa kanila.

She sighed. Here, he comes!

Kinakabahan siya. This is not the first time na sinundo siya. Gusto niyang sisihin si Gregory sa lahat ng mga ideyang nilalagay nito sa utak niya.

"Are you ready to go?" Tanong ni Athos.

Tumango si Samuela at lumapit sa binata. Nilingon naman ni Athos ang pinsan.

"I am not joining the convoy today, Athos." Gregory interrupted.

"Why? Is there something wrong at home?" Tanong ng sundalo.

Umiling si Gregory at inayos ang kanyang buhok.

"Nothing. I just need to meet someone. That's all."

"Oh, right. That girl. It's okay." Athos tapped his shoulders.

Naguguluhan si Samuela sa usapan. Nilingon lang siya ni Athos para makaalis na sila doon. Tahimik silang tatlo sa elevator.

Nauna siyang lumabas ng tumunog iyon. Dumiretso sila sa kotse ng binata. Nang sumakay ay kinabit niya ang seatbelt para maibsan ang kaba.

"How's work? Si Roces?" Tanong niya.

Sinulyapan siya ni Athos habang papalabas sila sa building. They're still busy interrogating Roces. Ang balita niya kay Pong, patuloy ang pagbabantay nila ng buong magdamag kay Roces dahil natatakot sila na maisahan ni Uno.

"Still the same. Kailangan araw-araw mahaba ang pasensya. Pinipili pa rin ang lahat ng sasabihin niya. Halatang may tinatago pa." He said.

Tumango si Samuela.

"How about Cynthia? Any news?" Tanong niyang muli.

Athos sighed.

"Now, she's stabled. With no signs of getting awake soon. But I am sure she'll get through this, she's a fighter."

Hindi niya akalaing masasaktan siya roon. Sa paraan ng pagsasalita nito tungkol kay Cynthia... para bang may kaunting pagmamahal pa doon.

"And Fred? May balita na ba sa imbestigasyon mo?" Usisa niya.

"Not yet. But I sent Xed for an intensive research for all the names Roces involved in this case. Do not worry about it." He assured.

Kumunot ang noo ni Samuela at nanahimik. Kuryoso naman ang sundalo sa inasal ng abogada. Panay ang sulyap niya rito.

"Hey... are you-" Hindi naituloy ni Athos ang kanyang tanong ng tanungin siya muli ni Samuela.

"Athos... bakit hindi ka umuuwi sa mansyon niyo? Gregory mentioned that to me." She asked.

Umawang ang bibig ni Athos sa bigla ng tanong na iyon. Ilang segundo pa ay nakabawi din agad.

"Nag-usap kayo ni Greg?" Pagbabalik niya ng tanong.

"Yes. What do you expect? He's with me the whole week. We even ate our lunch together earlier."

He's now pissed at the thought. Nagkamali ata siya na ipadala ang babaero niyang pinsan sa task na ito.

"Really, huh?" Bulalas ni Athos at huminto sa intersection ng maabutan ng stop light.

Pinaglaruan nito ang kanyang labi at nilingon si Samuela. Nagkatitigan sila ng dalaga. Seryoso din ang abogada na nakatingin sa kanyang mata.

"I just don't feel like going home." He asnwered briefly.

"W-Why?" Tanong ni Samuela.

It's not her type to be this nosy but the way Gregory told her is quite confusing. Sinabi din naman nito na itanong niya diba? So, here it is!

Hindi sumagot si Athos at nagmaneho na muli. Huminga si Samuela, iniisip kung paano pa pahahabain ang topic nila.

"I am sure your family misses you. Galing ka sa bundok ng matagal... then suddenly you're here in Manila but you won't saty with them..." She said.

Pinagtagpo ni Samuela ang mga daliri niya at pinagmasdan iyon na tila naroon ang sagot sa mga tanong niya.

"Your mother must be worried... and Althea too. Kaya ka siguro binisita noon? Kasi gusto kang umuwi sa inyo?" Tanong niya ulit.

Umiling si Athos.

"No. I explained to them before why I'm not going home. Besides, I text and call them when I have the time." He said.

"Ah..." Iyon lang ang nasabi niya at tumingin na sa maliwanag na streetlight at mga ilaw mula sa matatayog na skyscarper.

Nilingon siya muli ni Athos at lumiko na papasok sa basement ng kanilang condo.

"Are you okay, Sam?" Tanong ni Athos bago patayin ang makina ng sasakyan.

Binuksan ni Samuela ang pintuan ng sasakyan. Ganoon din ang ginawa ng sundalo at pinanood ang tahimik na dalaga.

"Hey..." tawag niya.

"I am fine, Major. Just wondering bakit ganoon ka-OA si Greg with asking you this. But okay..." She said.

Naglakad na siya papunta sa elevator. Umiling si Athos at sumakay na din doon. Kagaya kanina, wala silang kibuan sa loob.

Kahit noong nasa pasilyo na sila. Tanging ang takong lamang ni Samuela ang maririnig. She got her keys from her pocket. Ipinasok niya iyon sa keyhole ng hawakan ni Athos ang kamay niya.

"I don't know if it's a big deal but it is because of you..." He said.

Kunot-noo ang tingin ni Samuela sa binata. Tumikhim si Athos at unti-unting binitawan ang kamay ni Samuela.

"What?"

"I am staying here... so I can be with you, Sam. This is my reason why I don't stay at our mansion anymore. I just stayed here when you moved in. That's the truth if it bothers you." His tone is serious.

Nanatili namang bato at nakatitig si Samuela sa lalaki. Kinuha iyong pagkakataon ni Athos para ikutin ang susi na nasa keyhole.

Bumukas ang pintuan ng unit at nauna nang pumasok ang binata. Iniwan si Samuela doon na nanonood sa kanyang likuran... na ngayon ay unti-unting nawala nang pumasok siya sa kwarto niya.

×××

Continue Reading

You'll Also Like

708K 13.7K 23
Book Three of Bachelorette Series ✔️ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love me when he's already deeply inlove with s...
48.7K 2K 40
Until when can you stand with the love you chose to fight?
124K 3.5K 45
How much pain do you have to go through until giving up is okay?
466K 10.1K 23
Book Four of Bachelorette Series ✔️ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can let it pass with no hard feelings. But the...