The Devil's Summon (R-18 Viki...

By twightzielike

3M 84.9K 9.3K

|R-18| Will it be a sin to fall in love with a Sin? He is sinful. A walking sin. He took me by force. He want... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Epilogue

Chapter 26

88.9K 2.6K 514
By twightzielike


penge commentzzz...

Chapter 26: random hang-out
🥃

Catalya

"Kapag di ka tumigil, ipapakagat kita sa lamok!"


Kian is so annoying! Plano kong tahimik na gawin ang case review ko pero paano ko iyon gagawin ngayon kung nandito na naman siya sa kuwarto at nambubulabog?!


Weekend today so I came home.


"Swerte naman ng lamok na 'yan! Masisipsip pa royal blood ko!" He bounced at my bed like a kid before taking one of my ballpens there, playing it. I am sitting on the couch adjacent to him. I stopped browsing the book in my hand and gave him a hard look when he got up and took a cupcake from my table before walking back towards my... bed. Oh no! No!


"Kian damn it! I don't usually eat food in my bed so don't even think of breaking that rule because I swear I woul– KIAN!" I got up in panick when he ignored me and dipped himself on my bed. He even took a bite at the cupcake, annoying me more!


Agad akong tumakbo palapit sa kanya at hinampas siya nang makitang may nalaglag na mga kapiraso ng kinakain niya sa bedsheet ko. In so much distaste, I pulled him up from the bed.


"Lintik na unggoy ka!" Iritadong sigaw ko nang magpabigat siya habang pilit ko siyang hinihila palayo sa kama. "Kian stand up! UGH!"


When I successfully did it, I shot him a dense glare.


Pagak lamang siyang tumawa at kumagat ulit sa cupcake. "Para kang lalamon ng tao! Chill babe!" He took another bite an pouted on me as if it would alleviate the irritation that built up inside me.


"Pumunta ka ba dito para mang-asar?!"


Umiling siya. "I've lost sweetness over my body. Pinakain ako ng bitterness nung ex ko. Pinaglaruan ako, tangina. That's why I came over here for the cupcakes," ngumuso siya pagkasabi n'on at naglakad papunta sa sofa para maupo sa inupuan ko kanina.


Yeah, I did not forget about his love life.


I walked to my table and purposely got one cupcake before sitting beside him. Nagpabuga ako ng marahas na hininga tsaka kumagat roon. When I swallowed, I look at him seriously.


"Kian, you were never the serious type when it comes to women. Sabi mo nga sa akin noon, you only get a girlfriend but you don't want to settle down ever. I can't even count how many your exes are dahil sa dami ng mga babaeng pinaiyak at ginamit mo. So what's the deal now? Why the sudden heart break? Tell me about the girl who got you wasted last last last night,"


All of what I said is true. Kian is just like the boy version of me. Ang pinagkaiba lang namin, flings sa akin habang siya, binibigyan niya ng label ang kung anong meron sila nung babae niya. But we're both the playful type. Kaya nga sinasabi ni Kuya Ced na bagay nga kaming magpinsan dahil pareho kaming babaero at babaera...he invented the term babaera, ewan ko sa kanya.


Same feathers flock together?


Kumagat si Kian sa cupcake na kinakain niya. At nang hindi siya makuntento roon, isinubo niya pa lahat ng natitira at sumandal sa couch. " 'Wag na, tapos na rin naman. Past is fucking past. Ginastusan ko 'yon, ako nagbayad ng bills namin kapag kumakain kami sa labas. Laging ako gumagastos kapag date. Ni katiting wala siyang inaambag. She led me to her trap and I fell for it. Now, she broke up with me and told me that she likes another guy. Babae nga naman," iling niya.


Dahil sa sinabi niya, pumasok bigla sa isip ko si Isaac. Gosh! I just realized that he's the one always paying for the bills whenever we go out! Kahit mag-volunteer ako na ako na magbayag, 'di niya ako hinahayaan. He doesn't ever let me pay a cent after our meals or in any circumstances we're at! Guilty ako, hayop. Now I feel like he invested a lot on me.


"Shutangina," mahinang pagmumura ko.


"Mura ka? Bakit?" Kian asked innocently.


Ngumuso lang ako at ipinasubo sa nakaawang niyang bibig ang hawak kong cupcake.


Ipiniling ko ang ulo ko para alisin sa isip ko ang realidad na pinagbabayad ko lagi si Isaac. I focused on Kian and his ex.


"Get over that girl already. May hitsura ka naman at madaming may gusto sa'yo. Kung ginamit ka 'nung ex mo, kalimutan mo na siya. She benefited from you. Pero pasalamat ka at maaga niyang inalis ang maskara niya bago ka pa tuluyang napamahal sa kanya. Mas malala kung ganon. Just be thankful that she broke up with you and you realized her dark intentions before you even developed tenderly love for her," I marched away from him and reached for my phone on the bedside table before walking back, sitting beside the monkey.


"Yooo shing sho?" His mouth was full.


What did he say? You think so? 'Yun ba?


Inirapan ko siya, "Lunukin mo muna 'yan para maintindihan ko sinasabi mo, unggoy ka,"


Umingos lang siya at nahirapan sa ginawa dahil puno ang bibig. Pinakain ko kasi 'yung buong cupcake. Ayan tuloy.


"Shungit," subok niyang bigkas bago ulit ngumuya.


I unlocked my phone when I saw messages from Isaac on my IG,


@IsaacAldereva messaged you.


Almost instantly, my insides reacted.  I grunted. Isaac-effect is striking again, argh!


I clicked it open.


@IsaacAlderva:
Just finished workout. Have you eaten lunch?


His message was about 30 minutes ago.


@Catalyaquez:
Yes, uhm, I ate carbs. hby?


This morning, I ate too much carbohydrates. Nakalimutan ko diet ko kasi ang sasarap nung niluto ni Mommy.


After sending, I got stunned when he got online and was typing a reply already.


@IsaacAldereva:
Diet cheater haha. 'Wag na kasi diet! Kahit balyena ka pa, mabenta ka pa rin sa paningin ko, ma'am.


I bit my lip when I read his reply. I didn't know how to react but my heart was quick to pound inside me. Rupok! Catalya naman!


He sent another.


@IsaacAldereva:
Kumain na 'ko. Ingat ka. See u tom :)


Hindi ko napigilang mapangiti sa nabasa. 'Di na rin ako nag-reply. But I quickly hid my phone when I noticed Kian peaking at it. Oh, nang-iintriga na naman!


"Nice nice! May bagong kalandian na naman! Sana all!" He laughed, coughing suddenly when I narrowed my eyes at him.


"Sino 'yan?" pag-iintriga niya.


"Ba't ko sasabihin? Ayaw mo nga sabihin pangalan nung ex mo!" Ganti ko sa kanya.


Sumimangot lang siya. "Edi sasabihin! Faye name niya,"


Naningkit ang mga mata ko. "Faye? Faye who?"


"Ah basta Faye! Taga East High. Ikaw, sino kalandian mo ngayon?"


I scoffed dramatically. "Hah! I am not flirting with any man! Wala akong kalandian. Ang meron ako na wala ka ngayon, manliligaw!" Pagmamayabang ko.


But he only laughed at me!


"Tangeks! Wala talagang manliligaw sa akin kasi ako nanliligaw! Tsaka, maniniwala ba 'kong may seseryoso sa'yo?! Joke ba?" He laughed again.


I scrunched my nose, getting irritated by each second now. Wow, patama 'yon ah!


"The way you laughed and answered what I just said is insulting, Kian," humalukipkip ako.


He chuckled. "Imposible kasing papayag kang may manligaw sa'yo! You only like flirting, not courting. So don't go blaming me if I don't want to believe that, a suitor... you have one?"


Pinukulan ko lang siya ng masamang tingin. Why did I even say that he's my favorite cousin?


"Duh! People change!"

.

.

.

Patricia

Tapos na naman ang klase ngayong araw. Third day of the week. It's And we're just watching the Viking players do their practice at the gym. Practice para sa Game 2 sa Saturday. Marami pa ring tao kahit practice pa lang.


Naghiyawan ang mga tao nang paglaruan ni Isaac ang bola sa pagitan ng kamay niya at court floor bago ito mahusay na gumalaw. He executed a dunk. Pasok ang bola!


"WHOOOOO! GO BABY ISAAC!" Sigaw ng isang junior sa gilid bago siya sinuportahan ng mga kaibigan. Kilig na kilig pa na siyang ikinatawa ko.


I looked at Isaac.


Hindi sapat ang salitang naninibago para maipaliwanag ang nararamdaman ng bawat isa sa amin kapag napapansin namin ang paraan ng pagtitig ni Isaac sa pusang katabi ko. I mean, all the fans of that Viking player are glaring at her. Every damn time.


Nailing na lang ako. Yung mga fans nga ni Axel, ang sasama rin manitig sa akin. It's really bothersome. But at the end of the day, if we let ourselves be bothered by their opinions and jealous bashing, what credit would we get? Nothing. Maybe it'll only give us headache. Kaya minamabuti na lang naming huwag pansinin. This is what we get for being associated with the members of the Vikings.


But Catalya... I never expected this. Shit parang dati lang, si Isaac ang panay sulyap sa kaibigan kong sobrang manhid, ngayon, chini-cheer na siya ni Catalya.


Akalain niyo 'yon?!


"Sige, ngiti ka pa! Maraming panty malalaglag dahil jan! Kanis naman 'toh!" Kunot noong saad ni Cat nang lingunin siya ni Isaac sa di kalayuan.


Natawa ako dahil malamang hindi iyon narinig ni Isaac kasi medyo malayo siya at maingay ang fans. 



Catalya

I massaged my temples when I heard Isaac's fans shout their undying love and support from him. May isa pang nagsigaw ng, 'GUSTO KITANG I-UWI SA BAHAY NAMIN! ANG HOT HOT MO ISAAC! PATIKIM NAMAN!'


The audacity! Talagang isinigaw pa! Hindi na nahiya na walang filter yung mga sinigaw niya! Sobrang lakas pa akala ko tuloy masisira na kidney at bunganga niya! Stretched na stretched siguro!


I glared at Isaac when he looked at my direction while Luke was instructing him something. He winked at me.


Umingay ulit sa banda kung saan nagkumpulan ang mga fans ni Isaac.


"Lintik! Kindat pa!" I gasped and shook my head.


"Why are you so annoyed?" Kinalabit ako ni Za. Umingos lang ako bilang sagot.


"Ewan ko rin. Bakit ba kasi ngiti ng ngiti 'yan e dati naman hinde?!" Turo ko kay Isaac. I made a face when he glanced at me again and smiled before saying something to the Captain.


Lalong nalukot ang mukha ko nang marinig ang pagtawa ni Za.


"Kaya nga. Bakit nga ba ngiti siya ng ngiti ngayon e dati naman hindi 'yan ngumingiti? Hindi rin 'yan namamansin ng babae, at di rin tumitingin dito sa bleachers. Bakit nga ba? I wonder what the reason is too, " nagtatakang sabi niya pero may kakaibang kisap sa mga mata niya. It's like she's teasing me innocently. But I knew better.


"Whetever," I just gave her an obvious sarcastic smile. Tinawanan niya iyon saka napailing at muling nginitihan ang Kapitan.


Kamuntikan ko nang hindi tapusin ang panonood sa practice ng mga Vikings. Kaso, nung tumayo ako kanina at sinenyasan si Isaac na uuwi na ako, tumigil siya sa paglalaro. Pinagalitan pa siya ng coach nila pero sa akin lang siya nakatingin. And he gave me that darn pleading look. Biglang hindi siya mapakali sa paglalaro and he kept glancing at me, frowning while I was just standing. Sa huli ay napilitan akong maupo at manood ulit hanggang sa matapos ang practice nila.


"What elese do you want to eat?" He asked me while chewing his kwek-kwek. Lumabas lang kami dito sa park para kumain ng masarap na fishball at kwek-kwek. Nakapag-ligo na rin siya sa headquarter nila kanina. He looks handsome wearing a plain white shirt and black sweatpants. He also wore a silver necklace.


I pursed my lips while looking at the sauce that sticked on  his jaw. "Parang bata. Ang kalat mo," Sita ko sa kanya.


I leaned closer to wipe it off.


Binatukan ko naman siya nang pumorma ang isang masayang ngiti sa labi niya pagkatapos kong punasan ang baba niya gamit ang palad ko. "Aguy, tamis!" tawa niya saka nginuya ang kinakain.


I almost rolled my eyes when I saw some elementary girls admiring Isaac from afar. Nagtutulakan pa sila sa kung sino ang lalapit dito sa stall para bumili ng kakainin nila. Pati mga bata, naaakit niya.


"Hmph!" Sumubo ako ng isang buong bola ng kwek-kwek.


"Oh, why the sudden grumpy face?" Tumigil si Isaac sa pagnguya at tinignan ang mukha ko.


"Pwede ba next time, magsuot ka ng mask? Surgical mask or whatsoever that can hide half of your face,"


"Bakit? Para naman ako may sakit n'yan," he laughed. Tinusok niya gamit ang stick ang dalawang fishball na nasa paper cup niya tsaka iyon pinasubo sa akin.


Sinimangutan ko lang siya tsaka nginuya iyon. "Ayoko ng fishball. I want kweky," I said while chewing.


I stared at him when he suddenly stopped. "A-ano? You w-want.. quickie?" Naaligaga siya. His eyes were wide.


My brows furrowed. Huh? Napakurap ako at mabilis inapakan ang paa niya sa ibaba ng lamesa nang mapagtanto ang sinabi niya. "Pucha," mura niya.


"What quickie are you saying?! I said kweky! Kwek-kwek yon, gagi!" Hindi makapaniwalang sikmat ko sa kanya.


His lips formed an 'O', realizing what I meant. Then he chuckled at his own misunderstanding.


"Sabihin mo kasing kwek-kwek para pamilyar! Anong alam ko sa kweky? Rinig ko tuloy quickie," he laughed.


"Bibig mo, Isaac!" Pinandilatan ko siya dahil lumapit na 'yung mga batang nabibighani sa kanya.


He just winked at me and stood up. He walked to the cart. "Ate, pabili po ng kwek-kwek. Gustong gusto ng babaeng sinisinta ko 'yan,"


I frowned when I saw the elementary girls beside him giggle before looking at me. Tinapunan ko ng tingin si Isaac na nakatayo sa 'di kalayuan. May sinabi ba siya? What did he say that made the girls who heard him giggle?


I only smiled awkwardly when the girls giggled again and threw me wide smiles. "Ate! Bagay po kayo ni Kuya gwapo! Ang ganda ganda niyo po!" Sigaw nung isa bago sila nagtatakbong umalis at kinikilig matapos makabili ng kakainin nila


Even ate manlalako is smiling widely. Yung tipong kinikilig tapos patingin-tingin pa sa akin. Isaac was saying something to her which I can't hear from the distance.


"They're all smiling. It feels weird. What did you tell them?" Tanong ko sa kanya nang maupo ulit siya sa harap ko at inilapag sa lamesa ang mga kinuhang pagkain.


"Weird ba? Sabi ko kasi gustong gusto kita. Bubusugin kita ng pagkain para lagi kang masaya. Sabi ko rin na baka mas masaya ka kung bibigyan kita ng singsing na gawa sa kwek-kwek,"


Nanlalaki ang mga mata ko. "Para kang timang! Kung ano-ano pinagsasasabi mo. Tingin mo nakakatuwa 'yan?" Paninita ko.


"Ha?"


"Anong ha? " I said.


"Ha like you," banat niya bigla.


Binuntutan niya iyon ng tawa nung mapansing natigilan ako. It was the loud beating of my heart that made me still. Tinago ko lang ang kakaibang naramdaman ko sa pag-ismir sa kanya. Sa'n niya nakuha ang ganong banat niya?!


"Not funny," irap ko sa kanya.


He only laughed. "Ouch! Basted!" He dramatically held his chest and looked at me with fake hurt.


Hindi ko naman napigilang mapangiti habang pinapanood ang pagtawa niya. I bit my lip and quickly looked away when he gazed at me.


"Uy," tawag niya sa atensyon ko.


Pagtingin ko sa kanya, nahigit ko ang hininga ko nang malambing siyang ngumiti.


"Ano?" I just asked and looked away, hiding my flushed cheeks.


"Wala, ang ganda mo lang," casual niyang sabi habang titig na titig sa akin.


I held back a blushing scream. "Isaac, stop it," I warned him because I myself is quickly getting red cheeks if he won't stop his incredible words that are sending butterflies to my stomach.


Ngumisi lang siya. Nagtusok lang ako ng isang kwek-kwek at isinubo iyon sa kanya na kaagad niyang tinanggap.


We were busy eating when suddenly, his phone rang. Kita ko ang saglit niyang pagtingin sa phone niya na nasa lamesa tsaka ulit sumubo sa fishball niya, walang pakialam sa tumatawag.


"Answer it," saad ko. "It's distracting," dagdag ko pa.


He only glanced at me before chewing again. "Ayokong sagutin. 'Di naman importante," saad niya lamang at sumubo ulit.


"Isaac," untag ko.


Panay pa rin sa pagtunog ang phone niya. Isaac stared at me before looking at the phone again. At nung akala ko ay sasagutin na niya, nagulat ako nang ilapit niya sa akin ang phone niya.


"Anong gagawin ko jan? Sagutin mo na, ang ingay e!" Reklamo ko pero nagkibit-balikat lang siya.


"Ikaw sumagot. I'm busy eating," pagdadahilan niya at umaktong busy sa pagkain.


"Gago ka ba?"


"Gago sa'yo?" Isaac shot back.


I just glared at him before glancing at his phone. "Sino si Franchesca?" Tanong ko sa kanya. Iyun kasi ang naka-rehistro sa screen niya.


He shrugged. "Sagutin mo. Sabihin mo girlfriend kita," prenteng sabi niya at kumain ulit,


"What?!"


"Whatatops" pambabara niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Gago," bulyaw ko lang. He smirked and gestured the phone.


This man is kidding right now!


Inirapan ko lang siya tsaka kinuha ang phone niya at sinagot iyon dahil mukhang walang balak ang manlalarong kaharap ko na sagutin iyon.


[Hon! What took you so long to answer?! At bakit ngayon mo lang sinagot?! I contacted you for how many times for the past weeks but you always ignored me!]


Inilayo ko mula sa tenga ko ang phone dahil sa tinig at lakas ng boses ng babae. I frowned with what I heard. Agad kong tinignan si Isaac dahil 'don.


He was just looking at me like a kid, watching me answer the call of his honey. Hon?! Eww! It's not on speaker so he can't hear whatever this girl is saying.


[Isaac. You've been ignoring me for two whole months already since I saw you with the girl you kept following around! Answer me naman. I want to hear your voice..]


I cringed at how seductive her voice sounded.


I covered the speaker before glaring at Isaac. "Sino 'to? Bebe mo?" I asked.


Dali-dali siyang umiling. "Ikaw lang bebe ko 'noh!" Depensa niya agad.


My lips parted with his answer. Pero agad akong nakabawi at inirapan na lang siya habang dama ang Isaac-effect na dumadaloy ulit sa sistema ko. Ugh, shuta!


I scratched his head. "A-ano. Naging f-fling ko 'yan dati. She confessed. Mahal na daw niya ako," kabadong wika niya at nag-iwas ng tingin.


"I was drunk that night. Isang beses lang naman, pero mahal na raw ako. I swear, matagal na 'yung nangyari sa amin. I abruptly got rid of her after what happened," pagpapaliwanag niya. Napakamot ulit siya sa batok niya nang itagilid ko ang ulo ko.


"O! Ano naman ngayon sasabihin ko? Miss ka na raw," gagong 'toh! Ako pa pinapasagot sa naging babae niya!


"Patigilin mo. Sabihin mo girlfriend kita para tumigil na sa kakasunod sa akin," he even gave me a thumbs up. Showing support, ganon?


"Kupal ka," sabi ko lang sa kanya.


I rolled my eyes again when I heard the girl complaining.


[HON NAMAN EH!! Sinundan kita sa bar last week but you just ignored me! I said I love you. Why don't you love me back?] her voice sounded like she's about to cry.


Napailing na lang ako. This girl is obviously in love with Isaac! Boses pa lang, halatado na.


"Kinama ka lang ng isang beses, mahal mo na? Galing ah. Magic 'yan," sagot ko sa babae at humalukipkip nang makita ang pagpipigil ni Isaac ng ngiti. The line became silent.


[Who is this?! Why are you answering the call?! Where's Isaac!] Hysterical niyang sigaw.


"Nasa banyo siya, tumatae," I answered.


I stifled a chuckle when Isaac choked on his food, grabbing a bottle of water to push it.


[WHO ARE YOU?! WHY ARE YOU EVEN ANSWERING HIS PHONE CALLS!] screamer siguro 'to. Loud sex hilig.


Kinuha ko ang juice at sumimsim roon. "Simpleng babae lang naman ako. Maganda. Medyo mahaba ang buhok. Magaling. Law student. Tsaka sexy," I answered and chuckled when she let out an annoyed shout.


"Oh! May nakalimutan pa pala akong banggitin," saad ko at ngumisi nang inis siyang magtanong ng 'what?'.


I looked at Isaac and gave him a glare. He just ate another fishball.


"I am Isaac's girlfriend. So better stop bothering my boyfriend. Annoying ka na raw kasi, nagrereklamo na siya sa akin," diretsahang sabi ko tsaka na siya pinatayan ng tawag.


Pagkatapos, ibinaba ko ulit sa lamesa ang phone ng Viking na kaharap ko at sinalubong ang tingin niya. "Boom," he said and chuckled, amusement playing in his eyes.


"Panis 'yon!" Natutuwang sabi niya pero tinapon ko lang ang malinis na crumpled tissue sa gawi niya. Umilag siya at tumawa.


"If a woman you bedded before calls again, don't ever give me your phone and make me answer. User ka eh! Ginamit mo 'ko para tumigil 'yung babae mo sa kakahabol sa'yo!" Akusa ko sa kanya pero tawang tawa lang siya.


"Ngayon lang naman kita ginamit! Sa susunod, magiging totoo na rin naman 'yung sinabi mo," he said, defensive.


"Magiging totoo ang sinabi ko'ng ano?" Nalilitong tanong ko.


Pero napaayos ako ng upo nang unti-unting sumilay ang isang ngisi sa labi niya. "Na girlfriend kita,"


I raised a brow. Yung puso ko na naman sumalang sa speed racing!


Isaac grinned sheepishly. "Feeling ko kasi, malapit mo na 'ko sagutin. Siguro dapat simulan ko na pag-iisip ng tawagan natin," 


My breathing hitched. The hell is this man saying?


"Babe? Ayokong tawagin ka n'on. The boys around you calls you that," ismir niya bigla at nag-isip ulit.


"Baby?" He asked.


"Darling?" He asked again.


"Sinta?" And again.


Isaac stopped for a while and began thinking more. "Ano ba gusto mo? Mahal ko? Sinta ko? Sweetheart? My sugar?" Baling niya sa akin. Ang mga mata niya ang nanunukso at tuwang tuwa.


"Kupal ka talaga," I snapped with unbelief.


Tumaas lamang ang sulok ng labi niya. "Ahh, ganyang tawagan gusto mo?"


"What?"


"Yes, kupal ka?" Balik sabi niya sa akin kaya inis ko siyang tinapunan ng tissue. Tawagin ba naman akong kupal ka! "Isaac!"


Malakas siyang natawa. "Oo na. Titigil na po, " tumigil siya at ngumiti. And I was surprised when he took my hand and intertwined it with his. It fits perfectly.


Itinapat niya ang isang kwek-kwek sa bibig ko.


"Kain ka pa, love," malambing niyang sabi.


My lips parted. But he just smirked sexily. "Date tayo bukas," he said before I ate the kweky ball.


.....
.
.
:)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 37.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
1M 32.9K 45
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
2.3K 91 13
Except for his family, Ace Kane Gabriel was wary of everyone. When he nearly killed his real family, he learned his lesson. He built a massive wall t...