The Billionaire's Adopted

By leexhian

322K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... More

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
15 The Condition
16 Her New Home
17 Problem? Solve!
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
23 Struggle at School
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
32 The Calm Before The Storm
33 The First Impression
34 Lies and Explanation
35 The Touch
36 The Mama
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
51 Boring

50 Twinkle Night

1.9K 112 22
By leexhian

[ALANA]

"Ah! Great, you're just in time. Kadarating lang namin."

"Wait a minute. Why are you with her?" tanong ni Roman na may pagkainis. "What's the meaning of this? I thought magkikita tayo dito dahil may importante tayong paguusapan."

"Hey, relax. I just thought that it would be nice if Alana comes along sa paguusapan natin." Ngiting sagot naman ni Roman sa kaibigan.

"We're talking about work, Howard." Giit ni Roman. "Pinapunta mo lang ako dito, bumyahe ng sobrang tagal at na-stock sa sobrang traffic ng dahil sa kalokohan mo. Are you kidding with me right now?"

"As I said I have a reason kung bakit pinapapunta kita dito and I am not kidding. You do have a "work" here to at 'yun ay mamamasyal tayong tatlo."

"What. Is. That. Mean?"

"Oh, come on! Alam ko naman na hindi na masyadong busy sa trabaho kaya kesa nakatambay ka lang sa opisina mo, samahan mo na lang kami para makapag-relax. Also, Alana was trying her best to get things back as before. Bakit? Ayaw mo bang makasama ang future daughter mo ngayon? Well, I'll obliged kung ako na lang. After all, I have the capability to do something that—"

"Howard!"

"And isusumbong kita nila Tita at Tito na hindi mo inaalagaan ng maayos ang apo nila. Sige ka."

Ilang segundo itong tinignan ng masama si Howard. "Fine." Sagot nito.

"Great! Just a moment, I have to take this call. Yes? Hey, Jessie!" Lumayo muna si Howard kaya naiwan silang dalawa na magkaharap sa isa't isa. Hindi niya ito kayang tignan at tanging mga ingay ng mga tao ang nakapalibot sa kanila.

"Um, hi." Mahinang sambit nito. How are you?"

"A-ayos lang." Mahinang sagot niya rito.

"Hindi ko alam na magkasama pala kayong dalawa. You should tell me."

Galit na naman ba ito? "Gusto ko! Gusto kong ipaalam sa'yo." pilit niyang kumbinsi rito. "Pero, papaano ko sasabihin sa'yo kung hindi naman tayo nagkikita? Wala ka at—"

"Um, guys? Sorry but I have to go." Agad sabi ni Howard pagbalik rito.

"What?!" biglang napasigaw si Roman. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito pagkatapos aalis ka?"

"Well, I'm sorry but this is business."

"And I am here because of that! Niloloko mo ba ako?"

"Um... So-so?" pikit balikat nito.

"You son of a bi—"

"Hep, hep! Don't you forget? Alana is here." Sabay turo sa kanya. "Please don't teach bad words to your daughter. Actually, hindi naman talaga kita niloko. You do have business here because your tonight, your business is Alana."

"What?"

"Sus! Kailangan ko pa ba i-explain sa'yo? You two should find it for yourselves, okay? Aalis na ako. Bye, Alana! I really, really enjoy our bonding kanina. Take good care of that bracelet I gave you! Have fun with your Dad!" sabay kumaripas ng takbo.

"I'm really sorry sa inasal ni Howard. He's really pain in the as—sorry kalimutan mo na lang ang sinabi ko. So... where do you want to start? You want to eat something o sumakay sa mga rides?"

"Doon."

"Huh?"

Tinuro niya ang isang ride na may mga kabayo at may mga batang masayang sumasakay. "Gusto ko sumakay 'dun."

"Oh, o-okay."


[ALANA]

Carousel pala ang tawag sa una niyang sinakyan. Ngayon pa lang kasi niya ito nakita sa personal at ng pagsakay niya, nakakahilo man pero nage-enjoy siya. Halos mga bata ang nakasabay niya at minsan tinitignan siya pero balewala 'yun dahil naranasan din niyang sumakay sa ganitong kasayang rides.

Sunod-sunod na ang mga gusto niyang sakyan. Bumper cars, double shot, octopus, at pirate ship. Talagang sinuyod at sinakyan niya lahat kung anong makikita niyang rides. Masaya at exciting ang nararamdaman niya na parang tumilapon ang kanyang katawan.

Pagkatapos ay nagpasya muna silang kumain. Cotton candy ang sa kanya at mineral water naman kay Roman. Nag-enjoy siya sa mga rides na sinakyan niya pero huli na niyang nalaman at nagaalala siya para kay Roman. Para kasing naging matamlay ito at parang nahihilo. Mukhang hindi ito sanay na sumakay sa mga ganoong rides.

"Um, ayos ka lang ba?" tanong niya rito.

"I'm fine. Nag-enjoy ka ba?"

"Sobra. Ang galing pala ni Howard pumili ng mapapasyalan. Sa amin kasi hanggang pasugalan at isang peris weel lang ang nandoon kapag piyesta. Ang dami kong nakita at napuntahan na nakakatuwa. Kita mo oh," pinkita niya rito ang biniling gold bracelet ni Howard para sa kanya. "Binilhan niya ako ng ganito. Todo tanggi pa ako kay Howard nito dahil masyadong mahal pero ang sabi niya regalo niya ito sa akin kasi magkaibigan kami at tiyaka—" natigil siya sa pagsasalita ng makita ang mukha nito na nakakunot at parang tulala.

"Ayos ka lang ba talaga? Sorry sinama pa kita sumakay. Hindi ko alam na hindi ka pala sanay."

"I'm fine. Nag-enjoy naman ako. Well, not so dahil tama ka hindi ako sanay and it's been so long since sumakay ako sa mga nakakalulang mga rides."

"Ganoon ba?"

"As long as you're happy, you don't have to worry about me. You're talking about Howard, right? Close na pala kayo ngayon?"

"Siguro. Kaibigan mo siya eh kaya naging kaibigan ko na din."

"But be warned baka ma-hooked ka sa mga bulaklakin niyang mga salita."

"Hindi no. Alam ko naman na may pagkabolero si Howard pero siya na mismo ang nagsabi sa akin na hindi niya ako igagaya sa ibang babae kaya panatag akong makasama siya."

"Really? That's good... at least."

Natulala na naman ito. Medyo hindi sila makakapagusap ng masinsinan dito dahil sa ingay ng mga tao kaya may naisip siyang idea.

Tumayo ito. "It's six now so... let's go home."

"Sandali."

"Yes?"

"Bago tayo umuwi, pwede bang samahan mo muna ako."

"Hm? Where? May papasyalan ka pa ba?"

"Oo. Gusto ko sanang sumakay doon." Sabay turo sa ferris wheel.

"Oh, sure. Akala ko kung anong extreme rides na naman ang sasakyan mo. I can handle that one."

Pagkatapos niyang kumain, agad silang sumakay sa ferris wheel. Nakamasid lang siya sa ganda ng tanawin sa ibaba pero silang dalawa naman ay hindi nagkikibuan.

Eto na siguro ang hinihintay niyang pagkakataon para makausap ito ng masinsinan at masabi ang gusto niyang sabihin.

"Roman, humihingi ako ng patawad sa nagawa ko at sa mga sinabi ko sa'yo."

Kita niya na may konting gulat sa mukha nito. Patuloy niya. "Alam ko na mula ng mangyari 'yun, iniiwasan mo na ako pero hindi ko naramdaman na pinabayaan mo ako. Siguro ayaw mo lang na may komprontasyon na naman tayong dalawa. Naintindihan ko na kapakanan ko ang inuuna mo at malaki ang pasasalamat ko na ng dahil sa'yo, wala ako sa kinatatayuan ko. Nakakapag-aral ako, may tirahan ako, mga gamit na hindi ko lubos akalain na magkakaroon ako at mga makakilala ng mga taong magiging kaibigan ko."

"Alana, I—"

"Hindi ko inisip noong gabi na 'yun na magagawa kong sumagot-sagot sa 'yo. Nadala lang ako sa nararamdaman ko dahil sa kalagayan ko habang nasa eskwelahan ako. Wala kang kasalanan dahil sa kagustuhan kong hindi ipaalam sa'yo na iba ang trato sa aking ng mga kaklase ko, ayokong dumagdag sa mga aalahanin mo lalo na marami kang inaasikasong trabaho.

Marapat akong parusahan. Tama lang ang ginawa mong parusa sa akin. Tanggap sa kalooban ko na gawin mo 'yun at ng dahil 'dun, nakapag-isip isip ko na hindi ko dapat isekreto ang mga bagay na makapag-aalala sa'yo.

Sana mapatawad mo ako. Hinding-hindi ko na uulitin ang ginawa ko."

Pinagmamasdan lamang siya nito. Natatakot siya na baka hindi nito tatanggapin ang paghingi niya ng patawad rito. May mali ba siyang nasabi? Kulang ba ang mga sinabi niya o hindi ito naniniwala sa kanya?

Napabuntong hininga ito tiyaka tumayo. "Move, uupo ako."

Umusog siya para makaupo ito sa tabi niya. Bakit kaya?

"Ako din dapat humingi ng patawad for what I did that night. Medyo sa sobrang pag-aalala at pagkagulat ko ng gabing 'yun, wala na ako sa isip ko. Nagsisisi akong ginawa ko 'yun sa 'yo.

I was so worried ng nalaman ko na umalis ka ng bahay ng 'di ka nagpaalam then ng sinabi sa'kin ni Howard na nakita ka niya sa isang bahay para sa isang party, nag-panic agad ako. Much more panic na may mga pulis na palang pumunta at nasali ka sa mga hinuli.

I can saved you anytime that time pero kailangan mong malaman, maramdaman at matutunan na hindi lahat ng desisyon ay tama. Hindi mo pa kabisado ang buhay mo dito sa siyudad. Unlike sa isla kung saan ka galing, may freedom kang gawin ano man ang gusto mo. Dito, kailangan mong bantayan ang sarili mo araw-araw para walang mangyayaring masama sa 'yo.

I am not your real father pero ginagawa ko ang lahat para sa 'yo pero may pagkukulang din ako. Sa kagustuhan ko maging komportable ka at binigay ang nararapat sa 'yo, hindi ko inisip ang nararamdaman mo. I'm so sorry."

"Ah, huwag kang mag-sorry."

Umilinhg ito. "No, kailangan."

"Um, pinapatawad mo nab a ako?"

"Hindi ko kayang magalit sa 'yo ng matagal, Alana. Simula ngayon, kalimutan na natin ang nangyari. Okay ba?"

Biglang gumaan ang kanyang pakiramdam na para bang nawala ang bigat na dinadala niya ng ilang araw. Napangiti siya. Ang saya niya sa wakas bumalik na ulit sa dati ang lahat.

Pero, napalit ng gulat at pagkamanhid ng kanyang katawan ng biglang sumandal ang ulo ni Roman sa kanyang balikat.

"A-anong..."

"I'm really, really tired today. Gisingin mo na lang ako 'pag nakababa na tayo, huh?"

"Si-sige."

"You look so pretty today. That dress looks good on you."

"Um... sa-salamat."

"And bibilhan din kita ng necklace so you pwede mo ng 'di suotin ang binili ni Howard para sa 'yo."

Naku, hindi na niya alam kung mage-enjoy pa niya ang mga tanawin. Tanging nakapokus lang siya sa mabangong amoy at bigat ng katawan nito. Hilong-hilo siya sa mga nangyayari ngayon.

Ang tindi ng kabog ng kanyang dibdib. Ito ang kauna-unahan na may sumadal na lalaki sa kanyang balikat!

Iwaglit muna natin ang pagiging ama ni Roman sa'yo. Anong tingin mo sa kanya bilang lalaki?

Gusto mo ba siya maging boyfriend?

Si Howard naman kasi, eh!


To be continued...

A/N: Alana, itodo mo na! Maging maharot ka naman!

If you like the story, please support me by FOLLOW my WATTPAD Account. I really appreciate your support and aasahan po ninyo na gagawin ko po ang makakaya ko na bigyan kayo ng magaganda at exciting na mga storya.

ChuAmnidah and see you in the next chapter!!

Continue Reading

You'll Also Like

235K 5.8K 62
Rafael Sebastian was diagnosed with a condition called Dissociative Identity Disorder or D.I.D, people who suffer from DID often have 2-3 different i...
216K 4.5K 20
Walton Series: Landon Aaren Copyright © 2018 By Sang (MiyukiChan_29)
1.8M 36.6K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
156K 3.7K 54
What will you do if you end up in someone else body?