Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.6K 623 182

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

16

57 14 4
By Sky_Supreme

Chapter's Theme Song: Lost In Love by Air Supply


Chapter 16


Habol hininga kami ni Estefanio nang makalayo mula sa tahanan nina Lolita. Hindi ko na maalala kung paano at saan kami nagsususuot hanggang sa makita ko na lang ang makulay na kalsadang dinaanan namin kanina.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong binitawan niya na ang kamay ko. Napalingon siya sa akin at ngumiti.

"T-that's a bit intense," natatawa niyang sabi. Kumunot-noo naman ako. Marahang umiihip ang sariwang hangin sa paligid namin sa kalagitnaan ng hapon. Mangilan-ngilan lamang ang taong nakikita namin sa daan subalit dinig namin ang mga ingay, kantahan, at tawanan sa paligid.

"I just acted kanina," ani Estefanio. Tinignan ko naman siya ng seryoso.

"U-umarte?"

May kung anong kinuha siya sa bulsa niya at napagtanto kong isa iyong mask. Ito 'yung itim na mask na suot niya dati nang magkita kami pagkatapos ng una niyang presscon dito sa Pinas.

Isinuot niya muna ito at saka nagsalita. "That scene kanina sa harap ng mga bisita nila Lolita. That was just a plain acting." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kahit na hindi ko makita ang mga labi niya. Pero, halatang okay nga lang siya.

Nakangiwi ko siyang hinarap. "B-bakit mo 'yun ginawa?" natatawa ko na ring tanong sa kaniya. Halos mag-panic kaming lahat doon kanina dahil sa pagsuka-suka niya at paghabol sa hininga pero ngayon malalaman kong hindi pala iyon totoo.

Tumawa muna siya bago sumagot. Nakaharap ang katawan ko sa kaniya habang siya ay nakaharap lamang sa mga punong nasa gitna ng mga kalsada ngunit ang mukha niya ay nakagawi sa pwesto ko. "They are actually kind people especially Lolita's grandma, but I find it little awkward. To be honest, I'm not that comfortable being there. I-it's just, I don't want to be impolite, but out on my mind, I'm thinking of a way to get out," paliwanag ni Estefanio. Nanlaki naman ang mata ko sa kaniya.

"W-what? Umarte ka para makaalis doon? I never thought an Estefanio Del Carpio will do this," saad ko pa habang natatawa sa kaniya. Nginitian niya naman ako.

"I'm still an actor Juliet, remember?" sabi nito at kinindatan pa ako. Napatango-tango naman ako sa kaniya pero sa isipan ko ay kakaiba rin pala talaga si Estefanio Del Carpio.

Liningon ko ang buong paligid at natanaw ang simbahan ng Obando sa 'di kalayuan. Gayundin, nakita ko ang isang plaza malapit dito. Hindi ko maintindihan pero napapangiti na lang ako sa paligid. Pakiramdam ko, may kung anong bahagi ko ang naririto sa Obando.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Estefanio na nakaharap lamang sa daan. Naka-sideview siya mula sa akin pero kita ko ang aliwalas ng mukha niya at ang bahagyang paghinga niya kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Na-realize ko naman ang isang bagay. "Paano na ngayon? S-sina Kuya Arnolfo pala naroon pa sa labasan nina Lolita?" Liningon naman ako ni Estefanio.

"Don't worry. I'll just send him a message about us." Taka ko naman siyang tinignan.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko.

Muli niya akong liningon at umiling. Hindi ko man kita ang buong mukha niya subalit sa mata niya, alam kong nakangiti siya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Ilang pulgada ang layo namin sa isa't isa nang ilahad niya sa harap ko ang kaliwang kamay niya.

Umihip pa ang isang malakas na hangin dahilan para tangayin ang ilang hibla ng buhok ko sa likuran. Gayundin, ang buhok ni Estefanio na bumabagsak patungo sa kilay niya ay bahagya ring linilipad.

Mula sa pagkakatitig ko sa mga mata niya ay bumaba ito sa kamay niyang nasa harap ko. Unti-unti niyang hinarap sa akin ang palad niya. Nagtataka ko itong tinignan nang na-realize kong ito ang kamay na pinang-hawak niya sa akin kanina. May magkahalong mga berde at puting pintura ito na tulad din ng nasa kanan kong kamay. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya.

"I want to spend the remaining hours of this day around this place...with you."

Natigilan ako.

Ramdam kong lumalim ang bawat paghinga ko. Kusang bumuka ang bibig ko para sana sagutin siya ngunit walang anumang salitang lumabas dito.

"Walk with me. Let's roam. Let's get lost together,” sabi pa niya habang nakatitig sa akin. Natulala na lamang ako sa kaniya at pakiramdam ko ay bumabagal ang buong paligid sa bawat mga katagang binibitawan niya.

Sa pagitan ng matatayog na puno, sa gitna ng daan, at sa gitna ng mga boses na nagsisiyahan sa paligid, nasa harap ko ang isang taong kayang patahimikin ang buong paligid ko... sa tuwing kasama ko siya.

Nagulat ako nang kunin niya na ang kamay ko. "C'mon Juliet. You painted my hands, now you owe me something," nakangiti niya pang sabi. Wala na akong nagawa kundi magpadala sa kaniya at sabayan siya sa mahinang pagtakbo.

"Let me enjoy the Philipines!" masaya niya pang tugon nang mag-umpisa na kaing tumakbo sa gitna ng sementadong daan. Napangiti na lang ako nang ma-realize na hindi ito oras para tumigil ang mundo. Ito ang oras para namnamin ko ang bawat sandali dahil kasama ko si Estefanio.

Sinabayan ko siya sa pagtakbo habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Siguro kung may makakakita sa amin ngayon, iisipin nilang mga batang paslit kami habang tumatakbo sa gitna ng daan at paikot-ikot pa.

---

"Hmm. This taste good," komento ni Estefanio nang mapadako kami sa isang kwek-kwek vendor. Kanina pa kami naglilibot-libot sa iba't ibang stalls at tindahan sa paligid ng plaza at simbahan ng Obando. Maswerte kami at wala nang nakakilala kay Estefanio kaya't malaya siya ngayon maglibot-libot dito sa public na lugar. Unti unti na ring bumababa ang araw pero napaka-energitic pa rin nitong kasama ko.

"Syempre, tinda ko 'yan eh," komento ni Tatang na may ari ng stall kung nasaan kami kumakain ngayon ni Estefanio. Nginitian ko naman ito. May mga katabi rin siyang stall ng streetfoods kaya't mukhang linakasan niya talaga ang boses niya para ipagmalaki ang tinda niya sa mga kakompetensiya niya.

"Teka, hindi ba kayo taga-rito?" tanong pa ng tindero. Umiling naman kami pareho ni Estefanio. Tumanggo-tanggo ang lalaki at nang dumako ang tingin niya kay Estefanio ay natigilan ito.

"P-parang pamilyar ang mukha mo hijo...” Nanlaki ang mga mata at nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Tatang at kay Estefanio. Wala namang paki si Estefanio at patuloy pa rin sa pagkain habang nakatanaw sa ibang mga stalls.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at ngingiti-ngiting tinakpan ang mukha ni Estefanio mula sa pagkakatitig ng tindero. "N-naku Manong, baka nagkakamali ka po," pagbibiro ko rito. Nagtaka naman ito sa akin.

"Artista ba 'yan?" tuloy pa nito at pilit sinisipat ang mukha ni Estefanio mula sa kamay kong nakaharang sa kaniya. "Boi, alisin mo nga mask mo." Mas lalong naglaki ang mata ko.

"Naku, m-may sakit po siya, bawal po makita ng mga tao ang mukha niya," mabilis kong pagrarason dito. Mas lalo namang napataas ang kilay nito. Napakagat na lang ako sa labi ko at ngumiti sa kaniya.

Magsasalita pa sana ito ngunit pareho kaming nabigla nang tumakbo si Estefanio. Nataranta naman ako at agad na tumakbo upang sundan siya.

"Kuya, bayad na kami ah," saad ko pa at ngumiti rito bago mabilis na umalis.

"Hoy, 'wag kayong patakbo-takbo riyan! Maraming tao! Saka ate, 'wag ka pong makasarili sa mukha ng syota niyo," narinig ko pang sigaw nito. Liningon ko pa ito at tinignan nang masama. Bakit ba interesado siyang makita ang mukha ni Estefanio? Pareho naman silang lalaki. Teka, hindi kaya...?

Natigilan ako sa pag-iisip nang maalala ko si Estefanio. Nakita ko pang tumigil ito sa isang stall kaya't mabilis rin akong nagtungo roon. "Napakahusay," usal ko sa sarili ko habang nakikipagsiksikan sa ibang tao papalapit sa kaniya.

"Hey, look Juliet. These are cute," turo niya sa ilang mga keychains at tindang nakasalansan sa tindahan ng isang ale. Napatingin naman ako rito at natigilan.

"Stars..." Saad ko nang makita ang mga hugis bituwing artificial crystals na keychain. Dahan-dahan ko namang sinuri ang mga ito. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa taglay na ganda ng mga ito. Magkakaiba ang kulay nito, ang iba may mga nakasulat na baybayin, may malilit na drawing, habang ang iba ay plain lamang.

"Bibili po ba kayo?" tanong ng Aleng nagtitinda. "Hindi po yan 'totoong mga kristal o mamahaling mga bato ngunit hindi po ba ay magaganda? Gawa pa po 'yan ng Tito at Tita ko mula sa Mindoro."

Patuloy naman akong nakatitig lamang sa mga tinda niya. Bukod sa mga bituwin na keychain ay naagaw rin ang pansin ko ng ilang mga hugis buwan na palamuti, mga dream catchers, at marami pang iba. Pare-pareho itong magaganda.

"Do you have necklaces or earings shaped like that?" narinig kong tanong ni Estefanio at itinuro ang mga huwis bituwing keychains.

"Ay meron po! Teka lang po ha," ani ng babae at yumuko sa may ilalim ng isang lamesa at doon nagbungkal ng iba pang mga paninda.

"Juliet..." Napatingin ako kay Estefanio nang tawagin niya ako. "Do you like that? Bibilhan kita but you'll have to choose one between necklace and earings," natatawa nitong sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"S-seryoso? Pero—kahit hindi na. Hindi ko naman kailanga---"

"Ma'am, huwag na po kayong tumanggi kay Kuyang mabango. Para naman mabentahan pa ako," singgit ng tindera. Ipinakita naman nito ang mga nakuha niyang ornaments. " Ito po Ma'am bagay ito sa inyo," sabi niya at iniangat ang isang pares ng earings na hugis stars. Maliit lamang ito at kulay puti. "May magic po 'yan," dagdag niya pa.

"How about necklace?" tanong naman ni Estefanio.

"Ayy, ito po Sir. May kapartner 'yan. Kulay blue naman ito. Halos parehas lang nitong mga hikaw, pinalaki nga lang at mas kita ang mga disenyo," sagot ng babae. Iniabot nito kay Estefanio ang tinutukoy nitong kwintas.

"May magic din po ba ito?" tanong ni Estefanio. Natawa naman ang tindera.

"Opo, kayo na lang ang bahalang umalam.”

Ipinakita sa akin ni Estefanio ang hawak niyang necklace. Isa itong blue colored at star shaped crystal na may mga linyang gold sa paligid nito. "Look, it's beautiful. I will buy this for you," saad nito.

"Pero---"

"Hep," pigil sa akin ni Estefanio. "Don't tell me na wala kang paggagamitan nito. You'll use this on my birthday." Natigilan ako at napakurap pa sa sinabi niya.

"Birthday?" July 20 ang pagkakaalam kong birthday niya at sa ngayon ay Mayo pa lamang. "P-pero dalawang buwan pa..."

"A-ah, let's not waste this moment," ani niya sa akin saka ngumiti. "Alam mo pala ang birthday ko?" Iniabot niya ang kwintas sa tinderang kanina pa nakikinig sa amin.

Marahan akong tumango sa kaniya. "I'm an avid fan, right?" Napangiti naman siya sa akin.

Hindi na ako nakatanggi pa kay Estefanio. Binili niya ang necklace at ibinigay sa akin. Tuwang-tuwa naman ang tindera dahil sobra pa sa presyo ang binayad ni Estefanio. Matapos mailagay sa maliit na box ng tindera ang kwintas ay inilagay ko ito sa bulsa ng suot kong damit.

Paalis na sana kami sa pwesto ng tinderang iyon nang makarinig kami ng mga tumutugtog sa 'di kalayuan. Pareho kami ni Estefanio na natigilan at sinundan ang mga taong nagsilabasan na rin sa kaniya-kaniyang bahay patungo sa may plaza ng simbahan.

"What is...that?" namamanghang tanong ni Estefanio nang makita namin ang mga nagsasayawang mga pares sa may harap ng simbahan. Maging ako ay napatulala rito.

"Sayaw sa Obando," turan ko. "T-that is the famous fertility dance here in Obando, Bulacan!" masayang sagot ko kay Estefanio. Matagal na itong kinukwento sa amin nina Mama. Sikat din ito sa mga palabas at balita pero ngayon ko lang masasaksihan ng personal ang pagtitipon na ito.

Napansin kong napatingin sa akin si Estefanio. "That's great! Let's watch!" saad niya at tumakbo palapit sa gilid ng kalsada kung saan nagaganap ang sayawan. Sumunod naman ako agad. Marami ring mga nanonood kaya't halos siksikan ang paligid.

"Wow," bulalas ni Estefanio nang ganap kaming makalapit dito. "What is this for?" tanong niya sa akin. Nangingibabaw sa paligid ang tugtug ng mga nagsasayaw.

"It is called fertility dance because most of the pairs that dance here are couples who wish to conceive a child," paliwanag ko sa kaniya. Halatang manghang mangha naman siya habang pinapanood ang mga ito.

"Cool, is this a Filipino folk dance? What it is called?"

Bumalik ang tingin ko sa mga nagsasayaw. "That is called...P-pandango," sagot ko. Mabuti na lang at kahit papaano ay may alam ako sa mga kultura at lugar sa Pilipinas. Kung hindi ay siguradong mapapahiya ako nito kay Estefanio.

"Let's dance with them?"

Mabilis akong napalingon kay Estefanio at gulantang siyang liningon. "What? N-no!" giit ko sa kaniya. Sinabayan ko pa ito ng pag-iling. Kahit na madalas ay sinasabayan ko si Estefanio sa mga bagay-bagay at pagpupumilit niya, isa ito marahil sa mga sitwasyon na kailangan kong tumanggi. Mapapahiya lamang ako kapag nagsayaw at tsaka isa pa, baka isipin ng mga taong makakita sa amin na batang mag-asawa kami at excited nang magkaanak!

Natawa siya nang makita ang reaksiyon ko. “I'm kidding.”

Sinimangutan ko naman siya nang biglang may isang babaeng nagmamadali ang nakasagi sa akin.

"Bilis, Gilbert."

Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon ng babae. Hindi ko nakita ang mukha nito dahil dire-diretsyo lamang ito sa paglalakad sa pagitan ng ilang mga taong nagsisiksikan rin para manuod sa sayaw. Ngunit...kilala ko ang boses na iyon at pamilyar sa akin ang paborito nitong pagkakaayos ng buhok...

"Ma..." wala sa sariling naibulalas ko habang tinititigan ang babaeng nakatalikod. Unti-unting namuo sa mga mata ko ang luha at pakiramdam ko ay nanginginig na rin ang mga kamay ko.

Humarap ang babae at nabigla naman ako nang may sumulpot sa harapan kong isang lalaking may kargang bata.

"Ito na. Si Clara kasi nagpabili pa ng cotton candy," sabi ng lalaki habang hinahalik-halikan ang pisngi ng paslit na karga niya. May hawak ang bata na supot ng cotton candy at napatingin ito sa akin nang makalagpas sa akin.

"P-pa...A-ate Clara..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko habang tinitignan silang tatlo na magkakasamang naglalakad palayo.

Sigurado ako. Hindi ako pwedeng magkamali... Sila ang mga magulang ko na nabubuhay sa taong ito...

"Hey? What is happening? Are you okay?" Si Estefanio iyon. Napalingon siya sa direksiyon kung saan ako nakatingin habang patuloy sa pag-iyak.

Miss na miss ko na ang pamilya ko...

Hindi ko nagawang sagutin si Estefanio. Mas lalong bumuhos ang mga luha at napahagulhol na lamang ako. Hindi ko alam kong anong dapat kung gawin ngayon.

"D-do you know them? What they do to you?" natatarantang tanong ni Estefanio. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Sa pagitan ng pag-iyak ay pinilit kong ngumiti sa kaniya. Inayos ko ang sarili ko at pinunas ang mga luha ko saka siya tinignan muli nang diretsyo. Bakas pa rin sa mga mata niya ang pag-aalala.

"C-can we follow them?" tanong ko sa kaniya sa pagitan ng ilang paghikbi. Kaya siguro nasabi ko kanina sa sarili ko na may kung anong bahagi ko ang matatagpuan sa lugar na ito... dahil nandito pala ang mga magulang at Ate ko.

Liningon ni Estefanio ang tinitignan ko. Nakita niya rin ang isang babae at lalaking may kargang bata na kasalukuyan nang tumatawid sa gitna ng kalsada. Ibinalik ni Estefanio ang tingin niya sa akin at tinanguan ako.

Walang anumang salita ay nag-umpisa akong maglakad para sundan ang mga magulang ko. Sumunod lang rin sa akin si Estefanio at hindi ito nagtanong kung ano bang dahilan ko.

Sa gitna ng maraming tao at nangingibabaw na tunog mula sa mga sumasayaw sa harap ng simbahan ng Obando, nakatuon lamang ang tingin ko kina Mama at Papa. Kahit na patuloy pa rin ang paghikbi ko ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil hindi ko inaasahang makikita ko sa pagkakataong ito ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Lalo na't sa panahong ito ay buhay pa si Papa...

Sa gitna ng papalubog na araw, ay nakita kong lumiko sa isang iskinita ang mga magulang ko. May mga dala silang bag at kasama nila si Ate Clara na limang taong gulang pa lang yata sa panahong ito. Nakatulog na ito sa balikat ni Papa habang karga-karga siya nito.

Pinilit ko ang sarili kong sundan lamang sila at huwag nang lumapit pa dahil alam kong maiiyak lang ako sa harap nila. May kung ano sa loob ko ang nakakaramdam ng kaba dahil hindi ko inakalang mangyayari ito.

"Are you okay?" Naramdaman ko ang kamay ni Estefanio na bahagyang humawak sa kanang balikat ko. Nakasunod lamang siya mula sa may likuran ko. Nilingon ko siya at nginitian.

Napakapambihirang pagkakataon. Kasama ko si Estefanio at narito rin sa paligid ko l sina Mama, Papa, at Ate Clara. Kulang na lang si Noime para makumpleto kami.

Nagpatuloy kami ni Estefanio sa pagsunod sa kanila hanggang sa tumigil sila sa isang bench sa gilid ng kalsada kung saan nagdaraan ang mga sasakyan. Nabigla naman si Estefanio nang pigilan ko siya sa paglalakad. Nanatili kaming nakatayo ilang metro sa kanila. Nakatalikod lamang ako sa kanila at bahagya silang sinisilip.

Magkaedad lang si Mama at Papa. Nasa 51 years old pa lang si Mama sa taong 2018, kaya kung susumahin halos nasa 26 o 27 pa lang ang edad nila ngayon dito. Ilang taon lamang ang layo nito sa edad namin ni Estefanio.

Alam ko namang hindi nila ako makikilala dahil hindi pa nila ako pinapanganak sa panahon na ito at kung narito man ako, ilang taon pa ang lilipas bago nila masabing ako ang anak nila.

"Hay, ano ba naman 'yan mahal. Ang aga pa atang pumunta tayo rito. Hindi ko man lang tuloy nakita sina Estefanio Del Carpio at Lolita Esquivel. Nandito raw sila sa Obando."

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi ni Mama. Napatitig ako kay Estefanio at maging siya ay nabigla nang marinig ang pangalan niya. Hindi alam nina Mama na si Estefanio Del Carpio ay narito lamang ngayon malapit sa kanila dahil may suot itong mask.

Bigla kong naalala ang huling pag-uusap namin ni Mama bago ako umalis sa panahon namin.

"Ma, paano kung makilala ko ang binatang Estefanio Del Carpio?"

Sige, kung makilala mo, ede papirmahan mo na lang ako. Iyon 'yung hindi ko nagawa dati eh.”

Ma...andito na ako oh. Kasama ko pa kayo sa iisang lugar. Magkakilala na rin kami ni Estefanio...

"Ikaw ha, nagseselos na ako diyan kay Estefanio," narinig kong sabi ni Papa. Napatikhim naman si Estefanio kaya't sinenyasan ko itong huwag na lang mag-react. Tinanguan niya naman ako.

"Ano ka ba? Ikaw pa rin ang mahal ko," natatawang tugon ng mama ko kay Papa. Bahagya ko silang sinilip at nakita kong nakangiti naman si Papa.
Hindi ko mapigilang bumagsak ang mga luha ko habang tinitignan sila.

Pa, miss na miss ko na kayo...

Sampung taon pa lang ako nang mamatay si Papa dahil sa sakit sa kidney. Sampung taon mula nang mawala siya sa amin ay makikita ko pa pala siya ngayon mula sa nakaraan.

Kung maaari ko lang sa inyong ikwento ang mga maaaring mangyari, Ma, Pa...

Nabigla ako nang mapatingin sa akin ang younger version ni Mama. Nakita ko ang gulat sa mukha nito kaya't agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Miss," narinig kong sabi ni Mama. Naramdaman kong unti-unti itong lumalapit sa akin mula sa likuran ko.

Pilit kong isiniksik ang sarili ko kay Estefanio na nakikinig lang din kaya't halatang nagulat ito. Nagkatitigan kami sa mata at sa tingin ko ay nalilito siya.

"Miss, bakit ka lumuluha?" saad ng pinabatang Mama ko.

Bahagya kong itinulak si Estefanio para umalis na sana ngunit natigilan na lamang ako nang hawakan ako sa braso ni Mama.

"M-miss? May problema ba? May ginagawa ba sa'yong masama itong kasama mo?" nag-aalalang sabi nito. Nakita kong napataas pa ng kilay si Estefanio nang tukuyin siya ni Mama. Napangiti na lang ako at walang nagawa kundi harapan ang isang babaeng napakahalagang bahagi ng buhay ko.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay wala itong naging ano mang kakaibang reaksiyon. Tama nga, hindi naman nila ako kilala...

Napalingon naman ako kay Papa na ilang metro ang layo sa likuran ni Mama habang karga-karga pa rin ang batang si Ate Clara na natutulog na. Mukhang hinihintay rin nitong magsalita ako.

Sinipat-sipat ni Mama ang mukha ko. Dahan-dahan ako sa kaniyang napangiti.

"Okay ka lang? Anong nangyayari? Hina-harass ka ba ng kasama mo?" sunod-sunod pang usisa ni Mama sa akin. Agad naman akong umiling.

Kahit na nakatalikod ako kay Estefanio ay alam kong naguguluhan din ito sa mga nangyayari. Pinipilit lamang nitong huwag magsalita at magkaroon ng reaksiyon.

"H-hindi po. N-napuwing lang po ako."

"Sigurado ka?" Agad akong tumango. Binitiwan ako ni Mama at ngumiti sa akin.

"Akala ko kung ano nang nangyayari sa'yo," natatawang sabi niya sa akin. Nakatitig lamang ako sa mukha niya at namamangha rito. Siya nga ang mama ko...

"Ako nga pala si Belinda," pagpapakilala niya. Tumango naman ako. Sa isip ko, kilalang-kilala na kita Mama.

"A-anong pangalan mo? Magkasintahan din ba kayo ng kasama mo?" usisa pa niya. Natawa naman ako nang bahagya. Liningon ko si Estefanio ngunit hindi ko mabasa kung anong reaksiyon niya.

"H-hindi po...Magkaibigan lang po kami," saad ko at ngumiti kay Mama.

"Ah, anong pangalan niyo?"

"Uhmm, R-rose po at S-stephan," pagsisinungaling ko. Napaisip pa ako kung tama ba ang sinabi ko at kung hindi siya magtataka. Sa lagay ko, hindi naman nila ako makikilala pero ang ipinag-aalala ko lang kung ma-realize nina Mama na ang lalaking kasama ko ay si Estefanio.

Gustuhin ko mang ipakilala kay Mama ngayon ang artistang kasama ko na alam ko ring hinahanggaan niya ay hindi ko pwedeng gawin. Kung gagawin ko iyon, baka hindi pa ito malimutan ni Mama at maalala niya sa oras na ipanganak na ako at lumaki. Baka may mabago pa sa panahon namin.

May mababago nga ba sa panahon ko mula sa ginawa naming pagtungo ni Eda sa nakaraan?

"Ah, ang ganda ng pangalan niyo. Kasama ko naman ang asawa ko roon sa likod—si Gilbert" Nilingon niya si Papa. Napangiti rin ako nang tumango ito sa amin. "Karga niya 'yung anak namin," masaya pang dagdag ni Mama.

Napalingon ako sa batang Clara. Mahimbing itong natutulog sa balikat ni Papa. Noong nabubuhay pa si Papa, talagang malapit si Ate sa kaniya. Papa's Girl si Ate at talagang sobrang ikinalungkot nito noong mamatay si Papa. Naalala ko pa kung paanong umiyak nang umiyak si Ate noon buong araw nang ibalita sa aming wala na ang tatay namin.

Habang tinitignan ko sila ni Papa, pakiramdam ko ay mas naiintindihan ko na si Ate. Siguro pakiramdam ni Ate, nawalan siya ng isang napakahalagang tao sa buhay niya noong nawala si Papa kaya't nalugmok siya sa kalungkutan at ilang taon niya iyong dinala. Wala na si Papa noong unang makipag-nobyo si Ate Clara at wala na rin noon si Papa nang magdisesyon si Ateng tumigil na lang sa pag-aaral.

"Hmm, naghihintay rin ba kayo ng sasakyan? Kami kasi oo, pupunta kami sa Tarlac. Doon na kami titira. Ang tagal nga noong hinihintay naming service. Sayang talaga, hindi ko tuloy nakita si Estefanio. Kaunti na lang," kwento ni Mama habang magkaharap kami.

Naramdaman kong bahagyang lumapit si Estefanio kaya't agad ko siyang hinawakan sa braso upang pigilin siya. Sa ugali ni Estefanio, alam kong maawa siya kay Mama. Alam kong hindi kayang tagalan ni Estefanio ang isang tagahanga niya. Pero, hindi pwedeng magpakilala siya.

Nagulat si Estefanio sa ginawa kong pagpigil sa kaniya. Nagkatinginan kami sa mata at bahagya akong umiling. Naintindihan niya naman ito.

"Wow, ang sweet niyo namang magkaibigan," komento ni Mama. Napabitaw tuloy ako kay Estefanio.

"Biro lang, pero mukhang bagay kayo ah," hagikhik pa nito. Natural talaga kay Mama ang pagiging makulit at palabiro. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kaniya.

"Bakit pala may suot kang ganyan?" tukoy ni Mama sa suot na mask ni Estefanio. "Hindi rin siya nagsasalita," nagtatakang sabi niya habang nakatingin sa akin.

"A-ah, trip lang po niya...tsaka hindi rin po siya mahilig magsasalita," agad kong tugon kay Mama habang napapakamot sa may noo ko. Magso-sorry na lang ako mamaya kay Estefanio sa pagdamay ko sa kaniya rito.

Natawa si Mama kaya't akala ko ay hindi ito maniniwala. "Ang galang mo naman. 'Wag mo na akong i-"po". Mukhang hindi naman ako gaanong katanda sa inyo ah." Natigilan naman ako at ngumiti na lang sa kaniya.

Sa gitna ng mahinang pagtawa ni Mama ay biglang narinig namin ang tunog ng isang paparating na sasakyan. Lumayo sa akin si Mama at masayang kumaway-kaway rito.

"Sa wakas, nandiyan na." Tumigil ang isang service van sa may harap namin. Kinuha agad ni Mama at Papa ang ilang bag na nakapatong sa bench kanina pa. "Uy, Rose at S-Stephan, hindi ba? Aalis na kami," baling sa amin ni Mama nang pasakay na siya sa loob ng van.

Ngumiti na lamang ako at tumango. Kinawayan pa kami ni Mama bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Sumunod namang ipinasok ni Papa si Ate Clara na mukhang nagising yata sa pagdating ng sasakyan. Bago sumakay ay tinanguan pa kami ng Papa ko.

Paalam Ma... Pa... Ate... Papunta na kayo ngayon sa probinsiya natin...sa bagong kabanata ng buhay niyo.

Pinanuod lamang namin ni Estefanio kung paanong umalis ang sasakyan nina Mama palayo. Napabuntong hininga na lang ako matapos ang ilang sandaling pagkatulala roon.

Masaya akong nakita ko sila. Hindi ko man pwedeng aminin ang katauhan ko, sapat na sa akin ang nangyaring makausap sila. Sa mga ngiti ng pamilya ko, pakiramdam ko ay mas sumaya ko. Sa mga ngiti nila, nagkaroon ako ng karagdagang rason para maging matatag sa panahong ito.

"So, mind to explain me who are they?" Napalingon ako kay Estefanio. Inialis niya na ang suot niyang mask. Wala naman ng masyadong tao sa paligid namin at ganap na ring gabi.

"Wala, complete strangers lang," pagkukunwari ko at nag-umpisa nang maglakad.

"Why do you care that much for them if they were only strangers?" nagtatakang tanong niya. Iniayos niya ang buhok niya.

"Just like how you trusted and cared for me as a stranger," paalala ko sa kaniya. Napangiti naman siya at tumango. Hindi na siya nag-usisa pa at nag-umpisa na kaming maglakad.

"Imi-message ko na sina Kuya Arnolfo to pick us. Look at the stars, they are already shining," ani Estefanio sa pagitan ng paglalakad namin. Napatingala naman ako.

Under the same sky, under the same stars, we're with each other again...I think I shall never mind being lost now, as long as I'm with him...




End Of Chapter 16

Continue Reading

You'll Also Like

4.3K 624 49
'Di sa pagmamayabang, pero muntik ng maging muse si Ina noong elementarya, nakulangan lang sa boto. Kaya anong karapatan ni Ice na tawagin s'yang mu...
10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)
6.5K 521 22
#BTS Fan Fiction Seven stories. Seven heartbreaks and pain. Seven healing. [ COMPLETED ]