In Another Life | TaeKook

By Chomikorn

15K 717 213

In which two young souls who faced a tragic ending in the past, promised to meet again in another life. -- Ti... More

IN ANOTHER LIFE [INTRODUCTION]
IN ANOTHER LIFE [CAST]
PROLOGUE
CHAPTER ONE: Guardians and Fateful Encounter
CHAPTER TWO: It's you
CHAPTER THREE: Some things never change
CHAPTER FIVE: Internal Battle
CHAPTER SIX: Foreign feeling
CHAPTER SEVEN: Ice Cream and Confused Hearts
CHAPTER EIGHT: Under The Pouring Rain
CHAPTER NINE: Soulmates By Heart
CHAPTER TEN: Good Friends
CHAPTER ELEVEN: Rulebreakers
CHAPTER TWELVE: A Short Trip Down Memory Lane
CHAPTER THIRTEEN: Unexpected Visitor
CHAPTER FOURTEEN: Picture Perfect
CHAPTER FIFTEEN: JK and Taetae
CHAPTER SIXTEEN: That One Unforgettable Day
CHAPTER SEVENTEEN: Where Are You Now?
CHAPTER EIGHTEEN: A Not So Ordinary Day
CHAPTER NINETEEN: Late Night Conversation
CHAPTER TWENTY: Try Something New
CHAPTER TWENTY-ONE: A Drunk Tongue Speaks A Sober Heart
CHAPTER TWENTY-TWO: Things are about to change
CHAPTER TWENTY-THREE: Don't Hold Back
CHAPTER TWENTY-FOUR: Glimpse of the Past
CHAPTER TWENTY-FIVE: Kookie
CHAPTER TWENTY-SIX: Chaotic Feelings
CHAPTER TWENTY-SEVEN: Right or Wrong
CHAPTER TWENTY-EIGHT: The Truth
CHAPTER TWENTY-NINE: His Little Guardian
CHAPTER THIRTY: Cursed
CHAPTER THIRTY-ONE: I'm Here
CHAPTER THIRTY-TWO: Dreams and Hidden Message (Part One)
CHAPTER THIRTY-THREE: Dreams and Hidden Message (Part Two)

CHAPTER FOUR: Regrets

394 26 1
By Chomikorn

CHAPTER FOUR
Regrets

--

"Uso huminga, Kookie. Baka maubusan ka na ng hininga sa katatawa eh. Malilintikan pa kami kay Hoseok kapag bigla ka na lang bumulagta dahil naubusan ka ng hininga sa katatawa." sambit ni Jimin habang tinapik-tapik ang likod ni Jungkook.

"May nakakatawa ba sa mukha ko?" seryosong tanong ni Taehyung na mabilis na tinanggi ng binata.

Kanina lang ay humupa na ang tawa ni Jungkook pero noong tingnan niya si Taehyung ay muli na naman siyang natawa kaya hindi na napigilan ni Taehyung na magtaka.

"Whatever. Uuwi na ako." akmang isusukbit na ni Taehyung ang bag niya nang pigilan siya ni Jimin.

"Hey, that's not fair! Sabay raw tayong uuwi sabi nina Yoongi kaya dito ka muna kung ayaw mong-"

"Fine." pagsuko ni Taehyung at muling umupo bago tinapunan ng tingin si Jungkook. "And fvcking keep your mouth shut."

"Hey, language!" saway ni Jungkook na nakanguso. "Sa amin, kapag nagsasalita ng foul words, hinahalikan para matauhan!" bwelta pa nito at hindi man lang napansin ang gulat sa mata noong dalawa.

"Napaka-favorable naman niyan lalo na kung mahilig magmura 'yong napupusuan mo." kumento ni Jimin at ngumisi. Hindi man lang nahimigan na nagbibiro lang si Jungkook. "Saan ka nga pala nakatira? Magpapatayo kami ni Yoongi ng bahay sa tabi niyo."

"Sa bahay ni Hoseok." nakangiting tugon ni Jungkook.

"Talaga? Mabuti at ayos lang 'yon sa magulang niyo?" gulat na ani Jimin.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Jungkook pero mabilis din siyang nakabawi. Nagdadalawang isip pa siya sa isasagot niya kay Jimin. Hindi naman niya puwede sabihing hindi niya kilala ang mga magulang niya 'di ba? Ayaw niyang kinakaawaan siya.

"I-I-of course, suportado nila ang desisyon ko. Atsaka, kilala naman nila si Hobi." sagot ni Jungkook at napalunok.

Napansin naman ni Taehyung na hindi ito kumportable sa topic nila kaya kahit pa hindi siya 'yong tipong mag-i-initiate ng ibang topic, sinubukan niya na lang ituon 'yon sa iba sa kadahilanang hindi niya rin alam.

"Hobi? Si Hoseok ba 'yan?" tanong pa niya dahilan para manlaki ang mga mata ni Jungkook dahil hindi niya napansing lumabas iyon sa bibig niya.

'Okay, Jungkook. Sana sinunod mo na lang ang sinabi niya na itikom ang bibig mo.'

Pekeng umubo si Jungkook bago sumagot. "Uh, yeah. Nickname ko para sa kaniya."

"Aw, that's sweet!" kumento ni Jimin at kulang na lang ay may mga bituwin na lilitaw sa mga mata niya. "It suits him well!"

"I know."

Pinanood lang ni Taehyung na magkuwentuhan sina Jimin at Jungkook hanggang dumating na ang mga hinihintay nila at sabay silang naglakad palabas ng campus. Sumakay sila sa kani-kaniyang kotse at nagpaalam sa isa't isa.

"How's your day, Kookie?" tanong ni Hoseok habang naka-focus ito sa pagmamaneho.

"Great, Hobi." ani Jungkook at nag-thumbs up. "Pumunta rin ba ang student council officers sa classroom niyo?"

Tumango-tango si Hoseok at sumagot nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "Pero mukhang hindi kami makakasali ni Jimin sa dance competition dahil part kami ng dance club."

"Ganoon ba 'yon?"

"Yes, Kookie."

"Ibig sabihin hindi na pala mamo-mroblema si Jimin kung saan siya sasali." sambit ni Jungkook at nilingon si Hoseok. "Ikaw, Hobi? May balak ka bang sumali?"

"Siguro? Baka magkasama kami nina Yoongi at Namjoon. Panoorin mo kaming sunugin ang stage dahil sa rap namin!" proud na saad ni Hoseok na tinawanan ni Jungkook. "Paniguradong magkasama sina Jin, Jimin at Taehyung."

"Kumakanta si Jin?"

"Oo naman." tugon ni Hoseok. "Sumali ka rin, Kookie! Sayang naman 'yang talent mo kung hindi mo maipapakita sa iba."

Tipid lang na ngumiti si Jungkook bago sumandal sa bintana ng kotse at pinanood ang mga nadadaanan nila. Hindi niya nararamdaman ang pagsulyap sa kaniya ni Hoseok at ang pagbuka ng bibig nito para magsalita.

"Si Taehyung nga 'yong tinutukoy mong kaibigan mo. Nakumpirma mo na, Kookie. Anong balak mo ngayon?"

Kumibit-balikat si Jungkook. "Wala."

"Ha? Sigurado ka?"

"Sinuggest ni Rainoa na dalhin ko si Taehyung sa mga lugar na importante sa amin noon. Saglit akong nabuhayan ng pag-asa pero napaisip ako na hindi 'yon magiging madali dahil hindi naman kami close. Ni hindi nga siya makatingin sa akin eh."

"Tapos? 'yon na 'yon? Hindi mo na susubukan?" kunot-noong ni Hoseok na tila dismayado. "Come on, Kookie. I raised you to be a fighter, not a quitter."

"Hobi, hindi ba't mas maganda kung go with the flow na lang? Hindi ko na kailangan isipin pa kung anong gagawin ko para maalala niya ako. Kung maalala niya man ako, e 'di mabuti. Pero kung hindi na talaga, okay lang din." sa pangalawang pagkakataon ay nilingon ulit ni Jungkook si Hoseok.

"May mga bagay talaga na magbabago at malilimutan natin sa pagdaan ng panahon at tanggap ko na isa ako roon, Hobi."

Saglit lang na nagtama ang paningin nila pero sapat na 'yon para mabasa ni Hoseok ang lungkot at kawalang pag-asa sa mata ni Jungkook. Kahit pa nakangiti ito ay hindi kumbinsido si Hoseok. Gusto niya na lang itigil ang sasakyan sa isang tabi at yakapin nang mahigpit ang kaibigan. Sabihin sa kaniya na ayos lang ipakita nito ang nararamdaman niya.

"Ginugulat mo ako sa mga sinasabi mo, Kookie." bulong ni Hoseok matapos ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila.

Tila konektado ang utak nilang dalawa dahil sabay silang natawa. Parehong hindi sanay na ganoon ka-seryoso ang usapan.

"Ibig mo bang sabihin, hindi ka na gagawa ng hakbang para maalala ka ni Taehyung?" muling tanong ni Hoseok nang humupa na sila sa pagtawa.

"Nakuha mo nga, Hobi. Sa ngayon, mas gusto kong maging kaibigan siya. 'Yong tipong hindi niya na ako sisimangutan tuwing magsasalita pa lang ako."

"Mhm. Good luck with that, Kookie. If you need my help, just call my name. I got your back, bro." ani Hoseok at pinakita ang nakakuyom niyang kamao.

"I know. Thanks, Hobi." tugon ni Jungkook at nakipag-fistbump sa kaibigan.

~♡~

Pagtapak pa lang ni Taehyung sa bukana ng sala ay agad na siyang napasimangot. Tanging mga katulong lang ang sumalubong sa kaniya gaya ng inaasahan dahil paniguradong busy na naman ang mga magulang niya sa trabaho. Well, iyon ang kadalasang nangyayari sa ilang taong pamumuhay niya.

Pero mukhang nagkamali siya ngayon.

"Good evening, young master Taehyung. Nasa dining hall na po ang mga magulang niyo at hinihintay na po kayo roon."

Tumango naman si Taehyung at nagpasalamat bago tumungo sa dining hall kung saan naabutan niyang tahimik na kumakain ang mga magulang niya. Nang maramdaman ang presensya niya ay binati siya nito at pinaupo.

Alam na alam ni Taehyung ang ganitong eksena. Madalas ay hindi rito kumakain ang mga magulang niya kaya hindi niya na napigilang mapaisip kung ano na namang pabor ang hihingiin ng mga ito sa kaniya dahil ganoon naman ang nangyayari tuwing nakakasabay niya ang nga magulang sa hapag-kainan. Naaalala lang nila ang anak kapag may pabor sila sa kaniya.

"So, how's school, Tae?" panimula ng ama niya. Nakatingin sa kaniya ngayon ang mga magulang niya at hinihintay ang magiging sagot niya.

Binaba muna ni Taehyung ang kubyertos at uminom ng tubig.

"Same." maikling tugon niya. Hindi man lang nag-abalang bigyan ng atensyon ang mga magulang.

Gusto niya nang umakyat sa kwarto niya at magpahinga. He doesn't want to deal with another bullsht. Para sa kaniya ay bullsht ang mga pabor ng magulang niya dahil lahat ng iyon ay para sa business nila.

Napansin naman ng ina niya na tila wala itong ganang makipag-usap sa ama kaya sinubukan niyang siya ang kumausap.

"Balita ko, magpapatuloy bukas ang training niyo? Kailan ang susunod niyong game?"

"Hindi pa naman ina-announce kung kailan."

"I see. Sabihan mo lang kami kung kailan para naman makapag-cheer kami sa iyo." dagdag ng ina niya at ngumiti.

Pinigilan ni Taehyung na matawa nang sarkastiko. Ni minsan ay hindi pumunta sa kahit anong game nila ang mga magulang niya dahil may mas importante raw silang lakad kaya hindi na siya aasa pa ngayon.

Hindi sumagot si Taehyung. Sa halip ay binato niya sila ng tanong.

"What is it?"

"Hm?"

"Dad, Mom, let's cut the act now. Hindi naman kayo uuwi nang maaga rito at sasabay sa akin sa hapunan para lang kumustahin ako." walang prenong saad niya. "Alam kong may pabor na naman kayo."

Hindi naman nagpakita ng kahit anong emosyon ang mga magulang niya dahil sanay na sila sa ugali nito. Pinagbibigyan na lang din nila ang anak dahil sinusunod naman nito ang mga sinasabi nila sa kaniya.

"Kilala mo naman 'yong anak ng matalik kong kaibigan 'di ba?" ani Mr. Kim, pinapanood ang reaksyon ng kaniyang anak. "Si Rebecca Song-"

"Just go straight to the point." pagputol ni Taehyung. Gusto niya nang magpahinga at pinapatagal 'yon ng pagpapaligoy-ligoy ng ama niya.

Nagpakawala ng hininga si Mr. Kim at diretsong tiningnan ang anak.

"You're going to marry Rebecca."

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Taehyung. Nagsimulang lumabo ang paligid niya at ang tanging nakikita niya lang ngayon ay ang ama niya na seryosong nakatingin sa kaniya. Paulit-ulit sa tenga niya ang sinabi ng ama na parang sirang plaka.

Napansin ng mga magulang niya ang pagtulala niya ngunit bago pa man sila makapagsalita ay inunahan na sila ni Taehyung.

"Okay. Is that all?" sambit niya na kinagulat ng magulang niya. Hindi nila inaasahan na mapapayag nila nang ganoon kadali si Taehyung.

"Yes. Magkakaroon din tayo ng dinner bukas para pormal natin silang makilala." singit ng ina niya. "Kaya siguraduhin mong umuwi ka kaagad bukas pagkatapos ng football practice niyo."

Tumango naman si Taehyung at nang mapansin niyang wala nang kasunod pa 'yon, nagpaalam na siya at dumiretso sa kwarto.

Sumalampak kaagad siya sa kama at mahinang napamura nang tuluyang mag-sink in sa kaniya ang nangyari at walang pagdadalawang isip na sagot niya sa mga magulang niya.

Wala namang dapat ikabahala si Taehyung dahil una sa lahat, wala siyang girlfriend at wala siyang pakialam sa mga relationshit na 'yon dahil kahit kailan ay hindi niya naman sineseryoso kaya hindi niya maintindihan ngayon kung bakit apektado siya sa naging sagot niya.

Napapikit siya sa inis at biglaang pagbigat ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay mali ang lahat ng nangyayari. Na dapat ay hindi siya basta-bastang pumayag sa sinabi ng mga magulang niya pero alam niyang huli na ang lahat para bawiin iyon.

~♡~

Nagising si Jimin sa kalagitnaan ng gabi matapos walang tigil na nag-ring ang phone niya. Naiinis niya itong hinablot mula sa bedside table at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID.

"Who the fvck are you to disturb my sleep? For fvck's sake, it's two am in the morning!" sigaw niya habang nakapikit pero agad din siyang napamulat nang marinig ang pamilyar na boses.

"Woah, chill there, Chim. It's just me, Kim Taehyung!" sigaw naman ni Taehyung na hindi gaanong narinig ni Jimin dahil sa ingay na dulot ng background music sa kabilang linya.

"Tae, what the fvck? Where are you? Bakit ang ingay riyan?"

"Come on, Chim! I'm here at our hangout place! Join me!" muling sigaw ni Taehyung na lasing na lasing na.

Nahimigan naman 'yon ni Jimin dahilan para manlaki ang mga mata niya at napabalikwas siya ng upo sa kama. Sunod-sunod siyang napamura bago nagpalit ng damit na hinablot niya lang nang basta-basta sa walk-in closet. Kinuha niya ang susi na nasa mesa at halos liparin na ang hagdan ng bahay para lang makarating sa garahe.

"Taehyung, stay right there. I swear I'm going to beat the sht out of you kapag umalis ka riyan!"

Parang bata namang humagikgik si Taehyung. Halatang wala na sa sarili.

"Aye aye, Captain Chim!"

Muling napamura si Jimin at mas binilisan ang pagmamaneho hanggang makarating siya sa bar na madalas nilang puntahan tuwing weekend. Halos masuka siya sa magkahalong amoy ng alak, pawis at kung ano pang mga likido na mula sa mga taong nagpapakasaya sa loob ng bar. Ang nakabibinging musika na mula sa mga speaker at mga hiyawan ng mga tao ay nagdulot ng irita sa kaniya.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Jimin at nilibot ng tingin ang buong bar para hanapin ang kaibigan. Hindi rin nagtagal at nakita niya itong nakaupo sa counter at nasa kalagitnaan ng pag-iinom. Agad na lumapit si Jimin at kinuha ang baso mula sa kamay ni Taehyung. Nang makilala siya nito ay awtomatiko siyang napangiti at niyakap ang kaibigan.

"Chim, pinagsisihan ko na ang lahat." bulong ni Taehyung na narinig ni Jimin kahit pa halos mabingi na siya sa ingay ng paligid.

Napabuntong hininga si Jimin at kumalas sa yakap. Bumungad sa kaniya si Taehyung na walang tigil ang paglandas ng luha sa pisngi niya.

Mabilis na pinunasan 'yon ni Jimin. Alam niyang may problema si Taehyung pero hindi rito ang tamang lugar para pag-usapan iyon.

"Come on, Tae. Let's go home."

--

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 69 12
COMPLETED || ✔️ "Hindi ako naniniwala sa pangalawang buhay, Jungkook." TaeKook fanfic #3 - #방탄소년단
1.2K 130 33
{BTS series #3} "I love you so much that I'm willing to save your life... that I'm willing to give my own life in order for you to live longer... I w...
17.4K 624 53
"Pag umalis ka ngayon sa tabi ko at mawala sa paningin ko sinasabi ko sayo Quinn, kakalimutan kong naging bahagi ka ng buhay ko" Humarap ako sa kany...
19.1K 775 45
"Hoy, Akin na ung notebook ko!" [T a g a l o g// E p i s t o l a r y] Started: May 01, 2019 Finished: Sept 24, 2021
Wattpad App - Unlock exclusive features