☆ Prank Gone Wrong: Series I☆...

由 erthou

122K 4.2K 1.1K

A fast phase unpredictable story-line, teen slasher theme with unique twist and turns of events. Dahil hindi... 更多

Introduction
Prologue
♣ Let the Game Begins ♣
♣ Confrontation ♣
♣ Downfall ♣
♣ Conscience ♣
♣ Fool ♣
♣ First Blood ♣
♣ Blame ♣
♣ Inquest ♣
☆★PLEASE READ!!!★☆
♣ Inquest 2 ♣
♣ Inquest 3 ♣
♣ Helpless ♣
♣ Z Marking ♣
♣ Suspected ♣
♣ Threat ♣
♣ Truth ♣
♣ Doubts ♣
♣ Too Late ♣
♣ Flat Line ♣
♣ Aftermath ♣
♣ Hunt ♣
♣ Chase ♣
♣ Chase 2 ♣
♣ Puzzled ♣
♣ Return ♣
♣ Before ♣
♣ Before 2 ♣
♧ Bloody Ending ♧
♧ Bloody Ending 2 ♧
Epilogue
Random Facts, Trivias & Authors Note

♣ Revelations ♣

2.5K 109 36
由 erthou

A/N: Kagabi ko pa natapos 'tong chapter na to. Haha, hinintay ko lang maka 20 likes yung last chapter.. daya ko no? Anyway, enjoy reading mga Pranksters. Have a blessed morning. *kindat* *kindat*

Napatayo si Bran sa sobrang pagkagulat, tinakbo naman sya palapit ni Anrea sabay yakap dito ng mahigpit na umiiyak. Tumabi si Sitti sa gilid.

Walang reaksyon ang binata, tulala ito.

Lihim naman na napangiti si Sitti. "I guess, my plan will going to be well-executed after all."

Bumitaw sa pagkakayakap si Anrea at hinawakan ang mukha ng binata.

"Bran, I miss you." Sabi nito habang nakatitig sa mga mata ng binata.

Hindi pa rin makapaniwala si Bran sa nakikita, palagay nya'y pinaglalaruan na naman sya ng kanyang paningin.

Tinanggal nya sa pagkakahawak ang kamay ni Anrea at napaatras dito.

"Hindi, guni-guni ka lang. Patay ka na!" Sigaw nito sa pagmumukha ni Anrea.

Napatakip naman ng bibig ang dalaga at tumingin kay Sitti, humihingi ito ng tulong sa pagpapaliwanag kay Bran sa mga nangyayari.

"Easy ka lang, Bran. Si Anrea talaga yan." Parang walang gana nito na pagpapaliwanag sa binata.

"Shut up! Niloloko nyo ko! Hindi sya yan! Patay na si Anrea!" Baling nito kay Sitti.

Lalapitan pa sana ito ni Anrea pero umiwas kaagad ang binata sa kanya, umatras pa itong muli.

"Lumayas ka! Hindi ikaw si Anrea! Anrea will never do this to me! You're dead! You're already dead!!" Diin nito sa pagmumukha ni Anrea.

Natatawa lang sa sulok si Sitti, nakahalukipkip pa ito.

Patuloy sa pag-iyak si Anrea, pilit inaabot ang braso ng kanyang boyfriend.

"Sitti, help me explain everything. Pleasee!" Baling ni Anrea kay Sitti.

"Are you sure?" Tanong ni Sitti na relax na relax lan ang tono.

Hindi na sumagot si Anrea.

"Ok, Bran.. hindi sana namin gusto patagalin ng ganito, pinagplanuhang talaga ni Anrea ang lahat ng ito." Paliwanag ni Sitti, ngunit pinutol sya ng dalaga.

"Ano?! Wait!" Pigil nito kay Sitti, papunta ito sa direksyon ni Bran.

Tinulak lang nito si Anrea at patuloy na tumungo sa harapan ng binata.

"She planned all of this, that day ikaw talaga ang biktima at hindi si Anrea, the prank is all on YOU!" Sabay duro kay Bran.

Sumabat si Anrea. "Noo! Sabihin mo sa kanya ang totoo Sitti!"

Tahimik lang na nakikinig si Bran, nanginginig at humihigpit ang mga kamao nito.

Nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag, hindi pinansin si Anrea.

"Then, the prank continues para pahirapan ka. You know why? Dahil dun sa incident na naabutan nya tayong naghahalikan. Ang actual plan ay palalabasin naming nagselos sya at kunwaring tumalon sa appartment, kaso tuluyan na syang nag-walk-out dahil sa selos. Then after that, tumawag kaagad sya na ituloy ang prank at palabasin na patay talaga sya, dahil masama talaga ang loob nya sayo. Para na rin patayin ka sa konsensya. And here it is, eto na tayo ngayon. Hahaha." Ladlad ng kamay ni Sitti.

Napapa-iling si Anrea.

"No Bran, dinadagdagan nya ang kwento! Some of it are true, but not the whole story! Ano bang problema mo Sitti?! Nag-uusap lang tayo kanina! Sabi mo tutulungan mo ko kay Bran." Depensa ni Anrea.

Ngumiti lang si Sitti sa dalaga sabay inirapan ito at muling tumingin kay Bran.

"Well, ask Khamyl? Ask Trev? Ask Gelo? Ay! patay na nga pala sila. That's one of the reasons kung bakit natagalan sya sa pag-amin sayo, gusto kasi nyang i-surprise ka for a celebration of your 2nd anniversary bukas para makabawi sayo, kaso mukhang napa-aga ata ang dating mo." Ngisi nito.

"Sitti! Stop it! Shut up!" Nagmamakaawang si Anrea.

Sabay tingin ni Sitti dito. "Ikaw ang dapat manahimik. Look at you? You look miserable."
"Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Sitti, anu bang dahilan nya para gawin ito." Usap ni Anrea sa sarili.

Si Bran naman ay litong-lito sa mga narinig na revelations ni Sitti.

At mukhang hindi pa nakukontento ang dalaga at nagkwento pang muli ito.

"Sya nga pala, habang nadudurusa ka kakaisip sa pagkamatay nya, naisip pa nito na magbakasyon." Dagdag ni Sitti.

"Hindi ka ba talaga titigil ha?!" Banta na ni Anrea. "Sinisira mo lang kami!"

"Ako? Bakit ko gagawin yon? Sa tingin mo isisikreto ko ba yang kasinungalingan mo kung gusto ko kayong sirain, ha? Pagtatakpan ba kita?" Pabalang na sagot nya kay Anrea.

Sa pagkakataong iyon ay biglang nanahimik si Anrea, naisip nyang may point nga naman si Sitti.

Nang maka-recover ay agad syang nagsalita. "You have a point Sitti, sige tama ka na!"

"See?" Sabi nito sabay tingin kay Bran.

"Hindi pa ko tapos! You have a point pero hindi mo pa rin dapat dagdagan ang kwento! Sinungaling!" Tutol ni Anrea.

"Tignan mo? Sya nagsabi sa aking tulungan ko sya, ngayon ako pa masama? Ikaw ang lumapit sa akin para humingi ng tulong! Don't forget about that!" Bulyaw pabalik ni Sitti.

Naririndi na si Bran sa pagtatalo ng dalawang babae. Hindi nya alam kung sino ang paniniwalaan dito.

Tinawag ni Anrea si Bran.

"Bran, Bran please listen to me. I'm sorry. It's just a prank. It's supposed to be a prank, babe." Pang-aamo nito kay Bran na tila isang mabangis na hayop.

"Hahaha!" Natawa si Sitti. "Bran, remember that night? Yung todo paliwanag ka kay Anrea? Ganyang ganyan din yung dialogue mo sa kanya diba? Hahaha! " singit ni Sitti.

Nanlilisik na ang mga mata ng binata sa galit.

"Shut the f*ck up!" Sigaw ni Bran kaharap si Anrea pero alam ni Sitti na sya ang pinatatahimik nito kaya natigil sya sa pagtawa.

Nagpatuloy na sa pagsasalita si Anrea.

"Let me explain everything, okay? Promise me you will listen carefully." Sabi ni Anrea dito, ngunit hindi umimik ang binata kaya nagpatuloy lang ang dalaga sa pagsasalita.

"First, I want to apologize... Sorry talaga Bran kung umabot ng ganito katagal, madami kasing nangyari sa inyo. Hindi ko naman talaga gusto itong patagalin."

Pinapahinahon nito si Bran.

"Bran ginawa ko lang yun dahil gusto ko mapatunayan sayo na I can join the company of your friends, na kaya ko ding sakyan yung trip nyo. Gusto nyo ng mga extreme stunts diba? So, pumayag ako to do this." Paliwanag ni Anrea.

"Kaya mo ko niloko? Just to show off?!" Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang binata.

"No, hindi ganun. I want you to be proud of me." Mahinang sabi ni Anrea, sabay napayuko at tila ba nahihiya sa binitawang sagot.

"Tss.. ito ang hindi ko maintindihan sa inyong mga babae, napakababaw nyo! You will do anything stupid para magpasikat!" Napatingala ito sabay balik ulit ng tingin kay Anrea.

May kurot na naramdaman ang dalaga, parang minaliit sya nito. Natapakan ang kanyang ego, pero handa nyang lunukin ang kanyang pride mapatawad lang.

"I-I know, I'm so-sorry." Nakayuko pa rin ang dalaga.

"Wala kang dapat patunayan Anrea." Sabi ni Bran.

"Stupid!" Biglang singit na naman ni Sitti.

"Ikaw! Isa ka pa! Manahimik ka muna dyan! Kasalanan mo rin 'to!" Dinuro ni Bran si Sitti.

Natatawa na lang na nanahimik ang babae.

Natauhang bigla si Anrea, handa na nyang isalaysay ang totoong nangyari, ang kanyang bersyon.

"Ito talaga ang tunay na nangyari Bran..."

- End of Chapter 22

♧ This is based on experience, experience on watching teen dramas. Lol. Ang susunod na chapter ay revelations na may kasama ng flashback scenes. Keep on liking and commenting on my story. Dahil malapit na ang Bloody Ending, Salamat :) ♧

继续阅读

You'll Also Like

55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
156K 4K 36
Sa pagpasok ni Denise sa Humilton Academy ay ang pagpasok niya sa panibago niyang buhay. She always dreamed a life of a normal girl. Gusto niyang mag...
189K 3.8K 47
Kung dati ay tahimik lang ang mundo ni Denise at okay na okay na siya sa pagsulyap sulyap sa taong lihim niyang minamahal,Yung tipong nakatingin lang...
17.6K 601 36
Pitong magkakaibigang naisipang magbakasyon pero hindi sila masaya sa pagbabakasyon nila dahil boring 'daw' kaya may naisipan ang isa sa kanila na ma...