The Boss: Lucas Malvacini

By marlkrist

290K 11.4K 1.2K

|For Revision| "Ipangako mo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na tayo ay hahanapin parin natin ang isa't-i... More

The Boss: Lucas Malvacini
Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32 - Finale
The Promises - Epilogue
The Boss: Lucas Malvacini
You Look Good Tonight
Chalks and Blueprints

Chapter 14

6.2K 326 17
By marlkrist


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
POV ni Elo:

"Quando bose esta de ferias, bose nao inclui meu sobrinho" pag-uulit ko sa sinabi sakin kanina ni sir bago sila umalis ni Ariana para kumain sa labas. Sinasama ako ni Ariana pero inunahan ko na ito sa pagsabing busog pa ako.

"Im hungry let's go to Jolibee?" pagbaling nito ng tingin sa pamangkin niya pagkatapos niya akong sabihan ng Portugese na lenggawahe.

"Kung makikipaglandian ka wag mong isinasama ang pamangkin ko!" iyan ang ibig sabihin ng sinabi niya, akala niya hindi ako marunong makaintindi ng ibang lenggwahe?

"Sige po uncle nagutom din po ako sa pagbalik namin dito eh" sabi ni Ariana.

"Okay let's go" sabi naman ng tito niya, lalakad na sana sila ng pigilan ito ni Ariana.

"Wait! isama natin si Tito Elo, uncle " sabi nito sa uncle niya kaya napatingin ito sa akin.

Tiningnan ko naman si Ariana at nagsabing "Hindi na baby busog pa ako" sabi ko sa kanya.

"Are you sure po tito?" tanong sa akin nito, hindi ko tinitingnan ang kanyang uncle.

"Yes" sagot ko naman

"Sige po bye po, mamaya nalang po tayo gawa ng sandwich" nakangiting sabi ni Ariana, ngumiti  naman ako dito at magsasalita na sana ako ng sumabat itong si sir.

"Let's go" rinig kong pagsabat ni sir bago sila umalis sa harapan ko.




Hindi ko nalang inintindi ang sinabi ni sir kanina, hello? hindi po ako nakikipaglandian at paano naman niyang nasabing nakipaglandian ako pati si Dom ang unang nag approach sa amin hindi naman ako kaya paano niyang nasabing landian iyon?

Pati dito nag tatrabaho yung tao kaya dapat pakisamahan ng maayos!

Hindi ko sinasadyang napipi ko ang hawak-hawak kong loaf bread.

"Ay shet" sabi ko dito at inilapag ito sa lamesitang babasagin. Nandito ako sa living room ng opisina ni sir may mini kitchen naman dito sa loob ng office pero dito ko nalang naisipang ilagay ang mga gagamitin namin mamaya ni Ariana sa pag gawa ng sandwich.

Inaayos ko naman ang mga pinamili namin dito sa lamesita ng may tumunog sa cellphone ko tanda ng may tumatawag. Kinuha ko ito at sinagot dahil si mamang ang naka muwestrang pangalan.

"Mamang?" pagkausap ko dito at wala akong nakuhang sagot, pinakinggan ko ang nasa kabilang linya at ingay ng mga nagsisigawang mga tao ang naririnig ko.

Kinabahan ako.

"Hello mamang?!" tawag dito at wala ako ulit nakuhang sagot.

"Mamang hello!? bakit may nagsisigawan diyan!? Hello mamang!?" muli kong sabi dito at rinig kong pahina na ng pahina ang ingay sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Hello mam..."

"Elo" boses ni Prince.

"Hello Prince?! Bakit nasayo ang cellphone ni mamang?" pagtatanong ko dito at tuluyan na akong walang naririnig na ingay.

"Elo hello" sagot nito sa akin.

"Ha?" sabi ko dito "Hello Prince nasaan ka ba? Bakit nasayo ang cellphone ni mamang at bakit may mga nagsisigawan?" muli kong tanong dito.

"Wait lang Elo naihi ako" sagot naman nito sa tanong ko.

Nasaan ba sila? bakit ang gulo?

"Hello" sabi ko ulit dito at nakakuha na ako ng maayos na sagot mula kay Prince.

"Hello Elo nasa cr ako ang ingay kasi sa labas ih, nasakin yung cellphone ni tita kasi nasa roller coaster sila, nandito kasi kami ngayon sa amusement park kaya pinahawak muna ni tita yung cellphone niya sakin at tinawagan kita hehe" at nakahinga naman ako ng maayos sa sinabi nito.

Pero si mamang nasa roller coaster?!

"Wag kang mag alala may first aid boot naman dito sa amusement park kung sakaling tumaas ang presyon nila tita at nila mama" sabi nito sa akin.

"Loko-loko ka" natatawang sagot ko dito.

"Oo nga pala mag haharvest kami ng strawberry mamayang hapon pagkatapos naming dito" sabi nito sa akin.

"Ay weh? Ang saya naman Prince!" nagagalak kong sabi dito.

"Kaya nga ih sayang nga at wala ka" sabi niya sa akin at hindi ko naman kung anong sunod kong sasabihin.

"Gusto mo uwian kita ng strawberry jam? Ay wait! Peanut butter pala ang gusto mo! Sige papasalubungan kita ng madaming peanut butter Elo" sabi ni Prince at napangiti na lang ako.

"Thank you Prince" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ano kaba parang peanut butter lang ih!" sabi niya.

"Baliw hindi yun ang ibig kong sabihin!" sabi ko sa kanya at napakagat naman ako sa labi habang hawak-hawak ang loaf bread na napipi ko kanina.

"Eh ano bang ibig mong sabihin?" tanong naman nito sa akin.

"Ang gusto kong sabihin at salamat dahil kahit wala ako diyan napapasaya mo sila papang at mamang" sabi ko dito.

"Ano kaba para ka namang iba! Basta para sa ikakasaya mo gagawin ko"

"Iyan ka na naman eh!" sabi ko sa kanya.

"Oh bakit? Tototo naman ah! Diba sabi ko sayo dati na hayaan mo lang ako sa ginagawa ko kahit na hindi mo palitan yung pagmamahal ko sayo na hinihingi ko basta hayaan mo nalang akong ipakita yung pagmamahal ko sayo" deserve ni Prince na mahalin ng totoo. Hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito.

"Wag mong sisihin yung sarili mo Elo kung bakit hindi mo ako kayang mahalin, kagustuhan ko ito kaya don't blame yourself ha" muli nitong sabi sa akin at napatango naman ako kahit na nasa kabilang linya ang kausap ko.

"Opo" sagot ko naman dito.

"Elo?"

"Ano bang ginagawa mo ngayon?" pagtatanong nito sa akin, sasagot naman ako dito ng magulat ako kay Dette na nasa gilid ko na pala.

"Ay!" literal na nagulat ako kay Dette sa gilid ko "Dette nagulat ako ha" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sorry ha busy ka kasi diyan sa katawagan mo eh" panunuyang sabi nito sa akin.

"Kaibigan ko Dette" sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong sinasabi ah" sabi nito at tumabi sa pagkakaupo ko dito sa sofa.

"Elo?" nakalimutan kong nasa kabilang linya pala si Prince.

"Ay sorry Prince dumating kasi yung katrabaho ko ih" paghingi ko ng pasenysa dito at tumingin ako kay Dette na ngayon ay kinakain ang wheat bread kaya pinanglakihan ko ito ng mata at nag peace sign naman siya.

"So sige na Elo babalik na ako doon ingat ka palagi ha at kumain ka sa tamang oras I love you" nakalimutan kong naka loudspeaker pala itong cellphone ko.

"Sige Prince kayo din ha ingat, pakibantayan nalang sila mamang thank you" sagot ko dito at pinatay ko na ang tawag.

Nilapag ko yung cellphone ko sa sofa at binalingan ng tingin si Dette na ngayon ay ngumunguya.

"Ano kaba Dette para sa sandwich yan ih" natatawang sabi ko sa kanya.

"Sorry na ano kaba" sabi niya naman "Hindi ko kayo nasamahan ni Ariana kanina dahil inaayos ko yung mga papers ni Nathan dahil dito din siya mag tatrabaho" sabi nito akin.

"Saang department siya?" tanong ko sa kanya.

"Sa wine production department at speaking of wine production department bakit niyo kasama si Dominic Vergara aber?" tanong nito sa akin.

"Nakasalubong lang siya namin ni Ariana ayun sumama na samin at saan mo naman nalaman na kasama namin siya?" tanong ko din sa kanya.

"Pinakita ni Lucas kanina yung picture niyong tatlo nila Ariana kasama si Dominic" sabi naman nito sa akin.

"Ah" tanging nasabi ko at nagging seryoso naman ang mukha ni Dette.

"Magkaibigan si Lucas at yang si Dominic dati at binata pa silang dalawa that time, nagtatrabaho si Dominic kay Cedric sa kuya ni Lucas habang si Lucas naman nag mamanage na din ng kompanya nila kasama ako" panimula nitong sabi sa akin at nakinig lang ako.

"Bukod sa kaibigan ni Cedric si Dominic close na close din silang dalawa ni Lucas hanggang sa yung pag ka close nila ang naging dahilan kung bakit nagkatampuhan" sabi nito sa akin.

"Ano bang nangyari at magkatampuhan sila?" tanong ko naman kay Dette, kaya pala ganun nalang din yung tingin ni sir kanina kay Dom kanina.

"Minsan kasing nahuli na ni Lucas si Angel at Dominic na magkasama" paglalahad nito sa akin kaya naman pala eh.

"Kaya ayun doon na nagsimulang magkatampuhan ang dalawa at hanggang ngayon hindi parin sila nagpapansinan, at dahil marupok iyang si Lucas napatawad niya si Angel" natatawang sabi sakin ni Dette sa huli.

"Kaya pala ganun nalang yung tingin ni sir kay Dom kanina" sabi ko kay Dette at tumingin ako sa mga sibuyas na nasa lamesita.

"Kaya ganun siya dahil natatakot na naman siyang makuha ang pagmamay-ari niya" napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"Ha?" sabi ko.

"Hatdog" sagot nito sa akin.

"Halowblaks kasi" gatong ko dito at nagtawanan naman kaming dalawa.

"Oo nga pala maayos na yung opisina mo sa isang araw" sabi nito sa akin.

"Ay weh?"

"Oo para doon kana tatambay at hindi sa opisina ko" sabi nito sa akin.

"May opisina nga pero wala pa naman akong nagagawang maayos na trabaho bilang secretarya niya" sabi ko naman dito "May mga dapat ba akong gawin Dette? Bukod sa pagwawalis at paglilinis ng opisina niya? At bukod din sa pagsalo ng mga kasungitan ni sir?" sunod-sunod kong tanong dito.

"Wala pa naman kasi masyadong gagawin dahil hinihintay pa ni Lucas yung mga investors niya, at bukod sa pagwawalis mo ipapasa ko na sayo ang gawain kong pagtitimpla ng kape kay Lucas at bukod pa doon gawan mo din si Lucas ng sandwich araw-araw dahil mahilig siya doon dahil kapag ako ang gumagawa ng sandwich sa kanya ay hindi niya ito kinakain" sabi pa nito sa akin at tumango-tango naman ako.

"Oo nga pala hindi pa ba sayo nasasabi ni Lucas?" tanong nito sa akin.

"Ang alin?" tanong ko dito sasagot na sana siya ng may tumunog sa cellphone niya.

Kinuha niya ito at sinagot ang tumatawag.

"Oh ano na naman ba?!" nagulat naman ako sa inasta ni Dette.

"Paanong hindi iinit ang ulo ko kung hindi ka titigil sa pangungulit mo diyan" sabi pa nito at inirapan ako, ay wow.

Hindi ko naman rinig kung sino ang nasa kabilang linya pero alam ko kung sino iyon.

Si Tommy ang Head ng Accounting Department at kung tawagin ni Dette ay panot dahil sa hindi ko alam na kadahilanan.

"Nakakainis ka talagang panot ka! Isa pang pangungulit mo isusumbong kita kay Lucas!" naikwento kasi sakin ni kinukulit siya nito dati pa kahit na nasa New York pa ang mga ito.

"Isa! Bahala ka diyan!" alam ko namang hindi talaga totoong nagagalit itong si Dette nag papabebe lang ito.

Oo nag papabebe lang siya.

"Kakanis ka talaga!" muli akong nagulat ng tumayo ito at naglakad papa-alis dito sa pwesto ko.

Iniwan ako ng gaga, tiningnan ko pa ito bago siya tuluyang makalabas ng office.

Muli ko namang binaling ang tingin ko sa mga pinamili naming kanina. Inaayos ko lang itong mga ito ng may tumawag sa akin.





"Tito Elo" napatingin naman ako sa gilid ko.

"Baby" si Ariana pala, napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko naman si sir na ngayon ay papunta na sa table niya. Muli akong tumingin kay Ariana.

"Tito Elo pinagt ake out kita ng burger" sabi nito at inabot sa akin ang maliit na paperbag.

"Thank you" sagot at tumabi siya sa pagkakaupo ko.

"Si uncle Lucas ang umorder niyan" sabi sa akin ni Ariana kaya napatingin naman ako sa likuran ko pero hindi ko naman nakita si sir doon tiyak na naka upo na ito sa swivel chair niya.

Napatango nalang naman ako sa sinabi ni Ariana.

"Oo nga pala tito Elo" sabi nito sa akin.

"Oh"

"Sabi ko kay uncle kung pwede tayong mag punta sa Echanted Kingdom tomorrow" sabi nito sa akin.

"Ha? Wala bang gagawin si uncle mo?" tanong ko sa kanya, huling punta ko sa echanted kingdom ay nung twenty first birthday ko pinilit ako ni Prince na doon ko ako mag celebrate ng birthday kasama ang pamilya ko.

"None, wala daw siyang gagawin tomorrow tito Elo pati  kaya ako nandito para po makasama ko siya magbakasyon kahit na alam ko pong may work siya" nakangiti nitong sabi sakin.

"Ganun ba?" tanong ko naman sa kanya at inaayos ko ang magulo nitong buhok.

"Then I ask uncle kung pwede kitang isama dahil wala naman si tito Zachary at alam kong bawal si tita Dette dahil walang maiiwan dito sa office" sabi ng bata.

"Ako?" tanong ko dito.

"Opo, okay lang daw sabi ni uncle and it's up to you po kung sasama ka at siyempre dahil baby mo po ako ngayon sasama ka po bukas sa enchated kingdom period!" sabi nito sa akin.

"May magagawa pa ba ako?" pagsuko naman sa kanya at natawa nalang kami ng batang ito.

"Tito Elo uwi mo po sa bahay niyo itong wheat bread at gawin mo siya bukas para may baon po tayo tomorrow, then ito namang loaf bread ay gawin po natin ngayon para may makain tayo mamaya" sabi sa akin ni Ariana.

"Okay po ba tito Elo?"

"Sige baby" sagot ko dito.

"Simulan niyo na po akong turuan" sabi ni Ariana at nagsimula na kaming gumawa ng sandwich.

Naging maayos naman ang maghapon pagkatapos naming gumawa ng sandwich at tinanong ko si Dette kung may ipapagawa ito sa akin at sinabing tanungin ko si sir, tinanong ko naman ito pero hindi naman ito sumasagot sa akin kaya naglinis nalang ako ng buong opisina kahit na malinis ito.

Niyayaya din akong maglaro ni Ariana at dahil wala naman saking ipinapagawa si sir at si Dette nakipaglaro nalang ako kay Ariana. Habulan at tayaan lang ang nilaro namin ni Ariana at tuwing ako na ang taya ay talong-talo ako sa kanya ginagamit ba naman kasi niya ang uncle niya para hindi ko siya mataya? At nagtatago pa ito sa ilalim ng table ng uncle niya kaya hindi ko ito mataya.

At dahil sa kakulitan ni Ariana ilang beses akong nasigawan at napagalitan ni sir na sinisegundahan naman ng pamangkin niya.

"Uncle? Anong sabi ko po sa inyo kanina? Wag niyo pong susungitan si tito Elo dahil isusumbong po kita kay lola at lolo" iyan ang sinasabi niya sa tito niya tuwing sinusungitan ako ni sir.

Akala niya ha? Thanks Ariana.

Maghapon lang kaming naglaro ni Ariana hanggang sa makatulog kami sa sofa.








"Hey! You! Wake up! Wake up!" boses ni sir.

"Hey wake up!" rinig ko pang boses ni sir at pati ba naman sa panaginip ko galit siya?

"Uncle get your things first na muna ako nalang gigising kay tito Elo" nandito din si Ariana.

"Tito Elo wake up" ang lambing naman ng boses ng baby ko.

"Tito Elo where going home, wake up" sabi pa ni Ariana.

Hindi naman nagtagal at nawala ang boses na iyon at nagulat ako ng may naramdaman akong kumurot sa akin.

"Uncle! Stop it!"

"Ah! Ah! Aray!" napabalikwas ako ng may maramdaman kong kumukurot sa magkabila kong pisngi.

"Uncle Lucas stop!" napabitaw naman ito sa pagkakakurot niya sa pisngi ko.

"Tito Elo masakit po?" sabi ni Ariana nilapitan ako nito at hinawakan naman ang magkabilang pisngi ko.

"No baby, sorry nakatulog ako" sabi ko naman dito.

"It's okay tito kagigising ko lang din naman po" nakangiting sabi sa akin ni Ariana at ngumit nalang din ako sa kanya.






"Are you sure that you are okay po tito Elo?" sabi sa akin ni Ariana.

"Oo naman maaga pa naman at may mga taxi pa" sabi ko dito dahil niyayaya niya akong sumabay nalang sa kanila ng uncle niya pauwi. Nandito kami sa may lobby dito sa groundfloor.

Alas-otso ang uwian namin dito sa company, actually iilan lang ang umuuwi dahil 24 hours ang production ng ilang department dito.

"Okay po tito Elo" sabi nito sa akin.

"Sige na bye-bye na" sabi ko sa kanila.

"Okay tito bye-bye po" sabi nito sa akin, tumingin naman sa ako sa uncle niya na ngayon ay nakatutok sa cellphone niya.

"Sir bye po" nakangiti kong sabi dito at as usual wala akong nakuhang sagot dito.

"Uncle bye daw sabi ni tito Elo" pag-sasalit ni Ariana sa uncle niya.

At pagtango lang ang nakuha ko dito habang diretso parin siyang nakatingin sa cellphone niya.

Sungit amp.

"Bye baby" nakangiti ko ulit na pagpapaalam kay Ariana.

"Bye tito" sabi nito sa akin at tumalikod na ako sa kanila.

May daan kasing papuntang parking lot dito sa groundfloor kaya kami nandito. Rinig ko pang nag babye sa akin si Ariana pero hindi ko na ito nilingon pa.

Nakalabas na nga ako dito at dumiretso na sa may service station dito sa gilid ng kompanya may mga taxi at trike kasi na nakaparada dito at dito din ako sumakay nung unang araw ko dito.

At sa kamalas-malasan ay walang taxi at trike na nakaparada dito.

"Ano ba naman yan" sabi ko at bumuntong hininga nalamang.

"Manong bakit wala pong nakaparada?" pagbaling ko ng tingin sa nagtitindang balot at penoy dito sa may gilid.

"Kaalis lang utoy pati nag daan di'ne yung mga basketbolista at nag sakayan sa tricycle at taxi" sabi nito sa akin at tumango nalang ako at napakamot ng ulo.

"Wala kang kasabay?" napatigil ako sa pagkakamot ko ng ulo ng may magsalita sa likod ko.

"Bakit wala kang kasabay?" si Dom na ngayon ay nasa gilid ko at nakangiti sa akin.

"Iniwan kasi ako ni Dette kaya wala akong kasabay" nakangiti ko namang tugon dito.

"Saan kaba? Apartment?" tanong nito sa akin.

Sasagot n asana ako dito ng may malakas na busina ang tumunog sa harapan namin. Napatingin ako dito at gulat kong sasakyan ito ni sir.

Nakatingin lang ako dito ng magbukas ang bintana.

"Get in the car!" sigaw nito mula sa loob ng sasakyan at nakatingi ito sa akin ng seryoso.

"Po?" tanong ko.

"I said get in the car!" sabi nito at hindi ko alam kung bakit nasa loob na ako ng sasakyan ni sir dito sa front seat.

"Si tito Dom ba yun?" sabi ni Arianasa likod habang hawak ang kanyang phone. Bubuksan n asana ni Ariana ang bintana ng paandarin ni sir ang sasakyan.

"Uncle dahan-dahan baka malaglag po ako" sabi ni Ariana at ramdam ko namang bumagal ang takbo.

Bakit ako napasakay ng ganun-ganun? Hindi tuloy ako nakapag paalam kay Dom.

Napatingin naman ako kay sir at teka galit ba siya?

Nakataas kasi ang mga kilay nito at maririnig mo ang malalalim nitong paghinga.

"Kaya ganun siya dahil natatakot na naman siyang makuha ang pagmamay-ari niya" rinig kong boses ni Dette.

"Wait wag mo sabihing?" sabi ko sarili ko at ayaw kong ituloy ang nasa-isip ko umiling nalang ako at hindi pinansin ang nasa isip ko, ibinialing ko nalang ang paningin ko sa labas.

"Uncle nanaginip ako kanina habang tulog kami ni tito Elo" buti nalang at nagsalita si Ariana.

"What's that?" napatingin ulit ako kay sir na ngayon ay maayos na ulit ang itsura, seryoso na ulit.

"Sumakay daw kayong dalawa ni tito Elo sa ferris wheel" sabi ni Ariana at hindi ko alam kung anong dapat na reaksyon ko.

"Really?" tanong ng katabi ko.

"Yes uncle, sakay kayo bukas ni tito Elo sa ferris wheel ha?" sabi ni Ariana kay sir.

Ha?








"Were here" nakatigil na ang sasakyan dito sa harapan ng apartment ko, hindi ko naman alam kung anong sasabihin sa kanya dahil hiyang-hiya ako sa pang-aasar ng pamangkin niya sa akin.

"Ah..eh..thank you sir" sabi ko dito at tinanggal ko ang pag-kakabit sa akin ng seatbelt at pagkatpos kong gawin iyon ay kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng tinapay at ilang ingredients para sa sandwich.

Nakatulog na si Ariana sa likod dahil alam kong pagod na pagod ang batang ito at idag-dag pa ang pang-aasar niya sa aming dalawa ng uncle niya.

Bubuksan ko na sana ang sasakyan ng magsalita si sir.

"Wait" napatigil naman ako at dahan-dahang humarap sa kanya.

"Yes sir?" sabi ko dito ng makaharap ako sa kanya pero hindi ito nakatingin sa akin.

"About sa trabaho mo" sabi niya habang diretso paring nakaharap sa unahan.

"Ano po yun?" pagtatanong ko naman dito.

Ngayon lang kami nagkausap ng ganitong walang sigawan ha, infairness.

"I want you to take care muna kay Ariana habang nandito pa siya sa Pilipinas since wala ka pa namang masyadong gagawing paper works at close naman kayong dalawa" ang lalim ng boses ni sir habang nagsasalita siya at idagdag pa ang pagka seryoso nito.

"Okay po" sagot ko naman dito.

"K" sabi nito.

"Yun lang po?" tanong ko dito pero hindi na ito nagsalita at seryoso paring nakatingin sa harapan.

Sungit.

"Sige po sir una na po ako" sabi ko dito at tuluyang lumabas sa sasakyan.

Nakalabas na ako at hinihintay kong umalis na ito, hindi naman ako nakapag-paalan kay Ariana dahil tuloy ang baby ko.

Nakatayo lang naman ako sa may gilid ng sasakyan dahil hinihintay kong umalis ito.

Ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay hindi ito umaandar kaya muli ko itong nilapitan.

Pagkalapit ko dito ay bumukas ang bintana para muling makita ko ang seryosong mukha ni sir na diretso parin ang tingin sa unahan.

"Sir?" pagbasag ko dito ngunit hindi naman ito umimik.

Trip niya?

"Sige na sir ingat po kayo pauwi pasabi na din po kay Ariana" nakangiti kong sabi dito kahit na ito'y hindi nakatingin sa akin.

Ilang segundo pa at hindi ito kumikibo.



"Ingat ka sir thank you po sa paghatid, may sandwich pa po akong ginawa nakalagay po doon sa bag ni Ariana, kita kita po bukas bye po" sabi ko dito at umandar na ang kanilang sasakyan.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Continue Reading

You'll Also Like

739K 21.6K 47
#1 out of 7.19k stories in boyxboy. Updated on April 12, 2020 12:25AM #7 out of 4.38K stories in boyxboy #1 out of 185 stories in ManxMan Updated in...
3.8K 195 38
Naranasan mo bang ma-inlove? sa kaibigan mo? naranasan mo bang masaktan? yung tipong araw araw kang iiyak. mapapasabi ka na lang na "only love can h...
My Boss By CreammeOh

General Fiction

1M 30.9K 58
Isang bading na nagpanggap bilang straight na lalaki para magtrabaho bilang secretary sa isang kompanya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang bo...
657K 28.7K 54
We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet, luck has turned it's back on me. my p...