Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.6K 625 185

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
08
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

09

101 18 1
By Sky_Supreme

Chapter's Theme Song: Having You Near Me by Air Supply

Chapter 9


Umiihip na sariwang hangin, puting buhangin, mala-kristal na dagat, tunog ng mga alon na tila isang humiheleng musika sa aming mga tainga, ang matatayog na mga puno, tinig ng mga ibon, at ang tila nagniningning na init ng araw ang sumalubong sa amin sa resort na tinungo namin ng mga kasamahan ko sa Infinity Resto Bar. Animo'y isa itong lugar ng paraiso.

“Welcome to Agoho Kampsite!” masayang saad ni Sir Quintos habang nakatayo sa harapan naming lahat at ini-emphasize ang signage ng Agoho Kampsite, ang pangalan ng resort na ito. Nakalilok ang pangalan nito sa isang oblong na kahoy at nakasabit sa taas, sa pagitan ng dalawang matayog na puno ng Agoho.

Tumagal ang biyahe namin ng halos apat na oras bago kami makarating dito sa San Narciso, Zambales. Matapos ang nakakaantok na byahe ay tila nabuhayan kaming lahat dahil sa ganda ng lugar na ito. Ayon kay Sir Quintos, may kapamilya siya rito sa Zambales na siyang nag-suggest ng resort na ito. Batay na rin sa pangalan nito, nagsisilbi rin daw itong campsite sa mga gustong mag-overnight dito.

“Mukhang magi-enjoy talaga tayo rito Sir ah! Ang ganda!” tatalon-talong sabi ng isa sa mga pinakabatang lalaki na katrabaho namin. Natawa naman ang karamihan sa inasta nito. Halos dalawampu kaming mga magkakasama pati na si Sir Quintos. May ibang mga kasamahan naman kaming hindi nakasama dahil sa iba-ibang rason, gaya ng nagkasakit o 'di kaya ay may aasikasuhing ibang bagay.

“Oh siya, hindi na tayo kukuha ng cottage diyan, mag-set na tayo ng mga tent,” usal ni Sir Quintos at nauna nang maglakad. Agad namang sumunod ang lahat. May mga bitbit kaming kaniya-kaniyang bag na naglalaman ng mga personal na gamit namin gaya ng pamalit. Gayundin, dala-dala namin ang ilang mga tent na siyang aming gagamitin. Syempre, kailangan ma-feel talaga namin ang camp sa campsite na ito kahit na hindi kami abutin ng gabi rito. Bitbit din namin ang mga pagkain na ipinahanda ni Sir Quintos---mga naka-tray na ulam at dessert ang sa mga babae, at ang kaldero ng kanin at mga water jug naman ang pinagtutulungang alsahin ng mga lalaki.

Kami ang nahuhuli ni Eda sa hanay ng mga kasamahan namin. Bitbit ko ang isang tray ng caldereta habang si Eda ay may hawak namang dalawang box ng cake. Panay pa ang sulyap-sulyap ni Eda sa buong paligid habang naglalakad kaya't mas lalo yata kaming nahuhuli sa paglalakad.

“Tahimik at maganda ang lugar na ito Juliet. Napakaganda pa ng panahon,”ani ni Eda habang tinititigan ang mga puno ng Agoho na nadaraanan namin. Napapangiti naman ako sa ikinikilos niya na animo'y excited sa mga nakikita. “Sayang nga lang at hindi tayo maaarijg magpagabi. Hindi tayo makakapag-star gazing,” bigla niyang dagdag. Hindi naman siya malungkot sa pagkakasabi niya nito.

Inanunsiyo na noon ni Sir Quintos na hindi raw kami dapat lalagpas sa alas singko ng hapon dahil kailangan pa naming pumasok kinaumagahan. May aasikasuhin din daw siya sa resto-bar.

“Hayaan na natin Eda. I-enjoy na lang natin. Oras ito para makapag-relax tayo,” sagot ko sa kaniya. Tinitigan naman niya ako. Umiihip ang hangin kaya't bahagyang tinatangay ang buhok niyang nakalugay.

“Makakapag-relax ka ba talaga? Iniisip mo pa marahil kung anong gagawin mo bukas. Bibiguin mo ba si Estefanio o tatalima ka?”

Napangiwi naman ako sa lalim ng sinabi niya. Sa totoo lang, kanina ko rin pa iniisip kung ano nga bang magiging pasiya ko tungkol sa text kanina ni Estefanio. Akala ko fired na ako sa trabaho---ma okay naman sana para sa akin---pero heto,ako ang kailangan magdisesyon. Natatakot ako. Nahihiya ako. Napakabuti niyang tao kung ganoon niya lang kakalimutan ang kahihiyang dinala ko sa kaniya noong nakaraang party.

“Ewan.” Napakibit-balikat na lang ako sa kaniya at inaya na siyang maglakad para maabutan ang iba.

Dahil tirik pa ang araw at halos nasa gitna pa lang ng katanghalian ay iilan lamang ang makikita mong nasa baybayin o sa tubig ng dagat. Maraming tao, sa totoo lang, ngunit karamihan dito ay makikita sa mga cottage o 'di kaya sa ibang area ng campsite. May ilang mga foreigner at kapwa-turista na ngumingiti sa amin habang binabaybay namin ang daan papunta sa isang parte ng resort na ito.

Nang makarating kami sa isang shaded area, kung saan mas marami ang mga puno ng Agoho ay doon na kami nag-umpisang maglatag ng mga gamit namin. Itinayo namin ang ilang tent na dala namin at isi-net ang isang folding table na dala rin ng mga kasamahan namin kanina. Dito namin ipinatong ang mga pagkaing bitbit namin.

“Guys, kuha tayo ng picture,” saad ng isa sa mga kasama namin. May katabaan ito ngunit mestiza kung titignan. Nakasuot pa siya ng shades at hat bilang proteksiyon sa init. Suot-suot niya ang isang digi-cam na siyang kanina niya pa ginagamit sa pagkuha ng mga litrato habang naglalakad kami sa may pampang.

Tumayo ang karamihan sa amin kaya't sumunod na rin kami ni Eda. Nagkumpulan kami sa isang banda kung saan makikita ang dagat sa likuran namin. Doon ay kinuhanan niya kami ng larawan. Narinig ko pa ang dalawang magkasunod na shot bago niya ibaba ang camera at magsibalik na rin sa kaniya-kaniyang inaasikaso ang lahat.

“Kung nadala lang sana natin ang cellphone ko from the future ede sana nakakuha rin ako ng mga picture Eda. Sayang,” sabi ko kay Eda habang tinitignan ang tibay ng tent na inaayos namin.

“Future?” Nabigla ako nang sumingit ang isa naming kasamahan matapos kong magsalita. Siya iyong pinakabatang lalaki sa amin. Mga nasa 18 pa lang yata siya. Nagkatitigan naman kami ni Eda. Busy pala ito sa pagpapasok ng mga bag namin sa loob ng tent.

“A-ah. Wala 'yun,” palusot ko.

“Narinig kita eh, may sinabi kang future saka may cellphone ka? Iilan pa lang ang may kakayahang magkaroon ng cellphone ngayon ah. Saan mo nabili?” sunod-sunod na tanong ng lalaking katrabaho namin. Mabuti na lang at hindi siya naririnig ng iba pa naming kasamahan na busy sa pag-aayos ng mga pagkain sa mesa.

“W-wala, imagination mo lang 'yung sinabi ko,” sagot ko na lang sa kaniya kaya't napakamot siya ng ulo. “Halika na Eda, maglibot-libot na tayo,” tawag ko kay Eda. Tumayo naman agad ito. Sinenyasan ko na lang siyang huwag pansinin ang sinasabi ng kasamahan namin.

“Teka, imagination lang ba 'yun?” Narinig pa naming nagsalita iyong katrabaho namin pero hindi na namin siya nilingon ni Eda. Masyado lang hahaba ang usapan kung sasagutin pa namin siya. Baka kung ano pang masabi namin at magtaka 'to sa pagkatao namin.

“Sir, maaari po bang maglibot-libot lang muna kami ni Eda rito sa paligid?” Lumapit kami kay Sir Quintos na kasalukuyang nakaupo sa baba ng isang puno at nakatanaw sa dagat. Bahagya siyang nakahiwalay sa amin.

“Nako, hindi ba ang init pa? Mamaya na lang kaya?” saad ni Sir Quintos pero nang sabihin niya ito ay bigla na lang humupa ang tirik ng araw. Napatingin naman kami ni Eda sa langit. Natabunan na ng malalaking puting kumpol ng ulap ang araw.

“Sir, hindi na po mainit. Maglilibot-libot lang po kami. Mabilis lang naman po,” sabi ni Eda. Tumango-tango naman ako. Dahil na rin tila sumang-ayon ang panahon sa amin ay wala nang nagawa si Sir Quintos kundi um-oo sa amin.

“Basta ah, 'wag kayo lalayo,” sabi niya pa.

Tuluyan na nga kaming humiwalay sa pangkat namin. Naglakad-lakad kami ni Eda sa pagitan ng mga matatayog na puno habang nilalasap ang sariwang hangin na hinahatid ng dagat. “Hays, napakaganda ng lugar na ito Eda. Ang swerte natin,” sabi ko sa kaniya habang naglalakad.

“Sa tingin ko mas swerte ka,” sagot ni Eda. Napatingin naman ako sa kaniya.

“Swerte saan? Sa'yo?” Natawa naman ako sa sinabi ko. “Oo nga, suwerte ako sa'yo, sa inyo, at kay---” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nang matauhan ako.

“Estefanio,” biglang dugtong ni Eda. Agad ko naman siyang kinontra.

“Ha? H-hindi ah,” pagtanggi ko sa kaniya.

“Si Estefanio,” ulit niya pa kaya't iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya.

“Ano ka ba Eda? Kaya nga gusto kong sumama sa outing na ito para kahit kaunting panahon man lang makaiwas ako sa pag-iisip diyan tapos ikaw naman---”

“Si Estefanio! Ayun si Estefanio!” Natigilan naman ako sa muling pagbanggit ni Eda sa pangalan niya. May itinuturo siya sa may unahan kaya't dahan-dahan ko naman itong sinundan.

Mukhang na-estatwa ata ako sa posisyon ko nang matanaw ko nga sa may unahan namin ang pamilyar na pagmumukha. Syempre, walang iba kundi si Estefanio Del Carpio nga na naglalakad sa may babayin kasama ang ilan pa. Kung walang mga puno ng Agoho ay siguro nakita niya na kami agad. Mabilis kong hinatak si Eda at nag-umpisang maglakad pabalik sa mga kasamahan namin.

“Bakit Juliet? Hindi mo ba babatiin ang amo mo?” nakangiting sabi sa akin ni Eda habang mabilis ko siyang hinahatak sa paglakad. Oo nga pala! Hindi ko sa kaniya ikwinento ang nangyari sa Welcome Party kaya't wala siyang ideya sa kung bakit nais kong takasan si Estefanio.

“Ayoko lang. Hindi ito ang tamang oras para magkita kami,” sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya. Mukhang hindi naman naalis noon ang pagtataka kay Eda.

“Bakit? Magkikita lang naman kayo bukas. Bakit ba? Nahihiya ka pa rin ba sa kaniya?” tanong pa nito. Makahulugan pa siyang ngumiti sa akin na parang sinasabi na 'ikaw ah'.

“Basta! Hindi tayo magpapakita sa kaniya, okay?” sabi ko na lang. Natawa na lang si Eda at mabuti't hindi na nagtanong pa. Hinayaan niya na lang akong kaladkarin siya pabalik sa mga tent na itinayo namin kanina.

----

“Juliet, halika na. Kumain ka na uy,” naririnig kong tawag sa akin ng isa sa mga kasamahan namin. Dahan-dahan ko namang idinilat ang mga mata ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa loob ng tent na pinasok namin kanina ni Eda.

“Nasaan si Eda?” agad kong tanong nang mapansing hindi ko ito kasama. Bumangon na rin ako nang diretsyo.

“Ayun! Kanina pa nakikipagsaya roon. Ikaw na lang ang hindi nakikisabay sa amin.” Pagkasabi ng babaeng kasamahan namin ay umalis na ito at nagtungo sa itinuro niyang lugar nina Eda. Lumabas naman ako sa tent at agad na nakita ang kumpulan nila at iba ko pang kasamahan na nagtatawanan at mukhang naglalaro sa may baybayin. Nakita ko pang nag-uungoy-unggoyan si Eda at tumatawa sa sarili niya.

Hay naku, ang ganda-ganda mo Eda pero minsan napapaisip ako kung prinsesa ka ba talaga o batang kinulong nang mahabang panahon at ngayon lang nakalabas.

Nagtungo na lang ako sa mesang pinagkainan ng mga kasamahan ko. Napansin kong bumaba na rin ang araw at sa tingin ko ay halos isang oras rin yata akong nakatulog. Ano ba naman 'yan, dahil sa pagtakas ko kay Estefanio mukhang sinayang ko pa ang oras ko na sana ay ginamit ko para mag-enjoy.

Nasaan na kaya si Estefanio? Sana naman wala sila rito sa may lugar namin. Ayokong mag-krus ang mga landas namin. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng lugar sa Pilipinas, pagtatagpuin pa yata kami rito?

Kumain na lang ako nang mag-isa lalo pa't ramdam ko na rin ang gutom ko. Ang ilan sa mga kasamahan namin ay nakita kong lumalangoy na sa dagat. Medyo na-excite naman akong lumusong nang makita kong ang saya-saya nila. Nagsilabasan na rin sa kaniya-kaniyang mga cottage at tent ang karamihan sa mga nandito sa resort. Dahil hapon na, mukhang ini-enjoy na nila ang sandali. Ang iba naman sa mga kasamahan ko ay busy sa pagtatawanan, kasama na doon si Eda. Nakapwesto sila sa malilim na pwesto malapit sa pampang. Tanging naiwan na lang yata rito sa lugar namin ay ang mag-jowang katrabaho namin na nasa may likuran ko. Hay naku, PDA.

Mayamaya ay tumakbo si Eda papunta sa akin nang makita ako nitong kumakain. May dala-dala pa itong stick na kanina niya pa hawak-hawak.

“Hindi mo man lang ako ginising,” singhal ko sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Hindi ba't nais mong tumakas kay Estefanio? Kaya naisip kong sa panaginip ka na lang muna tumakas,” natatawa niyang sagot. Sinimangutan ko naman siya.

“Oo nga pala, magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising. Bilisan na natin kumain,” sabi pa niya at nakisabay na rin sa pagkain. "Maligo na tayo sa dagat. Sasayangin ba natin ang pagkakataong ito? Baka mamaya'y pauwiin na tayo ni Sir Quintos.” Sabay naman naming tinignan si Sir Quintos na nasa may pampang din kausap ang dalawa sa katrabaho namin.

“Sigi na nga,” sabi ko na lang at agad na uminom ng tubig. Matapos kumain ay patakbo kaming nagtungo ni Eda patungo sa pampang kung saan naliligo ang ilan sa mga kasamahan namin.

“Teka Eda,” bigla ko na lang tawag sa kaniya. Lumingon naman siya. “Marunong ka bang lumangoy?”

Napangiwi siya sa tanong ko. “Hindi, kaya sa mababaw na parte lang ako—katulad noon.” Itinuro niya ang ilang mga bata na nasa may mababaw na bahagi ng dagat. Napangiwi rin ako sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi bagay sa kaniyang makipagsabayan sa mga bata pero na-realize kong pareho lang pala kaming hindi marunong lumanggoy.

“Hindi rin ako marunong,” natatawa kong sabi sa kaniya at magkasama na kaming dumiretsyo sa may dagat. Hindi na kami nagpalit pa ng damit, hindi katulad sa ibang mga kasamahan namin na naka-beach attire pa. Wala kaming pakialam ni Eda kahit pa magmukha kaming badoy basta't magi-enjoy kami.

Agad na lumusong si Eda sa dagat kaya't nagtalsikan ang mga tubig. Susunod na sana ako sa kaniya nang biglang may tumawag sa akin. “Juliet?”

Paglingon ko sa kaliwa ay agad kong nakita ko ang taong ayoko pa sanang makita.

Agad akong tumalikod at babalik na lang sana sa tent namin nang tawagin din ako ni Eda. “Juliet! Halika na! Ang sarap ng tubig.” Naman Eda, tumatakas nga ako eh.

Wala na akong nagawa kundi harapin si Estefanio Del Carpio.

“Hey, Juliet!” Hinintay ko siyang lumapit sa akin bagama't hindi ako makatingin sa kaniya nang diretsyo. “Wow, I never expected I'll see you here.” Same way.

“Iniiwasan mo ba ako?”

Napahinto naman ako at dahan-dahan nang tumingin sa kaniya. Halos isang metro ang layo namin sa isa't isa. Nakasuot siya ng puting sando-shirt, pulang short at naka-shades pa. Tinanggal niya naman ito nang humarap na ako sa kaniya. Leche, mukhang mahi-hypnotize na naman ako nito!

“Are you?” tanong ulit nito.

“N-no!” sagot ko kahit na mukhang maiihi na ako dahil sa nerbyos ngayong kaharap ko na siya. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko si Eda na kasalukuyang nasa tubig at ngingiti ngiti sa akin. Kasalanan mo 'to Eda eh!

“Great! Can I join you then?” Nginitian niya ako. Sumisinag ang araw sa mukha niya at talagang kitang-kita ang kagwapuhan niya. Shemay!

“No---”

“Oo! Maaari po,” singgit ni ni Eda na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala. Tinignan ko naman siya nang masama ngunit hindi niya ako pinansin. Napatingin naman si Estefanio sa kaniya.

“Ah..you are?” tanong ni Estefanio sa kaniya. Tinignan naman ako ni Eda.

“Ah, s-she's Eda. My---”

“Cousin. Pinsan niya ako,” singgit muli ni Eda sa sasabihin ko. Nakita ko namang ngumiti si Estefanio.

“Nice meeting you Eda.” Tumango naman si Eda matapos sabihin iyon ni Estefanio. “I am Estefan---”

Pinutol muli ni Eda ang sasabihin naman ni Estefanio. “Estefanio! You are Estefanio. Ang crush ni---”

“Hep hep hep!” Agad kong pinigilan si Eda sa kung ano pa mang sasabihin niya. Natawa na lang siya kaya't tinitigan ko muli siya nang masama.

“Ang ano?” ani Estefanio. Hindi na kami nakasagot pa dahil sa malakas na tiliang narinig namin.

“Estefanio Del Carpio!” Napalingon kami sa mga kasamahan kong babae na sumisigaw at palapit na sa amin.

“Estefanio! My idol! Wow, is it really you?” dire-diretsyong tanong ni Donna, 'yung kasamahan naming kumaha ng litrato sa amin kanina. “Siya ba iyan?” tanong niya sa amin ni Eda. Tumango naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya. Agad siyang nagtatalon kasama ang iba pang mga babae na katrabaho namin. Hinila niya si Estefanio sa kanang kamay nito. Naiwan naman kami ni Edang nakatingin lamang sa kanila.

“Can we have a picture, Estefanio,” nagpapa-cute na tanong nito. Halatang kilig na kilig ito at hindi na alam kung anong gagawin. Tumitili naman ang ilan pa sa kasama niya.

“Yes, why not?”

Tsk. Hindi man lang ba naaasiwa si Estefanio sa ginagawa sa kaniya ng mga iyan?

Well, artista naman siya. Sanay na siya diyan of course.

Agad na inabot ni Donna ang camera niya kay Mona, yung babaeng gumising sa akin kanina sa tent. Mabilis namang kumuha ng picture sina Mona at ang iba pa kina Estefanio at Donna. Pagkatapos noon ay sama-sama naman silang lumapit kay Estefanio para lahat magpa-picture. Nabaling ang tingin nila sa akin nang ma-realize nilang walang kukuha sa kanila. “Ako?” tanong ko nang senyasan ako ni Donna na kunan sila ng larawan. Tumango naman siya kaya't wala na akong nagawa at inabot ang camera.

“Ayusin mo naman Juliet. Parang wala ka namang kinain,” komento ni Donna nang mapansing parang wala akong ganang kunan sila ng larawan. Tumanggo na lang ako sa kaniya.

“Kakain niya pa lang,” narinig kong dagdag ni Mona. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi nila o maiinis dahil sa masyado nilang pagdikit kay Estefanio. Eh ako nga, wala pa man lang picture dito sa idol ko.

“Yehey! Salamat Estefanio!” tili ni Donna kaya't nagtinginan naman ang ilan pang nasa may pampang sa kaniya. Nang makilala nila si Estefanio ay isa isa nang nagsilapitan ang lahat sa kaniya at nais na makipagkilala. Mukhang naipit naman si Estefanio at hindi niya alam kung sinong uunahin sa kanila. Napatingin ako kay Eda na lumapit sa akin. “Hindi ba't assistant ka niya? Mukhang nahihirapan na si Estefanio roon ah,” sabi nito kaya't muli ko namang tinignan si Estefanio. Halata nga, lalo pa't naroon sa tabi nito si Donna, mukhang ipit na ipit siya sa laki nito.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob nang unti-unti akong lumapit sa kumpulan ng mga tao at nagsalita. “Please lang po, pwede niyo po bang bigyan ng space si Sir Estefanio.” Natigilan halos silang lahat at dumako ang tingin sa akin. Napalunok na lamang ako.

“Hoy, Juliet, makautoa ka naman. Ano ka ba ni Estefanio Del Carpio?” tanong ni Donna sa akin. Nakapamewang pa ito. Akala ko pa naman, mabait siya pero medyo unti-unti na akong naiinis sa inaasta niya.

“She's my cousin's P.A.” Napalingon ang lahat nang may sumagot sa likuran nina Donna. Mula roon ay nakita ko,walang iba, kundi si Alanis—ang pinsan ni Estefanio—na nakataas-noo ngayon sa kanila.

“Kuya, Papa is searching for you na. Let's go,” dagdag ni Alanis. Namutawi naman ang katahimikan sa lahat habang tinitignan nila si Alanis.

Sumunod si Estefanio sa kaniya ngunit bago iyon ay ngumiti pa siya sa mga fans niya. “Thank you! I love you all,” saad ni Estefanio at nag-sign pa ng flying kiss sa kanila. Para namang linta na nabuhusan ng asin ang mga babaeng fans niya at nagsitalong-talon habang ang iba ay napabagsak pa sa buhangin dahil sa kilig.

“Juliet, let's go.” Dumako muli ang tingin ko kina Alanis nang tawagin ako nito. Inulit pa nito ang pangalan ko kaya't agad naman akong sumunod. Hinila ko si Eda na tulala sa mga fans na nagtitilian doon. Nilampasan namin sila at sumunod na kina Estefanio.

“Nandito rin pala kayo. What a coincidence,” si Alanis iyon habang nauunang naglalakad sa amin. Hindi ko naman alam kung saan kami papunta.

“Thank you for saving me Alanis. Gusto ko pa naman sanang mag-relax. I never thought, may mga fans din pala ako dito,” saad ni Estefanio saka napailing. Narinig ko namang natawa si Alanis. “And you Juliet, thank you,” baling sa akin ni Estefanio. Magkakapantay kaming tatlo ni Eda na naglalakad. Nasa gitna ako habang si Estefanio ang malapit sa may dagat. Naramdaman ko namang tintululak-tulak ako ni Eda papunta kay Estefanio kaya't tumigil ako at nagpahuli na lang ako sa paglalakad. Tumigil din sila dahil doon.

“Trabaho 'yun ng P.A. d-diba?” sagot ko.

“Yes, but it should have been better than what you've done,” biglang sabi ni Alanis na nakaharap na rin sa amin. Nagpalipat-lipat na lang tingin ko sa kanilang tatlo nina Eda na nakalingon din sa akin. Mukhang na-hotseat tuloy ako!

“It's okay,” ani Estefanio. Bumaling naman siya sa akin saka nagsalita. “So, ibig sabihin, tuloy-tuloy ka pa rin sa pagiging P.A. mo? I mean, you won't resign?” Napangiti ito sa akin.

“Bakit ka naman aalis sa trabaho Juliet?” tanong bigla ni Eda sa akin. Naku, mukhang malalaman niya pa ang nangyari sa Welcome Party at ayokong mangyari iyon. Ayokong mag-alala pa si Eda sa akin. Banggit banggit pa 'tong si Estefanio! Hindi ba't matagal mo na nga itong pinangarap na---"

“Hep! Tigil!” pigil ko kay Eda. Mukhang ako ata ang ilalaglag ni Eda dito ah. “Oo, h-hindi ako magri-resign,” sagot ko na lang kay Estefanio nang hindi tumitingin sa kaniya para na rin matapos na itong usapan namin.

“Why can't you look at Kuya's eyes?” Napagitla ako dahil sa biglang tanong ni Alanis sa akin. Shemay, nilalaglag nga ako ng mga taong ito!

Sasagot na sana ako nang biglang may isang batang babae ang tumatakbo papunta sa amin mula sa may likuran ni Eda. Iiwas sana ako rito ngunit bigla na lang akong natapilok sa buhangin. Hindi ko na namalayan ang mga nangyari hanggang sa ma-realize ko na lang na hawak-hawak na ako ni Estefanio at ilang saglit pa ay sabay kaming bumagsak sa umaalong tubig ng dagat.

“Kuya!”

“Juliet!”


END Of Chapter 9

Continue Reading

You'll Also Like

82K 4.3K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
111K 3.9K 13
It's a new world never seen.
1K 60 22
Life has been very hard for Shane. There are a lot of disasters hindering her success in life. But as her heart is pure, the angels in the Department...
40K 1.5K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...