Chapter 2: the stares
🥃
Catalya
Ngumisi ako kasi paglabas ko, wala na yung dalawang malalandi na halos kainin ang labi ng isa't-isa. Pero pamilyar yung babae sa akin. Parang nakita ko na siya sa campus.
My phone beeped so I took it out from my clutch. Si Mommy nag-text.
Ma:
Don't come home too late. Nasa Bacolod si Dad mo pero alam mo na ayaw non na lumalabas ka. Also, there's a big news I just received from your Lola Liliana. Bibisitahin natin sila bukas. Just be safe anak. 😘
Napangiti ako dahil sa emoji na sinabit ni Mommy.
To Ma:
Yes, Ma'am. I'll be there at 10. ily
I chuckled after sending her my reply before I hid my phone inside my purse again. Bumalik na ako sa table namin at tamad na naupo.
"You okay?"
Binalingan ko si Kuya Ced sa naging tanong niya. Hinde, kasi may humawak sa puwet ko nung papunta ako sa CR. And I witnessed two landicious people blocking my way to the restroom by kissing torridly in front of my face! So I am definitely not okay!
"Yeah. Just bored" sagot ko at napatingin kila Angela nang magsitilian ulit sila. "Oh my g! He's looking at me!" Singhap niya.
"Gaga ka ba? E sa akin nakatingin ang crush mo!" Pambabara ni Liel sa kapatid. I just took another bottle of beer before drinking at it. Nakatitig pa rin ang dalawa sa kung sino man ang tinititigan nila kaya sinundan ko ang direksyon. And I almost choked on the alchohol when I found Isaac looking straight at me. Seryoso ang mukha niya ngunit nang mahuli kong nakatingin siya ay nag-iwas siya ng tingin.
Napunta ang tingin ko sa babaeng nasa tabi niya. She was whipering something in his ears while her hand is on his thigh, caressing it as if seducing him. This girl is not the same girl that he kissed awhile ago. Taray! Ibang babae ulit!
Napangisi ako at tumungga sa alak ko. Napakababaero.
Tumingin naman ako sa harap nang may lumapit sa akin. He looks Australian. May hikaw sa isang tenga. Even his fashion style looks cool. He looks like a boy next door. Gwapo rin.
Hindi naman to lalapit kung wala siyang kailangan. Alangan huminto lang sa harapan ko diba?
"What is it?" Diretsong sabi ko at uminom sa bote ng alak ko.
I saw him smile when I asked first. Mukha kasing nahihiya pa. "You want cigarette?" Tanong ko dahil hindi siya sumagot sa unang tanong ko. Napangisi ako nang mahina siyang natawa.
"I want you" diretsahang sabi niya kaya tinitigan ko siya ng mabuti. His attentive stares at me made me clench the bottle in my hand. Parang sinusubak niyang basahin kung ano ang laman ng isip ko. He's trying to seek through me.
"Ay gwapo!" Rinig kong komento ni Liel sa kausap ko. I just glared at her before looking at the guy in front of me again. He doesn't look harmful at all.
"Follow me" mariing sabi ko at makahulugang tumingin kay Kuya Ced na napailing lang. "be back after 30 minutes. Call me if you need something" sabi niya at tumingin sa lalaking nasa harap ko.
I nodded before standing up. Hinawakan kong mabuti ang ikalimang bote ng alak ko. "Can I at least know your name?" Tanong niya habang naglalakad kami. I even felt him wrap a hand around my waist to balance me when I tripped a little.
Napangiti ako sa posisyon namin. Napakapit kasi ako sa kanya nang matapilok ako sandali.mAng lapit na ng mukha niya sa akin. I even saw him look at my lips and gulp. "Careful," he whispered. At bago pa niya tangkaing huliin ang labi ko, lumayo na ako.
I'm just a little tipsy. Not drunk. Not whatsoever.
Sinundan niya ako hanggang sa tumigil kami sa veranda. Damn dapat tapos ko na ang isang report ko sana ngayon kung nasa bahay lang ako.
Heto na naman. My cases are occupying my mind again. So I shrugged it off my mind. I should enjoy the party now kasi ngayon lang ulit ako nakalabas ng ganito.
Binalingan ko ang lalaking kasama ko. "I'm Talya. Ikaw?" Nice right? Hindi ko sinabi ang totoong pangalan ko kasi na-trauma na ako sa ibang mga naka-MOMOL ko. Ni hindi kami nag-sex pero panay ang habol. Inistalk pa ako sa facebook! Lintek ayoko na ng ganun.
"Zach" pakilala niya at tumitig ulit sa akin kaya tumingin ako sa ibaba. There are guys smoking down there, outside of the builiding. Yung iba nagkakatuwaan at nagkukuwentuhan habang nagpapahangin doon.
Malalim na ang gabi at medyo malamig ang hangin na humahampas sa balat ko. "You really look beautiful. Lalo na pag malapitan," komento niya. At ramdam ko pa rin ang pagtitig niya.
Titig na titig? Para tuloy may kung ano sa mukha ko!
I drank at my beer. "You think so? Kaya mo ko nilapitan?" I asked and looked at him. Natigilan ako nang mahina siyang natawa kaya mas lalong gumuwapo siya.
Epekto ba 'to ng alak? Because if yes, then my libido is increasing.
Hindi niya inalis ang tingin sa akin. I smirked when his eyes moved down to my lips again. Itinaas ko ang alak sa harap niya. "You want to taste this so badly?" I mocked, tinutukoy ko ang alak pero alam ko g natinigan niya ang mas malalim na mensahe ng mga katagang binitawan ko. His eyes remained on my lips.
That's it...
"Fck yeah" he muttered. Sunod akong napaungol ng mahina niyang hapitin ang baywang ko at walang sabing hinalikan ako sa labi. His lips taste like tequila.
Pinaglandas ko ang kamay kong nakahawak sa alak paikot sa batok niya at tinanggap ang mga halik niyang mapupusok. Damn, he's a good kisser.
I felt him touch the exposed skin on my waist while pushing his tongue inside my mouth, tasting me as bad as he wants. "Fuck," rinig kong mura niya nang mahina kong kinagat ang pang-ibabang labi niya at lalong nilaliman ang halik namin.
Halos hinahabol ko ang hininga ko nang tapusin ko ang halik namin. Magaling talaga siyang humalik.
Idinikit niya ang noo niya sa akin at mas lalo akong hinapit palapit sa kanya. "You taste and kiss so good" he chuckled. Pinigilan kong huwag mapangiti nang makita ang nag-aalab na mga mata niya. Napuno ng pagnanasa habang nakatitig sa akin. There goes the sign.
Hindi na ako nagulat pa sa narinig niyang tanong. "Where do you want next? My place or yours?" Bumaba ang tingin niya sa leeg ko. Ramdam ko rin ang bukol sa pantalon niya senyales na natayuan agad siya.
I pushed him lighty. "Nowhere," kibit balikat ko at mabilis siyang hinalikan sa labi tsaka tiningala ang mga bituin.
I don't want to push this further. I never let any man that I made out with, get pass the limits I put up myself. Yes, I make out with men. I flirt with them. I taste them and they taste me. But I never let them touch my body. I don't do sex. Malandi ako pero virgin pa! Can you imagine that?
Ewan ko din.
"You don't want to have sex with me?" He asked curtly so I looked at him again. May gwapong kunot sa noo niya habang hinihintay ang sagot ko.
Tumango ako. "I don't want to have sex. I just needed to make-out with you" walang hiyang sabi ko at narinig ang mahinang pagtawa niya.
"Isa kang malaking tukso," komento niya. Binaba ko ang tingin ko sa bukol sa pantalon niya. "You have to satisfy your pet"
He smirked. "Gusto ko sana ikaw umasikaso pero ayaw mo naman. Pinatayo mo pero ayaw mong panindigan" sagot niya kaya mahina akong natawa. I gave him my beer and smiled sweetly at him. "A lot of girls are throwing you the looks inside this bar. Choose one of them and go out," simpleng sabi ko at akmang iiwan na siya pero hinuli niya ang palpusuhan ko at pinaharap ulit sa kanya.
"Ikaw ang gusto ko. Hindi ba puwede?" Matapang niyang sabi pero inalis ko lang ang hawak niya. "Gwapo ka. Pero di talaga puwede"
His eyes were searching for something deeper while staring at me. "Got a boyfriend?" Boyfriend? Ako? Now way, wala pa sa isip ko yan.
I shook my head as a reply which made him part his lips. "If that's the case.. then why?" Parang batang tanong niya na nalilito kasi hindi niya puwedeng makuha ang gusto niya. Cute though.
Pilyo akong ngumiti. "It's not you, it's me" barumbadong sabi ko at napangiti nang matawa siya.
"I like you" he said.
Aww. "Sorry. I don't like you. But you kiss good by the way" kindat ko. He just stared at me and smiled. "I'll see you soon, Talya" his voice is telling me as if he's going to look for me. I don't think so. Hindi na ako babalik dito e.
I just nodded. "I'd like to see you try" tanging sabi ko. I even blew him a kiss before rushing back to my seat.
Nakitaan ko ng nag-aakusang tingin si Angela pagkaupo ko. Mukhang nakainom na rin siya. Si Liel naman, parang may tama na.
I prepared myself for her questions.
At gaya nga ng inaasahan ko, "Did you make out with that hottie?" Intriga niya kaya inismiran ko siya, "you're too young to know" pagbabara ko na tinawanan nila Kuya Ced.
Hinampas niya ako sa balikat pero binuksan ko lang ang isa pang bote at uminom doon.
"Hoy Ange! Bumalik na si Isaac sa upuan niya oh!" Kuha ni Liel sa atensyon ni Angela na agad tumingin sa direksyon kung saan nakaupo ang letseng crush niya.
"Bakit kasi umalis? Saan nagpunta?" Tanong ni Ange habang malagkit na tinititigan na naman ang malaking kasalanan na iyon.
Liel smiled at me while I'm drinking. "Tumayo rin kasi at may pinuntahan 5 minutes after you left" sabi niya kaya bored akong umismir. "And so? Crush niyo yan, wala akong pakialam" masungit na sabi ko at muling tumungga sa alak ko. The burn in my throat feels good.
Masarap talaga ang alak. Lalo na kapag nasa mood ka na maglasing.
Hindi ko naman sinasadyang luminga sa paligid. Tumigil ang tingin ko sa lalaking nakatingin sa akin ngayon. Bakit ganyan makatingin? Tsaka bakit sa akin nakatingin? I frowned. Ang sama sama kasi ng tingin sa akin na para bang may ginawa akong masama! His face darkened too.
Tangina, anong ginawa ko?
Lumalim ang gatla sa noo ko at nailing nang mag-iwas siya ng tingin at inisang lagok ang naiwang alak sa bote niya. Umirap lang ako sa direksyon niya tsaka ibinalik ang tingin sa mga tao na nagsasayaw sa gitna.
When my eyes trailed to the counter, I chuckled when I found Zach across me, looking at my direction. He raised his glass and I did the same. Ngumisi siya at napailing na lang ako nang may babang lumapit sa kanya at humalik sa pisngi niya. "Asshole," I muttered when he looked at me.
"Beautiful" he mouthed, winking at me. Umakbay na siya sa babae niya at naglakad sila palayo. Mukhang nakahanap na ng makakantot! Hayop talaga, mga lalaki ngayon.
"Hoy anong ngiti yan! Ba't ka ngumingiti mag-isa?" Baling sa akin ni Angela. I just smiled sweetly. At eto namang katawan ko, parang may nararamdamang nakatingin sa akin kaya hinanap ko kung kaninong mga mata iyon. And my instinct made me look at one specific direction.
Humigpit ang hawak ko sa alak ko nang makita ulit si Isaac na malamig na nakatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba ang problema niya? Bakit panay tingin?!