Battle Scars (Querio Series #...

Bởi Barneyeols

122K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... Xem Thêm

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 12

2.1K 94 9
Bởi Barneyeols

Kabanata 12

Kagaya ng pinangako niya kay Athos kagabi, ay tinupad ito ni Samuela. Nakaupo siya ngayon sa kotse at kasalukuyang nakikipagbakbakan sa traffic ng Manila.

Nakaupo sa tabihan niya si Pong habang si Tyler ang nagmamaneho. Tahimik silang tatlo at  tanging ang mahihinang kanta mula sa radyo ang kanyang naririnig.

"Ma'am. Nandito na po tayo sa hospital." Ani Tyler at lumabas na.

Tumango siya at lumabas na din. Agad na dumikit sa kanya si Tyler at Pong pqra gabayan siya sa elevator papaakyat sa clinic ni Dra. Abarintos.

"Sigurado ba kayong magaling si Dra?" Tanong niya habang pinapanood ang pagakyat ng palapag base sa mga numero.

"Isang beses lang po namin nakita si Dra. Abarintos, Ma'am. Pero ang alam ko po, head po siya ng psychiatric ward dito."

"Okay. Mabuti naman." Iyon lang ang sinabi niya at ngumisi.

Tumunog ang bago niyang phone sa mensahe ni Major. Maaga itong umalis para sa ilang impormasyon na nakalap niya tungkol sa nightshade.

Mamaya ay pupuntahan niya ito sa opisina ng binata pagkatapos niya sa evaluation. Dumating sila sa ward. Nakangiti ang ilang nurses sa kanila. Hindi niya mawari kung dahil ba sa kanya o sa mga kasama niyang makikisig.

"May appointment kami kay Dra. Abarintos." Seryosong dumungaw si Tyler.

Pinagmasdan kong naaligaga ang nurse at nanginginig pang tumipa sa kanyang keyboard.

"Montecillo po? Pwede na po kayong pumasok, Sir." Aniya.

"Thanks." Simpleng sabi ni Tyler at ginabayan ako papunta sa opisina.

"Pinagbabawal na sumama kami sa loob, Ma'am. Kapag may problema kayo. Tumawag lang kayo. Dito lang kami ni Tyler." Sabi ni Pong.

Nag-okay sign lamang si Samuela at pumasok na sa loob. Kulay puti at asul ang opisina ng doctora.

Umupo siya sa couch. Lumapit ang isang assistant sa kanya.

"Ms. Montecillo? Wait lang po. Bumaba lang po saglit si Dra para sa ilang files." Ngiti nito.

"Okay. Thank you, Miss."

Kumuha si Samuela ng magazines para kahit papaano ay malibang siya. Hindi pa rin siya sanay sa amoy ng ospital. Sa talambuhay niya, tatlong beses pa lang niyang naamoy ang ospital. Una ay ang pagkamatay ng panganay niyang kapatid, sumunod ay sa kaibigan niya, pangatlo ay sa kanyang pinakamamahal na ama.

Nagpapasalamat siya na sa pagkamatay ni Serge, hindi niya naranasan ang amoy ng hospital. Kung hindi, ay wala na siyang magiging lakas pa, para magpakita dito.

"Magandang umaga."

Napalingon siya sa pintuan kung nasaan ang doktora na malawak ang mga ngiti sa kanya.

Tumikhim siya at binaba ang magazine para maglahad ng kamay.

"I am Samuela Montecillo." She smiled.

"And I am Dra. Dana Abarintos."

Nilahad ng doktora ang pintuan papunta sa kanyang maliit na check up area. Nanatiling nakasunod si Samuela sa Doktora. Maganda ito at halatang mataas ang katungkulan sa hospital.

"So, paano kayo nagkakilala ni Prescott?" Tanong nito sa kanya habang may tinitipa sa kanyang computer.

"He's a friend of my brother." She answered.

"Ah! Brother's friend. I thought I am talking to his girl." She laughed.

Tumaas ang kilay ni Samuela. His girl? Hindi niya mawari pero nararamdaman niya ang kaunting relief sa boses ng doktor.

She likes him. Obserbasyon niya.

"Hmm. For now, gusto ko muna na sagutan mo itong mga questions ko for assessment." Ibinigay nito ang test paper kung saan may mga directions na gagawin.

Kinuha iyon ni Samuela. Madadaling tanong at kailangang gumuhit ng mga scenario. Kumunot ang noo niya.

"What's this for? Drawing? I am not good at this." Samuela exclaimed.

"Don't worry. Hindi naman kailangang maganda. This is only for diagnosis." Sagot nito at binigay ang isang lapis sa kanya.

Huminga ng malalim si Samuela at kinuha ang lapis. Nangako siya kay Athos dito. Kung gusto niya ang tulong ni Athos, kailangan niyang ayusin muna ang mga problema niya.

Matapos iyon ay nagtungo naman sila sa question and answer. Tinanong siya ni Dra. Abarintos na agad niyang sinagot. May sinusulat ito sa isang papel at seryosong nakikinig sa mga kwento niya.

Nakadalawang oras at natapos din sila. Tahimik siya habang pinagmamasdan ang babae na sumusulat sa harapan niya.

Maganda si Dana Abarintos. Halos ka edad ito ni Athos. Ngumiti ito sa kanya ng mapansin ang pagtitig nito.

"Bakit?" She asked.

Umiling si Samuela.

"Nothing. Just wondering what you're writing." Tamad na sagot ni Samuela.

"Oh! These are meds for you. So, you can sleep peacefully. I think that's one of your problems. May case ka ng insomia so I will recommend you to buy sleeping pills." She explained.

"Here you go." Iniabot ni Dra. Abarintos ang gamot.

"Thank you." Puno ng paggalang na sagot niya.

Bumukas naman ang pintuan at pumasok ang nurse. May binulong ito sa doktora na agad tinanguan nito.

Inaayos niya ang kanyang bag ng bumukas muli ang pintuan at pumasok si Athos na nakapamulsa.

"A-Athos!" Bati ng doktora at iniwan siya para sa binata.

Tumango ang binata sa doktora at ngumiti.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Sinusundo si Samuela." Tipid na sagot ng binata at sumulyap na ngayon sa gulat din na abogada.

She just sighed. Alam niyang sa kabilang wing ng ospital na ito naroroon si Cynthia kaya maaaring hindi iyon purong katotohanan. He's here for his love, not her.

"Ah! Katatapos lang namin ng check-up, though." Dana shrugged.

"Thank you, Dana. It's a great help. Nasettle na nina Tyler ang billing."

Umiling ang namumulang doktora sa sinabi ng binata.

"No worries, Prescott. You're still the same. You are still thoughtful for your friend's family."  Hilaw na ngisi ni Dana at tumingin kay Samuela na nakatayo sa harapan nila.

Naramdaman ni Samuela ang kaunting tensyon sa tingin na iyon ni Dana. It is like she's mocking her about being a friend's family. As if naman na maapektuhan siya.

"Well, Dana. She's not just a friend's family. She's my partner."

Hindi na maiwasan ni Samuela ang paglingon sa binata. He's serious while looking at her. Lumunok si Samuela at mahigpit na hinawakan ang bag niya.

Fuck, I need to calm-fucking-down. She cussed iniside her brain.

"P-Partner?" Nagulantang na tanong ni Dana.

Tumango si Athos at lumapit na ngayon kay Samuela. Maputla namang tiningnan ni Dana ang pagkaakbay ni Athos kay Samuela.

"Well, she's an attorney who's helping me at work. She's too inportant, Dan. I need her healthy." He smiled.

Naguguluhan si Samuela kaya naman unti-unti niyang kinalas ang kamay ng binata.

The doctor obviously likes him. And he's kinda teasing her? What the fuck?

"Uh, I need to go to the bathroom, Major, Dra. Excuse me." She said and went for the door.

Pagbukas niya at tumambad sa harapan niya ang muntikan ng mabuwal na sina Tyler at Pong. Halatang nakikiusyoso ito sa pintuan.

Tumikhim siya sa dalawa na mabilis na inayos ang sarili. Pinipilit na nilang maging seryoso sa kabila ng kahihiyan.

"M-Ma'am..." anang Tyler ng magsimula na siyang maglakad.

"Sa restroom lang ako, Tyler." Aniya at naglakad sa direksyon nito.

Tahimik na sumunod ang dalawa sa kanya. Pagkalabas niya at nakatayo na ang dalawa sa may pintuan.

"Let's go?" Tanong niya. Umiling ang dalawa at tumingin sa pinanggalingan nilang direksyon.

"Hintay lang, Ma'am. Nasa loob pa po si Major eh." Kinamot ni Pong ang kanyang ulo.

"Girlfriend ni Major?" Tanong ni Samuela.

Akala ba niya ay si Cynthia ang ginigiliw? Bakit mukhang may Dana pa sa eksena.

"Hindi na, Ma'am." Sagot ni Tyler.

"Hindi na?" Ulit niya.

"Ex." Paglilinaw ni Pong at nag-umpisa na silang maglakad.

"Ah, ex." Iyon lang ang nasambit ni Samuela.

Kaya naman pala may tensyon siyang nararamdaman kanina! Pinapaselos ni Major? Tsk.

"Ay si Ma'am! Mukhang nagseselos, oh!" Natatawang asar ni Pong.

Tumaas ang kilay ni Samuela sa sundalo na nakangisi na ngayon sa tabihan niya.

"Ano?" Mataray na tanong niya.

"Walang ulitan sa bingi." Sabi nito.

Tumawa na rin si Tyler at agad ding napawi ng lingunin niya ito.

"Excuse me?" She gritted.

"Ma'am. Halata ka na." Natatawa pa din si Pong.

"Sanay na kami, Ma'am. Matinik talaga sa babae si Major noon pa man. Halos lahat ng kausapin nu'n nagugustuhan siya. Kaya naiintindihan namin, Atty." Paliwanag ni Tyler.

Tumigil si Samuela sa paglalakad kaya tumigil din ang dalawa.

Siya? May gusto kay Athos? Talaga?

"Nagpapatawa ba kayo, Pong, Tyler? Sa tingin niyo magugustuhan ko ang gaya ng boss niyo? I don't like controlling and stiff guys. Never." She defended.

Hindi niya mawari pero may ano sa kalooban niya na gustong itanggi na nagkakaroon na siya ng pagtingin sa binata.

Ayaw niya man aminin pero ganoon na nga iyon. Sa mga nagdaang araw ay hindi niya makalma ang sarili sa tuwing lalapit ang lalaki.

Hinding hindi niya aaminin iyon kahit kailan. Hinding hindi at hindi maaari.

"Umalis na tayo."

Nagulat siya sa malamig at mababang boses na nanggaling sa likuran niya. Nilampasan sila ni Athos na halatang wala sa mood.

Napasipol naman si Pong at Tyler sa biglaang pagsulpot ng sundalo.

"Sa tingin mo narinig niya?" Tanong ni Pong kay Tyler, hindi inaalintana na nakatingin sa kanila si Samuela.

"Probably."  Dahan-dahang sagot ni Tyler at nilingon ang abogada.

"Patay ka, Ma'am. Na-offend mo ata si Major!" Puna ni Pong at agad na hinabol ang malalaking hakbang ng Major sa hindi kalayuan.

Naguguluhan man ay naglakad na din si Samuela.

Bakit siya kinakabahan kung sakali mang narinig ni Major?

Bakit mabigat ang loob niya at higit sa lahat... bakit siya apektado doon?

×××


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.5K 198 22
"You're one of us. This is where you truly belong." Because she, is The Chosen One. WARNING: ONGOING Ended:
574K 11.1K 23
Book Two of Bachelorette Series ✔️ Completed Everything is moving so fast and I can't keep up with the phase. Feeling ko kahit anong gawin ko hinding...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...