Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.8K 638 195

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

08

104 22 18
By Sky_Supreme

Chapter's Featured Song:  Right Here Waiting by Richard Marx


Chapter 8


“S-sorry, I-i'm such a failure.”

“No, hindi ka failure. Huwag mo nang isipin yung mga narinig mo...Totoo pala talagang maldita ang Lolita Esquivel na 'yun, lalo na 'yung alipores niyang assistant!” sabi ni Gwendelyn habang inaalo ako sa pag-iyak.

“T-totoo naman eh, palpak ako,” saad ko at pilit na ngumingiti sa kaniya kahit na patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Tanggap ko. Tanggap ko naman ang pagkakamali ko. Tanggap kong kulang nga ako.

“Hays, okay lang 'yan Juliet. Bago ka pa lang naman sa trabahong ’yan. Natututunan din 'yan.” Kumalas naman ako sa kaniya at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.

“Salamat Gwendelyn,” sabi ko na lang at tumigil na sa pag-iyak. Nangyari na ang mga nangyari. Nagmumukha lang akong mas kaawa-awa kung magpapatuloy pa ako sa pag-iyak. Ang hina mo talaga Juliet.

Lumipas ang mga minuto, ngunit imbes na bumalik sa loob ng function hall ay inaya na lamang ako ni Gwendelyn na maglibot-libot sa buong hotel. Sabi nito, kung hindi ko pa raw kayang bumalik doon ay ayos lang sa kaniya na samahan ako. Hindi rin naman daw pala-utos ang amo niya kaya't siguradong hindi ito magagalit sa kaniya kung umalis nang saglit. Um-oo naman ako sa kaniya sapagkat sa totoo lang, hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa mga taong naroroon. Alam ko namang kumpara sa mga taong ’yon, isa lamang akong pangkaraniwan at hindi ganoong kahalagang tao. Alam ko namang wala silang masyadong pakialam sa akin dahil ito lang ako, isang alalay na palpak pa sa trabaho...Pero hindi ko alam, nilalamon pa rin ako ng kahihiyan, lalong lalo na sa amo ko—kay Estefanio Del Carpio.

Lumipas ang halos isang oras hanggang sa unti-unti nang sumapit ang gabi. Kasabay nito ang pagtatapos ng naganap na Welcome Event para kay Estefanio. Naghiwalay na kami ni Gwendelyn sa lobby ng hotel dahil kailangan niya na rin daw balikan ang amo niya. Nanatili na lang ako sa may entrance ng hotel at hinantay ang paglabas nina Estefanio. Nakaramdam naman ako muli ng panliliit nang naunang dumaan sina Lolita Esquivel kasama ang kaniyang assistant. Sarcastic pa akong tinitigan ng alalay niya pero nanatili na lang akong nakayuko sa pwesto ko.

Agad ding dumating sina Kuya Arnolfo bago pa magsibabaan ang maraming tao. Nauunang naglakad si Estefanio ngunit hindi ako nito napansin mula sa pwesto ko. Agad naman akong sumunod sa kanila at si Kuya Arnolfo ang unang nakapansik at nakakita sa akin.

“Oh Juliet? Saan ka nagpunta? Hinanap ka pa namin doon sa CR pero wala ka. Akala namin umuwi ka na. Okay ka na ba?” nag-aalalang tanong nito. Tuloy-tuloy naman akong naglakad at pilit na nginitian ito.

“O-okay lang po Kuya Arnolfo. A-ang hindi ko lang po sigurado ay... kung okay lang ba ang nangyari para kay Sir.” Bahagya akong napayuko.

Nagpatuloy kami sa paglabas sa hotel patungo sa parking lot. Hindi pa rin tumitingin sa likuran ang nangungunang si Estefanio kaya't hindi kami nito napapansin.

“Ano ka ba Juliet, 'yan si Sir magagalit? Naku, mukhang anghel nga 'yan 'di ba sa kabaitan?” Natawa nang bahagya si Kuya Arnolfo sa sinabi niya kaya't pilit na lang akong ngumiti sa kaniya. Napansin ko ring amoy alak siya dahil siguro sa mga ininom nilang wine kanina sa event. “Hinanap ka nga niyan eh. Nag-alala rin yata sa'yo,” dagdag nito. Natigilan naman ako dahil dito kaya't napag-iwanan na nila ako nangntuluyan sa paglalakad. Sakto nasa parking area na kami.

“Juliet?” biglang pagtawag sa'kin ni Sir Estefanio na siyang ikinagulat ko. Akma na sana itong papasok sa van nang saka lamang ako mapansin. Tumayo ito at mukhang hinihintay yata akong lumapit doon. Nag-aalangan pa ako sa una ngunit pinilit kong maglakad papalapit sa kanila nang dahan-dahan.

“S-sorry Sir---”

“It's alright, I understand,” putol nito sa akin. Seryoso ang boses niya. Hindi ko naman magawang tumitig nang diretsyo sa kaniya kaya't nanatili lang ang mga tingin ko sa may paanan niya “Sumakay ka na Juliet,” payak na dagdag nito saka nauna nang nagtungo sa back seat ng van. Bahagyang amoy alak din siya.

Napabuntong-hininga ako. Wala na akong nagawa kundi pumasok at maupo na rin sa front seat dahil mukhang ako na lang ang hinihintay ni Kuya Arnolfo para paandarin niya ang sasakyan. Nauna naman na ang kotsye nina Edson at Billy.

~ Oceans apart, day after day
And I slowly go insane~

Nagsimulang magpatugtog si Kuya Arnolfo bago tuluyang nagpa-andar ng van. Nanatili naman akong tahimik sa pagkakaupo at wala ni isa sa aming nagsasalita.

~ I hear your voice on the line
But it doesn't stops the pain~

Hindi maawat ang tibok ng puso ko na animo'y paulit-ulit sinusuntok nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina.

~ If I see you next to never
How can I say forever~

Gusto ko pa ring magpaulit-ulit nang sorry kay Estefanio pero hindi ko kayang lingunin siya. Nahihiya ako sa kaniya at pinahiya ko rin siya. Nakakapanghina ng loob. Hindi talaga yata ako nababagay sa kinalalagyan ko ngayon.

~ Wherever you go, whatever you do
I will be right here waiting for you~

Kasabay ng tugtug ay ang unti-unting pagbuhos ng ulan. Napadako na lang ang tingin ko rito sa labas ng binta at sa mga ilaw ng mga establisyementong nadaraanan namin. Sa gitna ng isang lugar kung saan ang mga tao ay nagmamadaling kumikilos at gumagalaw, pakiramdam ko ay nakatayo ako sa gitna at hindi alam kung saan ba talaga lulugar.

Nakakapanghina...

~Whatever it takes or how may it breaks
I will be right here waiting for you~

Kasabay nang pagbagsak ng mga ulan sa labas, sinasabayan din ito ang tahimik na pagbagsak ng aking mga luha...

----

Hindi ko namalayang nakatulog na ako habang binabaybay namin ang daan pabalik sa Casa Simeon. Nagising na lang ako nang marinig ang mahinang pagtawag ni Kuya Arnolfo sa ngalan ko. Bumaba na rin ako nang ma-realize na nasa parking area na kami ng hotel. Patuloy pa rin ang mahinang pag-ulan sa labas na animo'y sinasabayan ang kalungkutan ng damdamin ko. Hindi ko na rin nakita si Sir Estefanio. Mukhang nauna na itong pumasok sa hotel.

“Juliet, siya nga pala kailangan mo mag-report ngayon kay Madam Elizabeth, iyon ang bilin niya kanina sa amin,” biglang sambit ni Kuya Arnolfo sa'kin matapos isara ang pinto ng van. Naalala ko naman ang pagbanggit ni Estefanio noong nakaraan tungkol sa bilin ni Mrs. Del Carpio na magri-report dapat ako rito. Nais kasi talaga ni Mrs. Del Cario na alam ang bawat galaw ng anak niya at isa pa, siya rin naman ang tumatayong manager ni Estefanio.

Bahagya akong napabuntong-hininga. Bagamat gusto ko nang umalis at umuwi ay wala pa rin akong nagawa kundi sumama kay Kuya Arnolfo sa loob. Hindi ko naman kayang sumuway kay Mrs. Del Carpio. Grabe nang kahihiyan ang nangyari sa akin ngayong araw. Siguro kung ano man ang mangyari at sabihin sa akin ng ina ni Estefanio ngayon, lulunukin ko na lang. Aaminin ko, natatakot pa rin ako sa kaniya mula noong una kaming magkaharap.

“What happened to Estefanio during the whole day? Give me only the highlights,” agad na utos ni Mrs. Del Carpio nang dumating kami ni Kuya Arnolfo sa kwarto nito rito sa third floor ng Casa Simeon—ang parehong floor kung saan una kong nakausap si Estefanio. Ayon kay Kuya Arnolfo, kaninang madaling araw lang din nakabalik si Mrs. Del Carpio rito mula sa hospital kung nasaan siya kahapon. Mas komportable raw kasi itong nababantayan pa rin ang anak kahit papaano at isa pa, may ini-hire na rin itong sariling manggagamot sa kaniya.

“A-ah...” Naramdaman ko ang biglang kaba ngayon magkaharap na ulit kami. Nakaka-intimidate talaga siya lalo na sa malapitan. “Pagdating po namin sa Lacson Hotel, s-sa mismong venue ay agad na sinalubong ng mga pagbati s-si Este---si Sir po. The event went well naman po until---” Agad akong natigilan nang maalala ko na naman ang nangyari sa akin kanina.

“Until what?” takang tanong ni Mrs. Del Carpio.

Napalunok naman ako nang mukhang mairita ito dahil sa tagal ko bago makasagot sa kaniya. Nakaupo ito sa kama niya nang dumating kami rito. Maayos kami niyang pinapasok pero mukhang ako pa yata ang magiging dahilan ng pagkasira ng araw niya ngayon.

“Ma'am,” biglang sumingit si Kuya Arnolfo na nasa may likuran ko lamang. “Wala naman po kayong dapat---”

“I'm not talking to you Arnolfo,” biglang baling at pagputol ni Mrs. Del Carpio kay Kuya Arnolfo kaya't napatahimik na lang ito. Alam kong nais niya lang akong isalba kung sakali pero alam ko ring takot din siya kay Mrs. Del Carpio—tulad ko.

“What happened?” muling tanong nito sa akin. Bahagyang tumaas ang boses niya. Pinilit ko namang ngumiti bago siya tuluyang sagutin. Nararamdaman ko na naman ang pagiging istrikta niya.

“N-nagkamali po ako. N-nabuhusan po kasi ng inumin sina Lolita and Estefanio kaya't---”

“What?!”

Napayuko na lamang ako nang pinagpatuloy ko ang pagsasalita habang muling pinipigil ang nagbabadyang patak ng luha ko. “Bahagya lang n-naman po silang nabasa. May pinakuha po sa akin s-si Sir, b-but nagkamali po ako...May nabanga po akong kapwa P.A. k-kaya nabuhos po ang isang vase na may tubig sa a-akin,” paputol-putol kong paliwanag sa kaniya.

“What a shame?!” agad niyang bira. “Sabi ko na nga ba, papalpak-palpak ka lang pala sa trabaho mong ito. Shocks! Siguradong iniisip ng mga tao ro’n na kumukuha kami ng isang defective assistant!” giit ni Mrs. Del Carpio. Hindi ko naman na nagawa pang tumingin sa kaniya.

“Ma'am, hindi naman po sinasadya ni Juliet ang nangyari,” singit muli ni Kuya Arnolfo.

“It doesn't matter! She still failed Estefanio—us.” Nabalot ng ilang saglit na katahimikan ang paligid sa sinabi ni Mrs. Del Carpio. Tama naman siya..

“Ms. Ibarra right?," pagtawag nito sa akin kaya't dahan dahan ko naman siyang pinakiharapan. “I'm giving you warning. Mabuti at hindi ka kay Estefanio nakapagdala ng disgrasya! But still, it was a shame for us. If ever I learn that you fail once again doing that job, ako na talaga ang sisibak sa'yo! Swerte mo na nga't nakatungtung ka pa diyan sa lagay na 'yan. I think, hindi na namin kargo kung tatanga-tanga ka,” babala nito sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya habang pigil ang pagluha.

“S-sorry po Ma'am,” pumipiyok kong pagtugon sa kaniya.

“Your sorry is not accepted. Umalis na kayo Arnolfo. Remember my warning,” diin nitong sabi sa amin. Agad din naman kaming tumayo at umalis ni Kuya Arnolfo. Sa pagsara namin sa pinto ng kwarto ni Mrs. Del Carpio ay saka lang ako nakahiga nang maayos at tuluyan nang naiyak.

Sabi ko sa sarili ko kanina na tatanggapin ko kung anong sasabihin nito sa akin pero kahit ganoon, nasasaktan pa rin ako. Yes, I am such a shame. Hindi ko deserve ang posisyon na ito. Kahihiyan lang ako...

Hinatid na ako ni Kuya Arnolfo sa bahay kahit na sinabi ko sa kaniyang kaya ko naman pero wala akong nagawa dahil na rin sa patuloy na pag-ulan. Except sa pagkaawa sa sarili ko, naawa rin ako kay Kuya Arnolfo. Halatang pagod na rin siya plus nadamay pa siya kanina sa sermon ni Mrs. Del Carpio dahil sa'kin. Ngunit ang kabaligtaran niya sa aki—nagagawa niya pang ngumiti.

“Juliet, pinabibigay nga pala 'to ni Sir Estefanio.” Bababa na sana ako papunta sa amin nang tawagin muli ako ni Kuya Arnolfo. Agad nitong inabot sa akin ang isang plastik bag na may lamang isang mabigat na bagay.

“A-ano po ito?” tanong ko.

“Cellphone iyan Juliet. Kanina dumaan tayo sa mall pero tulog ka kaya hindi ka na namin inistorbo pa. Naisip ni Sir na kailangan mo raw ng ganyan para ma-contact ka niya kung kailangan. Nahirapan pa kami sa paghahanap niya, pero dahil kilala naman si Sir, nagawan namin ng paraan.” Natawa ito nang bahagya. Binuksan ko naman ang plastik at nakita nga ang isang di-keypad at maliit na cellphone. Sa panahong ito, ito pa ata ang pinaka-latest model. Mas mukhang pagger pa rin nga ang itsyura nito.

“P-pero hindi po ba mahal ito? Iilan pa lang po rito sa Pilipinas ang kayang bumili ng ganitong cellphone,” sabi ko sa kaniya.

“Nako, huwag mo nang alalahanin iyon. Si Sir na ang nagbigay sa'yo niyan, at saka magagamit mo rin talaga ’yan.”

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang ibinigay niya. “Salamat po Kuya Arnolfo,” sabi ko na lamang.

“Kay Sir ka dapat magpasalamat,” natatawa niyang saad. Tumango naman ako. Napakaswerte talaga namin kay Sir Estefanio pero mukhang malas naman siya pagdating sa akin bilang P.A. niya. Hindi ko deserve ang lahat ng kabutihan niyang ito. “Siya, pumasok ka na at baka lumakas pa ulit ang ulan. Babalik na rin ako,” pagpapaalam ni Kuya Arnolfo.

“Sigi po.” Ngumiti na lang ako at hinintay na umalis na siya. Agad rin akong bumababa patungo sa apartment namin. Pagod na ako. Matutulog na lang siguro ako lalo na't naalala kong wala rin pala ngayon si Eda. Nasa trabaho siya ngayon at siguradong madaling araw pa siya darating. Gusto ko pa naman sanang magkwento sa kaniya sa mga nangyari ngayon pero siguro, sarilihin ko na lang ito. Sobra na rin ang naitutulong ni Eda sa akin. Pareho sila ni Estefanio. Ako lang naman ang pabigat at mahina...

----

Lumipas ang magdamag. Alas tres pa lang ng hapon ay nagtungo na kami ni Eda sa Infinity Resto Bar. Pwede naman sanang huwag nang pumasok ngayon si Eda dahil salit-salitan talaga ang schedule ng mga crew dito. Sadyang hindi lang talaga ako nakapasok kahapon kaya babawi ako ngayong araw. Sabi ni Eda, sayang din daw ng kita at mabuburyong lang daw siyang walang kasama sa bahay. Bahagya naman akong naawa sa kaniya dahil ilang araw ko na nga siyang iniiwan para lang kay Estefanio.

“Okay ka lang ba Juliet? Kaninang umaga ka pa matamlay,” tanong ni Eda habang kasalukuyan naming inaayos ang mga gamit sa storage room.

“Okay lang ako, Eda.” Ngumiti ako sa kaniya. “Siguro na-drain lang talaga ako sa event kahapon,” sagot ko.

“Ano bang nangyari kahapon? Masaya ba? O ano?” natutuwa niyang tanong sa akin.

“O-okay lang naman...Oo...m-masaya,” pagsisinungaling ko sa kaniya. Naisip kong hindi ko na lang sa kaniya ikwento ang mga kahihiyan na nangyari sa akin kahapon. Sarili ko naman na iyong problema. Ayoko nang alalahanin niya pa ako lalo.

“Juliet, doon ka na muna sa labas maglinis. Wala roong nag-aayos,”utos bigla ng isa sa mga kasamahan namin na kakapasok pa lang sa storage room. Wala naman akong nagawa kundi um-oo at iniwan na silang iba roon kasama si Eda.

Dumiretsyo ako sa labasan para magpunas ng mga table at bintana. Sa kalagitnaan nito, nagitla na lang ako nang muling may tumawag sa pangalan ko.

Akala ko ay katrabaho ko lang din pero nanggaling pala ito sa isang babaeng nasa my hrapan nitong bar. Tinitigan ko ito saka napagtanto ang itsyura niya. “Gwendelyn?” takang tanong ko nang bumababa ako sa inaapakan kong bangko.

“Yes! Dito ka ba nagta-trabaho?" nakangiting tanong nito sa akin nang lapitan nito ako. Napatango ako.

“Wow, sakto! Dito rin ako naggagala eh," hagikhik nito. “Taga-rito ka rin ba sa Puerto Guererro?” tanong nito sa akin.

"Oo, ikaw?” tanong ko rin dito at saka kami sabay na pumasok sa loob. Naupo muna kami sa isang table malapit sa pinto bago siya nagsalita.

“Hindi eh, napadaan lang ako. Tamang lakad-lakad lang. Wala rin naman akong pasok sa trabaho,” sagot nito sa akin. “Dito ka pala nagsa-sideline, kilalang bar 'to eh,” dagdag niya pa.

“Oo, mabuti nga't may dagdag kita pa ako rito,” ngiti ko naman. Tumango-tango naman siya habang tinititigan at kinikilatis ang loob ng Infinity Resto Bar.

Tumikhim muna ako at muling nagsalita. “Gwendelyn, salamat pala.”

“Hmm? Para saan?”

“Para sa nangyari kahapon. Sa pagtulong mo sa akin. Maswerte ako at nakilala kita kahapon at nakasama,” sagot ko sa kaniya.

“Ano ka ba?”  Bahagya itong natawa bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Pareho lang naman tayo eh. Saka wala rin akong kakilala roon maliban sa amo ko...kaya walang anuman 'yun.” Kininditan niya pa ako saka ngumiti.

“Siya nga pala, hindi ba't bago ka pa lang naman sa pagiging assistant 'di ba? Turuan na lang kita ng mga basics,” suhestiyon niya pa kaya't napangiti naman ako sa kaniya.

“Bakit hindi?” sagot ko. Napa-high five naman siya sa akin.

----

Lumipas ang halos kalahating oras ng kwentuhan namin ni Gwendelyn. May mga ibinahagi siya sa akin tungkol sa karanasan niya bilang personal assistant. Sinabi niya rin ang mga dapat at hindi ko dapat gawin kung maga-assist ako sa artista gaya nang pagsigurong hindi ito dudumugin ng mga fans sa public at pagiging alerto sa mga kakailanganin ng amo ko. Marami siyang ibinigay na tips at alam kong makakatulong ito kung sakali man...kung sakali mang pagkatiwalaan pa ako ni Estefanio sa trabahong ibinigay niya sa akin.

“Hali kayo ritong lahat,” biglang tawag ni Sir Quintos sa aming mga crew.

“Sigi Juliet, mauuna na rin ako. Salamat sa time ng pakikipagkwentuhan,” hagikhik muli ni Gwendelyn bago umalis sa Resto Bar. Mabuti na lang at hindi rin naman ako napagalitan dahil sa pakikipag-tsismisan ko.

Isa-isa kaming lumapit sa may counter kung saan nakatayo si Sir Quintos upang makinig sa sasabihin nito. Lumapit na rin si Eda sa akin na galing pa sa storage room.

“Masaya ako dahil maganda ang outcome ng trabaho natin lately,” panimula ni Sir Quintos. Nanatili naman ang pakikinig namin ng mga kapwa crew ko. “Kahit na marami sa inyo ang mga baguhan, well, maayos, masunurin, at magagaling kayo.” Natuwa naman ang karamihan at nagbiruan pa ang iba.

“Dahil diyan, gusto ko sanang magkaroon tayo ng kasiyahan, isang outing.” Pagkasabing-pagkasabi ni Sir Quintos nito ay natuwa naman ang mga kasamahan namin at nagpalakpakan pa.

“Outing? Ano ang outing Juliet?” tanong sa akin ni Eda sa pagitan ng ingay ng lahat.

“Pupunta tayo ng dagat, beach, o 'di kaya'y resort? Ganoon ata iyon. Kasiyahan, kainan.” paliwanag ko sa kaniya. Tumango-tango na lamang ito.

“Maingay ah, ayaw niyo ata,” biglang sabi ni Sir Quintos kaya napawi naman agad ang ingay ng mga kasamahan namin.

“Syempre, Sir, gusto namin!”

“Outing! Outing!”

“Magpapa-outing na 'yan si Sir Pogi!”

“Sigi sigi, nambobola pa kayo. Oo, magkakaroon tayo ng outing sa Sabado. Ipapasara muna natin ng isang araw itong Infinity Resto Bar at sama-sama tayong magpa-party,” anunsiyo ni Sir Quintos kaya't muli namang naghiyawan ang lahat. “Maghanda kayo ng mga dadalhin. Sagot ko na ang lahat ng gastos pati sasakyan. Pupunta tayo sa Zambales,” nakangiting dagdag pa niya.

“Overnight po ba?” tanong ng isa.

“Hmm, pag-iisipan ko basta't patuloy pa rin ang pagtatrabaho natin ha, gusto ko maayos pa rin lahat. Continue your good work and magiging masaya tayo lagi,” saad ni Sir Quintos at saka na nagpaalam. Lahat naman kami ay natuwa sa balita niyang iyon. Atleast, magkakaroon kami ng time na makapag-unwind, lalo na kami ni Eda. Makakapag-tour pa kami sa panahong ito.

----

Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Oras na para magtungo kami sa Zambales. Maaga pa lamang ay nag-asikaso na kami ni Eda dahil mga tatlong oras o apat daw ang itatagal ng byahe namin mula sa Puerto Guerrero, depende kung trapik sa daan. Sa mga nagdaang araw wala akong naging contact kay Estefanio bagama't naiisip ko pa rin ang nangyari noong nakaraan sa Welcome Party. Maaaring nasabihan na siya ni Mrs. Elizabeth na huwag na akong kuhanin pang assistant. Maaari ring siya na mismo ang nagdisesyon na alisin ako sa trabahong iyon. Nararapat naman talaga sa akin at matatanggap ko na kung 'yun na nga ang naging desisyon nila.

“Halika na Juliet, nasasabik na ako sa ating paglalakbay,” pagtawag sa'kin ni Eda habang naghihintay sa may pinto namin. Simula nang ikwento ko sa kaniya kung ano ang outing, mukhang masyado na siyang na-excite lalo na raw at magtutungo kami sa dagat. Kung abutin man daw kami ng gabi sa lugar na iyon, makikita niya raw ang mas malawak na kalangitan at mga bituwin doon.

“Sandali lang,” sagot ko habang inaayos ang tirintas ng buhok ko sa may kama. Bigla namang may tumunog sa kung saan kaya't pareho kaming naalerto ni Eda.

“Ano iyon?” tanong niya sa akin. Hinanap ko naman ang pinanggalingan ng tunog sa may ilalim ng double deck na kama namin. Nakita ko ang isang supot ng plastic dito kung saan nakalagay ang cellphone na binili pa sa akin ni Estefanio.

Tsk! Napakaburara mo talaga Juliet.

Ang mahal pa naman ng regalong ito tapos nakalimutan ko lang sa ilalim ng higaan namin.

Takang lumapit sa akin si Eda nang kuhanin ko ito. Agad kong binuksan ang cellphone at nakita ang isang hindi inaasahang mensahe mula sa  hindi ko inaasahang tao.

Tomorrow will be our first day of shoot. I am hoping you'll still come as my personal assistant. Call time, 7 AM at Casa Simeon.   ~ Estefanio :) "



END OF Chapter 8

Continue Reading

You'll Also Like

57.6K 1.9K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
180K 3.9K 102
In a world where assassins lurk in the shadows, a skilled one sets out on a one-of-a-kind mission to find his missing wife, whilst enemies are out to...
1.2K 81 58
Nick has been left to believe her life is common and boring just like any other teenager. She's not great at anything but to make sure her Mom's day...
17K 1.4K 39
Ipinanganak ang mga taong makasalanang nilalang, iyan lagi ang ipinapaalala ng mga kapatid ni Veronica sa kanya. That someday, the only human she tru...