Your Boyfriend Sucks

By toneewritestragedies

50.1K 1.4K 248

Suri Shadows is indeed in love with her boyfriend of more than a year, Cedric Gonzalvo -- an architect in the... More

Your Boyfriend Sucks
- pré- défilé -
- deuxième -
- troisième -
- quatrième -
- cinquième -
- sixième -
- septième -
- huitième -
- neuvième -
- dixième -
- onzième -
- douzième -
- treizième -
- quatorzième -
- quinzième -
- seizième -
- dix-septième -
- dix-huitième -
- dix-neuvième -
- vingtième -
- vingt et unième -
- vingt-deuxième -
- vingt-troisième -
- vingt-quatrième -
- vingt-cinquième -
- vingt-sixième -
- EXTRA-CHAPTER -
- vingt-septième -
- vingt-huitième -
- vingt-neuvième -
- trentième -
- trente et unième -
- trente-deuxième -
- trente-troisième -
- trente-quatrième -
- trente-cinquième -
- trente-sixième -
- trente-septième -
- trente-huitième -
- trente-neuvième -
- quarantième -
- épilogue -

- première -

2.3K 49 1
By toneewritestragedies

TWT's NOTE: Please click the external link to view/read the blog post. Thanks! Photo at the side is Suri. :)) Fraternal twins sila ni Mikko kaya hindi sila magkamukha haha lol.

x- - - - - - - - - - -x


"A birth of heartbeats."

blog post by sasha
07-06-2014

Let me tell you a story of how I fell in love, was hurt, moved on, get confused and I fell in love again. To love is a big gamble so as our feelings so you need to know how to place your bets in this game. 

Nagmahal ako sa taong akala ko siya na 'yung makakatuluyan ko. Na magiging kasama ko habang buhay. I believed in a word 'forever' when I met him, but when he hurt me 'forever' became 'never'. I gave him my heart but he gave me heartaches in return. 

Siguro ganoon nga talaga ang love. Kahit gaano mo pa piliting hindi ka masaktan, masasaktan at masasaktan ka. 

Pero kahit alam kong masakit magmahal, I would love to love again. Until I found who's for me. I wouldn't stop waiting for it. 'Yung mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. That Shakespearean kind of love.

"Suri, hindi ka pa ba tapos dyan?" Nagmamadaling tanong sa akin ng bestfriend kong si Jessica dahil kami na lang ang naiwan sa classroom namin. 

"Saglit na lang 'to, Jess. Wait lang ha." At ipinagpatuloy ko ang ang pagdo-drawing ng assignment sa Biology na pinagawa ng kaklase ko. 

"Tsk." Napakamot siya ng ulo. "Ano ba, hindi ka pa ba tapos magpauto kina Minna? Lagi ka na lang nila binu-bully. Hindi ka ba nagsasawa?" At nagsimula na naman ang litanya niya. Oo, madalas kasi akong ma-bully dito sa school. Timid and shy lang kasi ako at hindi mahilig makihalubilo sa iba maliban kay Jessica at kay Andrea. Kaya ito, madalas ako napapagbuntungang gumawa ng assignments ng grupo nina Minna. Sikat sila dito bilang mga cheerleaders ng school. 

Hindi ko na lang pinansin si Jessica at pinilit ko na lang tapusin 'yung pagguhit. This is always my passion: drawing, painting and sketching. Ito 'yung hilig ko simula three years old ako at hanggang ngayon, tinuloy-tuloy ko na hanggang college. Fine Arts ang kinuha kong kurso. 

Nang matapos ang huling drawing, lumabas na kami ni Jessica sa room at kumain sa cafeteria. Doon na namin naabutan ang isa pa naming kaibigan na si Andrea. Siya ang pinakamaganda sa aming batch. Maputi, makinis ang balat, matangkad, mahaba ang buhok at mabait. Miyembro siya ng Student Council namin bilang Vice President. 

Magkakaibigan na kaming tatlo since Grade School at hanggang ngayon, hindi natibag ang pagkakaibigan naming tatlo kahit ano pa ang mga nangyari. Sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa, ni hindi kami nagkaka-boyfriend! 

"Ang tagal niyo ha." Biro sa amin ni Andie pagkaupo namin ni Jess sa s-in-ave niyang upuan para sa amin. 

"E ito kasing si Suri ang tagal pa sa room. Sinabi ko na kaninang 'wag tanggapin 'yung pinagawa ni Minna pero ginawa pa rin." High blood na sabi ni Jess habang masama ang tingin sa akin. 

Natawa naman si Andie at tinignan ang hawak kong pink na folder na naglalaman ng drawing ko sa assignment nina Minna sa Biology. 

"I know it's not yours, Suri. Pink aren't your kind of things." Sabi niya sa akin. Dahil doon, mabilis kong isinilid ang folder sa bag ko. 

"Tara order na tayong foods?" Aya ko sa kanila. 

Nagsitayo kaming tatlo mula sa aming mga upuan at pumunta sa counter para um-order ng lunch. Habang nakapila naramdaman ko na lang na may bumangga sa aking lalaki at lumapit kay Andie. Ngunit bago pa siya magsalita rito, bumaling muna siya sa akin sabay ngiti. 

Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko pati ang pagtibok ng puso ko. Parang nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ko. Something weird and unusual. Natulala na lang ako at hindi na alam ang gagawin. 

"I'm sorry." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Ayos ka lang ba?" 

Marahan akong tumango at hanggang ngayon tulala pa din sa presensya niya kahit nakaharap na siya kay Andie at kinausap ito. 

Kinulbit naman ako ni Jessica nang mapansin niyang hindi pa rin umaalis ang titig ko sa lalaking nakabangga sa akin. 

"Hoy, natulala ka na dyan?" Bulong niya mula sa likuran ko. 

Umiling ako para matauhan sa ginawa ko at nilingon si Jessica. "W-wala. Sorry." Yumuko ako at kumuha ng tray. 

"Bye, Cedric. Salamat ha!" Narinig kong sabi ni Andie nang umalis na 'yung lalaki palayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero nanghinayang ako nung hindi siya dumaan uli sa gawi ko. Instead, doon siya sa bandang cashier dumaan. Pasimple ko pa siyang hinabol ng tingin. 

"Ang gwapo talaga ni Cedric!" Sabi ni Jessica habang pumipili ng uulamin niya para sa lunch sa mga nakahandang tray sa harap namin. 

Ah, Cedric pala ang pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya.

"Oo nga e. Pero hindi ko siya pwede magustuhan girls. I need to be professional. President siya ng Student Council natin so I need to back off." Natatawa pa si Andie habang nagku-kwento. 

Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Siya pala ang SC President namin. Sa 'di maipaliwanag na rason, bigla ay gusto ko siyang mas kilalanin pa. Kung paano ay hindi ko alam. 

ㅋㅋㅋㅋㅋ


After what happened on the cafeteria was magical for me. Hindi dahil kain ako ng kain, but that was because of Cedric Gonzalvo. He's the man of everything. As time goes by, hindi ko na rin napigilan ang sarili kong magka-crush sa kanya noon. 

I know that feeling was new and weird but I let that to happen and grow each day when I saw him around before. Wala naman sigurong masamang magka-crush. Besides, I was nineteen at that time so there's nothing wrong with crushes and puppy loves.

Nagkasya na ako noon sa pasulyap-sulyap sa kanya sa malayo pero pag malapit siya sa akin kapag kausap niya si Andie ay talagang naghuhurimentado ang buo kong sistema. Parang sasabog ang puso ko sa kaba, kilig at excitement. Kung pwede lang kaming magpalit ni Andie na katauhan ay ipinagdasal ko na sana noon pa. 

Bakit ganoon? Kung sino pa 'yung may ayaw sa gusto mo, sila pa 'yung lumalapit sa kanila? Why is it unfair sometimes? It's simply because it's life. 

But at some point you will really love life on what's in store for you, right?


Wala sina Andie at Jessica ngayon dahil bumili sila ng pizza sa katapat na Yellow Cab ng school namin. Lumabas na lang ako ng room para maglakad-lakad sa botanical garden malapit sa amin para mag-relax. Dinala ko na rin ang lapis at sketch pad ko para mag-drawing ng magandang makikita ko roon. 

Umupo ako sa bench sa tapat ng mga iba't ibang kulay ng mga roses at may mga butterflies na lumilipad sa paligid nito. Sa tuwa ko'y ginaya ko ito sa pag-drawing sa sketch pad ko. 

"Wow, Suri. Ang ganda naman nyang drawing mo!" Napapitlag ako nang makita si Minna at ang kanyang mga kaibigan sa likuran ko. 

Isinarado ko 'yung sketch pad at iniyakap sa dibdib ko. "H-ha?" Nauutal kong sabi. 

"Pwedeng patingin kami?" Tanong ni Aira. Isa sa mga kaibigan ni Minna. 

"Oo nga, ang galing mo kaya Sami." Segunda naman ni Shane at pilit na kinukuha ang sketch pad ko pero hindi ko binibigay.

"Oh, ba't ayaw mo ibigay? Patingin lang naman kami e." sabi ni Minna at minuwestrahan ang dalawa niyang kaibigan para hawakan ang dalawa kong braso.

Umatras lang ako pero nang mapasandal ako sa pader ay hindi na ako nakawala mula sa kamay nina Aira at Shane. Lumapit sa akin si Minna at pilit na kinukuha ang sketch pad ko. Nang makuha niya iyon sa akin, binuklat niya ito. 

"Minna, akin na 'yan!" halos naiiyak na ako dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa sketch pad ko, at isa pa, nandoon ang sketch ko ng mukha ni Cedric.

"Ang galing mo talaga mag-drawing Sami...Wow, si Cedric ba 'to? Oo nga, si Cedric nga. May crush ka ba sa kanya?" nag-iba ang tono ng pananalita ni Minna pero nanatili akong nakayuko at umiling.

"Weh? May crush ka kay Cedric e. Yeee, gusto mo sabihin namin sa kanya ha?" asar ni Aira sa akin sabay pisil ng malakas sa braso ko, tahimik akong napa-aray.

"Hindi naman kayo bagay, Suri. Ambisyosa ka, hindi ka naman maganda!" tinulak ako ni Shane at ibinagsak sa lupa. Naiiyak na ako dahil sa ginagawa nila sa akin pero wala akong lakas para tumakas sa kanila.

"Feeler!" sigaw ni Minna sa akin. Pinilas niya sa sketchpad 'yung drawing ko ni Cedric. "Hay, ang gwapo talaga ni Cedric kahit kailan."

"Oo nga." sagot nina Aira at Shane.

"Sa sobrang gwapo ni Cedric dito gusto kong punitin!" nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa ni Minna dahil pinunit-punit niya 'yung drawing ko.

Sabay sa pagtulo ng luha ko ang paglapat ng mga punit-punit na papel ng drawing ko sa damuhan. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa mga halo-halong emosyon na nararamdaman ko: galit, panghihinayang at sakit. 

Tinawanan nila ako at tinulak-tulak pero wala na akong lakas pa para gumanti pa, sa ilang saglit at umalis na sila Minna.

Kinuha ko na lang ang mga pira-pirasong papel ng pinunit na drawing ko pati ang maduming sketch pad ko na nakakalat sa tabi. Hindi ko alam kung bakit kailangang ganito ang turing ng mga kaklase ko sa akin kahit na mabuti naman ang pakikitungo ko sa kanila.

Pagtayo ko, nakita ko na may kamay na nakalahad sa akin. Pag-angat ko ng tingin ko, si Cedric.

"C-Cedric..."iyon na lang ang nasabi ko at hindi na nag-alangang hawakan ang malambot niyang kamay.

"Okay ka lang ba?" worried na tanong niya sa akin at dinaluhan niya akong umupo ulit sa bench.

Tumango lang ako at aambang na punasan ang mga luha ko pero siya na ang nag-initiate na gawin ito. Hinayaan ko lang siyang gawin iyon, kung bakit ay hindi ko alam.

Nakita niya ang sketchpad na nasa gilid ko at ang mga punit-punit na papel kanina. 

"Anong nangyari?"

Umiling lang ako at itinapon na lang 'yung hawak ko sa pinakamalapit na trashcan. Pagbalik ko sa upuan, tinitignan na ni Cedric 'yung sketchpad ko. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting hiya sa mga drawings ko.

"Ang galing mo palang mag-drawing. Fine Arts major ka ano?" nakangiting tanong niya sa akin.

Gumaan 'yung pakiramdam ko nang makita ang mga ngiti ni Cedric para sa akin. Parang nawala 'yung hiya at sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Isang ngiti pa lang niya at may sumibol na saya sa puso ko.

"Oo." sagot ko sa kanya.

"Ang galing mo mag-drawing, idol na kita."

"T-talaga? Salamat ha."

"Idol na kita...ano'ng pangalan mo pala?" natatawang sabi niya.

"Suri. Suri Shadows."

"Such a beautiful name."

ㅋㅋㅋㅋㅋ

Then that was the start of a good friendship between me and Cedric. Ayokong mag-conclude sa kung ano man ang mayroon sa amin noon nang maging magkaibigan kami. He didn't treated me like I was a deadkid or being bullied by others, or being pitied by everyone. He treated me as myself, as Suri. 

But everything comes on an end by the birth of a heartbeat that I felt for him.

t o   b e  c o n t i n u e d . . .

Continue Reading

You'll Also Like

4K 165 23
- Sequel of "My Immortal" Pakibasa po muna 'yung My Immortal, bago ito. Maikli lang naman 'yun. :) para mas maintindihan niyo 'yung story. At para di...
28.3K 557 41
"Hindi ako kailan mai-in love sa isang lalaki hanggat buhay pa ako," ang malakas na anunsyo ni Sunmi gamit ang megaphone sa buong paaralan. Ok? Sabih...
1.4K 119 31
Matapos ang gulo na ginawa ni Carmilla sa Royal Bloods hindi pa rin natatapos doon ang lahat. Iyon ang alam ni Alucard kaya naman para sa isang nalal...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...