Till I Rewrite The Stars (Und...

By Sky_Supreme

4.8K 638 195

[Under Revision] Tulad ng ilang babae sa kasalukuyan, si Juliet Rose ay isa rin sa mga fan girl na tumitingal... More

Till I Rewrite The Stars
Revision Notice
Prologue & Playlist
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
Epilogue
Behind The Written Stars
ANNOUNCEMENT: Romialdo's Story

04

163 30 8
By Sky_Supreme

Chapter 4

Juliet Rose's P.O.V.

Maaga kaming gumising ni Eda at agad na nag-asikaso para sa pupuntahan naming press conference ni Estefanio Del Carpio. Paliwanag kahapon ni Lola Rosaline, sa isang sikat na lugar sa Quezon City gagawin ang nasabing presscon. Ginawa na rin daw itong open sa ilang mga fans dahil na rin sa demand ng publiko. Ayon pa raw sa pagkakaalam niya, may ibabalita raw ang management ni Estefanio na tiyak daw ikatutuwa ng mga fans.

"Ang dami ng mga tao," sambit ni Eda habang papasok kami sa malaking building na ito. Sa tingin ko isa itong mall. Nagmistula na tuloy mall show ang press conference na ito sa dami ng mga fans na nag-aabang.
Gaya ng sa Casa Simeon, marami ring mga security personnel ang nakapalibot sa lugar na ito na tsine-check ang bawat taong papasok sa loob.

"Marami na ang tao, pero mas dadami pa iyan. Alas diyes pa ang dating nina Estefanio Del Carpio eh," sabi ni Lola kay Eda. Napalingon naman ako sa kaniya.

"Alas diyes pa po? Eh kaka-ala sais pa lang," sabi ko sa kaniya. Nasa unahan namin ang mga kasamahang fans ni Lola Rosaline. May sarili silang fandom at tinatawag nila itong Estefanio Mania. Official member si Lola Rosaline at ilang mga kapamilya niya rito na ayon kay Lola, tatlong buwan pa lamang daw ang nakakaraan nang mabuo sila. Isang sakayan din sila ng mga kamag-anak ni Lola kung saan nila kami isinabay. Balak pa nga raw ni Eda na ipalista kaming dalawa sa fandom na ito.

"Kaya nga. Tignan mo naman, apat na oras pa pero halos mapuno na ng mga fans ang lugar na ito," sagot ni Lola Rosaline sa akin. Tama naman siya, talagang dudumugin dito ng tao at baka hindi na papasukin pa ang karamihan mamaya, kaya swerte nang isa kami sa mga mauuna.

Pagkapasok namin sa loob, agad kaming dumiretsyo sa area na para lamang sa mga fans. Bale, ang area na ito ang nasa pinakadulo bagama't malaki rin naman. Nilagyan din kami ng espasyo mula sa lugar ng mga media na nasa unahan namin. Nasa pinakaunahan naman ang uupuan nina Estefanio Del Carpio na nakaharap sa madla. Talagang malayo ito sa amin at iilan lang din ang screen na available sa paligid kung saan ipapakita ang close-range shots kina Estefanio.

Kaniya-kaniya na nang hanap ng mapupwestuhan ang mga dumarating na fans. May mga ilan ding hindi pinapapasok ng mga security personnel sa hindi ko alam na dahilan. Saan ka man tumingin sa paligid ay puro larawan ni Estefanio Del Carpio ang makikita. Dala-dala ko rin ngayon ang nag-iisang poster ko sa iniidolo ko kahit na medyo nalukot na ito matapos akong makipagtulukan sa airport terminal noong nakaraang araw.

"Maswerte ka kumpara sa lahat ng mga nariritong tagatangkilik ni Estefanio dahil ikaw pa lamang siguro ang unang nakaharap ang iniidolo ninyo," sabi sa akin ni Eda. Maingay ang paligid pero narinig ko naman siya. Hindi ko siya sinagot ngunit napangiti na lang ako. Swerte na nga akong maituturing dahil nakadaupang-palad ko na ang artistang inaabangan ng lahat. Sobra-sobra pa nga dahil nakausap ko pa ito at saka niyakap din ako na talagang hindi ko inasahan. Naisip ko rin na siguro, kung malaman 'yon ng mga fans ni Estefanio Del Carpio, baka dumugin ako at away-awayin. Sa dami ba naman ng mga nagkakandarapang makita at makasama ang isang artistang tulad niya.

Lumipas ang mga oras na hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa tabi ni Eda habang naghihintay sa pagdating nina Estefanio Del Carpio. Pagkagising ko, puno na ng mga tao ang paligid at nagsisiksikan pa. Mabuti na lang at nasa may unahan kami ng ibang fans nakapwesto. Nakita ko ring marami na ang media na nasa unahan namin, kaniya-kaniya ng kuha at ayos ng kanilang mga gamit. Mukhang parating na nga siguro si Estefanio Del Carpio.

"Oh Juliet, mabuti at gising ka na. Uuwi na tayo. Sayang nga dahil natutulog ka. Kaka-alis pa lang nina Estefanio Del Carpio," seryosong saad ni Lola kaya agad naman akong nabuhayan at napatayo.

"A-ano po?!" bigla kong sigaw kaya napatingin sa akin ang karamihan, pati na rin ang mga security na nasa unahan namin. Ano ba naman 'yan? Bakit pa ba kasi ako nakatulog? Sayang lang ang pinunta ko rito. Akala ko pa naman parating pa lang sina Estefanio.

"Biro lang." Pagkasambit ni Lola Rosaline ay taka naman akong napatingin sa kaniya. "Ano ka ba? Maga-alas dyis pa lang uy!" natawa nitong sabi sa akin. Nagtawanan na rin ang iba pa naming kasama pati na rin ang mga nakarinig sa amin lalong-lalo na si Eda.

"J-joke lang po 'yun?" pahiya kong tanong at dahan-dahang napaupo.

"Napaghahalataang excited ka talaga Juliet Rose," komento sa akin ni Eda.

"Siya nga. Maupo ka na at darating na iyon Juliet," natatawa pa ring sabi ni Lola Rosaline sa akin. Pahiya naman akong tumalikod mula sa kanila at humarap na sa unahan habang tawang-tawa pa rin ang katabi kong si Eda.

"Huwag kang mag-alala Juliet at nariyan na siya." Pagkasabing-pagkasabi nito ni Eda ay umugong bigla ang tilian ng lahat nang magbukas ang entrance ng mall at pumasok ang lalaking hinihintay ng lahat.

"Ahhhhhhh!"

"Estefanio!"

"My heart!!Aggg!"

"Future husband ko!"

"Ang gwapoooo!"

Kani-kaniya na ng sigawan at tili ang lahat sa paligid ko. Napatayo na rin lahat maliban sa amin ni Eda. May ilan pa ngang nagtangkang tumakbo papunta sa unahan pero agad ding napipigilan ng mga security personnel. Sabay naman kaming tumayo ni Eda.

Ahhh! Hindi maawat ngayon ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa pagkapahiya ko kanina o dahil sa pagdating ng iniidolo naming lahat. Panay na ang flash ng mga camera sa paligid na talagang nakatutok kay Estefanio Del Carpio.

Bahagya ko pang hindi makita ng maayos ang mga pumapasok dahil na rin sa girian sa paligid ko at dahil sa mga nakaharang na security personnel, pero nang makita ko na naman ang pamilyar na ngiti ng isang ginoo ay tila natunaw na naman ako. Nakita ko na ngang muli ang kabuuang itsyura ni Estefanio Del Carpio. Nakasuot ito ngayon ng isang formal attire at kitang-kita ang ngiti nito. Hindi nito pinapansin ang mga media at camera na nakatutok sa kaniya dahil ang atensiyon niya lamang ay kawayan ang mga fans niya na naririto.

Sigawan at tilian pa rin ang lahat kaya wala akong nagawa kundi makisabayan na rin. "Ahhhh! Estefanio Del Carpio! Ahhh! Kyahhh! I miss you!" sigaw ko. Hindi naman na ako nakaramdam ng hiya dahil marami rin namang nagsisigawang iba.

Napansin ko na lang na napatitig sa akin si Eda. Taka ko naman siyang tinignan nang nakangiti. "A-ah? Pasensiya na. Hehehe, fan girling mode muna," saad ko sa kaniya habang natatawa sa sarili ko. Ngayon lang talaga ako nagsisigaw nang ganito. Sa tanang buhay ko, madalas tahimik ako at bilang ang mga sinasabi. Pero ngayon, ibang-iba ako dahil sa artistang ito.

Tumawa sa akin si Eda at hindi ko inasahang magsisigaw din pala ito tulad ko. "Hoooo! Ang gwapo mo Estefanio sabi ni Juliet Rose! Miss ka na raw niya! Ahhhh!" Hindi ko aakalaing ito pa ang sasabihin niya. Ang isang magandang babaeng tulad niya ay nakikisigaw na rin ngayon sa amin. Iba talaga ang powers mo Estefanio! Sinabayan ko na lamang si Eda habang pareho kaming tumatawa.

Maya-maya ay unti-unti na ring humina ang tilian at naupo ang karamihan matapos kaming sabihan ng mga security at mag-announce ang speaker sa unahan. Nakaupo na rin ang mga bigating tao na nasa harap. Nasa gitna si Estefanio Del Carpio at sa tabi niya naman ay ilang mga taong mukhang celebrity din dahil sa aura at itsyura. Mga Pinoy celebrity ata ang mga katabi ni Estefanio maliban sa nasa kanan niya na isang babaeng sophisticated at intimidating ang tingin. Parang nakita ko na siya kung saan. Gayundin naman ang iba pang nakaupo sa unahan. Pamilyar ang kanilang mga mukha pero talagang kay Estefanio Del Carpio ka lang matutunaw kapag tinignan mo.

Nakatingin lang sa aming mga fans si Estefanio at panay ang ngiti. May mga pinagsasabi pa ang speaker sa unahan at ilang mga personalidad pero hindi ko na rin pinakinggan. Sa isang banda habang nakatitig ako sa mala-anghel na mukha ni Estefanio, dumako rin ang tingin nito sa pwesto ko dahilan para mabigla ako at kasabay ang mas malakas na pagkabog ng dibdib ko.

Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako. Sa dami ng taong nasa harap niya ngayon at sa distansiyang nasa pagitan naming dalawa ngayon, hindi ko alam kung ako ba ang nginingitian niya ngayon. Ako nga ba ang tinititigan niya?

Bahagya namang nagtilian ulit ang mga fans kaya nabalik ako sa ulirat. Mukhang may sinabi 'yung nasa unahan na nagpakilig sa mga fans na siyang hindi ko naman narinig. Dahil na rin sa kabog ng dibdib ko ay dinako ko na lamang ang tingin ko sa isa sa mga screen na nasa may unahan namin. Black and white pa ito pero kita naman ang malinaw na mukha ng kinukunan ng camera. Halos kay Estefanio Del Carpio lang din ang focus nito at talagang hindi pa rin siya natitinag sa pagtingin sa pwesto ko. Eksaktong sa pwesto ko! Ahhh!

"So! Alam ko namang pamilya na tayong lahat sa ipapakilala ko sa inyo ngayon! The worldwide phenomenon, at the same time multi-awarded international actor and of course, the most in demand above all Hollywood actors! No other than our Estefanio Del Carpio!" pagpapakilala ng host sa unahan. Agad namang tumayo si Estefanio at kumaway sa amin habang nakangiti! Agad namang nagwala at nagtilian ang mga fans. Ahhh!

Nang makaupo na si Estefanio, agad na may ibinulong ang babaeng katabi niya sa kanan. Nakita ko namang bahagyang tumango si Estefanio Del Carpio rito.

"Of course, Estefanio Del Carpio's mother: Miss Elizabeth Del Carpio," sabi ng host at saka agad namang tumayo ang babaeng katabi ni Estefanio. Wow. Siya pala ang ina ni Estefanio Del Carpio. Sa pagkakaalam ko, Fil-Am ang ina niya pero lumaki ito halos sa America. Wow. Ang ganda rin ng Mama niya.

"Ahh! My future Mama!" sigaw ng isa sa mga fans. Natawa naman ang mga katabi nito.

"Kasama rin natin ang ating mga Pilipino actors and actresses na makakasama ng ating Estefanio Del Carpio sa kaniyang up-coming movie!" Agad nagsigawan ang lahat matapos marinig ito. So,ito pala ang big announcement nila? Of course, alam ko dapat ito. Ito na ang sinasabi ko kay Eda na magkakaroon nga ng pelikula si Estefanio Del Carpio sa Pilipinas at ang titulo nito ay "All Out of Love" hango sa kanta ng Air Supply.

"Yes, that's our major announcement! Dahil magkakaroon tayo ng pelikula kung saan bibida ang international actor na si Mr. Estefanio Del Carpio," pagkukumpira ng host. "This time, let's hear Direct Antonio Suazon for the details of this grand movie! Sir?" Tumayo ang isang lalaking kahelera rin ng upuan nina Estefanio. Naka-shades ito, may katabaan, may suot na sumbrero, at sa tingin ko ay nasa 50s na ang edad.

"Yes, our very own Estefanio Del Carpio is casted to be one of our lead characters in a movie entitled 'All Out of Love' directed by yours truly." Tumigil saglit sa pagsasalita ang lalaki at ngumiti sa mga madla na nag-iingayan. Sinaway naman ng ilang security personnel ang mga maiingay at matapos nito ay nagpatuloy na muling magsalita ang direktor. Nabaling muli ang tingin ko kay Estefanio Del Carpio at nakita kong nakikipagbulungan naman na ito sa babaeng nasa kaliwa niya.

"And since this movie is a very special project, we also casted our Filipino best actresses and actors. First of all, we have Ms. Lolita Esquivel," pagpapatuloy ng deriktor. Nakangiti namang tumayo ang babaeng kanina'y kausap ni Estefanio. Masasabi kong isa talaga siya sa pinakamagandang mukha sa industriya ng entertainment sa Pilipinas ngayon at kahit pa sa hinaharap. Tanyag na artista si Lolita Esquivel dahil sa kagandahan nito at galing sa pag-arte. Talagang nababagay siya bilang kapareha ni Estefanio Del Carpio. Napakaswerte niya, tiyak na marami ring Pilipinang artista ang naghahangad sa posisyong kaniyang nakuha sa ngayon.

"We know Lolita of course, she is a very versatile and her skills were already proven from her past project. We have no doubts on casting her as the leading lady of Mr. Estefanio Del Carpio." Napayukod naman si Lolita na animo'y nagpapasalamat sa direktor na kino-compliment siya. Talagang napakaganda niya.

Dumako muli ang tingin ko kay Estefanio na kasalukuyan nang nakangiti habang tinitignan ang kaniyang fans. Kahit na maraming mga kamerang nakatutok at nasa harapan niya, tila ang kaniyang buong atensyon ay ibinibigay niya lamang sa mga tagahanga. Tahimik akong napangiti sa iniisip ko at tila unti-unting nawala ang ingay sa paligid nang muli itong tumititig sa pwesto ko. Esksaktong eksakto sa kinakatayuan ko! Hindi ko alam kung nakikita niya ba talaga ako o ano. Alam kong marami pang sinasabi ang direktor sa unahan pero hindi ko na napansin pa dahil tila na-hypnotized na naman ako sa itsyura ng artistang hinahangaan ko...

"Ayan!" Biglang nabalik ako sa ulirat at napatingin sa screen ng malaking monitor matapos muling magsalita ang host. Mukhang tapos na magpakilala ang direktor kaya nasa host na muli ang mikropono. Napatingin muli ako kay Estefanio subalit nasa iba na ang atensiyon nito.

"Maraming salamat, Direct Suazon. Sa ngayon, maaari na raw pong magtanong ang mga media sa ating mga artista," pagpapatuloy ng lalaking host. Agad-agad namang nag-unahan ang mga reporters, media, and crews sa unahan namin upang magtanong. Halos lahat sa kanila ay kay Estefanio Del Carpio ang pansin. Syempre, marami talaga ang interesado sa kaniya kaya't malaking balita ito para sa mga reporters.

Hindi ko na napakinggan pa ang question and answer portion nang biglang magtulakan ang ibang fans na nasa paligid namin ni Eda. Dahil sa girian ay nabitawan ko ang poster na hawak-hawak ko at natapon ito sa hindi ko alam na lugar. Hiyawan at sigawan ang naririnig ko habang pilit nakikipagsiksikan sa iba para mahanap ang poster na pag-aari ko. Halos makarating na ako sa dulong gilid ng mga fans, saka ko lamang naabot ang halos magkalasog-lasog na poster ko. Saktong pagtayo ko ay may tumama naman sa aking malakas na pwersa kaya napada ako sa sahig.

"Nang-aano ka eh! Pare-pareho lang naman tayong tagahanga dito!" narinig kong sigaw ng isang babae. Sapo-sapo ang balikat kong nakatama sa sahig, tinignan ko ang dalawang babeng nag-aaway sa harapan ko.

"Sabi namang hindi ko sinasadya! Ikaw 'tong nananakit!" sigaw naman ng babaeng nakatama sa akin kanina.

Patayo pa lang sana ako nang lapitan at awatin sila ng ilang mga security personnel. Hindi nagpa-awat ang dalawang babae kaya't napilitan ang mga security na palabasin ang mga fans na nasa pwesto namin. Kahit na gustuhin ko mang manatili ay nakaladkad na rin ako sa dami ng naggigirian at pinapalabas. Halos hindi na rin ako makahinga nang pilitin kong bumalik at makipagsiksikan sa iba pa ngunit sa huli ay hindi na kami pinayagan pa ng mga security na nagbantay sa may exit na nilabasan namin.

Napa-aray na lang ako nang maramdaman ko ang sakit ng paa ko matapos maapakan kanina ng mga tao. Iika-ika akong naglakad sa may pader ng mall at isinandal ang sarili. Tinignan ko ang mga fans na pinalabas. Halos lahat ay nagrireklamo pero wala na rin silang magawa dahil sa mahigpit na mga security. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang magsilabasan na karamihan sa iba pang mga fans na naiwan sa loob. Naghihiyawan at tilian pa sila habang papalabas sa iba't ibang bahagi ng mall. Nanatili naman ako sa aking posisyon habang hinahabol ang paghinga ko.

"Ang gwapo talaga ni Estefanio Del Carpio!" pare-parehong sigaw ng mga babaeng nagsilabasan malapit sa pwesto ko. Siguro tapos na rin ang presscon sa loob dahil nakita kong isa-isa na ring lumabas ang mga camera man at news reporter. Hihintayin ko na lang na lumabas sina Eda at Lola Rosaline dahil pakiramdam ko kapag bumalik pa ako sa loob ay baka mawalan na ako ng balanse dahil sa pagod, init, at sakit ng paa ko.

Bahagya akong lumayo sa may exit kung saan nagsilabasan ang mga tao at umupo na lamang muna sa nasisilungang sementong sahig sa harap ng kalsada. Tanghaling tapat na kaya't mabilis ang kilos ng lahat. Nagsisisakayan na at unti-unti na ring umaalis ang mga dumalo sa presscon habang ako ay nanatili pa rin sa pwesto ko. Pakiramdam ko nagmumukha na akong pulubi sa itsyura ko lalo na't mag-isa na lang akong nakaupo sa lugar na ito. Kung hindi ko lang sana nabitawan ang poster kong ito, ede sana hindi ako napasama sa mga unang pinalabas. Nakita ko pa sana nang mas matagal si Estefanio Del Carpio!

Lumipas ang halos sampung minuto pero hindi ko na pa rin nakita lumabas sina Lola Rosaline at Eda. Wala na rin ang mga fans na nagi-ingayan kanina. Pati ang mga security personnel ay isinasara na rin ang exit mula sa loob. Nagdisesyon akong tumayo na at maglakad-lakad dahil baka sa ibang exit o kaya baka sa entrada lumabas ang mga kasamahan ko.

Ika-ika at pinagpapawisan akong naglalakad palibot sa labas ng mall. Hindi ko na alintana ang pagod at gutom dahil baka hinahanap na rin ako nina Eda. Hanggang sa maramdaman ko muli ang sakit ng paa ko kaya't nawalan ako ng balanse at agad na natumba sa sementadong sahig.

"Ahggg..." Napapikit na ako sa biglang pagkirot ng paa ko hanggang sa may isang pares ng paa ang nakita kong papalapit sa akin. Sa umpisa, hindi ko maaninag ang itsyura nito dahil sa nakakasilaw na araw mula sa likuran niya. Nang bahagyang luminaw ang nakikita ko, tumambad sa'kin ang isang lalaking naka-leather jacket at may suot na itim na mask.

"Hey!" sambit nito at lumuhod sa harap ko upang siyasatin ang kalagayan ko. "Kaya mo bang tumayo?" tanong pa niya at hinahawakan ako sa kamay. Tinitigan ko naman ang mata niya at agad akong naestatwa sa kinalalagyan nang makilala ko kung sino ang lalaking ito.

"It's you! The girl in our hotel right?"
Aghhh! Tama ako! Siya si Estefanio Del Carpio! "Yes, it's you! What's your name again?" tanong niya sa akin at unti-unti akong inalalayan patayo.

"J-juliet Rose," nakangiti kong sabi habang hawak pa rin ang kamay niya. Muli namang kumirot ang paa ko kaya't napabagsak ako ngunit saktong-sakto na nasalo niya agad ako.

"Oh! Be careful. Hindi mo pa yata kayang maglakad. May kasama ka ba?" tanong niya sa akin habang inaalalayan ako.

"I-im actually searching for them," sagot ko at sa kasalukuyan, ramdam kong lumalakas na naman ang pintig ng puso ko. Sa init at pagod ba ito o dahil sa ginoong kaharap ko ngayon?

Tinitigan ako ni Estefanio at nag-isip. Hindi ko man kita ang kabuuang mukha niya ngunit sapat na ang mga mata niya kung saan kitang-kita ko naman ang paga-alala.

"D-don't worry about me. I can handle m-myself. I'll just search for them," saad ko sa kaniya nang mapansin kong nakabukas ang itim na kotsye kung saan siya kanina nakatayo. Mukhang sasakay na sana siya kanina rito.

"No, I can't just leave you here. Most of the fans left already. Paano kung trip-an ka ng mga lalaking iyon?" turo niya sa may likuran ko kaya't mabilis naman akong napalingon. May apat na lalaking naglalakad palapit sa pwesto namin at mukhang nakainom ang mga ito. Ang isa sa kanila ay may hawak pang mabigat na kahoy.

"See? I think you should go with me muna. I can just sent you back to your house...and by the way, diba inalok kitang making P.A. ko? Maybe we should have a formal talk about it." Hindi ko man kita ang kaniyang bibig dahil sa mask na nakaharang dito pero alam kong ngumiti siya sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya at wala nang nagawa kundi sumakay sa kotsye niya.

Pinaupo niya ako sa backseat habang nagtungo naman siya sa driver's seat. Akala ko noong una ay may kasama siya at hinihintay lamang siya dito sa loob pero mag-isa lang pala siya! Aghh! Kasama ko si Estefanio Del Carpio at nakasakay ako sa kotsye niya nang mag-isa?! Pakiramdam ko gustong sumigaw ng puso ko pero nakakahiya namang magwala rito!

Inalis ni Estefanio ang suot niyang mask at tinignan ako bago niya paandarin ang kotsye. Aghh! Pigil-hiningang parang gusto ko nang matunaw na lang. Halo-halo na ang nararamdaman ko! Saan ba ako dadalhin ni Estefanio? Ano bang gagawin niya sa akin?! Bakit ba ang swerte-swerte ko?! Ahhhh!

Umandar ang sasakyan ni Estefanio at nanatili akong natuod na lamang dito sa likuran. Hindi ko talaga alam kung magsasalita ba ako o gagalaw. "Hey?" Napatingin na lang ako sa rearmirror ng kotsye ng magsalita siya. Nakakahiya! Pakiramdam ko kanina niya pa nakikita ang reaksiyon ng mukha ko. Kaya siguro kanina, parang tumatawa siya dahil baka nakikita niyo kung paano kapangit at ka-epic ng itsyura ko! Ahh!

"Hey? I'm actually heading to my Lola's wake. Do you want to go muna with me?" tanong niya.

Sasama ba ako o hindi? Ano ba? Para namang ang sama-sama ko kung tatanggihan ko ang isang Estefanio Del Carpio. Saka, hindi naman ata masama. Lord! I'm feeling sobrang blessed na ata!

"Y-yeah? Siguro? P-pwede ba? Ah? Oo?" Aghh! Ano bang pinagsasabi ko?!

Bahagya siyang natawa bago muling nagsalita. "So you will." Tumawa ulit siya pero para sa'kin, para itong isang tunog ng musika. "Don't worry, wala akong gagawing masama sa'yo. I actually wanted to talk to you about my proposal."

Leche! Iba naiisip ko sa proposal! "Ah w-what is it?"sabi ko na lang.

"Agree ka na ba na kukunin kitang personal assistant ko? I really wanted to hire a Pilipino citizen to be my temporary P.A since I want to roam around the country din eh. I think it would be a great help if I'm with a person who knows Philippines very well," sabi pa niya.

Hala ka diyan! Syempre familiar ako sa buong Pilipinas pero sa present 'yon. Marami pang ibang bagay dito sa nakaraan na iba kumpara sa pinagmulan ko. "Uhmm, o-okay." Leche! Ba't ka nag-okay Juliet Rose!?

"Good!" Lumingon ito sa akin at ngumiti. "Hindi na magi-isip pa si Mama na mag-hire ng iba...By the way, where are you from? Exact place?" tanong nito sa akin habang patuloy sa pagda-drive.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na mula ako sa future at nagtungo rito para lang sa kaniya. "I-i live in Puerto Guererro," sambit ko na lamang.

"Aw, I see. Same place where we stay. So you're with who? Sino ba ang mga kasama mo kanina at nag-iisa ka?"

"I'm actually t-together with my cousin and co-fandom b-but unfortunately, I got lost f-from them," pilit kong sagot sa kaniya. Napatango-tango naman siya. Hindi na siya nagsalita pa kaya naman bahagya ko muling inangat ang tingin ko sa rear mirror. Seryoso lamang siyang nakatingin sa harapan kaya naglakas-loob akong magsalita.

"Uhmm, w-why me? I m-mean w-why do you trust s-someone you don't personally know?" Sa wakas, nasabi ko ang tanong na kahapon ko pa iniisip. Bakit nga ba ako? Paanong sa isang kita namin, nagtiwala na siya agad sa akin?

"Hmm, maybe it's just my personality. It's okay for me to trust others even strangers, though my mother often tell me not to. I believe everyone has the right to be trusted. After all, it is their choice if they would break it," sagot nito. "Then, I believe naman in you. Pilipino's are great, they are really friendly. Tumira na ako dito way back then, sa lola ko, and wala naman sa aking masamang nangyari." Napatango na lamang ako sa sinabi niya. "Why? Have you ever been in a situation where you've been afraid to gave a try? Haven't you ever trusted someone like this, easily?" tanong niya pa sa akin.

I found myself reflecting after what he said. Naisip ko ang sarili ko. Kailan nga ba ako natakot magtiwala at kailan nga ba ako agad-agad nagtiwala? Bigla kong naalala ko si Eda. Hindi ba nagtiwala rin naman agad agad ako sa kaniya?

"By the way, how's your feet? Sumasakit pa ba? Should I bring you to a hospital para matignan 'yan?" tanong ulit nito.

"N-no! You don't have to." Pinakiramdaman ko naman ang paa ko. "Actually, I'm feeling better. M-maybe it's just because of tiredness a-and heat a while ago." pilit ko mulingvsagot. Pakiramdam ko mauubusan na rin ako ng English.

"Oh, okay then, but I can't immediately bring you to Puerto Guerrero. Pupunta muna ako sa burol ng lola ko ngayon. My Tito's and Tita's wants to see me. Is it okay?" tanong niya.

Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung nakikita niya ba ako. Naubos na ata ang lakas ko para sumagot pa o mag-isip-isip nang kung ano man ngayon. Parang gusto ko lang muna matulog pero bigla namang tumunog ang tiyan ko.

"Oh? Hindi ka pa kumakain?" biglang tanong ni Estefanio kaya naman nabuhayan ako. Narinig niya ba 'yung pagkalam ng sikmura ko? Nakakahiya!

Tumango na lang muli ako at ngumisi habang nakatingin sa kaniya sa rear mirror. Natawa naman siya nang bahagya. Agh! Ang gwapo gwapo niya. "I think you really need to come with me on our mansion. Doon ka na rin kumain," saad niya. Hala! Para naman talagang naging pulubi na ako nito na pinasakay niya para dal'hin sa kanila at pakaanin. Ano na lang ang sasabihin ng mga mayayaman niyang kapamilya?!

Pero wala naman akong naging ibang choice kundi tumango na lang ulit.

Napabuntong-hininga ako.

Ang hirap talagang maging mahirap-sa kahit ano pang panahon. Kahit na idol mo pa talaga ang nasa harapan mo, kakainin mo talaga ang pride mo kung gusto mong mabuhay! Nakakahiya! Ano kayang mangyayari kapag nakasalamuha ko ang mga kapamilya niya sa mansiyon nila?!


End of Chapter 4

Continue Reading

You'll Also Like

133K 5.7K 42
Hindi ba normal na mahalin kita? Sinong nagsabing bawal mahalin ang katulad mo? Hindi mo naman pwedeng utusan ang puso kung sino ang nais nitong mah...
848 182 16
Nagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lum...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...