The Lost Soldier (Savage beas...

By Maria_CarCat

6M 234K 49.2K

A battle between love and service. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 53

80.8K 3.3K 762
By Maria_CarCat

Captain Tadeo's Pov



Bilang sa daliri kung ilang beses lamang akong umiyak sa buong buhay ko. Ni hindi ako nakakaramdam ng takot o kaba sa tuwing sasabak ako sa mga laban. Wala akong kinatatakutan, hindi ako natatakot sa isiping baka hindi na ako makabalik pa sa amin pagkatapos ng aking bawat laban. I don't have anything to lose. Kung mamamatay man ako, my parents will still have my brothers. Cairo, Kenzo and Piero can fill my lost if things might get out of control.

Hinahangin ang aking may kahabaan ng buhok dahil sa mabilis na pagikot ng rotor blade ng helicopter na sinasakyan ni Castel. Ngayon na lamang ako ulit umiyak ng sobra matapos ang nangyari sa aking kapatid na si Sachi. Kagaya ko ay umiiyak din ito habang nakatanaw sa akin.

I don't want her to go. I can't afford to let her go, i love her. And hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa oras na mawala na siya.

Narinig ko ang mga sigaw ng mga sundalong sumunod sa akin dito, kaagad silang pumorma para patamaan ang helicopter na sinasakyan ni Castel. "Hold your fire!" Sigaw na utos ko sa kanila.

Puminta ang pagtataka sa mukha ng aking mga kasama. Hindi sila makapaniwala sa aking inuutos sa kanila. "Pero Captain..." sabat pa ng isa.

"Captains order" madiing sabi ko sa kanya kaya naman isa isa nilang ibinaba ang kanilang hawak na mga baril.

Alam kong sa mga oras na iyon ay paglumingon ako sa kalangitan ay hindi ko na matatanaw ang helicopter, masyado na siyang malayo sa akin. Wala na akong magagawa pa para pabalikin siya dito. I still want to hug her tight, gusto kong sabihin sa kanya na maghihintay ako kahit gaano pa katagal.

Pagkalipas ng ilang araw ay bumalik sa ayos ang buong bansa. Naitalagang bagong presidente si dating Senator Santi Gatchalian. Nagtagumpay sina Castel at ang nga rebelde sa kanilang plano, nailayo nila ang buong bansa sa masamang balak ni Anton Gomez.

Simula ng nangyari ang lahat ng iyon ay hindi pa ako umuuwi sa aming bahay. Nanatili ako sa aking Condo sa may pasay, nagkulong, ni ang aking cellphone ay hindi ko hinawakan. Nagulat na lamang ako isang umaga ng may mga sundalo at pulis na sa labas ng aking unit.

Isang heneral ang kaagad na bumungad sa akin, sumaludo pa muna ito bago niya sinabi sa akin ang kanyang sadya. "Captain Tadeo herrer, iniimbitahan ka namin sa kampo para ipagtanggol ang iyong sarili" bungad niya sa akin. Hindi naman na ako nagulat pa ngunit nagawa ko pa ding magtanong sa kanya.

"Para po saan Heneral?" Magalang pa ding tanong ko dito.

"Marami ang tumestigo laban sayo" sabi na lamang niya sa akin kaya naman walang sabi sabi akong sumama sa kanila. Nagsuot na lamang ako ng kulay itim na jacket.

Lumapit ang isang pulis sa akin na may dalang posas, balak sana niya iyong ilagay sa akin ng pigilan siya ng heneral. "Hindi na iyan kailangan" sabi niya sa pulis kaya naman kaagad itong humingi ng paumanhin.

Nasa amin ang lahat ng mata ng bawat tao sa lobby. May ilang media na din ang naghihintay sa amin sa labas ng hotel. Hindi pumayag ang heneral na sumagot ako sa kahit anong itatanong sa akin kaya naman mabilis akong pinasakay sa military car. Wala akong imik habang nasa byahe, alam ko na kung saan ito patungo.

Maging sa kampo ay iba na ang tingin sa akin ng aking mga kasama. Kahit pa sumasaludo pa din sa akin ang iba bilang respeto ay kita ko sa kanilang mga mata na nagdududa na din sila sa akin.

Idiniretso ako sa opisina ng lahat ng heneral ng militar. Sa gitna ay pinaupo nila ako at duon sinimulan ang mga tanong. Ilang kasama ko din ang nagdiin sa akin na kakampi ako ng mga rebelde at hinayaan kong makatakas sila. Muli ay hindi ako nagsalita, hindi ako umamin ngunit hindi din naman ako tumanggi.

"Hindi ka ba sasagot Captain herrer? Hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang iyong sarili?" Seryosong tanong sa akin ng heneral. Alam kong malaki anh tiwala niya sa akin, ramdam kong gusto niyang ipagtanggol ako, ngunit ako mismo ay hindi gustong ipagtanggol ang aking sarili.

Sa huli ay nakapagdesisyon na ang pamunuan ng militar. Hangga't nililitis pa ang aking kaso ay makukulong ako. "I'm so disappointed captain herrer" pare parehong sabi nila sa akin, ngunit wala silang nadinig na kahit ano mula sa akin.

Ang abogado ko na ang bahalang kumausap sa kanila. Mula sa kampo ay nilagyan na nila ako ng posas. Hindi kailanman naisip na mararanasan ko ito. Pinagtitinginan ako ng lahat ng sundalong nakakasalubong namin. Ang ilan ay nagawa pa ding sumaludo sa kabila ng aking kalagayan. Bahagya na lamang akong tumango sa mga ito.

Dumiretso kami kulungan, mula duon ay napapailing na lamang ang mga pulis na nakakita sa akin. Nagiwas ako ng tingin, sundalo ako at hindi kriminal.

"Sayang ka Captain, ang taas pa naman ng tingin namin sayo" sabi pa ng isa sa akin na nagbukas ng selda na papasukan ko.

Kita ko ang pagsiko sa kanya ng isang mukhang baguhang pulis. "Hindi pa napapatunayan na nagkasala si Captain" laban niya dito pagkatapos ay tumingin sa akin at tsaka ngumiti.

"Basta Captain, ikaw pa din po ang iniidolo ko" paninigurado pa niya sabay saludo. Hindi ko na napaigilang ngumiti sa kanya.

Ang aking mga kasama sa selda ay nakatingin lamang sa akin, hindi kagaya ng napapanuod sa telebisyon ay walang bubugbog sa akin dito. Umupo ako sa pinakasulok at duon nanahimik. Wala pa din akong maramdamang kahit ano sa ngayon, parang hindi pa din nagsisink in sa akin ang lahat ng mga nangyayari.

Parang wala na sa aking katawan ang aking puso. Dinala iyon ni Castellana kung nasaan man siya ngayon. Nang sumapit ang dilim ay muling lumapit sa akin ang baguhang pulis, inabutan ako nito ng isang kulay puting supot. "Siopao Captain, kain tayo" alok niya sa akin.

Hindi ko na siya nagawa pang tanggihan dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Buong akala ko ay aalis na siya ngunit nagulat ako ng umupo ito sa aking harapan, tangging ang selda na lamang ang humaharang sa aming dalawa.

"Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tyron Martinez po captain" masiglang pagpapakilala niya pa sa akin at tsaka niya inilusot ang kanyang kamay para makipagkamay sa akin.

Natawa na lamang ako at tsaka tinapik ang kanyang kamay. "Tadeo na lang" sabi ko pa.

Naiilang itong ngumit at tsaka binawi ang kanyang kamay sa akin. "Bakit lumalapit ka pa din sa akin? Hindi mo ba nabalitaan na pinagtaksilan ko ang bayan?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat ito. "Hindi po ako naniniwala na may kasalanan ka Captain, bago ako pumasok sa pagpupulis. Idol na talaga kita, tsaka nung nawala ka. Talagang tumulong ako sa paghahanap" pagbibida pa niya sa akin.

Napangisi ako. "Bakit mo naman ako idol? Mas madami namang sundalong mas magaling sa akin" muling tanong ko.

"Eh kasi po Captain, hindi lang po batas ang pinapairal niyo may kasamang puso. Yun naman po dapat talaga sa serbisyo, hindi laging kamay na bakal...ang tunay na sundalo at taga pagligtas ay may puso" paliwanag niya sa akin.

Hindi ko naiwasang mamangha sa baguhang ito. "Alam mo, malayo ang mararating mo sa serbisyo" paninigurado ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Talaga po? Sa totoo lang gusto ko ding pumasok sa pagsusundalo pagkatapos nito. Susundan ko talaga ang yapak mo Captain!" Excited na sabi pa niya sa akin na ikinangisi ko na lamang.

"Aasahan ko yan" panghahamon ko sa kanya na kaagad niyang tinanguan.

Nang lumalim ang gabi ay hindi pa din ako dinalaw ng antok. Nanatili akong nakatulala sa kung saan habang nakaupo sa may sulok. Tulog na ang lahat, ngunit may kakaiba pa din akong nararamdaman. Ilan sa mga kasama ko sa selda ay ramdam kong nakamasid sa akin. Hanggang ang tatlo sa kanila ay dahan dahang bumangon at tsaka lumapit sa akin.

Hindi ako natinag, nakatitig lamang ako sa kanila. Hanggang ang isa sa kanila ay naglabas ng patalim. "Pasencya na Captain, napagutusan lang" nakangising pagbabanta niya sa akin.

Itinutok niya sa aking tagiliran ang patalim. Pinilit nila akong dinala sa may likod selda kung nasaan ang palikuran. Duon ay malaya nila akong binugbog na tatlo. Ilang beses kong sinubukanh lumaban, ngunit pagod na ako pagod na ang aking katawan. Iniwan nila akong duguan at bugbog sarado, wala silang nadinig na kahit na ano mula sa akin. Kahit bugbog sarado ay walang imik akong bumalik sa aking pwesto na parang walang nangyari.

Nagulat ang tatlo at napailing. "Siraulo pala ito" nakangising sabi nila na hindi ko na lamang pinansin.

Kinain ako ng antok pagkatapos nuon, at nagising na lamang ng marinig ko ang boses ni tyron. "Captain..." pag gising niya sa akin.

Mula sa pagkakayuko ay tiningala ko siya. Gulat na gulat siya sa kanyang nakita. Nakita ko ang pamumuo ng kanyang galit, tumayo ito at tsaka mabilis na binuksan ang selda. "Sino sa inyo ang gumawa nito kay Captain!?" Galit na tanong niya sa mga ito.

Kanya kanyang paraan sa pagiwas ng tingin ang aking mga kasama. "Walang kakain hangga't walang nailalagay sa bartolina" pagbabanta niya sa mga ito.

Tinulungan niya akong makatayo. "May dalaw ka Captain" sabi niya sa akin.

Malayo pa lang ay nakita ko na ang umiiyak na si mommy. Sa kanyang likuran ay si daddy kasama si cairo at kenzo. Mas lalong naging emosyonal si mommy ng makita ang aking kalagayan, pinilit kong makapaglakad ng maayos para ipakita sa kanyang ayos lang ako at wala siyang dapat na ipagalala.

"Tadeo anak!" Umiiyak na salubong niya sa akin at tsaka mahigpit na yumakap.

"Bakit nangyari sayo ito? Hindi ka dapat nandito" patuloy na pagiyak pa niya.

"Shhh...Ma ayos lang po ako" pagpapatahan ko sa kanya.

Kaagad na nagusap usap sina daddy kasama ang aking mga kapatid sa kung paano ako mailalabas ng mabilis sa kulungan. Hindi nagtagal ay may dumating ding dalawang abogado para tulungan ako. Marami ding dalang pagkain si mommy na siya mismo ang nagluto para sa akin.

"Sinong may gawa sayo niyan? Pwede nating parusahan ang mga tarantadong yun" tanong ni Cairo sa akin.

Napangisi ako. "Ang mga iyan nabulag lang sa malaking halaga, pero ang totong nasa likod ng pambubugbog sa akin ay hindi ko pa kilala" paliwanag ko sa aking kapatid tukoy sa mga presong nautusang saktan ako.

Napailing na lamang si cairo, si kenzo naman ay inirapan na lamang ako. Inaasan ko nang hindi ko makikita si piero dito, masyado kasing allergic iyon sa mga pulis.

Ilang araw pa akong nagtagal sa kulungan bago ako tuluyang mapawalang sala. Kulang sa ibidensya at hindi tinanggap ng judge ang mga verbal na bintang laban sa akin. Isa sa mga tuwang tuwa sa aking pagkakalaya ay si Tyron.

"Sabi ko na talaga eh! Idol talaga kita Captain!" Pagbibida pa niya kaya naman napangisi ako.

Hinawakan ko ito sa kanyang balikat. "Galingan mo, hihintayin kita sa kampo" pagpapalakas ko ng kanyang loob.

Kaagad itong tumayo ng tuwid at tsaka sumaludo sa akin. "Opo Captain!"

Hindi na ako pinayagan ni mommy na sa aking condo manatili. Hindi siya tumigil hangga't hindi ako pumayag na umuwi na sa bahay.

"Tadeo anak, pwede ba akong pumasok?" Pagkatok nito ng sadyain niya ako sa aking kwarto.

Kaagad kong tinigilan ang aking ginagawa. "Opo mommy" sabi ko pa sa kanya.

Pagkapasok ay muli siyang dumiretso sa akin para yakapin ako. "Mahal na mahal kita tadeo..." emosyonal na sambit niya.

Ginantihan ko ng mahigpit ang kanyang yakap. "Mahal na mahal din kita mommy" sagot ko sa kanya.

Matagal na naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bago nila ako muling tiningala. "Ano bang nangyayari sayo anak? Hindi ka naman ganyan dati..." malungkot na tanong ni mommy sa akin.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" Pahabol na tanong pa niya sa akin.

Tipid akong napangisi. "Buhay pa ba talaga ako ma?" Tanong ko sa kanya kaya naman kumunot ang kanyang noo.

"What are you talking about?" Tanong niya sa akin.

"I'm dead inside ma, simula ng nawala sa akin si castel." Sabi ko sa kanya.

Tinitigan ako ni mommy. Kita kong naghehesitate si mommy sa kung anong sasabihin niya.

"You really love her?" Tanong niya sa akin.

Ito ang unang beses na magoopen ako sa kanya. "Yes mom, i really love her" paninigurado ko.

Nagiwas ito ng tingin. "Kahiy siya ang pumatay sa kapatid mo, sa bestfriend mo?" Mapanghamong tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Kahit na..." matapang na sagot ko pa din.

Kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. "I believe na, maiintindihan din tayo ni Sachi. Maiintindihan ka din niya..." emosyonal na sabi ni mommy.

Hinalikan ko ito sa kanyang ulo. "Maiintindihan niya ma, alam kong naiintindihan niya" paninigurado ko dito kaya naman mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Kahit pa hindi sabihin ni mommy, o kahit hindi niya ipakita alam kong hindi pa din niya buong buong natatanggap ang desisyon ko. Alam kong hindi pa din niya kayang tanggapin ang tungkol sa amin ni Castel. Ganuon pa man ay hindi ako nawawalan ng pagasa na darating ang araw na matatanggap din kami ni mommy ng buong buo.

Nagfile ako ng leave sa serbisyo matapos ang ilang linggo. Tinanggap iyon ng mga heneral dahil naiintindihan nila ang aking sitwasyon. Aalis ako kasama sina mommy at daddy patungo sa Spain. Maiiwan sina cairo at kenzo ngunit susunod din pagkalipas ng ilang buwan. Si piero naman ay nagmatigas na hindi siya sasama.

"Are you ready?" Nakangiting tanong ni mommy sa akin, ngayong araw ang lipad namin patungo sa spain.

Tumango ako. "Let's go" pagyaya ko pa mismo sa kanya.

Kami ni mommy ang magkasabay sa flight. Nauna na ang flight ni daddy an hour ago. Simula ng ipanganak kami ni mommy ay hindi na sila nagsabay sa pagsakay sa eroplano. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong rason nila para duon, pero sanay na kami sa ganuong set up.

"Kaya ikaw, pag nagasawa ka at nagkaanak kayo. Hindi na kayo pwedeng magkasama sa isang flight pag magtratravel" pagleleksyon nito sa akin ng hindi ko na naiwasan pang itanong kung bakit.

Now it make sense. If ever man daw na mag crash ang eroplano atleast hindi kayo sabay na mamamatay. May isang maiiwan para sa anak niyo.

(After 2 years)

Parang katumbas lamang ng isang isip ng hangin ang lumipas na dalawang taon. Naiwan ako sa balearic islands, spain para magpahinga sa lahat ng nangyari sa pilipinas. Simula ng nakarating ako ng spain 2 years ago ay hindi na ako muli pang nangahas na umuwi at bumalik sa pilipinas. Ilang beses akong tinawagan at pinilit na bumalik sa serbisyo, pero sa tuwing naiisip ko kung gaano kapayapa ang buhay sa spain ay ipinagsasawalang bahala ko na lamang ang mga iyon.

Dahil sa aking mga kakilala ay nagkaroon ako ng chance na maging part time detective sa isang agency. Ominia Veritas Detectives. I enjoy every case i solve, hindi din naman kasi nalalayo ang ginagawa ko sa pagiging sundalo ko nuon.

Matapos kong maresolve ang isang case ay nagtungo ako sa Hospital ciutadella para kuhanin ang autopsy report ng bagong biktima sa sumunod naming case.

"Bueno días detective herrer" nakangiting salubong sa akin ni Marianna.

Dr. Marianna Cortessi.

Kaagad itong lumapit sa akin at tsaka humalik sa aking pisngi. We became close friends dahil na din sa nature ng aming trabaho. Mas lalo kaming nagkasunod dahil magkaedad kami.

"The detective and the doctor" pangaasar sa amin ng ilan sa kanyang mga kasamahan. Madami ding pinoy na nagtratrabaho sa mga hospital sa spain kaya naman hindi na ako nabigla na halos nasanay na din ako duon.

Marianna reminds me so much of Castellana. Natural na kulot din ang buhok nito, ang pinagkaiba lamang ay itim na itim ang kay castel samantalang medyo brown naman ang kay Marianna.

"Lunch break mo na?" Tanong ko sa kanya nang makuha ko na ang result na kailangan ko.

Tumango tango ito habang isinusukbit ang kanyang stethoscope sa kanyang leeg. "Yup, pero may baon ako eh" sagot niya sa akin.

Napanguso ako. "Sayang treat ko pa naman" nakangising pangaasar ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "I made lunch for two, alam ko kasing darating ka" nakangiting sabi niya sa akin na may kasama pang kindat. Napatawa na lamang ako dahil dito.

Sa may rooftop garden ng hospital kami kumaim kung saan maraming bench, exclusive lamang iyon para sa mga hospital staff na gustong magpahinga o kumain.

"Mabubusog nanaman ako neto" nakangising sabi ko habang inaayos niya ang aming pagkain. She is a great cook.

Ngiting ngiti ito habang pinapanuod akong sumubo. "Ano masarap?" Excited na tanong niya.

Napanguso ako. "Kailan ka ba nagluto ng hindi masarap?" Pangaasar ko sa kanya kaya naman napairap siya.

We became friends, super close friends. "Sasama ka ba mamaya sa party?" Tanong nito sa akin. Isa kasi sa aming kaibigan ang may birthday at pareho kaming iniimbita.

"Can't make it, darating kasi yung kapatid ko. Susunduin ko siya sa airport. He'll stay in my place for a couple of days" paliwanag ko sa kanya kaya naman nakita ko ang bahagyang pagbagsak ng kanyang balikat.

Across the table ay inabot ko ang kanyang pisngi para pisilin ito. "Wag ka ng malungkot, ihahatid kita duon ako din ang susundo sayo" paninigurado ko pa sa kanya kaya naman tipid itong ngumiti.

Nang matapos ang lunch break ni Marianna ay umalis na din ako. Dumiretso ako sa may agency para ipasa ang mga files bago ako nagtungo sa airport para sunduin si Cairo.

"Bro!' Pagtawag ko dito pagkalabas niya ng airport. Kaagad siyang napangiti ng makita ako.

"How was the flight?" Panguusisa ko sa kanya hang ipinasok sa aking sasakyan ang mga dala niyabg bagahe.

"Pagod" tipid na sagot niya sa akin.

Nakapikit ito buong byahe namin pabalik sa aking tinutuluyan. Hinayaan ko na lamang siya dahil mukhang napagod nga talaga ito sa byahe. Matapos ang ilang minutong pananahimik ay nagsalita na din ito.

"Mukhang hiyang na hiyang ka na dito ah" pangaasar niya sa akin.

"Hindi naman, i missed home" sagot ko.

Napangisi ito at nagtaas ng kilay. "Sabi ni mommy may girlfriend ka na daw na doctor dito. What's her name again...marianna?" Patuloy na pangaasar pa niya sa akin.

Napailing ako habang natatawa tawa. "Kaibigan ko lang si Marianna" sagot ko.

"Mommy likes her, panay ang kwento niya sa amin last month pagkauwi niya galing dito. Ano pang hinihintay mo, ligawan mo na" panguudyok niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita, nginitian ko lamang siya. "She's a good catch, same age din kayo and pareho na kayong stable"

Hindi pa din ako sumagot. "Hindi mo ba siya gusto?" Panguusisa pa niya sa akin.

"I like her...i like her a lot" sagot ko dito.

Napasuntok pa si Cairo sa aking braso. "Ayun naman pala, go for it na bro" pagtutulak pa niya sa akin.

Napailing ako. "Hindi naman ako magtatagal dito, uuwi ako sa pilipinas"

"And then?" Patuloy na panguusisa niya.

"Uuwi ako sa pilipinas, aalis ako sa serbisyo..." sabi ko pa.

"Titigil ka na sa pagsusundalo?" Gulat na tanong niya sa akin.

Tumango tango ako. "Cause i want to settle" seryosong sagot ko sa kanya.

"With marianna?"

"No"

"Eh sino?"

"Someone in Italy...pupunta ako ng italy. Susunduin ko na yung asawa ko" sabi ko pa na nagpatameme kay cairo.

"May asawa ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Si marianna?" Tanong nanaman niya muli sa akin. Natawa na lamang ako dahil sa pilit nitong ipinasok si Marianna sa usapan.

"Si Castellana..."
















(Maria_CarCat)


Continue Reading

You'll Also Like

429K 6.2K 24
Dice and Madisson
98.1K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.5M 62.2K 38
Conrad Series 2: THE PREACHER ☽❃☾ Mavis Amvaho D. Naligo is a twenty-three-year-old woman who works as an embalmer in the funeral industry...
21M 516K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]