Just If (What If It's Love, P...

Da SiMarcoJoseAko

19.8M 401K 38.5K

Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3 Altro

Bachelor Stories Series 3: Just If
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Author's Note

Epilogue

648K 12.4K 1.2K
Da SiMarcoJoseAko

EPILOGUE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Axcel habang pauwi kami sa bahay namin. Agad akong napasimangot dahil simula kanina, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ngumiti na siyang kinaiinis ko.

"Ano ba! Kanina ka pa ngiti ng ngiti diyan! Naiinis na ako sa'yo, Axcel." Nakasimangot kong sabi sa kanya.

"Bakit ba? Bawal na bang ngumiti, Misis?" Ani niya at saglit akong tinapunan ng tingin habang nakangiti.

"Kanina ka pa kaya ngiti ng ngiti!" Reklamo ko sa kanya. Hinawakan niya lang ang kamay ko at pinisil iyon. Nasa kalsada pa rin ang atensyon niya.

"Nakadali ako eh, magagawa mo?" Nakangisi niyang sabi. Iyon ang dahilan kung bakit siya ngiti ng ngiti ngayon. I'm pregnant again, two months. Kagagaling lang namin sa OB ko para alamin kung buntis nga ba ako at kanina lang namin nakumpirma ang pagdadalang tao ko. Muli akong napasimangot sa kanya. Ewan ko ba, siya ata itong napaglilihian ko ngayon. Dati naman, gustong-gusto ko iyong amoy niya. Tipong pati kili-kili niya ay inaamoy ko kasi hindi naman siya mabaho. Pero ngayon, mukha pa lang niya, iritang-irita na ako.

"H'wag ka ng sumimangot diyan, hindi na ako ngingiti." Sabi niya sa akin. Inismiran ko naman siya.

"Ewan ko sa'yo." Sagot ko naman sa kanya. Nilingon ko naman sa rear view mirror ang anak ko na mahimbing na natutulog sa may likod. Kagagaling niya lang kasi sa soccer practice niya kaya marahil agad na nakatulog sa pagod. He's already five years old and I really hate Axcel genes dahil kamukhang-kamukha niya ito. Kung may nakuha man ito sa akin, mata lang. Kaugali niya rin si Axcel, masungit sa ibang tao na hindi niya kilala pero katulad ni Axcel, malambing din ang panganay namin.

"Nilalambing na nga, ayaw pa." Rinig kong bulong niya habang nakasimangot. Gusto ko namang matawa sa itsura niya. Para siyang batang nagtatampo dahil hindi siya nabilhan ng candy. Humarap naman ako sa kanya at ningitian ang asawa ko.

I have been married to this man for almost six years and I never regret every day I am with him. He taught me what is the real meaning of love. Yes, we have been trough a lot. Hindi naman pupwedeng lagi lang kaming masaya, dumaan din kami sa mga away na normal na sa isang mag-asawa. Marami kaming bagay na pinagtalunan pero lahat ng iyon ay nalagpasan namin dahil lagi kong tinatandaan na mahal na mahal ko siya.

I remembered when he found out that I am pregnant with Alexis, our first child. His face was really priceless that time. He jumped and kept shouting outside our house, telling that he will be a father soon. Akala ko sa mga palabas ko lang iyon mapapanood, hindi pala. Pati rin pala sa totoong buhay pwedeng mangyari iyon.

"Eyes on the road, Mister." Suway ko sa kanya ng tignan niya ako ng matagal.

"Okay, Misis." Nakangiti niyang sagot sa akin. I always asked myself, bakit ko nga ba minahal si Axcel? Paano ko nga ba nagawang mahalin ang isang Montemayor? Oo, alam kong mahirap silang mahalin. Pero mayroong kakaiba kapag minahal mo sila. Iba silang mahalin, hindi basta-basta.

"Ang guwapo mo talaga." Hindi ko napigilang masabi sa kanya. He looks so matured right now. Mayroon siyang balbas at bigote na bagay na bagay sa kanya dahil sa mestizo siya. Iba na ang dating Axcel ngayon pero hindi pa rin nawawala ang pagiging isip bata niya minsan.

"I guess we will be having a baby boy again. Pero hayaan mo, kung sakaling lalaki ulit. Sa susunod, babae naman." Nakangisi niyang sabi. Napasimangot naman ako sa sinabi niya at mahinang hinampas ang braso niya. Humalakhak lamang siya.

"Wala ng susunod, Montemayor!" Saad ko sa kanya. Nawala naman iyong ngiti sa labi niya sa sinabi kong iyon.

"Ano'ng wala na? Susundan pa natin 'yan!" Mariin niyang giit. Napahalakhak naman ako sa inasta niya. Para talagang bata.

"Paano kung ayoko?" Nakataas ang kilay kong tanong. Ngumisi naman siya sa sinabi kong iyon.

"Try to resist my charms, Misis. Sa pagkakatanda ko, noong nakaraan lang parang pinipilit mo ako ah." Natatawa niyang sabi. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko sa sinabi niyang iyon. Bakit niya pa pinaalala!

"Oh ano? Natigilan ka ngayon?" May ngisi pa rin sa labi niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo, Montemayor. Bahala ka diyan." Naiinis kong sabi at tsaka ko ibinaling ang tingin ko sa labas. Pumasok naman ang kotse niya sa isang pribadong village at maya-maya pa'y tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng gate namin. Sumenyas lang siya at agad din binuksan ng gwardya ang gate. Tumuloy-tuloy siya hanggang sa makapasok kami sa loob. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at pareho kaming bumaba. Binuksan naman niya ang pinto sa likod upang gisingin ang anak namin.

"Little boy, we're here." Malumanay na sabi ni Axcel habang ginigising ang anak namin. Wala sa sarili naman akong napangiti dahil sa nakikita ko ngayon. Agad din namang nagising si Alexis at binuhat siya ni Axcel at tsaka isinarado ang sasakyan. Iniyakap lamang nito ang maliliit na braso sa leeg ng ama at muling humilig sa balikat ni Axcel.

"Patulugin mo muna sa itaas 'yan at pagod na pagod 'yan. Magluluto lang ako." Sabi ko kay Axcel. Tumango naman siya at pumasok din kami sa loob. Narinig ko pang kinausap ni Axcel ang anak naming dalawa habang papaakyat sa itaas. Wala kaming katulong dahil mas gusto kong ako mismo ang nag-aasikaso sa mag-ama ko. Kahit pa gusto na ni Axcel na pagpahingahin na lang ako, gusto ko pa rin silang pagsilbihan. Mayroon lang kaming tigalinis at tigalaba na tuwing sabado lang pumupunta. Nagtatrabaho rin ako sa kompanya namin, pero nag-resign din ako ng pilitin ako ni Axcel na sa bahay na lang ako tumigil. Sa una pinag-awayan namin, pero napilit niya rin ako dahil gusto ko rin silang pagsilbihan at makasama ng mas matagal.

Dumiretso ako sa kusina bitbit ang mga pinamili namin kanina. Hindi madali ang mag-buntis dahil hindi ako makakilos ng maayos pero kaya ko pa namang magluto at maglinis ng bahay. Alas onse y medya na at panigurado akong gustom na ang mag-ama ko. Kasalukuyang nagluluto ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko na kailangang tanungin iyon dahil sa amoy pa lang ay paniguradong si Axcel na iyon. Agad ko siyang nilingon at biglang namula ang mukha ko ng makita kong boxer briefs lang ang tanging suot niya. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinuon ko ang pansin sa niluluto ko. Pero muli lamang siyang yumakap sa akin at naramdaman ko na naman ang init ng katawan niya. Damn this pregnancy hormones!

"Ang prude mo. Ilang beses na tayong nag-sex, naiilang ka pa rin?" Sabi niya at panigurado akong nakangiti siya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon pero hinagkan niya lang ako sa pisngi at marahang hinawakan ang tiyan ko.

"I made you pregnant again." Bulong niya sa tenga ko. Tinakpan ko ang niluluto ko at hininaan ang apoy bago humarap sa kanya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa may leeg niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng dumapo ang mga mata ko sa katawan niya lalong lalo na sa may nipples niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya muling napadako ang mga mata ko sa kanya. Nakangiti siya at ganoon din ang mga mata niya. Alam ko sa sarili kong masayang masaya siya at ganoon din ako.

Biglang bumaba ang mukha niya sa akin at agad akong siniil ng halik. Walang pag-aalinlangan kong ginantihan ang mga halik niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng paligid ko pati na rin ng katawan ko. Bumaba ang mga kamay niya sa may pang-upo ko at marahan iyong pinisil.

Umungol ako sa bibig niya at doon siya nagkaroon ng pagkakataon na mas lalo pa akong angkinin. Lumalim ang halik niya sa akin at alam kong hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. I knew this, he's grabbing the opportunity because I'm pregnant.

"A—Axcel, 'yong niluluto ko." Mahina kong sabi sa kanya ng bumaba ang mga labi niya sa may leeg ko. Hindi siya sumagot at narinig ko na lang ang biglang pagpatay ng kalan. Muli niya akong siniil ng halik at naramdaman ko na bigla niya akong iniangat. Nagawa niya akong iupo sa kitchen counter. Ipinulupot niya ang mga binti ko sa bewang niya at wala akong nagawa kung hindi ang yakapin lang siya ng mahigpit. Pilit na nagpoprotesta ang isipan ko, pero ang katawan ko ay hindi sumasang-ayon sa naiisip ko. Hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko at sa tingin ko ay ganoon din siya. Natatakot ako na baka bigla na lamang magising ang anak ko at makita kami sa ganoong akto.

"A—Axcel, baka magising si Alexis. Nasa itaas lang siya at baka maabutan niya tayong—" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko at muli akong hinagkan. Parang awtomatiko namang gumanti ng halik ang sarili kong mga labi. Damn, I really can't resist this man!

Naramdaman ko ang kanan niyang kamay na pumapasok sa t-shirt kong suot at nagawa niyang hawakan ang dibdib ko. I groaned because of the pleasure he is giving to me.

"A—Axcel, baka makita tayo ni Alexis." Nagawa kong sabihin ng muling bumaba ang halik niya sa leeg ko at sa may dibdib ko. Nakayakap lang ang mga braso ko sa leeg niya.

"He's sleeping, hindi iyon magigising." Saad niya at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

"A—Axcel, s—stop it." Nahihirapan kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang tumigil at tumingin sa akin, direkta sa mga mata ko.

"Do you want me to stop, sweetheart?" May pilyong ngiti sa labi niyang sabi. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. I really don't want him to stop.

"Tell me, do you really want me to stop?" Ulit niya pa. Tumingin ako sa mga mata niya at dahan-dahang umiling. Mas lalo lamang siyang ngumiti sa sagot kong iyon.

"Good sweetheart, because I won't let you to make me stop." Sabi niya at tsaka ako binuhat papaakyat sa kwarto namin upang ituloy ang ginagawa naming dalawa.

Forever is long period of time but I wouldn't mind spending it with the person I love.

THE END


Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

139K 856 9
For those Filipino readers who want to read stories that are included in Wattpad Paid Stories program, but don't know how to, here's a tutorial. Now...
101K 1.9K 11
"Wala akong ibang pinangarap kundi ang mahalin mo lang. Muntik na akong sumuko. But my heart would always tell me to hold on, to keep on loving you...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...