The Billionaire's Adopted

By leexhian

323K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... More

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
15 The Condition
16 Her New Home
17 Problem? Solve!
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
23 Struggle at School
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
32 The Calm Before The Storm
33 The First Impression
34 Lies and Explanation
35 The Touch
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
50 Twinkle Night
51 Boring

36 The Mama

3.3K 143 30
By leexhian

[ALANA]

Setting: Roman's House

Araw ng Sabado. Siya lang ang naiwan sa bahay dahil kailangan ni Roman na pumunta ng opisina kaya, heto siya lang mag-isa at nagaaral para sa darating na pagsusulit.

Natigil siya sa pagsusulat ng may narinig siyang ingay sa labas. Sumilip siya sa bintana. Nakita niyang may lalaking nagbukas ng gate sabay pasok ng kulay puting sasakyan. Si Roman ba ang dumating? Pero, hindi naman ganyan ang hitsura ng kotse nito. Kung hindi si Roman, sino ang nandirito ngayon? Twagan kaya niya ito baka may nakalimutan ihabilin sa kanya bago ito umalis.

Kukunin na sana niya ang kanyang cellphone ng bumukas ang pintuan ng sasakyan. Napabilog ang kanyang mga mata sa nakita niya. Hindi pala ito ordinaryong bisita at hindi si Roman ang dumating, kundi ang ina nito!

Ang ina pala ni Roman ang dumating at siya lang magisa dito sa bahay! Alam ba ito ni Roman na bibisita ang ina nito? Ano na gagawin niya ngayon? Hindi siya handa!

Dali-dali inayos ang kanyang buhok at damit bago pagbuksan ito ng pinto pero huli na. Napatalon siya ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang malapad na ngiti nito.

"Roman, you're Mama is here!" masayang bati nito. "Can I stay here for a while? I was planning to cook you—oh, it's you."

Nagiba agad ang hitsura nito ng makita siya. Binati niya ito. "Ma-magandang umaga po sa inyo."

"Si Roman, nasaan?"

"Um, nasa trabaho po. May aasiksuhin lang po sandali sa opisina pero babalik naman daw po siya agad."

"Ganoon ba? Well, kung sandali lang naman pala, I'll just continue what I want to do here."

"Po?" May dalai tong dalawang malalaking paperbag. Agad itong inabot sa kanya para muntikan na siyang mawalan ng balanse dahil sa bigat. May mga gulay, karne at iba't ibang klase ng sahog. Teka, kaya ba nandito ito ngayon para magluto?

Sinundan niya ito habang dala-dala ang pinamili nito. Tumagal sandali ang kalbaryo niya na sa pagaakala niya na tutungo ito sa kusina, sinuyod pa pala nito ang sulok ng bahay. Mula sa sala hanggang sa likod ng bahay. May hinahanap ba ito? Si Roman ba? Pero, sinabi na niya na nasa trabaho.

"Hmm... malinis naman. Unlike before..." mahinang sabi nito.

Ah, tintignan lang pala nito kung malinis ba ang bahay. Hindi dapat ito magalala. Kahit nagaaral siya, hindi naman niya pinapabayaan ang bahay ni Roman.

Sumunod ulit siya rito hanggang sa kusina. Habang kinakalkal nito ang mga aparador, inilapag naman niya sa lababo ang mga dala nito. Lihim lamang siya napabuntong hininga. Kanina pa kasi siya hindi pinapansin nito. Hindi naman siya manhid na 'di niya nararamdaman ang pangbabalewala nito sa kanya. Pero, kailangan niyang intindihin ito. Malaki ang respeto niya sa mga matatanda lalo na ina ito ni Roman.

"Magluluto po ba kayo?" tanong niya baka sakaling sagotin siya nito.

"Yes. Kaya nga marami akong dala."

Sinagot siya pero pabalang nga lang. "Ah, si-sige po. Maiwan ko na lang po kayo. 'Pag may kailangan niyo ng tulong, tawagan niyo lang po ako." Bumalik siya sa dining room para mag-aral ulit. Mas mabuting hindi niya iistorbohin ito. Siguro magaling itong magluto at kaya ito nandito para ipagluto si Roman. 'Pag hindi pa ako aalis baka makukulitan lang 'yun sa kanya.

Ilang minutong nakalipas at focus lamang siya sa kayang pagaaral, biglang dumagundong ang malakas na tili at kalabog sa kusina. Sa sobrang gulat niya, agad siyang napatakbo papunta doon at nakita niyang 'di ito magkamayaw sa pagpapaypay ng apoy. Hindi ito nagluluto, literal na nasusunog ang kusina!

Unti-unting lumalaki ang apoy kaya agad niyang nilapitan ito at inagaw ang pamaypay. "Huwag po! Mas lalo lang po lalakas ang apoy!"

"No! Kaya ko 'to!"

Inilayo niya ito para hindi ito abotan ng apoy. "Diyan lang po ako!" ininspeksyon niya at agad niyang nakita sa likuran ng stove nanggagaling ang malakas na buga ng apoy. Mukhang tama ang hinala niya. Natanggal ang gas hose sa stove kaya sumingaw at umapoy.

"Ano ka bang bata ka! Get away from there! Don't do anything. Tatawag ako ng bombero!"

Dinig niyang sigaw nito pero hindi siya nakinig. Lakas loob niyang kinuha ang hose at simpleng tinakpan gamit ang kanyang hinlalaki.

Hindi ito makapaniwala at napatulala sa nakita. "Ho-how did you—"

Isinarado niya agad ang gasol. Sa wakas, tapos na ang kalbaryo nila. Buti na lang agad naagapan kundi tusta na ang aabutin ni Roman sa bahay bahay niya.

"Sa-sandali, that's it?! Wala na? How did you do that?!"

"Naalala ko po kasi ang turto ng mga bomber sa baryo namin 'pag ganito po ang mangyayari kaya buti na lang talaga natatandaan ko pa." Inayos niya ng mabuti ang pagkakasaksak para makapagpatuloy na ito sa pagluluto.

"'Yan. Sinikipan ko pong mabuti kaya pwede nap o kayong bumalik—"

"No! Ayoko na. Baka anon a naman ang mangyati d'yan." Napaupo ito at napabuntong hininga. "How should I continue this? Gusto ko lang naman ipagluto ang anak ko. Recently, sa bawat pagkikita namin kasama ng Papa niya, palagi na lang kami may 'di pagkakaintindihan. That's why I'm planning to cook his favorite food today as an apology. Now, it's ruined!"

Naawa siya rito. Kaya pala nandito ito para bumawi man lang kay Roman. Ayaw nitong may lamat ang relasyon sa anak kaya ginagawa nito ang lahat para magkasundo ulit silang magiina. Walang duda, sa labas nitong anyo na may pagka-strikta at sopistikada, isa pala itong malambot at ulirang ina.

"I can't do this anymore after sa nangyari baka wala ng bahay na uuwian ang anak ko."

"Pero, sayang naman po kung hindi makakain ni Rom—Daddy ang iluluto ninyo."

"Maybe I can order take-out foods na lang. Next time ko na lang siya ipagluluto."

Meron siyang naisip na ideya. "Kung ayaw niyo pong gumamit ng stove, meron naman tayong magagamit.. Kung papayag po kayong tulungan ko kayong maghanda."

"What is it?"

Kinuha niya ang mga dala nito ay inilagay sa malaking basket pati na ang mga kakailanganin niya.

"What are you doing?" nagtataka ito habang tinitignan siya.

"Basta po. Halina po kayo."

Ilang segundong paghihintay ay tumayo na ito. Napangiti siya. Buti naman hindi ito umangal. Kung ayaw nito maglubo sa loob ng bahay, edi dadalhin natin sa labas!

"What are we doing here?" tanong nito habang inilapag niya sa bangko ang mga dala niya. Kinuha niya ang mga naitago pa niyang mga kahoy at uling at nagumpisang gumawa ng apoy.

"You mean here? Dito ako magluluto?"

"Opo. Kung ayaw niyo pos a loob, eh dito na lang po kayo magluluto. Huwag po kayong magalala, ako na po ang maghahanda—"

"How am I supposed to do that in here? I don't know how to cook using "that"! This isn't an outdoor picnic!"

Hay nako. Heto na naman ang mga salita ng mga mayayaman. "Kung nahihirapan man ho kayo, nandito naman po ako para tumulong."

"Really? How? I shouldn't be planning this kung ganito lang pala ang mangyayari. No need for this. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain sa restaurant."

Kinuha nito ang cellphone. Bago pa man ito makatawag, nilapitan niya ito, kinuha ang cellphone at inilapag sa tabi. Natulala ito sa kanyang ginawa pero may rason bakit niya ito ginawa.

"Ayoko lang po kasi kayong mawalan ng pagasa dahil lang sa disgrasyang nangyari sa kusina. 'Di ba po kaya kayo nandito ay para ipagluto si Daddy? Dahil gusto ninyo siya mapasaya at humingi ng kapatawaran? Huwag niyo po sanang sayangin ang pagkakataon na iparamdam sa kanya na may ina siyang palaging nagaalala sa kanya. Gusto ko rin po kayong makitang masaya na ipinaghanda niyo si Daddy ng paborito niyang pagkain habang masayang naguusap.

Alam kop o na iba ang tingin niyo sa akin pero sana, pakinggan po ninyo ang request ko. Alam ko din po na tutol kayo sa desisyon ni Daddy na maging parte ako ng pamilya ninyo pero, sana po isasantabi po muna niyo 'yan at isipin si Daddy. Nakakalungkot po kasi na may nakikita akong pamilya na nag-aaway."

"I—uh..."

"Subukan lang ho natin ng paunti-unti hanggang sa matutunan po ninyo." Kinuha niya ang isang carrot at iniabot rito. "Okay lang po ba?"



To Be Continued...

A/N: Umaarangkada na! Whoo! Ano kaya ang magiging reaksyon ni Roman pagkauwi nito sa bahay. Hindi ko din alam, eh! Charot.


If you like the story, kindly leave a VOTE and COMMENT with your thoughts. I'll be glad to read it one by one.

Don't forget to FOLLOW my Wattpad Account for instant notifications of new updates and new stories.


see you in the next chapter! CHUAMNIDAH!!! -L.X.

Continue Reading

You'll Also Like

158K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
493K 11K 38
Elysian Corrins (1) In an ocean crowd where everyone waiting for the King to choose them as his Queen, there this woman who stand out and for the ver...
731K 17.3K 77
"Just let us have the baby, sed..." Pagmamakaawa ko. "Ayokong may kahati sa atensyon mo." He seriously said. "Nababaliw kana." Hindi makapaniwalang...