The Billionaire's Adopted

By leexhian

322K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... More

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
15 The Condition
16 Her New Home
17 Problem? Solve!
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
23 Struggle at School
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
32 The Calm Before The Storm
33 The First Impression
35 The Touch
36 The Mama
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
50 Twinkle Night
51 Boring

34 Lies and Explanation

4K 173 25
By leexhian

[ROMAN]

"Nandito na tayo. Pinakilala na niya sa atin ang inampon niya may magagawa pa ba tayo? Alam mo naman na matigas ang ulo niyan." Awat ng kanyang ama. Wala pang sampung minuto ganito na kabigat ang atmosphere sa kanilang apat.

He asked kung saan ba niya nakilala si Alana. Gusto man niyang sabihin sa kanila ang totoo, mas minabuti na lamang niyang magsinungaling kung saan nanggaling si Alana. Alam ng kanyang mga magulang ang tungkol sa eskandalong ginawa ng isa sa kanyang mga empleyado at kapag nalaman ng mga ito na ang empleyado na 'yun ay ang ama ni Alana, paniguradong gagawin nito ang lahat para maalis si Alana sa kanilang landas.

He saw Alana's reaksyon sa sagot niya pero he had no choice but to lie. Ipapaliwanag niya ito paguwi. Buti na lang hindi kumikibo ito at busy lang sa pagkain. Right now, kailangan niyang ipakita sa kanyang mga magulang na tama ang kanyang desisyon. Hindi niya alam kailan niyang itatago ang katotohanan pero sa ngayon, ito muna ang focus niya na tanggapin ng kanyang mga magulang si Alana. They insisted him to have a family well he made it happened pero alam niya hindi ito ang inaasahan ng kanyang magulang sa kanya.

"This is your entire fault! Ang bibig mo kasi kung anong pinagsasabi."

"Ma, Pa, please don't be so hard on this."

"Hard on you? Kami ng Papa mo ang nahihirapan dito. Your Dad was right. May magagawa pa ba kami?"

"So, you're okay sa desisyon ko? Na tanggap niyo na si—"

"Not so fast, Mister. Ano sa tingin mo ba kami ng Papa mo agad-agad tatanggapin itong... pag-aampon mo ng 'di mo kami sinabihan? Hindi pa namin ito matatanggap, Roman. Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa atin lalong-lalo sa mga press? Malaking eskandalo itong ginawa mo sa pamilya natin hindi mo ba 'yan naisip?"

"Ma, alam ko anong pinasukan ko. If you just let me do what I decided to do, sa tingin ko wala naman akong ginawang masama dito. Desisyon ko pa rin ang masusunod and I'm not a teenager or a kid anymore. Pwede pa siguro ninyo pagkaabalahan si Dylan siya naman ang bunso."

"Huwag mo ngang isali ang kapatid mo dito. Sa tingin ko mukhang si Dylan pa ang mature sa inyong dalawa. Hindi niya magagawa ng ganitong bagay na makasisira sa pangalan natin. Buti nga ikakasal na siya hindi gaya mo na panganay ka hanggang ngayon wala pa rin pamilya and maintinidihan ka? Ever since you announced that adoption, gulong-gulo na kami ng Papa mo. Kung bakit pa naman kasi nag-asawa ka na lang ng maaga hindi na hahantong sa ganito."

"Ma naman, You forced me into something na ayoko at hindi pa ako handa. Ngayon na nag-ampon ako hindi pa rin kayo masaya. I'm starting to building my own family by helping her. Pasasaan ba't ang pag-aasawa at bumuo ng sariling kong pamilya ay mangyayari pero hindi pa sa ngayon. Hindi ako magsasalita ng tapos dahil gagawin ko din naman ang gusto ninyo."

"Pero kailan nga?! Sana 'yun na lang ang inisip mo hindi ang ganitoo—"

"For the sake of the food could you please stop this argument. Kumain na lang tayo."

"Fine."

"Let's get through with this. Pumayag kami ng Mama mo na makilala siya." Sabi ng kanyang Papa at tintutukoy niya ay si Alana. "Hangga't 'di pa kami pagod, mawalan ng gana at gusto ng umuwi, might as well ipakilala mo siya sa amin. Who is she, where is she come from, anong background niya, ba't siya napunta dito at kung ano pa man and lastly, are sure hindi ka mapapahamak ng batang ito?"

" Everything is fine Pa and I'm sure walang magiging problema. Um, her name is Alana. Galing siya sa malayong probinsya. As I've said earlier, her mom passed away recently. She doesn't know anybody even her relatives. Um... so may lumapit kay Howard para humingi ng tulong. He didn't know what to do so, he recommended her to me. It's quite tragic to think na siya na lang mag-isa. You know what, Pa? I just realized that you're advice is a...good idea. Dahil sa stado ng kanyang buhay and you wanted me to have a family agad-agad so took the chance to adopted her."

"Oh my god... This is ridiculous." Iling sabi ng kanyang ina.

They can sighed and say anything they wanted, wala na silang magagawa pa. Patuloy niya. "She's a fine girl. Actually, she wanted to finish schooling and wanted to be like me. Can you believe that? Kung mate-train ko siya ng mabuti sa business world, mas lalago pa lalo ang kompanya natin. Maasahan din siya sa bahay. She can cook, she knows how to clean a house, to do laundry. Masipag din siya mag-aral."

"Really? Iyan lang ba ang nakita mo? How about her manners?"

"What do you mean?"

Nilingon ng dalawa si Alana. Pagkatingin niya rito, napatulala na lang siya kung anong ginagawa ni Alana lalo na sa pagkain. Oh no...

[ALANA]

Habang abala si Roman at ang mga magulang nito sa paguusap, nililibang naman niya ang kanyang sarili sa mga nakakatakam na mga pagkain na nakalapag sa kanyang harapan. Ang dami at mukhang ang sasarap! Ang iba natikman na niya at hindi siya nadismaya, masasarap pala ang mga pagkaing pang-mayaman!

Hindi niya mapigilang mapasubo at mapakain ng marami. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakatikim ng ganitong pagkain. Bago man sa panlasa niya, ang sarap naman. Pakiramdam din niyang gutom na gutom siya. Dahil siguro hindi siya mapakali kahapon, hindi makatulog ng maayos at walang ganang kumain kaya bumabawi ang kanyang katawan. Sana sa susunod makakain ulit siya ng ganitong pagkain.

Pabalik-balik din ang waiter na may dalang mga bagong putahe. Pinagmasdan niya si Roman na wala pa rin humpay sa paguusap sa mga magulang nito. Mukhang ang bigat-bigat ng paguusap nila kaya 'di nila napapansin na dumadami na ang mga pagkain sa hapag. Pero sige na lang kesa iistorbohin pa niya ito baka makakaistorbo pa siya.

Hindi kalayuan, may nakita siyang isang pagkain na kilalang-kilala niya. Spaghetti. Isa sa pinakapaborito niyang pagkain kapag may handa kina Aling Martha pero ang pagkakaiba lamang ay ang kulay. Puti ang sarsa nito at kung ano-ano pang nakalagay sa ibabaw. Natatakam siya kaya palihim niyang kinuha ito at naglagay sa kanyang plato. Pagkasubo pa lang niya ay hindi niya inakala na masarap pala kaya sunod-sunod ang kanyang pagkain. Mukhang ito na ang bago niyang paboritong pagkain ngayon. Sa dali-dali niyang pagsubo, tumalsik ang iilang noodles sa kanyang damit. Kinuha niya gamit ang kanyang kamay at agad na sinubo tiyaka bumalik ulit sa pagkain.

Habang takam na takam siya sa pagkain, nakaramdam siya na may nakatingin sa kanya. Iyon pala ay nakatingin sa kanya si Roman pati na ang mga magulang nito. Bigla siyang nahiya at dahan-dahan nilapag ang hawak niyang tinidor. Iba kasi ang tingin nito sa kanya bakit kaya?

"I-It's okay." Sabi ni Roman. Kumuha ito ng tissue at ipinahid sa kanyang labi at kamay. "Masyado lang nasarapan si Alana sa pagkain. She appreciates the food so much 'diba Alana?"

"Huh?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi kasi siya nakikinig sa pinaguusapan nila kaya 'di niya alam anong isasagot niya.

"Hay nako! If you want us to accept her as...as part of this family, make sure she presented herself properly. How to walk, to talk, know how to act in the food table and proper etiquette. Sa nakikita ko parang hindi alam ng batang 'yan papaano kumilos ng mabuti sa ibang tao."

"It can be fix Ma, so you don't have to worry. Malaki na rin naman ito si Alana at madali lang siyang turuan."

"Dapat lang. Habang bata pa dapat sinasanay na 'yan. Anon a lang ang sasabihin ng ibang tao lalo na mga kumpare at kumara namin ng Papa mo? They think kung saang lupalop o liblib na isla mo kinuha 'yan."

"I will make sure she can someone na gusto ninyo."

"By the way, how old is she and what grade na siya sa school?" tanong ng Papa nito.

"Um, she recently celebrated her birthday. She just turned eighteen and she's in grade nine."

Napauwan ang mga bibig ng mga magulang nito. "Wha-what did you say? She's eighteen?!"

"Yes—"

"Wait a minute, nag-ampon ka ng isang dise-otso anyos? I thought she was just thirteen or fourteen?!"

"I cannot believe this, Roman. You adopted a full-grown woman."

"Ma, Pa, wala po 'yan sa edad. Dahil sa pursigidong makamit ni Alana na makapagtapos kaya pumayag ako ampunin siya."

"Roman—"

"It's my decision to do this, Ma. Kaya please, kung ipu-push niyo pa rin ang gusto ninyo it will not happened at hindi po akong papayag na sirain ninyo ang mga plano ko."

"Fine, but we're not done talking about this. Hindi pa tayo tapos." Tinig na banta ng ina nito.

[ALANA]

Sa wakas, natapos na rin. Naunang umuwi ang mga magulang ni Roman. Dala-dala ang mga pagkaing binalot para sa kanya, naglakad sila papunta sa sasakyan. Binuksan ni Roman ang pinto ng may gusto siyang itanong rito.

"Roman, ayaw ba ng mga magulang mo sa akin?"

"Ba't mo naman nasabi 'yan? Of... of course not." Sagot nito.

"Kitang-kita sa mukha at tono nila na gulat na gulat sila na makilala ako. Lalo na ang Mama mo. Tingin pa lang niya sa akin eh parang ayaw niya akong makita."

"Sa maintindihan mo sila. Kasalan ko din naman ito dahil hindi ko sinabi sa kanila agad ang tungkol sa'tin. Usually, sinasabi ko sa kanila ang mga plano ko sa negosyo man o sa pang-araw araw kong ginagawa pero hindi ito."

"Ganoon ba?"

"Pasensya ka na din dahil kinaladkad ka sa ganitong sitwasyon at sorry din na nagsinungaling ako sa kanila. Medyo komplikado kung malalaman nila na kilala ko ang Papa mo kaya mas mabuting isekreto muna natin ito hanggang sa...sa bumalik ang Papa mo. Kung okay lang sa'yo."

"Um, wala namang problema sa akin. Naiintindiha ko din naman na hindi agad-agad matatanggap nila ako. Alam mo, mas mabuti kesa magmumukmok ako, gagawin ko ng mabuti ang pagaaral ko at magpakita ng maganda sa kanila. Baka sakaling tanggapin nila ako, hindi ba? Para matawag ko silang mga Lolo at Lola ko."

Ngumito ito. "Good to hear. Ipakita mo sa kanila na magkakasundo kayo."

"Nagtataka nga ako sa kinuwento mo kanina pero dahil sa paliwanag mo, kahit hindi ko masyadong maintindihan pero malaki naman ang tiwala ko sa'yo kaya wala 'yun sa akin."

"Talaga? Akala ko magagalit ka."

Umiling siya. "Hindi naman. Malaki ang tiwala ko sa'yo at kung babalik man si Papa at kukunin na niya ako, bago man akong umalis eh magkakasundo ko na sila Lolo at Lola."

"Tama ka. Halika na para makauwi na tayo."

"Salamat sa pagkain." Sabay angat niya sa dala niya.

"Enjoy na enjoy ka eh at baka nabitin ka."

Tumawa siya. "Bitin na bitin nga. Huwag kang mag-alala, hati naman tayo."

Sumakay na silang dalawa ng sasakyan. Habang nasa biyahe siya, 'di niya alam kung bakit nalulungkot siya sa huling sinabi ni Roman tungkol sa kanyang ama. Imbes na galak at saya na makikita niya muli ang kanyang ama, tila ba lungkot ang kanyang nararamdaman.

Para bang lungkot at takot nab aka kunin man siya ng kanyang ama, hindi na niya makikita muli si Roman.

To be continued...

A/N: Umaarangkada na po tayo. I hope nandiyan pa rin kayo. Maraming salamat. ChuAmnidah.

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 163 44
FREE TO READ Highest Rank #1 in Inspirational Stories Highest Rank #8 in Spiritual Ito po ay koleksyon ng aking mga pinaka-nakakaantig na maikling kw...
155K 5.5K 53
Franco #2: Gerry Leon Franco Rankings: #1 'KimJiWon' (September 20, 2021) out of 172 stories #1 'ParkSeoJoon' (September 20, 2021) out of 99 stories ...
12.7K 487 30
Calderon Series #2 Bisaya | Completed Started: August 31, 2020 Ended: September 21, 2020
197K 5K 23
Ashen Corrins (3) He met a girl who would probably be the lost of his sanity. And he knew too well that he's playboy life is over because he's now su...