Battle Scars (Querio Series #...

By Barneyeols

127K 5.2K 626

Major Athos Prescott Querio, is the pride of the Special Forces Unit. He's one of a kind. His records are all... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Wakas
Samara Sybil Leoncio
What's Next?

Kabanata 4

2.6K 98 3
By Barneyeols

Kabanata 4

Sumakay si Samuela at mabilis na sinara ang pintuan.

Huminga ng malalim si Athos. May ngisi naman sa kanyang labi si Samuela, tila nagugustuhan ang pagkasali niya sa imbestigasyon.

"Is it okay for you to go with me? You can just tell me where to go." Ani Athos.

Tumaas ang kilay ni Samuela at kinabit ang seat belt niya.

"There's no other way to find out, Major. Wala nang pamilya si Delilah. And this is my condition."

Umiling si Athos at agad na pinaandar ang sasakyan. Tahimik ang sasakyan. Tanging mga buntong hininga lang nila ang maririnig.

Ilang sandali pa ay tinatanaw na nila ang malawak na kulungan. Agad silang dinala sa visiting area.

"Gaano na siya katagal rito?" Tanong ni Athos, tinatanaw ang kabilang table kung saan masayang kumakain ang isang matandang preso kasama ang kanyang pamilya.

"One year. Kinasuhan siya ni Delilah ng frustrated murder. She lost their baby, next evening, narinig niyang pinapalason siya nito sa kasambahay." She answered.

Kumunot ang noo ni Athos sa narining. He seems like a troubled man.

Sampung minuto ay bumungad ang dalawang pulis na dala dala ang lalaking balbas sarado at galit na galit na nakatingin kay Samuela.

"

Reyes, dito ka lang." Utos ng pulis at pinaupo siya sa harapan ng dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong nito.

"Calm down, Mr. Reyes. Nandito ako para sabihin sa'yo ang balita... your wife is dead."

Tumahimik ito sandali at tumawa.

"She deserves it, Attorney. I am not even surprise na hindi lang ako ang galit kay Delilah." He laughed.

"You fucking piece of shit." Samuela muttered under her breath.

Ngumisi na para bang ayos lang iyon sa kanya, bumaling ito sa binata na pinapanood lang siya.

"At ikaw? Sino ka?"

Tumikhim si Athos at naglahad ng kamay.

"I am Major Athos Querio. I am here to ask you some questions about your wife."

Umiling si Mr. Reyes at tumayo na para bang hindi siya makapaniwala.

"Attorney, nagsama ka pa talaga ng opisyal rito. Hindi ko akalain na ilalabas niyo ko sa selda ko para sayangin ang oras ko. Tapos na ako, dito." Aniya.

Lumapit ang dalawang pulis ng magsalita si Samuela.

"Gener, if I were you, I won't go back to my prison cell right now. You'll regret it." Samuela warned him.

Athos observed how he stopped on his tracks. Nilingon nito ang babaeng attorney na halos ay hindi na makilala ni Athos.

It is like Samuela has something to say.

"Your step brother is taking over all the inheritance that must be for you. Are you sure you want to go inside?"

She smirked and motioned him to sit. Walang nagawa si Gener kung hindi ang maupo. Bakas sa mukha nito ang pagkaseryoso.

"If you talk, I will help you to get everything back under your name, Mr. Reyes."

"At bakit ako magtitiwala sa'yo? O sa lalaking 'yan?" He asked.

Huminga ng malalim si Samuela at tinuktok ng kanyang dalawang daliri ang kahoy na mesa para kunin ang atensyon nito.

"Makinig ka, Gener. Ang kompanya mo ay hawak na ng kapatid mo. Wala ka ng pera pang bayad sa abogado at ang masaklap pa, nasa loob ka ng kulungan. Can your situation can get more worse than this?"

Athos bit his lips. She's good at negotiating. He can see in Gener's eyes the interest on this. She'd indeed an attorney.

"Look. I am offering services for free, Gener. At kilala mo ako kung paano magtrabaho. Kaya ka nga naririto diba?" She smiled.

"At ano na naman ang kapalit nito, Attorney? Pagbibintangan mo ako na pumatay sa asawa kong walang kwenta?"

"No. Just answer the questions then we are good. One lie and you're company will be forever in the hands of your step brother. We don't want that are we?"

Huminga ng malalim si Gener at tumingin kay Samuela. She just smiled at him.

"Sige. What will you fucking ask me, anyway?" Galit na tono niya.

"Very good, Mr. Reyes." She commented.

Tumikhim si Athos at kinuha ang ilang ebidensya na nakalap nila. Binuklat iyon ni  Gener at tiningnan ang bawat litrato.

"Ano 'to?" Tanong ni Gener at tinitigan ito.

"That tattoo, where did she get it? May nasabi ba siya sa'yo tungkol sa tattoo na iyan?" Athos asked.

Tiningnan ni Gener ang mga larawan ng deadly nightshadr tattoo.

"Meron na siya nito bago pa man kami ikasal. Ang sabi niya noon, tatak ito ng sorority na sinalihan niya noon. Ano bamg meron rito?"

"Sorority? Anong sorority ang sinasabi mo?" Tanong ni Athos kay Gener.

Tumaas ang kilay ni Samuela. This is new information huh. This is getting bigger and bigger.

"They call themselves flower of death. She's a member since college. Hindi ko alam kung lahat sila may tattoo na ganyan. I never saw one on Lily."

"Lily?" Samuela asked, trying to remember the name.

Gener laughed at her reaction. Ngayon, parang siya naman ang nanalo sa kanila. Ngumisi siya na tila ba wala siyang gagawing tama. Athos fell silent.

"Oh yes, attorney. I had an affair with her best friend." Gener smirked.

"You fuck-"

"Shhh, Attorney." Gener shushed. Nilingon niya si Athos na ngayon ay nakatitig lang sa kanya.

"What's with the look, Major? You asked me, I answered. I never saw this tattoo on Lily and yet she's in the same sorority with Delilah."

Napansin ni Athos ang pagkuyom ng mga palad ni Samuela habang nakatitig kay Gener. Nagawa pang sumandal ng lalaki sa kanyang upuan, para bang wala siyang sikretong binunyag.

Athos held her hand. Nilingon siya ni Samuela at mabilis niyang inilingan iyon.

"Come on, he's not worth it." He whispered.

Huminga ng malalim si Athos at muling nagtanong.

"Saan namin pwedeng makita si Lily?"

Ngumuso si Gener at nagkibit balikat.

"Wala na akong balita. Simula ng makulong ako rito, ay pinutol na ng babaeng iyon ang ugnayan namin. Aniya, hindi magandang tingnan iyon para sa imahe niya. Putang 'yon!" He laughed.

"Imahe?" Athos asked again.

"Oo, mataas ang katungkulan ng putang iyon sa samahang iyan. Akala mo ay walang ginawang ikakasira ng puri noong makipagtalik sa asawa ng kaibigan." Iling niya.

"Anong pangalan niya?"

"Lily Castanier ang pagkakakilala ko sa kanya. Huwag na kayong umasa. Hindi gumagamit ng totoong pangalan ang samahang iyon. Maging ako, hindi ko alam kung ano ang pangalan niya. I just fuck then leave."

Maigting ang panga ni Samuela. Hindi niya mawari kung gusto niyang patayin itong si Gener ng matahimik na sa kanyang mga rebelasyon o mananatili siyang makinig para kahit papaano ay matulungan ang namayapang si Delilah.

"Do you ask everything you need, Major?" Ani Samuela at binalingan si Major na mariing nakatitig kay Gener.

Kinagat nito ang ibabang lavi at huminga ng malalim.

"Tapos na, Attorney."

Tumango siya at sinalikop ang mga litrato. Tumikhim din si Samuela, at kinuha ang kanyang bag para sa pag-alis.

Hindi pa man nakakaalis ay nagsalita muli si Gener.

"Sana naman tumupad ka sa usapan, Attorney Montecillo. Sinagot ko lahat ng katanungan niyo."

Tumaas ang kilay ni Samuela sa lalaki at hindi na nagpakita pa ng emosyon.

"For a moment, Gener... gusto kitang tulungan na mabawi ang dapat na sa'yo. Kaso, sa nalaman kong ito... naisip ko na huwag na lang. Sapat na kabayaran mo 'yan sa ginawa mo kay Delilah."

Napawi ang ngisi ni Gener sa sinabi ni Samuela.

"Putangina kang babae ka!" Mura niya at tumayo na para sugudin si Samuela.

Nagmamadaling lumapit ang dalawang pulis at pinigilan siya. Hinawakan naman ni Athos ang siko ng dalaga at marahan na pinisil ito.

"Magbabayad kang puta ka! Papatayin kita kapag nakalabas ako rito!" Sigaw ni Gener habang pilit siyang hinihila papasok ng bantay.

Walang imik na naglakad si Samuela na sinundan naman ni Athos. Nang makasakay ay padabog niyang inalis ang pagkakatali ng buhok at ginulo ito.

"That son of a bitch!" mura niya.

Tahimik lang si Athos. Siguro ay talagang malapit nga ang dalawa kaya ganito na lang ang galit ng dalaga.

Nang makailang minuto ay tumigil din si Samuela sa kanyang pagmumura at huminga ng malalim para isandal ang sarili sa passenger seat.

"Let's grab some lunch, Attorney."

"Wala akong gana, Major. Just drop me on the office." Aniya at pinikit ang mga mata.

Nag-umpisa na magdrive si Athos.

"No, we'll eat. Pasado ala una na. You can't work properly on an empty stomach." He said.

Nagmulat ng mata si Samuela at tiningnan ang kanyang relo. Umirap siya ng mapagtantong tama nga si Athos.

"Whatever, Major." Sagot niya at tumingin na lang sa bintana.

Tumigil sila sa isang mamahaling restaurant. May ilang magagarang sasakyan ang naroon. Nag park siya doon at inalalayang bumaba si Samuela.

Pagkapasok nila ay agad silang pinaupo sa two seater na table. Iniabot ng waiter ang menu at mabilis siyang pumili ng makakakain.

"I will order a steak and I want it well done.   Also, a pitcher of ice tea for our table." Ani Athos at binalingan si Samuela.

"How about you Samuela?" He asked.

She rolled her eyes and closed the menu.

"Just the same." She sighed.

Umalis din ang waiter. Umiling si Samuela at nagsalita.

"Can you please stop calling me Samuela? Just call me Attorney Montecillo, Major." Iritableng sabi niya.

Athos just nodded. Wala na rin siyang lakas para makipagtalo pa. Kung gusto niya noon, so be it.

Nagtagal ang katahimikan ng ilang segundo  . Napansin nila ang isang grupo ng kababaihan na ginaguide ng dalawang waiter papunta sa dining hall.

"Hmm." Samuela muttered as she's scanning the group.

"Do you know them?" Tanong ni Athos.

"No. Not personally. But the girl wearing black, she's a classmate from law school."

Tumango si Athos. Lumapit ang isang waiter sa table nila, dala ang cart kung nasaan ang kanilang order.

Naputol na din ang tingin nila sa grupo dahil nakapasok na ito sa function hall.

Habang kumakain ay nagsalita si Samuela.

"So, what's your plan now, Major? Does Gener helped you?" Tanong niya at hiniwa ang steak.

Nagkibit balikat si Athos sa tanong na iyon. The case is getting bigger than he expected. At sa sinabi ni Gener, may isa na namang grupo ang sangkot.

"I don't know, Attorney. But do you know this Lily Castanier?" Tanong niya.

Uminom si Samuela ng tubig at mariing tiningnan ang binatang sundalo.

"I never met or see her. But Delilah's very fond of her. Lagi niyang nababanggit si Lily."

"That's a big problem we got. We don't even know Lily." Samuela sighed.

Athos dialled Cynthia's number. Four rings and she answered.

"Ano na naman, Major?" He found humor in her tone.

He bit his lips.

"Cynthia."

Samuela stopped eating and watched Athos talked.

"I want you to have this sorority checked. Anything about flower of death society." He said.

"Oh, I heard that somewhere." Cynthia said.  "Pero di ko matandaan, but I will have it chacked later. Sa'n ka?"

He sighed and looked at the attorney patiently waiting for him to finish the call.

" I am on a lunch date, Cynthia." He said.

Samuela's brows raised. Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom doon.

"Ah! Okay, okay, Major. Sige, mamaya na lang. Nakakaistorbo ata ako. Enjoy your date."

Mabilis na nawala sa linya si Cynthia. Samuela smiled at the soldier.

"You like her, don't you?" She said.

Athos wiped his mouth and answered,

"No, Attorney."

"My job requires me to observe, Major. I know when people lies. I saw how you look at her when I am on your office."

"It is none of your business, Attorney." He said with finality, tryinh to dismiss the subject.

"Yeah, I know. I just cannot stop meddling with other's business. But sure, Major." She smiled.

Umiling si Athos at tumawag na lang ng waiter para sa bill. Mabilis na kumuha ng cash ang binata at nilagay iyon doon.

"Let's go."

"Wait, I haven't paid mine!" She rummaged to her wallet for money.

"I paid our lunch, Attorney. Let's go." He picked up all the files.

"What? I can pay."

"I know. But I insist. Come on, let's go."

Naglakad ng mabilis papalabas si Athos. Naiwan naman doon si Samuela. Sinikop niya ang gamit at naglakad ng maayos ng mabangga siya ng isang babaeng nagmamadali.

Nahulog ang dala nitong box. Naglalaman iyon ng mga invitations. Yumuko si Samuela para tulungan ito. Nadampot niya ang isang invitation at ang naagaw nito ang atensyon niya.

Lumapit ang isang waiter sa kanila dahil sa atensyong nakukuha nila mula sa ibang customers.

"Ma'am, are you okay?" Tanong nito at tumulong na din sa pagpulot ng gamit.

Patuloy pa din sa pagdampot ang babae sa kanyang gamit at ngumiti sa waiter.

"Yes. I'm so sorry. I am needed in the lunch meeting so I am in a hurry." She explained.

Yumuko na din ang waiter at tumulong na din sa pagpulot para mapabilis ito.

Tumikhim si Samuela at mabilis na nilagay sa bag bulsa ng kanyang coat ang isang copy ng invitation.

Nang matapos at ngumiti sa kanya ang babae.

"Thank you for the help. Gusto ko pa sanang itreat ka kaso nagmamadali ako." She said at naglakad na papasok sa function hall.

Pinanood lang niya ang babae na pumasok doon. Ngumiti siya sa waiter na naiwan din sa tabi niya. Lumabas na siya at hinanap ang pamilyar na sasakyan ni Major.

Mabilis siyang sumampa rito. Tahimik pa din si Athos. Nag umpisa na itong magdrive.

"Major, it's your lucky day." She commented.

Naguguluhang tumingin sa kanya si Athos. Ngumiti siya at kinuha ang invitation na binulsa niya.

"What's that?" Tanong ni Athos sa dalaga.

"They have a lunch meeting. And the agenda? I think it is about this Flower of death induction ceremony ball."

"Where did you get that?"

"I bumped into a woman na papunta sa function hall. Nahulog niya. Seems like members sila ng sorority na hinahanap mo."

Athos stopped beside the road. Kinuha niya ang papel mula kay Samuela. Naroon ang date at lugar ng induction pati na rin ang susuotin.

"Induction Ball for Flower of death sorority." He read aloud.

Ngumiti si Samuela.

"Yeah. Looks like we got invited. Ready your suit and mask, Major. We have a ball to attend." She said.

Continue Reading

You'll Also Like

36.3M 208K 22
Cassandra Park is a ruthless and a brutal Gangster. She kills anyone who gets in her way. She kills with violence. And she's back with vengeance. XOX...
15.6M 321K 43
The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daugh...
3.5M 99.5K 41
READ AT YOUR OWN RISK PLEASE. - - Academia is a World where magics exist... The Queen of Light Academia born a Child who have a Powerful Magic. She...
1.4M 25.8K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...