The Billionaire's Adopted

By leexhian

323K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... More

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
15 The Condition
16 Her New Home
17 Problem? Solve!
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
23 Struggle at School
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
33 The First Impression
34 Lies and Explanation
35 The Touch
36 The Mama
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
50 Twinkle Night
51 Boring

32 The Calm Before The Storm

3.9K 164 55
By leexhian

[ROMAN]

"Are you okay? Hindi ka ba komportable sa suot mo?" Tanong niya kaya kay Alana. Napapansin niya na kanina pa itong nakahawak sa damit nito.

"Medyo. Maganda naman ang damit pero makati lang kasi."

"Tiisin mo muna, ah? Iyan kasi ang pinasuot sa'yo ni Bonnie at wala na tayong time para pumili pa ng isusuot mo."

"Ayos lang. Masasanay rin ako nito. Tiyaka, alam ko naman na nagamamadali tayo eh.Excited na ba sila lolo at lola na makilala ako?"

Nagi-guilty siya dahil ang nasa isip ni Alana excited ang kanyang mga magulang na makita ito pero ang totoo, kabaliktaran ang lahat. Ilang beses na sigawan, gulatan at kung ano pang salita ang nabitawan nila ng sinabi niya ang totoo. "Ye-yeah, they are at ngayon lang din silang may oras dahil busy din sila sa kani-kanilang trabaho kaya better na magkakilala na kayo as soon as possible." Pero, kailangan niyang itikom ang kanyang bibig rito dahil hindi magugustuhan ni Alana 'pag nalaman nito na matindi ang pagtutol nila rito.

"Hindi na rin ako makapaghintay. Ang saya-saya ko ngayon. May lolo at lola na rin ako."

Kita niya ang excitement sa mukha nito. Goddam*mit! Mas lalo siyang nagi-guilty at kinakabahan!

Patuloy nito. "Dahil kami lang ni Mama ang magkasama at nakatira sa isla, hindi ko alam kung buhay pa ba ang lolo at lola ko. Wala naman akong lakas ng loob na tanongin si Mama dahil ayokong mag-isip siya kung bakit tinanong ko 'yun kaya, kinalimutan ko na din."

"Gusto mo ba hanapin sila? Para naman malaman mo kung buhay pa ba sila."

"Malabo. Ni hindi ko nga ma-memorya saang isla ako nakatira, mga lolo at lola ko pa kaya? Kada buwan kasi, may nagpapadala ng pera at pagkain sa amin at ang sabi ni Mama galing ang mga 'yun sa malalayo naming kamag-anak. Kung meron pa man akong natitirang kapamilya, siguro sa ngayon hindi ko muna iisipin 'yan."

"Well, if you insist that's okay pero kung gusto mo lang alamin, willing akong tulungan ka. But, hindi madali hanapin ang taong wala ka man lang nalalamang konting impormasyon tungkol sa kanila." Mas makabubuti sa kalagayan nito na huwag munang alamin sino-sino ang mga kamag-anak nito dahil 'pag pinakiusapan niya si Howard na hanapin ang mga natitirang kamag-anak ni Alana, baka sasabog ang utak nito dahil sa frustration. Mas mabuti na pag-aaral na lang ang isipin nito.

"Mabalik tayo kina lolo at lola, ng malaman nila ang tungkol sa akin hindi ba sila nagulat?"

"Um, siyempre nagulat." Tipid niyang sagot.

"Eh, anong sinabi nila sa'yo na inampon mo ako? Nagalit ba sila sa'yo?"

"Uh, hindi naman maiiwasan na magagalit sila. Hindi naman kasi nila ine-expect na ang anak nila ay mag-aampon, 'di ba? I guess normal lang 'yan sa mga magulang na magalit. Pero, kahit ganoon ang nangyari pinaintindi ko naman ng mabuti sa kanila na—na okay ang lahat."

"Kaya ba pinakusapan mo si Teacher Bonnie na turuan ako ng mga manners?"

"Yeah." Sagot niya. "Ang mga magulang ko kasi ay masasabi ko na "iba". Hindi naman sila strikto o masamang magulang. May pagka-observant lang kasi sila at masyadong nag-aalala at overreacting pagdating sa mga anak nila."

"Oberreakting? Obserbant?" takang tanong nito.

"Oo. Observant dahil kaunting bagay mapapansin nila agad. Kung ano ang makikita nilang tama, dapat 'yun lang ang tama and overreacting dahil kapag nalaman nila na may gawin ang mga anak nila na bagay na hindi nila alam, tiyak na gagawin nila lahat para ma-guilty ka. Kahit ganyan sila, mahal ko ang parents ko. They are the best of the best.

Huwag ka sanang magisip ng masama na dahil kumuha ako ng teacher para turuan ka ng mga basic etiquette, mali na ang pinapakita mo. Ayoko lang kasi na sa unang pagkikita at pagkakakilala sa'yo ng mga magulang ko, hindi ka na agad nila gusto. Importante kasi ang first impression at sabi ko nga masyado silang observant kaya kung gusto natin na magustuhan ka agad ng bago mong lolo at lola, kailangan natin mag-ready. Sana maintindihan mo, Alana." Tiyaka ayaw niya na dahil sa sobrang pagtutol ng kanyang mga magulang kay Alana, matitigil na ito sa pagaaral at ibabalik saan ito nanggaling. Papaano naman niya gagawin 'yun na nilayasan na nga ito ng sariling ama at ginawa pang kolateral sa mga utang nito? Kaya pa ba ng kanyang konsensya na iwan sa isang lugar si Alana na alam niya na ikakapahamak nito ng dahil ayaw ng kanyang mga magulang? He's not a child anymore but his parent thinks he is!

"Mahigpit sila pero naghihigpit sila dahil mahal ka nila."

"Yes, yes you can really say that."

"Nagkainteres tuloy ko. Sino ba sila?"

"Ah, gusto mo malaman sino-sino sila?" Na-curious tuloy ang bata. "Ang Papa ko ay isang negosyante. A well-known businessman."

"Wow! Hindi ba negosyante ka din? Edi parehas kayo ni lolo."

"Tama."

"Si lola negosyante din ba?"

"Hindi. Si Mama—I mean ang lola mo naman ay isang theater actress."

"Teyter aktres? Ano 'yun?"

"Para siyang artista din pero gumaganap siya ng iba't ibang karakter sa entablado."

"Iyan ba 'yung parang aarte ka sa harap mismo ng maraming tao?"

"Tumpak."

"Ikaw?"

"Hm? Anong ako?"

"Gusto mo bang maging artista din kagaya ni lola?"

"Ako?" napatawa siya. Bakit naman naitanong ito ni Alana sa kanya? "Nah. Wala akong interest diyan and wala naman sa akin ang pagiging artista."

"Nge! Pwede ka naman, eh. Ang gwapo-gwapo mo kaya."

"Talaga?" sinulyapan niya ito.

"Oo! Ang tangkad mo, maganda ang tindig mo, ang sosyal mong manamit—"

"Sosyal?"

"Naman! Alam mo ba pwede ka ihelera sa mga gu-gwapong mga artista! Siguro kahit anong klaseng damit ang isuot mo, marami pa rin ang makakapansin ng ka-gwapuhan mo. Subukan mo kaya mag-artista?"

"Ikaw ah? Kaya ba pinupuri mo ako para subukan mo na maging mag-artista?"

"Hindi kaya! Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

Hindi niya mapigilan ang mapangiti. She's pouting so hard akala nito binibiro siya. He can tell she's not kidding o kagaya sa ibang mga babae na kapag kinakausap siya nito, parang ang perfect niya at para makuha ang loob niya.

He don't know why pero sa mga sinabi nito mga papuri sa kanya, he don't mind that she was just teasing him.

"Alam mo wala kasi sa puso ko na sundan ang ginagawa ng Mama ko. Gusto ko kasi na humikha ng iba't ibang negosyo para makatulong sa mga taong nangangailangan ng trabaho. Hindi ko naman sinasabi na wala akong maitutulong kung maga-artista ako, ayoko ko lang talaga ilagay ang mukha ko kahit saan."

"Ah, mahiyain ka pala. Sana sinabi mo agad maiintindihan ko naman, eh."

Ano ba 'yan? Proud na proud na siya sa kanyang sarili, nabawi pa dahil ang tingin nito sa kanya mahiyain lang.

"Pero kahit na ganoon," habol nito. "inuuna mo naman ang kapakanan ng ibang tao kaya mas bagay na bagay sa'yo ang pagiging negosyante. 'Di ba, bossing?"

"Thanks. Bossing ka 'dyan. You have to call me "daddy" para masanay ka."

Siguro kung ganito lang ang mga babaeng kakausap sa kanya, maybe matagal na siyang nakabuo ng sariling pamilya but it didn't happen. Right now, ang mas importante ngayon ay  kailangan magustuhan ng kanyang mga magulang si Alana.

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
20.3K 245 26
"OBSESSION LUST BROKEN DARK REED MISTRUST AFRAID LOST ABANDON USED" ~~Living a life of being LOVE RESPECT CARED TREASURED and IN THAT ONE NIGHT EVERY...
490K 11.4K 38
Deyron Corrins (2) In the depths of the ocean he is drown and a love arise. And the only thing that can calm the Dangerous Billionaire is the ocean h...
107K 1.9K 22
Highest Rank: #18 in General Fiction "I'm not the real criminal, Jane. It's you." -Jeremy Denar Strachoney â—‹ Copyright 2017