HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'C...

Od saguitarius22

849K 20.7K 517

Matured Scene..For adult only..Maikling Kwento nina EZEKIEL LOUIS SALAZAR AT MICHELLE GRACE IGNACIO with Bab... Více

BABY BOY
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
A/A
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
LAST CHAPTER

Chapter Fourteen

24.6K 624 20
Od saguitarius22

A/n echus lang po tong sinusulat ko.. wag seryosohin..

****

FAMILY DAY kaya maaga kami pupunta sa school ni Louie. Ang sarap sa pakiramdam na meron kang tinuturing na pamilya. Hindi ko nalang inisip ang kahihinatnan nito,na baka dumating ang araw na bumalik ang totoong ina ng bata.

Napapamahal na ako sa dalawang lalaking ito.

Nakikita ko ang saya sa mukha na bata.Dahil ito daw ang pinakamasayang family day na may kasama itong ina which is ako yon.

Ang gwapo gwapo ng bata kasing gwapo ng ama. Nakikita sa kanya ang minimi Ezekiel. Marami din itong mapapaiyak na babae balang araw. Ang tayo,lakad at porma ginagaya nito ang ama pati ang ayos ng buhok.Minsan ayaw nitong magpagupit dahil papangit daw siya pag nagpagupit.Kaya nagtatalo ang mag ama pag gugupitan na ito.Tulad nalang nung isang araw nagpabarber ang ama at isinama siya.Ilang minutong pilitan bago napapayag.Kaya ngayon pareho sila ng gupit.

Marami nang tao sa school at kasama ang iba't ibang pamilya. Nakikita sa mata ng mga tao ang saya. Siguro ganito kasaya at kasarap na mayroon pamilya. Ang nakikita mong ngiti sa mukha ng mga magulang. Ganito kaya kasaya ako noon kong may magulang ako? Hindi ko man sila nakasama o nakita ang mga mukha nila alam kong nasa mabuti na silang kalagayan at kung saan man sila.

Mga tawa ng mga bata na kaysarap pakinggan.Pamilya na kailanman hindi ko naranasan.Pag nagkapamilya ako balang araw  bubusugin ko sila ng pagmamahal kahit anoman ang kalagayan namin sa buhay.Hindi ko sila pababayaan mamahalin ko sila hanggang sa huli ng aking buhay.

Umupo kami sa bandang unahan.Ang pagkakaalam ko may shares si Zeke dito sa eskwelahan na ito. Kaya special mention siya.

"Hi Louie.. mommy mo?."bati ng isang bata na dumaan sa gilid namin kasama nito ang magulang.Tinuro ako nito tiningnan ko ang bata nakangiting nilingon ako bago sumagot sa nagtanong.

"Yeah,she's my mom..and this my daddy." nakangiti pa ito.Hinaplos naman ng ama ang buhok nito bago binaling ang tingin sa magulang ng bata.

"Hey! Manzano, I didn't know na may anak ka na pala?" nagulat din ang lalaki sa sinabi ni Zeke.Magkakilala sila? tumingin muna ang lalaki sa babaeng kasama bago binalingan ang binata.May binulong ito.At medyo lumayo ang dalawa ang pwesto namin.Hinayaan ko nalang.Inayos ko ang suot ng anak ko yeah anak ko dahil ako ang kinikilalang ina niya. Ang sarap sa pakiramdam na may matawag na anak .

Umupo ang mag ina sa likuran namin.Napatingin ako sa gawi ni Zeke seryoso ang dalawa sa pag uusap.

Nagsimula ang program.May palaro din para sa mga magulang.Meron para sa mga anak.Ang sayang panoorin ang mga ito na ang sasaya at ang sasarap pakinggan ang mga halakhak ng bawat isa. Hindi ko namalayan na napaluha ako. Na sana naranasan ko din ito nung bata ako pero mailap ang kapalaran ko dahil hindi ako binigyan ng ganitong kasayang pamilya.

Masaya din naman ako noong bata ko dahil nandiyan sila sister Cecile na gumagabay sa akin.Pero siguro iba pa rin ang pakiramdam na meron kang totoong pamilya. Pasimple kong pinunasan ang tumulong luha ko at ngumiti sa anak ko na nagtatalon dahil nanalo ito sa laro.Father and son ang palaro.

Ang saya ng mukha ng bata at winagayway pa ang napanalunan prizes. Nagulat ako ng kabigin ako ng binata at hinagkan ako sa buhok.Kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Ganito na talaga ang puso ko kilalang kilala nito kung sino ang amo.

Ang sweet na nito lalo na nung sinagot ko siya.Na halos ipagsigawan nito sa loob ng bahay.Ang saya ng ama ay mas domoble ang saya ng anak.Dahil magkakaroon na daw ng totoong mommy.

Pagkatapos ng party sa school umuwe kami na dala ang napanalunan ng mag ama. Nakatulog na ang anak namin sa sobrang pagod. Binuhat ito ng ama paakyat,ako naman kinuha ang mga dala namin at inayos sa kusina. Pag akyat ko  naabutan kong binibihisan nito ang anak.Mahal na mahal talaga niya ang anak.

Lumapit ako sa kama at tumabi sa kanya. Na sana ito nalang ang pamilya na bubuuin ko balang araw.Kasama ang dalawang lalaking ito na mahal na mahal ko. Sumandal ako sa dibdib niya at niyakap naman ako.Napapikit ako nang halikan niya ang buhok ko.

"I love you honey, thank you for coming to our lives.."humigpit ang yakap niya sakin.Bumilis ang pagtibok ng puso ko hinawakan ko ang braso nitong nakayakap sa beywang ko.

"Salamat din at dumating din kayo sa buhay ko."humarap ako at pinakatitigan ito sa mukha.Gusto kong makabisado ang mukha niya.Ang mata,ilong,labi ang makapal na kilay ang perpektong hugis ng panga ang kulay berde nito mata.

Dinampi nito ang labi sakin na tinugon ko agad.Gusto kong maparamdam sa kanya kong gaano ako kasaya nang dumating sila sa buhay ko at kung gaano ko siya kamahal.

Pumasok kami sa kwarto at dito ipagpatuloy ang nasimulang init ng aming mga katawan.Buong puso kong ipinauubaya ang katawan sa kanya.Sa lalaking labis ko nang minamahal.

Ilang beses niya akong inangkin,hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagod nakatulog na ako..

Napabalikwas ako ng bangon nang makaramdam na parang hinahalukay ang tiyan ko. Hindi ko na pinansin ang katabi ko natabig ko nalang ang brasong nakapulupot sakin at patakbong nagtungo sa banyo. Halos maisuka ko na ang lahat ng laman ng tiyan ko pero tanging tubig lang ang naisusuka ko.Nanghihina akong napaupo sa tabi ng inidoro.Naramdaman ko nalang may humahaplos sa likod ko.

"What happen honey?" nag aalalang mukha ni Zeke ang nakita ko. Inalalayan ako nitong tumayo at napaharap ako sa salamin at humilamos at nagmumog.

Nakaramdam na naman ako nang pagkahilo kaya napakapit ako ng mahigpit sa kanya. Binuhat niya ako pabalik sa kami. Pakiramdam ko antok na antok pa ako.Kaya pagkahiga ko sa kama ipinikit ko ang mga mata ko.

Nagising ako at salamat naman naging okay na ang pakiramdam ko.Pumasok ako ng banyo para maligo.Wala si Zeke siguro nasa baba na. Pagkatapos kong maligo napatingin ako sa salamin.Pinakatitigan ko ang aking sarili. Parang tumataba ata ako. At feeling ko mas lumalaki ang dibdib ko. Binalewala ko nalang siguro dahil kain lang ako ng kain. Nagbihis na ako bago ko inayos ang higaan.

Bigla akong natakam sa kamatis na inudburan ng asin.At mayonaise na may ketchup at isasawsaw ko ang kamatis. Dahil sa isiping iyon nanubig ang bagang ko. Kaya nagmadali akong bumaba. Nakita ko ang mag ama sa sala at naglalaro ang mga ito ng lego. Dahil sa kagustuhang makain agad ang naisip na pagkain hindi ko pinansin ang mga ito. Naabutan ko si karen na nagluluto naamoy ko bigla ang kakaibang amoy.Na para bang hindi katanggap tanggap ng ilong ko.Anu mang oras ilalabas ng bibig ko.

"Ano yang niluluto mo?" hindi ko alam kong bakit feel ko ngayon ang magtaray o kaya magalit.Kaya nagulat din si Karen sa inasta ko.

"Ah ma'am bawang po nagpapaluto po kasi ng menudo si Louie." sagot nito. Biglang nanuot ang amoy sa ilong ko kaya tumakbo agad ako sa lalabo at sumuka.Dinaluhan naman agad ako ni Karen at binigyan ng tubig."Okay lang po ba kayo ma'am? namumutla po kayo."inalalayan niya akong maupo dahil nakaramdam na naman ako ng hilo.

Umupo akong nakapikit hinihintay mawala ang pagkahilo ko. Ano bang nangyayari dati naman gustong gusto ko ang amoy ng bawang.Pero bakit ngayon..Nang hindi na ako nahihilo tumayo ako at binuksan ang ref para hanapin ang kamatis na hinahanap.Napangiti ako nang makitang merong kamatis.

Nagtataka si Karen sa kinikilos ko pero hindi ko siya pinansin.Nanunubig ang bagang ko sa pagkaing ito.

Pagkahugas hiniwa ko sa apat na slice at nilagay sa maliit na mangkok saka binudburan ng asin.Kumuha ako ng ketchup at pinaghalo sa mayonaise.Umupo ako sa high chair at kinain ang ginawa kong pagkain.Napapikit ako sa sarap ng lasa.Pagdilat ko nang mata nakita ko si Karen na nakangiwing pinagmamasdan ako.

Dahil sarap na sarap ako sa kinakain mo hindi ko siya pinansin.Nasa kasarapan ako ng pagkain ng kamatis na sinasawsaw sa ketchup-mayonaise nang pumasok ang mag ama. Kapwa itong nakangiwi.Bakit ba sila ganyan makatingin masarap naman itong kinakain ko ha!

"Mommy what's that?''turo ng anak ko sa kinakain ko.Napatingin ako sa ama nito na hindi maipinta ang mukha na nakatingin sa pagkain.

"This..tomato baby.."itinaas ko pa ang kamatis bago ko sinawsaw at napapikit ng malasahan ko ang sarap nito.Hindi ko pinansin ang mga nakangiwing tingin nang nasa harapan ko.Nang matapos ko gusto ko naman uminom ng melonshake.Kaya tumayo ako at naghanap sa loob ng ref kaso wala.

Nag iba na naman ang mood ko dahil hindi wala ang gusto kong inumin.Naiiyak na ako sa isiping hindi ko maiinom yon.

"I want melonshake hon.."naiyak ako bigla.Hindi ko maintindihan ang sarili ko kong bakit ang babaw na ngaun ang luha ko.Agad naman akong dinaluhan ni Zeke at inalo alo.

"Okay,okay bibili tayo nun dont cry.."yakap niya ako at hinahaplos ang buhok ko.

"Daddy what happened to mommy? bakit siya nag ka cry?"tanong ng anak.

"Nothing buddy, let's go bili tayo ng melonshake ni mommy?"nakita kong tumango ang anak at bumaba ng upuan.Pinaupo na ako sa sala at lumabas ang mag ama para bumili ng gusto ko.

Habang naghihintay nakaramdam ako ng antok.Kaya humiga ako sa sofa hinihila na talaga ng antok ang talukap ng mata ko.

Wierd ang pakiramdam ko ngayon.Umiiyak na walang dahilan.Kakain na hindi ko naman paborito dating pagkain.Ayaw na ayaw ko ngayon sa amoy ng bawang....

Anong nangyayari sakin?

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

172K 5.6K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
357K 18.8K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.