Chapter Twenty-six

22.1K 479 8
                                    

After Two months

PAGKATAPOS NANG pasurprise ni Zeke hindi ko na talaga mapigilan ang sayang nadarama.

Ngayon naghanda ako ng hapunan namin dahil may surprise din ako sa kanya.  Actually kahapon ko lang nasigurado dahil nagpacheck up na ako. Alam kong nahalata din naman niya ang kinikilos ko. Pero gusto ko pa rin siyang surpresahin.

Ang dalawang sinama ng mga magulang ni Zeke sa batangas magsuswimming daw sila. At ayon sayang saya na naman si Zia dahil magbebeach na naman daw. Si Karen umuwe na rin muna sa kanila dahil bakasyon naman daw nila. Kaya hinayaan ko na lang din.

At kaming dalawa nalang ni Zeke dito sa bahay,nasa opisina na siya ngayon. Tiningnan ko ang orasan mag aalas syete na kaya inayos ko na ang lamesa. Wala din ang driver..kami lang nga kulit mo paulit uit.

Habang hinahain ang pagkain napapa hmm nalang ako,masaya kasi madadagdagan na naman ang member ng family isang buwan na lang din ikakasal na kami ni Zeke. Kaya busing-busy siya ngayon ayaw pa kasi ako patulungin. Sa dapat na venue,sa gown at food tasting lang daw ako sumama. Gusto ko na nga magpasukat ng gown kasi baka hindi kumasya pag medyo lumaki ang tiyan ko. Nextweek pa ang schedule ng sukat,and the day after that food tasting na ang pupuntahan namin.

Ang mommy naman ni Zeke nagpresenta na samahan ako sa araw na yon. Sobrang bait ng magulang niya wala akong masabi. Kahit na nabibilang sila sa pinakamayaman na tao marunong pa rin sila makisalamuha sa ibang tao. Ang akala ko nga ay strikto o strikta ang mga magulang nito hindi pala.

Inayos ko ang table dito sa lanay,nilagyan ko ng flower at candle light lang ito. Kahit naman pangalawa na ito gusto ko pa rin siyang surpresahin. Nagluto ako ng steak at butter shrimp, nagbake din ako ng chocolatecake, naghanda din ako ng wine para sa kanya,at strawberryshake naman sakin. Kasi bawala na ang alak sakin.

Naeexcite ako at kinakabahan sana magustuhan niya ang hinanda kong dinner. Huminga ako nang malalim at tumingin sa oras. Malapit na..malapit na siyang umuwe.

Mga seven or seven thirty ang uwe niya kaya sigurado maya maya dito na yon. Tumayo ako at tiningnan ang lamesang inayos ko at napangiti. Pumasok muna ako sa sala at naglakad lakad pabalik balik hindi na kasi ako makapaghintay. Kinakabahan din ako na hindi ko maintindihan. Nakasuot ako ng jeans at vneck shirt ito kasi ang nakasanayan ko.

Napaigtad ako sa gulat dahil biglang may nagdoorbell. Kaya nagmadali akong nagtungo sa pinto at lumabas. Alam ko naman na may spare key siya gusto ko lang din siya salubungin. Pero bakit nagdorbell pa siya? Hindi ko nalang pinansin ang tanong ko sa sarili. Dali dali akong naglakad patungong gate para pagbuksan siya. Hindi ko na tiningnan sa maliit na butas kong sino ang tao sa labas alam ko namang siya yan.

Hinanda ko ang magandang ngiti ko bago ko binuksan ang gate. Pero ang ngiti napalitan ng pagkagulat at biglang nanlaki ang mata ko. Kinabahan agad ako. Anong ginagawa niya dito? Napawi ang ngiti ko at tiningnan siya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko,napaatras naman ako nang humakbang ito,sa klase ng tingin ng babaeng ito alam kong may binabalak siya. Nginitian lang ako at humakbang papalit pa.

"Nang dahil sayo,iniwan at binalewala niya ako... hindi ako makakapayag na mapasayo ang dating sakin... kaya para mapunta at bumalik siya sakin dapat kang mawala.." galit na galit na ito at nag iiba rin ang awra. Ngingiti tapos lulungkot tapos magagalit. Tiningnan niya ako na nanglilisik ang mga mata. Kaya napaatras ako papasok.

Bigla siyang sumenyas at ma lumabas na dalawang lalaki sa kotse. Dumoble ang kaba at takot ko nang lumapit ang mga ito sakin.

"Anong gagawin niyo sakin.." sigaw ko nagpumiglas ako nang hawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso." Nikki sa tingin mo ba pag ginawa mo ito mapapasayo si Zeke,,..hindi..kasi mas lalo ka niyang lalayuan sa ginagawa mo.!" hila hila naman ako ng dalawa papunta sa kotseng nakaparada. Tumawa lang siya sa sinabi ko. at nanlilisik ang mga mata. Para na itong baliw kasi tatawa tas biglang mag iiba ang mode.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora