Chapter Five

25.5K 732 9
                                    

"KINUKULIT na nga ako ng anak ko na gusto daw nitong mommy ay yong babaeng waitress."nafufustrate na ako sa araw araw na pagtatalo namin ng anak ko.Akala ko okay na at naiintindihan na niya.Pero lumipas lang ng ilang araw ayan na naman siya.

Nandito ako ngayon sa opisina kasama ko ang mga kaibigan ko.Ang mga gago parang walang ginagawa sa buhay.Makapagchismis lang kaya iniiwan ang kani kanilang trabaho.

"Bakit di mo nalang pagbigyan bud kong yon ang gusto niya"sagot naman ni Sander.Nakita na kasi nito ang babae pero itong tatlo hindi pa nila nakikita.Napahagod ako sa buhok ko.

Sumang ayon naman ang tatlo."Siguro maganda ang chick na to kaya type ng anak mo" nag uudyong ngiti sakin ni Emmanuel.Sinamaan ko ito ng tingin.Inisang inom ko ang laman ng baso ko dahil hindi ko alam ang gagawin.

Hindi ko nga kilala pa ang babaeng yon tsaka pangalan lang ang alam namin.Wala naman ata akong karapatan para investigahan siya para ano? napapikit nalang ako sa dami ng iniisip ko.

Aminin kong gabi gabi kong iniisip ang maamong mukha ng dalaga.Ang magagandang ngiti nito at ang nakakahalinang mga mata.Ang labing mapula na parang kaysarap halikan.At pati sa panaginip ko lageng naroon siya.Na nakangiting nakatingin sakin ang malamyos na titig kapag nagsasalita.Ang makikinis na kutis na parang kaysarap din haplos haplosin.

"Oo dude maganda talaga ang chick na yon" narinig kong sabi ni Sander."Para siyang goddess kong titingnan."nagumiti na para bang iniimagine ang mukha ng babae.Binato ko ito ng nilukot na papel at sinamaan ng tingin.Humagalpak naman ng tawa ang apat."Nakakahalata na ako ha!"tudyo pa nito.

"Magsilayas na nga kayo dito marami pa akong trabaho."pagtataboy ko sa kanila.Nagsitawanan lang sila.

"Parang gusto ko makita ang goddess na yan pare kung ayaw sa kanya ni Salazar baka pwede sakin."nakakalukong ngiti ang pinakita sakin ni Micael.Kaya binato ko ito ng lata ng beer nakailag naman ito.

Parang bigla may iba akong  naramdaman sa sinabi niya yon.Parang pakiramdam ko ayoko mapunta ang dalaga na yon isa man sa mga kaibigan ko.

Nagsitawanan ang apat at nagsitakbuhan palabas ng opisina ng akmang babatuhin ko sila ng lalagyan ng ballpen.

Bigla kong naisip na hindi pwede mapunta sa kahit na sino sa kaibigan ko ang babaeng yon.Dahil akin siya!
talaga ba Zeke panong sayo? udyo ng isip ko.Nakapikit na sinabunot ko ang buhok ko.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga papeles at pagperma.Wala sa sariling napangiti nang bigla nag pop up ang nakangiting mukha ng babae.Nakatingin daw ito sakin at nakangiti ang mga mata habang tinititigan ako.

Tiniklop ko ang mga papeles at sinara ang laptop dali daling lumabas ng opisina.Hindi ko na pinansin ang secretary ko na tinawag ako.Im going to her. At bakit ko siya pupuntahan?

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinisigaw ng isip ko.Basta ang gusto ko lang makita ito.Dali dali akong sumakay sa kotse ko.

Pagkapasok ko sa restaurant agad nawala ang ngiti ko nang makitang may kausap itong lalaki.Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo pakiramdam ko sasabog na ako.Wala sa sariling naglakad palapit sa kinaroroonan nila.Natanaw ko pa itong nakangiti habang kausap ang lalaki.

Bigla itong napatingin sakin kaya nahinto ang pagsasalita nito.nakatalikod ang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha ng gagong ito.Medyo malapit na ako sa kinatatayuan nila nang nagpaalam na ito sa lalaki kaya umalis na ito sa kaharap.

"Good afternoon sir table for?"nilapitan ako nito at tinanong.Biglang nawala ang init ng ulo ko nang makita kong nakangiti ito sakin.

"For two."for two? sino naman ang isa Zeke? sigaw ng isip ko.Hindi ko nalang pinansin.Giniya na ako nito sa pandalawahang upuan sa may banda gilid ito.Sinabi ko ang order ko.Medyo madami dahil gusto ko din siyang makausap.

Wala akong pakialam kong bawal makipagusap ng waitress sa customer pero gusto ko siyang makausap.

Pagbalik nito dala na ang inorder ko."This is your order sir,."nilapag na nito ang lahat.Napatingin ako sa kanya agad naman nag iwas ng tingin at namumula ang mukha what na heck is she blushing?

"Sit down samahan mo muna akong kumain."sabi ko.Napatayo ito ng tuwid ng marinig ang sinabi ko.Napatingin pa ito sa paligid bago tumingin sakin ulit.

"Sorry sir pero mara...."nahihiyang sabi pero hindi ko na siya pinatapos nang hilahin ko ito paupo sa bakanteng upuan.

Nakita kong nanginginig ito at napatingin ulit sa paligid.

"Dont worry akong bahala, just eat."nilapit ko ang pagkain na inorder ko kanina.Alam ko kasi gusto nito ito.

matagal bago nito galawin ang pagkain dahil panay ang linga nito.Nakikita ko kasing napapatingin sa amin ang kapwa niyang waitress.

"Gusto lang kita makausap"sabi ko habang kumakain.Nakita kong iniikot ikot lang nito ang hawak na tinidor sa plato."Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain,well hindi ba masarap ang luto ng chef niyo?"umiling naman ito at tumingin sakin.Nakikita ko sa mata nito na natatakot at para bang ano mang oras may magagalit sa kanya.

"Hindi naman pa,nakakahiya lang po talaga."mahinang turan nito.

"Just Zeke,walang 'po' at 'opo' o kaya 'sir' just call may name."malamig kong sabi.Natulala naman ito sa mga sinabi ko.

"Ho?"anito.

"I just want to talk to you, I'll waiting here until you out."pinagpatuloy ko ang pagkain.Nakita ko naman na kinakain na nito ang nasa harapan nitong pagkain.Nakayuko lang ito.

Nagbayad na din ako at sabi ko hihintayin ko siya hanggang mag out ito.

Habang naghihintay hindi ko mapigilan sulyap sulyapan siya at nahuhuli ko naman itong nakatingin sakin kaya nginingitian ko lang ito sabay naman ang iwas.Nagagandahan talaga ako sa kanya kahit na malayo ito.Hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

Pagsapit ng out niya tumayo na ko hindi ko na hinintay na puntahan ako sa pwesto ko.Kausap pa niya ang isang lalaki kaya uminit na naman ang ulo ko nang makita kong nakangiti ito sa lalaki.

"Let's go" hindi ko na hinintay magsalita ito o ang kausap nang hinawakan ko ang kamay at naglakad palabas.Nakaramdam akong kakaiba sa kamay na magkahawak namin parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.Nararamdaman din kaya nito? Napatigil kami sa harap ng kotse hindi ito kumibo kaya pinagbuksan ko at pinaupo na.Pagpasok ko sa driver side nakita ko itong nakatulala parang hindi pa nito napoproseso ang mga nagyayari.

What a beautiful view nakaawang ang labi pa nito.

Huli na nang mapagtanto nito ang nagyayari sa paligid.Nakaandar na ang sasakyan.

"San mo ko dadalhin?"sa wakas nakapagsalita na ito.Nilingon ko lang at binigyan ng nakamamatay na ngiti.

Nagblush na naman siya at ang ganda.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Where stories live. Discover now