Chapter Seven

25.9K 680 13
                                    

LUTANG ANG isip ko habang nagtatrabaho.Ang wierd talaga ng mag amang yon.

Una tinatawag akong mommy ng bata,na ikinagulat ko naman.Pangalawa,hindi man lang nagrereact ang ama sa tawag sakin ng anak nito.Pangatlo dinala niya ako sa bahay niya.for what the heck di ba?

Ilang beses kong pinilit iproseso ang mga nangyari pero kahit galugarin ko ang kailaliman ng utak ko wala akong magets sa pinapakita nila sakin.

Natapos ang duty ko ngayong araw mabuti at nagawa ko naman ng maayos.Agad akong pumasok sa locker kong saan namin inilalagak ang sarili naming gamit.

"Hoy bessy,napapansin ko parang ang lalim ng iniisip mo."puna sakin ng kaibigan ko,close na kasi kami nito.Mahina akong bumuntong hininga at tiningnan lang ito.

Nakakaintindi naman ito at nakuha ang dapat kong iparating.Na hindi pa ako handa na magkwento.Kahit naman matagal na kaming magkaibigan wala pa rin kasi ako tiwala na ikwento kong ano nangyayari sa buhay ko.

Nag abang kaming sabay ng jeep at nauna akong sumakay iba kasi ang way nang pauwe sa bahay ng kaibigan.Kaya nagpaalam na siya na mauuna.

Nahulog na naman sa malalim na pag iisip hindi ko namalayan na nakahinto na ang jeep sa detinasyon ko.Dali dali akong nag abot ng bayad at bumaba.

My son is need a mother at ikaw ang gusto nito.

Pumailanlang ang boses ni Ezekiel sa isip niya.Yon ang pinag usapan nila noong dinala ako nito sa malapalasyong bahay nito.Alam ko naman na mayaman ang taong iyon pero hindi ko aakalain ng ganun pala talaga kayaman yon.

Nagluto ako ng hapunan at medyo dinamihan ko para bukas hindi na ko magluluto initin ko nalang.

Iniisip ko kong tatanggapin ko ba ang alok sakin ng binata na maging nanay ng anak nito.Pero parang awkward di ba dahil pakiramdam ko hindi ko magagawa yon.

Nag iiba kasi ang tibok ng puso ko pag nasa malapit lang ang binata.At namumula ako sa bawat salitang binibitawan nun.Pakiramdam sinasalang ako sa isang lutuan dahil sa pang iinit.

Sino ba namang hindi panghinaan ng tuhod kong makita mo ang isang Ezekiel Salazar no.Halos nga mapugto ang hininga ko pag malapit lang ito eh.

Bigla kong naisip ang bahay ampunan na kong saan ako lumaki.Naalala ko na kailangan pala nila sister ng pera para sa pagpapagawa ng nasirang silid tulugan ng mga batang nandun.Hindi kasi sapat ang pinibigay na donasyon ng munisipyo.

Napapikit ako at huminga ng malalim.Kailangan kong mag isip at pag isipang mabuti ang desisyong gagawin ko.Malaking tulong na rin yong ibabayad sakin ni Mr.Salazar kong sakaling pumayag akong maging mommy ng anak nito.

Nakwento kasi sakin ng binata na hindi ito iniimik ng anak sa kadahilanang ako ng ang gustong maging ina nito.Pero pano kong bumalik ang totoong ina ng bata ? at sa pagkakataon na yon nahulog na din ang loob ko sa bata?bata lang ba Michelle?Pinilig ko ang gustong iparating ng iniisip ko.

Fifty thousand a month Miss Ignacio,sana sapat na yon para pumayag ka.

Pumailanlan ulit ang sinabi ng binata.Pinikit ko nalang ang mata ko para tigilan ang mga iniisip.Hindi ko kayang magdesisyon ng ganun.Pano kong tumagal ako sa pagiging ina ng bata? pano kong pag tumagal talaga ako tuluyan nang mahulog ang loob ko sa ama ng bata? pano kapag ....hindi ko alam ayoko na mag isip.

"What is you final desisyon Miss Ignacio?"nanginginig ang kamay ko habang nakaupo kaharap ang binata.Tinawag ako nito kanina na magkita kamo dito sa restaurant kong saan ako nagtatrabaho.Sa totoo lang hindi ko pa alam.Mataman lang ako nito tinititigan.Kaya nararambulan na naman ang mga daga sa dibdib ko.

Namamawis na din ang palad ko feeling ko nga pati kilikili ko namawis eh.Pinakatitigan talaga ako nito kaya nakailang lunok na ko ng laway dahil pakiramdam ko matutyuan ako anuman oras.

"Ahm...an..kasi.."parang tangang buka ng bibig ko na hindi ko naman mahagilap ko akong ang saktong itutugon ko.Agad akong napababa ng tingin at pinakatitigan nalang ang mga kamay kong nanginginig.Parang nag iba kasi ang awra ng binata dahil sa mga katagang lumalabas sa bibig ko.

"What?" inis na turan pa nito parang nauubusan na nang pasensya dahil sa matagal akong tumugon.

pero teka bakit naman ako ang matatakot eh siya itong may kailangab sakin.?

Lihim akong humugot na hininga pagkatapos umangat ng tingin sa kaharap.Salubong ang makakapal na kilay at matigas ang pagkakatingin sakin nakalapat na madiin ang mga mapulang labi.Yon ang nabungaran ko na para bang ano mang oras mauubos ang pasensya nito sakin.

"Mr.Salazar hindi ko pa tinatanggap ang offer niyo."matapang kong nakipagtitigan sa kaharap kahit pakiramdam ko matutunaw ang sa mga titig din nito sakin.Hindi agad nakasagot ang binata kaya hindi ko rin binaba ang titig ko sa kanya.

Akala siguro nito madadala niya ako sa pera na ibabayad sakin.No way high way...

Ako ang unang nagbaba ng tingin dahil parang hinihigop ng mata nito ang mata ko na anumang oras mapapasunod ako sa gusto.

"Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho Mr.Salazar our time is up."sabi ko at tumayo na hindi pa rin ito nagsasalita.Pinakatitigan lang ako.

Nakita kong tumaas ang gilid ng labi nito kaya nagulat na parang ngumiti pa ito.At bakit naman ito ngingit?

"Okay Miss.Ignacio its that your final desiscion?"he smirked na para bang may kong ano pa itong binabalak tumango naman ako."Kakausapin ko ang may ari ng restaurant na to para ipull out ko ang kalahati ng share ko dito nang sa ganun magsara na ito."agad itong tumayo.Nagulat ako sa huling sinabi nito.What the ....nakita kong kinuha nito ang suit na pinatong sa likod ng inupuan nito kanina.

Huli na nang mapagtanto ko ang mga sinabi ng binata.Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho dahil tumutulong ako sa kanila sister pano nalang pag wala akong trabaho.

"Mr.Salazar...."hindi ko na alintana ang mga taong kumakain.Basta deritso lang ang tingin ko sa binata.Huminto naman ito at dahan dahang humarap sakin.Mas lalo akong uminit nang dahil sa pagngiti ngiti nito.Pero hindi init ng sa galit kundi init na kakaiba.Dahil lang sa pag ngiti nito.At ito na naman ang puso ko parang tangang bigla nalang naghurumentado.

Napansin ko nalang na nasa harapan ko na ang binata.Naupo ulit kami sa dati naming inupuan kanina.

Sa huli pumayag na din ako s gusto.Kahit labag man sakin.Pero iniisip ko nalang ang mga taong tinutulungan ko.Ang perang makukuha ko maraming makikinabang dun.Kaya kahit ayaw ko man pikit mata ko nalang tinanggap.

Kahit na alam ko sa huli ako lang ang masasaktan.Kong patuloy akong aasa sa pagtingin na namumuo para sa binata.Kahit lihim na tingin lang at makasama siya masaya nako.Hahayaan ko nalang na kusa itong mawala kong ano talaga ang nararamdaman ko sa binata.

Shock Michelle nagmamahal kana ata?Okay lang kahit palihim itatago ko nalang ang totoo.ano ba talaga ang totoo?

Baka nga totoong may gusto na ako sa kanya???

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang