Chapter Twenty-seven

22.2K 477 3
                                    

_______ ______ _____

"SISTER Cecile.."tawag ko kay sister nang matapos ang pagpropose ni Zeke. Nakita naman niya ako at nakangiting lumapit sakin. Naipakilala ko naman sila dati kay Zeke kaya siguro nandito din sila baka sinundo.

"Grace ,masaya ako para sayo natagpuan mo na ang kaligayan mo."nakangiti nitong sabi. Yumakap naman ako,si sister ang nagtayo bilang magulang ko mula nang napadpad ako sa ampunan."Nawa'y patnubayan kayo ng diyos sa inyong pagsasama.."

"Salamat po sister, "  masaya din ako kasi nandito sila. Tinawag muna si sister  Cecile ni sister Melody. Kaya iniwan naman niya ako. napahinga ako nang malalim sabay tingin sa daliri kong may singsing. Ang ganda may maliit na bato at alam kong mahal ito.

Malapit na..malapit na kong Mrs. Salazar ..

Napaigtad ako nang may biglang pumulupot sakin. Sa amoy palang kilalang kilala ko na. Niyakap niya ako ng mahigpit at naramdaman kong hinalikan nito ang ulo ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagpropose na siya sakin.

Nilibot ko ang paningin nakita kong busy ang lahat sa kanya kanyang ginagawa. Napahawak ako sa braso niyang nakayakap sa beywang ko at dahan dahang humarapNapatitig ako sa gwapo niyang mukha matapang man ang awra niya nakikita naman sa mata nito kong gaano kaamo. Ang matangos na ilong mapulang labi at perpektong hugis ng panga.

Napangiti ako nang matitigan ng husto ang mukha niya. Titig na titig din ito sakin animo pareho kaming iniisip sa kanya kanya namin mukha.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Where stories live. Discover now