Chapter Twenty

22.5K 667 11
                                    


A/N
Minamadali ko talagang matapos ito, tsaka wala akong ginagawa at hindi busy. Sinusulat ko na agad ang tumatakbo sa isipan ko.Nakakabaliw pag hindi ko maisusulat..Echus... share ko lang..hehehe.

__
bibigyan ko ng pagkakataon mailabas ang saluobin ni Salazar.
Carry lang self kaya pa?!!

Salamat kong may nagbabasa man..

_________

NASA LOBBY palang ako pinukol ko na nang masasamang tingin ang mga empleyado ko. Kaya nagsiyukuan ang mga ito at nagbalik sa kani-kanilang ginagawa.

Lahat sila napagbubuntungan ko ng galit simula nang iwanan niya ako kasama ang magiging anak namin.

At ang mga walang kwentang taong inutusan ko maghanap,hanggang ngayon hindi pa rin nila mahanap-hanap. Mga mukhang pera.

Napatigil ang pagsalubong sakin ng secretary ko nang pukulin ko siya ng masamang tingin. Napayuko nalang ito at bumalik sa table.Pagpasok ko sa opisina pabagsak kong sinara ang pinto. Napaupo ako sa swivel chair at nahilot ang sintido.

Nasaan na ba kayo love,please bumalik kana...

Four fucking years...Apat na taon nasaan na ba kayo? miss na miss kita at ng angel natin. Napaluha nalang ako sa pangungulila sa mag ina ko.

KINABUKASAN paglabas ko ng kwarto nakita ko siyang kalalabas lang din sa kwarto ng anak namin. Napansin kong namamaga ang mata niya. is she crying? napatitig nalang ako sa kanya at pilit na ngiti ang binigay sakin.

Nasa hapag kami kumakain nang tanungin ako ng anak ko kong ano oras ako umuwi kagabi. Natigilan ako dahil nagsabi talaga ako na sasabay ako sa kanila ng hapunan. Pero buti nalang iniba ni Michelle ang topic hindi na ulit nagtanong ang anak ko. Wala naman ako maisagot..

Nagkaaberya ang kompanya kaya hindi agad ako nakauwi. Pinuntahan ko pa ang isang branch ng company ko para ayusin. Madaling araw na pero nasa site pa rin ako. Naiwan ko pa ang cellphone sa kotse sa sobrang kamamadali.

Tiningnan ko si Michelle nginingitian lang niya ako ng pilit.Alam kong may problema siya hindi lang sinasabi sakin.

Hindi ko na matiis ang pananahimik niya.Kaya niyakap ko nalang sa likuran para tanungin kong anong nangyari. Tanging pagsakit namg tiyan lang ang nasabi sakin.Hinaplos ko ang tiyan na medyo malaki na ang umbok.Hinalikan ko siya bago kami umalis ni Louie.

Pagdating sa company naabutan kong nakikipagtalo ang babae sa secretary ko. May sinasabi ito na ikinayuko ng secretary.

"What happening here?" natigil ang dalawa at napalingon sakin. Natigilan ako nang makita kung sino ang babae."Ni-kki?" banggit ko sa kanya.

"Ezekiel!"naglakad ito papalapit sakin hindi pa ako nakagalaw sa pagkabila nang makita siya pero mas lalong natuod ako nang halikan ako niya sa labi. Nang hindi ako tumugon sa halik napabitiw siya sakin."Long time no see how are you?"nakangiti niyang tanong.

Dun lang ako natauhan nang marinig ang boses ng secretary ko.Nakakapit pa ang babae sakin. Napaalis nalang ito nang pandilatan ng mata ng babae.

Pagkapasok sa office napaupo ako sa swevil chair ko agad naman kumandong sakin si Nikki. Anong ginagawa nang babaeng ito dito. At bakit ito nandito.

Siya ang babaeng minsan naging laman ng isip ko.Pero kailan man hindi naging laman ng puso ko.Noon masaya ako na lage siyang kasama. Pero nung umalis siya nang paalam hinayaan ko nalang siya. Pero nung nawala siya parang nasaktan ako at sinasabing hindi ako mabubuhay nang wala siya.Inaamin ko noon na may kaunti na siyang puwang sa puso ko.Ang kaso iniwan niya lang ako.

"Anong ginagawa mo dito.?"tanong ko. Tinabig ko siya nang akmang hahalikan na naman ako.Nag flash sa isipan ko ang mukha ni Michelle kaya napatayo ako.

"Ezekiel. bumalik ako para balikan ka,magsimula tayo ulit please."napansin ko na mas lalong gumanda ito.Naging makinis ang balat at ang mukha puno ng make up.Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya.Anong tingin niya sakin laruan na kapag gusto niyang balikan kukunin nalang niya at babalikan.

"Wala ka nang babalikan at kahit kailan wala ka namang iniwan para balikan." pinukol ko siya nang masamang tingin. Nagbago ang mukha nito at nanlilisik na hinarap ako.At kong ano ano na sinasabi.

Hinanap ko sa lamesa ang envelop na naglalaman ng mga papeles na inabot sakin ng manager ng isang branch company ko.Kaso wala kinapa ko rin ang bulsa ko wala ang cellphone ko.
Dali dali ako lumabas baka naiwan sa kotse ko.

Hindi ko napansin na nakasunod pala sakin si Nikki at may sinasabi ito.Nakarating kami sa lobby na pinagtitinginan ng mga empleyado ko.Ang ikinagulat ko bigla niya akong hinigit nahalikan ko siya bigla napasighap ang mga tao sa paligid.

Nanlaki ang mata ko nang mahagip ng mata ko ang babaeng nakaupo sa bench nakatingin ito sakin. Pilit itong ngumiti at napatango bago lumabas ng company.

Susundan ko sana kaso pinigilan ako bigla ni Nikki pero tinabig ko lang kamah niya.Palabas na sana ako nang may tumawag na naman sakin kaya napalingon ako.

Ang receptionist lumapit sakin at may inabot na envelop saka ang cellphone ko. ibig sabihin naiwan ko sa bahay ito at hinatid ni Michelle . Tumakbo ako palabas para habulin ang babaeng mahal ko.Kaso wala na ito.

.......

NABALIK ako sa kasalukuyan nang may bumukas ng pinto handa na akong sigawan kong sino man ang pumasok.

Pero ang balak kong sisigawan sana naurong ang dila ko. Nang isang batang babae ang pumasok. Maganda ito at nakasuot ng headband.Nginitian ako kaya biglang sumikdo ang dibdib ko dahil sa ngiti.

"Hmm Mr.pogi ano po ..kasi nagugutom po ako may pagkain kaba dito?" nakatago ang mga kamay niya sa likod at parang nahihiya pa dahil sa sinabi.

Napangiti ako at bumilis talaga ang tibok ng puso ko.Tumayo ako at lumapit sa bata.

"Halika, ikukuha kita ng pagkain."aya ko sa kanya papuntang pantry. Nakasunod naman ang bata sakin. Kumuha ako ng pagkain sa fridge at ininit ko muna saglit sa microwave.

"Mr. pogi ang ganda naman po nitong opis mo. siguro marami kayong pera no!" nakita kong tinitingnan niya ang paligid ng pantry. Hindi nakaligtas sakin ang maganda nitong ngiti. Prang may nakikita ako sa batang ito. Napaiwas ako ng tingin sa bata nang tumunog na ang microwave.

Sinalin ko ang pagkain sa plato at nilagay sa lamesa agad naman umupo ang bata sa upuan.

"Hindi ka pa ba kumakain? sinong kasama mo pumunta dito?" naaliw ako sa mukha ng bata na parang may kahawig ito at ang mga mata parang may nakikita ako sa kanya.Hindi ako pinansin itinuloy lang ang pagkain.

Matatapos na ito sa pagkain sakto naman pumasok ang secretary ko.Kaya napadako saamin ang tingin.Napansin kong napalaki ang mata nitong nakatingin samin.

"Zia..nandito ka lang pala..naku sir pasensya na po..malikot po kasi ang batang to."hingi nito nang paumanhin. anak niya ba ito?.Tiningnan lang ng bata ang secretary ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Tita ninang im hungry po kasi,sorry po." anito ng bata.

"Its okay Miss. Saurez.." nahihiya namang napayuko ang babae. Lumapit sa bata at kinausap na ito.

Paglabas ng dalawa sa office ko parang gusto ko ulit makita ang bata.May kung ano sa dibdib kong kasiyahan nang masilayan ang mukha nito lalo na ang mga mata.Ang bilis pa ng tibok ng puso ko.

Lumabas ako ng office ko at napadako ang tingin ko sa table ng secretary ko. Hinanap ng mata ko ang bata kaso wala doon.

Paglabas ko ng elevator napatigil ako sa paglalakad nang may makita sa labas.Mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko,hindi ako pwedeng magkamali si Michelle yon.Dali dali akong lumabas.

"M-ichelle." sigaw ko. Napahinto ang mga ito at napalingon.Pero mas nagpalakas ng tibok ng puso ko nang makita ang batang hawak niya.Siya ang bata kanina na pumasok sa office ko.Magkasama ang tatlo pati ang secretary ko.

"Z-eke?"

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'حيث تعيش القصص. اكتشف الآن