Chapter Nineteen

22.1K 611 16
                                    


.....

"Ano gusto mong ipangalan natin sa baby may naisip ka na ba?"  nakaupo kaming dalawa sa upuan sa may garden.Nakasandal ako sa dibdib niya at hinihimas naman nito ang umbok kong tiyan.

Hinalikan niya ako sa ulo kaya napapikit nalang ako.

"Gusto ko ikaw ang magbibigay ng name dahil ikaw ang naghirap magdala sa kanya."anito. Nakatanaw kami sa mga halaman sa hardin. Medyo lumayo ako at hinarap siya.

"Hmm..may gusto na akong name para sa kanya..pero secret ko lang hindi ko sasabihin."nakangiti kong sabi. Tiningnan niya naman ako na may nakakalokong ngiti. Tapos bigla akong hinalikan sa labi."Sana pag lumabas si baby kasama kita ha!wag mo kong iiwan."biro ko sa kanya nang maghiwalay ang labi namin.

"Of course,Im always here for you? at sa anak natin.."hinalikan naman ako sa noo"Mahal na mahal ko kayo."biglang napalakas ang pagtibok ng puso ko na para bang lalabas na sa dibdib ko. Napakagat labi ako dahil feeling ko namumula na ako.Pinapakilig na naman niya ako.

________

"Aaaahhhhhh." napalakas ang sigaw ko nang maramdaman na lalabas na talaga ang anak ko. Halos mapuno na.nang pawis ang buong mukha ko ang sakit pa ng tiyan ko.

''Sige iha ire pa..malapit na ..isa..dalawa..tatlo.. ire..."pagkabilang ng doctora agad akong umire ng malakas halos namamaos na din ako sa kakasigaw.Dahil masakit talaga.

Naramdaman ko nalang na may lumabas na sakin at iyak ng isang sanggol ang narinig ko kahit nanghihina pinilit kong aninagin ang anak ko napangiti ako bago nawalan nang malay.

Nagising ako sa ingay ng paligid kaya iminulat ko ang mga mata ko. Nandito sila sister Cecile ,at sister Melody. At napangiti ako dahil nakita ko na karga nila ang anak ko. Napansin nilang gising na ako kaya nilapitan nila ako at binigay sakin ang baby.

Napaluha at napangiti ako nang masilayan ang mukha ng anghel ko.Ang liit niya at namumula pa. Nakikita ko ang pagkakahawig niya sa ama. Ang ilong,labi,at ang hugis ng mukha. Mukhang kinuha lahat niya ang meron sa ama.Natutulog ito kaya hindi ko alam kong anung kulay ng mata. Siguro naman kakulay ko na. Sana nga may makuha kahit papano sakin.

Napalingon kami sa pinto nang may pumasok na nurse.May binigay sakin na papel na dapat kong pirmahan.

Kahit naman nagkalayo kami ng ama niya hindi ko ipagkakait sa kanya ang bata may karapatan din siya.

Azia Louise Salazar...

Pagkatapos ko pirmahan inabot ko na sa nurse bago binalingan ang anak kong natutulog sa tabi ko.

_____

Four Years Later....

"Zia halika na baka hinihintay na tayo nila sister.."sigaw ko sa anak kong ang tagal bumaba.Ano ba kasi pinag gagawa pa nito ang silid niya.

"Sandali na lang po mama."balik sigaw naman niya sakin. Sa tatlong kalahating taong gulang marami nang gusto at natututunan ang anak ko.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Tinawag ko na naman ulit. At sa pagkakataon na ito lumabas na siya ng kwarto na nakaayos ang buhok.At may inilagay sa labi at pisngi. Nanlaki ang mata ko dahil pinakialaman naman niya ang liptint at face powder ko. Namumula ang labi nito at ang pisngi namumuti dahil sa powder.

"Anong ginawa mo sa mukha mo.!?"pinandilatan ko siya ng mata. Ito kasi ang nakikita niya sa mukha ng tita ninang nito palageng puno ng make uo ang mukha pag pumupunta dito.

"Mama,konti lang po nilagay ko..like duh! Im more maganda kaya!" hindi ko alam kong magagalit ako sa pinagsasabi niya. Inipit pa nito ang nakatakas na hibla ng buhok sa likod ng tenga. Ang arte nito namamana sa ninang.

"Sinong nagsabi sayo na maglagay ka niyan ha!"pagalit kong sabi.Para naman alam niyang nagagalit na ako.Dahil minsan hindi ko ito napapagalitan kaya sumusobra sa kaartehan na nakukuha sa ninang Makakalbo ko talaga ang babaeng yon.

Pinalapit ko siya sakin at pinunasan ang namumuti nitong mukha pinunas ko din ang namumulang labi. Kaya napanguso ito na parang iiyak na.

"Anak..hindi mo naman kailangan maglagay ng mga ito..dahil kahit walang ganito maganda ka..maganda tayo."hinaplos ko ang buhok nito at inayos. Hinalikan ko siya sa pisngi."Halika na baka naghihintay na sila sister."tumango naman siya sakin at humawak sa kamay ko bago lumabas ng apartment.

Nung nag isang taon si Zia naghanap na ako ng matitirhan namin. Ayoko naman na pati ako magdadagdag sa alalahanin nila sister. Kaya nung nakahanap ako bumukod na kami at dun ko naman nakilala si Honeyleen. Ang makulit na babaeng kapitbahay ko na nagbolontaryo na maging ninang sa anak nung binyagan ko na.Wala na rin ako nagawa kundi kinuha na siya. Nagpapasalamat ako at nakilala ko siya. Tinulungan niya akong maghanap ng trabaho.Kaya ngayon may trabaho na ako at yon ang ikinabubuhay namin sa mga taon na nagdaan.

Na kahit papano hindi kami pinabayaan ng diyos. Nairaos ko pa rin ang pang araw araw at buhayin mag isa ang anak ko. Pag weekend wala ang kaibigan ko dahil may trabaho bilang secretary. Minsan ibinibilin ko sa kanya si Zia pag may trabaho ako.Kaya ang mga pakikay ng anak ko sa babaeng yon natututunan. Kaya masasabunutan ko yon pag nakita ko.

Naabutan namin sila sister na nag aayos na nang mga tables. May program kasi na gaganapin dito sa ampunan. At nakikita kong masaya ang nga bata. Binibisita naman kasi ito minsan ng mayor ng munisipyo. Laking pasalamat ko na marami nang tumutulong sa ampunan. Naipaayos na din ang ibang kwarto na sira sira dati. At marami din ang nagdudulong na tumulong.

Napangiti ako nang lumapit ang anak ko sa mga madre at nagmano. Kahit naman minsan may pagkasutil ang bata magalang parin ito. Inayos ko ang ibang nakadecorasyon na nakasabit. Dahil ano mang oras magsisimula na ang program.

Gabi na nang matapos ang ganap sa ampunan.Kaya napagod ang bata. Pinahiga ko na sa kama at kinumutan. Pinakatitigan ko ng mabuti ang anak mo. Nakikita ko sa kanya ang mukha ng ama. Kaya kahit na anong pilit kong kalimutan hindi ko magawa. Nakikita ko kasi siya sa anak namin. At laking pasalamat ko dahil may nakuha naman ito sakin. Ang kulay ng mata.Yon lang ang naman ni Zia sakin. Pero ang mukha siya ang girl version nila Zeke at Louie.

Naisip ko naman ang mag ama kamusta na kaya sila.  Siguro malaki na si Louie galit kaya siya sakin? Dahil iniwan ko na naman siya nang walang paalam. Matatanggap pa kaya niya ako bilang ina niya. Hinalikan ko sa noo si Zia saka tumayo lumabas ng silid at nagtungo sa sarili kong kwarto.

Mahal pa kaya niya ako?
Hinanap kaya niya ako?  o masaya na siya sa babaeng kasama niya noon.

May hapdi dumaan sa dibdib ko sa isiping masaya na sila kasama ang bagong ina ng anak niya.

Namalayan ko nalang na lumuluha na ako. Pinunas ko ito at nahiga na.

sana maging masaya na rin ako dahil may Zia na ako sa buhay.Kahit wala siya..Wala ang lalaking minsan naging bahagi ng buhay at puso ko.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Where stories live. Discover now