Chapter Twenty-four

23.2K 576 21
                                    


'so Ayon natapos ko kahapon lang ang istorya nang binabasa kong 'iloveyousince1892' super ganda. salamat sa author nun...

****
    APAT NA araw na kami dito sa resort masaya naman ang dalawang bata. Mas naging close nga si Zia sa kuya Louie nito.

At lahat binibigay naman ni Zeke ang gusto ng anak. Ayokong maging spoiled ang bata kaya sinasabihan ko. Nag iinarte na nga ang bata baka lumalala pa kong patuloy nila gagawin yon.

Inayos ko na ang mga gamit namin dahil babalik na kami ng manila. Marami daw trabahong aasikasuhin si Zeke. Hinayaan ko munang mamasyal ang dalawa.

Lumabas ako ng room namin para hanapin sila. Agad ko naman nakita, ang saya nilang pagmasdan. Napapangiti nalang ako habang nakatingin sa dalawa na naglalaro ng buhangin. Lalapit sana ako sa kanila nang may natanaw akong pamilyar sakin. Dahil curious ako kung sino yon naglakad ako para makilala nanlaki ang mata ko nang makilala ito.

Uminit ang ulo ko,kumirot ang dibdib ko at nagbabadya na ang luha ko. Nakatingin lang ako sa kanila na nag uusap at nakakapit pa ang braso nito sa beywang ng babae. Nakilala ko naman ang babae siya yong nasa kompanya dati na kahalikan ng binata. Nanikip ang dibdib ko sa nakikita naninikip din ang dibdib ko,umiinit na rin ang mata ko. Ano mang oras babagsak na ito pero bago pa mangyari yon tumalikod na ako.

Hindi ko man naririnig kong anong pinag uusapan nila. Sapat na sakin ang nakita ko.  Kaya ayoko munang balikan siya,para kay Zia kaya nandito ako ayokong mawalan siya ng ama na alam kong matagal na niyang gusto.

Pinunas ko ang mga luha hindi ko namalayang bumagsak na pala. Tinawag ko ang dalawa agad naman ang mga ito lumapit. Tumakbo papalapit sakin.

"Mommy.." tawag ni Zia napangiti ako nang makitang puro buhangin ang balat nito. Napansin kong napatitig sakin si Louie hindi nalang nagsalita.

"Halina kayo maligo at magbihis mamaya aalis na tayo." sabi ko sumunod naman sila. Hinawakan ko si Zia sa kamay at naglakad papunta sa lobby ng resort. Nakasunod lang si Louie.

"Dad?" rinig kong tawag niya sa ama kaya napatingin ako sa kanya at sinundan kong saan nakatingin. Nandon pa rin ang dalawa sa pwesto kong saan ko sila nakita. Hindi na nakahawak sa beywang ng babae  si Zeke. Nag uusap pa rin sila.

"Daddyyyyy.." sigaw ni Zia at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Napalingon naman si Zeke at ngumiti nang makitang patakbo si Zia sa kanya. Naglakad kami ni Louie palapit. Agad naman sinalubong nito ang bata at kinarga.

Nang makalapit na kami nakita kong nakataas ang kilay ng babae at masama ang tingin sakin. Hindi ko nalang pinansin.

"How's my princess are you done swimming?" hinalikan niya ang anak at pinunas ang buhanging nakadikit sa balat nito.

"Dad ano oras po tayo aalis?"tanong ni Louie sa ama tumingin ito sa babae at ngumiti."Tita Nikki?"anito at lumapit sa babae. Nakababa na ang kilay nito at nakangiting lumapit din kay Louie."Kailan pa po kayo dito kailan ka po umuwe galing states?"masayang tanong pa nito.

Yumakap ang babae kay Louie saka ngumiti ,ang plastic tsk! palihim akong umirap dahil feeling close ang dalawa. Baka nga close talaga ang mga ito dahil kong mag usap parang nagtagal talaga nilang hindi nagkita. Tawang tawa naman ang bata sa pinagsasabi ng babae.

Napatingin ako kay Zeke karga pa nito si Zia at nakangiting nakikinig sa sinasabi ng babae. Parang hindi nila ako nakita. duh hello nag eexist po ako nakikinig din si Zia s mga pinagsasabi ng bruhilda. Ano tingin niya maiinggit ako sa mga lugar na pinuntahan na niya. Kahit hindi ko man napuntahan ang mga lugar na yon hindi na mahalaga sakin. Sapat na sakin ang makapaglibot sa divisoria at baclaran para makapamili ng mga mumurahing gamit.

Habang nakikinig ang mga ito sa pasikat na Nikki pasimple akong umalis dahil pakiramdam ko out of place ako sa kanila. Nagtatawan pa ang mga ito. Si Zia amaze na amaze sa mga lugar na dinidiscribe ng bruhilda.

Pumasok ako sa room kong saan kami nag stay. Naninikip ang dibdib ko hindi man lang niya ako nakita ko ipakilala man lang don sa bruhang yon. Namalayan ko nalang lumuluha na ako ang sakit kasing makita masaya sila. Pinunasan ko ang luha at pumasok sa kwarto hinila ko palabas ang maletang inayos ko kanina. Mabigat nga pero ayos lang mas mbigat ang loob ko dahil sa nakita ko at masakit ang dibdib ko.

Bumalik ako sa kwarto para maligo. Habang naliligo naisip ko kong gaano kasaya ang mag ama. Minsan ko lang nakita ang mga ngiting yon. Pati si Louie masayang nakangiting habang nakikinig sa kwento at pinagmamalaki ng babaeng yon.

Oo alam kong hindi naman ako makakapunta o makakaikot sa buong mundo,masaya na akong na sa anak ko lang iikot ang mundo ko. Mapait akong napangiti sana umikot din ang mundo niya sakin. Tinapos ko ang pagpaligo at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto wala pa rin sila kumuha ako ng damit na susuotin nila at nilagay sa kama.

Nagtungo ako sa kusina para uminom dahil pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko. Narinig ko ang boses ni Zia at nandito na sila. Lumabas ako ng kusina.

"Mommy.." sinalubong ko siya.

"Halika maligo ka na.,ikaw din Louie." sabi ko tumango naman ito. Hindi ko siya tiningnan masama pa rin ng loob ko sa nakita. Inakay ko na si Zia sa kwarto para makaligo.

Pagkalabas ng banyo binihisan ko naman agad siya. tapos nagkukwento na ito ng mga narinig sa babae kanina. Nginingitian ko lang siya. dahil nakikita kong gandang ganda ito sa mga lugar na pinagsasabi ng bruhang yon.

"Mommy sana tayo din makapunta dun sa sinabi ni tita Nikki na disneyland dahil doon daw po sila mickeymouse." masayang sabi nito. Nangingislap pa ang mata niya nang mabanggit ang 'mickeymouse' tumango lang ako.

Alam ko naman na hindi ko siya madadala don wala naman akong pera para makapunta. Ang naipon ko sapat lang sa amin. Ayokong humingi at umasa sa binata. Tanging si Zia lang naman ang suportado niya. kaya hindi na ako umaasa.

Pagkatapos ko siyang bihisin at ayusan tumakbo na ito palabas. Niligpit ko naman ang ginamit nito sa paligo.  Palabas na ko nang bumukas ang pinto pumasok ang binata. Inirapan ko ito at dahil masama ang loob ko sa kanya hindi ko siya pinansin. At lumabas nalang ng kwarto ayokong makausap siya. lalo na ngayon galit ako sa kanya dahil sa babaeng yon.

Pabagsak kong sinara ang pinto. Wala akong pakiaalam masama taaga ang loob ko. Napatingin sakin ang dalawa hindi ko nalang pinansin.


*****

Yeaahhh ito na..pagpasensyahan niyo na

wala namang nagbabasa charot...

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Where stories live. Discover now