Chapter Ten

26.3K 738 18
                                    


   Pagpasensyahan nalang sa pa ingles ingles ko...Nagmamarunong kasi..kahit di marunong..

------

HALOS hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.Tatayo saka uupo ang ginagawa ko.Ang kalabog kasi ng dibdib ko hindi humihinto habang iniisip ang mensahe ng binata sakin.

Hindi ako nagreply sa text niya.Nanginginig kasi ang kamay ko baka ano pa mapindot at maireply ko.Tumayo ulit ako at naglakad lakad pabalik balik kagat kagat ang isang daliri ko.Nandito kasi ako ngayon sa waiting area ng mga estudyante may mga kasama din ako pero medyo malayo ako sa kanila.Napapatingin nga sila sakin baka iniisip nilang nababaliw na ako.Tumigil ako sa kakalakad at umupo ulit.Pinakatitigan ko ang cellphone at inulit ulit ang mensahe.

Ano ka ba Michelle nababaliw kana.

Pinilig ko ang ulo ko para alisin ang mga iniisip ko.Tsked! imposible na magustuhan ka ng amo mo.Nanny ka lang kong tutuusin hindi ikaw ang ina ng anak niya'.Nasaktan ako sa sariling iniisip.Pero tama nga naman nanny lang ako ni Louie.Na ang kagustuhan lang ng bata ang iniisip ng ama nito.

Napabuntong hininga ako.Nagulat akong nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong mensahe galing sa binata ulit.Bumalik ang kaba sa dibdib ko.Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang mensahe.Pero simpleng 'I'm here' lang ang nakasulat.Nagreply na ako na nasa waiting area lang ako.Baka isipin kasi nun wala akong load kaya hindi ko siya nireplayan.

Titig na titig ako sa cellphone ko nang makarinig ako ng ingay o mas tamang sabihing tilian.Kaya napaangat ako ng tingin para tingnan kong bakit maingay.

There....Walking greek god..

Deritso lang itong naglalakad nakasuot nalang ito ng light blue polo at nakatupi hanggang siko.Naka slacks at black shoes.With aviator pa.Ang matangos na ilong at mapulang labi at ang tamang hugis ng panga.Ang matitipunong katawan.Parang modelo ng mamahaling brand ng damit.Mas lalong lumakas ang ingay lalong lalo na ang puso ko nang papalapit ito sa kinaroroonan ko.Napalunok ako ng ilang beses ng laway dahil pakiramdam ko matutuyuan ako anomang oras.

Halos ang lahat ng pares ng mata ay nakatingin sa lalaking naglalakad.At nang tumigil ito sa tapat ko napasinghap ang lahat.Baka iniisip nila bakit ako ang nilapitan ng lalaki.Napatayo ako sa wala sa oras.Parang feeling ko nag init buong mukha ko.Pakiramdam  ko nga namumula na ako.

"H-hi.."nanginginig kasi ako sa sobrang kabog ng dibdib ko hindi ko alam kong pano ko ba siya babatiin.At saka nakakahiya sa mga taong nakatingin na ngayon sa amin.

"Let's go sa kotse nalang natin hintayin si Louie."hinawakan ako nito sa kamay.Nanlalamig na nga ito dahil sa kaba."your hand is cold."pansin nito.

Nagpatianod nalang ako sa kanya.Pero ang mga mata ng lahat nakatutuk samin o sa kamay naming magkahawak.Nasa hallway na kami sakto naman na labasan na nga estudyante.

Mga ang nagbulong bulungan pero parang balewala lang dito sa kasama ko hindi ko na lang din pinansin.

"Hintayin nalang natin saglit palabas na yon."sabi ko.Hihilahin ko sana ang kamay ko pero mas lalong humigpit ito.Napakagat labi na lang ako at tinatanaw ang daan kong saan dadaan yong bata.

"Siya ata ang asawa ni Mr.Salazar."

"Hindi ko alam baka nga siya...dahil hindi ko pa nga ni minsan nakikita ang ina ng anak niya."

"Akala ko walang ina ang bata,,balita ko kasi iniwanan daw si Mr.Salazar noon ng babae.''

"Hay naku kayo talaga,pribadong buhay ng tao yan wahmg na kayong makialam."

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz