Chapter Two

28.9K 762 15
                                    

DAY OFF ko ngayon.Tinanghali ako ng gising nagtimpla ako ng kape tsaka nagtinapay nalang.Marami akong gagawin ngayon maglilinis at maglalaba ng mga damit ko.

Nang matapos akong mag almusal nagbihis ako ng maluwag na damit at itinali ang aking buhok pataas.Inumpisahan ko sa kwarto ko ang paglilinis pati ang sapin ng higaan ko at punda pinalitan ko na din.

Inayos ko din ang mga konting gamit ko sa maliit na sala ng apartment ko.May tv din akong binili libangan ko sa panonood pag wala ako trabaho.

Sa loob ng ilang buwan na pagtrabaho ko medyo marami na din ako nabili na gamit.Binuksan ko ang dalawang bintana dito sa sala na bihira kong buksan dahil nga wala ako lage.Sa susunod na buwan isang taon na ko dito sa manila.

Bilang waitress sa isang malaking restaurant dito sa manila masaya na ako dun.At nasanay na ako sa bawat galaw at gagawin sa loob ng restaurant.

Nagluto ako ng tanghalian at kumain na din pagkatapos.

Nagpasya akong mamasyal dahil wala naman ako gagawin.Tsaka gusto kong magpahangin.Kahit wala naman sariwang hangin dito puro usok ng tambutso.

Simple lang ang sinuot ko nakadress ako na umabot hanggang tuhod na medyo hapit din sa katawan ko.Pinarisan ko ng flatshoes.

"Oyy aalis si miss bitiful." sabi ng isang tambay sa may kanto malapit sa tinitirhan ko.Kilala ko na ang ibang nagtatambay dito mababait naman sila mga lasenggo nga lang.Napangiti ako kay mang Oscar dahil tanghaling tapat bote ng alak ang hawak.

"Mang Oscar tanghaling tapat yan na agad hawak niyo" sabi ko at tinuro ko pa ang hawak nitong bote.

Tinaas pa nito na animo pinapakita sakin.Mag isa lang ito ngayon wala ang mga kasamahan nito.

"Wala na iba Ineng ito lang naman ang kasayahan ko."anito. Hindi na ako sumagot nagpaalam na akong aalis.

Nag abang ako ng jeep papuntang divisoria doon maraming bilihin na mura.Pagbaba ko ng jeep nagtingin tingin lang muna ako.

Pumasok ako ng divimall dahil mainit na sobra kaya palamig muna ako sa loob.Namili ako ng damit na nagustuhan ko tsaka konti gamit na kailangan sa loob ng bahay.

Gabi na akong nakarating ng apartment inayos ko muna ang mga pinamili ko bago nagpasya na maligo dahil pakiramdam ko nanlalagkit ako.

KInabukasan balik trabaho na naman.Tulad ng dati maraming tao.

"Good morning sir table for..?" nakangiti kong tanong sa lalaking kapapasok lang.

"Table for three."sabi nito kaya napalinga ako para hanapin ang kasama pero wala naman.

Giniya ko na ito sa lamesa na para sa tatlo."what your order sir?"tanong ko.

"Later hihintayin ko na pa kasama ko,give me a tea instead."anito tumango nalang ako tsaka umalis para kumuga ng tsaa nito.

Ilalapag ko na sana ang tsaa na hiningi nito nang nay bigla bata ang sumigaw.Kaya nabitin sa ere ang paglagay ko.

"Ninong Joe..ninong .."sigaw nito kaya napalingon naman ang lalaki siguro siya talaga ang tinatawag.

Nilapag ko ang teapot tsaka tumayo ng tuwid.Napalingon ang sa bata ito ang bata na nakita ko dati.Lumapit ito sa lalaki at nakifistpump.

"Hey buddy,wheres your dad?"tanong nito sa bata bago pinaupo sa bakanteng upuan.

"He's outside hahanap pa po ng parking."sagot naman nito."Hi miss beautiful"nagulat ako sa pagbati nito sakin at may pagkindat pa.

"That's my boy" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ang baritonong boses na mula sa likuran ko.Napatingin ang dalawa sa likuran ko na may nakakalokong ngiti.Hindi ako makagalaw dahil bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Yeaah because your my daddy."sang ayon ng bata at may pataas taas pa ng kilay ang cute lang tingnan.Umupo ang lalaking bagong dating sa katabi ng bata.

Kinuha na nila ang order kaya nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na ako.Pero di ko maiwasan di mapatingin sa gawi nila.Ang bata sobrang gwapo at ang cute cute.Seryoso ang dalawang lalaki nag uusap.

"Miss beautiful for you."napayuko ako nang kalabitin ako ng bata kaya napangiti ako nang ang cute na bata ay nasa harapan ko.Pasimple akong tumingin sa tables nila seryoso naman nag uusap ang dalawa.Binalik ko ang tingin sa bata may hawak itong isang tangkay na bulaklak na iniabot sakin.

Napangiti ako nang malaman kong saan niya ito kinuha.

"San mo ito kinuha?" kunwari tanong ko kahit alam ko naman.Napakamot ito sa batok na akala mo matanda na na nahihiya pa.Kinagat pa nito ang ibabang labi na parang iniisip ko sasagutin ang tanong ko.Kinuha ko ang isang tangkay kaya ngumiti ito.

Napailing na lang ako nang bigla itong tumakbo pabalik sa table nila.Kinausap ito ng ama.Kaya napatingin ang bata sa gawi ko.Bigla akong namula nang lumingon ang ama.Dali dali akong tumalikod dahi pakiramdam ko namumula na ang buong mukha ko.

Nagpatuloy ang pagtrabaho ko hanggang sa mag uwian na.Nauna na sakin si Christine dahil may aasikasuhin pa daw ito.

Nag aabang ako ng jeep nang may biglang tumigil na sasakyan sa gilid ko.Kaya napagilid ako ng konti baka mahagip ako.

Bumaba ang bintana ng sasakyan at dumungaw ang cute na bata.Napangiti na naman ako nang makita na naman ito nacucute-tan talaga ako.

"Good evening miss beautiful."bati nito sakin medyo nilabas pa nito ang ulo sa may bintana.Narinig kong sinaway ito ng ama.Oo ama nito ang kasama.

"Oh hi little boy."nakangiti kong bati.Sumimangot naman ang gwapong mukha niti?o.

"Im not a little boy anymore miss beautiful,im already a bigboy now."anito.Kaya nakapakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Okay."wala naman akong masabi bakit ba kinakausap ako nito.Bumaba ang bintana sa frontseat at nakita kong dumungaw dun ang ama ng bata.Kaya pakiramdam ko nanlambot ang tuhod ko nang makita ang gwapong mukha nito.

"Gusto niyang yayain kang kumain pwede ka ba miss?"tanong nito sakin at tumingin sa anak bigla naman napatango ang anak na tili nahihiya.

Hindi ko naman sila kilala pero bakit naman nila ako yayayain.Magaan ang loob ko sa mga bata dahil nga galing ako ampunan.Hindi agad ako sumagot sa paanyaya nito.

"Please,miss beautiful."malungkot na paawa ng bata dumungaw ulit ito sa bintana.Naawa naman ako kaya napangiti ako dahil kahit nagpapaawa ito hindi nababawasan ang kacute-tan.

"S-ige." sagot ko.Bubuksan ko na sana ang backseat na pinutuan nang magsalita ang bata.

"In frontseat po miss beautiful."anito.Wala na akong nagawa kundi doon umupo.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang nakalimutan kong huminga nang makapasok na ako at maamoy ang mabangong amoy ng loob ng sasakyan.

Nagulat ako nang lumapit ito sakin,kaya mas lalo kong napigilan ang paghinga sa ginawa nito.Napausog ako sa may pinto nang mas lalo pa itong lumapit.Napapikit ako dahil sa mabangong amoy nito at ang presensya nito.Halos pangapusan ako ng hininga.

Napamulat ako nang may nagclick at narinig kong tumawa ito kaya napatingin ako sa lalaki.Hindi mo namalayan na umaandar na pala ang sasakyan.

"Where do you want to eat bigboy?"anito sa anak.Wala naman akong imik dahil wala naman akong sasabihin tsaka hindi ko pa nga sila kilala.

"In Thai cuisine daddy, its okay with you miss..."anito ng bata.pinutol ko naman ang sasabihin nito.

"Just call me Ate Mitch."sabi ko dahil miss nang miss.

"Okay, ate Mitch."

Natapos ang gabi at ang dinner namin sa isang high end restaurant.At nakilala ko ang mag ama.Nagtataka nga ako bakit hindi nila kasama ang mommy ng bata.Wala naman ako karapatang magtanong.

Pagkahatid nila sakin ay umalis na din agad.Nakatulog na din si Louie ang anak nito.

HOTMEN SERIES:1 SINGLE DAD 'Completed'Where stories live. Discover now